Ashley delos Santos POV
Nanlalagkit na ang buo kong katawan habang palinga-linga ako sa naglalakihang mga bahay na aking nadaanan dito sa loob ng isang eksclusibong subdivision na matatagpuan sa Makati. Mabuti na lang at pinapasok ako ng gwardiya na nagbabantay kanina sa gate kapalit ng iniwan kong ID.
Mag-aapply ako bilang kasambahay sa isa sa mga bahay na nakatayo dito sa loob ng subdivision. Dahil bawal pumasok ang tricycle dito sa loob ng subdivision wala akong choice kundi maglakad mula gate habang hinahanap ang address na nakalagay sa hawak kong diyaro. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako ng makita ko ang mga nagagandahan at naglalakihang bahay. Kitang kita kong gaano kayamana ang mga nakatira sa lugar na ito kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan.
Kung kaya lang sana akong paaralin ng mga magulang ko hanggang college wala sa bokabularyo ko ang lumuwas dito ng Maynila. Kaya lang ipinanganak akong mahirap kaya wala akong choice kundi magtiis at dumiskarte para kumita.
Buti na lang at isinama ako nila Gigi papunta dito kaya naman kahit papaano hindi ako nahihirapan sa titirhang bahay habang naghahanap ng mapapasukang trabaho.Iyun nga lang hindi ako pwedeng magtagal sa kanila dahil para kaming mga sardinas na nagsisiksikan sa maliit nilang barong-barong. Ayaw ko din magtagal sa lugar na iyun dahil pakiramdam ko minamanyak ako ng ka-live in partner nito.
"Ate, pwede po magtanong? Alam niyo po ba ang address na nakasulat dito sa diyaryo?" nagmamadali kong lapit sa isang babaeng nagtatapon ng basura. Tinitigan muna ako nito bago kinuha ang hawak kong diyaryo.
"Anong kailangan mo doon? Mag-aapply kang kasambahay?" agad na tanong nito. agad naman akong tumango.
"Malapit na lang ito Miss. Diretso ka lang tapos may makikita kang magandang bahay sa bandang dulo. Sila ang pinakamayaman sa lugar na ito kaya doble ang laki ng bahay nila kumpara sa ibang nakatira dito." nakangiti nitong sagot sa akin. Agad naman akong nagpasalamat at nagmamadali ng naglakad.
Pagdating sa sinasabing bahay ng napagtanungan ko ay agad kong sinipat ang nakasulat sa gate para kumpimahin kung pareho bang sa nakasulat sa news papaer. Napaigtad pa ako ng bigla akong lapitan ng gwardya galing sa loob ng malaking bahay.
"Anong kailangan mo Miss? Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang solicitation sa lugar na ito?" agad na wika nito ng makalapit sa akin. Agad naman nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Ano ang palagay niya sa akin? Pulubi? Sabagay ganoon na din siguro kasi nasa isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Kapag hindi ako matangap dito tiyak sa kalsada ang bagsak ko nito. Nakakatakot pa naman dito sa Maynila.
"Mag-aappy po ako bilang kasambahay Manong. Nakita ko kasi sa newspaper na naghahanap sila. Baka palarin ako at makapasok sa loob. Kailangang-kailangan ko po kasi ng trabaho eh. Galing pa po ako ng probensya." sagot ko dito. Natigilan ito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman kumulo ang dugo ko pero pinipigilan kong tarayan baka masayang ang oras ko sa pagpunta dito kapag makita niyang masama ang ugali ko.
"Naku! Bad timing naman ang pagpunta mo dito Miss. Alam mo bang nagkakagulo sa loob ngayun?" sagot nito.
Naguguluhan naman akong tumitig dito. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi pwedeng hindi ko makausap ang may-ari ng bahay ngayun. Ang layo kaya ng nilakad ko at wala na akong pera para bumalik dito." prangka kong sagot kay Manong Guard. Natigilan naman ito at muli akong tinitigan.
"Hindi ko alam kung iinterviewhin ka ngayun ni Madam. Mainit kasi ang ulo noon at lahat ng tao sa loob sinisigawan." sagot nito. Agad naman akong kinabahan pero lalo akong kinabahan ng maisip ko na isang daan na lang ang laman ng wallet ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ni Gigi na walang nangyayari sa lakad kong ito.
"Subukan niyo lang Manong. Maawa ka naman sa akin. Sabi kasi dito sa nakasulat sa newspaper pwedeng pumunta dito anytime ang applicant." nagmamakaawa kong sagot dito. Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga bago tumango.
"Sige na nga. Sa Mayordoma na lang kita dadalhin." wika nito at agad akong niyayang pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa paningin ko ang marangyang tanawin sa loob ng bakuran. May mga nakikita akong magandang decorations sa loob at parang may gaganaping party.
"Kasal kasi ngayun ng kaisa-iang apo ni Madam Agatha na si Sir Ryder James Sebastian. Kaya lang tumakas ang bride kaya nagkakagulo ang mga tao sa loob." Bulong sa aking ni Manong Guard. Napataas naman ang aking kilay dahil sa narinig. Napaigtad pa ako ng may sumigaw sa loob ng bahay kasabay ng pagkabasag ng kung ano.
"Diyos ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko!. Baka pati ako maputukan ng galit ni Madam. Halika Ineng..hanapin natin ang Mayordoma at siya na ang bahala sa iyo." tarantang wika nito at mabilis na naglakad. Akamang susunod ako dito ng may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Who are you?" tanong nito. Natigilan ako at dahan dahan na lumingon. Tumampad sa akin ang seryosong mukha ng medyo may edad ng babae. Nakataas ang kilay at handang mukhang handa ng manlapa ng tao. Tadtad ng alahas ang buo nitong katawan habang may isang naka-uniform na babae sa likod nito. Napalunok ako bago sumagot.
"Mag-aapply po sana ako bilang kasambahay Mam." kinakabahan kong sagot. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hangang baba. Para naman akong maiihi dahil sa nerbiyos.
"Perfect! Why not!" Kapagkwan ay wika nito sa malakas na boses. Muli akong pinasadahan ng tingin habang may naglalarong ngiti sa labi. Napalunok ulit ako ng makailang beses habang hindi ko na maiwasan pang panginigan ng tuhod.
"Sumunod ka sa akin. Gusto kitang makausap sa loob." wika nito at agad na naglakad papasok sa loob ng bahay. Binalingan ko muna si Manong Guard pero sininyasan niya ako na sundan ang matandang babae. Ilang beses pa akong napabuntong-hininga at nagpasayang sundan ang matandang babae. Hindi naman siguro ito bampira para s******n ang dugo ko sa loob.
Hindi ko maiwasan na mamangha ng makita ko ang nagagandahang nakadisplay dito sa loob ng bahay ng pagkapasok ako. Napatingala pa ako sa isang malaking nakasabit na chandelier. Nagkikintaban ang parang diyamante na nakasabit dito. Diyos ko..sana matangap ako sa trabahong ito dahil mukhang mayaman ang magiging amo ko... Maranasan ko man lang sana akong tumira sa ganito kagandang bahay kahit na pagiging katulong lang ang magiging papel ko.
Napansin kong umupo sa isang mahabang mesa ang matandang babae at sininyasan akong lumapit. Kimi naman akong lumapit dito habang nakayuko.
"Ten Million Pesos...kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!' Narining kong wika dito. hindi ako umimik dahil mukhang hindi naman ako ang kanyang kausap. May ibang mga tao pa dito sa kinaroroonan namin kaya patuloy lang akong nakayuko habang tahimik na nakikiramdam
"What is your name?" napaigtad pa ako sa malakas na boses nito kaya naman pautal-utal akong napasagot dahil sa nerbiyos.
"Ashely po! Ashley delos Santos.'' bakas ang nerbiyos sa boses kong sagot.
"Ashley..narinig mo ba ang sinabi ko sa iyo kanina? Sabi ko Ten Million kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!" wika nito. Nanlaki naman ang aking mga mata sa narinig. Hindi ako makapaniwa.
"Eeerrr Mam, katulong po ang ina-aplayan ko. Hindi po para maging asawa." nanginginig kong sagot. Natigilan ito at seryoso akong tinitigan. Pagkatapos ay gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi nito.
"Naghahanap ka ng pera diba? Bibigyan kita ng Ten Million pesos ngayun din pakasalan mo ang apo ko!" ulit nito. Napatanga naman ako sa kanyang sinabi. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko para masigurado kong nanananginip ba ako
"Lorna, kunin mo ang tseke sa kwarto!" narinig kong utos nito sa babaeng nasa likod nito. Agad naman itong tumalima. Naiwan kaming dalawa ni Madam habang hindi inaalis ang titig sa akin.
"Tumakas ang bride ng apo ko. Naka-set na ang kasal mamayang alas tres ng hapon sa garden. Napansin mo naman siguro ang mga decoration sa labas diba? Hindi ko maatim na mapapahiya ang apo ko sa madla dahil sa kagagawan ng malading si Ingrid. Kaya pumayag ka na, after ng kasal malaya ka ng bumalik sa pinggalingan mo dala ang pera na ibabayad ko sa iyo." mahabang wika nito. Halos hindi naman ako makapaniwala sa offer na binibigay nito sa akin.
Kung sakaling papapayag ako ng maikasal sa apo nito tiyak na maggiging instant millionaire kami sa probensiya. Mabibili namin ang isang lupain na binibenta ng aming kapitbahay. Hindi na din kailangan pang mamasukan akong katulong dito sa Maynila at maipagpapatuloy ko na ang aking pag-aaral.
"Ehhhh Mam, baka naman po scam ito ha?" wala sa sarili kong sagot. Huli na ng maisip ko ang bagay na iyun kaya naman agad akong napakagat ng aking labi. Minsan talaga ang bunganga ko hindi mapigilan.
"Dont worry...this is not scam Ashley. Ihahanda ko na ang tseke ngayun din at isuot mo na ang damit pangkasal na para sa lintik ng Ingrid na iyun. Wala ng panahon pa para sa mahabang pag-uusap na ito. Sabihin mo sa akin kung pumapayag ka at susulatan ko na ang tseke na ito kapalit ng pagpayag mong maikasal sa apo ko. Sa nasabi ko na, after the wedding, malaya kang makaalis sa lugar na ito na parang walang nangyari dala ang ibinayad ko sa iyo." nakangiti nitong sagot. Halatang magaling mangumbinsi si Madam. Kanina lang ay halos gusto na nitong kumain ng tao at bumuga ng apoy dahil sa galit ngayun naman parang ang bait-bait nito. Wala sa sariling napatango ako.
Choosy pa ba ako? Pera na ito! Matutupad lahat ang pangarap ko kung sakali. Magiging proxy lang naman ako sa kasal na ito at tsaraan instant milyones na! Para akong nakajackpot sa lotto kung sakali.
"Great! Since nagkasundo na tayo, ibibigay ko na sa iyo ang kabayaran. Baka maging busy ako mamaya at makalimutan kong ibigay sa iyo ito. Gusto ko lang din ipakita sa iyo na may isang salita ako Ashley!" Wika nito at agad na sinulatan ang tseke na ibinigay kanina ng kanyang kasambahay. Napalunok ako ng makailang beses ng makita ko mabilis nitong pagsulat at pagpirma.
This is it pancit! After ng kasal, mayaman na kami! Uuwi agad ako ng probensiya pag-alis ko dito. Itetext ko na lang si Gigi na hindi na ako makakauwi sa kanila dahil baka matuluyan akong magahasa ng asawa niyang addict.
"Here! take this! Ten Million Pesos no more, no less!" Nakangiti nitong wika sabay abot sa akin ng tseke. Nanginginig naman ang aking kamay na inabot ito at agad na ipinasok sa dala kong bag.
"Well done! Sumama ka sa akin. Kailangan mo ng maayusan dahil wala na tayong time. Ano mang sandali ay darating na ang mga bisita at ang pari na magkakasal sa inyo. Uumpisahan na agad ang kasalan kaya kailangan mo ng maayusan." wika nito pagkatapos ay sinipat ang suot na relo. Muli akong napalunok at habang nakasunod sa kanyang likod. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap.
"Ayusan niyo siya! Papalitan niya si Ingrid kaya ipasuot niyo sa kanya ang damit pangkasal na iyan." agad na utos ni Madam sa tatlong bading na naabutan namin dito sa isang kwarto. Agad na tumampad sa mga mata ko ng isang napakagandang wedding gown na sa tanang buhay ko ngayun ko pa lang nakita. Katulad ng chandelier sa labas puno ng nagkikislapang dyamante ang kabuuan ng gown.
"I think kailangan mo munang maligo Miss bago ka namin ayusan para naman presko ka bago mo isuot ang gown na iyan." napukaw ako sa sinabi ng binabae sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala dahil ng iikot ko ang paningin sa buong paligid wala na si Madam.
"Baka po mapasma ako...galing po ako sa initan kanina.." wala sa sarili kong sagot. Nakita ko naman na pigil na matawa ang mga kaharap ko. Napakagat ako sa aking labi dahil sa pagkapahiya. Pagkatapos ay tumango at inilapag sa isang sulok ang hawak kong bag.
"Sa-saan po ang banyo?" tanong ko. Tipid naman na ngumiti ang kaharap ko at itinuro nito ang nakasarang pintuan. Bantulot pa akong pumasok sa loob at dahil kita kong naiinip na ang mga kaharap ko dali-dali ko ng sinara ang pintuan ng CR at agad na naligo.
"Bahala ng mapasma basta may Ten Million pesos ako." Bulong ko sa aking sarili habang inililbot ang tingin sa loob ng banyo. Grabe pwede na matulog dito sa loob dahil sa sobrang linis. Imported ang mga shampoo at sabon at pakiramam ko napakaswerte ko ngayung araw dahil minsang natikman ng katawang lupa ko ang ganitong klaseng bagay.
Gustuhin ko man tagalan ang paliligo ay hindi pwede. Naririnig ko na kasi ang pagkatok sa pintuan ng mga mag-aayos sa akin. Hindi bale, bibili ako ng ganitong brand ng shampoo kapag maipalit ko na ang tseke sa pera na ibinigay sa akin ni Madam kanina.