143 3RD POV “Ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo Evo?!” Galit na tanong ni Aaron sa kanya habang nakahiga si Evo sa sahig kasama ang iba't-ibang klase ng bote ng alak. Pilit naman na minulat nito ang mga mata niya, habang ngumiti ito sa kanya. “Bro! Nandito ka pala?” Ngiting wika niya habang pilit na tumayo. Bigla naman siyang natumba, dahil sa kalasingan. Inis siyang nilapitan ni Aaron at binuhat ito papasok ng banyo. Nilagay niya ito malapit sa shower at binuksan ito. “Sh!t!” Malakas na sigaw ni Evo dahil sa lamig. “Ang laki mo talagang bobo Evo!” Malakas na sigaw ni Aaron sa kanya, kaya galit siyang tiningnan ni Evo. “Imbis na gumawa ka ng paraan para bumalik sa ‘yo ang asawa at mga anak mo, pero nag-pakalunod ka lang sa alak! Nasa'n ba talaga ang utak mo Evo? Sa tingin mo ba matutulungan ka ng mga alak na ‘yan sa problema mo? Hindi ‘diba?!” Sigaw ni Aaron sa kanya, habang naririnig niya ang malakas na Iyak ng kanyang kakambal. Ilang araw na rin nilang hinanap si Evo at ka
1443RD POV “Kulang pa rin ba? O baka gusto niyong sunugin ko nalang ‘tong buong hacienda niyo?” “Evo!” Sigaw ng ina ni Kai sa kanya, napangiti si Evo. “Mommy, hindi ko naman sinasadya na bintangan ang anak niyo. Patawarin niyo na ako. Pangako, ibinigay ko sa inyo lahat ng gusto niyo.” Wika ni Evo sa kanya. Napahinga ng malalim ang ama ni Kai, dahil alam nila na kahit ano pang gawin nila ay hindi sila mananalo kay Evo. Kilala nila ang ugali ng isang Martinez, alam nila na hindi ito basta-basta kalaban. “Pumapayag na kami.” Malawak na napangiti si Evo dahil sa kanyang narinig. Gulat din na napatingin sa kanya ang ama ni Kai nang halikan niya ito sa pisngi. “At sana mapatawad niyo na rin po ang anak niyo Daddy, Mommy. ‘Wag po kayong mag-alala ibabalik ko agad sila rito.” “Evo, hindi mo basta-basta mapa-sunod ang anak namin.” “Wala ba kayong bilib sa akin Dad?” Ngiting wika ni Evo, habang napa-iling ang ama ni Kai sa kanya. Matapos ibigay ni Evo ang pera sa mga magulang ni Kai ay
145 3RD POV “Ayaw niyo ba sa mga ‘yan?” Tanong ni Evo, sa mga bata, dahil nakatitig lang ang mga ito sa mga laruan na pinamili niya. Bigla naman siyang binilatan ni Clyde, kaya napakunot ang kanyang noo. “Gusto mong tamaan?” Wika ni Evo, kaya bigla itong nagtago sa likod ng kapatid niyang si Elijah. “Umayos kayo.” Wika ni Evo at iniwanan ang mga ito. Inis na napatingin si Evo sa labas, dahil hindi pa rin dumating si Kai. Napalingon muli si Evo sa silid kung nasaan ang mga bata ng marinig niya ang malakas na ingay. Agad niya itong pinuntahan, at gulat na napatingin sa kanila nang buksan niya ang pinto. “Fvck!” Malakas na sigaw niya nang makita ang tatlong anak niya na nag-kakarambola na. “Tumigil kayo!” Malakas na sigaw ni Evo, pero parang walang naririnig ang tatlo, habang patuloy na nagsusuntukan. Inis na nilapitan ni Evo ang tatlo, at inawat. Pero hindi pa rin ang mga ito nagpapa-awat at minsan ay siya pa ang natatamaan ng mga suntok nila. “Ayaw niyo talagang tumigil ha!” Ga
1463RD POV “Nakita na namin ang mga anak mo.” Wika ni Aaron. Mabilis na tumayo si Evo at Kai. “Nasa'n sila?” Tanong ni Kai. Dinala ni Aaron, si Evo at Kai sa isang abandonado na gusali. Hindi rin maiwasan ni Kai na makaramdam ng takot. Lalo na sa mga anak niya. “Sigurado kabang nandito sila?” “Wala kabang tiwala sa mga tauhan ko?” Sagot ni Aaron sa kanya. “Dapat hindi ka nalang sumama.” Wika niya kay Kai, habang humawak ito sa kanyang braso. Hindi siya sumagot kay Evo at inirapan lamang ito. “Nandito na pala kayo?” Wika ng isang babae, kaya napatingala sila. Napasinghap din si Kai, nang makita ang mga anak niya na nakalambitin. “Sino ba ‘yan?” Kunot-noo na tanong ni Evo, kay Aaron. “Hindi mo ba siya naalala?” Tanong ni Aaron habang umiling sa kanya si Evo. “Isa siya sa mga babae mo noo.” “Ganun ba, bakit hindi ko siya maalala?” Nailing si Aaron dahil sa sagot ni Evo sa kanya. “Sino ba ang pangalan niya?” Tanong ulit ni Evo kay Aaron.“Malay ko sa ‘yo.” “Sa dami ba naman
1473RD POV Masayang nakatingin si Aira sa anak niyang si Evo, habang nakaharap ito sa altar, kasama si Catherine. “Parang ikaw ‘yong kinasal Wife.” Wika ng asawa niyang si Dylan, kaya siniko niya ito. “Manahimik ka nga!” Inis na wika niya habang pinunasan ng tissue ang kanyang pisngi. “Isunod mo na ‘yong isang anak mo.” Wika ni Aira, habang ini-nguso si Aaron.“Akala ko ba, gusto mo pang masundan si Dell? Bakit gusto mong magka-apo agad ng marami?” Tanong ni Dylan, kaya muli niyang siniko ang asawa niya. “‘Yong mga apo mo!” Wika ni Aira nang makita ang mga bata na pinaglaruan ang suot ng pari. Malakas na natawa si Evo, sa ginawa ng mga anak niya, kaya hindi maiwasan ni Kai na apakan ang paa nito. Napasigaw ng malakas si Evo, kaya napatingin ang lahat sa kanila. Nang lapitan ng mga bodyguard nila ang mga bata, ay mabilis silang nag-sitakbuhan. Matagal natapos ang kasal ni Evo at Kai, dahil sa mga anak nila. Sumakit din ang ulo ni Kai, dahil hindi lang isa, kun'di apat na ang s
148 3RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG!!“Love..” Masamang tiningnan ni Kai, si Evo. Habang lumapit ito sa kanya at tumabi. “Sinabi ko bang tabihan mo ako?” Kunot-noo na wika nito, habang niyakap siya ng mahigpit ni Evo. “Bitawan mo nga ako!” “Sorry na.” “Sorry? Hindi mo ba alam, kung gaano kasakit ang balakang ko?” “Hindi ko naman sinasadya. Nagulat kasi ako.” Wika ni Evo, habang hinalikan ang leeg niya. Napapikit naman si Kai, dahil sa ginawa ni Evo. “Tigilan mo nga ak-.” Napatitig si Kai, sa kanya nang bigla siyang siilin ng hal*k ni Evo sa labi. Nakaramdam agad ng init ng katawan si Kai, dahil sa ginawa ni Evo sa kanya.Napapaliyad siya. Nang sipsipin ni Evo ang isang ut*ng niya, habang ang isang kamay nito ay naglalakbay sa kanyang p********e. “E-Evo…” Utal na sambit niya, habang napa-kagat sa kanyang labi. Pinag-butihan pa ni Evo, ang ginawa niya habang hinaplos niya ang p********e ni Kai. Hindi napigilan ni Kai na mapa-ungol, dahil sa ginawa ni Evo. Ramdam niya a
My Mysterious Wife Book 3 1493RD POV Kahit pagod ay pinilit pa rin ni Aaron na makapasok sa opisina niya. Hindi niya kasi napansin na naparami ang nainom niya kagabi.“Magtimpla ka ng kape.” Wika niya habang nakapikit. “Narito na po Sir.” Napadilat siya sa mga mata niya, at tiningnan ang kape na nilapag sa kama. “Ang b*bo mo talaga! Nakalimutan mo na naman ba ang kape na gusto ko?” Galit na sigaw niya sa kanyang secretary, habang napayuko lang ito. “Bakit ba ikaw na naman ang pumasok? Nasa'n ba ang kapatid mo?” Galit na tanong ni Aaron sa kanya. “M-may pinuntahan po kasi siya Sir.” Nahampas ni Aaron ang lamesa niya, dahil sa kanyang narinig. “Alam mo, alam mo naman sana na ayaw ko na Ikaw ang pumalit sa kanya kapag wala siya, ‘diba? Dahil b*bo ka!” Muling sigaw ni Aaron, kaya hindi napigilan ni Hanma ang mapa-iyak. “Anong ini-iyak mo r’yan? Palitan mo ‘to kung ayaw mong ibuhos ko ‘to sa ‘yo!” Sigaw ni Aaron, kaya dali-dali niyang kinuha ang tasa sa harapan ni Aaron. “Alam mo
150 3RD POV “N-nasasaktan po ako Sir..” Wika ni Hanma, nang hawakan siya ni Aaron ng mahigpit sa kanyang braso. “Bakit mo pinapunta ang kapatid mo sa condo unit ko? At ang lakas pa talaga ng loob niya, para manggulo!” “P-pasensya, na po kayo Sir.. H-hindi ko po kasi siya kayang pigilan..”“Hindi? Kung tanggalin ko kaya kayo sa trabaho niyo! May magagawa pa kaya kayo?” Galit na wika niya habang binitawan ito. Nakita naman ni Aaron ang paglalaro ni Hanma sa kanyang mga daliri habang nakayuko. “‘W-wag niyo pong gawin ‘yon Sir… Maawa po kayo sa amin… Wala po kasi kaming ibang pwedeng mapapasukan.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa kanyang narinig. “Wala naman pala? Tapos tatanga-tanga ka? Nasa'n ba kasi ‘yong kapatid mo? Bakit Ikaw nalang lagi ang pumapasok?” “M-may sakit po kasi siya, kaya ako po ang pumalit sa kanya.” Masama siyang tiningnan ni Aaron, dahil sa kanyang sinabi. “Masama? O baka naman ginamit mo lang siya, para makapasok dito, dahil alam mong sa pangit ng itsura
2233RD POV “Bakit mo ako nilalayo sa anak ko?” Galit na tanong ni Diana sa kanya, dahil pilit niyang kinuha si Rafael dito. “Mommy..” Iyak na wika ni Rafael, habang ini-abot ang kamay nito kay Diana. “Hindi siya ang mommy mo!” Sigaw niya sa anak niya, kaya napakunot ang noo ni Diana. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Anak ko siya!” Napakunot ang noo ni Reymart, habang nailing. “Bakit, hindi ba totoo?” Hindi maiwasan ni Reymart na matawa, dahil sa sinabi ni Diana. “‘Wag mong angkinin ang anak ko!” Muling wika ni Diana. “‘Wag kang magpatawa Diana, dahil hindi mo siya anak.” “Nababaliw kana ba? Paano mo nasabi na hindi ko siya anak?” “Ilayo niyo ang babaeng ‘yan!” Sigaw ni Reymart sa mga tauhan niya. “Hindi mo pwedeng gawin ‘yan Reymart! Dahil ako ang mas may karapatan sa anak ko! At isa pa hindi mo siya anak!” Inis na ngumisi sa kanya si Reymart, dahil sa kanyang sinabi. “Wala kang anak, at wala kang karapatan na tawagan siyang anak, dahil una pa lang ay iniwan mo na siya.” Wika
2223RD POV “Nasa'n si Reymart?” Tanong niya sa secretary nito. “Umalis po siya kanina Ma'am Judith. Kasama niya po si Sir Rafael.” Kumunot ang kanyang noo, habang nakatingin ito sa secretary niya. “Anong umalis? Bakit hindi man lang niya, sinabi sa akin?” “Hindi ko po alam Ma'am, ang narinig ko lang po, ay inutusan siya ni Madam Helen.” ‘Ang lola nila? Kainis!! Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Reymart. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan na mapansin ako ng lola niya, para ito na mismo ang magsasabi kay Reymart. Mabilis na umalis si Judith, at tinawagan si Albert, kailangan niyang malaman, kung saan pumunta si Reymart. “Hanapin mo si Reymart.” Wika niya matapos nitong sagutin ang tawag niya.“Naglalaro ako.” Lalong nainis si Judith, dahil sa sinabi nito. “Uunahin mo pa ba ‘yan? Bilisan mo na. Hanapin mo siya!” “Ikaw na kasi ang maghanap do’n.” “Albert! Makinig ka nga! Kung mahanap ko siya ngayon, malaki na ang posibilidad na maikasal kami. ‘Diba ‘yon ang gusto mo?” Wi
2213RD POV “Kumain ka.” Wika niya, pero umiling lang ito, at muli na naman na umiyak. “Sh!t! Ano ba kasi ang gusto mo?” Tanong niya, habang hindi pa rin ito tumigil. Kinuha niya ang phone niya, dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi na kasi ito tumigil sa kakaiyak simula kanina. “Nasa bahay ba kayo?” Tanong niya kay Rey, matapos nitong sagutin ang kanyang tawag. “Oo, bakit?” “Pwede bang puntahan niyo muna si Rafael, kanina pa kasi umiyak.” Nag-alala na wika niya. “Sige, hintayin mo nalang kami.” Wika ni Reymart, at agad na binaba ang kanyang phone. Binuhat niya ulit si Rafael, habang patuloy pa rin ito na umiyak. Namamaga na rin ang mga mata, nito dahil hindi pa rin ito tumigil. “Ano ba kasi ang gusto mo? Bakit hindi ka sumasagot?” Tanong niya, dahil naninibago talaga siya sa kanyang anak. Lalo na at marunong naman itong magsalita. “Ano bang nangyari?” Nag-alala na tanong ni April. Pero lalo pang umiyak si Rafael, kaya lalo pang nagtataka si Reymart.Napakunot nam
2203RD POV Sa paglipas ng ilang taon ay hindi maiwasan ni Judith na mainis kay Reymart, dahil nakatuon lamang ang atensyon nito sa anak niya. Pakiramdam niya, ay parang naba-balewala na rin siya rito.“Hi!” Bati niya kay Reymart. Matapos siyang makapasok sa opisina nito. Rito na rin siya nagtatrabaho bilang Isa sa mga head ng HR. Nang mag-angat ng kanyang mukha si Reymart, ay agad itong ngumiti sa kanya. “May dala akong pagkain, kumain ka muna.” Wika nito at habang kinuha ang mga pagkain na dala niya. “Halika na. Kumain na tayo.” Yaya sa kanya ni Judith. Tumayo naman si Reymart at lumapit sa kanya. “Nasa’n pala si Rafael?” Tanong nito, habang umupo sa tabi niya. “Sumama kay Mommy, may pupuntahan daw sila.” Sagot ni Reymart sa kanya habang nag-umpisa na itong kumain. “Ganun ba, alam mo Reymart, siguro panahon na para bigyan mo ng buong pamilya ang si Rafael.” Wika niya kaya natigilan si Reymart. “Lumalaki na kasi siya, kaya kailangan niya rin ng kalinga ng isang ina.” “‘Wag ka
2193RD POV “Ano ‘to?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa secretary niya. “Need niyo pong pirmahan ‘yan Sir.” Sagot nito sa kanya, kaya kinuha niya ito at tiningnan. Napakunot lalo ang kanyang noo, dahil sa nakita niya. “Divorce paper? Ni wala pa nga kaming isang buwan, tapos…” “Madali lang po ‘yan kay Ma'am Diana, Sir Reymart. Alam niyo pong isa rin ang pamilya nila, sa mayayaman sa buong mundo.” Wika nito, kaya masama niya itong tiningnan. “Alam ko ‘yon, kaya lumabas kana.” Inis na wika niya rito. Nang makalabas ang secretary niya, ay pinunit niya ang divorce paper na nasa kanyang mga kamay.“Hinding-hindi ka makakawala sa akin Diana!” Inis na wika niya habang binato ang papel na kanyang pinunit. ***“Nasa'n si Diana?” Tanong niya sa mga katulong nila. “Umalis po Sir.” “Umalis? Saan pumunta?” Tanong niya rito. “Ang sabi po ni Ma'am, hindi na raw po siya babalik dito.” Napakunot ang noo niya, at naalala ang sinabi ng katulong sa kanya, noong binigay nito ang susi. Ang akala
218 3RD POV “Kanina pa kita hinihintay.” Ngiting wika ni Diana. Habang naka-kunot ang noo ni Reymart. “Pasensya kana. Medyo traffic kasi.” Sagot nito sa kanya. “Sino pala siya Diana? Bakit hindi mo siya ipapakilala sa amin?” Wika ni Judith, kaya nilingon siya ni Diana. “Si Rodel, Rodel si Judith, best friend ko at si R-Reyamrt. Boyfriend niya.” Wika ni Diana, habang hindi tumingin kay Reymart. “Hoy! Ano ka ba naman Diana, hindi pa kami ni Reymart.” Ngiting wika ni Judith. Nagulat naman si Diana, dahil sa sinabi niya. Medyo naguguluhan kasi ito kay Judith, dahil ang sinabi nito sa kanya, ay nagkabalikan na sila ni Reymart. “Kumusta Mr. Johnson.” Wika ni Rodel, habang nilahad ang kamay nito kay Reymart. Kinuha naman niya ito. “Maupo na muna tayo.” Ngiting wika ni Judith. Habang nasa upuan ay hindi napigilan ni Reymart ang mainis dahil panay ang bulungan ni Judith at Rodel sa harapan niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya, kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng
2173RD POV “Gising kana pala?” Wika ni Reymart, habang hindi tumingin si Diana sa kanya. “Nandamay ka pa talaga ng tao, para sa kalokohan mo?” Napatingin siya kay Reymart, dahil sa sinabi nito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Inis na tanong niya rito. “Anong napala mo sa pag-inom?” Muling tanong nito, habang hindi sinagot ang tanong niya kanina. “Wala kang pakialam.” Sagot niya, habang kumuha ng tubig at uminom. Matapos niyang uminom ay muli na siyang tinalikuran ni Diana. “Sa'n ka pupunta?” Inis na tanong ni Reymart. Nilingon siya ni Diana, at napahinga ng malalim.“Ito naman ang gusto mo ‘diba? Ang hindi ako makita.” Sagot niya at tinalikuran siya. Inis na napatingin sa kanya, si Reymart, dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa kanya. Isa pang kinaiinisan niya rito ay hindi man lang nito naalala ang nangyari kagabi. “Ihanda mo ang sasakyan.” Utos niya sa kanyang tauhan. Habang tumayo, dahil kailangan pa niyang puntahan ang bar, bago siya pumunta sa kanyang opisina. Isa pa nan
216WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Ibaba mo siya.” Wika ni Reymart, habang nakatingin sa lalaki. Buhat nito si Diana, at papasok na sana ito sa isang VIP room. “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Galit na tanong nito sa kanya. “Sundin mo nalang ang sinabi ko kung ayaw mong masaktan.” Madiin na wika ni Reymart. Napangiti ang lalaki sa kanya, habang insulto siyang tiningnan. “Maghanap ka ng sarili mong babae. Hindi mo ba alam, na pinaghirapan kung kunin ang babaeng ‘to?” Napakuyom si Reymart, sa kamao niya dahil sa sinabi nito. Nilingon naman ni Reymart, ang kanyang mga tauhan at suminyas ito. “Teka lang! Sino ba kayo?” Gulat na tumingin ang lalaki sa mga tauhan ni Reymart, dahil pinalibutan siya nito. “Ibaba mo na siya, kung ayaw mong masaktan.” Muling wika ni Reymart, kaya agad na binaba ng lalaki si Diana, at mabilis itong tumakbo. “Dalhin mo siya sa loob.” Utos niya sa isang tauhan niya. Matapos mailagay ng tauhan niya si Diana sa loob ng VIP room, ay lumabas na ito.
2153RD POV “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka rito?” Tanong nito ni Reymart, habang wala siyang pakialam dito. “Hindi mo ba ako naririnig?” Galit na wika nito habang hinawakan ang kanyang braso. “Wala ka namang pakialam kung lumipat ako ‘diba?” “May pakialam ako dahil asawa kita!” Natawa si Diana, dahil sa sinabi ni Reymart. “Asawa? Ni hindi mo nga ako itinuturing na asawa!” “Paano kita ituturing na asawa? Alam mong pinakasalan lang kita, dahil sa utang na loob!” “Kung ganun, dapat maghiwalay na tayo.” Bahagyang nagulat si Reymart, dahil sa sinabi ni Diana. “Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa kanya. “Nauntog ba ‘yang ulo mo?” Tanong nito habang hindi siya sumagot kay Reymart. “Sa bagay si Rey naman talaga ang gusto mo at hindi ako ‘diba? Kaya ka siguro nagkaganyan.” “Ayaw mo pa nun, maging malaya na kayo ni Judith?” Lalong napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Nagseselos kaba sa kanya?” Natatawa na tanong n