Share

Kabanata 6

Penulis: Cathy
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-02 22:43:06

Ashley POV

Narinig ko ang impit na tili ni Ate Sam ng makaalis na si Anthon. Halatang may gusto si Ate Sam dito kaya ganoon na lang ang kanyang reaksiyon kanina.

"Alam mo bang executive secretary iyun ni Sir Ryder? Ang gwapo nya diba?" kinikilig na wika ni Ate Samantha.

"Talaga? Eh ano nya ang babae doon sa office. Yung ka anuhan niya kaninang umaga?" curious kong tanong. Ilan ba ang secretary ng CEO? Isa pa hindi ko nakita kanina yung Anthon sa office ni Sir Ryder.

"Bale dalawa ang Secretary ni Sir Ryder. Si Sir Anthon ang executive secretary nya. Siya ang palaging kasama ni Sir sa mga out of town tsaka mga meetings sa labas ng opisina. Yung isa naman, siya ang palaging nagchecheck ng mga emails at sumasagot ng mga phone calls kaya nasa opisina siya palagi. Pero ang alam ko mas malaki ang sahod ni Anthon my love." kinkilig na sagot ni Ate Samantha. Nagkatawanan naman kami.

"Hayy naku, kung kiligin ka naman dyan to the highest level talaga. Hanggang pangarap ka lang naman kay Sir Anthon dahil hindi ka naman pinapansin noong tao." pang-aasar na sagot ni Ate Cecil. Agad naman napasimangot si Ate Samantha. Padabog itong muling naupo sa kanyang pwesto. Nagkatinginan naman kami ni Ate Cecil. Pagkatapos ay kinindatan ako at sininyasan na huwag na lang pansinin.

Tumango lang ako at muling itinoon ang attention sa trabaho. Eksakto alas-sinko ng hapon na kuhain ang attention ko ni Ate Sam. Uwian na daw at ligpitin ko na ang mga gamit ko. Painat-inat naman akong tumayo mula sa aking upuan tsaka hinagilap ang aking bag para mag-ayos ng sarili. Pakiramdam ko pagod na pagod ako at gusto ko ng umuwi sa apartment na inuupahan ko. Gusto ko ng matulog.

Saktong palabas na kami ng building ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Parang gusto ko naman magpapadyak sa sobrang inis. Kailangan pa kasing maglakad ng ilang metro para mag-abang ng masasakyang jeep. Ayaw ko na din magtaxi dahil mapapamahal ako. Kung pwede naman jeep para makatipid why not diba?

"naku, paano ba ito. Bigla naman buhos ang ulan! May bagyo ba?" narinig kong tanong ni Ate Samantha kay Ate Cecil. Umiling si Ate Cecil tsaka naghalungkat sa kanyang bag.

"Saan ka ba sasakay Ashley? Tatawid pa kami ni Samantha sa kabilang kalsada. Doon ang sakayan papunta sa tinitirhan namin." wika nito sabay labas ng payong sa loob ng kanyang bag. Nalungkot naman ako dahil magkaiba ng way ang aming uuwian. Mukhang mag-isa talaga ako nitong maglalakad papuntang sakayan ng jeep.

"Ayos lang Ate. Patitilahin ko na lang ang ulan bago ako maglakad papuntang sakayan. Pwede na kayong mauna total may dala pala kayong payong." sagot ko na lang. Nagkatinginan naman ang dalawa pagkatapos ay iniabot sa akin ni Ate Samantha ang hawak nitong payong.

"Here...gamitin mo muna ito. Makikisukob na lang ako kay Cecil total pareho naman kami ng way na pupuntahan." wika nito. Umiling naman ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"Naku, ayos lang ako Ate Sam. Titila na din siguro maya-maya ng kaunti ang ulan." wika ko. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako tatanggi. Siya pa tuloy ang mawalan ng payong. Magdadala na lang din siguro ako bukas ng payong dahil mukhang unpredictable ang weather dito sa Manila.

"Sigurado ka ba? Baka gabihin ka na niyan?" tanong ni Ate Sam. Tumango naman ako. Tumingin pa ako sa labas at ambon na lang naman. Hindi ako masyadong mababasa kapag bibilisan ko ang paglalakad papuntang sakayan ng jeep.

"Ayos lang Ate. Titila na din ang ulan kaya pwede na din ako maglakad papuntang sakayan." sagot ko. Tumango naman silang dalawa tsaka nagpaalam na. Naiwan naman akong pinagmamasdan ang labas. Marami na din akong nakitang mga empleyado na naglalakad papuntang labasan kaya nakikisabay na ako. Yung iba tulad ko walang mga payong kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Bukas na bukas hindi ko talaga kakalimutan ang payong na iyan.

Pagdating ng sakayan ng jeep ay biglang buhos ang malakas na ulan. Agad akong napatakbo papuntang waiting shed para hindi mabasa. Punuan na din ang mga sakay ng jeep kaya mukhang gagabihin ako nito. Yung ibang mga pasahero walang pakialam kung mabasa man sila o hindi basta makasakay lang sila ng jeep.

Halos dalawang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako nakasakay ng jeep. Dagsaan pa rin ang mga pasahero at malakas ang ulan. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng inilibot ko ang paningin sa paligid. Gabi na at nandito pa din ako sa kalsada. Ayaw ko din naman makipagsisikan sa mga nagmamadaling pasahero. Isa pa basa na din ako at nakakaramdam na ako ng ginaw. Sana lang hindi ako magkasakit nito. Hindi ako pwedeng magkasakit dahil ka bago-bago ko pa lang sa trabaho tapos aabsent agad ako?

"Miss empleyado ka din ng RJ logistics diba?" nagulat pa ako ng may biglang nagtanong na lalaki sa aking tabi. Agad ko naman itong nilingon at tumampad sa paningin ko ang uniform nito na may tatak ng RJ logistics. Siguro nga kapareho ko ito ng kumpanyang pinapasukan pero magkaiba kami ng department. Tatango sana ako pero nakarinig ako ng sunod-sunod na busina. Agad naman napukaw ang aking attention ng may humintong isang mamahaling sasakyan sa tabi ng isang jeep na abala sa pagpapasakay ng pasahero.

Nagulat pa ako ng nakita kong bumaba si Sir Ryder mula sa loob ng sasakyan. Inilibot nito ang paningin sa paligid habang nakakunot ang noo. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng huminto ang titig nito sa akin at agad na lumapit.

"Bakti hindi mo ako pinuntahan sa opisina kung nahirapan kang sumakay? Pwede naman kita ihatid ah?" wika nito sa galit na boses. Agad naman kaming nakapukaw ng attention ng mga ibang pasahero. Napalunok pa ako ng maraming beses bago sumagot.

"Ehhhh hindi ko naman po kasi alam na uulan ng ganito. Tsaka mahirap pala sumakay." sagot ko sa kawalan ng masasabi. Isa pa nilalamig na talaga ako. Dagdagan pa na pagod na ako at gusto ko ng matulog. Ayaw ko ng makipagtalo pa sa kanya tungkol sa mga ganitong bagay.

Nagulat pa ako ng bigla akong hawakan sa braso. Pagkatapos ay hinatak niya ako kaya naman agad akong napapiksi.

"Teka lang. Saan mo ako dadalhin?' tanong ko. Lalong nagsalubong ang kilay nito.

"Obvious ba? Sumakay ka na ng kotse dahil ihahatid na kita." sagot nito. Tatanggi sana ulit ako kaya lang hinatak nyang muli ako. Napatingin ako sa paligid at kitang kita ko ang maraming paris ng mga mata na nakatingin sa amin.

"Fuck! Basang basa ka na! Bakit ba ang tigas ng ulo mo!' Wika nito at agad akong pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Tahimik naman akong sumakay. Agad na sumalubong sa pang-amoy ko ang halimuyak na amoy na galing sa loob ng kotse at ang malambot nitong upuan.

Pagkasakay ko ay agad din itong sumakay at napapitlag pa ako ng tumabi ito sa akin. Agad naman akong nagbigay ng distansya at sumiksik sa kabilang gilid ng sasakyan.

"Tsk! Tsk! Tsk!" bulong pa nito sabay hubad ng kanyang suot na coat. As usual salubong pa rin ang kilay at mukhang normal na lang ito sa kanya.

"Wear this! Basang basa ka at alam kong nilalamig ka na." wika nito sabay abot ng kanyang nahubad na coat. Agad naman akong umiling. Malakas itong napabuntong hininga at umusog papunta sa akin. Nagulat pa ako dahil ito na mismo ang nagsuot ng jacket sa aking katawan.

"Ayos lang po ako Sir. kaya ko pa naman po.!" wika ko dahil nahihiya ako sa kanya. Hinubad nya pa talaga ang kanyang suot na coat para ipagamit sa akin. Mukhang may ginintuang puso naman pala ang aming CEO.

Hindi niya ako pinakinggan at lalo nitong isiniksik ang sarili sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi hayaan siya sa ginawa nyang pagsusuot ng coat niya sa akin. Parang gusto ko naman pumikit dahil agad na sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng coat nito. Hindi ko alam kung amoy ba ito ng pabango o amoy ni Sir Ryder. Lalaking lalaki ang amoy at ang sarap sa ilong.

Muling namayani ang katahimikan sa loob ng kotse pagkatapos nitong ipasuot sa akin ang kanyang coat. Ipinikit ko na din ang aking mga mata dahil parang ang sarap talaga matulog. Dagdagan pa ng malakas na ulan sa labas kaya lalo akong nakaramdam ng antok.

"Saan tayo Boss?" narinig ko pang tanong ng driver. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang tungkol sa bagay na iyun dahil agad na akong hinila ng antok. Wala na akong naging pakialam sa paligid at hindi ko na naisip pa na kasama ko pala sa loob ng kotse ang babaero kong Boss.

Napabalikwas ako ng bangon ng magising ako ng mataas na ang sikat ng araw. Pupungas-pungas pa akong bumangon sa hindi familiar na higaan. Hindi ko alam kung nasaan ako pero napapikit ako ng maalala ko na kasama ko si Sir Ryder kagabi sa kotse. Parang gusto ko naman iuntog ang sarili ko sa pader ng maisip ko na nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe.

Napahawak pa ako sa aking bibig para pigilan ko ang aking pagtili ng mapansin ko na ibang damit na ang aking suot. Parang gusto kong maiyak sa isipin na baka pinagsamantalahan ako kagabi ni Sir Ryder habang tulog ako.

"Shit! Paano ito?" hindi ko mapigilan na bulong sa aking sarili. Pinakiramdaman ko pa ang aking katawan kung may nabago ba pero wala naman akong naramdaman na kakaiba.

"Sabi ng mga classmates ko noong college, masakit daw kapag ma- devirginized. So ibig sabihin virgin pa ako dahil wala naman akong nararamdaman na sakit sa aking perlas?" hindi ko mapigilan na bulong sa aking sarili. Pagkatapos ay iginala ko ang aking paningin sa paligid ng kwarto. Walang bakas ni kahit anino ni Sir Ryder kaya nagpasya akong lumabas ng silid.

"Mabuti naman at gising ka na. Kailangan mo ng kumain at maligo dahil hinihintay na tayo sa opisina." bahagya pa akong napapitlag ng biglang nagsalita si Sir Ryder. Nakita ko na prente itong nakaupo sa sofa habang nakatutok ang paningin sa telebisyon. Naka suot na ito ng damit pang-opisina.

"Sir...nasaan po tayo?" tanong ko. Natigilan ito tsaka tumingin sa akin.

"Nandito ka sa penthouse ko. Nakatulog ka na kagabi kaya dito na kita dinala." sagot nito. Napalunok naman ako ng makailang ulit habang pinag-iisipan kung itatanong ko ba dito kung sino ang nagpalit sa akin ng damit kagabi.

"May pagkain na sa table. Kumain ka na dahil aalis na tayo!" muling wika nito na bakas ang pagkayamot sa boses. Napaigtad ako at agad na naglakad papuntang table na maraming nakahain na pagkain. Nilinga ko pa ito at nakita kong titig na titig ito sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya agad akong nagsalin ng juice sa baso at ininom.

Nang muli ko itong balingan ay nakita ko na itong naglakad papuntang kabilang kwarto. Nakahinga ako ng maluwag at inumpisahan ng kumain. Hindi na ako dapat umangal pa. Gutom na ako at kailangan na namin makaalis para pumasok ng trabaho. Tiyak na magtataka sila Ate Samantha at Ate Cecil. Second day of work pagkatapos late ako.

"Kakatapos ko lang kumain ng marinig ko na may nag-doorbell. Akmang pupunta ako ng pintuan ng nakita ko na lumabas ng kwarto si Sir Ryder. Seryoso ang mukha nito at diretsong naglakad papuntang pintuan. Hindi ko na lang pinansin at pumunta na ako ng lababo para hugasan ang pinakainan ko.

Pagkatapos kong magligpit ay muli akong bumalik ng sala. Napansin ko na nakaupo muli si Sir Ryder sa sofa at may hawak itong isang malaking paper bag.

"Take this. Mamili ka ng damit na isusuot mo para makaalis na tayo." wika nito sa akin at iniabot ang paper bag na hawak nito. Natigilan naman ako.

"Ibabalik ko na lang po ng suot ang nahubad kong damit kagabi Sir. Nakakahiya naman po. Pinatulog niyo na nga ako dito tapos papahiramin niyo pa ko ng damit." sagot ko dito sabay pakawala ng alanganin na ngiti. Tumitig ito sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Pagkatapos ay nilapitan ako nito at tinitigan sa mga mata.

"Dont call me Sir! Asawa kita kaya dapat lang tawagin mo ako sa pangalan ko." seryosong wika nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang kamay nito sa pisngi ko.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (183)
goodnovel comment avatar
Cindy Ortega
ganda ng story gandang pilipina
goodnovel comment avatar
Gelicame Babiera Josie
very exciting nakakakilig
goodnovel comment avatar
Joan Ragoro
excited part to
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 7

    ASHLEY POVNapaatras ako ng maramdaman ko ang kamay nito na humahaplos sa aking pisngi. Napansin ko pa ang paglunok ng makailang ulit nito bago bahagyang lumayo sa akin. Agad ko naman kinuha dito ang iniabot niya kaninang paper bag. "Do you hear me? Call me Ryder because I am your husband!" ulit ni

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-03
  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 8

    ASHLEY POV"Hi! Im Ashley....saan po dito ang mini kitchen or cafeteria ng CEO? Inutusan niya kasi ako na ipagtimpla siya ng kape eh." friendly kong tanong sa Secretary nito kahit na nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. "Doon!" walang gana nitong sagot sabay turo sa isang nakasaradong pintu

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-03
  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 9

    "Oh shit! Laura ano iyan! Bitawan mo si Ashley!" narinig ko pang sigaw ng isang lalaki. Agad kong naramdaman ang pag alis nito sa ibabaw ko. Humihingal akong muling napaupo at tiningnan ko kung sino ang umawat sa amin...Si Sir Anthon"Ano bang ginawa mo? Bakit mo sinasaktan si Ashley?" narinig ko pa

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-03
  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 10

    "Masakit ba?" tanong nito habang nakatitig sa galos ko. Naiinis akong umiling."Hindi! Masarap!" yamot kong sagot! Umalis ito sa harap ko at naglakad patungong swivel chair niya. Kinuha nito ang kanyang coat at muling bumalik sa gawi ko sabay ibinalabal sa katawan ko ang hawak nitong coat. Hayy, nak

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-03
  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 11

    ASHELY POV"Tell me..bakit nandoon ka sa office ng CEO. Tsaka bakit suot mo ang kanyang coat?" agad na tanong sa akin ni Ate Samantha pagkapasok pa lang namin ng accounting office. Agad akong naupo sa aking pwesto at inilapag ang bag sa table."Mahabang kwento po. Pinagselosan ako ng kanyang secreta

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-04
  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 12

    "Yes Sir........copy Sir..." narinig kong wika ni Anthon bago tuluyang ibinaba ang tawag. Pagkatapos ay hinarap ako nito."Hintayin niyo na lang po si Sir. Bababa daw po sya para sunduin kayo." wika nito sa akin. Bigla naman akong napatayo dahil sa pagkagulat. Seryoso? Baliw na ba si Ryder? Parang t

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-04
  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 13

    "Dont worry. Hindi ka makakarinig ng masasamang salita mula sa empleyado. Asawa kita kaya dapat lang na igalang ka nila katulad ng pagalang nila sa akin. May darating mamaya na substitute secretary. Pwede mo siyang utusan kapag may kailangan ka. Babalik ako before lunch kaya aasahan kong nandito ka

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-04
  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 14

    ASHLEY POVAgad akong napatayo ng mapansin ko ang parating na si Ryder. Eksakto alas dose ng tanghali at nakasunod dito ang kanyang executive secretary na maraming bitbit.Agad akong naglakad papuntang sofa at agad na naupo. Saktong pagkaupo ko ng bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa ito. Agad

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-04

Bab terbaru

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1096

    FIONA DELA FUENTE POV "HARRY, gising ka muna. Kailangan mo munang inumin itong gamot mo." mahinang wika ko na sinabayan ko pa sa pagtapik sa pisngi nito para sure talaga na magising siya. Dahan-dahan niya namang iminulat ang kanyang mga mata at direktang tumitig sa akin. "Fiona, bakit hindi k

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1095

    FIONA DELA FUENTE POV '"HARRY, ang init mo ah? May lagnat ka?" hindi ko mapigilang bigkas. Biglang dagsa ang matinding pag-aalala sa puso ko. Sobrang init niya. Kailan pa ba siya may lagnat? Kanina pa ba? Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin? Tapos nagawa niya pang magluto ng dinner kanina

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1094

    FIONA DELA FUENTE POV PAGKATAPOS kong mapatuyo ang buhok ko, nagpasya akong matulog na muna at muling nagising na madilim na ang buong paligid. Dali-dali akong bumangon sa kama at hinagilap ang switch ng ilaw. Naririnig ko pa rin ang malakas na patak ng ulan mula sa labas. Pagkatapos kong buks

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1093

    FIONA DELA FUENTE POV “HARRY, pakisuyo naman oh. Pwede bang pahingi ng towel?” kakatapos ko lang maligo at ngayun ko lang narealized na wala palang towel dito sa loob ng banyo. No choice ako kundi ang manghingi ng tulong sa kanya dahil siya lang naman ang kasama ko dito sa bahay. Alangan naman na

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1092

    FIONA DELA FUENTE POV PAGKATAPOS kong magmuni-muni dito sa loob ng kubo ni Harry, nagpasya na din akong matampisaw sa tubig. Mukhang gentleman naman si Harry. Hinayaan niya lang ako. Tahimik lang siyang nakatanaw sa akin na akala mo may malalim na iniisip. Hindi ko na din siya binigyang pansin

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1091

    FIONA DELA FUENTE POV SAAN ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong kay Harry habang naglalakad kami papasok sa kagubatan. Hindi ko pa nalilibot ang buong paligid pero masasabi ko na maganda ng lugar na ito. Nakaharap ang bahay sa malawak na karagatan samantalang ang likurang bahagi naman ng bahay

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1090

    FIONA DELA FUENTE POV Tahimik akong kumain. Ramdam ko na gusto pang makipag -usap ni Harry sa akin. pero deadma ako. Hindi ko siya pinapansin. PAGKATAPOS kumain, parang walang nangyari na basta na lang akong umalis ng kusina. Ni hindi na din ako nag-abalang tulungan si Harry na magligpit ng pina

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1089

    FIONA DELA FUENTE POV "NABABALIW ka na ba?" pagalit kong singhal kay Harry. Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad sa direksyon kong saan hindi ko alam kung saan ako patutungo. Hangang sa makita ko ang isang hagdan pababa kaya dali-dali akong naglakad patungo doon. Bumaba at direchong lumabas

  • My Possessive Billionaire Husband   Kabanata 1088

    FIONA DELA FUENTE POV Sakto naman na pagkaalis nila Star at Kuya Dj, dumating ang order kong wine. Kaagad kong tinikman iyun at saktong pagkatapos kong gawin, napansin ko naman ang paglipat ni Harry dito sa pwesto ko . "What do you want?" paasik kong tanong sa kanya. Muli akong sumimsim ng wine

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status