3233RD POV Habang busy si Lester, at ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa pamilya ni Dell, ay lihim na lumabas si Dell, at hinanap si Noah, sa labas ng mansion ng kuya Aaron niya, pero hindi niya ito nakita. “Anong problema?” Gulat siyang napalingon at nakita si Lester, na nasa kanyang likuran. “S-sinundan mo ako?” Gulat na tanong niya rito, dahil kanina lang ay nakikita niya itong kausap ang mga magulang niya. “Oo, nakita kasi kitang lumabas.” Sagot nito, habang hinawakan ang kanyang kamay. “Sino ba ang pinuntahan mo rito?” Tanong nito sa kanya. “Wala, may narinig lang kasi ako kanina, akala ko may naglalako sa labas.” Pagsisinungaling niya rito. “’Wag kang mag-alala. Mamaya lalabas tayo, gusto ko rin kasi na kumain sa pagkain na nasa tabi ng kalsada lang mabibili.” Ngiting wika nito, habang pilit siyang ngumiti kay Lester. Nang makapasok sila, at sa kanila muli ang atensyon ng kanilang pamilya. Panay rin ang pagtatanong ng ina ni Lester sa kanya, pero si Lester lan
3243RD POV Gulat na na-patayo si Dell, nang makarinig siya ng katok sa pinto. ‘N-nasa’n ako?’ Napatingin siya sa paligid at agad napakunot ang noo niya, nang mapansin na nasa silid siya ng bahay ng kanyang kuya Aaron. ‘Teka lang? Paano ako nakabalik dito? Kagabi lang kasama ko si Noah?’ Muli siyang napatingin sa pinto nang marinig muli ang katok, kaya agad siyang tumayo at binuksan ito. “Hi!” Malawak na ngumiti si Lester sa kanya, at agad siyang niyakap. “A-anong ginawa mo rito?” Taka na tanong niya rito. “Pinuntahan ka, hindi ako sumama pabalik kila Mommy at Daddy.” Sagot nito, at binitawan siya. “Halika na, bumaba kana, para kumain na tayo, kanina ka pa namin hinintay ni Kuya Aaron, at Hanma.” Muling wika nito. Kahit gulong-gulo ay sumama siya rito pababa. “Ang tagal mo naman nagising?” Tanong ni Aaron, habang pinaghila siya ni Lester, ng upuan. “Hindi siya sumagot dito, at tumingin lang kay Hanma.“Alam mo, may nakita akong magandang pasyalan.” Ngiting wika nito, habang k
325 3RD POV “Masaya ako at sumama ka.” Wika ni Kai, habang sakay sila sa kanilang private plane. “Wala kasi sa trabaho ang isip ko Ate, kaya sumama nalang ako.” Sagot niya, kaya mas lumawak ang ngiti nito. “Ganyan talaga kapag nagmahal ka.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Alam mo noon, ganyan din ang nararamdaman ko sa kuya Evo mo, una pa lang mahal ko na siya. Pero alam mo ba kung ano ang ginawa ng g*go? Pinaglaruan ako, kaya ayun, gumanti rin ako.” Natatawa na wika nito. “Isipin mong mabuti Dell, kung mahal mo ba talaga ang taong papakasalan mo, o ang tao na pipiliin mo.” Muling wika nito. “Kung si Noah, ang mahal mo. Ipaglaban mo siya.” Napatitig si Dell, sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Paano kung hindi naman niya talaga ako mahal?” “Dahil kung mahal niya ako, ako ang ipaglaban niya.” Dagdag niya sa malungkot na boses, kaya muli niyang hinawakan ang kamay ni Dell. “Sino ba talaga sa kanila ang mahal mo?” Tanong sa kanya ni Kai, habang napayuko siya. Hindi niya
326 3RD POV “Shh..” Mahina na wika nito, habang nakatakip ang kanyang isang kamay sa bibig ni Dell. Napatitig lang si Dell, sa kanya habang nakakubli sila sa likod ng pinto. “Akala ko ba nandito ang tita Dell mo?” Narinig nilang wika ni Kai. “Iniwan ko nga sila dito, Mommy.” Narinig ni Dell, na sagot ni Clyde, sa kanyang ina. “Bakit wala sila?” “Hayaan mo na. Alam na ni Dell, ang ginagawa niya. Mas mabuti pang bumama nalang tayo.” Hindi napigilan ni Dell, na lalong makaramdam ng kaba, habang naririnig ang boses ng kuya Evo niya, iniisip niya na baka mahuli sila nito. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto, ay napahinga siya ng maluwag. “Umalis ka nga!” Inis niyang tinulak si Noah. Napatingin siya sa kamay niya, matapos itong hawakan ni Noah. “Bitawan mo nga ako, at doon ka pumunta sa babae mo!” Galit na sigaw niya rito, habang natatawa ito sa kanya. “Anong nakakatawa?” Kunot-noo na wika niya. “’Wag mong sabihin na nagseselos ka?” Ngiting tanong nito, kaya agad siyang nag-
327 WARNING MATURED CONTEXT!!SPG3RD POV Muling hinalikan ni Dell, si Noah, sa labi nito, kaya agad itong gumanti sa halik niya. “Umm..” Hindi niya napigilan na mapa-ungol, habang ipinasok nito ang kanyang dila sa loob ng bibig niya. Napapakapit din si Dell, sa leeg ni Noah, habang patuloy silang naghahalikan. Muli siyang napa-ungol matapos nitong bitawan ang kanyang labi at bumaba ang labi nito sa kanyang leeg. Hindi niya maiwasan na mapadiin ang koko niya, sa leeg nito. Nang maramdaman niya ang mainit nitong dila sa leeg niya. “Ahh...” Napapaliyad si Dell, habang tinaas niya pa ang ulo niya, para mas malaya na mahalikan ni Noah ang leeg niya. Habang patuloy si Noah, sa pagd*la sa kanyang leeg, ay nararamdaman ni Dell, ang isang kamay nito na humahaplos sa isang dibdib niya, kaya lalo siyang nakaramdam ng init, sa katawan niya. Napasinghap siya, nang bigla nalang nitong sirain ang kanyang damit at bra, kaya napatingin siya rito. “’Wag kang mag-alala. Papalitan ko ‘to.” Wika
328 3RD POV “Good morning Prinsesa ko..” Malambing na wika ni Noah, habang hinalikan nito ang labi ni Dell. Napangiti siya kay Noah, habang nakikiliti ito. “Kumain na tayo.” Wika nito, habang biglang sumimangot si Dell. “Sa tingin mo, maka-katayo ako?” Inis na wika ni Dell sa kanya, hindi kasi siya tinigilan ni Noah. “Hindi ko naman sinabi na tumayo ka.” Ngiting wika nito, at agad siyang binuhat. “Ano ba! Ibaba mo nga ako!” Natatawa nitong wika, habang kumapit siya sa leeg ni Noah. “Ang dami naman nito?” Taka na tanong niya, matapos siyang maibaba ni Noah, sa tapat ng lamisa. “Para bumalik ang lakas mo.” Kindat na wika nito, habang nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. “Hoy! Noah Park! Tigilan mo ako ha! Baka nakalimutan mo na umaga muna ako binitawan.” Singhal niya rito, habang natawa ito. “Ang sarap mo kasi Prinsesa.” Malambing na sagot ni Noah, habang nilapitan siya. “Ako na ang mag-subo sa ‘yo.” Wika nito at kinuha ang kutsara sa kanyang kamay. “Ako na kasi, para nama
329 3RD POV “Mahal din kita Lester... Pero bilang kapatid lang..” Iyak na wika niya rito. Habang umiling sa kanya si Lester. “Hindi totoo ‘yan! Alam kung mahal mo ako! Kung hindi lang sana siya dumating!” Galit na turo ni Lester kay Noah. Nang makita ni Dell, na napahawak ito sa kanyang ulo, ay dali-dali niya itong nilapitan. “A-anong nangyari sa ‘yo?” Nag-alala na tanong niya, habang inutusan ni Noah, ang kanilang mga tauhan na tulungan si Lester. Habang binabaybay ang daan papunta ng hospital, ay patuloy lang na sumisigaw si Lester, habang nakahawak ito sa kanyang ulo. Sinisigawan naman ni Noah, ang driver nila na bilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Habang yakap-yakap ni Dell. Si Lester. Nang makarating sila ng hospital ay agad na pinasok si Lester, sa loob ng emergency room. “N-Noah, ipagamot mo kaya muna ‘yang sugat mo.” Wika niya rito, dahil bugbog sarado ang mukha nito. “’Wag mo akong alalahanin Dell.” Ngiting wika nito sa kanya, habang bakas pa rin sa mukha nito ang pag-
3303RD POV Lumipas ang dalawang buwan, at tahimik na namumuhay si Dell, kasama ang lola Paula niya. Hindi ito bumalik sa ibang bansa, dahil mas gusto nito na kasama siya. “Ayos ka lang ba Hija?” Tanong nito, habang napahawak siya sa kanyang ulo. “Para po kasi akong nahihilo Lola.” Sagot niya rito. Mula nang tumira siya rito, ay wala na siyang balita kay Noah. Ayaw din ng ina niyang si Aira napag-usapan ito. Ang tanging alam lang ni Dell, ay magaling na si Lester. “Namumutla ka, siguro tama na muna ‘yang pagtatrabaho mo.” Wika ng lola Paula niya, habang tinawag nito ang katulong nila. “Lola, hindi na po kailangan, siguro kailangan ko lang ng pahinga.” Ngiting wika niya nang marinig niya ang inutos nito. “Hindi kailangan mo pa rin na matingnan ng doctor Dell, at itigil muna ‘yang ginagawa mo.” Wika nito, kaya wala siyang nagawa kun’di ang sumunod dito. Habang nasa kanyang silid, ay kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang kanyang ama. “Yes, Hija?” Sagot nito sa kabilang liny
CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa
CHAPTER 4 3RD POV Napabalikwas si Daisy, sa kama at napatingin sa paligid. Ang akala niya, ay nanaginip lang siya. Pero nang magising siya, na nag-uunahan na naman sa paglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Nang makita niya ang mga paper bag, na nasa sofa ay tumayo siya at nilapitan ito. Isa-isa niya itong binuksan at tiningnan, ang laman. Napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga damit, na nasa loob ng paper bag. Puro kasi ito mga sexy na damit at kadalasan ay night dress. “Ano ba ang akala mo sa akin? Sumasayaw sa night club?” Galit na wika niya, habang nakatingin sa cctv camera. Kinuha ni Daisy, ang isang damit at akmang pupunitin ito. Pero narinig niya ang malakas na sigaw mula sa speaker. “Subukan mong punitin ‘yan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Galit na wika nito, kaya napalunok siya at binaba ito. Iniisip niya naman na mukhang wala itong trabaho at wala itong ibang ginagawa kun’di ang tingnan siya. “Maligo kana.” Wika nito, kaya
CHAPTER 33RD POV Buong lakas na tinumba ni Daisy, ang taong nasa loob ng kurtina. Matapos niya itong maitumba, ay dali-dali niyang kinuha ang kurtina, para makita ang mukha nito. “S-sino ka?” Utal na tanong niya, nang makita ang mukha nito, na nakabalot ng isang silicone mask. Napangiti ito, at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay. “Bitawan mo ako!!” Malakas na sigaw niya. Habang binuhat siya at muling binalik sa kama. “A-anong gagawin mo?” Takot na wika niya rito, habang nakita ang hawak nitong tali. “Ano ba! Bitawan mo ako!!” Patuloy na nanlaban si Daisy, sa lalaki. Pero matagumpay pa rin siyang naitali nito. “Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? Sino kaba talaga?” Iyak na tanong niya, habang tinali nito ang kanyang mga paa. Nang matapos siyang itali nito, ay agad itong lumabas. Ni hindi man lang niya narinig ang boses ng lalaki. “Pakawalan mo ako rito! Hay*p ka!!” Iyak na sigaw niya. Napalingon ulit si Daisy, sa pinto nang makitang bumukas ito. “Sino kayo?” Tanong n
CHAPTER 23RD POV Nang magising si Daisy, ay napatingin siya sa paligid. Wala siyang ibang nakita kun’di puro maitim na kurtina. Mabilis siyang napa-bangon at lumapit sa pinto. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya ito mabuksan. “Buksan niyo ang pinto!!” Malakas na sigaw niya, habang hinampas ang pinto. “May tao ba r’yan?!” Muling sigaw ni Daisy. “Mapapagod ka lang.” Napatingala siya matapos marinig ang isang boses. Doon niya nakita ang mga cctv camera na nakapaligid sa kanya. Kasama ng isang malaki na speaker. “Sino ka?” Galit na wika niya, habang masama na tiningnan ang cctv camera. “Sumagot ka!!” Malakas na sigaw niya. “Pakawalan mo ako rito!!” Muling sigaw niya, pero hindi na niya ulit ito narinig. Mabilis naman ang kilos niya, at isa-isa na binuksan ang mga kurtina. Pero wala siyang ibang nakikita kun’di puro pader. “Sino kaba talaga? Bakit mo ba ‘to, ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sa ‘yo?!” Hindi na niya napigilan pa na mapa-iyak, dahil sa galit na kanyang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK X CHAPTER 1 3RD POV Kahit pinipigilan ni Daisy, ang kanyang mga luha ay kusa pa rin itong bumagsak. “Ayos lang po ba kayo Ma’am?” Nag-alala na tanong ng kanyang driver sa kanya. Kahit hindi siya okay, ay pilit siyang tumango at ngumiti rito. “’Wag mo akong intindihin Manong, ayos lang ako.” Ngiting wika niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. Sa tuwing iniisip niya kasi si Johnson, ay bumabalik ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya akalain na-mamahalin niya ito ng husto, kahit pa alam niya na hindi siya ang mahal nito. Sinubukan niyang gawin ang lahat para mahalin siya nito, pero bigo pa rin siya, dahil ang kanyang ate Ellie, ang mahal nito. “Wala naman talaga akong laban kay Ate..” Iyak na wika niya, kaya muling napatingin sa kanya ang kanyang driver. “’Wag mo na akong pansinin pa.” Wika niya at pilit na kinalma ang sarili. Nang tumunog ang phone niya, ay agad niya itong tiningnan. Nakita niya naman ang pangalan ng kakambal niya sa screen n
CHAPTER 42 3RD POV “Hindi mo ba talaga ako nakilala?” Iling na wika ni Ellie, habang tinitigan ito mula ulo. Hanggang paa. “Itinuring kita na parang kapatid noon, pero ano ang ginawa mo? Niloko mo lang ako!” Galit na sigaw niya rito. Akmang aawat sana sa kanya ang kasama nitong bodyguard. Pero mabilis itong hinarang sa mga kasama nilang bodyguard. “Pinagmukha mo akong tanga.” “E-Ellie..” Hindi makapaniwala na wika nito, at tumingin kay Johnson. “I-ikaw ba ito Ellie?” “Ako nga.” Taas kilay na sagot niya rito. “Jameson.. B-bakit ka nakipag-balikan sa kanya? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ‘wag mo siyang mahali-.” Malakas siyang sinampal ni Ellie, kaya hindi nito natapos ang sasabihin nito. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” Galit na sigaw niya. “Anong nangyari rito?” Tanong ng isang lalaki na medyo may edad na. “Mahal, sinampal ako ng babaeng ‘yan!” Iyak na wika ni Camille, habang niyakap ang lalaki. Halos matawa naman si Ellie, dahil sa itsura ng lalaki. Para na kasi itong tatay
CHAPTER 413RD POV “Daddy, saan tayo pupunta?” Tanong ni John-John, kaya napalingon dito si Johnson. “Mamasyal.” Ngiting sagot nito. “Mamasyal? Bakit hindi mo sinabi? Ang pangit tuloy ng suot ko.” Inis na wika niya rito. Hindi na kasi siya nagbihis, dahil ang sabi ni Johnson, ay lalabas lang sila saglit. “Hindi mo na kailangan pang mag-ayos pa, Wife. Kahit ano pang isuot mo. Maganda ka pa rin.” Wika nito, habang napatingin siya kay Johnson. “Tse!” Wika niya, habang lihim na napangiti at tumingin sa bintana ng kotse. “Totoo naman ang sinabi ko, kahit pa nga may laway ka sa labi. Maganda ka pa rin.” Dagdag nito, kaya hindi na niya napigilan pa na mapangiti. “Mommy, bakit ka tumawa?” Tanong sa kanya ng anak nilang si Jun-Jun. “Hindi tumawa ang mommy mo, Anak. Ngumiti lang.” Sagot ni Johnson, dito. “Kasi bolero ang daddy niyo.” Ngiting wika niya, habang napatingin kay Johnson. “Sasakay pa tayo rito?” Taka na tanong niya, habang nakikita ang private plane ni Johnson. “Oo, bakit?
CHAPTER 40 3RD POV Hindi maiwasan ni Ellie, na magtaka. Matapos siyang makababa sa kanyang kotse. Masyado kasing tahimik ang bahay nila. “Wala ba si Johnson, sa loob?” Tanong niya sa guard. “Hindi ko po alam Ma’am.” Napakunot naman ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito. “Hindi ba ikaw ‘yong guard? Bakit hindi mo alam?” Wika niya, habang nag-yuko ito ng ulo. “Kapapalit ko pa lang po sa kasama ko Ma’am.” Mahinang sagot nito sa kanya. Napahinga naman siya nang malalim, at iniwan ito. “Ang sabi niya, nandito siya. Sinungaling talag-.” Natigilan si Ellie, matapos makita ang mga bulaklak na nasa sahig. “Ano naman ‘to?” Inis siyang nagyuko para kunin sana ang mga bulaklak, pero agad siyang natigilan nang bigla nalang lumiwanag ang paligid at narinig niya ang sigawan ng kanyang mga anak. Nang mag-angat siya nang kanyang mukha ay nakita niya si Johnson, na may hawak na bulaklak. Ganun din ang dalawa nilang anak. “D-Dad..” Sambit niya, matapos makita ang kanyang ama. Na nakangiti sa k
CHAPTER 393RD POV Gulat na napatingin si Ellie, sa mga taong naghakot sa mga gamit niya. Kagigising niya lang, at hindi niya alam kung saan nila dadalhin ang kanyang mga gamit. “Ibaba niyo nga ‘yan! Saan niyo ba ‘yan, dadalhin ha?” Galit na wika niya, habang sinusundan sila. “Hija..” Napalingon siya sa kanyang ina, at dali-dali itong nilapitan. “Mom, sa’n nila dadalhin ang mga gamit ko? At nasa’n ang mga Anak ko? Bakit hindi ko sila nakikita?” Taka na tanong niya rito. “Hiniram ng mga biyenan mo. Ibabalik nalang daw nila mamaya, hindi kana rin nila ginising.” Sagot nito sa kanya. “A-ang mga gamit ko? Bakit nila kinuha? Pinapalayas niyo na ba ako Mom?” Halos maiyak na tanong niya rito. “Pina-lipat na ‘yan ni Johnson. Ang sabi niya, dapat nasa bahay niyo na raw ang mga gamit niyo ng mga bata.” Sagot nito, na kina-bilog ng kanyang mga mata. “Bakit kayo pumayag Mom? Hindi niya naman ‘yon, sinabi sa akin?” Inis na wika niya, kaya hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay. “Asawa