16 3RD POV “Bakit hindi ka man lang lumabas?” Tanong ni Dylan habang papalapit ito kay Anna. “Ano naman ang gagawin ko ro'n?” “Nasa labas ang parents mo kanina.” “Wala akong pakialam! Hindi ko naman sinabi sa kanila na puntahan ako rito.” “Damn! Hindi ka ba natutuwa na dinalaw ka nila?” Masamang tiningnan ni Anna si Dylan habang tumayo ito. “Hindi ko sila kailangan.” “Kahit na, magulang mo pa rin sila.” “Pwede ba Dylan tama na.” Wika ni Anna at lumapit sa pinto. Napahinga ng malalim si Dylan at tumayo. “Lumabas ka na, kakain na tayo.” “Hindi ako gutom.” Irap na wika nito kay Dylan, kaya napatitig si Dylan sa kanya. “‘Wag mo nga akong galitin.” Madiin na wika ni Dylan sa kanya, dahil napipikon na siya sa ugali na pinapakita ni Anna sa kanya. Malawak na napangiti si Anna sa kanya at nilapitan siya. “What are yo-. Fvck!” Malakas na napamura si Dylan ng lumuhod si Anna sa harapan niya at hinalikan ang gitna ng kanyang hita. Mabilis niya na naitulak si Anna at dali-dali na
173RD POV“Hindi ka ba talaga titigil sa kapupunta mo sa p*tang-inang bar na ‘yan?!” Galit na wika ni Dylan habang nasa loob sila ng kotse. “Gusto mo bang itali na kita Anna?” Muling wika nito, kaya nilingon siya ni Anna. “Ano ba kasing pakialam mo sa ‘kin? ‘Di ba dapat matuwa pa ka sa mga ginagawa ko?” “Matuwa? Sa tingin mo ikatutuwa ko ‘yon?” “Bakit hindi ba? Dylan, ‘wag mo nga akong gawing tanga!” “Damn! Mukhang nakalimutan mong asawa mo ako?”“Hindi ko naka-kalimutan ‘yon! Mukha ngang Ikaw ang nakalimut! Dahil nakalimutan mo ang contract natin!” Natigilan si Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. Ngayon niya lang din naalala ang kontrata na ginawa niya. “Gusto mo bang ipaalala ko pa sa ‘yo?”“Enough!” Singhal niya at mabilis na pinatakbo ang kotse. “Bakit dito mo ako dinala?” Inis na wika ni Anna, habang umupo ito sa kama ni Dylan.“Dahil kailangan kitang bantayan!” Malakas na napa-halakhak si Anna, dahil sa narinig niya.“Ikaw na pala ang bago kung yaya ngayon? Nakakataw
18 3RD POVNapatingin si Dylan kay Anna, habang naka-upo ito sa kanyang swivel chair. “What are you doing?” Tanong nito habang nilapitan si Anna.“Ni-review ko ang mga ‘to.” Wika nito habang tinuro ang mga folders na nasa mesa. “What?” Natatawa na wika ni Dylan, habang nailing, kaya masama siyang tiningnan ni Anna. “Hmm, wala kang bilib sa akin?” Tumayo si Anna at inabot sa kanya ang isang folder na hawak nito. “Look, dapat mag-sign ka agad niyan. Alam mo kasi ang ganda ng proposal nila.” Tiningnan ni Dylan ang folder at hindi niya maiwasan na magulat, dahil hindi naman about sa business ang natapos ni Anna, kaya nakapagtataka kung paano niya nalaman ang laman ng folder.“Bakit ganyan ka makatingin? Wala ka talagang bilib sa akin no?” Natatawa na wika ni Anna. “Ang boring kasi rito sa loob, kaya pinakialaman ko nalang ‘yang mga ‘yan.”Dagdag nito habang tumayo. “Paano mo nalaman ang mga bagay na ‘to?” Kunot-noo na tanong niya rito at napansin niya na natigilan si Anna. “Ang dal
193RD POVMabilis na tumakbo si Dylan palabas ng kanyang office, kaya hindi maiwasan ni Anna na magtaka. Napa-upo naman ito sa sofa habang malawak na ngumiti.“Dude!” Tawag ni Recca, kaya napahinto si Dylan.“Are you alright?” Taka na tanong nito habang tinitigan siya. Mabilis na pinunasan ni Dylan ang pawis sa kanyang noo at tiningnan si Recca.“I’m good.” Wika nito habang masama na tiningnan si Recca.“Bakit ba ganyan ka makatingin?” Natatawa na tanong ni Recca sa kanya.“Bakit mo ba ako pinagtatawanan?” Kunot-noo na tanong ni Dylan.“Bakit hindi? Tingnan mo nga ‘yang itsura mo?”“Ano bang meron sa itsura ko?”“Dude! Mukha kang hinabol ng multo.” Muntik batukan ni Dylan si Recca, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sa’n ka ba pupunta? Bakit ka tumatakbo? May nangyari ba?”“W-wala.”“Wala? Pero tumatakb-.”“Wala nga!” Singhal niya rito, kaya lihim na napangiti si Recca, dahil kilala niya si Dylan. Alam niya na may tinatago ito sa kanya. “Wait! Sa’n ka pupunta?” Tanong ni Dylan nang ta
203RD POV“Wala ka ba talagang balak na tawagan o puntahan ako?” Nag-angat ng mukha si Dylan habang papalapit sa kanya si Britney. “Pinuntahan kita sa condo mo.” Muling wika nito habang umupo.“Masyado akong busy.” Sagot ni Dylan sa kanya at muling itinuon ang atensyon nito sa folder na hawak niya.“Busy?” Nag-angat muli ng mukha si Dylan at tumingin ito sa kanya.“Pero ang dami mong time para kay Anna! At dinala mo pa siya rito sa opisina mo!” Bulyaw ni Britney sa kanya, kaya napahilot siya sa kanyang noo. Ang akala niya, ay makapag-focus siya ngayon sa trabaho niya, dahil hindi niya isinama si Anna.“Pwede ba Britney.” Natigilan si Britney, dahil sa sinabi ni Dylan.“Britney? Tinatawag mo na ako ngayon sa pangalan ko?” Nagtatampo na wika nito sa kanya.“Hindi mo ba nakikita na busy ako? Pwede bang mamaya na natin ‘yan pag-usapan?” “Pero ni-hindi man lang kita mahagilap Dylan? Kung noon, kahit gaano kapa ka-busy, pinupuntahan mo pa rin ako! Bakit ngayon? At ang nakaka-inis pa, baw
213RD POV“Fvck!” Malakas na mura ni Dylan matapos siyang lumingon at nakita si Anna sa likuran niya. “Hinahanap mo ba ako?” Ngiting wika nito sa kanya.“Sa tingin mo.” Kunot-noo na wika ni Dylan at hinawakan ang braso niya. “Saglit lang naman!” Inis na winaksi nito ang kanyang kamay.“Bakit, hindi pa ba kayo tapos ng lalaki mo?” Singhal ni Dylan sa kanya, pero hindi siya pinansin ni Anna. Napatingin si Dylan sa isang waiter na lumapit kay Anna at inabot ang isang paper bag.“Nand’yan na po lahat Ma’am.” Wika nito matapos na i-abot kay Anna ang kanyang hawak. “Thank you.” Malawak na ngumiti si Anna, habang tumalikod na ang waiter sa kanila. “What is that?” Tanong ni Dylan habang binuksan ni Anna ang paper bag.“Pagkain malamang!” Inis na wika nito habang pumasok sa kotse. Namilog ang mga mata ni Dylan habang dali-daling pumunta sa driver seat.“A-anong pagkain?” “Pagkain nga! ‘yong tira namin.” “Damn! Bakit mo dinala? Hindi ka ba nag-iisip?” Masamang tiningnan ni Anna si Dylan
223RD POVKahit anong gising ang ginawa ni Dylan kay Anna, ay hindi pa rin ito tumayo, kaya inis na umupo si Dylan sa sofa. Ayaw rin niya na tumabi kay Anna sa pagtulog, dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya. Naisipan ni Dylan na lumipat nalang sa guest room, dahil alam niya na hindi siya makatulog sa sofa. Ayaw niya rin na maulit muli an ginawa ni Anna noon, dahil nahihirapan siyang pakalmahin ang alaga niya. Nilingon ni Dylan si Anna, habang mahimbing pa rin itong natutulog. Hindi niya naman napigilan na mapa-iling dahil sa naiisip niya. “Ayokong mahirapan ang magiging anak natin… Kaya gagawin ko ang lahat maiwasan ka lang.” Mahina nitong wika bago lumabas sa kanyang kwarto. KINAUMAGAHAN ay maaga na gumising si Dylan, para sunduin si Britney. “Aalis ka?” Tanong niya kay Anna nang makita itong pababa at bihis na bihis. “Oo.” Balewalang wika nito at nauna na sa kanya sa dining table.“Sa’n ka pupunta?” Tanong ni Dylan habang umiinom si Anna ng gatas. “Mamasyal.” Napa
233RD POV “Manang!” Sigaw ni Dylan, kaya dali-daling lumapit si Luz sa kanya.“Bakit hindi mo pinigilan si Anna?” “S-Sir, ang Sabi po kasi ni Ma'am, nagpaalam na raw siya sa inyo.” “Damn! Alam mo naman na umalis ako!” “H-hindi rin po kasi siya magpapapigil Sir..” Mahina na wika ni Luz sa kanya. Inis na pumasok si Dylan sa room ni Anna at doon niya nakita ang phone nito na nasa min table. Sinubukan niya itong buksan pero hindi ito mabuksan ni Dylan. Lumipas ang isang linggo pero hindi pa rin bumalik si Anna. Palagi naman na mainit ang ulo ni Dylan at hindi niya maiwasan na sigawan ang mga tao sa paligid niya, kahit pa konti lang ang mali na nagawa nito. “Kahit sa labas, ay rinig na ‘yang boses mo.” Iling na wika ni Recca, habang pumasok sa office ni Dylan. “Paanong hindi ako sisigaw?” “Dude! Mukhang laging mainit ‘yang ulo mo?” Hindi sumagot si Dylan at nakatuon lang ang atensyon nito sa monitor niya. “Pwede bang ikaw muna ang pumalit sa akin?” Wika ni Dylan nang mag-angat
CHAPTER 34 3RD POV “Kung sinabi ko ba, paniwalaan mo?” Sagot nito sa kanya. “Hindi kaba talaga nagtataka, na hindi kita nakilala, Ellie?” Muling wika nito. “Alam mo bang noong marinig ko ang pangalan na Jameson, ay nagtataka ako. Naguguluhan ako, dahil tinawag mo ako sa ibang pangalan.” Wika nito, habang nailing. “Noong una, ang akala ko. Pinagtritripan mo lang ako, dahil i-nakala ko noon, nagpapansin ka lang sa akin.” Masama niya itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Pero habang tumatagal, na-curious na ako, dahil pansin ko ang malaking galit mo sa akin.” Hindi mapigilan ni Ellie, na makaramdam ng guilt, dahil sa sinabi nito. “Iniisip ko talaga, kung anong nagawa ko sa ‘yo, pero wala talaga akong maalala. Pero noong nalaman ko, na ikaw ‘yong babaeng nag-iwan sa akin ng pera, sa loob ng VIP room, doon kita naintindihan. Pero sa tuwing tinatawag mo ako sa ibang pangalan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit nakakaramdam ako ng galit.” “Patawad J-Johnson...
CHAPTER 333RD POV “Sandali, parang nakita na kita..” Wika nito, kaya nagyuko siya ng mukha. “Tama na ‘yan Anak, papayag kaba sa bilhin niya, ang pwesto do’n?” Narinig niyang tanong ng ina nito. “Sige Mommy, ibigay mo na sa kanya. Mas maganda na rin ‘yon may kapit bahay tayo na maganda.” Wika nito, na lalong kina-kunot ng kanyang noo. “Ma’am Ellie.” Sambit ni Arlene, kaya napansin niya na natigilan ang lalaking nasa harapan nila. “E-Ellie? Ellie, ang pangalan mo?” Wika nito, habang nakatitig sa kanya. “B-bakit hindi niyo po nakilala si Ma’am Ellie, Sir. Johnso-.” “Manang!” Awat niya kay Arlene. “Tayo na Manang.” Muling wika niya. “Sandali!” Wika ng lalaki. “Ellie...” Sambit nito, habang nakatitig pa rin sa kanya. “Tama nga ako.. Ikaw ‘to.” Muling wika nito, habang tiningnan siya mula ulo, hanggang paa. “Hindi kita nakilala, dahil sa itsura mo ngayon, ang laki ng pinagbago mo. Lalo na ang katawan mo.” Wika nito, habang hinawakan ang kamay niya. ‘Ano baa ng ibig niyang sabi
CHAPTER 32 3RD POV Mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman ni Ellie, habang nakikita si Daisy, na pumasok. “Dito lang pala kayo nagtatago Ate..” Mahina na wika nito, habang nailing. “Paano mo ‘to nagawa sa akin Ate? Akala ko pamilya tayo? Akala ko magkakampi tayo.. Pero bakit mo inagaw sa akin ang lalaking mahal ko?” Iyak na wika nito, habang nagyuko siya ng kanyang mukha. “Hindi ko siya inagaw sa ‘yo, Daisy. A-ako ang nauna.” Mahina na sagot niya rito. “Sinungaling! Kung wala ka naman na balak na agawin siya, sa akin! Bakit mo siya tinago rito?” Galit na wika nito. “Hindi ko siya tinago. Ang mga Anak ko ang nilayo ko sa inyo.”“Mga anak? Pero sinama mo siya!” “Kung nandito kalang, para sumbatan ako. Pwede bang umalis kana. Ayoko ng gulo.” Wika niya sa pinsan niya. “Daisy, ano ba ‘yang ginagawa mo?” Gulat na tanong niya, matapos itong makita na lumuhod sa kanyang harapan. “Pakiusap Ate.. Ibalik mo na siya sa akin..” Hikbing wika nito. Habang nag-uunahan sa paglandas
CHAPTER 31 3RD POV “Sa paglipas ng ilang buwan, na nakasama ni Ellie, si Jameson, ay unti-unti niyang nakikita ang malaking pagbabago nito. Napansin din ni Ellie, na hindi na ito mukhang pera katulad noon. Pansin din niya na masipag ito.“Tikman mo nga ‘to.” Wika nito, nang makalapit siya. Ito kasi ang nagluluto, dahil naglalaba siya kanina, at kahit hindi siya gaanong napagod dahil tinulungan siya nito. Ito pa rin ang nagpresenta na magluto. “Masarap.” Ngiting wika niya rito. “May problema ba?” Kunot-noo na tanong niya. “Mas masarap ka pa rito.” Namilog ang mga mata ni Ellie, dahil sa kanyang narinig. “Sira!” Asik niya at iniwan ito. Narinig niya naman ang malakas na halakhak ni Jameson, kaya unti-unti siyang napangiti. Si Ellie, ang nag-subo kay Jun-Jun, habang si Jameson, naman ang nag-subo kay John-John. Masaya na nagkwento ang dalawa, sa mga magulang nila. Tungkol sa kanilang mga laruan. Nang matapos silang kumain, ay si Ellie, na ang nagliligpit sa pinagkainan nila. Sina
CHAPTER 30 3RD POV “Kung nasaktan man kita, patawad at sana kalimutan mo na ‘yon.” Wika nito, habang tinalikuran siya. Napakuyom naman ang kamao niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. ‘Napaka-walang puso mo talaga Jameson! Pinagsisihan ko talaga ‘yong panahon na minahal kita.’ Agad siyang sumunod sa kanila at hinawakan ang kanyang mga anak. “May problema ba?” Tanong nito, habang nilapitan siya. Napahinto naman siya, sa paglalakad niya. “Hindi kaya nila tayo masusundan dito? A-at baka pinaghahanap kana nila? Lalo na at kilala ka ni Mommy.” Wika niya habang naglalakad muli. “Pwede bang tumigil kana, sa kalalakad mo.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Masyado ka namang kabado.” Muling wika nito. “Anong masyadong kabado? Hindi mo talaga kilala ang pamilya ko!” Galit na sigaw niya rito. “Tama na ‘yang kaiisip mo sa kanila at magbihis kana.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Bibili lang ako ng dami-.”“Hindi pwede. ‘Wag mong gamitin ang mga cash card mo, dahil mat
CHAPTER 293RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” Galit na wika ng kanyang ama, habang pinigilan ito ng kanyang ina. “Bakit mo natiis na malayo sa mga anak mo Ellie?! Hindi kaba naawa sa mga bata? Pinag-kait mo sila sa amin?!” Sigaw nitong muli, habang umiiyak siya. “Anong nangyari rito Mommy? Daddy?” Tanong ni Elijah, matapos itong makalapit sa kanila. Nasa likuran naman nito si Charles at Eloise. “Bakit niyo pinagalitan si Ate?” Tanong ni Charles. “Lumayas ka Ellie.” Madiin na wika ni Evo, na kinasinghap ng mga kapatid ni Ellie. “Evo! ‘Wag mo naman ‘yang gagawin sa Anak natin!” Galit na sigaw sa kanya ni Catherine. “At ano ang gusto mong gawin ko? Ang matuwa? Dahil sa ginawa niyang panloloko sa atin? Ganun ba ang gusto mo Kai?” Iyak na wika ni Evo, kaya napalapit dito ang anak niyang si Eloise. “Ano po ba ang problema?” Iyak na tanong ni Eloise, habang niyakap nito ang kanyang ama. “Hindi mo lang alam, kung gaano sila kasabik sa isang ama, Catherine.” Hikbing wika nito. “Kaya pal
CHAPTER 28 3RD POV “Anak, saan ba tayo pupunta?” Tanong sa kanyang ina, habang nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. Buo na ang desisyon ni Ellie, na sabihin dito ang totoo. Ang totoo tungkol sa kanyang mga anak, dahil nababalot pa rin siya ng takot. Takot na baka ilayo ni Jameson, ang mga bata sa kanya.Nang makarating sila sa mansion na dinalhan ni Jameson, sa mga bata ay dali-dali siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob. “Anak, kaninong bahay ‘to?” Tanong ng kanyang ina, habang nakasunod ito sa kanya. “Tita Ellie!!” Masayang sigaw ng dalawa, habang lumapit sa kanya. “Ellie, bakit sila nandito? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ayaw ko na mag-ampon ka?”“Mga Anak ko sila Mommy..” Mahina na wika niya, na kina-gulat ng kanyang ina. “A-ano? Anong sinabi mo?” Utal na wika nito sa kanya. “A-ako ang tunay nilang ina Mom..” Hikbing wika niya, habang nailing ang kanyang ina. “A-Anak..” Sambit nito, habang umiiyak.“Patawarin niyo ako Mommy, h-hindi ko sinasadya na mabuntis.. Hindi
CHAPTER 27 3RD POV Habang lolan ng eroplano ay pinili ni Ellie, na manahimik, dahil takot siyang magsalita. Ayaw niya rin na marinig ang sasabihin sa kanya ni Jameson, lalo na at alam na nito ang katotohanan. “Tita, bakit wala si Mama?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun.” “May pinuntahan lang siya.” Sagot niya habang ngumiti sa kanyang anak. Napatingin siya kay Jameson, nang makita na nakatingin ito sa kanila. “Tita, bakit sumakay tayo ng ganito?” Tanong naman ni John-John.“Pupunta ulit tayo sa malaking bahay mo, Tita?” Tanong nitong muli. “Hindi, ibang bahay ang pupuntahan natin, bahay ko at ‘yon na ang magiging bahay niyo.” Wika nito na kinagulat niya. “A-anong bahay? B-bakit do’n mo sila patirahin? Hindi pwede!” Galit na wika niya rito. “At saan sila titira? Sa bahay niyo? Baka nakalimutan mo na tinago mo sila sa mga magulang mo Ellie, at gusto ko lang ipaalala sa ‘yo, na hindi nila tanggap ang mga Anak ko.” Madiin nitong wika. “Alam ko na hindi mo sila kayang panindig
CHAPTER 26 3RD POV “Wala kang maisagot? Akala mo ba hindi ko alam ang totoo? Ang sama niyo! Niloko niyo akong magpinsan!” Taka siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Niloko? Anong niloko?” Tanong niya, habang mahigpit na hinawakan ni Jameson, ang braso niya. “Niloko niyo akong dalawa ni Daisy, kaya pagbabayaran niyo ang ginawa niyo.” Madiin na wika nito. Nang mapatingin ito sa pinto, ay dali-dali na pinunasan ni Ellie, ang kanyang mga luha at tiningnan ang mga anak niya. “Away kayo Tita?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun. Umiling naman siya rito at pilit na ngumiti. Nang makita ni Ellie, na lumabas si Jameson, ay dali-dali niyang tinanggal ang mga nakakabit sa kamay ni Jun-Jun. “Ma’am Ellie, ano po ang ginagawa niyo?” Taka na tanong sa kanya ni Arlene. “’Wag kang maingay Manang, tulungan mo nalang ako.” Wika niya habang binuhat si Jun-Jun. Dali-dali naman na binuhat ni Arlene, si John-John, habang nasa pinto si Ellie, at sumilip. “Tara, bilisan mo.” Wika niya,