“Hintayin na lang natin si Sebastian gusto ko din siyang kasama sa pagapaptingin namin sa Doctor” Sagot ko kay Michelle.“Sige may kaibigan akong OB-GYNE na magaling. Recommended talaga itong si Doctor Paulina, ito ang numero niya pero kung gusto mo tatawagan ko na siya para makakuha ka na ng appointment mahirap kasing maka kuha ng slot sa kanya para makapag patingin. Madami kasi siyang kliyente na mga malalaking tao.” Sabi pa sakin ni Michelle“Sige ikaw ng bahala Michelle, kuhaan mo na ako ng appointment para pagdating ni Sebastian ay maakaalis na tayo. Salamat.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Tila biglang nagbago ang mood ko sa aking nalaman. Kung kanina ay nanghihina ako ngayon naman ay tila biglang lakas ng aking pangangatawan. Na excite din ako sa aking nalaman, makalipas ang sampung taon ay masusundan na din ang kambal. “Sige dito na muna ako sa may Sala niyo , mag prepare ka na para pagdating ni Sebastian ay diretso na tayo kay Doctor Paulina. Ako ng bahala sa schedule mo” Sab
CELESTINE POV Bigla akong sinamaan ng pakiramdam ng makita ko sa news ang tungkol sa pagdadalang tao ni Natalie. Hindi ko inaasahan na magbubuntis na naman ito kay Sebastian. Nanakbo ako diretso sa aming banyo dahil sa pagbaliktad ng aking sikmura. Nang matapos ako sa aking pagsusuka ay napaisip akong bigla. Hindi nga din pala ako dinadatnan pa. Delayed na ako ng mahigit sa dalawang linggo. “Suzette! (Sigaw ko sa aking kapatid) halika nga dito. Bilisan mo. bumili ka nga muna sa pharmacy ng Pregnancy Kit” pag uutos ko dito Bumulhak ng kakatawa naman itong si Suzette sa akin “hahahha bakit sis don’t tell me buntis ka din? Inggitera ka talaga. Sinabayan mo pa talaga kung sakali si Natalie. Baka mamaya sabihin mo saming si Sebastian din ang tatay niyan . Hahaha” Tawa ng tawa niyang sabi sa akin. “Puny*ta ka puro ka kalokohan. Basta bumili ka na! Mang aasar ka pa” sagot ko sa kanya. “Nasan ba si bunso siya na lang utusan mo para may motor ako pa uutusan mo magbabyahe pa ko wala n
KIM POVNapabalikwas ako ng bangon sa lakas ng pagkakakatok ni Tikya sa labas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan ko nagbalik naman ako sa pagkakahiga at hindi inintindi ang pagwawala nito . Wala siyang tigil sa kakasigaw sa pangalan ko, sa tinis ng boses nito ay rinding rindi na ako kahit pa takpan ko ng unan ang tainga ko kaya naman tumayo na ako ng tuluyan at pinagbuksan ito ng pintuan.*puts* naman Tikya ang aga aga pa napaka-ingay mo na.” Pagmamaktol kong angal kay Tikya“Aba ang diput* siya pa ang may ganang magreklamo (sigaw nito sa akin habang namamaypayan siya ng kanyang abanikong pamaypay. Sinasadya nitong marinig ng lahat ang kanyang sinasabi kaya naman nagtitingan ang mga pokpok nitong alaga na naghihintay ng mga parokyano nila sakin) HOY KIM! Ilang buwan na ng hindi nakakapag bigay sakin. Palalayasin na talaga kita kapag hindi ka pa nakapag bigay sakin ngayong buwan sinasabi ko sayo.” Malakas na hiyaw nito sa akin“Aba tikya wag mong sabihin na naubos mo na ang perang bini
NATALIE POV Dahil sa tagal din ng panahon ng huli kong nabisita si Charles sa US ay binalitaan naman ako nila Colton na malapit na daw itong ikasal sa kanyang naging girlfriend na nakilala niya sa Greece. Kaya naman tinawagan ko ito upang batiin siya sa kanyang naging engagement. "Hello Charles! Si Natalie ito. Ang tagal na nating hindi nakapag usap aah. (masaya kong bati dito) mmfff ikaw aah magtatampo na ako sayo niyan, hindi ka na nga pumupunta sa mga okasyunan namin tapos ngayon malalaman ko kila Colton na ikakasal ka na pala." pabiro kong sabi dito "hahaha! ikaw talaga Natalie, pagpasensyahan mo na alam mo namang ang tagal ko bago naka move on sa pam-bu-busted mo sa akin. Umiwas lang din talaga ako kasi hindi ko kayang pigilan ang sarili ko kung hindi ako iiwas. Tatawagan na din sana kita kaya lang naunahan mo na akong tumawag. Last week lang ako na engage kaya lang kailangan naming makasal kagad ni Liz dahil babalik na ito ng Greece. Dun kasi siya naka settle down. Mag 6
AFter 5 yearsTIMOTHY POVAng bilis ng panahon . Parang isang iglap lang ngayon ay Malapit ng makapag tapos sina Penelope at Aurora. Hindi ko naman sila pinilit na mag abogarsya. Hinayaan ko silang mamili ng gusto nilang kurso. Hindi man nila napili ang landas naming mag-asawa ay atleast nagkaruon ito ng interes sa pagnenegosyo kagaya ng kanilang Auntie Natalie. Masaya ako sa tinatahak nila. Nabanggit nga sakin ni Natalie na talagang nag-e-exceed ang dalawa sa kanilang ginagampanang trabaho sa Sta. Barbara, gusto nila ang kanilang ginagawa kaya naman hindi na kami tumutol ni Emily. Nakakalungkot nga lamang at hindi na makikita ni Daddy ang achievement ng kanyang mga apo dahil pumanaw na din ito 6 na taon makalipas ang pagpanaw ni Mommy. Dala na rin ng katandaan niya. Si Manang Luming naman ay tuluyan ng nagpaalam sa amin at nais na niyang magpahinga kasama ang kanyang mga kapatid at pamangkin.Nag ring naman ang aking telepono. Si Natalie ang tumatawag sa akin.“Yes Natalie napatawag
NATALIE POVPinagmamasdan ko ang aking pamilya habang nagtatawanan ang mga ito sa aming sala. Alam kong hindi ako perpekto pero masaya ako sa kung ano mang ngyari sa buhay naming mag-asawa. Marami man naging pagsubok ay naging maayos din naman ang lahat sa pagtutulungan naming mag-asawa naging matatag kami dahil sa pananalig namin at pagmamahal na mayroon kami para sa isa't isa . Ang hindi namin pagbitiw sa isa't isa ang naging dahilan ng lahat ng mayroon kami ngayon. Ang pagtitiwala namin sa Panginoon at pagbibigay niya ng liwanag sa aming mga kaisipan sa panahong nasa loob kami ng madilim na kabanata ng aming pagsasama. Sa bilis ng panahon ay hindi ko na nalayan na ngayon ay paalis na din si Joshua para sa kaniyang pagpasok sa University sa Amerika. Masaya ito dahil napili siya bilang varisity player sa eskwelahan na kanyang papasukan. Masaya din kaming mag asawa sa mga bagay na gustong gawin ng aming mga anak. Samantalang si Lindsay ay napili ang pagpapatuloy ng kaniyang karera bi
KIM POV Naglalakad ako papaosk sa Casa habang ngumunguya ng chewing gum, Panay din ang hit-hit buga ko sa yosing kapit kapit ko. Kung dati ay hinihila pa ako nila Belen para humarap sa customer ngayon ay ako na ang nagbebenta sa sarili ko. Hindi na ako umaasa sa mga cusotmer lang na binigay sa akin ni Tikya. Nag-iikot ikot ako sa loob ng Casa para mag hunting ng mga mapeperahan ko, kapag nakita kong makapal ang bulsa ay dinidiskartihan ko na kaagad ito. Tinawag naman ako ni Tikya na nasa sulok ng Casa, nakaupo ito sa register area kung saan nagbabayad ang mga cusotmer. "Hoy Kim halika nga ditong babae ka! kanina ka pa paikot ikot diyan . YUng bayad mo sa kwarto baka nakakalimutan mo na naman. Buwan buwan na lang talaga kailangan pa kitang paalalahanan." sabi nito sa akin. Nasanay na din ako sa malakas na boses ni Tikya kaya naman walang nagiging sikreto sa kanilang magkakasamahan lalo na pagdating sa bayarin at ibang personal na buhay. "Puny*ta ka ang ingay ingay na naman niyang
Hindi ko inaasahan ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko. Kinaladkad ako palabas ng Casa ng mga bouncer. Tinapon ako sa loob ng isang itim na Van , nagatataka naman ako kung bakit ginawa sa akin iyon. Isang lalaki ang nagtali sa aking mga kamay habang ang isa naman ay naglagay ng taklob sa aking ulo. Piniringan din nila ang aking mga mata at nilagyan ng busal ang aking bibig. Doon na ako ninerbyos . Nagpupumiglas ako sa pagkakakapit nila sa akin ng biglang may ipaamoy sa aking isang panyo at tuluyan na akong nawalan ng malay. Hindi ko na matandaan kung ilang oras na din akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako mula sa pagbuhos ng tubig sa aking mukha. Halos malunod pa ako dahil sa nakabusal sa aking bibig. Uubo ubo ako ng tanggalin nila ang busal sa aking bibig. Naririnig ko naman ang halakhak ng isang babae na kasama ng mga ito. Malakas na tawanan sa paligid ang aking narinig. Nakapiring pa rin ang aking mga mata kaya naman hindi ko makita ang mga taong gumagawa sa akin nito