Huling araw na nila sa States, tumawag na si Sebastian kay Timothy para ipaalala dito ang kanyang plano, pinaalam niya dito na lahat ay naka set na. Sinabihan din ni Sebastian si Mang Stefano at Sheryl na sumama sa kanilang despedida dinner, Pinagbihis din niya ang mga ito ng maayos. Ganoon din si Manang Luming na naghanda talaga ang matanda, lahat sila ay pinagdamit ng puti ni Sebastian. Clueless naman si Natalie, Wala siyang alam sa kung ano man ang mangyayari sa araw na iyon. Alam naman talaga niyang mag dinner sila sa Yate para sa last day get together nila bago bumalik ng Pilipinas.Pagdating nila sa Yate, naaliw si Natalie sa itsura ng kambal, nakasuot ito ng puting dress at may koronang bulaklak sa kanilang mga ulo. Naabutan niyang nagkukwentuhan ang kanyang pamilya, Nauna ang mga itong dumating sa kanila. Isa-isa na din silang umakyat sa Yate.Makikita ang Yate na may nakapaligid na tila puting christmas lights, puno din ang paligid nito ng mga nagga-gagandahang bulaklak. Nag
Back to reality na nga itong si Natalie. Maaga siyang gumising dahil kailangan niyang maghanda para pumasok sa kanyang office. Sa bahay na muna niya siya nagpahatid pagkagaling nila sa Airport para makapagpahinga din si Sebastian ng maayos. Alam niyang pagod din ito dahil sa mahabang byahe. Hindi na rin niya inabala sa pagtulog itong si Manang Luming dahil may jet log pa ang matanda. Humihilik pa ito sa kanyang pagkakatulog. Sya na muna ang nag-asikasong magluto ng kanyang pagkain, simple omelet, toast bread and coffee lang ang kinain niya for breakfast.Pagpasok niya sa opisina ay masayang bumati sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niyang empleyado sa lobby. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Nagtataka naman siya sa mga kakaibang ngiti na binibigay ng kanyang mga staff sa kaniya. Hinahanap naman ng mata niya ang mga tao sa cubicle sa floor bago makapasok sa opisina niya. Wala kasi ang mga ito, ngunit hindi niya masyadong pinansin ito dumiretso na lang siya sa kanyang opisina dahil al
"Besssyyyyy Congrats! wooooooohhhh!'" hiyaw ni Kim, sinuot ng mga ito ang sash na kanina ay gamit nila, nilagyan pa nila ng korona si Natalie. "naiiyak ako bessy! finally ikakasal ka na!, nakakainggit naman si Natalie babe."tumingin si Colton kay Nicholai sumandal pa ito sa dibdib ng kanyang partner habang hawak pa rin nito ang kanyang alak. Hinalikan naman ni Nicholai si Colton sa kanyang ulo. Hindi ito sumagot sa sinabing iyon ng kanyang partner. "sus! sussss! ikaw talaga Colton. susunod ka na. Oh ito na ang korona!" humalakhak silang lahat sa kakulitang iyon ni Colton. Napatungga na lang si Kim. "aarte ka pa. ako nga hindi man lang mailabas ni Wesley , paminsan-minsan na lang kami magkanita." pag-iinarte din nito. "eh kung sabunutan ko kaya kayo. ano to paligsahan ng araw ng ikakasal. Basta sis kami happy for you. Kelan na ba ang plano nio?" pagpapakalma ni Bella sa mga kaibigang nag-iinarte. "wala pa sis!. pag-uusapan pa namin ni Sebastian. Nabusy kasi kami sa US, lag
SA MANSYON NG EDUARDO Nananakbo pababa ng hagdan si Amanda, ito ang Mommy ni Sebastian. Member na din ng Senior Citizen society itong si Amanda, ngunit malayo sa kanyang edad ang kanyang itsura at pagkilos. Aktibo kasi ito sa pag-attend ng zumba class at cardio vascular exercise kasama ng kanyang mga Amiga. Halos mahulog na ito sa hagdan sa pagmamadali, makalipas kasi ng higit sa 5 taon ay ngayon na lang ulit umuwi si Sebastian sa kanilang family house. Ang huling beses na ito’y umuwi sa mansyon ay bago pa man sila maghiwalay ng kanyang live-in partner na si Celestine. POV SEBASTIAN Buong akala niya ay masaya si Celestine sa kanilang pagsasama. Ngunit may isang eskandalo ang gumulo sa buhay nilang mag partner pati na rin ng kanilang pamilya. Maraming balita na siyang naririnig tungkol sa pagkakaroon ng kalaguyo nitong si Celestine, palagi diumanong nakikita itong may kasamang lalaki na lumalabas ngunit hindi niya iyon pinansin, maayos naman kasi ang pakikitungo sa kanya ni C
Mahigpit na niyakap ni Amanda ang kanyang anak. Umiiyak pa ito sa tuwa ng mga sandaling iyon. “Anak anong gusto mong kainin?!” Wika nito”Manang! “ sigaw pa nito sa kanilang kasambahay.” Pakisabi kay Pen na iluto lahat ng paborito ni Sebastian!. Andito ang Sir Sebastian niyo!” Pagmamalaki nito. Ngumiti naman at masayang binati siya ng matandang mayordoma nila “Sir welcome back po!” “Salamat Manang! “Nakangiti din niyang bati dito. “Mommy may gusto lang sana akong sabihin sayo kaya ako pumunta dito.”nakayakap ito sa bewang ng ina habang sila ay naglalakad papunta ng Sala. Tahimik din ang paligid ng mansyon hindi gaya ng huling apak niya dito na nagkakagulo ang lahat. “Aba anak mukhang seryoso yan! Hindi ka naman pupunta dito kung hindi yan importante. Ilang beses na kitang pinapabalik dito pero ayaw mo!” Wika ni Amanda “Mommmmy!”tila pgtutol nito. “I know! I know anak.” naiintindihan nito ang pagtawag na iyon ng anak. “So ano nga itong importanteng bagay na ito?!” Tanong sa anak
GABI NG PAGPUNTA NILA SA MANSYON NG EDUARDO Sinundo na ni Sebastian si Natalie . Maganda ang ayos nito at pinaghandaan niya talaga ang gabing iyon. Ito kasi ang araw na makikilala na din niya sa wakas ang pamilya ni Sebastian. Kinakabahan talaga siya. Bukod sa unang beses nilang magkikita kita ay maaring pag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Hindi din naman nagtagal at nakarating na sila sa bahay nila Sebastian. Pinagbuksan sila ng gate ng security guard at magalang na bumati ito sa kanila. Natulala si Natalie sa bumungad sa kanya. napakaganda at napakalaki kasi ng bahay ng mga magulang nito. “Hon! Ito ang bahay ng parents mo?” Nanlalaki ang kanyang mga matang nagtatanong. “Yes hon! Dito nakatira sila mommy pati dalawa kong kapatid na babae. Lumaki lang yan kaka-renovate.” Wika nito. Pagdating ng kanilang sasaknyan sa tpaat ng entrance door ay bukas palad silang sinalubong ng kaniyang Daddy at Mommy. Nakangiti ito sa kanila “Hello Iha! Im Amanda, Sebastian’s Mom!.” Nakipa
Mabilis na lumipas ang araw.Dumating na ang petsa ng pinakahihintay nilang lahat. Iyon ang pag-iisang dibdib ni Natalie at Sebastian. Gaya ng napagkasunduan one week before ang kanilang wedding ay personal na sinundo ni Natalie ang kanyang pamilya sa US gamit ang private plane nila Adrian. Kasama niyang nagbyahe sila Kim, Colton at Nicholai na nag leave ng 2 weeks para sa malaking event na ito.Sa bahay naman ni Natalie tumira ang kanyang parents at family ng kuya niya. Hindi din muna siya nag stay sa Condo ni Sebastian dahil gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang family habang nasa Pinas ito.Isang magarbong handaan ang gaganaping kasalan nila Natalie. Hindi naman kinuwestiyon iyon ni Natalie . Hinayaan niya ang kanyang mother in law ang mag-decide pag dating sa reception dahil excited ito sa kanilang kasal. Mataas din ang standard nito sa pagpili sa lahat ng kanilang kakailanganin , makikita dito na sopistikada talaga ang family na kanyang papakasalan.Hindi naman na sya nagtataka s
Hindi pa rin mapigilan ni Natalie ang mapaluha sa sobrang saya, Malapit na sya sa harap ng altar kung san naghihintay sa kanya si Sebastian kasama ang magulang nito, Nagmano naman kaagad sila sa magulang ng isa't-isa. Nagbiro pa ang daddy ni Natalie kaya naman natawa ang lahat. " huwag mong paiiyakin ang anak ko. Humanda ka talaga sakin!" biro ng matanda kay Sebastian, Malakas naman na tawanan ang maririnig sa loob ng simbahan dahil sa sinabi na iyon ng daddy ni Natalie. “Natalie is my life po tito!" naka-ngiting sagot naman nito sa matanda. At doon na nga inabot ng matanda ang kamay ni Natalie at ibinigay na nito ang kamay ng anak kay Sebastian ng tuluyan. Magalang namang Inalalayan ni Sebastian si Natalie na maka-akyat sa upuan na nasa harap ng Altar. Nagsimula na ang Pari sa kanyang seremonyas. Taimtim na nakinig ang lahat ng dumako na sa palitan ng wedding speech ang dalawa. Nauna si Natalie na nagbitiw ng kanyang wedding vows. "Sebastian, Hon! I know that our start is not l