Hindi ko inaasahan ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko. Kinaladkad ako palabas ng Casa ng mga bouncer. Tinapon ako sa loob ng isang itim na Van , nagatataka naman ako kung bakit ginawa sa akin iyon. Isang lalaki ang nagtali sa aking mga kamay habang ang isa naman ay naglagay ng taklob sa aking ulo. Piniringan din nila ang aking mga mata at nilagyan ng busal ang aking bibig. Doon na ako ninerbyos . Nagpupumiglas ako sa pagkakakapit nila sa akin ng biglang may ipaamoy sa aking isang panyo at tuluyan na akong nawalan ng malay. Hindi ko na matandaan kung ilang oras na din akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako mula sa pagbuhos ng tubig sa aking mukha. Halos malunod pa ako dahil sa nakabusal sa aking bibig. Uubo ubo ako ng tanggalin nila ang busal sa aking bibig. Naririnig ko naman ang halakhak ng isang babae na kasama ng mga ito. Malakas na tawanan sa paligid ang aking narinig. Nakapiring pa rin ang aking mga mata kaya naman hindi ko makita ang mga taong gumagawa sa akin nito
CELETINE POV Ilang taon na din ang nakalipas magmula ng makaalis kami sa Pilipinas. Mabuti na lang at wala na din akong komunikasyon kay Andrew. Ilang taon ko din itong iniwasan at tinaguan. Lahat na ng kasinungalingan ay nasabi ko na sa kanya. Salamat sa sugar daddy ni Suzette at naitago kami nito sa US sa mahabang panahon. Natatakot din kasi akong malaman ni Andrew ang tungkol kay Julie ang aking anak. Sa panahong ito nakakasiguro akong hindi si Andrew ang ama ni Julie. Makikita ito sa itsura ng aking anak. Lumamang ang pagiging half american nito lalo na sa kaniyang buhok at mata. May mga kaibigan akong nakapagbalita sa amin na hanggang ngayon ay pinapahanap pa din ako nitong si Andrew, nais daw nitong maghiganti sa akin sa pang-iiwan ko sa kaniya. May laban din ito sakaling kuhain niya si Julie dahil legal na asawa ko pa rin ito. Kaya naman humingi akong muli ng tulong sa sugar Daddy ni Suzette. "ate magkakaproblema na daw tayo sabi ni tanda" bungad na sabi sa akin ni Suze
COLTON POV Ilang linggo ng malamig ang bawat gabi ko. Nakahiga pa rin ako sa aking kama habang nakayakap sa unan na paboritong gamitin ni Nicholai. Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha na kinakapa ang pwestong hinihigaan ni Nicholai umaasang isang araw ay makakapa ko ulit itong natutulog sa aking tabi. Hindi ako makapag kwento kay Natalie sa malungkot na pangyayari sa aming buhay. Ayokong idamay ito sa drama ng buhay namin lalo na ngayon na masaya na ito sa kanyang pamilya. Sobrang bigat sa dibdib na aking naramdaman. Tila sasabog na ito sa sobrang sakit. Hindi ko naman inaasahan ang biglang pagdating ng sking kaibigan sa aming bahay. Walang tigil na pagkatok sa aking pintuan ang umalingawngaw. Wala pa rin akong balak na tumayo para silipin ito o pagbuksan . Gusto kong magpakalunod sa kalungkutang nararamdaman ko. Narinig ko na lang ang lagabag ng pwersahang buksan ng mga taong nasa labas ang aking pintuan. Humahangos ng takbong lumapit sa akin itong si Natalie “Baks baki
Tila ilang beses kaming nagpaikot ikot sa loob ng aming sasakyan nakita ko na lang ang sarili kong nakabaliktad dahil sa seatbelt ko nakita ko si Nicholai na humagis sa labas ng sasakyan , nakahandusay siya sa kalsada na duguan. Tinawag ko pa siya bago ako tuluyang nawalan ng malay na magising ako ay wala na siya. (Sumubsob na ako sa aking mga palad) sinabi sa akin ng mga doctor na hindi na siya umabot ng buhay dito sa ospital. Dead on arrival siya dahil sa natamo niyang hemmorhage sa kanyang ulo” pagkukwento ko sa kanila. " huhuhu! ang sakit sakit! parang hindi ko kaya beshy" nanghihina kong sabi sa aking kaibigan.“Baks kung gusto mo sumama ka na samin sa pinas, sa bahay ka na muna tumuloy. Saka yung bahay na binigay ko sayo . Kumpleto naman na ang kagamitan dun, kung gusto mo dun ka na muna. Pasasamahan na lang kita sa isa sa mga tauhan ko” nag aalalang sabi sakin ni Natalie“Hindi na baks. Babalik na lang ako ng UK. Gusto kong lumayo muna , pasensya na baks pero hindi ko na mainti
5 HOURS AFTER Isa-isa ng dumating sa aming bahay sila Penelope, Aurora, Michelle at Maria. Kahit na binilinan ko na ang mga ito na wag ng magdala ng kahit na ano ay may dala pa rin silang mga dessert na pagsasaluhan namin mamaya. tila naging fiesta na naman sa dami ng nakahain ngayon sa aming hapag. Tuwang tuwa din si Lindsay dahil nabisita na naman ang kanyang mga pinsan sa bahay. Pero bago ang aming pagpupulong ay kumain muna kami. Wala naman si Sebastian ng mga sandaling iyon dahil nasa byahe ito para sa kanayng business venture. 1 week din itong mawawala . Masaya kaming kumain, nagkwentuhan kami tungkol sa mga personal na buhay namin. Kamustahan sa mga ngyari ng mga nakaraang mga linggo. Kapag kami ay nasa hapag hindi muna namin pinag-uusapan ang tungkol sa trabaho. Hindi ko naman inaasahan ang kinuwento sa amin ni Aurora. Sa kabila ng katatagan nito sa kompanya ay hindi ko man lang napansin na may malungkot palang ngyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Natutuwa ako sa pagi
AURORA POVDesidido na ako sa aking desisyon . Kinausap ko na din si Daddy at Mommy sa aking magiging sagot sa inaalok ni Auntie Natalie. Tatanggapin ko ang alok sa akin nitong pagkapit ng branch niya sa US bilang bagong COO ng The Lighten-Er . Hindi naging madali kay Mommy ang tanggapin ang aking naging desisyon. Ilang beses siyang tumutol sa aking naging desisyon dahil nag-aalala ito sa mangyayari sa akin sakaling magtungo na akong mag isa sa US“Aurora hindi ako tutol dahil para ito sa paglago mo, anak ang inaalala ko lang pano ka na kapag mag isa ka lang dun. Hindi ka marunong magluto, hindi ka nga marunong mag saing man lang, pano magiging buhay mo dun?” Nag-aalalang sabi ni Mommy sa akin.“Mommy i will be okay. Kasama ko naman po si Joshua sa bahay nila Auntie Natalie sa Beverly Hills. Saka may makakatulong naman po ako andun naman si Sheryl siya ang aalalay sa amin ni Joshua. (Pag assure ko sa kanya) para na din matuto po ako . Magandang oportunidad kasi ito mommy para sa pag-g
JOSHUA AT JULIE LOVE STORYJULIE POV Nagkakagulo ang mga kababaihan sa aming campus. Naghihiyawan ang iba at hindi magkandamayaw na malapitan ang isang lalaking dumating papasok sa aming campus. Sakay ito ng kanyang Sports Car. Nagtataka ako sa pinagkakaguluhan ng mga ito. Nang bumaba na ito sa kanyang sasakyan ay naintindihan ko kung bakit lahat ay nakaabang dito. Mistiso ito, matangkad, matangos ang ilong, napakapula ng mga labi at may mapupungay na mata. Sa tansya ko ay hindi ito foreigner, kahti na maputi ito ay makikita ang pagiging Asian niya. Nagtatakbuhan ang ibang mga kababaihan para salubungin ako taliwas sa direksyon na aking tinatahak. Hindi ko pag-aaksyahan ng oras para lang makadaupang palad o magpa cute sa lalaking ito. Nakasabulong ko pa ang leader ng bully sa aming campus na si Mizzy na papunta rin sa direksyon kung nasan ang lalaking ito. Kagaya ng natural na araw sa lahat sa campus ay nagsimula na namang gumawa ng eksena itong si Mizzy, kahit na anong iwas ko dito
INTRODUCTION OF JULIE AND JOSHUAIsa si Julie sa hinahangaan sa kanilang campus taglay niya ang angkin ganda at talino na tlaagang kinaiingitan ng madaming kababaihan sa kanilang campus. Ang kanilang Unibersidad ay kilala dahil sa mga bigating tao na nag-aaral dito. Karamihan ay anak ng pulitika sa Amerika, mga anak ng celerity, o dili kaya ay mga bilyonaryo at mga negosyanteng tao ang matatagpuan sa eskwelahang iyon . Hindi ka basta-basta makakapag-aral dito kung wala kang milyon dolyares dahil bukod sa mahal ng tuition fee dito ay madami ding mga kailangan fees na bayaran habang ikaw ay nag-aaral.Dahil sa pagiging magaling ni Julie sa academics at sportsmanship niya ay nakapasok siya sa Unibersidad na ito ng libre. Kaya naman madaming bully na spoiled bratt ang kumakanti sa kanya. Lapitin siya ng trouble kahit na wala siyang ginagawa sa mga ito. Siya na lang ang laging pinupuntirya ng mga bully sa kanilang school na sila Mizzy, anak ito ng head ng faculty kaya naman malakas itong m