3303RD POV Lumipas ang dalawang buwan, at tahimik na namumuhay si Dell, kasama ang lola Paula niya. Hindi ito bumalik sa ibang bansa, dahil mas gusto nito na kasama siya. “Ayos ka lang ba Hija?” Tanong nito, habang napahawak siya sa kanyang ulo. “Para po kasi akong nahihilo Lola.” Sagot niya rito. Mula nang tumira siya rito, ay wala na siyang balita kay Noah. Ayaw din ng ina niyang si Aira napag-usapan ito. Ang tanging alam lang ni Dell, ay magaling na si Lester. “Namumutla ka, siguro tama na muna ‘yang pagtatrabaho mo.” Wika ng lola Paula niya, habang tinawag nito ang katulong nila. “Lola, hindi na po kailangan, siguro kailangan ko lang ng pahinga.” Ngiting wika niya nang marinig niya ang inutos nito. “Hindi kailangan mo pa rin na matingnan ng doctor Dell, at itigil muna ‘yang ginagawa mo.” Wika nito, kaya wala siyang nagawa kun’di ang sumunod dito. Habang nasa kanyang silid, ay kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang kanyang ama. “Yes, Hija?” Sagot nito sa kabilang liny
3313RD POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay nanatili pa rin si Dell, sa mansion kasama ang kanyang lola Paula. Pinili rin ni Hanma, na tumira rito kasama siya, para magbago ang isip nito. Lalo na at hanggang ngayon ay gusto pa rin nitong mawala ang anak niya. “Dell, ayaw mo bang malaman kung ano ang gender ng baby mo?” Tanong ni Hanma, habang napansin niya na tulala na naman si Dell. “Hindi ako interesado na malaman.” Balewala na sagot nito, kaya napatingin si Hanma, kay Evo. Pinili rin kasi nito na samahan ang kapatid niya, lalo na at nag-alala siya sa kalagayan nito. “Hindi kaba excited na malaman, kung ano ang gender ng magiging anak mo Princess?” Tanong niya, habang masama siyang tiningnan ni Dell. “Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo Kuya, na wala akong paki-alam sa batang ito!” Sigaw niya rito, kaya nagkatinginan sila ni Aaron. Habang buntis kasi ito ay nagbabago rin ang kanyang ugali. Ang dating mabait at malambing na Dell, ay hindi na nila nakikita. Hindi na rin nila nak
3323RD POV “Lola! Beth!! Daddy!!” Malakas na sigaw ni Dell, habang napahawak siya sa kanyang t’yan. “Ma’am Dell, anong problema?” Tanong ni Beth, habang nasa likuran niya si Aira at Dylan. “Ang sakit ng t’yan ko!!” Galit na sigaw niya, kaya agad siyang hinawakan ni Dylan. “Mukhang mangangak na siya Wife.” Wika niya sa asawa niya. “Ihanda niyo ang sasakyan!” Sigaw ni Aira, habang inalalayan nila si Dell. Habang sakay ng kotse, ay panay pa rin ang ginawang pag-sigaw ni Dell, dahil sa sakit ng t’yan niya. panay rin ang paghawak ni Aira, sa kamay ng kanyang anak, dahil hinahampas sila nito. “Dell, tiisin mo muna Anak, malapit na tayo sa hospital.” Wika ni Aira, kaya luhaan siyang napatingin dito. “Anak, ‘wag ka nang umiyak. Tiisin mo lang ang sakit.” Wika naman ng kanyang ama. Pero kahit pa man sa kanyang naririnig ay hindi niya pa rin matiis ang sakit, at sa kakasigaw niya, ay nawalan siya ng malay. Nang magising si Dell, ay napatingin siya sa paligid. Nang mapansin niya na na
3333RD POV “Happy birthday.” Ngiting wika ni Dell, habang humalik sa pamangkin niyang si Keana. “Dell.” Tuwang wika ni Hanma, at agad niya itong niyakap. “Mabuti at nakapunta ka?” Wika ng kuya Aaron niya. Tanging ngiti lang ang sagot ni Dell, sa kanila. “Wow! Ang ganda nito Tita! Thank you!” Tuwang wika sa kanya ni Keana. “Nagustuhan mo ba?” Tanong niya rito, habang malawak itong ngumiti. “Mas lalo kang gumanda ngayon.” Wika ni Hanma. “Puro na nga ako trabaho.” Ngiting sagot niya, habang kinuha ang baso na may laman na wine. “Anak.” Napalingon si Dell, sa kanyang ina. Habang papalapit ito sa kanya. “Mom.” Sagot niya rito. “Dell, pwede bang ikaw nalang ang pumunta sa site natin.” Wika nito. ‘Mom, bakit po ako? Alam niyo na wala akong alam sa ganun, dapat si Kuya nalang.” Maktol na wika niya. “Sasamahan ka naman ng pinsan mo, dahil hindi pwedeng pumunta ang kuya Aaron at Evo mo roon.” “Ako naman ang kasama mo, kaya ‘wag kang mag-alala.” Mayabang na wika sa kanya ni Rey, ka
334 3RD POV “Naku!! Ikaw talaga bata ka!!” Na-patingin si Dell, sa isang ginang. Na lumapit sa kanila. Kinuha nito ang bata na nasa ibabaw niya. “Ayos lang po ba kayo Ma’am?” Tanong nito, habang tumayo siya. “Oo.” Sagot niya habang nakatingin sa kanyang suot na sandal. Nabali kasi ang isang taking nito. “Salamat po Ma’am, at niligtas niyo po ang Apo ko. Hindi ko kasi napansin na pumunta siya rito.” Wika ng ginang, kaya napatingin siya sa bata. “Mama..” Wika nito, habang pilit na inabot ang kanyang mukha. “Tumigil ka nga! Hindi siya ang mama mo!!” Galit na wika ng ginang. “Mauna na po kami, salamat po ulit.” Paalam nito habang binuhat niya ang bata. “Ma’am Dell!” Napalingon si Dell, at nakita si Beth, na papalapit sa kanya. “Ano pong nangyari?” Tanong nito, habang binigay nito sa kanya ang sapatos niya. “Paano ka?” Tanong niya nang makita itong naka-paa.“’Wag niyo po akong alalahanin Ma’am Dell.” Sagot nito sa kanya. “Anong nangyari? Bakit may sugat ka?” Kunot-noo na tanon
335 3RD POV “Ma’am Dell.. Tama na po..” Awat ni Beth, kay Dell. Habang patuloy itong nagwawala. “’Wag mo akong pakialaman Beth! At lumabas kana!!” Galit na utos ni Dell, kaya agad na lumabas si Beth. “Ang kapal ng mukha niya!! Totoo nga ang sinabi ni Kuya... Niloko niya lang ako!!” Iyak na sigaw ni Dell, habang binasag ang isang flower vase. “Kaya pala... Kaya pala hindi ka man lang gumawa ng paraan para makita ako... O kumustahin man lang ako, dahil may iba kana pala..” Hikbing wika ni Dell, at napa-upo sa sahig. Napayakap siya sa kanyang sarili, habang muling naisip ang matamis na ngiti ni Noah, habang buhat ang bata kanina. “Kung alam ko lang na anak mo ‘yon. Sana hindi ko nalang siya niligtas.” Galit na wika niya at pinunasan ang kanyang mga luha. Tumayo si Dell, na parang walang nangyari. “Simula ngayon, hinding-hindi na kita iiyakan pa Noah Park.” Wika niya at lumabas sa silid. “Tayo na.” Wika niya, kaya mabilis na sumunod sa kanya si Beth, at ang ibang mga tauhan nila.
3363RD POV “Tama na Marie!” Napalingon si Dell, at nakita niya si Noah, na papalapit sa kanila. Napakunot ang noo niya, nang pamansin na parang hindi siya kilala nito. “Papa, laruan ko ‘yon.” Wika ng bata sa kanya habang umiiyak. “Hayaan muna. Bibili nalang tayo ng iba.” Sagot nito at binuhat ang bata. Ni hindi man lang siya tiningnan nito habang dumaan ito sa harap niya. “Wow! Thank you Tita!” Tuwang wika ni Keana, habang kunuha ang laruan na hawak niya. Napakuyom naman ang kamao ni Dell, habang nakatingin sa pinto, kung saan lumabas si Noah, at ang bata na karga niya. “Beth, alamin mo kung sino ang ina ng batang ‘yon.” Utos niya kay Beth. “Opo Ma’am Dell.” Sagot nito sa kanya. “Tita, ayos ka lang ba?” Tanong sa kanya ni Keana, kaya tumango siya rito at tumango. Napatingin din siya sa laruan na hawak ni Keana. “Bakit ‘yan ang gusto mo? Marami namang iba ro’n?” Tanong niya rito, kaya napatingin ito sa kanya. “Ang ganda kasi nito.” Tuwang wika nito, habang niyakap ang laruan
3373RD POV “Dell, tingnan mo oh!” Parang bata na wika nito, habang pinakita nito ang kanyang ipininta. “Bakit ako lahat ang pininta mo?” Taka na tanong niya rito. “Para makita kita.” Ngiting wika ni Lester, habang niyakap siya. “Dell, dito ka nalang lagi ha, ‘wag ka nang umalis. ‘Wag ka nang sumama sa Noah, na ‘yon.” Napatitig si Dell, dahil sa sinabi niya. “Bakit galit na galit ka sa kanya?” Tanong niya rito, dahil noon paman ay napansin na niya na parang malayo ang loob nila sa isa’t-isa.“Bakit galit ka rin?” Balik na tanong nito sa kanya, kaya hindi siya naka-sagot dito. “Gamitin mo ‘to.” Wika nitong muling habang inabot sa kanya ang isang brush. “Hindi ako marunong nito.” Wika niya, at napansin na naging malungkot ang mukha nito. “Pero susubukan ko.” Ngiting wika niya, kaya malawak itong napangiti sa kanya. NANG makatulog si Lester, ay agad niya itong iniwan sa silid niya. kailangan niyang bumalik sa kanyang opisina, dahil ayaw niya na malaman ng kanyang pamilya ang gin
354 WAKAS 3RD POV “Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga tao, matapos na pumasok si Dell at Noah, sa hotel, katatapos lang ng kanilang kasal at tuwang-tuwa ang anak nilang si Marie at ang mga pinsan nito nang, makita nila ang mga bulaklak at lobo. “Sinabi ko naman sa ‘yo noon Hija, na kayo ang magkatuluyan ‘di ba?” Ngiting wika sa kanya ng kanyang lola Paula. Napangiti naman si Dell, dito habang humalik sa pisngi nito. “Salamat po Lola..” Wika niya habang niyakap siya nito. “Payaw-ayaw ka pa noon.” Iling na wika ng lola Helen niya, kaya hindi niya mapigilan na mapangiti. “Lola naman..” Malambing na wika niya rito. “Paano naman ako Apo? Hindi mo ba ako yayakapin?” Nagtatampo na wika ni Kim. “Lola, yayakapin naman talaga kita.” Wika niya at nilapitan ito. “Alam mo bang palagay na ang loob ko ngayon Apo? Lalo na at may pamilya kana. Alam mo naman na kahit hindi ako gaanong tumatawag sa ‘yo, ay lagi ko pa rin na tinatanong sa iyong ama, kung maayos ka lang ba.” “A
353 3RD POV “Kababata namin.” Malungkot na sagot nito habang tumayo. Nang makatayo si Noah, ay binuhat niya si Dell, papasok sa banyo. “Kababata? Nasa’n siya? Bakit hindi ko siya nakita?” Tanong ni Dell, matapos niya itong ilagay sa bathtub. “’Wag ka nang tumayo, ako na ang mag-papaligo sa ‘yo.” Wika ni Noah, habang kinuha ang shampoo. “Bakit ‘yan? Dapat sabon muna.” Wika ni Dell, kaya napatingin siya sa kanyang hinawakan. “Hayaan muna.” Ngiting wika nito, habang pumwesto ito sa likod niya. “Hindi mo pa, sinasagot ang tanong ko.” Wika ni Dell, habang nilagyan ni Noah, ng shampoo ang buhok niya. “Hindi mo siya makikita.” Sagot nito, kaya nilingon niya ito. “Dell, pwede bang ‘wag kang malikot.” Wika sa kanya ni Noah, kaya inaayos niya ang pagka-upo niya sa loob ng bathtub. “Bakit hindi ko siya makikita?” Kunot-noo na tanong niya.“Dahil wala na siya Dell.” Natigilan si Dell, dahil sa narinig niya mula kay Noah. “Wala? P-paanong nawala?” Curious na tanong niya rito. “No’ng lu
352 WARNING MATURED CONTEXT!! SPG3RD POV “Lalabas ka pa ba?” Tanong niya, habang nakita niyang napalunok si Noah. “Hindi naman ako lalabas. Ni-lock ko lang ang pinto.” Sagot nito, habang malawak na ngumiti, at lumapit sa kanya. Namilog naman ang mga mata ni Dell, nang mahigpit na hinawakan ni Noah, ang kamay niya. “Bakit mo hinawakan ang kamay ko?” Taka na tanong niya habang tumingin ito sa kanya. “’Wag ka nalang mag-tanong.” Sagot nito at siniil ang labi niya. “Umm..” Hindi napigilan ni Dell, na mapa-ungol, habang hindi pa rin binitawan ni Noah, ang labi niya. Gusto niya sana na sabihin kay Noah, na bitawan ang kanyang kamay, dahil kanina niya pa gustong haplusin ang katawan ni Noah. “Ahhh..” Pero imbis na mag-salita siya, ay puro ungol ang lumalabas sa labi niya, dahil sa ginawang pag-dila ni Noah, sa kanyang leeg. Kinawag niya ang kanyang mga kamay, para bitawan ito ni Noah, pero mahigpit pa rin itong hinawakan ni Noah, habang patuloy siya sa ginagawa niyang paghalik at p
351 3RD POV Hindi maiwasan ni Dell, na magtaka, dahil masyadong tahimik ang bahay nila. Nagpa-alam lang siya saglit sa kanyang mga magulang na pumunta muna sa opisina niya, dahil may kailangan siyang kunin. “Manong, nasa’n sila?” Tanong niya, sa security guard nila.“Hindi ko po alam Ma’am.” Sagot nito sa kanya. “Hindi mo alam?” Inis na wika ni Dell, at muling bumalik sa loob. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang phone number, nang kanyang ina at ama. Hindi niya kasi maiwasan na mag-alala, dahil baka may nangyari sa anak niya. Alam ni Dell, na malikot ang anak niya, at mahilig itong umalis sa bahay. Binuksan niya ang ilaw sa sala, dahil masyadong madilim. Ito ang kauna-unahan na pagkakataon, na walang ilaw ang buong bahay nila. “Mama!!” Gulat siyang napatingin sa sala, matapos niyang buksan ang ilaw at marinig ang boses ng kanyang anak. “A-anon-.” Natigilan si Dell, habang nakita si Noah, na may hawak na bulaklak at papalapit sa kanya. “N-Noah..” Utal na sambit niya,
350 3RD POV “Anong ginagawa mo rito? At nasa’n ang Anak ko?!” Galit na sigaw ni Alicia, matapos niyang makita si Noah. “Danilo!” Sigaw nito, habang tinatawag din ang mga tauhan niya. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Danilo, sa kanya. “Tingnan mo, kung sino ang nandito? At nasa’n na ba ang mga tauhan natin? Bakit nila hinayaan na makapasok dito ang taong ‘yan?” “Anong ginawa mo rito?” Tanong sa kanya ng kanyang amang si Danilo. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng umuwi, sa sarili kung bahay?” Sagot niya sa kanyang ama, kaya kunot-noo siyang tiningnan nito. “Bahay? Nagpapatawa kaba?” Taas kilay na wika sa kanya ni Alicia. “Mukha ba akong nagpapatawa? ‘Wag niyong sabihin na nakalimutan niyo, na sa akin na kapangalan ang bahay na ‘to, dahil ako ang nag-iisang anak ni Sofia.” Nagkatinginan si Alicia at Danilo, dahil sa sinabi sa kanila ni Noah. “Noah! Baka nakalimutan mo na ako ang iyong ama?!” Galit na sigaw sa kanya ni Danilo. “Bakit Dad? Kailan niyo ba ako itinuturing na anak?!”
349 3RD POV “Nakakainis!” Napahawak si Dell, sa labi niya, habang nasa harapan ng salamin. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya. “Sh!t! Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kung lakasan ang loob ko, kahit nakakahiya na.” Wika niya at muling naghilamos sa mukha niya. Nang buksan niya ang pinto ng banyo ay sumilip muna si Dell. Tiningnan niya kung nasa labas ba si Noah. Pero napakunot ang noo niya, nang hindi niya ito makita. “Noah!” Tawag niya rito, at tiningnan sa kama. Pero hindi niya ito nakita, kaya agad siyang lumabas. “Beth, nakita mo ba si Noah?” Tanong niya rito. “Umalis na po si Sir Noah, Ma’am Dell.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sagot ni Beth, sa kanya. “Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?” “Ang sabi niya po, mauna na raw po tayong bumalik sa syudad, dahil may mahalaga lang daw po siyang gagawin.” “Mahalagang gawin? Dapat hindi ka pumayag, o ‘di kaya, dapat sinundan mo siya.” “Ayaw niya po na iwan ko kayo.” Yukong wika ni Beth. “Kung ganun, u
348 3RD POV “Manloloko ka Mommy!” Galit na sigaw ni Noah, habang mahigpit na hinawakan ang braso nito. Hindi rin niya pinapansin ang mga tauhan ni Alicia, na sumu-suntok sa katawan niya. “Tama na Noah!!” Malakas na sigaw ni Dell, kaya bigla siyang natigilan. “Papa!” Narinig niyang iyak ni Marie. Mabilis naman na naagaw ni Beth si Marie, sa tauhan ni Alicia. Nang matalo ng mga tauhan ni Dell, ang mga tauhan ni Alicia, ay roon pa binitawan ni Noah, ang braso nito. “Alam mong kahit kailan ay hindi kita mamahalin Noah.” Wika nito, kaya galit niya itong tiningnan. “Paano ko mamahalin, ang anak ng mortal kung kaaway noon?” Ngiting wika nito, kaya napakuyom ang kanyang kamao. “Alam mo bang tulad mo rin ang iyong ina. Isang tanga!” Sigaw niya kay Noah. “Mga bata pa lang kami, ay naiinggit na ako sa kanya, dahil lahat sila, ay siya ang gusto! Kahit pa ang mga magulang namin.” “Pero hindi ko sila kayang sumbatan, dahil sino ba ako, para manumbat. Isa lang akong hamak na ampon.” Iling
347 3RD POV “Noah..” Sambit ni Dell, habang napatitig si Noah, sa kanya. “D-Dell.” Wika niya, habang bumangon. “Si Lester? Nasa’n siya?” Napatitig si Dell, sa kanya. Habang napatingin ito sa paligid. “Ayos lang siya.” Sagot niya rito. “Sandali, sa’n ka pupunta?” Taranta na wika ni Dell, nang makita niya itong tumayo at nagmamadali na isuot ang kanyang sapatos. “Hahanapin ko ang Anak natin.” Mabilis na sumunod si Dell, kay Noah. Matapos itong lumabas sa pinto. “Pwede bang magpahinga ka muna! Hindi pa magaling ang mga sugat at mga pasa mo.” Nag-alala na wika niya rito. “Ayos lang ako Dell, ang mahalaga sa akin, ay makita ko ang Anak ko.” “Sa’n mo ba siya iniwan?” Tanong niya, habang nauna na naglalakad papunta sa garahe. “Ikaw na ang magmaneho.” Wika niya, habang inabot dito ang susi ng kanyang kotse. “Dito ka lang, baka mapahamak ka.” “Hindi pwede, kailangan na may gawin din ako, para makita natin ang Anak natin.” Wika niya, habang sumakay sa front seat. “Isa pa, hinahan
3463RD POV “Papa, bakit ka po umiiyak?” Tanong sa kanya ni Marie, kaya agad niyang pinunasan ang mga luha niya, sa kanyang mga mata. “Papa, hindi na ba babalik si Mama?” Malungkot na tanong nitong muli sa kanya. “Hindi na Marie, kaya ‘wag ka nang umasa pa, na babalikan niya tayo.” Sagot sa kanya ni Noah. “Papa, gusto ko kasama ko si Mama.” Hikbing wika nito, kaya niyakap niya ang anak niya. Ito ang isa sa kinatatakutan ni Noah, ang masanay ang anak nila, na nasa paligid lang si Dell. “Hindi ba tayo mahal ni Mama, Papa?” Tanong nitong muli, habang nag-angat ito nang mukha at tumingin sa kanya. “Mahal ka niya, Marie.” “Ikaw Papa?” Nag-iwas ng tingin si Noah, at hindi na sumagot pa. “Anong nangyari?” Tanong niya, nang bigla nalang huminto ang kotse na sinasakyan nila. “N-nasundan po tayo Sir Noah.” Sagot ng kanyang driver. “Dito ka lang, at ‘wag kang umalis.” Wika niya sa kanyang anak at hinalikan ang noo ito. “Ikaw na ang bahala sa Anak ko, ilayo mo siya rito. Gawin mo ang l