2383RD POV “Ano bang ginagawa mo rito?” Inis na tanong ni Reymart, sa kakambal niyang si Rey.“Hinahanap kayo ng mga bata.” Natatawang sagot niya rito. “Anong hinahanap? Alam ko na hindi nila kami hahanapin, kapag kasama nila si Mommy.” “Kinuha namin sila kay Mommy.” Napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa sagot ng kapatid niya. “Anong kinuha?” “Kinuha nga namin.” “Bakit niyo kasi kinuha?” “Gusto ka namin, puntahan. Kasi bigla ka nalang nawala sa hospital.” Mabilis naman itong lumayo sa kanya, nang makitang itinaas ni Reymart, ang kanyang kamao. “Hindi mo ba alam, na isturbo kayo!” Madiin na wika niya rito, kaya malakas na natawa si Rey. “Bakit?” Kunot-noo na tanong ni Diana, habang nilapitan niya ang dalawa. Kasama niya si April, at masama rin nitong tiningnan ang asawa niya. “Nag-katuwaan lang kami.” Ngiting wika ni Rey, at pinulupot ang kanyang braso sa bewang ng asawa niya. “Sinabi mo na ba sa kanila?” Wika ni April, kaya nagkatinginan si Rey at Reymart. “Ang alin?” Ta
My Mysterious Wife Book VII CHAPTER 239 3RD POV “Jake..” Sambit ni Hanma, matapos niyang nakita ang kanyang nobyo. “Ayos ka lang ba? Anon-.” Napabaling ang mukha niya nang sampalin ito ng lalaki. “Sino ang lalaking ‘yon?!” Galit na sigaw niya rito. Habang umiling siya sa lalaki. “Hindi ko siya Kilala maniwal-.”“Sinungaling!” Muling sigaw nito, kaya napapitlag siya. “Hindi mo ba nakita ang ginawa ng lalaking ‘yon sa akin?! Tingnan mo ang itsura ko!!” “Maniwala ka Jake… Wala akong kinalaman sa ginawa niya sa ‘yo!” “Manahimik ka!! Alam mo bang nagka-litse-litse ang buhay ko dahil sa ‘yo! At sa lalaking ‘yon! Muntik na nila akong nilumpo! Mabuti nalang at nakatakas ako sa kanila! Kaya pagbayaran mo ng mahal ang ginawa niyo sa ‘kin!!” Galit na sigaw nito, kaya dali-dali na tumakbo si Hanma, palabas ng kanilang bahay. Agad siyang sinundan ng lalaki at nahawakan siya sa kanyang braso. Hinampas niya naman ito sa dala niyang bag, kaya nakawala siya rito. “Daddy!!” Iyak na wika nito
240 3RD POV “Kuya!” Wika ni Rey, habang lumapit sa tito Junas at kuya Aaron niya. “Bakit mo siya kasama Dad?” Galit na wika ni Hanma, habang niyakap niya ang kanyang ama. “Siya ang tumulong sa akin, Anak. Para makauwi agad ako.” Napatingin si Hanma, kay Aaron, dahil sa sinabi ng kanyang ama. “Kuya, bakit pala kayo magkasama ni Tito?” Tanong ni Rey, sa kanya. “Nakita ko siya sa labas.” Sagot ni Aaron, kaya napakunot ang noo ni Rey. “Sa labas? Anong ginawa mo sa labas? At bakit hindi ka namin nakita kanina?” Taka na tanong ni Rey. “Isa pa Kuya, anong ginagawa mo rito?” Tanong din ni Reymart sa kanya. “‘Wag mo nang itanong ‘yan.” Sagot ni Rey, habang ninguso ang pinsan niyang si Hanma. “Alam mo ba Dad, na siya ang dahilan kung bakit muntik na akong mapahamak?” Galit na wika ni Hanma, habang napatitig sa kanya si Aaron. Hinding-hindi na kasi niya nakikita ang iba't-ibang personality nito na katulad noon. “Bakit Anak?” Taka na tanong ni Junas. “Kasi binugbog niya si Jake Dad! K
241 3RD POV “Dad.” Sambit ni Hanma, habang nilapitan ang kanyang ama. “Bakit Hija.” “Dad, bakit laging sinasabi ng lalaking ‘yon, na kilala ko siya?” Tanong nito habang niyakap ang kanyang ama. “Napagkamalan ka lang niya.” Sagot ni Junas. “Bakit po? May kamukha ba ako?” “Hindi ko rin alam Hija.” “Dad, baka may kakambal ako.” Wika niya, kaya natigilan si Junas at natawa. “Daddy naman eh!” Maktol na wika niya, habang patuloy siyang tinatawanan ng kanyang ama. “Bakit mo naman naisip ‘yon?” “Kasi ‘diba, si Rey at Reymart, kambal sila?” “Anak. Mag-isa ka lang na iniluwal ng iyong ina, bago siya nawala.” “Wala kabang balak na hanapin siya Dad?” “Sinabi ko naman sa 'yo ‘diba? Ayaw na niya tayong makita pa. Isa pa, alam mo rin na may bago na siyang pamilya.” Malungkot na wika niya kay Hanma.“Dad, bakit pala hindi ako mahal ni Mommy?” Muling natigilan si Junas, dahil sa tanong ni Hanma. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” “Kasi Dad, kung mahal niya ako. Hindi niya ako iiwan sa 'yo ‘
2423RD POV “Anak! B-buhay ka..” Iyak na wika nito, kaya napakunot ang kanyang noo. “Bitawan niyo po ako. Isa pa, hindi naman ako namatay, kaya buhay ako.” Inis na wika niya rito, matapos niya itong itulak. “Patawarin mo ako Hanma..” Natigilan siya, dahil sa kanyang narinig. “Kilala mo ako? P-paano mo ako nakilala?” Kunot-noo na tanong niya, rito habang napalingon sa paligid. “A-ako ang mommy mo Hanma… A-Anak.” Hagulgol na wika ng babae, kaya nailing si Hanma, sa kanya habang pinagtatawanan ito. “Hindi ako tanga, para maniwala sa ‘yo, Isa pa, kilala ko ang mommy ko at hindi Ikaw 'yon! Kaya mas mabuti pang umalis kana at ‘wag mo nang hintayin pa na tatawag ako ng pulis, para ipahuli ka.” Madiin na wika niya, habang tinalikuran ito. Pero muli siyang natigilan ng yakapin ulit siya ng babae. “Ano ba! Bitawan mo nga ako! Tulong! Tulungan niyo ako!!” Malakas na sigaw niya, kaya lumapit sa kanila ang mga tao, na nasa loob ng convenience store.“Anong nangyayari rito?” Tanong ng guard,
2433RD POV “Aaron!” Tawag ng mommy niya. Gulat siyang napatingin dito, habang papalapit ito sa kanya. “Anong ginawa mo?” Tanong nito sa kanya. “Mom, may kailanga-.” “Sagutin mo ang tanong ko!!” Galit na sigaw nito sa kanya. “Gusto ko lang malaman ang totoo.” Napakunot ang noo ni Aira, dahil sa narinig niya mula sa kanyang anak. “Totoo? Anong totoo?” “Na buhay si Hanma.” Nailing si Aira, dahil sa sinabi ni Aaron. “Buhay? Nagpapatawa kaba? Nakita mo mismo sa dalawang mata mo ang nangyari sa kanya, ‘diba?” “Oo, pero hindi malabo na buhay siya, dahil kamukhang-kamukha niya siya Mom.” Iyak na wika ni Aaron. “Hindi siya si Hanma, Anak. Alam mo ‘yan.” Malumanay na wika nito, dahil hindi niya mapigilan na maawa sa anak niyang si Aaron. Ilang taon na rin itong nagdusa dahil sa pagkawala ni Hanma. “Ramdam ko Mom… Ramdam kung siya si Hanma.” “Anak, tanggapin mo na na wala na siya.” “Paano Mom? Paano ko siya makakalimutan? Alam mo bang kahit anong gawin ko, pilit pa rin siyang sinis
2443RD POV “Hindi ka makakalabas dito, hangga't hindi matapos ang kasal niyo.” Wika ni Aira, habang walang emosyon na makikita sa mukha niya. “Kailangan mong sumunod sa amin, dahil para rin ito sa ‘yo.” Nag-angat ng mukha si Aaron, habang kunot-noo na napatingin sa kanyang ina. “Wala ka rin pinagkaiba sa lola mo.” Sagot niya rito. “Wala akong pakialam sa iniisip mo Aaron. Ang gusto ko lang ay mabigyan ka ng pamilya.” “Bakit Mom? Hindi ko ba kayo pamilya?” “Sa tingin mo, habang-buhay mo kaming makasama? Hindi Aaron, mas maganda pa rin na may mga anak ka, na mag-aalaga sa ‘yo, sa pagtanda mo. May asawa kang masasabihan sa problema mo.” “Paano ako mag-sasabi sa kanya, kung hindi ko siya gusto?” “Anak, habang tumatagal. Matutunan mo rin siyang mahalin.” “Ayoko siyang mahalin. Alam mo kung sino ang mahal ko.” “‘Yan ang dahilan, kung bakit kita ipapakasal kay Nica!” Sigaw ni Aira, kaya masama niya itong tiningnan. “Aaron. Tama na ang ilusyon mo, dahil wala na si Hanma, wala na s
2453RD POV “Mommy!” Napatingin si Aira sa anak niyang si Dell, habang papalapit ito sa kanya. “Anong ginawa mo rito?” Tanong ni Aira. “Mom, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ikakasal na pala si Kuya?” “Nakalimutan ko.” “Mom, pwede bang ‘wag mo nalang siyang pilitin na magpakasa-.” “Kung nagpapatulong siya sa ‘yo. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Ikakasal sila ni Nica sa ayaw at gusto niya.” “Wala ng pero-pero.” Wika ni Aira, habang muli nitong tiningnan ang phone niya. Wala naman nagawa si Dell, kun'di ang talikuran ang kanyang ina, at tinungo ang silid ng kuya Aaron niya. “Buksan niyo.” Utos niya sa mga tauhan nila, na nakatayo sa pinto. “Hindi niyo ba ako naririnig?” Galit na wika niya, kaya nagkatinginan sila. “Isa.” Wika niyang muli, kaya dali-dali nilang binuksan ang pinto. “Kuya!!” Sigaw niya, habang nilapitan si Aaron at mahigpit itong niyakap. “Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa 'yo Kuya ko?!” Napahinga ng malalim si Aaron, habang tinanggal ang kam
252 3RD POV Pareho silang napatitig sa isa't-isa, habang napalunok si Hanma. Sa kanyang laway. “A-Aaron…” Sambit niya, habang nilapit ni Aaron ang mukha niya sa mukha ni Hanma, pero malakas na napasigaw si Hanma, dahil sinuka-an ang mukha niya ni Aaron. “Kainis ka naman!” Inis niya itong tinulak, kaya napahiga ulit ito sa kanyang kama.“Ahh!! Nakakainis talaga!!” Muling sigaw niya, habang pinaghahampas si Aaron. Inis siyang pumasok sa banyo, para maligo, dahil nasusuka siya sa baho na nasa mukha niya. Matapos niyang maligo ay binalikan niya si Aaron. Mahimbing na itong natutulog, kaya kinuha niya muli ang basang towel, at pinunas ulit ito sa mukha niya. “Kainis ka naman, akala ko pa naman.” Wika niya, habang ang kanyang mga mata ay nakatingin sa umbok sa pagitan ng mga hita ni Aaron. “Malaki kaya ‘yan?” Ngiting wika niya at dahan-dahan na inabot ang gitna ni Aaron. “Hanma!!” Inis na sigaw niya sa kanyang sarili. “Tumigil ka nga! Ang manyak mo talaga!” Napapikit siya sa kanyan
2513RD POV “Kuya, bakit nandito ka?” Tanong ni Rey, sa kanya matapos niya itong makita sa isang mesa na umiinom. “Kumusta ang nalalapit mong kasal?” Mapang-asar na tanong niya rito. “Kasal na ako.” Wika niya, at tinaas ang kanyang daliri. Gulat na napatingin si Rey, rito habang nilapitan siya at hinawakan ang singsing na nasa kamay niya. “Sino ang babaeng pinakasalan mo Kuya?” Tanong niya rito. “Sa pinsan mo, at ‘wag mong sabihin ‘yon sa uncle Junas mo.” Natigilan si Rey, dahil sa kanyang narinig. “S-si Hanma?” Tumango siya rito, habang uminom muli ng alak. “Paano mo siya napapasagot Kuya? Bakit siya nagpapakasal sa ‘yo?” Napangiti si Aaron, habang nailing ito sa kanya. “Walang impossible sa akin.” Siya naman ang nailing dahil sa narinig niya. “Pero bakit hindi namin pwedeng, sabihin kay Tito?” “Hindi pwede, dahil baka magalit ito. Nakikita ko kasi sa kanya, kung gaano niya kamahal si Hanma.” “Naniniwala kana ba na ibang tao siya?” Tanong ni Rey, kaya natigilan si Aaron.
2503RD POV “Ikaw na naman?” Kunot-noo na wika ni Hanma, habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. “Anong ginagawa mo rito? At paano ka nakarating dito?” Galit na wika niya, habang lumapit ang babae sa kanya, at niyakap siya ng mahigpit. “Ano ba! Bitawan mo nga ako!!” Sigaw niya, habang tinulak ito. “Anak, ‘wag mong gawin sa akin ‘to..” Hikbing wika nito, kaya lalong napakunot ang kanyang noo. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Bakit ba paulit-ulit mo akong tinatawag na anak? Alam mo bang hindi mo ako anak.” “H-hindi, A-Anak kita, hindi ka anak ni Aira, a-ako ang iyong ina.” ‘Aira? Saan ko ba narinig ang pangalan na ‘yon?’ “Anak, patawarin mo ako. Hindi ko sinadya… Ang akala ko, nai-pagpalit ko kayo ni Dell, pero mali pala ak-.” Napatingin siya sa mga taong lumapit dito. “Bitawan niyo ako!! Kailangan kung maka-usap ang anak ko!!” Iyak na sigaw nito, habang hinawakan siya ng mga lalaking lumapit sa kanya. Sa tingin niya, ay para silang nurse o ‘di kaya ay doctor, dahil sa suot
2493RD POV “B-bakit magkamukha kami?” Tanong ni Hanma, habang patuloy na naglalandas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. “Siya ang sinabi ko sa ‘yo.” Wika ni Aaron, habang sumisikip ang dibdib ni Hanma, na nakatingin sa picture. “Anong ikinamatay niya?” Tanong niya, habang napakuyom ang kanyang kamao. “Nabaril siya.” Sagot ni Aaron, habang lumingon si Hanma sa kanya. “Sino?” “Hindi ‘yon sinasadya.” Muling wika niya. Pinunasan ni Hanma, ang mga luha niya, matapos niyang haplusin ang puntod ni Hanma. “Kawawa naman siya, ni hindi ko man lang siya nakita.” Wika niya at nanatili ang kanyang mga mata sa picture. Mayamaya pa, ay nagpaalam siya kay Aaron. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang amang si Junas. “May problema ba Anak?” Nag-alala na wika nito, matapos nitong masagot ang kanyang tawag. “Sino siya Dad?” Tanong ni Hanma, habang napansin niya na biglang tumahimik ang kanyang ama. “S-sino?” “‘Yong babaeng kamukha ko Dad?!” Iyak na sigaw niya rito. “Ka
248 3RD POV “Wife.” Napalingon si Aira, sa asawa niyang si Dylan. “Nasa’n na ang anak mo?” Tanong ni Dylan, sa kanya. “Umalis at nagma-matigas pa rin.” Nailing si ylan, habang niyakap niya si Aira. “Hayaan nalang muna natin siya.” “Hindi! Kailangan nilang maikasal ni Nica.” “Pero paano? Alam mong kasal na sila ni Hanma.” “‘Wag kang mag-alala, ako na ang bahala.” Ngiting wika ni Aira. “Pero sana, ‘wag mo na siyang saktan ulit, dahil alam mo bang, sobra akong nag-sisi, sa pagbuhat ko ng kamay sa kanya.” “Ako na ang bahala, Dylan, kaya ‘wag mo nang alalahanin pa ‘yon.” Ngiting sagot niya rito, habang humalik sa labi nito. “Kadiri naman kayo Mommy! Daddy!” Napalingon sila at nakita si Dell, na papalapit sa kanila. “Anong nakakadiri dito?” Taas kilay na tanong ni Aira, sa anak niya. “Bakit ba kayo nag-kikiss?” Maarte na wika nito habang umupo sa sofa. “Anong masama? Mag-asawa naman kami?” Wika muli ng kanyang ina. Habang nailing si Dylan, sa kanila. “Isa pa, bakit ka pumasok
2473RD POV Napatingin si Hanma, sa marriage certificate nila ni Aaron. “Paunang bayad.” Wika ni Aaron, kaya napatingin si Hanma, sa kamay niya. Kinuha niya naman ito at tiningnan. “Dalawang milyon ang laman niyan.” Namilog ang mga mata niya, dahil sa narinig niya. “D-dalawang milyon?” “Oo.” Malawak na napangiti si Hanma, habang hinalikan ang cash card, na binigay ni Aaron. “‘Wag kang mag-alala. Pagbubutihan ko ang pagiging asawa mo!” Ngiting wika niya. Lihim na napangiti si Aaron, dahil sa sinabi ni Hanma. “Alam naba ‘to ng iyong ama?” Tanong niya, habang umiling siya rito. “‘Wag mo rin muna na sabihin sa mga pinsan ko, baka kasi isusumbong nila ako kay Daddy. Lagot ako do’n.” “Malaman pa rin nila ‘yon.” Napakunot ang noo ni Hanma, dahil sa sinabi ni Aaron. “Bakit nila malalaman? Ipagkakalat mo ba?” “Dahil ikakasal na sana ako.” Napasinghap si Hanma, dahil sa narinig niya. “Ginamit mo ako, para hindi ka maikasal sa iba?” Tumango si Aaron sa kanya. “Bakit ayaw mo siyang
2463RD POV “Ikaw na naman?” Kunot-noo na wika ni Hanma. “Umalis kana, kung ayaw mong tumawag ako ng pulis.” “Bakit ka naman tatawag?” Tanong ni Aaron, sa kanya. “Bakit hindi ako tatawag? Nakalimutan mo bang isa kang manyak?” “Kung manyak ako, matagal na sana kitang ni-r*pe.” Lalong napakunot ang noo niya, dahil sa kanyang sinabi. “Hindi ako masamang tao, at lalong hindi ako rep*st. Nandito ako para alukin ka ng trabaho. Sayang kasi ang natapos mo, kung hindi mo ito magagamit.” “Paano mo nalaman ‘yon?” Inis na tanong niya. “Pero hindi ko sinabi sa ‘yo, na naayon sa natapos mo, ang trabaho na inaalok ko.” “Blahh…” Asar na wika ni Hanma, sa kanya. “Isang milyon kada buwan.” Natigilan siya at napatingin kay Aaron, dahil sa sinabi nito. “N-nagbibiro kaba?” Utal na wika nito sa kanya. “Mukha ba akong nagbibiro?” Napatingin si Hanma, sa kanyang ina, habang nasa loob ito ng kotse. “Ano bang gagawin ko?” “Simple lang, pakasalan mo ako.” Napa-awang ang labi niya, dahil sa sinabi
2453RD POV “Mommy!” Napatingin si Aira sa anak niyang si Dell, habang papalapit ito sa kanya. “Anong ginawa mo rito?” Tanong ni Aira. “Mom, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ikakasal na pala si Kuya?” “Nakalimutan ko.” “Mom, pwede bang ‘wag mo nalang siyang pilitin na magpakasa-.” “Kung nagpapatulong siya sa ‘yo. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Ikakasal sila ni Nica sa ayaw at gusto niya.” “Wala ng pero-pero.” Wika ni Aira, habang muli nitong tiningnan ang phone niya. Wala naman nagawa si Dell, kun'di ang talikuran ang kanyang ina, at tinungo ang silid ng kuya Aaron niya. “Buksan niyo.” Utos niya sa mga tauhan nila, na nakatayo sa pinto. “Hindi niyo ba ako naririnig?” Galit na wika niya, kaya nagkatinginan sila. “Isa.” Wika niyang muli, kaya dali-dali nilang binuksan ang pinto. “Kuya!!” Sigaw niya, habang nilapitan si Aaron at mahigpit itong niyakap. “Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa 'yo Kuya ko?!” Napahinga ng malalim si Aaron, habang tinanggal ang kam
2443RD POV “Hindi ka makakalabas dito, hangga't hindi matapos ang kasal niyo.” Wika ni Aira, habang walang emosyon na makikita sa mukha niya. “Kailangan mong sumunod sa amin, dahil para rin ito sa ‘yo.” Nag-angat ng mukha si Aaron, habang kunot-noo na napatingin sa kanyang ina. “Wala ka rin pinagkaiba sa lola mo.” Sagot niya rito. “Wala akong pakialam sa iniisip mo Aaron. Ang gusto ko lang ay mabigyan ka ng pamilya.” “Bakit Mom? Hindi ko ba kayo pamilya?” “Sa tingin mo, habang-buhay mo kaming makasama? Hindi Aaron, mas maganda pa rin na may mga anak ka, na mag-aalaga sa ‘yo, sa pagtanda mo. May asawa kang masasabihan sa problema mo.” “Paano ako mag-sasabi sa kanya, kung hindi ko siya gusto?” “Anak, habang tumatagal. Matutunan mo rin siyang mahalin.” “Ayoko siyang mahalin. Alam mo kung sino ang mahal ko.” “‘Yan ang dahilan, kung bakit kita ipapakasal kay Nica!” Sigaw ni Aira, kaya masama niya itong tiningnan. “Aaron. Tama na ang ilusyon mo, dahil wala na si Hanma, wala na s