Hindi ko pa rin mapigilan na hindi mapasimangot habang hawak ko ang tuwalya ni Keij at ni Theon ngayon. Since they’re part of the varsity team, we always make sure to watch them. But this time, it’s only me who’s here. Sabi nila Cherinna sa akin ay susunod na lang ito sa gymnasium. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o na-busy na ito sa manliligaw nitong si Ian. Si Lean naman ay magpupunta rin daw roon pagtapos ng klase nito pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
“Ang bagal mo naman mag-abot ng tuwalya,” sabi ni Keij sa akin nang kuhanin nito ang tuwalya sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mata. “Aba, nakahanap ka ng katulong mo?” tanong ko rito. Ngumisi lang ito sa akin at bumalik na agad sa court dahil mabilis lang naman ang time-out na tinawag ng mga ito.
As always, they’re looking at me like I am the enemy here, and I am talking about those girls who kept on cheering for my cousins. May mga banners pa ang mga ito para sa dalawang Dela Cruz na naglalaro sa loob ng court.
I scoffed and placed their towels on the bench. I made my way to the bleachers. Doon ko na lang hihintayin sina Cherinna kung talaga bang magpupunta ang mga iyon ngayon dito.
“Go, Theon!” malakas na sabi ng isang babae na hindi ko alam kung saan ba nakaupo. Napailing na lang ako rito.
I know my cousins and I don’t think they will be into someone who likes them. Mga gago ‘yang mga ‘yan, eh. Isa pa, hindi ko rin naman sigurado kung papasa ba sa taste ni Theon at Keij ang mga babeng naroon.
I crossed my legs while watching them. I was wearing a black turtleneck shirt and skirt. Nakahantad din ang legs ko habang nanunuod sa mga pinsan ko. Unlike Cherinna, I don’t really mind flaunting what I have. Kung si Cherinna ay nahihiya kapag pinagsusuot ko ito ng skirt, ako naman ay confident.
Nagtatrabaho ako sa Ai’s bilang model, siguro ay isa na rin iyon sa dahilan kung bakit.
“Alyanna,” tawag sa akin ni Cherinna na lumapit na sa akin. Kasama na nito si Jahann at si Enzo. Ngumiti naman ako rito nang makalapit na sa akin.
“What did we miss?” Cherinna asked me while looking at the scoreboard. “Oh, lamang naman pala sila, eh,” sabi nito habang nakatingin pa rin doon. Hindi naman na talaga kasi nakakapagtaka kapag ganoon ang score dahil si Theon ang Keij ang pinaka scorer nila.
Jahann sat beside Cherinna and Enzo occupied the space beside me.
I looked at him and smiled. He just nodded his head a little.
“Ang sungit mo naman,” sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa akin at tinignan ako. “I am not,” tipid na sagot niya sa akin.
“Oo kaya,” I rolled my eyes and shrugged. Ibinalik ko ang mga mata sa mga pinsan namin na muling naka-shoot ng bola matapos magpasahan kaya naman muling lumakas ang tilian sa may gymnasium.
As expected, nanalo sila sa laban nila.
“Wait for us, shower lang,” sabi ni Keij habang nakasampay sa balikat nito ang tuwalyang ginamit. Tumango naman kami sa kanya kaya hindi na muna kami umalis.
“Where’s Lean?” tanong ko kay Enzo na parang kanina pa hindi kumikibo sa tabi ko.
“On her way here,” iyon lang ang sinabi nito sa akin. He looked away and I saw his jaw tightened. I am not really sure if he’s pissed or what, though.
“Mag-CR lang ako, message me kung nakalabas na sila para makakain na tayo, ha?” sabi ko kay Cherinna bago nagpaalam at tumayo na. Naglakad na rin ako papunta sa may CR ng mga babae na naroon lang sa ibaba.
“Grabe, ang gwapo talaga nung kakambal ni Lean!” narinig kong sabi ng isang babae habang nasa loob ako ng cubicle.
Hmm. They’re talking about Enzo.
Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
“Oo nga, eh. Kaso ang sabi may girlfriend na raw ‘yun, totoo kaya?” sagot naman ng kasama nito. Kumunot ang noo ko at tuluyan na akong na-curious sa pinag-uusapan nito.
Kung ano-ano talaga ang mga chismis na pinagkakalat ng mga tao ngayon.
“Eh, ‘di kay Jahann na lang tayo!” humahagikgik na sabi nito sa kasama pa nila.
Mas napailing naman ako. When will they ever learn that they are not their type. Sa tahimik nila Enzo, Jahann at isama na si Kol, sa palagay ba ng mga ito, gugustuhin nito ang maiingay?
After doing my thing, I immediately went out of the cubicle. Halata namang nagulat ang mga ito nang makita ako. I showed them a sweet smile and proceeded to wash my hands. Lumabas na rin ako at nakita ko si Enzo na nakasandal sa pader ng banyo at tila may hinihintay.
“What are you doing there?” I asked him.
“Waiting for you,” he said. Tinignan din nito ang mga babaeng lumabas ng banyo na animo ay nabigla na naroon si Enzo.
I smiled a little and clung my arm on his. “Let’s go,” aya ko rito na agad naman akong pinaunlakan. “Lumabas na ba sila?” tanong ko sa lalaki habang nakahawak pa rin sa braso nito.
“Yeah, they said we will just eat outside, they’re in the parking lot already,” sagot naman nito sa akin. Tumango-tango ako bago binawi na ang kamay ko dahil naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Agad ko namang tinignan iyon habang naglalakad ako at nakita ko ang message ni Cherinna na nasa parking lot na nga ang mga ito. Doon na lang daw hihintayin si Theon at Keij.
I was about to reply when I felt Enzo’s hand on my waist and pulled me closer.
Nag-angat naman ako kaagad ng tingin sa kanya.
“I told you to stop using your phone when you are walking,” masungit na sabi nito sa akin. Kamuntik na naman akong mabangga ng ibang estudyanteng naglalakad kung hindi lang naging maagap si Enzo na hapitin ako.
“Nagmessage kasi si Cherinna. Nasa parking na nga raw sila at--”
“That’s what I told you earlier,” he cut me off.
Mas lalo naman akong napanguso nang mas nagsungit na ito. I made a quick reply to Cherinna and put my phone back in my bag. “There, wala na. Happy?” I asked him sarcastically.
He just rolled his eyes and walked. Huminga naman ako ng malalim bago naglakad na rin papalapit kay Enzo. Napahinto lang ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang lalaki na nakasandal sa may puno sa may field.
He’s familiar… I just can’t remember where I saw him…
I stopped on my track while staring at the guy who’s I guess is listening to music since he has a headphone on his head. I hate this attitude of mine, hindi ako matahimik kapag hindi ko naalala kung sino ba ito o kung saan ko nakita…
“Alyanna,” Enzo called me. Medyo malayo na ito kanina sa akin pero ngayon ay nasa harap ko nang muli dahil binalikan ako.
“Ito na,” sabi ko naman sa kanya bago sumabay na rin ng lakad sa lalaki. Muli kong nilingon ang lalaking nakita ko at nagtama ang mga mata naming dalawa.
He smiled at me and waved his hand.
Napaiwas naman ako ng tingin at naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba pakiramdam ko ay nag-blush ako dahil sa simpleng ngiti at kaway ng lalaking iyon.
Heck, I couldn’t remember where I saw him!
I bit my lip while we’re walking. Iniisip ko pa rin kung saan ko ba nakita ang lalaking iyon. I think bago lang ito roon dahil hindi ko naman ito pa nakikita ng madalas…
“What’s wrong?” untag ni Enzo sa akin. Nilingon ko naman ito habang kagat pa rin ang labi ko. “Hmm?” I hummed.
“I said what’s wrong?” he asked me again. Mabilis naman akong umiling sa kanya. Of course hindi ko naman masasabi sa lalaking ito na iniisip ko kung sino ang lalaking nakita ko dahil malamang ay hindi rin naman nito kilala iyon.
Isa pa, baka isumbong pa ako nito kay Jahann dahil doon.
Nang makarating kami sa parking lot ay si Keij at Theon na lang ang wala. Naupo na ako agad sa tabi ni Cherinna at Lean. Si Enzo naman ay nakatingin pa rin sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya pero nag-iwas lang ito ng tingin.
“Alam mo, ‘yang kakambal mo, tatanda mag-isa,” sabi ko kay Lean na halos pabulong lang dahil baka marinig ako ni Enzo. Natawa naman ito at nilingon si Enzo na ngayon ay kausap na si Kol.
“Eh, di samahan mo. Ikaw rin naman tatandang mag-isa,” pang-aasar sa akin ni Lean. I opened my mouth to say something but opted to just frown at her. Napakasama ng ugali, akala mo naman may boyfriend!
Napasama lang talaga sa drama club ang isang ito, naging mapanakit na ng feelings ko!
Maging si Cherinna ay natawa sa sinabi ni Lean. I rolled my eyes at them.
“Saan ba tayo kakain?” tanong ko na lang sa kanila sa halip na makipag-asaran pa. Nagmessage na raw si Keij na papunta na sila rito kaya naman sumakay na sa kani-kaniyang sasakyan sila Jahann at Enzo. Si Kol naman ay sumakay na sa sasakyan ni Enzo.
Nang dumating sina Keij ay sumakay na rin kami ni Cherinna sa sasakyan ni Jahann. Katabi ko namang naupo sa likod si Lean.
Kaming dalawa lang ng katabi ko ang nagsasalita habang si Cherinna ay sumasali lang kapag kinakausap naming dalawa. Si Jahann naman ay nagmamaneho lang at nakasunod sa sasakyan ni Enzo.
Tinawagan lang namin sila sa kabilang sasakyan para sabihin na sa mall na lang kami magpunta at wala naman na kaming narinig na reklamo sa mga iyon.
Nauna ang mga ito na magpark ng sasakyan kaysa sa amin kaya tinabihan lang ito ni Jahann. Magkakasabay naman na kaming bumaba at lumapit sa apat na lalaki.
Inakbayan naman ako ni Keij nang makalapit ako.
Tinitigan ko ito ng masama. “Problema mo?” I asked him, shrugging his arms off of me.
“Lilibre kita kasi naging mabait kang alalay kanina,” natatawang sabi nito sa akin. Matalim ko naman itong tinignan ulit. Kahit kailangan talaga, napaka walanghiya nito.
Kaya hindi ko malaman sa mga babaeng may gusto rito kung bakit, eh. He’s handsome and tall, yes. Magkaka-height si Enzo, Kol at Keij na pare-parehong 6’1. Si Jahann naman ay 5’10 habang si Theon ay 6’2. Pero kung makikilala nila si Keij, napaka pasaway kaya nito. Manang-mana kay Tito Hunter, based on what Mommy used to tell us, though.
Nag-ikot lang kami muna nang nag-ikot habang naghahanap ng mabibili. Humiwalay na muna kaming tatlo sa mga lalaki dahil maghahanap daw muna ang mga ito ng sapatos nila, isa pa ay matagal daw kaming magdesisyon sabi ni Keij.
Hindi naman na kami nakipagtalo pa at hinayaan na lang ang mga ito. Bahala silang kasama sina Jahann na hindi kumikibo. Of course Lean and I bought new make ups, si Cherinna rin ay pinilit kong bumili kahit na hindi ito masyadong gumagamit nito.
“Wait lang, ha,” sabi ko sa mga ito nang makita ang isang boutique sa tapat ng store kung nasaan kami. Agad akong pumasok sa loob nito at nagtingin sa mga damit na naroon.
I smiled when I saw how beautiful the blouses were. May mga skirts din doon na kinuha ko mula sa pagkaka-display.
The staff assisted me to the fitting room.
Mabilis kong sinukat ang damit na kinuha ko at napangiti ako nang makitang fit sa akin iyon. Hindi naman ito masikip at maluwag. Sakto lang talaga sa akin. Mas maiksi nga lang ang skirt pero okay naman na rin at alam kong kaya ko namang dalhin.
Nagpalit na akong muli ng damit at binili ang mga napili ko. Nagbabayad na ako sa counter nang mapansin ko si Enzo na nakatayo sa may labas ng boutique. Kumunot naman ang noo ko at matapos kong abutin ang pinamili ko ay lumabas na rin ako.
“What are you doing there?” I asked him while smiling. He looked at me down to the paper bags I am holding. “New clothes,” sabi ko sa kanya na bahagyang itinaas ang mga iyon.
“Obviously,” sabi naman nito bago kinuha sa akin ang mga hawak ko.
“Hey, ako na, hindi naman mabigat…” tanggi ko ngunit nakuha na ni Enzo ang mga iyon sa akin. Inabot naman nito ang hawak na paper bag din sa akin.
“What’s this?” I asked him before I checked it. Mas napangiti ako nang makita ko na sketchpads at pencils ang laman nito.
“Binili mo ako?” tanong ko sa kanya habang nakangiti. “Thank you!”
He just smiled a little and walked with me. He’s still carrying my paper bags and I didn’t hear any complaints from him. Nang makalapit kami kina Cherinna ay dala na rin ni Jahann ang pinamili nito. Si Theon naman ang may dala ng pinamili ni Lean habang dala rin ang sariling pinamiling mga sapatos.
Napapailing na lang ako kapag nakikita ko ang mga nakakasalubong namin na nagbabalik-tingin sa mga kasama naming lalaki. Nakakatawag pansin naman talaga kung may makakasalubong kang limang lalaki na ganito ang mga itsura.
We entered the first restaurant we saw. Sina Kol at Enzo naman na ang umorder habang nakikipag-usap ako kay Cherinna na nasa tabi ko. Si Enzo ang nasa kabilang side ko habang si Lean ay katabi ng kakambal ko.
I crossed my legs again while talking to them. Since nasa may dulo ng lamesa si Enzo ay naroon din ang waiter.
Nang makaalis ito ay napatingin ako kay Enzo nang itakip nito sa may legs ko ang table napkin na nasa lamesa.
“Hmm?” I asked him.
“Your skirt is too short,” he just commented. Hindi naman malakas ang pagkakasabi nito sa akin, sapat lang para marinig ko iyon.
“Hindi naman, ah?” sabi kong muli sa lalaki.
He made a face and looked at me. “Just don’t remove it, Alyanna,” pinal na sabi nito sa akin. Nahahawa na rin yata si Enzo sa pagiging protective sa amin ni Jahann.
Sinunod ko na lang ang gusto nito at tinakpan ang legs ko habang kumakain kaming lahat.
Matapos kaming kumain ay nagkayayaan na kaming lahat na umuwi na para makapagpahinga. Inilagay ni Enzo sa may sasakyan ang mga pinamili ko at ganoon din ang kay Cherinna.
Ilang sandali pa ay nasa biyahe na kaming tatlo para umuwi. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang bigay ni Enzo. It’s normal for us to give gifts, but this was unexpected so it made me happy.
I checked my phone and saw some notifications about the picture I posted earlier, it was the one I took when I was in the fitting room. It really looks good and those who saw my picture say it, too. I was liking the comments when I received a message from Enzo.
Agad ko namang tinignan iyon.
Take care.
I chuckled and shook my head. Kahit naman sa message, napakatipid nito talaga kahit kailan. Wala man lang smiley na nilagay o ano. Parang CEO ng kumpanya ang laging kausap, eh.
Nag-type na lang ako ng message sa kanya pabalik.
You, too! Thank you sa bigay mo. I’ll sketch you again!
Alam ko naman na hindi na magrereply ulit si Enzo dahil ayaw nito na iniisketch ko siya. Noong nakaraan ay pinainom niya pa ako ng ginger water dahil doon.
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag ko matapos akong magtingin sa mga messages ko nang muling umilaw iyon at nakita ko ang reply ni Enzo.
Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang pangalan nito. Hindi ko inexpect na magrereply pa ito sa akin. Dali-dali ko naman itong binuksan at hindi ko mapigilan na matawa ng mahina nang makita kong mas tipid ang reply nito.
Ok.
He agreed? Himala, ah. May sakit ba ‘to?
I opted not to reply anymore and just put my phone back in my bag.
Paulit-ulit naman ang naging routine namin nang malapit na mag-exam. Binawasan na rin muna namin ang paglabas pero kung nakakahanap kami ng either long weekend o kaya ay kapag gusto lang namin na magsama-sama, pinipilit namin na makapagbakasyon man lang kahit papaano para naman hindi kami ma-burnout sa pag-aaral. Now that Cherinna is officially dating that Ian guy, kung minsan ay wala na akong makasama masyado. Maging si Lean din kasi ay hindi ko madalas mahagilap o kaya naman ay sinasabi nito na may gagawin ito. I am still teasing Jahann about Iris which pisses him off actually. Hindi ko naman tinatago ang kilig na nararamdaman ko kapag inaasar ko si Cherinna kay Ian dahil talaga namang bagay ang dalawang ito. We usually just talk about them since all I can share is my work at Ai’s and whenever we want to go shopping, but about my lovelife or anything? Wala. Wala naman din akong ikukwento sa mga ito. Hindi ko na nga rin natanong si Lean tungkol kay Leo Saavedra na DJ sa Blue’s Hav
I turned around and hugged my pillow tight. Tapos na ang mga exams namin at wala ring pasok ngayon kaya kahit na alam kong alas-nueve na ng umaga ay nakahiga pa rin ako sa kama ko at hindi bumabangon. Narinig ko na ang pagkatok ni Cherinna kanina pero hindi ako bumangon dahil gusto ko talagang matulog pa muna sana. “Alyanna!” tawag muli ni Cherinna sa akin. I looked at the door and frowned. I know I annoy them most of the time but why is that when it’s my time to just stay inside and do my own thing, she will start bugging me. Hindi na ako nag-abala pa na ayusin ang buhok ko at tumayo na ako para pagbuksan si Cherinna. Humihikab pa ako nang buksan ko ang pinto. Kumunot naman ang noo niya sa akin nang makita ako. “You just woke up?” she asked me. Tumango naman ako bago bumalik sa kama ko at muling nahiga. “What is it…? Wala kang date?” tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Cherinna dahil sa sinabi ko. I know that Ian is courting her and I am still teasing he
I took a seat beside Enzo who’s frowning again. Hindi ko mapigilang matawa rito dahil mukhang inis na inis na ito na kausap ni Lean ngayon si Kevyn. Well, it was actually a good thing that he’s a friend of Ian, mas naging madali kay Lean na makilala ang lalaki. Si Kol, ako at si Enzo na lang ang naiwan sa lamesa habang ang mga kasama namin ay hindi ko na alam kung nasaan. I saw Theon with someone earlier, though. “Alam mo hayaan mo kaya muna si Lean, no?” sabi ko naman kay Enzo. Nilingon niya ako bago uminom sa baso nito. Napasimangot naman ako rio habang pinagmamasdan ko pa rin ito. “You know, if you will just smile a little more often, mas maraming magkakagusto pa sa’yo…” kumento ko sa kanya. Well, I have been drinking since earlier but it doesn’t mean that I am already drunk. “I don’t want them to like me,” he said, which made me crease my forehead. “Kahit naman ayaw mo, marami silang may gusto sa’yo, eh. Sa inyo nila Kol, actually,” sabi ko pa na nilingon ang pinsan ko na umii
It was almost 7 pm when we reached the restaurant. Si Theon pa rin ang nagmaneho dahil sasakyan naman nito ang ginamit naming apat. Kami lang din ni Lean ang nag-uusap sa buong biyahe namin papunta roon. Magkakasunod kaming pumasok sa loob at hinawakan naman ni Enzo ang siko ko para igiya ako sa lamesa kung saan kami itinuro ng waiter. Naupo na ako kaagad at tumabi naman sa akin si Enzo dahil sa harap ko naupo si Lean. Pareho kaming nasa may gilid ng salaming pader ng restaurant. “You like it here, no?” sabi ko rito. I remember he also brought me here before to eat. Enzo looked at me and nodded his head. Hindi naman din nagtagal ay dumating na ang waiter para kunin ang order naming apat. I looked at the menu and turned my head to Enzo who’s already ordering his food. Tinapik ko naman ito kaagad. “Wait lang kaya, naghahanap pa ako, eh,” sabi ko rito para pigilan ito. Kumunot ang noo nito sa akin. “I am already ordering for us. Do you want something else?” ani Enzo habang naghihint
Nakaupo ako sa may bench sa may garden malapit sa may building ng mga IT students habang busy ako sa paggawa ng mga sketches ko. Nag-iisip na ako ng iba-ibang designs ng damit dahil kailangan naming magsubmit ng mga proposal designs namin by mid of the month. Kanina ko pa rin naman pinadalhan ng message si Cherinna kung nasaan ako para kung sakali man na hanapin niya ako ay alam niya kung saan niya ako pupuntahan. May mga students naman din akong kasama na naroon sa may garden pero gaya naman ng laging nangyayari, may mga bumabati sa akin pero walang tumatabi dahil na rin alam naman karamihan na may circle of friends na ako. I was busy sketching on my notepad when I noticed someone occupied the seat in front of me. Nag-angat ako ng ulo at nakita ko si Leo na nakangiti sa akin. “Naligaw ka yata?” tanong niya bago inilagay ang dala nitong softdrinks at burgers sa lamesa. “Have you eaten?” tanong pa nitong muli sa akin bago inalis ang balot ng dalang pagkain. Hindi ako nakapagsalita
“Why are you so mad?” tanong ko kay Enzo habang nasa loob kami ng sasakyan nito. Katatapos lang namin kumain nila Lean kanina at nalaman na naming lahat ang tungkol sa relasyon nila ni Theon. Well, we’re all shocked. Surprised because we didn’t expect that to happen. Palaging nag-aaway ang dalawang iyon kaya naman hindi ko maunawaan ng husto kung paanong nagkagustuhan silang dalawa. Enzo’s forehead creased as he looked at me. I leaned on my seat and shrugged my shoulders. “I mean, I understand that it’s really surprising, but… it can really happen, right? Hindi naman tayo magkamag-anak at--”“Theon is an asshole,” he cut me off. Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon dahil alam naman naming lahat na iyon ang totoo. Gago naman din talaga si Theon kaya naman nakakagulat, nakakagulat din na kahit na ganoon ay minahal ito ni Lean. “I can’t understand it, how can she fall in love with him? That asshole probably told Lean lies,” umiiling na sabi pa rin ni Enzo sa akin. I under
“Lean…” kinalabit ko si Lean habang naroon kami sa Sweet Desire. Somehow ay nagkakaroon na ng progress ang relasyon nito at ni Theon. Tinutulungan nila Jahann at Kol si Theon habang si Enzo naman ay nabawasan na rin ang galit at sa palagay ko ay mas naintindihan na rin nito ang sitwasyon ng kakambal nito.Lumuingon naman siya sa akin. “I have a question,” I looked around to see if there were other customer near us. Nahihiya ako magtanong kay Lean pero hindi naman din kasi maalis sa isip ko ang bagay na ito simula nang nalaman namin na magkarelasyon silang dalawa. Lalo pa at alam naman namin ang reputasyon ng pinsan ko. Nakita ko si Cherinna na kunot na kunot din ang noo habang nakatingin sa akin. “What is it?” Lean asked me. I bit my lip and looked at her. “Does it really hurt on the first time?” tanong ko sa kanya na halatang ikinagulat ng mga kasama ko sa lamesa. Well, I am curious and I should just ask her instead of googling it! “Aly!” pinanlakihan niya ako ng mga mata na para
“Okay, pauwi na rin naman ako, ano bang gusto mo?” tanong ko kay Cherinna habang naglalakad papunta sa parking. Everything happened in a blur and sometimes, I feel like I was just watching their lives change. Si Lean at si Theon. Si Cherinna at si Ian. The news surprised us all. Kahit ako ay nagulat nang malaman namin na buntis si Cherinna. There’s a part of me that feels bad because of her bad decision, but I can’t fully blame her. Isa pa, nariyan na ang problema. Mas hindi makakatulong kay Cherinna kung mas mararamdaman niya na wala siyang kakampi sa amin. “You don’t have any cravings?” I asked her again. I saw Leo in the parking lot and I smiled widely. Mabilis akong naglakad papunta sa lalaki habang kausap pa rin si Cherinna sa may cellphone ko. “Okay, okay. I will just drop by at SD and check if I can bring any pasalubong, okay?” sabi ko naman dito bago binaba ang tawag. “Hey…” I smiled at him when I stopped in front of him. “Himala, ah? Nandito ka sa side ng parking na ito
I was leaning on the doorway while watching Enzo put our things inside his car. He fetched me today since we’re planning to go North for a vacation. It was also a graduation gift of Tito Hunter to him. Nagrent ito ng isang villa para sa amin ni Enzo. Of course, the debate was intense since Mommy doesn’t want me to go alone with Enzo. She kept telling Tito Hunter that his gift was absurd. Hindi naman nagpatalo si Tito Hunter at sinabihan si Mommy na noon namang kabataan nito ay madalas itong natutulog na sa bahay ni Daddy kaya huwag daw itong matakot sa posibleng mangyari sa amin ni Enzo Even Keij was teasing us about this vacation. Ilang beses nitong inasar si Enzo na galingan daw nito dahil minsan lang kami makakapag solo na dalawa. Hindi na lang ito pinansin ni Enzo, si Theon at Lean naman ay nag bakasyon din ngayon. Nauna sila ng alis sa aming dalawa. “You look hot while putting those things in there…” napangiti ako nang kumunot ang noo ni Enzo at tumingin sa akin. Inayos nito
“Lorenzo, come here!” Masayang tawag ko rito nang makita ko itong nasa may garden. Masigla naman itong tumakbo papalapit sa akin kaya mas napangiti ako sa inasal nito. I patted his head and smiled at him. “What are you doing there?” I asked him and he just wiggled his tail. “I still hate the fact that you named him after me,” lumapit naman sa akin si Enzo na may dalang bulaklak at hinalikan ako sa noo. I smiled widely as I carried the dog. Iyon ang pinunta namin noong nagtungo kami sa bahay nila Kol. He asked Kol to keep it so he could surprise me. It was a shih tzu and I named him Lorenzo when I found out it was a male. I was planning to name it Francesca if it was a girl, actually. Para lang mabwisit ko rin si Airi paminsan-minsan. “Why? It’s cute! And I love your name,” I smiled at him and pecked on his lips. “Your practice is done?” tanong ko rito bago inaya ito na pumasok na sa loob ng bahay namin. Nagsisimula na ang rehearsals nila sa graduation kaya sa hapon na lang kami n
“So, what are you planning after your graduation?” tumabi ako kay Enzo matapos kong makuha ang order namin na fries, burger at sundae ice cream. I also ordered diet coke and he’s not very happy with my choice of food today. Kanina pa ito nakasimangot sa akin dahil inaya ko ito na kumain sa fast food chain. He said it was unhealthy and I should not eat these foods thrice a week. Wala naman din siyang nagawa dahil naglakad na ako papasok sa loob ng fast food chain. Malapit na ang graduation nito, ni Lean at ni Theon. Since engineering ang course ni Theon, nagpang-abot na ang graduation nito dahil 5 years ang course nito. Susunod naman na gagraduate ay sina Jahann, Kol at Keij. Si Cherinna ang nahuli sa amin dahil na rin huminto ito nang nagbuntis kay Nikolai. “Are you seriously just going to ignore me?” tanong ko rito habang nakatitig sa lalaki. Hindi naman nagsalita si Enzo kaya tumango na lang ako sa kanya at huminga ng malalim. Sumandal na lang ako at nagsimula na lang na kumain ng
“What are you doing here?”Nakakrus ang mga braso ko sa may dibdib ko habang nakatingin kay Leo na nakasandal sa sasakyan nito. He’s wearing a black hoodie, his hands were inside his hoodie’s jacket. He turned his face to see me and I saw him smile a little. He shrugged and chuckled. “Clearly your brother didn’t understand what I said…” “Uh? What do you mean?” nagtatakang tanong ko naman dito. Lumingon ako sa pinto ng bahay namin dahil baka tawagin ako ni Cherinna o ni Airi dahil lahat sila ay nasa loob na ng dining room.“Look, I know I haven’t really apologized for what I did to you,” panimula ni Leo. Humakbang ito papalapit sa akin. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I was staring at him and trying to assess what I feel for him. Noon, kapag nakikita ko siya, hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Just by staring at him makes the butterflies in my stomach go wild. Hindi naman maikakaila ng kahit na sino na talagang gwapo at malakas ang appeal ni Leo. Marami ang may gusto
“Mom, what do you think? Red roses?”I checked the red roses that were on display while talking to my mom. Nagpunta kami ngayon nila Cherinna at Airi para puntahan si Mommy at para na rin mamili ng bulaklak para sa dinner mamaya sa bahay kasama ang mga De Guzman. I received a call from Enzo last night that they will be visiting us. Napag-usapan na rin kasi naming dalawa na sasabihin na namin sa mga magulang namin ang relasyon namin dahil wala naman kaming plano na ilihim talaga iyon sa lahat. We all know what can happen if we keep it from them. Isa pa, wala namang dahilan para hindi namin sabihin ang totoo sa mga ito. I am sure that they will all be happy for us. “These sunflowers looks good,” sabi ni Airi bago tumingin kay Mommy at ngumiti. “Magdadala po ako sa bahay, ah? Para sa room ko,” paalam nito kay Mommy bago nagpatulong sa staff na naroon para makapagbalot ito ng mga bulaklak para sa kakambal ko. “White looks good, too.” Nilingon ko si Cherinna at ang hawak nitong white
“What are you cooking?” I smiled when I leaned on the counter while watching Airi cook. Kakatapos ko lang naman din na maligo at mag-ayos kaya bumaba na rin ako para matignan kung ano ang niluluto ni Airi ngayon. I offered my help earlier but she just shoo me away and told me to just make sure everyone is coming. Hindi naman na ako nagpumilit dahil alam kong wala naman talaga akong talent sa pagluluto. Si Jahann, Cherinna at Airi ang mga biniyayaan ng ganoong talento. “Chicken curry,” sabi naman ni Airi sa akin bago kumuha ng isang kutsara para ipatikim sa akin ang sauce nito. I smiled as I tasted it. “It’s so good!” sabi ko naman dito at matamis na ngumiti. Muli akong naglagay ng sauce nito sa kutsarang binigay sa akin ni Airi nang mahina nitong tapikin ang kamay ko. “Stop it, mauubos mo ‘yan bago pa natin sila makasama, e!” saway naman niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay muling tinikman ang luto nito. “Pwede ka na mag-asawa pero huwag muna!” pang-aasar ko sa
“So, Kol lied to me?” I raised my brow while looking at Enzo who’s cooking our dinner for tonight. I tried calling Kol but he just kept on declining my calls. I think he blocked me, actually. “Just to be fair with Kol, I think he did that for us to talk,” he shrugged and smiled at me. I rolled my eyes and shook my head. “He should’ve just told me the truth instead of lying to me!” sagot ko naman sa lalaki bago muling uminom sa juice na inihanda rin nito kanina. “If he did, I don’t think you will go here, baby. You saw me and Elisha and I think you had thousands of thoughts inside your head, making stories and jumping into conclusions,” Enzo said while chopping the vegetables. Napasimangot ako dahil totoo naman ang sinabi nito sa akin. When I saw him and Elisha, I immediately thought they’re okay and they’re getting comfortable with each other… hindi ko naman maiwasan na hindi makakaramdam ng selos dahil mahal ko si Enzo. “See? You’re frowning, meaning I am right.” Tinignan ko siya
“Where are you planning to take me?” Nilingon ko si Kol na tahimik lang habang nagmamaneho. May twenty minutes na rin siguro kaming nasa daan na dalawa. Kanina ko pa rin naman siya tinatanong kung saan niya ba ako dadalhin pero hindi niya ako sinasagot ng diretso. He’s just telling me to wait and calm myself. Wala naman akong magawa dahil ito ang nagmamaneho. Sumama ako sa kanya dahil sabi niya sa akin ay pag-uusapan namin ang tungkol kay Enzo. Airi was also calling me but I kept on declining it. I know that she’s worried about where I went. Hindi ako nagpaalam sa kanilang dalawa ni Cherinna. Hindi rin ako nagpadala ng kahit na anong mensahe sa kanila nang sumama ako kay Kol. Iniwan ko rin ang sasakyan ko sa may Sweet Desire. Bigla na lang akong nawala.Hindi ko alam kung nakita ba nito at ni Cherinna si Enzo sa loob ng Sweet Desire kasama si Elisha… kung nakita man nila, sa palagay ko ay may ideya naman sila bakit ako nawala bigla.“They were together. That means, they’re okay, rig
“Alyanna.”I was just sitting in front of my vanity mirror while listening to Airi’s voice. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba siyang kumatok sa kwarto ko magmula kanina pero hindi ako tumatayo o kumikilos man lang sa kinakaupuan ko. Tinakasan ako ng lakas na kumilos man lang mula ng makauwi ako sa bahay namin,I came home alone after I hailed a cab. Sa labas na ako ng subdivision nila Enzo nakahanap ng masasakyan dahil wala naman akong nakikitang pumapasok na taxi sa loob. I also turned off my phone because I know Enzo will call me and look for me. Ganoon naman ang lalaki. Laging ako ang inuuna nito.Alam ko naman na mahirap para kay Enzo ang sitwasyon naming dalawa at ayoko siyang papiliin sa amin at sa pamilya niya dahil na rin alam kong mas mahalaga ang pamilya. I know that. That’s why even though I know that it is hard, I chose to just walk away…I was hugging my knees when I heard Jahann’s voice outside my room. Hindi ko alam na umuwi rin pala ito ngayon. Ang alam k