1393RD POV Hindi makapaniwala si Evo na patungo sa katabing bahay nila ang tunnel na nasa ilalim ng kanilang bahay. “Marahil ay may tauhan siya sa loob ng bahay niyo.” Wika ni Aaron sa kanya. “Tama ka Bro, dahil ang bilis nilang nalinis ang bahay na ‘to.” Wika ni Evo habang napatingin sa labas. Kahit Kasi isang gamit ay wala silang nakita. “Teka lang..” Napatitig si Aaron sa kanya. “Bakit?” “‘Yong bata.” “Bata? Anong bata?” “Naalala ko na ‘yong batang tumawag sa kanya ng mama.” Lalong napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Evo sa kanya. “Ang gulo mo naman kausap.” “Bro, Tama ang hinala ko, may anak nga si Kai, dahil ‘yong bata na tumawag ng mama sa kanya, ay rito banda ko ‘yon nakita, damn! Kaya pala siya tinawag na mama nito. Ang tanga ko talaga!” “Pero bakit wala tayong mahanap na record ni Kai?” “Hindi ko alam Bro, posible na may tumulong sa kanya.”“Kung ganun, sino?” Tanong ni Aaron. Napatingin naman siya sa phone niya nang marinig ang tunog nito. “Yes Mom?”
1403RD POV “Anong ginagawa mo rito Evo?” Kunot-noo na tanong ni Kai sa kanya. “Hindi ba obvious? Nandito ako para sunduin ka.” Wika ni Evo habang panay ang paglingon niya sa paligid. “Bakit, hindi mo ba natanggap ang pinadala kung love letter sa ‘yo?” Ngiting wika ni Kai sa kanya. “Ang pangit ng love letter mo, kaya hindi ko nagustuhan.” Nawala ang ngiti ni Kai sa kanyang labi dahil sa narinig niya. “Wala ka man lang bang sasabihin sa ‘ki?” Ngising wika ni Evo sa kanya. “Sasabihin? Saan?” “Tsk, alam ko na ang sikreto mo, kaya nga gusto mong makipag-divorce sa akin ‘diba?” Napangiti si Kai dahil sa sinabi ni Evo sa kanya. “Bakit ka gumawa ng tunnel sa ilalim ng bahay natin?” Kunot-noo na tanong ni Evo sa kanya, habang hindi sumagot si Kai. “Aaminin ko na naisahan mo ako Kai, pero hindi ko akalain na kaya mong itago ang anak mo sa akin.” Napakunot ang noo ni Kai dahil sa narinig niya. “Anak?” Natatawa na wika nito. “Hindi mo pa rin ba aaminin?” Galit na wika ni Evo. “Anong
1413RD POV “Bakit naman nila ginawa ‘yon sa ‘yo? Ano bang ginawa mo?” “Ginawa? Wala akong ginawa?” Kunot-noo na wika niya habang tumingin sa bata na karga pa rin ni Aaron. Agad na binigyan ni Aaron ng gatas ang bata ang dumating ang inutusan niya. Napatitig naman si Evo sa bata habang dumi-d*de ito sa bote. “Ang laki na niya, dumi-d*de pa rin.” Iling na wika ni Evo. “Tawagan mo ang asawa mo at ibalik mo na ‘to sa mga magulang niya.” “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” “Evo! Hindi kana bata! Isa pa, ‘wag mong idamay ang bata sa kagaguhan mo.” Inis na wika ni Aaron at iniwan sila. “Saglit! Sa’ n ka naman pupunta? Bakit ba lagi ka nalang umalis?” “Busy ako, hindi ako katulad mo.” Napangisi si Evo sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Alam mo, kahit hindi na ako magtrabaho, walang problema, dahil nangunguna na ulit ang kompanya ko.” Mayabang na wika ni Evo. “Yabang mo, bantayan mo ‘yan at ‘wag mong takutin, ibalik mo na rin ‘yan sa mga magulang niya.” Wika ni Aaron at tinalikuran si
142 3RD POV “A-apo? Ibig sabihin anak siya ni Aaron? Fvck! Kaya pala sila magkamukha?” Kunot-noo na nilapitan ni Aira si Evo at binatukan ito. “Kailan kaba titino? Ang akala ko pa naman matalino ka?” Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ng kanyang ina. “Mom, naman, alam mo naman na matalino talaga ako ‘diba?” “Kung ganun gamitin mo ‘yang utak mo at ‘wag puro laro ang isipin mo. Ikaw ang ama ni Ellie.” Napa-awang ang labi ni Evo dahil sa narinig niya. “A-ama?” Nagpapatawa ka ‘yata Mommy.” “Kailan ako nagpapatawa sa ‘yo Evo? Isa pa, hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa batang ‘to? Hindi lang si Aaron ang kamukha niya, dahil kamukha mo rin siya!” Galit na wika ni Aira sa kanya habang tinalikuran niya si Evo. “Isa pa, ayusin mo ang gulong ginawa mo.”“G-gulo?” “Nasa hospital ang ina ni Catherine, dahil sa kagagawan mo.”“Hospital? Wala naman akong ginawa sa kanya! Isa pa Mom, kung anak ko siya, sino naman ang nanay niya?” Taka na tanong ni Evo. “‘Yan, sa dami kasi ng babaeng
143 3RD POV “Ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo Evo?!” Galit na tanong ni Aaron sa kanya habang nakahiga si Evo sa sahig kasama ang iba't-ibang klase ng bote ng alak. Pilit naman na minulat nito ang mga mata niya, habang ngumiti ito sa kanya. “Bro! Nandito ka pala?” Ngiting wika niya habang pilit na tumayo. Bigla naman siyang natumba, dahil sa kalasingan. Inis siyang nilapitan ni Aaron at binuhat ito papasok ng banyo. Nilagay niya ito malapit sa shower at binuksan ito. “Sh!t!” Malakas na sigaw ni Evo dahil sa lamig. “Ang laki mo talagang bobo Evo!” Malakas na sigaw ni Aaron sa kanya, kaya galit siyang tiningnan ni Evo. “Imbis na gumawa ka ng paraan para bumalik sa ‘yo ang asawa at mga anak mo, pero nag-pakalunod ka lang sa alak! Nasa'n ba talaga ang utak mo Evo? Sa tingin mo ba matutulungan ka ng mga alak na ‘yan sa problema mo? Hindi ‘diba?!” Sigaw ni Aaron sa kanya, habang naririnig niya ang malakas na Iyak ng kanyang kakambal. Ilang araw na rin nilang hinanap si Evo at ka
1443RD POV “Kulang pa rin ba? O baka gusto niyong sunugin ko nalang ‘tong buong hacienda niyo?” “Evo!” Sigaw ng ina ni Kai sa kanya, napangiti si Evo. “Mommy, hindi ko naman sinasadya na bintangan ang anak niyo. Patawarin niyo na ako. Pangako, ibinigay ko sa inyo lahat ng gusto niyo.” Wika ni Evo sa kanya. Napahinga ng malalim ang ama ni Kai, dahil alam nila na kahit ano pang gawin nila ay hindi sila mananalo kay Evo. Kilala nila ang ugali ng isang Martinez, alam nila na hindi ito basta-basta kalaban. “Pumapayag na kami.” Malawak na napangiti si Evo dahil sa kanyang narinig. Gulat din na napatingin sa kanya ang ama ni Kai nang halikan niya ito sa pisngi. “At sana mapatawad niyo na rin po ang anak niyo Daddy, Mommy. ‘Wag po kayong mag-alala ibabalik ko agad sila rito.” “Evo, hindi mo basta-basta mapa-sunod ang anak namin.” “Wala ba kayong bilib sa akin Dad?” Ngiting wika ni Evo, habang napa-iling ang ama ni Kai sa kanya. Matapos ibigay ni Evo ang pera sa mga magulang ni Kai ay
145 3RD POV “Ayaw niyo ba sa mga ‘yan?” Tanong ni Evo, sa mga bata, dahil nakatitig lang ang mga ito sa mga laruan na pinamili niya. Bigla naman siyang binilatan ni Clyde, kaya napakunot ang kanyang noo. “Gusto mong tamaan?” Wika ni Evo, kaya bigla itong nagtago sa likod ng kapatid niyang si Elijah. “Umayos kayo.” Wika ni Evo at iniwanan ang mga ito. Inis na napatingin si Evo sa labas, dahil hindi pa rin dumating si Kai. Napalingon muli si Evo sa silid kung nasaan ang mga bata ng marinig niya ang malakas na ingay. Agad niya itong pinuntahan, at gulat na napatingin sa kanila nang buksan niya ang pinto. “Fvck!” Malakas na sigaw niya nang makita ang tatlong anak niya na nag-kakarambola na. “Tumigil kayo!” Malakas na sigaw ni Evo, pero parang walang naririnig ang tatlo, habang patuloy na nagsusuntukan. Inis na nilapitan ni Evo ang tatlo, at inawat. Pero hindi pa rin ang mga ito nagpapa-awat at minsan ay siya pa ang natatamaan ng mga suntok nila. “Ayaw niyo talagang tumigil ha!” Ga
1463RD POV “Nakita na namin ang mga anak mo.” Wika ni Aaron. Mabilis na tumayo si Evo at Kai. “Nasa'n sila?” Tanong ni Kai. Dinala ni Aaron, si Evo at Kai sa isang abandonado na gusali. Hindi rin maiwasan ni Kai na makaramdam ng takot. Lalo na sa mga anak niya. “Sigurado kabang nandito sila?” “Wala kabang tiwala sa mga tauhan ko?” Sagot ni Aaron sa kanya. “Dapat hindi ka nalang sumama.” Wika niya kay Kai, habang humawak ito sa kanyang braso. Hindi siya sumagot kay Evo at inirapan lamang ito. “Nandito na pala kayo?” Wika ng isang babae, kaya napatingala sila. Napasinghap din si Kai, nang makita ang mga anak niya na nakalambitin. “Sino ba ‘yan?” Kunot-noo na tanong ni Evo, kay Aaron. “Hindi mo ba siya naalala?” Tanong ni Aaron habang umiling sa kanya si Evo. “Isa siya sa mga babae mo noo.” “Ganun ba, bakit hindi ko siya maalala?” Nailing si Aaron dahil sa sagot ni Evo sa kanya. “Sino ba ang pangalan niya?” Tanong ulit ni Evo kay Aaron.“Malay ko sa ‘yo.” “Sa dami ba naman
CHAPTER 13 3RD POV “Daisy, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Umayos ka nga.” Sagot nito sa kanya, kaya napatingin siya sa paligid. “T-teka lang.. N-nasa’n ako?” Wika niya na kina-kunot ng noo ng kanyang kakambal. “Nasaan? Nagpapatawa kaba?” Natatawa na wika nito sa kanya. “Tumayo kana nga r’yan. Hindi kaba nahihiya na matulog dito?” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “N-nasaan ba ako?” Muling tanong niya, kaya napa-upo sa kanyang tabi si Dahlia. “Ayos ka lang ba? Nasa airport tayo, at sinundo kita, dahil nag-message ka sa akin, na susunduin kita rito.” “A-airport? P-paano ako nakarating dito?” Hindi makapaniwala na tanong niya rito. “Hindi bagay sa ‘yo, ang magiging artista. Tandaan mo ‘yan, kaya halika na.” Inis na wika ng kakambal niya habang tumayo. “Pwede mo ba akong kurutin?” “Kurutin? Bakit?”“Basta. Bilisan mo, dahil baka nanagini-. Ahh!!” Sigaw nita matapos siyang kurutin ng malakas ni Dahlia. “Ang sakit naman nun!” Galit na wika niya rito. “Sinabi mo kurutin kita,
CHAPTER 12 3RD POV “Bumaba na tayo.” Wika nito, kaya tumingin siya rito. “Bakit? Anong gagawin natin do'n?” Taka na tanong niya rito. “Magluluto na ako, para sa hapunan natin.” Sagot nito, kaya napatingin siya sa labas. “Mukhang maaga pa.” Kunot noo na wika niya. “Mas maganda kasi kapag nandito na tayo sa taas mamaya. Alam mo naman, delikado sa labas.” Wika nito, kaya napatango siya. “Ayaw mo kasi na magpa-iwan dito.” Wika nitong muli, habang palabas sila sa silid. “Alam mong takot ako ‘di ba?” Sagot niya, habang hindi na ito umimik pa. NANG marating nila ang kusina ay umupo siya sa upuan at nagmamasid sa ginagawa ni June. “Mahilig ka pa lang magluto?” Tanong niya rito. “Sinikap kung matuto para kapag nag-asawa ako, ako mismo ang magluluto para sa kanya.” Malungkot na sagot nito. “Bakit hindi ka nag-asawa noon?” Tanong niyang muli. “Akala ko kasi ikaw ang tamang babae para sa akin.” “Ayan kana naman. Alam mong hindi pa ako ipinanganak, noong kabataan mo.” “Pero alam mo,
CHAPTER 113RD POV “Manahimik ka nga!” Inis na wika niya, at muling tinuon ang atensyon niya sa kanyang pagkain. “Akala ko nasa malayong lugar tayo.” Wika ni Daisy, matapos siyang kumain. “Sa tingin ko, malapit lang tayo sa syudad, kung saan naroon ang isa sa mga restaurant ni Tita Catherine.” Kunot noo na wika niya rito. Habang kumain kasi siya kanina, ay nalaman niya na ang mga pagkain ay galing sa restaurant ng ina ni Ellie. “Hmm, sadyang matalino talaga kayo.” Ngiting wika nito sa kanya. “Kilang-kilala ko ang luto nila.” Sagot niya rito. “Paano ka nakarating do’n?” Muling wika niya, habang tinitigan ito. “Sa tingin mo ba, aamin ako?” Sagot nito habang tumayo. Mabilis naman niya itong sinundan. “Alam kung hindi. Pero sino kaba talaga? Paano mo ako nakikilala?” Tanong niya rito, habang patuloy itong sinusundan. “Basta kilala kita matagal na.” Sagot nito at umupo sa damuhan. Napakunot naman ang noo ni Daisy, habang nakatingin sa kanya.“Bakit kaba umupo r’yan?” Tanong niya,
CHAPTER 10 3RD POV ‘Kainis! Bakit ba hindi ko maalala?’ Lumipas ang ilang oras, ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Daisy. Panay lang ang pagpikit niya ng kanyang mga mata. “June..” Sambit niya, habang hindi ito tiningnan. Ayaw niya na idilat ang kanyang mga mata, dahil natatakot siya. Iniisip niya na nagmumulto ang mga lalaking napatay ng matanda. “Tulog kana ba?” Muling wika niya, habang wala siyang naririnig mula rito. ‘Dapat pala hindi ko nalang siya kinakausap. Wala naman akong mapapala, dahil antukin naman ang mga matatanda.’ Inis siyang tumalikod at pinilit na makatulog. NANG magising si Daisy, ay agad siyang napabalikwas. Napatingin siya sa matanda at nakita na mahimbing pa rin itong natutulog. “Lolo..” Sambit niya at tumayo. ‘Anong oras na kaya?’ Tumayo siya at lumapit sa malaking kurtina. Binuksan niya ito, at sinilip ang labas. ‘Mukhang tanghali na. Bakit hindi pa rin siya gumising?’ “June..” Wika niya at kinalabit ito. Pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mul
CHAPTER 9 3RD POV “Halika na,Baby.” Wika nito at nauna na muling naglakad. Habang nagluluto ito ay nakatingin lamang si Daisy, sa kanya. pinapanood niya ang bawat galaw ng matanda. “Ilang taon kana?” Tanong niya, habang napansin na natigilan ito at nilingon siya. “Bakit?” Sagot nito at muling tinuloy ang ginagawa. “Pansin ko kasi na malakas ka pa.” Wika niya, kaya nilingon siya nitong muli. “Sinabi ko naman sa ‘yo, na kaya ko pang gumawa ng bata, kahit isang dosena pa.” Inis niya itong tiningnan, dahil sa sagot nito sa kanya. “Bakit ba ayaw mo akong kausapin ng maayos?” Wika niya habang tumayo at lumapit dito. “Wala talaga akong tanong na sinasagot mo ng maayos. Puro ka nalang talaga kalokohan.” Galit na wika niya.“Gusto mo ba talagang iwanan kita rito?” Wika niyang muli, habang ngumiti ito. “Bakit? Alam mo ba ‘yong daan palabas ng bahay ko?” Sagot nito habang nailing.“Pwede bang pauwiin mo na ako.” Wika niya, habang napansin na natigilan ito. “Ito naman ang gusto mo ‘di
CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ba kasi siya pinakawalan?” Inis na wika ni Daisy, habang bumalik at umupo sa tabi ng matanda. “Ayaw ko na silang dagdagan pa sa loob.” Balewala na wika nito at tumayo. Napatayo naman si Daisy, at inalalayan ito nang muntik na itong matumba. “Ayos ka lang?” Tanong niya, habang tinitigan ang matanda. Umiling ito sa kanya, habang napahawak sa tagiliran nito. “Samahan mo nalang ako sa taas. Gusto kung magpahinga.” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang sakit. “S-sige.” Utal na sagot niya, habang hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Iniisip niya na baka may masamang mangyari sa matanda. Paano nalang siya makalabas. Isa pa, ayaw niyang mag-isa dahil natatakot siya sa mga bangkay na nasa loob ng silid. ‘Ito ba ang silid niya?’ Napatingin si Daisy, sa malawak na silid at tangging sofa lang ang nakikita niya. ‘Paano niya ako nakikita kung nandito siya?’ Nang mapatingala siya, ay napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga cctv. Na nasa taas.
CHAPTER 7 3RD POVGulat na napatingin si Daisy, sa matanda. Nang bigla nalang nitong iwaksi ang tatlong lalaki na may hawak sa kanya. Diritso nitong nilapitan ang lalaking may hawak sa kanya at malakas itong binalibag. Akmang bubunot sana ng baril ang mga lalaking nasa likuran niya. Pero nauna siyang nagpaputok rito. “’Wag! M-maawa ka B-Boss..” Nagmamakaawang wika nito, habang lumuhod. “Awa? Bakit? Dapat kabang kaawaan?” Narinif niyang wika ng matanda sa lalaki. “Pero sige, pagbibigyan pa rin kita. Tumakas ka, hanggang kaya mo, dahil kapag nahuli kita. Patay ka sa akin.” Ngising wika nito, kaya dali-dali itong tumayo at mabilis na tinakbo ang pinto. Tulala naman na napatingin si Daisy, sa matanda. Habang kinalagan siya nito. “Lumipat ka muna ng ibang silid.” Wika nito, habang inalalayan siyang tumayo. “Talagang lilipat ako, dahil nakakatakot dito!” Galit na sigaw niya rito, habang humawak sa braso. “Bakit ba wala kang ibang kasama rito? Nasa’n ba ‘yong mga taong pumasok noon?
CHAPTER 6 3RD POV Lalo pang namilog ang mga mata ni Daisy, habang tinakpan pa rin ng matanda ang kanyang bibig. Mas lumakas pa kasi ang kalabog na narinig niya mula sa labas. Naisipan ni Daisy, naapakan ang para ng matanda. Para makasigaw siya at mabitawan nito, napatitig lang ito sa kanya at wala rin siyang makitang reaksyon, mula rito. “Fcvk!” Narinig niyang wika nito, habang hinila siya nito pabalik sa kama. Mabilis din ang galaw nito, na kinuha ang isang panyo at nilagay ito sa kanyang bibig. “Umm..” Ungol niya, matapos nitong matali ang panyo, sa bibig niya. Mahigpit naman nitong hinawakan ang kanyang mga kamay, para matali ito sa kama. “Ummm!!!” Ungol muli ni Daisy, habang napatingin ito sa matanda na palabas. ‘Tulong!!’ Gusto niya itong isigaw, pero walang lumalabas na boses sa kanyang bibig kun’di puro ungol, dahil sa panyo. ‘Kailangan kung makawala rito. Alam kung ito na ang pagkakataon, para mailigtas ako rito, nang taong nasa labas.’ Napapitlag siya, matapos niyang m
CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa