It was a good thing that Jahann is now back and he told us he won’t leave anytime soon. Nakakatuwa rin na nakumpleto na kaming tatlong magkakapatid. Though, he’s always with Airi, the girl he met in New York. Kung minsan ay inaasar ko rin ito kung baka naman may gusto ito sa babae, kung sakali naman ay walang problema sa amin ang bagay na iyon. Besides, we all want everyone to be happy.Kung minsan kapag nakikita ko si Theon at Lean na mas malaya na ngayon na ipakita ang relasyon nilang dalawa, hindi ko rin mapigilan na mapaisip kung kailan ko kaya mararansan ang bagay na iyon. Going out as a couple, eating outside as a couple… I smiled a little when Leo’s face popped inside my mind. Hindi naman nawawala sa mga pinagdadasal ko rin tuwing gabi na sana kung may plano si Leo para sa aming dalawa, sana magkaroon na ito ng lakas ng loob para sabihin iyon sa akin. It’s hard to like someone that seems to not like you back. Hindi ko alam sa amin kung ano ba talaga ang mayroon kami. Mas na
I wasn’t aware that my life was about to change when I found out about Jahann and Cherinna’s relationship. Hindi ko akalain na ‘yung closeness nila, ‘yung palagi silang magkasama may ibang meaning na pala. “You want me to just accept the fact that you…” tumingin ako kay Jahann na puno ng pagtataka at sakit ang mga mata bago muling tumingin kay Cherinna. “You fell in love with each other?” mabilis kong pinalis ang luha sa mga pisngi ko habang nakatingin sa babae. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba nila ako o totoo ang sinabi nilang dalawa. May relasyon sila...“No… I’m sorry…” Cherinna reached for my hand but I took a step back. Hindi ako maakapaniwala sa nangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nilang nangyayari sa kanilang dalawa. “I am really sorry…” I looked at her again with pain in my eyes. Everything that happened before flashed back in my mind. Ang pagiging malapit nila, ang closes nila ni Jahann, ang pag-aalaga ni Jahann sa kanya… lahat ng iyon, may meani
It has been almost half an hour and I was still laying on my bed, looking at the ceiling, thinking what happened to our lives and why we all ended up being like this. I breathed heavily and hugged the pillow again. It’s like one of those days again… Okay naman ako kahit na papaano, lumalabas naman na ako kasama ang mga pinsan ko, sina Airi, sina Enzo, pero kapag ganitong umaga, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi malungkot kapag naiisip ko ang nangyari sa amin. I miss Cherinna… I miss going to her room at night because I can’t sleep, I miss hugging her until I fall asleep because she’s really the patient one. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba grabeng pagpapasensya ang mayroon si Cherinna para sa akin, e. Samantalang ako… siguro ay iniisip niya na hindi siya mahalaga sa akin.Muli akong huminga ng malalim. I still can’t force myself to talk to her. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Was it fear? Takot ako na galit din siya sa akin matapos lahat ng ginawa ko, mga
Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit nangyari ang bagay na iyon sa aming dalawa ni Enzo. After that kiss, I went out of Blue’s Haven. I decided to just go home on my own but he insisted on driving me home. Walang kumibo sa aming dalawa sa loob ng sasakyan. It was as if we’re both in shock of what happened… That was my first kiss… I never thought it would be with Enzo. Hindi ko akalain na mahahalikan niya ako, o mahahalikan ko siya. I kissed him on his cheeks, I kissed all of them on the cheeks, but on lips? Never. Even with Leo who tried kissing me but stopped even before our lips touched. Kay Enzo pa lang talaga…“Are you okay?” tanong sa akin ni Airi habang nag-aalmusal kaming dalawa. I looked at her and nodded my head a little. “Yes…” halos pabulong kong sabi sa kanya. I was spacing out and I wanted to pull my hair hard because of that. Hindi ko alam na natutulala na rin ako dahil sa pag-iisip ng nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang nangyari. Kung paano ni
I looked at Enzo’s message again while I was still sitting on my bed. Noong isang araw pa ang message niya sa akin at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapagreply sa kanya dahil hindi ko naman din alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Enzo. Are you mad? I’m sorry. Talk to me, please?We made out inside his car. He’s my first kiss and I don’t have any idea how to kiss! That was the second time he kissed me. I bit my lip and heaved a sigh. “Okay ka lang?” tanong ni Airi sa akin habang nakahiga sa kama ko. We have decided to just watch inside my room since we have nowhere to go. Ang alam ko ay pupunta sina Lean kay Cherinna ngayon pero hindi na ako muna sumama dahil hindi ko pa rin naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa babae kapag nagkita kaming dalawa. “Yeah, why?” tanong ko naman dito. Kumuha na lang ako sa kinakain nito na pizza bago tumingin sa pinapanuod nito. “You’re spacing out again. Is this about Leo again?” tanong niya naman sa akin. I looked at her and shook my he
“Have you talked to Cherinna?” si Enzo ang unang nagsalita sa aming dalawa habang nasa loob kami ng sasakyan nito. We were there for almost an hour already. Nasa may likod ng sasakyan nito ang ice cream na binili ko na malamang ay natunaw na rin. Nilingon ko siya at umiling. “No,” tipid na sagot ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha ni Enzo at hindi ko mapigilang magkunot ng noo dahil parang nawala na sa isip nito ang ginawang paghapit sa akin at paghalik sa mga labi ko. Pangatlong beses na niya akong hinalikan at hindi ko naman malaman kung bakit ba siya nanghahalik. Ano ba ang trip nito ngayon?Was he bored? Was he drunk? Hindi naman. Wala naman akong nalasahan na alak sa mga labi nito. Muling parang nakakabinging katahimikan ang ang nangyari sa aming dalawa. It was as if we’re both afraid to talk because we might say something that is not right to say… I don’t really know. Muli akong tumingin sa labas at huminga ng malalim. Maybe I should go inside now. Naghihintay na rin nama
Naghihintay lang kami kina Cherinna na dumating dahil magpupunta ito ngayon sa admin office para asikasuhin ang mga papel nito para makapag-enroll. Kasama nito si Jahann kaya alam kong sabay na silang darating. Kasama ko naman ngayon sina Keij at ang iba pa habang nagkukwentuhan din ang mga ito. I glanced at Enzo who’s reading something on his iPad. Hindi ko na lang ito nilapitan dahil katabi ko si Airi at may sinasabi ito tungkol kay Dean. “So, you like him na?” Lean asked her. I looked at Airi and smiled at him. “Buti natitiis mo si Dean, no? Napaka ingay ‘nun, e,” sabi ko naman sa kanya at ngumiti siya sa akin. “Nakwento niya nga sa akin na lagi raw kayo magkaaway na dalawa kaya baka raw tumutol ka sa panliligaw niya, e,” sabi naman nito na natatawa.Napailing naman ako sa kanya. Hindi pa niya masyadong sinasabi sa iba ang tungkol sa ginagawa ni Dean dahil ayaw naman daw nitong i-brag ang bagay na iyon. “Pupunta ba talaga sila Cherinna?” tanong ni Keij sa akin. “HIndi mo siya
“Earth to Alyanna,” untag ni Airi sa akin habang kumakain kami ng almusal sa bahay. I was still thinking about what Enzo told me last night. Halos hindi ako pinatulog ng bagay na iyon kagabi kaya naman alam kong medyo madilim ang ilalim ng mata ko ngayong araw. “Okay ka lang ba?” tanong muli sa akin ni Airi na sinagot ko naman ng isang tango. As usual, wala si Jahann ngayon sa bahay dahil pinuntahan nito si Cherinna ngayon. Hindi naman na namin siya pinipigilan o sinasabihan dahil iyon naman ang gusto nitong gawin. Hindi man namin pa tanggap ng buo ang nangyari, hindi ko na rin naman gustong humadlang sa kanilang dalawa ni Cherinna. Sometimes I still think what happened shouldn’t have happened… but it’s done. May anak na nga rin silang dalawa, mahal din nila ang isa’t isa…“Was Enzo here last night?” tanong ni Airi sa akin na agad nagpatuwid sa likod ko bago lumingon sa babae. “Ha?” mabilis na rin ang tiboko ng puso ko sa pag-iisip na baka nakita niya kaming dalawa. Heavily tinted
I was leaning on the doorway while watching Enzo put our things inside his car. He fetched me today since we’re planning to go North for a vacation. It was also a graduation gift of Tito Hunter to him. Nagrent ito ng isang villa para sa amin ni Enzo. Of course, the debate was intense since Mommy doesn’t want me to go alone with Enzo. She kept telling Tito Hunter that his gift was absurd. Hindi naman nagpatalo si Tito Hunter at sinabihan si Mommy na noon namang kabataan nito ay madalas itong natutulog na sa bahay ni Daddy kaya huwag daw itong matakot sa posibleng mangyari sa amin ni Enzo Even Keij was teasing us about this vacation. Ilang beses nitong inasar si Enzo na galingan daw nito dahil minsan lang kami makakapag solo na dalawa. Hindi na lang ito pinansin ni Enzo, si Theon at Lean naman ay nag bakasyon din ngayon. Nauna sila ng alis sa aming dalawa. “You look hot while putting those things in there…” napangiti ako nang kumunot ang noo ni Enzo at tumingin sa akin. Inayos nito
“Lorenzo, come here!” Masayang tawag ko rito nang makita ko itong nasa may garden. Masigla naman itong tumakbo papalapit sa akin kaya mas napangiti ako sa inasal nito. I patted his head and smiled at him. “What are you doing there?” I asked him and he just wiggled his tail. “I still hate the fact that you named him after me,” lumapit naman sa akin si Enzo na may dalang bulaklak at hinalikan ako sa noo. I smiled widely as I carried the dog. Iyon ang pinunta namin noong nagtungo kami sa bahay nila Kol. He asked Kol to keep it so he could surprise me. It was a shih tzu and I named him Lorenzo when I found out it was a male. I was planning to name it Francesca if it was a girl, actually. Para lang mabwisit ko rin si Airi paminsan-minsan. “Why? It’s cute! And I love your name,” I smiled at him and pecked on his lips. “Your practice is done?” tanong ko rito bago inaya ito na pumasok na sa loob ng bahay namin. Nagsisimula na ang rehearsals nila sa graduation kaya sa hapon na lang kami n
“So, what are you planning after your graduation?” tumabi ako kay Enzo matapos kong makuha ang order namin na fries, burger at sundae ice cream. I also ordered diet coke and he’s not very happy with my choice of food today. Kanina pa ito nakasimangot sa akin dahil inaya ko ito na kumain sa fast food chain. He said it was unhealthy and I should not eat these foods thrice a week. Wala naman din siyang nagawa dahil naglakad na ako papasok sa loob ng fast food chain. Malapit na ang graduation nito, ni Lean at ni Theon. Since engineering ang course ni Theon, nagpang-abot na ang graduation nito dahil 5 years ang course nito. Susunod naman na gagraduate ay sina Jahann, Kol at Keij. Si Cherinna ang nahuli sa amin dahil na rin huminto ito nang nagbuntis kay Nikolai. “Are you seriously just going to ignore me?” tanong ko rito habang nakatitig sa lalaki. Hindi naman nagsalita si Enzo kaya tumango na lang ako sa kanya at huminga ng malalim. Sumandal na lang ako at nagsimula na lang na kumain ng
“What are you doing here?”Nakakrus ang mga braso ko sa may dibdib ko habang nakatingin kay Leo na nakasandal sa sasakyan nito. He’s wearing a black hoodie, his hands were inside his hoodie’s jacket. He turned his face to see me and I saw him smile a little. He shrugged and chuckled. “Clearly your brother didn’t understand what I said…” “Uh? What do you mean?” nagtatakang tanong ko naman dito. Lumingon ako sa pinto ng bahay namin dahil baka tawagin ako ni Cherinna o ni Airi dahil lahat sila ay nasa loob na ng dining room.“Look, I know I haven’t really apologized for what I did to you,” panimula ni Leo. Humakbang ito papalapit sa akin. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I was staring at him and trying to assess what I feel for him. Noon, kapag nakikita ko siya, hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Just by staring at him makes the butterflies in my stomach go wild. Hindi naman maikakaila ng kahit na sino na talagang gwapo at malakas ang appeal ni Leo. Marami ang may gusto
“Mom, what do you think? Red roses?”I checked the red roses that were on display while talking to my mom. Nagpunta kami ngayon nila Cherinna at Airi para puntahan si Mommy at para na rin mamili ng bulaklak para sa dinner mamaya sa bahay kasama ang mga De Guzman. I received a call from Enzo last night that they will be visiting us. Napag-usapan na rin kasi naming dalawa na sasabihin na namin sa mga magulang namin ang relasyon namin dahil wala naman kaming plano na ilihim talaga iyon sa lahat. We all know what can happen if we keep it from them. Isa pa, wala namang dahilan para hindi namin sabihin ang totoo sa mga ito. I am sure that they will all be happy for us. “These sunflowers looks good,” sabi ni Airi bago tumingin kay Mommy at ngumiti. “Magdadala po ako sa bahay, ah? Para sa room ko,” paalam nito kay Mommy bago nagpatulong sa staff na naroon para makapagbalot ito ng mga bulaklak para sa kakambal ko. “White looks good, too.” Nilingon ko si Cherinna at ang hawak nitong white
“What are you cooking?” I smiled when I leaned on the counter while watching Airi cook. Kakatapos ko lang naman din na maligo at mag-ayos kaya bumaba na rin ako para matignan kung ano ang niluluto ni Airi ngayon. I offered my help earlier but she just shoo me away and told me to just make sure everyone is coming. Hindi naman na ako nagpumilit dahil alam kong wala naman talaga akong talent sa pagluluto. Si Jahann, Cherinna at Airi ang mga biniyayaan ng ganoong talento. “Chicken curry,” sabi naman ni Airi sa akin bago kumuha ng isang kutsara para ipatikim sa akin ang sauce nito. I smiled as I tasted it. “It’s so good!” sabi ko naman dito at matamis na ngumiti. Muli akong naglagay ng sauce nito sa kutsarang binigay sa akin ni Airi nang mahina nitong tapikin ang kamay ko. “Stop it, mauubos mo ‘yan bago pa natin sila makasama, e!” saway naman niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay muling tinikman ang luto nito. “Pwede ka na mag-asawa pero huwag muna!” pang-aasar ko sa
“So, Kol lied to me?” I raised my brow while looking at Enzo who’s cooking our dinner for tonight. I tried calling Kol but he just kept on declining my calls. I think he blocked me, actually. “Just to be fair with Kol, I think he did that for us to talk,” he shrugged and smiled at me. I rolled my eyes and shook my head. “He should’ve just told me the truth instead of lying to me!” sagot ko naman sa lalaki bago muling uminom sa juice na inihanda rin nito kanina. “If he did, I don’t think you will go here, baby. You saw me and Elisha and I think you had thousands of thoughts inside your head, making stories and jumping into conclusions,” Enzo said while chopping the vegetables. Napasimangot ako dahil totoo naman ang sinabi nito sa akin. When I saw him and Elisha, I immediately thought they’re okay and they’re getting comfortable with each other… hindi ko naman maiwasan na hindi makakaramdam ng selos dahil mahal ko si Enzo. “See? You’re frowning, meaning I am right.” Tinignan ko siya
“Where are you planning to take me?” Nilingon ko si Kol na tahimik lang habang nagmamaneho. May twenty minutes na rin siguro kaming nasa daan na dalawa. Kanina ko pa rin naman siya tinatanong kung saan niya ba ako dadalhin pero hindi niya ako sinasagot ng diretso. He’s just telling me to wait and calm myself. Wala naman akong magawa dahil ito ang nagmamaneho. Sumama ako sa kanya dahil sabi niya sa akin ay pag-uusapan namin ang tungkol kay Enzo. Airi was also calling me but I kept on declining it. I know that she’s worried about where I went. Hindi ako nagpaalam sa kanilang dalawa ni Cherinna. Hindi rin ako nagpadala ng kahit na anong mensahe sa kanila nang sumama ako kay Kol. Iniwan ko rin ang sasakyan ko sa may Sweet Desire. Bigla na lang akong nawala.Hindi ko alam kung nakita ba nito at ni Cherinna si Enzo sa loob ng Sweet Desire kasama si Elisha… kung nakita man nila, sa palagay ko ay may ideya naman sila bakit ako nawala bigla.“They were together. That means, they’re okay, rig
“Alyanna.”I was just sitting in front of my vanity mirror while listening to Airi’s voice. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba siyang kumatok sa kwarto ko magmula kanina pero hindi ako tumatayo o kumikilos man lang sa kinakaupuan ko. Tinakasan ako ng lakas na kumilos man lang mula ng makauwi ako sa bahay namin,I came home alone after I hailed a cab. Sa labas na ako ng subdivision nila Enzo nakahanap ng masasakyan dahil wala naman akong nakikitang pumapasok na taxi sa loob. I also turned off my phone because I know Enzo will call me and look for me. Ganoon naman ang lalaki. Laging ako ang inuuna nito.Alam ko naman na mahirap para kay Enzo ang sitwasyon naming dalawa at ayoko siyang papiliin sa amin at sa pamilya niya dahil na rin alam kong mas mahalaga ang pamilya. I know that. That’s why even though I know that it is hard, I chose to just walk away…I was hugging my knees when I heard Jahann’s voice outside my room. Hindi ko alam na umuwi rin pala ito ngayon. Ang alam k