FIVE YEARS LATER
ASHLEY POV
Agad kong pinara ang taxi na dumaan sa harap ko. First day of work ko at kailangan kong magpakitang-gilas sa aking mga magiging kasamahan sa pamamagitan ng pagpasok ng maaga. Isa pa naka-office attire ako ngayun at ayaw kong makipagsiksikan sa jeep.
Pagdating sa harap ng RJ Sebastian Logistics Incorporated ay agad akong dumiritso sa accounting department. Yes, graduate ako ng BS Accountancy sa aming probensya at swerte naman na natangap ako sa kompanya na ito. Balita ko mataas ang kanilang standard pagdating sa mga empleyado na hina hire. Para sa akin isang malaking opportunity ito sa aking buhay.
"Good Morning po!" Agad kong bati sa naabutang staff dito sa office. Agad itong lumingon sa akin at ngumiti.
"HI! ikaw ba si Ashley Delos Santos? Ang bagong hire?" magiliw nitong tanong. Agad naman akong tumango
"Ako nga pala si Samantha Salvador. Ako ang nakatokang mag-training sa iyo. Halika! Dito ang magiging table mo." nakangiti nitong wika sa akin. Agad naman akong tumalima pagkatapos magpasalamat.
"Fresh graduate ka ba?' tanong nito.
"Opo...ito ang first job ko." sagot ko naman
"Dont worry, ako ang bahala sa iyo. Madali lang naman ang trabaho dito at isa pa tatlo tayong magtutulong-tulungan. Malaking kompanya ang RJ Sebastian Logistics at swertehan ang nakakapasok dito para magtrabaho kaya galingan mo ha?" sagot nito sa akin. Agad naman akong tumango.
Inuumpisahan na akong turuan ni Ate Sam ng dumating nman ang isa pa naming kasama. Nagpakilala ito bilang si Cecil Ramirez at katulad ni Ate Samantha mabait din naman ito. Halos limang taon na sila dito sa kompanya at alam na nila ang pasikot-sikot sa trabaho.
"Sam diba kailangan ng mapirmahan ni Mr. Sebastian ang mga bonuses ng mga empleyado? Nakaready na ang mga dokumento at pirma na lang ang kulang." narinig kong wika ni Ate Cecil kay Ate Sam. Tahimik lang naman akong nakafocus sa pinapagawa nila sa akin. Nag-eencode ako ng mga tseke for filing at kailangan ko ng matinding konsentrasyon para hindi magkamali sa pag-enter ng mga figures.
"Ikaw na lang ang bahalang magpapirma kay Mr. Sebastian. Noong nakaraan ako ang gumawa kaya toka mo na ngayun." SAgot ni Ate Samantha.
"Hayy ito ang pinakaayaw ko sa trabaho natin. Ang makausap ang Boss natin. Hindi ba pwedeng ikaw na lang ulit at mukhang magaan naman ang loob noon sa iyo?" sagot ni Ate Ceciil.
"Hindi pwede! Marami pa akong gagawin. Si Ashley na lang ang utusan mo." sagot ni Ate Sam. Natigilan naman si Ate Cecil at agad akong nilingon. Nakangiti naman akong tumingin sa kanila at kusa ng tumayo.
"I know na first day mo ngayun Ashley. Pero need na kasi pirmahan ito eh. Tiyak na magwawala ang mga empleyado kapag ma-delay ang sahod at bonus nila." Nakikiusap na wika ni Ate Cecil. Agad akong tumango at kinuha ang hawak nitong mga papel.
"Ako na ang bahala. Saan ba ang office nya?" tanong ko.
"Naku! Thank you ha? Mula dito sakay ka ng elevator. Nasa top floor ang office ni Mr. Sebastian at hindi ka maliligaw kasi nag-iisa lang naman iyun. Pwede ka naman din magtanong sa Secretary niya. Nasa table niya lagi iyun paglabas pa lang ng elevator. Tsaka, gamitin mo ang card na ito...piling department lang kasi ang pwede pumunta sa office ni Boss eh." mahabang paliwanag ni Ate Cecil. Agad naman akong tumango at diretso ng naglakad palabas ng accounting office. Agad akong sumakay ng elevator at sinunod ko ang instruction nito. Itinapat ko sa parang isang scanner ang hawak kong card bago ito umandar pataas.
Pagkahinto ng elevator ay nagmamadali akong lumabas. Agad kong hinanap ang sinasabing pwesto ng secretary ni Mr. Sebastian at nagtaka ako dahil wala ito. Sinipat ko ang suot kong relo at napailing ako. Alas nwebe na ng umaga at wala ito sa kanyang pwesto.
Napapailing na lang ako at marahan na kumatok sa kaisa-isang pintuan na nakita ko. May nakasulat itong RJ Sebastian Logistics Incorporated kaya nasisiguro ko na ito ang opisina ng CEO.
Nakailang katok na ako pero walang sumasagot. Kunot noo kong dahan-dahan na itinulak ang pinto ng office at napangiti ako ng hindi ito nakalock. Agad akong pumasok sa loob at nagpalinga linga. Akmang tatawagin ko na si Mr. Sebastian ng may narinig akong ungol sa gawi na hindi ko alam.
Agad na nanindig ang balahibo ko sa aking katawan ng maisip na nag-iisa lang ako dito sa floor na ito. Baka minumulto ako kaya naman naisipan kung lumabas na lang muna ng marinig kong may nagsasalita. Actually parang hindi nagsasalita! Parang umiiyak na babae.
Agad kong hinanap kong saan ito banda at nagitla ako ng dumako ang mga mata ko sa isang nakabukas na kwarto..hindi..hindi pala kwarto...banyo? May babaeng nakatuwad na walang habas na sumisigaw habang may kumakadyot na lalaki sa likod nito? Naitakip ko ang aking mga kamay sa aking bibig sa matinding pagkagulat. Para akong tood na nakatitig sa kanilang dalawa na abala sa kanilang mga ginagawa.
"Faster Ryder! Fuck me hard! ohhhh i love it! Your so big!!!" hiyaw ng babae. Bigla naman akong pinagpawisan ng malamig. First time kung may nakitang nagkakabayuhan. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ang babaeng katalik nito dahil para itong umiiyak sa paraan ng kanyang pagsasalita. Humihiyaw din ito sa bawat pag-atras abante ng lalaki sa kanya.
"Im cumming...Im cumming! Faster! Fasterrrrr! " iskandalusang sigaw ng gaga. Hindi ko naman kaya pa ang narinig ang aking mga nakikita kaya napaatras ako. Parang gustong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko ng biglang tumingin sa gawi ko ang lalaking may malakabayong ari? Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito habang walang humpay sa kakaulos sa kanyang kapareha at titig na titig sa akin. HIndi ko naman alam kong ano ang gagawin kaya naman agad akong tumalikod.
Diyos ko! Nakakahiya! Baka mamaya iisipin nilang nambubuso ako. Malay ko bang may ginagawa pala silang milagro? Hindi ko naman siguro kasalanan ito.
"Stop right there! Malapit na kaming matapos!" Sigaw nito ng aktong lalabas na ako sa loob ng opisina. Natigilan naman ako at hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Pero kalaunan mas pinili ko na lang na lumabas ng opisina. Hindi ko kayang panoorin sila hangang sa matapos ang kanilang ginagawa. Nakakapangilabot ang bawat hiyaw ng babae.
Hindi ako nagpatinag at patakbo akong pumunta sa pintuan ng opisina at lumabas. Direcho ako sa elvator at muling bumaba papunta sa Acounting department. Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay hingal na hingal akong napaupo sa aking pwesto habang sapo ko ang aking dibdib na hangang ngayun ang lakas pa rin ng tibok. Agad naman akong nilapitan ng dalawa kong kasama at nagtanong.
"Kumusta? Anong nangyari? Bakit para kang hinabol ng sampung kabayo? May hindi ba magandang nangyari?" tanong ni Ate Samantha. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila
"Nasigawan ka ba ng Boss? Naku pasensiya ka na Ashley ha? Dapat talaga hindi na lang ikaw ang inutusan namin. First day mo pa naman ngayun pero hindi na agad maganda ang naging experience mo sa amo natin." sagot naman ni Ate Cecil. Agad naman akong napailing at isa-isa silang tinitigan
"Ga-ganoon ba talaga iyung Boss natin?" wala sa sarili kong tanong. Agad na napakunot ang kanilang mga noo na napatitig sa akin.
"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Ate Cecil.
"Ano kasi eh..nag---nag..' hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng biglang tumunog ang telepone ng opisina. Agad naman itong sinagot ni Ate Cecil.
"Hello!-------Good Morning Sir Ryder!...........sino po?...............ah opo, new hire po sya Sir....Ashley delos Santos po!" narinig kong sagot ni Ate Cecil. Agad akong napatingin sa kanya habang seryosong nakikipag-usap sa telepono habang hindi inaalis ang pagkakatigtig sa akin. Lalo kong kinabahan. Mukhang first day ko pa lang sesante na agad ako. Kung tutuusin hindi ko naman kasalanan. Malay ko bang nasa kasarapan siya ng pakikipagtalik?
"Ashley, tawag ka ni Sir Ryder! Ano ba kasi ang nangyari?Bakit mukhang mainit ang ulo?" tanong nito sa akin. Napayuko ako.
"Naku, mali kasi eh. Hindi na lang sana natin siya inutusan. Iyan tuloy, first day pa lang ni Ashley, makakatikim na agad ng boldyak kay Sir." sabat naman ni Ate Samantha. Pabuntong hininga naman akong tumayo.
"Balik ka ulit sa office. Dalhin mo pa rin ang Documents baka sakaling pirmahan niya na." wika ni Ate Cecil. Agad akong tumango at muling naglakad sa palabas ng Accounting Department.
Kinakabahan akong muling pinindot ang elevator para bumakas. Pagpasok sa loob ay itinapat ko ang hawak kong card para dalhin ako sa opisina ng CEO. Hindi pa rin maalis-alis ang matinding kaba sa dibdib ko lalo na ng maalala ko ang mga eksena kanina na nakita ko sa loob ng banyo ng opisina ni Boss.
Pagkalabas ko pa lang ng elevator ay nakita ko na ang babaeng katalik ng CEO na nakaupo na sa harap ng computer. Hindi ako maaring magkamali. Mukhang ito ang Secretary nya? Diyos Mio..kinilabutan ako sa isiping nagsesex sila bago mag-umpisa ng trabaho? Ganoon na ba ang papel ng isang Secretary ngayun? Kung ganoon man lang mas gustuhin ko na lang umuwi ng probensya at tumulong sa mga ka-baryo ko na magtanim ng kamote.
Agad akong naglakad palapit dito. Naramdaman niya naman ang aking presensya kaya nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin.
"What do you want?" mataray nitong tanong. Pigil naman ako na mairapan ito. Huwag nya akong taray-tarayan...alam ko na ang sekreto nila ng CEO
"Im from accouting department. Dala ko ang mga documents na dapat pirmahan ng CEO." sagot ko dito. Nakatitig ito sa akin ng sabay na napabaling ang tingin namin ng biglang tumunog ang telepono sa gilid ng kanyang computer. Agad nya itong sinagot bago muling tumitig sa akin.
"O--ok Sir..copy!" narinig kong wika nito bago tuluyan ng ibinaba ang tawag. Muli ako nitong hinarap at seryosong nagsalita.
"Pwede ka na daw pumasok sa loob" maiksi nitong wika at halata sa boses ang pagpipigil ng inis. Agad naman akong tumalima at naglakad patungo sa pintuan ng opisina. Kumatok pa ako ng tatlong beses bago narinig na may nagsalita sa loob na pinapapasok na ako.
Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan pabukas at agad na pumasok. Bumalik na naman ang kaba na nararamdaman ko kani-kanina lang. Pakiramdam ko nakakatakot ang Boss namin na ito..
"Go...Good Morning Si--sir!" ninirebiyos kong wika ng makapasok na. Nakaupo ito sa swivel chair at nakatalikod sa gawi ko.
"Good Morning Mrs. Sebastian." sagot nito at agad na tumayo sa swivel chair at humarap sa akin. Nagulat man ako sa itinawag nitong pangalan sa akin pero mas lalo akong nagulat ng mamukhaan ko ito...kanina kasi hindi ko sya masyadong mamukhaan dahil medyo malayo mula sa aking kinatatayuan ang CR. I
Kung kanina hind ko halos maaninag ang mukha nito sa loob ng banyo, ngayun kitang kita ko na ng malapitan. Hindi ako maaring magkamali. Ito yung lalaking pinakasalan ko five years ago. Si Ryder James Sebastian.
Parang biglang nanginig ang tuhod ko ng dahan-dahan itong lumapit sa akin na may nakaguhit na ngiti sa labi. Napalunok ako ng maraming beses ng tumigil ito sa harap ko at tintigan ang mukha ko
"Sa wakas, nagkita din tayo muli wife..." sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko kayang iproseso ng utak ko ang sinasabi nito sa akin ngayun.
"A-ano ba ang sinasabi mo Sir? Hi-hindi po kita maintindihan....at isa pa po..hindi po Mrs. Sebastian ang pangalan ko. Ako po si Ashley...Ashley delos Santos." pagkakaila ko at umatras ng ilang hakbang dito. Kunting kunti na lang kasi at magkakaamuyan na kami ng hininga dahil sa sobrang lapit nito sa akin ngayun.
Agad na napataas ang kilay nito sa sagot ko. Pagkatapos ay muling naupo sa kanyang swivel chair at mataman akong tinitigan habang may naglalarong ngiti sa labi.
"Dont tell me na nakalimutan mo agad ang nangyari five years ago? Ang pagpayag na pagpapakasal mo sa akin kapalit ng ten million pesos na inoffer sa iyo ng Lola ko." seyoso nitong wika. Napaiwas ako ng tingin sabay kagat ng labi ko. Wala na. Sukol na ako. Wala na akong matakbuhan pa kaya naman kinakabahan akong napangiti dito.
"Ah iyun po ba? Pa-pasensya na po, nakalimutan ko kasi." palusot kong sagot dito
Hindi naman ito sumagot bagkos tumaas ang sulok ng labi nito habang titig na titig sa akin. pagkatapos ay muli itong tumayo at lumapit sa akin.
"i dont think na nakalimutan mo ang lahat. Hindi ko alam na may pagkasinungaling ka pala Mrs. Sebastian..." wika nito sa akin sabay hawak ng kamay ko na may suot ng singsing.
Napalunok ako ng maraming beses ng titigan nito ang palasingsingan ko na hangang ngayun nakasuot pa rin ang wedding ring na hindi ko mahubad-hubad sa loob ng limang taon. Lahat yata ng paraan ginawa ko na para matangal ito pero walang epekto.
Napakagat ako ng labi at hindi makatingin ng diretso dito. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya naman binawi ko ang kamay ko na hawak nito.