AFter 5 yearsTIMOTHY POVAng bilis ng panahon . Parang isang iglap lang ngayon ay Malapit ng makapag tapos sina Penelope at Aurora. Hindi ko naman sila pinilit na mag abogarsya. Hinayaan ko silang mamili ng gusto nilang kurso. Hindi man nila napili ang landas naming mag-asawa ay atleast nagkaruon ito ng interes sa pagnenegosyo kagaya ng kanilang Auntie Natalie. Masaya ako sa tinatahak nila. Nabanggit nga sakin ni Natalie na talagang nag-e-exceed ang dalawa sa kanilang ginagampanang trabaho sa Sta. Barbara, gusto nila ang kanilang ginagawa kaya naman hindi na kami tumutol ni Emily. Nakakalungkot nga lamang at hindi na makikita ni Daddy ang achievement ng kanyang mga apo dahil pumanaw na din ito 6 na taon makalipas ang pagpanaw ni Mommy. Dala na rin ng katandaan niya. Si Manang Luming naman ay tuluyan ng nagpaalam sa amin at nais na niyang magpahinga kasama ang kanyang mga kapatid at pamangkin.Nag ring naman ang aking telepono. Si Natalie ang tumatawag sa akin.“Yes Natalie napatawag
NATALIE POVPinagmamasdan ko ang aking pamilya habang nagtatawanan ang mga ito sa aming sala. Alam kong hindi ako perpekto pero masaya ako sa kung ano mang ngyari sa buhay naming mag-asawa. Marami man naging pagsubok ay naging maayos din naman ang lahat sa pagtutulungan naming mag-asawa naging matatag kami dahil sa pananalig namin at pagmamahal na mayroon kami para sa isa't isa . Ang hindi namin pagbitiw sa isa't isa ang naging dahilan ng lahat ng mayroon kami ngayon. Ang pagtitiwala namin sa Panginoon at pagbibigay niya ng liwanag sa aming mga kaisipan sa panahong nasa loob kami ng madilim na kabanata ng aming pagsasama. Sa bilis ng panahon ay hindi ko na nalayan na ngayon ay paalis na din si Joshua para sa kaniyang pagpasok sa University sa Amerika. Masaya ito dahil napili siya bilang varisity player sa eskwelahan na kanyang papasukan. Masaya din kaming mag asawa sa mga bagay na gustong gawin ng aming mga anak. Samantalang si Lindsay ay napili ang pagpapatuloy ng kaniyang karera bi
KIM POV Naglalakad ako papaosk sa Casa habang ngumunguya ng chewing gum, Panay din ang hit-hit buga ko sa yosing kapit kapit ko. Kung dati ay hinihila pa ako nila Belen para humarap sa customer ngayon ay ako na ang nagbebenta sa sarili ko. Hindi na ako umaasa sa mga cusotmer lang na binigay sa akin ni Tikya. Nag-iikot ikot ako sa loob ng Casa para mag hunting ng mga mapeperahan ko, kapag nakita kong makapal ang bulsa ay dinidiskartihan ko na kaagad ito. Tinawag naman ako ni Tikya na nasa sulok ng Casa, nakaupo ito sa register area kung saan nagbabayad ang mga cusotmer. "Hoy Kim halika nga ditong babae ka! kanina ka pa paikot ikot diyan . YUng bayad mo sa kwarto baka nakakalimutan mo na naman. Buwan buwan na lang talaga kailangan pa kitang paalalahanan." sabi nito sa akin. Nasanay na din ako sa malakas na boses ni Tikya kaya naman walang nagiging sikreto sa kanilang magkakasamahan lalo na pagdating sa bayarin at ibang personal na buhay. "Puny*ta ka ang ingay ingay na naman niyang
Hindi ko inaasahan ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko. Kinaladkad ako palabas ng Casa ng mga bouncer. Tinapon ako sa loob ng isang itim na Van , nagatataka naman ako kung bakit ginawa sa akin iyon. Isang lalaki ang nagtali sa aking mga kamay habang ang isa naman ay naglagay ng taklob sa aking ulo. Piniringan din nila ang aking mga mata at nilagyan ng busal ang aking bibig. Doon na ako ninerbyos . Nagpupumiglas ako sa pagkakakapit nila sa akin ng biglang may ipaamoy sa aking isang panyo at tuluyan na akong nawalan ng malay. Hindi ko na matandaan kung ilang oras na din akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako mula sa pagbuhos ng tubig sa aking mukha. Halos malunod pa ako dahil sa nakabusal sa aking bibig. Uubo ubo ako ng tanggalin nila ang busal sa aking bibig. Naririnig ko naman ang halakhak ng isang babae na kasama ng mga ito. Malakas na tawanan sa paligid ang aking narinig. Nakapiring pa rin ang aking mga mata kaya naman hindi ko makita ang mga taong gumagawa sa akin nito
CELETINE POV Ilang taon na din ang nakalipas magmula ng makaalis kami sa Pilipinas. Mabuti na lang at wala na din akong komunikasyon kay Andrew. Ilang taon ko din itong iniwasan at tinaguan. Lahat na ng kasinungalingan ay nasabi ko na sa kanya. Salamat sa sugar daddy ni Suzette at naitago kami nito sa US sa mahabang panahon. Natatakot din kasi akong malaman ni Andrew ang tungkol kay Julie ang aking anak. Sa panahong ito nakakasiguro akong hindi si Andrew ang ama ni Julie. Makikita ito sa itsura ng aking anak. Lumamang ang pagiging half american nito lalo na sa kaniyang buhok at mata. May mga kaibigan akong nakapagbalita sa amin na hanggang ngayon ay pinapahanap pa din ako nitong si Andrew, nais daw nitong maghiganti sa akin sa pang-iiwan ko sa kaniya. May laban din ito sakaling kuhain niya si Julie dahil legal na asawa ko pa rin ito. Kaya naman humingi akong muli ng tulong sa sugar Daddy ni Suzette. "ate magkakaproblema na daw tayo sabi ni tanda" bungad na sabi sa akin ni Suze
COLTON POV Ilang linggo ng malamig ang bawat gabi ko. Nakahiga pa rin ako sa aking kama habang nakayakap sa unan na paboritong gamitin ni Nicholai. Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha na kinakapa ang pwestong hinihigaan ni Nicholai umaasang isang araw ay makakapa ko ulit itong natutulog sa aking tabi. Hindi ako makapag kwento kay Natalie sa malungkot na pangyayari sa aming buhay. Ayokong idamay ito sa drama ng buhay namin lalo na ngayon na masaya na ito sa kanyang pamilya. Sobrang bigat sa dibdib na aking naramdaman. Tila sasabog na ito sa sobrang sakit. Hindi ko naman inaasahan ang biglang pagdating ng sking kaibigan sa aming bahay. Walang tigil na pagkatok sa aking pintuan ang umalingawngaw. Wala pa rin akong balak na tumayo para silipin ito o pagbuksan . Gusto kong magpakalunod sa kalungkutang nararamdaman ko. Narinig ko na lang ang lagabag ng pwersahang buksan ng mga taong nasa labas ang aking pintuan. Humahangos ng takbong lumapit sa akin itong si Natalie “Baks baki
Tila ilang beses kaming nagpaikot ikot sa loob ng aming sasakyan nakita ko na lang ang sarili kong nakabaliktad dahil sa seatbelt ko nakita ko si Nicholai na humagis sa labas ng sasakyan , nakahandusay siya sa kalsada na duguan. Tinawag ko pa siya bago ako tuluyang nawalan ng malay na magising ako ay wala na siya. (Sumubsob na ako sa aking mga palad) sinabi sa akin ng mga doctor na hindi na siya umabot ng buhay dito sa ospital. Dead on arrival siya dahil sa natamo niyang hemmorhage sa kanyang ulo” pagkukwento ko sa kanila. " huhuhu! ang sakit sakit! parang hindi ko kaya beshy" nanghihina kong sabi sa aking kaibigan.“Baks kung gusto mo sumama ka na samin sa pinas, sa bahay ka na muna tumuloy. Saka yung bahay na binigay ko sayo . Kumpleto naman na ang kagamitan dun, kung gusto mo dun ka na muna. Pasasamahan na lang kita sa isa sa mga tauhan ko” nag aalalang sabi sakin ni Natalie“Hindi na baks. Babalik na lang ako ng UK. Gusto kong lumayo muna , pasensya na baks pero hindi ko na mainti
5 HOURS AFTER Isa-isa ng dumating sa aming bahay sila Penelope, Aurora, Michelle at Maria. Kahit na binilinan ko na ang mga ito na wag ng magdala ng kahit na ano ay may dala pa rin silang mga dessert na pagsasaluhan namin mamaya. tila naging fiesta na naman sa dami ng nakahain ngayon sa aming hapag. Tuwang tuwa din si Lindsay dahil nabisita na naman ang kanyang mga pinsan sa bahay. Pero bago ang aming pagpupulong ay kumain muna kami. Wala naman si Sebastian ng mga sandaling iyon dahil nasa byahe ito para sa kanayng business venture. 1 week din itong mawawala . Masaya kaming kumain, nagkwentuhan kami tungkol sa mga personal na buhay namin. Kamustahan sa mga ngyari ng mga nakaraang mga linggo. Kapag kami ay nasa hapag hindi muna namin pinag-uusapan ang tungkol sa trabaho. Hindi ko naman inaasahan ang kinuwento sa amin ni Aurora. Sa kabila ng katatagan nito sa kompanya ay hindi ko man lang napansin na may malungkot palang ngyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Natutuwa ako sa pagi