Share

My Mom's Boyfriend (Filipino)
My Mom's Boyfriend (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

Author: Jay Sea
last update Last Updated: 2023-12-09 07:01:18

"Mom, ano po ang niluluto mo? Ba't ang dami mo pong niluluto na pagkain? May bisita po ba kayo? Pupunta po ba ngayon si Tita Mercy?" nagtatakang tanong ni Angela sa kanyang mommy Dina habang nagluluto ito sa kusina. Abalang-abala ito.

Tumigil muna sa ginagawa niya ang mommy niya para sagutin siya nito sa mga katanungan niya na 'yon. Ngumiti ito sa kanya at dahan-dahan na ibinuka ang bibig para magsalita.

"Sa susunod pa na araw pupunta ang Tita Mercy mo dito sa bahay natin, eh," sagot ni Dina sa anak niya na si Angela na nagtataka pa rin sa kanya.

"Ganoon po ba? E, bakit ang dami mo pong niluluto ngayon? Wala naman pong may birthday sa atin, 'di ba? Wala rin naman po siguro kayong bisita," nakangiwing tugon ni Angela sa mommy niya na bumuntong-hininga muna bago sumagot muli sa kanya.

"May bisita ako ngayon na hapon," nakangising sagot ng mommy niya sa kanya.

"Sino po? Sino po ba ang bisita mo ngayon na hapon? Mga katrabaho mo po ba?" usisa pa ni Angela sa mommy niya. Umiling ang mommy niya.

"Hindi. Hindi ko ka-trabaho ang bisita ko ngayon na hapon," sagot ni Dina sa kanya.

"E, sino po ba?" tanong pa ni Angela sa mommy niya na nakakunot ang malalapad na noo.

"Pupunta ngayon na hapon ang boyfriend ko," anunsiyo ng mommy niya sa kanya na ikinagulat niya. Umawang ang mga labi niya.

"A-ano pong sinabi mo? Pupunta po ang boyfriend mo ngayon na hapon? Wait lang po, naguguluhan po ako sa sinasabi mo. May boyfriend ka po?" hindi makapaniwalang tanong ni Angela sa mommy niya na seryosong nakatingin sa kanya. Dahan-dahan na tumango ito sa kanya at nagsalita, "Oo. May boyfriend nga ako, Angela. Sorry kung ngayon ko lang sa 'yo nasabi 'to. 'Wag kang mag-alala dahil ipakikilala ko sa 'yo ang boyfriend ko. Sorry talaga hindi ko kaagad nasabi sa 'yo."

Napangiwi na lang si Angela sa naging sagot ng mommy niya. Anim na taon na kasing wala ang daddy niya. Pumanaw na ito sa sakit na brain cancer. Naiintindihan naman niya ang mommy niya kahit paano kung maghahanap pa ito ng boyfriend o makakasama sa buhay pero hindi nga lang siya makapaniwala na may boyfriend na ito at ngayon lang niya nalaman.

Hindi kaagad nito sinabi 'yon sa kanya kaya medyo nakakaramdam siya ng pagkainis. Kung iisipin ay dapat siya ang unang makakaalam dahil sa anak siya ngunit nalaman niya ay ngayon na lang. Siguro alam 'yon ng mga kaibigan ng mommy niya. Forty-eight years old na ang mommy niya samantalang twenty five years old na rin siya. Solo na anak siya ng mga magulang niya. Hindi na nagkaroon pa siya ng kapatid.

Bumuntong-hininga si Angela at hindi na nagsalita pa ng kung anu-ano sa harap ng mommy niya. Tumango na lang siya kahit may kaunting disgusto sa puso niya tungkol sa nalaman niya sa mommy niya. Naalala tuloy niya ang daddy niya na kahit may boyfriend na ang mommy niya ay wala pa rin na makakapantay dito.

Magalang naman na nagpaalam siya sa mommy niya na pupunta muna siya sa kuwarto niya. Naisipan niya na bisitahin niya ang puntod ng daddy niya sa sementeryo. Dali-dali siyang nagbihis at bumaba para magpaalam sa mommy niya. Hindi niya sinabi na bibisitahin niya ang puntod ng daddy niya. Ang tanging sinabi lang niya ay may bibilhin siya sa drug store. Sinabi pa niya sa mommy niya na hindi naman siya magtatagal. Uuwi rin naman siya.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho ng kotse mo. Dapat bago sumapit ang three o'clock in the afternoon ay nandito ka na sa bahay natin. Maliwanag ba 'yon sa 'yo?" sabi ng mommy niya sa kanya na tinanguan naman niya kaagad.

"'Wag po kayong mag-alala dahil uuwi naman po kaagad ako," paniniguradong sagot ni Angela sa mommy niya.

Her mom gave her a quick nod and said, "Okay. Maliwanag na 'yon sa akin na nandito ka na bago sumapit ang alas tres ng hapon. Maghihintay ako, Angela. Ipakikilala ko sa 'yo ang boyfriend ko."

Kitang-kita sa mga mata ng mommy niya na in love nga ito sa kung sino man ang boyfriend nito. Gusto niyang malaman kung sino ang boyfriend nito. Nakalimutan niyang tanungin kung magka-edad lang ba 'to ng mommy niya. Malalaman rin naman 'yon niya mamaya.

"Sige po. Aalis na muna po ako," sabi niya sa mommy niya at tumalikod na siya para lumabas sa bahay nila at tumungo sa garahe. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho," pahabol pang paalala ni Dina sa kanya. Hangad lang nito na walang mangyari sa kanya sa daan na hindi maganda kaya kailangan nito na mag-iingat palagi.

Binuksan kaagad ni Angela ng engine ng kotse niya para makaalis na patungo sa sementeryo. Bumili muna siya ng bulaklak at kandila na ititirik niya sa puntod ng kanyang pinakamamahal na daddy na sobrang miss na miss na niya.

Pakiramdam pa ni Angela ay kamamatay lang ng daddy niya kahit anim na taon na ang lumipas nang mamayapa ito. Masakit pa rin na isipin na wala na ang pinakamamahal niya na daddy. Kaya tama ang sinasabi ng karamihan na hindi basta-basta madaling makalimot sa pagkawala ng taong pinakamamahal mo sa buhay. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi pa rin 'yon basta-basta mabubura. Habang lumilipas ang mga araw, buwan at taon ay mas lalong nagiging masakit 'yon. Kung sa sugat ay nagnanaknak. Iyon siguro ang klase ng sugat na kailanma'y hindi magagamot ng panahon. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging mahirap.

Sinindihan kaagad ni Angela ang kandila sa tapat ng puntod ng pinakamamahal niyang daddy. Iniligay na rin niya ang bulaklak dito. Bumuntong-hininga muna siya. Ang sumunod na ginawa niya ay taimtim siya na nag-alay ng panalangin para sa kanyang pinakamamahal na daddy. Hindi niya namalayan na may tumutulong luha na pala sa mga mata niya. Napansin lang niya 'yon nang matapos niyang mag-alay ng panalangin. Kinuha naman kaagad niya ang kanyang kulay puting panyo para punasan ang mga luhang nagpapatunay kung gaano siya nangungulila sa pinakamamahal niya na daddy.

"Sobrang miss na miss na po kita, daddy. Kung puwede ko po sana na ibalik ang mga panahon na magkasama pa po tayo ay gagawin ko po. Kahit bilhin ko man po ang pagkakataon na 'yon na magkasama muli po tayo ay handa ko na gawin. Kahit maubos ko po ang aking pera ay gagawin ko po makasama at mayakap ka pong muli nang napakahigpit. Gagawin ko po talaga 'yon kaso nga lang ay walang ganoon. Hindi naman nabibili gamit ang pera ang panahon na gusto natin na ibalik muli, eh. Kahit ano pa po ang mangyari ay wala pong makakakumpara sa 'yo sa puso ko, daddy. Ikaw lang ang tanging pinakamamahal ko na daddy sa buong buhay ko. Mag-asawa man pong muli si mommy ay hindi kayang tapatan ng magiging asawa niya ang pagmamahal na binigay mo sa akin. Hindi ka po kayang tapatan ng kahit sino pa man. Nag-iisa ka lang po sa puso ko. Alam mo naman siguro ang nangyayari ngayon. Hindi naman po sa nagsusumbong ako sa 'yo ngayon kundi gusto lang po kitang dalawin dahil nami-miss na po kita ng sobra," sabi ni Angela sa harap ng puntod ng daddy niya na nagsisimula na namang tumulo ang mga luha niya. Pinunasan na naman niya ito gamit ang hawak niyang panyo.

Siya lang naman ang mag-isa doon sa sementeryo. Napakatahimik sa lugar na 'yon na talagang malungkot ka habang inaalala ang mga masasayang alaala ng yumaong mahal mo sa buhay.

Hindi naman nagtagal si Angela sa loob ng sementeryo. Ilang minuto lang siya na nakipag-usap sa daddy niya na kahit wala siyang naririnig na salita nito ay alam niya na nakikita at naririnig nito ang mga sinasabi niya.

Fifteen minutes bago sumapit ang alas tres ng hapon ay nasa bahay na siya. Wala pa naman ang bisita ng mommy niya na boyfriend nito. Tapos na rin sa pagluluto ang mommy niya. Nakita naman siya nitong dumating na habang may kausap ito sa cell phone niya. Sumenyas naman siya na pupunta na siya muna sa kuwarto niya. Tumango naman ang mommy niya sa kanya.

Mayamaya ay tinawag na siya ng mommy niya sa kuwarto niya. Sinabi nito sa kanya na dumating na ang bisita niya na boyfriend nito. Sabay na silang dalawa na bumaba. Nakaupo ang lalaking boyfriend ng mommy niya sa couch sa sala na nakatalikod sa kanila. Hindi pa naman niya nakikita ang hitsura nito kung matanda na ba o guwapo. Habang lumalapit silang dalawa sa sala ay napakalakas ng kabog ng dibdib niya.

Napansin naman ng lalaki na boyfriend ng mommy niya na paparating na sila kaya naman ay dali-daling tumayo ito at humarap naman ito sa kanila. Laglag ang pangang nakatingin si Angela sa lalaki na boyfriend ng mommy niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa harap niya. Ngumiti ang guwapong binata sa kanila at lalo na sa kanya. Napakatamis ng ngiti nito.

Humarap si Angela sa mommy niya at kinunutan ito ng noo.

"Baby, I would like to introduce you my boyfriend. His name is Edward Montero," pakilala ni Dina sa anak niya na si Angela sa boyfriend niya na bata pa sa kanya. Hindi makapagsalita si Angela sa harap nila. She could believe that her mom is having a boyfriend younger than her. Mukhang ka-edad niya ang boyfriend nito na pinakilala sa kanya.

"She's my daughter. Her name is Angela. She's nice. She's smart, and she's pretty," pakilala naman ng mommy niya sa kanya kay Edward na muli siyang ginawaran ng napakatamis na ngiti. Nagkatitigan silang dalawa dahilan upang mas lalong bumilis pa ang tibok ng puso niya.

"Hi, Angela. It's a pleasure to meet you. How are you, anyway?" malumanay na bati ni Edward kay Angela na inilahad pa ang kanang kamay nito para makipagkamayan sa kanya.

Tiningnan niya ng ilang segundo ang nakalahad na kamay nito para makipagkamayan sa kanya. Nagda-dalawang isip siya kung makipagkamayan siya sa guwapong binata na nasa harap niya. Bakat na bakat ang katawan nito sa suot nitong kulay asul na long sleeve. Halatang-halata na palagi itong nagwo-work-out sa gym sa ganda ng katawan nito.

Humarap siya sa mommy niya at sinensayan siya nito na tanggapin 'yon. Nakakahiya naman kung hindi siya makikipagkamayan sa bisita ng mommy niya. Ito pa nga ang naglahad ng kamay para makipagkamayan sa kanya. Napakagat labi siya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago nakipagkamayan sa boyfriend ng mommy niya.

Nang magkamayan silang dalawa ay para bang may kakaibang enerhiya ang dumaloy sa buong katawan niya.

"Same with you, Edward. I'm doing good," nahihiyang tugon niya. Hindi lang bumilis ang tibok ng puso niya kundi para bang nag-init ang katawan niya. Inalis kaagad niya ang kamay kay Edward at napatungo sa hiya. Hindi niya alam kung ganoon rin ang naramdaman nito matapos na magkamayan silang dalawa.

"I'm your mom's boyfriend and I hope we could get closer too," sabi pa ni Edward sa kanya. Iniangat naman niya ang kanyang ulo at pilit na ngumiti sa guwapong si Edward. Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa dahil ang mommy na niya ang nagsalita.

Related chapters

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 2

    Tumungo na silang tatlo sa kusina para kumain ng meryinda na niluto ng mommy niya. Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya si Angela sa nakikita niya sa harap niya. Akala niya ay may edad na rin ang boyfriend ng mommy niya ngunit nagulat na lang siya ng makita ang guwapong si Edward na mukhang ka-edad lang niya. Napakalayo ng age gap nito. Hindi niya maintindihan kung bakit 'yon ang boyfriend ng mommy niya. Napapangiwi na lang siya habang nakatingin sa mommy niya na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Edward. Tahimik lang siya ngunit nagpo-protesta ang buong sistema niya sa nakikita niya sa harap niya.Habang kumakain sila ng meryinda panay ang sulyap ni Edward sa kanya na ipinagtataka niya. Kapag kinakausap ito ng mommy niya ay para bang napakalayo ng mga sagot. Palagi siya nitong gusto na isali sa usapan ng dalawa. Matapos nilang kumain ng meryinda ay nagpaalam na muna siya sa mommy niya na pupunta sa kuwarto niya. Pinayagan naman siya ng mommy niya.Hindi maalis-alis sa isipan

    Last Updated : 2023-12-09
  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 3

    Habang kumakain sila ay sinabi ni Angela ang tungkol sa boyfriend ng mommy niya na akala niya ay ka-edad lang nito ngunit hindi naman pala. Umawang ang mga labi ni Jenna nang sabihin niya 'yon."Talaga? Guwapo ba 'to? Ano'ng hitsura niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jenna sa kanya. Uminom muna ng tubig si Angela bago sumagot sa kaibigan niya."Kung hitsura ang pag-uusapan natin ay may hitsura ang boyfriend ngayon ng mommy ko na mahigit twenty years ang age gap nila. Mukhang ka-edad siguro natin 'yon, eh. Hindi ko naman inaalam ang edad ng lalaking 'yon pero sigurado ako na ka-edad lang natin siya. Guwapo ang boyfriend ng mommy ko. Hindi lang guwapo," sagot ni Angela kay Jenna na interesado na malaman ang tungkol sa guwapong boyfriend ng mommy niya."Kung hindi lang 'yon guwapo, eh, ano pa siya? Malaki ang katawan? Hot ba siya? Makalaglag panty ba?" tanong pa nito sa kanya. Mabilis naman na tumango si Angela sa kanya para kumpirmahin 'yon."Lahat ng mga sinabi mo sa akin ay totoo.

    Last Updated : 2023-12-09
  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 4

    Sumunod na gabi ay nagulat na lang si Angela nang maabutan niya sa loob ng bahay nila si Edward kasama ang mommy niya. Pasado alas nuwebe na ng gabi nang dumating siya. Nasa sala ang dala habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Magkahawak-kamay nga ang dalawa. Napakunot-noo kaagad siya pagkakita dito ngunit naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita niya ang guwapong si Edward. Sa kanya natuon ang atensiyon ng dalawa pagkalapit niya dito. Nagmano muna si Angela sa mommy niya at ngumiti naman siya kay Edward. Hindi puwedeng wala siyang gawin. Kahit hindi niya batiin ito ay okay lang basta nginitian lang niya. Hindi na ito mag-iisip ng negatibong bagay sa kanya."Nagabihan ka ngayon ng uwi," sabi ng mommy niya na si Dina sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap ng dalawa habang kausap ito. Nakatingin sa kanyang mukha si Edward kaya hindi maiwasan na makaramdam siya ng kaunting hiya dito. Kung makatingin pa naman ito sa kanya ay para bang hinuhubaran siya. Wala

    Last Updated : 2023-12-20
  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 5

    "Good morning too," she greeted him in return. Edward accepted her greeting. He smiled at her again. "Kanina ka pa nandito?" tanong nga niya kay Edward na bago sumagot ito sa tanong niya ay nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga."I think mga thirty minutes na akong nandito, eh," sagot ni Edward sa kanya. Tumango-tango naman si Angela pagkasagot ni Edward sa kanya."Ah, ganoon ba? Akala ko kasi ay wala ka na, umuwi ka na," sagot ni Angela sa kanya."Hindi pa naman, eh. Maupo ka muna. Mag-usap muna tayong dalawa," nakangising sagot ni Edward sa kanya. Angela bit her lips and said, "Nag-uusap na nga tayong dalawa, 'di ba? Ano pa ba ang ibang matatawag sa ginagawa natin na 'to, huh?"She has a point naman sa sinabi niya pero ang ibig lang sabihin ni Edward ay mag-usap pa silang dalawa kaya pinapaupo niya ito sa kaharap na upuan na inuupuan niya kanina. Nakatayo pa rin naman siya. Hindi pa siya umuupo muli sa upuan na 'yon. Kaagad naman na nagsalita si Edward sa kanya para ipaliw

    Last Updated : 2023-12-21
  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 6

    Hapon na nga nang umuwi si Edward. Uuwi na sana ito pagkakain nila ng breakfast ngunit hindi ito pinigilan ni Dina. "Mom, gusto mo po ba talaga siya na dito na tumira sa bahay natin?" nakangusong tanong ni Angela sa mommy niya nang makaalis na si Edward. Silang dalawa na lang ang magkasama sa loob ng bahay nila.Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga ang mommy niya bago sumagot sa tanong niyang 'yon. She licked her lips. "Oo naman, gusto ko. Bakit naman nga hindi, 'di ba? Wala namang masama, eh. Tayo lang dalawa ang nakatira dito sa bahay natin. Malaki naman ang bahay natin at magkasintahan naman kaming dalawa. Boyfriend ko siya at kung iisipin ay puwede na siyang tumira dito sa bahay natin. Bakit mo ba ako tinatanong, huh? Ayaw mo ba na tumira siya dito sa bahay natin, huh?" paliwanag ng mommy niya sa kanya na may kasamang tanong kung ayaw ba niyang tumira sa bahay nila si Edward. She sighed deeply before she speaks to her mom who is waiting for her answer."Mom, hindi n

    Last Updated : 2023-12-21
  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 7

    Kinausap nga ng mommy ni Angela si Edward tungkol sa nais nitong mangyari na sa bahay na nila ito tumira tutal boyfriend naman silang dalawa. Pumayag naman si Edward sa kagustuhan na 'yon ni Dina na doon na siya tumira. Pabor naman nga siya dito. Kaagad naman na pinaalam ni Dina kay Angela 'yon sumunod na araw. Sinabi niya 'yon habang kumakain sila ng breakfast. Siningit 'yon ng mommy niya sa kanilang usapan na dalawa. Angela wasn't surprised as she heard it from her mom because she's expecting that he'll move at their house soon."Talaga po ba, mommy? Sinabi mo na 'yon sa kanya, huh?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Angela sa mommy niya na napansin niya na aabot hanggang tainga na naman ang mga ngiti.Her mom shakes her head and said quickly, "Yes. Sinabihan ko na siya tungkol sa bagay na 'yon. Wala naman sa kanyang problema kung dito na nga siya tumira sa bahay natin. Pumayag naman siya sa sinabi ko na 'yon sa kanya na dito na siya tumira sa atin. Wala naman siyang kasamang kapa

    Last Updated : 2024-01-11
  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 8

    "Sinabihan na ni mommy ang boyfriend niya na sa bahay na ito tumira..." panimulang sabi ni Angela kay Jenna na kaibigan niya. Kasalukuyan silang kumakain ng lunch. Tumigil muna si Jenna sa pagkain at saka nagsalita sa kaibigan niya."Talaga ba? Seryoso ka? Sinabihan na ng mommy mo na doon na siya titira sa bahay n'yo?" paniniguradong tanong pa nito sa kanya.Mabagal naman na tumango si Angela sa katanungan na 'yon ng kaibigan niya na si Jenna sa kanya at saka nagsalita, "Oo. Seryoso ako sa sinasabi ko sa 'yo. Sinabi na nga niya sa boyfriend niya na si Edward."Napanguso si Jenna pagkasabi niya. Wala naman rin siyang magagawa dahil 'yon ang gusto ng mommy ng kaibigan niya na si Angela. "Pumayag naman ba ang boyfriend ng mommy mo na doon tumira sa bahay n'yo?" tanong ni Jenna sa kanya."Oo. Pumayag naman nga ito, eh. Wala naman siyang kapamilya na nandito sa Maynila, eh, kaya walang problema. Lahat ng mga kamag-anak niya ay nasa probinsiya at tanging siya lang naman ang nandito sa Mayn

    Last Updated : 2024-01-11
  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 9

    Tahimik lang silang tatlo na kumakain ng dinner. Hindi pa rin tinatapunan ng tingin ni Angela si Edward na panay ang tingin sa kanya. Napapansin naman ni Angela 'yon ngunit hinahayaan lang niya. Patuloy lang siya sa pagkain ng dinner. Hindi naman gaano karami ang kinain niya. Sakto lang naman.Nang matapos silang kumain ay nagpresenta siya sa mommy niya na siya na lang ang magliligpit at maghuhugas ng kinainan nila. Pumayag naman ang mommy niya na siya ang gumawa ng bagay na 'yon. Pabor naman nga 'yon sa kanya. Nagpaalam na muna si Dina na tataas muna siya para tumungo sa kuwarto niya. Naiwan doon sa baba si Edward niya na susunod naman raw sa kanya. Naiwan doon sa baba sina Angela at Edward. Nagsisimula na nga si Angela na magligpit ng mga pinagkainan nila. Huhugasan naman na niya ang mga 'yon. Tahimik lang silang dalawa doon. Panay ang buntong-hininga ni Edward habang pinagmamasdan si Angela na ginagawa ang trabahong 'yon na siya naman ang nagpresenta sa mommy niya.Hinahayaan lang

    Last Updated : 2024-01-11

Latest chapter

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 97 [End]

    "Kung 'yon po ang sinabi niya ay wala talaga tayong magagawa. Maraming salamat sa pagsabi sa akin na hindi ko puwedeng isama bukas si Edward sa pagpunta ko sa bahay namin. Maraming salamat po!" nakangusong tugon ni Angela sa Tita Mercy niya sa kabilang linya."Walang anuman 'yon, Angela. Sinabi ko lang 'yon para malaman mo, eh. Ikaw lang talaga ang gustong patawarin ng mommy mo at hindi ang boyfriend mo na si Edward. Wala talaga tayong magagawa dahil 'yon ang desisyon niya. We need to respect it," sagot ni Mercy sa kanya. "Sasabihin ko na bukas ka pupunta sa bahay n'yo para alam nga niya, Angela.""Sige po, Tita Mercy. Maraming salamat po sa tulong mo na 'to. Maraming salamat po talaga!" pasalamat ni Angela sa Tita Mercy niya sa pagtulong nito sa kanya."Walang anuman 'yon, Angela. Ginagawa ko lang ang parte ko para magkaayos kayong dalawa sapagkat ayaw ko na nagkakaganito kayo. Kagaya nga ng sabi ko sa 'yo na hindi dapat kayong dalawa nagkakaganito dahil mag-ina kayo. Imbis na nagmam

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 96

    Dina took a very deep breath before she speaks to her sister Mercy who asked that questions. Sasagutin niya 'yon ngunit hindi lang diretso. "Kung napilitan ako, eh, desisyon ko na 'yon. Kung naiintindihan ko naman na 'yon o hindi ay desisyon ko pa rin 'yon, Mercy. Ako ang may kontrol sa sarili ko. Hindi kung sino man sa paligid ko, okay? Hindi ikaw, hindi kung sino pa d'yan. May sarili akong pag-iisip at hindi ako dapat na naniniwala sa sinasabi ng iba lalo na kung sa tingin ko ay hindi ko dapat paniwalaan," seryosong sagot ni Dina kay Mercy na kapatid nga niya na tumango-tango naman pagkasabi niya."Yeah, I know that, Dina. You have your own mind. Sana talaga ay tama ang naging desisyon mo at hindi ka napipilitan. Well, masasabi ko sa 'yo na tama ang naging desisyon mo. Magandang magkaayos kayong dalawa ng anak mo na si Angela. Anak mo pa rin siya kahit balik-baliktarin pa ang mundo. Walang magbabago, okay? Hindi dapat kayo nagkakaganitong dalawa. Imbis na mag-away kayo at magtanim

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 95

    Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit hindi pa nagsasalita si Dina sa kapatid niya na si Mercy kaya ibinuka muli nito ang mga labi para magsalita sa harapan nito."Pakinggan mo kasi ang sinasabi nilang dalawa lalo na ng anak mo, Dina. Hindi naman niya nilandi o inagaw sa 'yo si Edward. Kailangan mo na tanggapin na hindi ka talaga niya mahal dahil ang anak mo na si Angela ang mahal niya. Nasaktan ka man, naiintindihan kita kung bakit ka nagagalit ng ganyan ngunit isipin mo naman ang relasyon n'yong dalawa ng anak mo na si Angela. Hindi dapat kayo nagkakaganito dahil lang sa iisang lalaki. Patawarin mo na sila, Dina. Huwag mong hayaan na mawala ang anak mo na si Angela. Alam ko na mahal mo pa rin siya kahit ganoon ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi 'yon maalis-alis kahit ano'ng gawin mo dahil ina ka at anak mo siya. Kung hindi mo kayang patawarin si Edward ay okay lang. Basta mapatawad mo si Angela na anak mo at magkaayos kayong dalawa ay mabuti. Kung patatawarin mo silang dalawa ay

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 94

    "May iba pa po bang sinabi sa 'yo si mommy, Tita Mercy?" malumanay na tanong ni Angela sa Tita Mercy niya kung may iba pa bang sinabi ang mommy niya tungkol sa kanilang dalawa."Wala namang iba, eh. Iyon lang naman na sinabi ko sa 'yo, eh. Nalulungkot ako sa nangyaring 'to sa inyong dalawa ng mommy mo. Hindi dapat kayo nagkakaganito," nakangusong sagot ng Tita Mercy niya sa kanya."Ganoon rin naman po ako, Tita Mercy. Ayaw ko naman po na maging ganito kaming dalawa ni mommy. Mahal ko po siya at nalulungkot rin po ako sa nangyayaring 'to, eh. Sana po talaga ay mapatawad niya kami," sagot rin ni Angela sa Tita Mercy niya na nakanguso.Her aunt slowly nods her head and said, "Magtiwala ka lang na magkaayos kayong muli ng mommy mo, Angela. Gagawa ako ng paraan para magkaayos kayong dalawa. Nandito ako, okay? Ako ang bahala. I'll talk to her again."Napaluha pa si Angela sa sinabing 'yon ng Tita Mercy niya gagawa ito ng paraan para magkaayos silang dalawa ng mommy niya. In short, tutulunga

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 93

    "Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin sa inyong dalawa ang mommy mo, Angela. Pinuntahan ko siya sa bahay n'yo. Nagkausap kaming dalawa tungkol nga doon sa nalaman ko sa inyo," seryosong sagot ng Tita Mercy ni Angela sa kanya."Talaga po ba? Pumunta ka sa bahay namin, Tita Mercy? Kailan pa po ba?" mabilis naman na tanong ni Angela sa Tita Mercy niya na humugot muna nang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita sa harapan niya.Tumango naman nga ito sa kanya at saka na nagsalita, "Oo. Pumunta ako sa bahay n'yo. Four days ago na siguro. Pumunta kaagad ako sa bahay n'yo nang malaman ko nga ang tungkol sa nangyaring 'yon sa inyo ng mommy mo. Nalaman ko 'yon sa kaibigan niya na si Amelia. Nagkausap kaming dalawa nang pumunta ako doon sa kanya. Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi niya sa akin tungkol sa inyong dalawa. Ayaw ko na manghusga sapagkat isang panig pa lang ang naririnig ko at 'yon nga ang mommy mo. Gusto ko na marinig rin ang panig mo, Angela. Gusto ko marinig sa 'yo an

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 92

    Tinawagan si Angela ng kanyang Tita Mercy isang umaga. Naghahanda na siya papasok sa kanyang trabaho. Kaagad naman niyang sinagot ang tawag ng Tita Mercy niya. Gusto nitong magkita silang dalawa. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila sa kabilang linya. "Sino ba ang tumawag sa 'yo, baby?" tanong ni Edward sa kanya pagkasagot niya sa tawag ng Tita Mercy niya. Seryoso kasi ang mukha niya nang humarap siya sa guwapong boyfriend niya na si Edward.Huminga muna si Angela nang malalim at saka nagsalita, "Si Tita Mercy ang tumawag sa akin, baby.""Tita Mercy mo? Sino ba 'yon, huh?" nakakunot ang noo na tanong ni Edward sa kanya. Hindi kasi kilala ni Edward ang Tita Mercy niya sapagkat hindi pa niya ito nakukukwento dito simula nang maging silang dalawa. "Si Tita Mercy ay ang kapatid ni mommy. Hindi mo pa pala siya kilala dahil hindi ko pa naman siya pinapakilala sa 'yo, eh. Sorry kung hindi ko naipapakilala siya sa 'yo, baby," mabilis na tugon ni Angela sa boyfriend niya."Okay lang, baby

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 91

    Nagkita nga sa wakas sina Angela at Carl na kaibigan ng boyfriend niya na si Edward sumunod na linggo. Sa isang restaurant sila nagkita kung saan wala silang tatlo pasok sa kanilang trabaho. Hindi na nila sinayang pa ang pagkakataon na 'yon. Masayang-masaya silang tatlo lalo na sina Angela at Carl dahil sa wakas ay nagkakilala na sila sa personal. "Sa wakas ay nagkakilala na rin tayo sa personal, Angela," nakangising tugon ni Carl kay Angela. Kaharap nilang dalawa na magkasintahan si Carl. Nagngitian muna sina Angela at Edward. "Oo nga, eh. Masaya ako na nagkakilala na tayong dalawa sa personal, Carl. This is the right time for that. Am I right?" nakangising tugon rin ni Angela kay Carl na kaibigan ng guwapong boyfriend niya.Tumango ito sa kanya at nagsalita, "Oo nga, eh. You're right. This is the right time for that, Angela. Kaya hindi pa tayo nagkakilala before in person dahil hindi pa 'yon ang tamang panahon pero sa ngayon ay masasabi na natin na ito na talaga ang tamang panahon

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 90

    Bago dumilim ay nakauwi na nga si Edward sa apartment nilang dalawa ni Angela. Pagkabukas pa lang ng pinto ay niyakap na niya si Angela at insula ng maiinit na halik hanggang sa dalhin niya ito sa kama. They had sex. "Kumusta ang pagpunta mo sa kaibigan mo?" tanong ni Angela sa kanya habang nagpapahinga silang dalawa pagkatapos nilang mag-sex. Magkayakap silang dalawa na nakahiga sa malambot na kama."Okay naman, baby. Nag-usap lang kaming dalawa doon..." nakangising tugon ni Edward sa kanya."Talaga ba?""Oo, baby," sagot ni Edward sa kanya. Napakunot-noo si Angela pagkasabi ng boyfriend niya sa kanya. Naaamoy kasi niya ang bibig nito na para bang uminom ito ng beer. "Talaga ba, huh? Hindi ba kayo uminom ng beer, huh? Naamoy ko sa 'yo na parang uminom ka ng beer, baby," tanong ni Angela sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ng guwapong boyfriend niya.Ngumiti si Edward sa kanya at bumuga nang malamig na hangin at saka nagsalita, "Actually, kaya mo ako naamoy na ganoon ay dahil umino

  • My Mom's Boyfriend (Filipino)   Chapter 89

    "Nakatira kami ngayon sa isang apartment, bro. Umuupa lang kami doon dahil hindi naman 'yon sa amin, eh. Kilala ko naman ang may-ari ng apartment na 'yon, eh," sagot ni Edward sa kaibigan niya na si Carl. Carl nodded immediately and said, "Mabuti naman kung kilala mo nga ang may-ari ng apartment na 'yon. May discount na kayo n'yan kahit papaano. Tama ba ako, bro?""Yes, bro. May discount na ang ibabayad namin," sagot ni Edward sa kanya na nakangiti. Ngumiti rin si Carl sa kanya. "You're both lucky despite of what happened these past few weeks. Maraming salamat sa pagsabi mo sa akin nitong mga nalaman ko mula sa 'yo. Sana talaga ay mapatawad kayong dalawa ni Dina lalo ka na. Mapatawad sana kayong dalawa dahil deserve n'yo naman 'yon kahit papaano. Humingi na rin kayo ng tawad sa kanya. Inamin n'yo naman sa sarili n'yo na mali ang nagawa n'yo. Diyos nga ay nagpapatawad kapag may humihingi ng tawad, tayo pa kayang mga tao na nilang lamang niya, 'di ba? Umaasa ako na magiging maayos ang

DMCA.com Protection Status