318 3RD POV “H-hello! Lester! Ikaw ba ‘yan?” Muling wika niya, pero wala na siyang narinig sa kabilang linya. Napatingin si Dell, sa kanyang phone, at nakitang lowbat ito. “Kainis! Bakit ngayon pa?” “Anong problema?” Napalingon si Dell, at nakita si Noah. Umupo ito sa tabi niya, habang naglagay ng pagkain. “Bakit ka nandito?” Tanong niya, at hindi sinagot ang tanong nito sa kanya. “Break time namin.” Sagot ni Noah, sa kanya. “Halika, kumain na tayo.” Gulat siyang napatingin sa kanya, dahil sa sinabi nito. “Gusto mo bang tumaba ako? Hindi mo ba alam, na katatapos ko lang kumain?” “Kailangan mo pa ring kumain. May binili rin pala akong prutas.” Wika nito at kinuha ang isang plastic. Kinuha niya ang isang mansanas, at hinugasan. “May balita kaba sa kapatid mo?” Tanong niya rito, at napansin na natigilan ito. “Wala.” Maikling sagot nito, habang binalatan na muli ang mansanas. “Tumawag kasi ako kay Daddy, at nakausap ko siya.” Wika niya, kaya nag-angat ito ng mukha. “Nakausap
319 3RD POV “Lester!!” Tuwang wika ni Dell, at agad na bumaba sa likod ni Noah. Mabilis niyang nilapitan si Lester, at mahigpit itong niyakap. “Magaling kana?” Tuwang wika niya, habang tumango si Lester. “Ngayon ka lang ba dumating? Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka rito?” “Tinawagan kita, pero hindi ka makontak.” “Wala kasing signal rito.” Sagot niya, habang hindi pa rin nila binitawan ang isa’t-isa. “Paano mo nalaman na nandito kami?” Tanong niya rito, nang bitawan siya nito. “Si Kuya Aaron, ang nagturo sa akin.” Ngiting sagot nito sa kanya. “Bakit mo siya kasama Dell?” Tanong nitong muli, habang nakatingin kay Noah, hindi rin maiwasan ni Dell, na magtaka, dahil napansin niya na parang hindi man lang natuwa si Noah, na makita si Lester. Hindi katulad noong nakausap niya ito sa phone. “Maiwan ko na muna kayo, kailangan ko pang pumasok.” Paalam ni Noah, sa kanila. “Papasok? Saan?” Tanong ni Lester. “Pumasok kasi siya, bilang construction worker.” Ngiting wika ni
320 3RD POV “Daddy!” Malakas na sigaw ni Dell, nang makarating siya sa kanila. Agad siyang tumakbo, papunta sa kanyang ama, at niyakap ito ng mahigpit. “Kumusta ang bakasyon mo Hija?” Ngiting tanong nito, matapos niya itong bitawan. “Ayos lang po Dad.” Sagot niya at muli itong niyakap. “Tito, pwede ko bang dalhin si Dell, sa bahay?” Napatingin siya kay Lester, dahil sa sinabi nito. “Bahay? Ano naman ang gagawin natin do’n?” Taka na tanong ni Dell, sa kanya. “Gusto kasi ni Mommy, na pumunta ka ro’n.” Sagot nito.“Mas maganda siguro, kung sa ibang araw nalang Hijo. Kailangan pa ni Dell, na bisitahin ang lola niya, baka nagtampo na ang mga ‘yon.” Wika ni Dylan. “Ganun po ba, sige po. Babalikan ko nalang siya sa susunod na araw.” Ngiting sagot nito. “’Wag ka nang mag-abala pa. Ako na ang pupunta sa inyo.” Sagot ni Dell. Agad na nagliwanag ang mukha ni Lester, dahil sa kanyang sinabi. “Sigurado ka Dell?” Tuwang wika nito. Habang hinawakan ang kamay niya. “Oo naman.” Sagot nito,
321 3RD POV “Hija!!” Tuwang wika sa kanya ni Alicia, at niyakap siya nito. Hindi niya napigilan na mailang dahil sa ginawa nito, dahil hindi pa rin nawala sa isip niya ang ginawa nito sa kanya noon. “Nana! Tawagin mo na ang Sir Danilo niyo, at si Noah!” Utos nito, kaya napatingin siya sa katulong. Napansin ni Dell, na gulat silang napatingin sa kanya. “Nana! Hindi mo ba ako naririnig?” Maldita na wika nito, kaya nagmamadali itong umalis. “Halika Hija, maupo ka.” Ngiting wika nito, habang hinawakan ang kamay niya. Nang makita niya si Noah, na bumana ay hindi na naman napigilan ni Dell, ang kanyang sarili na titigan ito. Pero katulad ng ginawa nito kanina, ay hindi ito tumingin sa kanya. “Masaya ako, na pumunta ka rito, Miss. Martinez.” Tuwang wika ng ama ni Lester at Noah sa kanya. Napangiti naman si Dell, sa kanya. “Alam mo bang special, talaga itong mga pagkain na pina-handa ko sa ‘yo Hija.” Pagmamalaki na wika ni Alicia. Kukuha n asana ito ng mga pagkain at ilagay sa plato n
3223RD POV Malakas na napasigaw si Dell, nang bigla nalang suntukin ni Lester, si Noah. “Tama na Lester!” Malakas na sigaw niya, nang patuloy pa rin nitong binugbog si Noah. Nang nag-sipasukan ang kanyang mga tauhan, ay mabilis nila silang inawat. Ang akala ni Dell, kanina ay umalis na si Lester, at hindi niya inaasahan na babalik ito.“Hay*p ka talaga! Kahit kailan, hindi ka pa rin nagbabago!” Galit na sigaw nito kay Noah, habang hawak na ito sa mga tauhan ni Dell. Taka na napatingin si Dell, kay Lester, dahil sa sinabi nito. Habang hindi na umimik si Noah, at tuluyan na itong lumabas. “Anong ginawa nun dito?!” Galit na sigaw ni Lester sa kanya. “H-hindi ko alam, pagbukas ko ng pinto. Nandito na siya sa loob.” Sagot niya rito. “Bakit ka pumayag na halikan ng taong ‘yon?!” Naiyak na wika nito, habang binitawan na ito ng kanyang mga tauhan. “Hay*p talaga siya! Kahit kailan!” Muling sigaw nito at pinag-susuntok ang pader, kaya mabilis niya itong nilapitan. “Lester tama na!!” Si
3233RD POV Habang busy si Lester, at ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa pamilya ni Dell, ay lihim na lumabas si Dell, at hinanap si Noah, sa labas ng mansion ng kuya Aaron niya, pero hindi niya ito nakita. “Anong problema?” Gulat siyang napalingon at nakita si Lester, na nasa kanyang likuran. “S-sinundan mo ako?” Gulat na tanong niya rito, dahil kanina lang ay nakikita niya itong kausap ang mga magulang niya. “Oo, nakita kasi kitang lumabas.” Sagot nito, habang hinawakan ang kanyang kamay. “Sino ba ang pinuntahan mo rito?” Tanong nito sa kanya. “Wala, may narinig lang kasi ako kanina, akala ko may naglalako sa labas.” Pagsisinungaling niya rito. “’Wag kang mag-alala. Mamaya lalabas tayo, gusto ko rin kasi na kumain sa pagkain na nasa tabi ng kalsada lang mabibili.” Ngiting wika nito, habang pilit siyang ngumiti kay Lester. Nang makapasok sila, at sa kanila muli ang atensyon ng kanilang pamilya. Panay rin ang pagtatanong ng ina ni Lester sa kanya, pero si Lester lan
3243RD POV Gulat na na-patayo si Dell, nang makarinig siya ng katok sa pinto. ‘N-nasa’n ako?’ Napatingin siya sa paligid at agad napakunot ang noo niya, nang mapansin na nasa silid siya ng bahay ng kanyang kuya Aaron. ‘Teka lang? Paano ako nakabalik dito? Kagabi lang kasama ko si Noah?’ Muli siyang napatingin sa pinto nang marinig muli ang katok, kaya agad siyang tumayo at binuksan ito. “Hi!” Malawak na ngumiti si Lester sa kanya, at agad siyang niyakap. “A-anong ginawa mo rito?” Taka na tanong niya rito. “Pinuntahan ka, hindi ako sumama pabalik kila Mommy at Daddy.” Sagot nito, at binitawan siya. “Halika na, bumaba kana, para kumain na tayo, kanina ka pa namin hinintay ni Kuya Aaron, at Hanma.” Muling wika nito. Kahit gulong-gulo ay sumama siya rito pababa. “Ang tagal mo naman nagising?” Tanong ni Aaron, habang pinaghila siya ni Lester, ng upuan. “Hindi siya sumagot dito, at tumingin lang kay Hanma.“Alam mo, may nakita akong magandang pasyalan.” Ngiting wika nito, habang k
325 3RD POV “Masaya ako at sumama ka.” Wika ni Kai, habang sakay sila sa kanilang private plane. “Wala kasi sa trabaho ang isip ko Ate, kaya sumama nalang ako.” Sagot niya, kaya mas lumawak ang ngiti nito. “Ganyan talaga kapag nagmahal ka.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Alam mo noon, ganyan din ang nararamdaman ko sa kuya Evo mo, una pa lang mahal ko na siya. Pero alam mo ba kung ano ang ginawa ng g*go? Pinaglaruan ako, kaya ayun, gumanti rin ako.” Natatawa na wika nito. “Isipin mong mabuti Dell, kung mahal mo ba talaga ang taong papakasalan mo, o ang tao na pipiliin mo.” Muling wika nito. “Kung si Noah, ang mahal mo. Ipaglaban mo siya.” Napatitig si Dell, sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Paano kung hindi naman niya talaga ako mahal?” “Dahil kung mahal niya ako, ako ang ipaglaban niya.” Dagdag niya sa malungkot na boses, kaya muli niyang hinawakan ang kamay ni Dell. “Sino ba talaga sa kanila ang mahal mo?” Tanong sa kanya ni Kai, habang napayuko siya. Hindi niya
CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa
CHAPTER 4 3RD POV Napabalikwas si Daisy, sa kama at napatingin sa paligid. Ang akala niya, ay nanaginip lang siya. Pero nang magising siya, na nag-uunahan na naman sa paglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Nang makita niya ang mga paper bag, na nasa sofa ay tumayo siya at nilapitan ito. Isa-isa niya itong binuksan at tiningnan, ang laman. Napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga damit, na nasa loob ng paper bag. Puro kasi ito mga sexy na damit at kadalasan ay night dress. “Ano ba ang akala mo sa akin? Sumasayaw sa night club?” Galit na wika niya, habang nakatingin sa cctv camera. Kinuha ni Daisy, ang isang damit at akmang pupunitin ito. Pero narinig niya ang malakas na sigaw mula sa speaker. “Subukan mong punitin ‘yan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Galit na wika nito, kaya napalunok siya at binaba ito. Iniisip niya naman na mukhang wala itong trabaho at wala itong ibang ginagawa kun’di ang tingnan siya. “Maligo kana.” Wika nito, kaya
CHAPTER 33RD POV Buong lakas na tinumba ni Daisy, ang taong nasa loob ng kurtina. Matapos niya itong maitumba, ay dali-dali niyang kinuha ang kurtina, para makita ang mukha nito. “S-sino ka?” Utal na tanong niya, nang makita ang mukha nito, na nakabalot ng isang silicone mask. Napangiti ito, at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay. “Bitawan mo ako!!” Malakas na sigaw niya. Habang binuhat siya at muling binalik sa kama. “A-anong gagawin mo?” Takot na wika niya rito, habang nakita ang hawak nitong tali. “Ano ba! Bitawan mo ako!!” Patuloy na nanlaban si Daisy, sa lalaki. Pero matagumpay pa rin siyang naitali nito. “Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? Sino kaba talaga?” Iyak na tanong niya, habang tinali nito ang kanyang mga paa. Nang matapos siyang itali nito, ay agad itong lumabas. Ni hindi man lang niya narinig ang boses ng lalaki. “Pakawalan mo ako rito! Hay*p ka!!” Iyak na sigaw niya. Napalingon ulit si Daisy, sa pinto nang makitang bumukas ito. “Sino kayo?” Tanong n
CHAPTER 23RD POV Nang magising si Daisy, ay napatingin siya sa paligid. Wala siyang ibang nakita kun’di puro maitim na kurtina. Mabilis siyang napa-bangon at lumapit sa pinto. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya ito mabuksan. “Buksan niyo ang pinto!!” Malakas na sigaw niya, habang hinampas ang pinto. “May tao ba r’yan?!” Muling sigaw ni Daisy. “Mapapagod ka lang.” Napatingala siya matapos marinig ang isang boses. Doon niya nakita ang mga cctv camera na nakapaligid sa kanya. Kasama ng isang malaki na speaker. “Sino ka?” Galit na wika niya, habang masama na tiningnan ang cctv camera. “Sumagot ka!!” Malakas na sigaw niya. “Pakawalan mo ako rito!!” Muling sigaw niya, pero hindi na niya ulit ito narinig. Mabilis naman ang kilos niya, at isa-isa na binuksan ang mga kurtina. Pero wala siyang ibang nakikita kun’di puro pader. “Sino kaba talaga? Bakit mo ba ‘to, ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sa ‘yo?!” Hindi na niya napigilan pa na mapa-iyak, dahil sa galit na kanyang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK X CHAPTER 1 3RD POV Kahit pinipigilan ni Daisy, ang kanyang mga luha ay kusa pa rin itong bumagsak. “Ayos lang po ba kayo Ma’am?” Nag-alala na tanong ng kanyang driver sa kanya. Kahit hindi siya okay, ay pilit siyang tumango at ngumiti rito. “’Wag mo akong intindihin Manong, ayos lang ako.” Ngiting wika niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. Sa tuwing iniisip niya kasi si Johnson, ay bumabalik ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya akalain na-mamahalin niya ito ng husto, kahit pa alam niya na hindi siya ang mahal nito. Sinubukan niyang gawin ang lahat para mahalin siya nito, pero bigo pa rin siya, dahil ang kanyang ate Ellie, ang mahal nito. “Wala naman talaga akong laban kay Ate..” Iyak na wika niya, kaya muling napatingin sa kanya ang kanyang driver. “’Wag mo na akong pansinin pa.” Wika niya at pilit na kinalma ang sarili. Nang tumunog ang phone niya, ay agad niya itong tiningnan. Nakita niya naman ang pangalan ng kakambal niya sa screen n
CHAPTER 42 3RD POV “Hindi mo ba talaga ako nakilala?” Iling na wika ni Ellie, habang tinitigan ito mula ulo. Hanggang paa. “Itinuring kita na parang kapatid noon, pero ano ang ginawa mo? Niloko mo lang ako!” Galit na sigaw niya rito. Akmang aawat sana sa kanya ang kasama nitong bodyguard. Pero mabilis itong hinarang sa mga kasama nilang bodyguard. “Pinagmukha mo akong tanga.” “E-Ellie..” Hindi makapaniwala na wika nito, at tumingin kay Johnson. “I-ikaw ba ito Ellie?” “Ako nga.” Taas kilay na sagot niya rito. “Jameson.. B-bakit ka nakipag-balikan sa kanya? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ‘wag mo siyang mahali-.” Malakas siyang sinampal ni Ellie, kaya hindi nito natapos ang sasabihin nito. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” Galit na sigaw niya. “Anong nangyari rito?” Tanong ng isang lalaki na medyo may edad na. “Mahal, sinampal ako ng babaeng ‘yan!” Iyak na wika ni Camille, habang niyakap ang lalaki. Halos matawa naman si Ellie, dahil sa itsura ng lalaki. Para na kasi itong tatay
CHAPTER 413RD POV “Daddy, saan tayo pupunta?” Tanong ni John-John, kaya napalingon dito si Johnson. “Mamasyal.” Ngiting sagot nito. “Mamasyal? Bakit hindi mo sinabi? Ang pangit tuloy ng suot ko.” Inis na wika niya rito. Hindi na kasi siya nagbihis, dahil ang sabi ni Johnson, ay lalabas lang sila saglit. “Hindi mo na kailangan pang mag-ayos pa, Wife. Kahit ano pang isuot mo. Maganda ka pa rin.” Wika nito, habang napatingin siya kay Johnson. “Tse!” Wika niya, habang lihim na napangiti at tumingin sa bintana ng kotse. “Totoo naman ang sinabi ko, kahit pa nga may laway ka sa labi. Maganda ka pa rin.” Dagdag nito, kaya hindi na niya napigilan pa na mapangiti. “Mommy, bakit ka tumawa?” Tanong sa kanya ng anak nilang si Jun-Jun. “Hindi tumawa ang mommy mo, Anak. Ngumiti lang.” Sagot ni Johnson, dito. “Kasi bolero ang daddy niyo.” Ngiting wika niya, habang napatingin kay Johnson. “Sasakay pa tayo rito?” Taka na tanong niya, habang nakikita ang private plane ni Johnson. “Oo, bakit?
CHAPTER 40 3RD POV Hindi maiwasan ni Ellie, na magtaka. Matapos siyang makababa sa kanyang kotse. Masyado kasing tahimik ang bahay nila. “Wala ba si Johnson, sa loob?” Tanong niya sa guard. “Hindi ko po alam Ma’am.” Napakunot naman ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito. “Hindi ba ikaw ‘yong guard? Bakit hindi mo alam?” Wika niya, habang nag-yuko ito ng ulo. “Kapapalit ko pa lang po sa kasama ko Ma’am.” Mahinang sagot nito sa kanya. Napahinga naman siya nang malalim, at iniwan ito. “Ang sabi niya, nandito siya. Sinungaling talag-.” Natigilan si Ellie, matapos makita ang mga bulaklak na nasa sahig. “Ano naman ‘to?” Inis siyang nagyuko para kunin sana ang mga bulaklak, pero agad siyang natigilan nang bigla nalang lumiwanag ang paligid at narinig niya ang sigawan ng kanyang mga anak. Nang mag-angat siya nang kanyang mukha ay nakita niya si Johnson, na may hawak na bulaklak. Ganun din ang dalawa nilang anak. “D-Dad..” Sambit niya, matapos makita ang kanyang ama. Na nakangiti sa k
CHAPTER 393RD POV Gulat na napatingin si Ellie, sa mga taong naghakot sa mga gamit niya. Kagigising niya lang, at hindi niya alam kung saan nila dadalhin ang kanyang mga gamit. “Ibaba niyo nga ‘yan! Saan niyo ba ‘yan, dadalhin ha?” Galit na wika niya, habang sinusundan sila. “Hija..” Napalingon siya sa kanyang ina, at dali-dali itong nilapitan. “Mom, sa’n nila dadalhin ang mga gamit ko? At nasa’n ang mga Anak ko? Bakit hindi ko sila nakikita?” Taka na tanong niya rito. “Hiniram ng mga biyenan mo. Ibabalik nalang daw nila mamaya, hindi kana rin nila ginising.” Sagot nito sa kanya. “A-ang mga gamit ko? Bakit nila kinuha? Pinapalayas niyo na ba ako Mom?” Halos maiyak na tanong niya rito. “Pina-lipat na ‘yan ni Johnson. Ang sabi niya, dapat nasa bahay niyo na raw ang mga gamit niyo ng mga bata.” Sagot nito, na kina-bilog ng kanyang mga mata. “Bakit kayo pumayag Mom? Hindi niya naman ‘yon, sinabi sa akin?” Inis na wika niya, kaya hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay. “Asawa