Nang matapos sila sa kanilang kainan ay hindi naman nakatiis itong si Manang Luming, tinulungan niya si Sheryl mag-intindi sa kusina. Sanay kasi ang matandang kumilos. Hinayaan naman ito ni Natalie sila ay nagbalik na sa kanilang silid. Ngunit bago nito ay sinabihan na niya ang matanda na magpahinga na din at bukas ay mag-iikot na sila sa Beverly Hills mall. Nakatulog na din kaagad si Natalie at Sebastian ng gabing iyon. Kinaumagahan ay nauna ng nagising si Manang Luming sa kanila at nakahanda na ito ng almusal para sa lahat. Hindi talaga maiaalis sa matanda ang kumilos dahil nakasanayan na niya ito. Pagkakain nila ng kanilang almusal ay gumayak na ang mga ito para bumyahe patungo sa mall. As usual si Mang Stefano ang nag drive para sa kanila. Ayaw kasing ipakita ni Sebastian na meron siyang lisensya sa Amerika baka makahalata na si Natalie sa kanya. Hindi masyadong brandy itong si Natalie, masaya na siya sa mga hindi gaanong kamahalan na gamit pero sofisticated na tignan. Kung saba
Naunang bumaba ng sala si Sebastian. Habang naghihintay ito sa dalawang kasama niya ay abala ito sa kanyang telepono. Meron siyang kausap na akala mo’y magnanakaw siya dahil silip siya ng silip kung pababa na ba itong si Natalie. Si Mang Stefano naman ay hinahanda na ang sasakyan na kanilang gagamitin. Bago nga tuluyang makababa si Natalie ay natapos na din ay naibaba na din nitong si Sebastian ang kanyang telepono, tapos na din kasi niyang kausapin ang nasa kabilang linya.“You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala si Sebastian ng makita si Natalie. Ayun na lamang ang nasabi niya ng alalayan niya ito habang pababa ng hagdan. Nagmadali kasi siyang umakyat sa hagdan ng makita niya ang kanyang girlfriend.“Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa kanyang boyfriend. Kinikilig rin naman siya sa tuwing pinupuri siya ni Sebastian.“Kidding aside hon! Napakaganda mo tonight! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit”“Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Mana
Ang matandang babae ay hirap na maglakad, inaalalayan na ito ng isa din matandang lalaki. Kasabay naman nilang naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, alam nila ang dress code sa lugar n aiyon. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos.Nakangiting sinalubong ni Sebastian ang mga ito. Magalang siyang nagpapakilala sa mga ito. Kilala na niya ang mga taong kaharap niya sa gabing iyon , sa tulong na din ng imbestigador na kanyang binayaran .Palagi kasi siyang sine-sendan ng mga picture nito sa email. Ang kanyang imbestigador ang kanyang kausap palagi sa email at ito din ang laging tinatawagan niya sa tuwing nagtatago siya kay Natalie upang makipag usap. Ito ang tinutukoy niyang boss niya kaya siya nabu-busy sa telepono. Samantalang ang taong kinawayan naman niya mula sa kabilang banda na kasama ng dalawang
ELIZABETHMixed emotion naman ang nararamdaman ni Elizabeth . Halos dekada na din kasi ng huling niyang makita ang kanilang anak na babae. Sinubsob na nila ang kanilang sarili sa pagtatrabaho, Hindi kasi nila matanggap noon na mas pinili ni Natalie na mag stay sa Pinas dahil gusto nitong makasama ang kanyang ex-boyfriend. Matinding kirot ang dinulot noon sa kanyang puso, ganun din sa kanyang asawa na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid.Habang sila ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa kanyang alala ang pangyayari sa kanilang bahay isang araw bago sila tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala na silang lahat mag-impake pati itong si Manang Luming ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Timothy kay Manang Luming nila dahil ito na halos ang nagpalaki sa mga bata. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang Luming kaya ito nagmamakt
Sa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Sebastian. Agad naman binaba ni Natalie ang kanyang cellphone, ngumiti din ito sa binata. Masaya ang mukha niya dahil na din sa pangungulit ng kanyang mga kaibigan. Naupo na si Sebastian sa kanyang tabi.Nakatalikod sila sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya naman hindi nila makikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat si Natalie ng mula sa kanyang likuran ay may mga batang masayang nagkukulitan. Bahagya pa nitong kinapitan ang kanyang buhok.Nang humarap siya para tignan ang mga ito ay bumuhos na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagulat siya ng makita niya ang kanyang Mommy Elizabeth, Daddy Patrick at Kuya Timothy, hindi naman pamilyar sa kanya ang kasama ng kanyang kuya na babaeng sa tingin niya ay asawa nito at ang dalawang bata na kahawig niya. Ang cu-cute ng mga ito. Nakita niyang malaki ang itinanda ng itsura ng mga ito. Wala na kasi siyang picture man lang na nakikita mula sa mga ito magmula ng magpaiwan siya sa mga
"thank you Hon!" bulong ni Natalie kay Sebastian. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa ng kanyang boyfriend. Ito ang matagal ng pinapangarap niyang mangyari. Ang makasabay ulit sa isang hapag ang kaniyang mga magulang at kuya. Bonus pa na kasama nito ang asawa at mga anak nito.Naupo naman itong si Natalie sa tabi ng kanyang Mommy at Daddy sobrang namiss niya ang mga ito. Naiintindihan naman ni Sebastian ang lanyang girlfriend, nagpaalam naman ito sa kanya bago ito umupo sa tabi ng mga magulang. Siya naman ay katabi ni Timothy. Masaya silang nagkukwentuhan at nagkasundo sila kaagad nito. Panay ang yakap ni Natalie sa kanyang mga magulang. Masaya naman ang dalawang matanda dahil makalipas ang mahigit sampung taon ay nakasama ulit nila ang anak. Panay pagpapasalamat ni Natalie kay Sebastian. "thank you!" bulong nito sa hangin habang nakatingin kay Sebastian. "anak kamusta ka naman sa Pinas?! ano ng pinagkaka-abalahan mo ngayon?" malambing na wika ng kanyang ina"mommy nakapag-patayo
Sobrang galak ng puso ni Natalie, kaya naman ng makarating sila sa kanilang kwarto ay pinupog niya ng halik si Sebastian. Panay ang pasasalamat niya sa kanyang partner. Hindi naman niya ito inusisa kung paano nito nahanap ang kanyang mga magulang.Habang nakalingkis si Natalie sa leeg ni Sebastian at panay ang paghalik at pasasalamat niya dito ay niyaya niya itong sabay na silang maligo sa baththub. Maharot na hinila ni Natalie si Sebastian papasok sa banyo. Ng sila ay nasa loob na hinubad na nito ang kanyang saplot at hinayaan niya iyong lumagpak sa sahig. Unti-unti naman niyang hinubad ang damit ni Sebastian hanggang sa natira na lang dito ang kanyang neck tie. Binuksan na ni Natalie ang tubig upang mapuno ang bathtub, hinaluan niya ito ng bubble bath at mabilis na humalimuyak ang rosas scent sa buong paligid ng banyo. Nauna siyang naglublob sa bathtup tila ng-aakit naman niyang niyaya si Sebastian!"hon come and join me here!" mapang akit niya sinasabon ang kanyang binti na nakala
Sinundo nila ang pamilya ni Natalie sa address na binigay ng kanyang kuya. Hindi naman ito kalayuan sa bahay na kanilang tinutuluyan, ginamit naman nila ang malaking Van na kung tawagin sa Pilipinas ay artista Van. Dahil sa mga bata naisip nilang pumunta sa Universal Studios sa Hollywood. Hindi naman naging problema ang pila dahil kinuha nitong si Sebastian ang Universal Express Pass. Hinayaan nilang mag enjoy ang mga bata. Samantalang silang magkapatid ay inenjoy ang mga sandaling nawala sa kanila. Teenager pa kasi ng huli silang magkasama, nung mga bata pa sila ay mahilig silang sumakay sa mga nakaka-lulang rides. Tila bumalik sa pagkabata ang mga ito, natuwa naman ang dalawang matanda na pagmasdan ang magkapatid. "hon! tara sakay tayo dito" hinila ni Natalie ang kanyang boyfriend, supportive naman ito sinasamahan siya sa mga rides na gusto niyang sakyan, ganoon din si Timothy na kasama din ang kanyang asawa. Samantalang bantay naman sa dalawang bata ang tatlong matatanda. Sina M