Tumungo na silang tatlo sa kusina para kumain ng meryinda na niluto ng mommy niya. Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya si Angela sa nakikita niya sa harap niya. Akala niya ay may edad na rin ang boyfriend ng mommy niya ngunit nagulat na lang siya ng makita ang guwapong si Edward na mukhang ka-edad lang niya. Napakalayo ng age gap nito. Hindi niya maintindihan kung bakit 'yon ang boyfriend ng mommy niya. Napapangiwi na lang siya habang nakatingin sa mommy niya na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Edward. Tahimik lang siya ngunit nagpo-protesta ang buong sistema niya sa nakikita niya sa harap niya.
Habang kumakain sila ng meryinda panay ang sulyap ni Edward sa kanya na ipinagtataka niya. Kapag kinakausap ito ng mommy niya ay para bang napakalayo ng mga sagot. Palagi siya nitong gusto na isali sa usapan ng dalawa. Matapos nilang kumain ng meryinda ay nagpaalam na muna siya sa mommy niya na pupunta sa kuwarto niya. Pinayagan naman siya ng mommy niya.Hindi maalis-alis sa isipan ni Angela ang mga tagpong magkaharap silang dalawa ni Edward simula nang ipakikilala siya ng mommy niya dito hanggang sa kumakain sila ng meryinda. She could feel something towards him, but she doesn't even know what it is. Napakabilis pa rin ng tibok ng puso niya. First time niya na naramdaman 'yon kanina nang unang makita niya ang boyfriend ng mommy niya na mas bata pa dito. Sigurado siya na ka-edad lang niya ang boyfriend ng mommy niya.Humiga siya sa kanyang malambot na kama at ipinikit ang mga mata baka sakaling mawala sa isipan niya si Edward ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mas lalong naging laman ng isipan niya si Edward. Hindi maalis-alis sa isipan niya ang guwapong mukha nito at matatamis na ngiti na nagdudulot ng kakaibang ligaya sa kanya. Iminulat tuloy niya ang kanyang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Umupo siya at kinusot-kusot ang mga mata. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at kinurot-kurot ang magkabilaang pisngi. Napamura tuloy siya."What the hell is going on with me? Ba't ako nagkakaganito? Nagkita at nakilala ko lang siya ay nagkakaganito na ako ngayon. Ano'ng ibig sabihin nito? I can't get him out of my mind. Fuck! What's happening to me?" tanong niya sa kanyang sarili. Hindi mapakali si Angela sa loob ng kuwarto niya. Tatayo. Uupo. Hihiga. Tatayo. Uupo. Hihiga. Iyon ang tanging nagawa niya sa loob ng kuwarto habang nasa isipan si Edward.Makaraan ang ilang minuto ay nagpasya siyang lumabas sa kuwarto niya upang tumungo sa baba. Pababa pa lang siya sa hagdanan ay tanaw na tanaw na niya ang mommy niya at ang boyfriend nito na si Edward na naghahalikan sa sala. Babalik pa sana siya sa taas nang makita siya ng mommy niya kaya tinawag siya nito. Napalingon naman si Edward sa kanya. Alam niya na nakita silang dalawa na naghahalikan. Pinunasan kaagad niya ang labi niya gamit ang ilang daliri niya na hindi nakikita ni Dina.Nakaramdam tuloy ng hiya si Angela sa kanila. Alam niya na nakita siya ng mommy niya habang naghahalikan ito sa boyfriend na si Edward."Saan ka pupunta? Samahan mo na kami dito sa sala. Babalik ka pa ba sa kuwarto mo? Wala ka naman na gagawin doon, eh," wika ng mommy niya sa kanya.Mabilis naman na ginawaran niya ng pekeng ngiti ang mommy niya bago niya nagawang sumagot dito.Pinagpatuloy ni Angela ang paglalakad palapit sa kinaroroonan ng mommy niya kasama ang boyfriend nito na sa kanya nakatingin. Nahihiya siyang sulyapan ito. Hindi na naman niya maipaliwanag ang pagtibok ng puso niya na para bang hinahabol siya ng mga kabayo.Umupo siya sa tabi ng mommy niya. Tahimik lang siya na nakikinig sa usapan ng dalawa. Hindi naman siya maka-relate sa usapan ng dalawa. Naiinip lang siya."Uuwi po ba siya ngayon?" tanong ni Angela sa mommy niya. Tinatanong lang niya kung uuwi ang bisita nito na boyfriend. Dumidilim na kasi ang paligid.Pumunta ng restroom si Edward kaya nagawa niyang itanong 'yon. Silang dalawa lang ang nag-uusap doon."Hindi ko alam sa kanya kung uuwi siya ngayon. Nakadepende pa rin sa kanya kung uuwi siya. Wala namang problema kung dito siya matutulog. Malaki naman ang kama ko. Wala rin naman akong katabi matulog sa kuwarto ko. Boyfriend ko naman siya, 'di ba? Wala namang masama na matulog kami na magkatabi dahil boyfriend ko naman siya," sagot ni Dina kay Angela na anak niya na napakunot-noo sa narinig na sagot niya.Napakagat ng kanyang labi si Angela."Mommy, may sasabihin lang po ako sa 'yo. 'Wag ka lang na magagalit sa akin please," dahan-dahan na sagot ni Angela sa mommy niya na seryosong tinitigan siya sa kanyang mga mata."Ano'ng sasabihin mo sa akin, baby? Hindi naman ako magagalit sa mga sasabihin mo, eh. Wala naman sigurong dahilan upang magalit ako sa sasabihin mo, 'di ba?" sabi ng mommy niya na hinimas-himas pa ang magkabilaang pisngi niya gamit ang kamay nito.Bago sinabi ni Angela ang sasabihin niya sa mommy niya ay bumuntong-hininga muna siya at sinubukan na ikalma ang sarili niya."Wala na ka po bang puwede na gawin na boyfriend mo po? Mahigit twenty years po siguro ang agwat n'yo sa isa't isa. Sigurado ka po ba na mahal ka niya? Parang anak n'yo na lang po siya, eh," tanong ni Angela sa mommy niya na napangiwi sa tanong na 'yon.Dina let out a deep sigh and slowly opened her mouth to speak to her daughter. Ramdam niya ang pag-question nito sa kanya tungkol sa boyfriend niya na mahigit twenty years ang age gap.May punto naman si Angela sa sinabi sa kanya na parang anak na lang niya ito. Mukhang ka-edad pa ito ni Angela na nag-iisang babae na anak niya. Hindi naman siya nagalit sa katanungan na 'yon ni Angela ngunit hindi maiwasan na makaramdam siya ng pagkapahiya sa harap nito."Baby, naiintindihan naman kita kung bakit ganoon ang mga naitanong mo sa akin. Naiintindihan ko kung ano ang pinangagalingan mo. Alam ko na mas matanda ako sa kanya. Mahigit twenty years ang pagitan ng mga edad namin ngunit mahal ko siya. Mahal rin niya ako. Mahal namin ang isa't isa. Iyon ang totoo. 'Di ba sabi nila na hindi naman basehan ang edad sa pagmamahal? Hindi naman 'yon ang basehan dahil kapag tumibok ang ating mga puso ay wala tayong magagawa kundi sundin ang tinitibok nito. Sa pag-ibig ay wala tayong kawala. Kahit itago man ang puso ay magmamahal pa rin ito. Mahal namin ang isa't isa, baby. Wala kang dapat na ikabahala o ano pa tungkol sa aming dalawa. Edward is a good man and you could trust him too. Alam ko na nag-iisa lang sa puso mo ang daddy mo ngunit hindi naman nangangahulugan na may boyfriend na ako ay kakalimutan na natin siya. Hindi 'yon ganoon. He's still be in our hearts forever. Gusto ko lang na magkaroon man lang ng partner in life na makakasama ko kahit ano'ng oras dahil alam ko na mag-aasawa ka na rin n'yan soon. Mag-isa na lang ako sa buhay n'yan. Ayaw ko naman na maging malungkot," paliwanag ni Dina kay Angela na kahit ano'ng gawin na paliwanag nito sa kanya ay para bang hindi lubusang tinatanggap ng buong sistema niya.Gabi na nang umuwi si Edward na boyfriend nga ng mommy niya. Inihatid ito ng mommy niya sa labas ng bahay nila habang siya ay nakasilip lang sa bintana. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang dalawa sa labas ng bahay nila. Nang tuluyan nang makaalis ang boyfriend ng mommy niya ay isinara na niya ang bintana ng kuwarto niya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Pumasok na rin sa loob ng bahay nila ang mommy niya."You have an appointment this afternoon, sir. Should we cancel it or not?" paalala ni Angela kay Mr. Dominik Ramos na boss niya. She's working as his secretary for almost two years. Thirty years old na ang boss niya ngunit wala pa rin itong asawa.Her boss sighed deeply before he speaks to her. "No. We shouldn't cancel it. Ayaw ko na mawala ang ibang investors natin kapag hindi ko itinuloy 'yon. Tuloy pa rin ang appointment ko sa kanila," sagot nito sa kanya na mabilis naman niya na tinanguan."Ah, okay po, sir," sagot ni Angela sa kanya. "Nire-remind ko lang po kayo baka po kasi nakalimutan n'yo na o kaya ay ipapa-cancel n'yo 'yon."Mr. Dominik gave her a wide smile on his face and said, "Thanks for reminding me, anyway. Tuloy pa rin ang appointment ko with them. Still, I'm hoping for a good partnership with them. They're good friends too. I couldn't lose them all. They're very important to our company. Ihanda mo na ang kailangan, okay?"Angela nods quickly at him. "I got it, sir. Thank you for it. Now I know what I should do next. Pinaghahanda ko na po ang lahat kanina pa po, sir," sagot ni Angela sa boss niya na kung makatingin ay para bang hinuhubaran siya. Matagal na niyang napapansin 'yon sa boss niya kaya siya na lang ang nag-iiwas dito. Pinagpatuloy na ni Angela ang ginagawang trabaho."Hindi ka pa ba kakain ng lunch?" tanong ni Jenna kay Angela na kaibigan niya.Nagpakawala muna si Angela ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita kay Jenna na kaibigan niya."Kakain na ako ng lunch pero kaunting hintay lang dahil may pini-print pa ako. Kailangan kasi ito mamayang hapon," sagot niya sa kaibigan niya na tumango naman kaagad sa kanya."I see. Take your time, Angela. Akala ko kasi ay wala ka nang balak na kumain pa, eh. I'll wait for you here," sabi ni Jenna na kanya. Angela nods her head quickly."Ah, okay. Thank you for understanding me, Jenna. Maupo ka na muna d'yan sa couch. Ilang minuto lang naman 'to, eh, hindi naman tatagal ng isang oras 'to na ginagawa ko," nakangising sagot ni Angela sa kaibigan niya.Umupo muna si Jenna sa couch habang hinihintay matapos ang kaibigan niya sa ginagawa nito. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na nga siya. Kaagad naman na tumungo sila sa labas para kumain ng lunch. They still have forty-five minutes para kumain ng lunch.Habang kumakain sila ay sinabi ni Angela ang tungkol sa boyfriend ng mommy niya na akala niya ay ka-edad lang nito ngunit hindi naman pala. Umawang ang mga labi ni Jenna nang sabihin niya 'yon."Talaga? Guwapo ba 'to? Ano'ng hitsura niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jenna sa kanya. Uminom muna ng tubig si Angela bago sumagot sa kaibigan niya."Kung hitsura ang pag-uusapan natin ay may hitsura ang boyfriend ngayon ng mommy ko na mahigit twenty years ang age gap nila. Mukhang ka-edad siguro natin 'yon, eh. Hindi ko naman inaalam ang edad ng lalaking 'yon pero sigurado ako na ka-edad lang natin siya. Guwapo ang boyfriend ng mommy ko. Hindi lang guwapo," sagot ni Angela kay Jenna na interesado na malaman ang tungkol sa guwapong boyfriend ng mommy niya."Kung hindi lang 'yon guwapo, eh, ano pa siya? Malaki ang katawan? Hot ba siya? Makalaglag panty ba?" tanong pa nito sa kanya. Mabilis naman na tumango si Angela sa kanya para kumpirmahin 'yon."Lahat ng mga sinabi mo sa akin ay totoo.
Sumunod na gabi ay nagulat na lang si Angela nang maabutan niya sa loob ng bahay nila si Edward kasama ang mommy niya. Pasado alas nuwebe na ng gabi nang dumating siya. Nasa sala ang dala habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Magkahawak-kamay nga ang dalawa. Napakunot-noo kaagad siya pagkakita dito ngunit naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita niya ang guwapong si Edward. Sa kanya natuon ang atensiyon ng dalawa pagkalapit niya dito. Nagmano muna si Angela sa mommy niya at ngumiti naman siya kay Edward. Hindi puwedeng wala siyang gawin. Kahit hindi niya batiin ito ay okay lang basta nginitian lang niya. Hindi na ito mag-iisip ng negatibong bagay sa kanya."Nagabihan ka ngayon ng uwi," sabi ng mommy niya na si Dina sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap ng dalawa habang kausap ito. Nakatingin sa kanyang mukha si Edward kaya hindi maiwasan na makaramdam siya ng kaunting hiya dito. Kung makatingin pa naman ito sa kanya ay para bang hinuhubaran siya. Wala
"Good morning too," she greeted him in return. Edward accepted her greeting. He smiled at her again. "Kanina ka pa nandito?" tanong nga niya kay Edward na bago sumagot ito sa tanong niya ay nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga."I think mga thirty minutes na akong nandito, eh," sagot ni Edward sa kanya. Tumango-tango naman si Angela pagkasagot ni Edward sa kanya."Ah, ganoon ba? Akala ko kasi ay wala ka na, umuwi ka na," sagot ni Angela sa kanya."Hindi pa naman, eh. Maupo ka muna. Mag-usap muna tayong dalawa," nakangising sagot ni Edward sa kanya. Angela bit her lips and said, "Nag-uusap na nga tayong dalawa, 'di ba? Ano pa ba ang ibang matatawag sa ginagawa natin na 'to, huh?"She has a point naman sa sinabi niya pero ang ibig lang sabihin ni Edward ay mag-usap pa silang dalawa kaya pinapaupo niya ito sa kaharap na upuan na inuupuan niya kanina. Nakatayo pa rin naman siya. Hindi pa siya umuupo muli sa upuan na 'yon. Kaagad naman na nagsalita si Edward sa kanya para ipaliw
Hapon na nga nang umuwi si Edward. Uuwi na sana ito pagkakain nila ng breakfast ngunit hindi ito pinigilan ni Dina. "Mom, gusto mo po ba talaga siya na dito na tumira sa bahay natin?" nakangusong tanong ni Angela sa mommy niya nang makaalis na si Edward. Silang dalawa na lang ang magkasama sa loob ng bahay nila.Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga ang mommy niya bago sumagot sa tanong niyang 'yon. She licked her lips. "Oo naman, gusto ko. Bakit naman nga hindi, 'di ba? Wala namang masama, eh. Tayo lang dalawa ang nakatira dito sa bahay natin. Malaki naman ang bahay natin at magkasintahan naman kaming dalawa. Boyfriend ko siya at kung iisipin ay puwede na siyang tumira dito sa bahay natin. Bakit mo ba ako tinatanong, huh? Ayaw mo ba na tumira siya dito sa bahay natin, huh?" paliwanag ng mommy niya sa kanya na may kasamang tanong kung ayaw ba niyang tumira sa bahay nila si Edward. She sighed deeply before she speaks to her mom who is waiting for her answer."Mom, hindi n
Kinausap nga ng mommy ni Angela si Edward tungkol sa nais nitong mangyari na sa bahay na nila ito tumira tutal boyfriend naman silang dalawa. Pumayag naman si Edward sa kagustuhan na 'yon ni Dina na doon na siya tumira. Pabor naman nga siya dito. Kaagad naman na pinaalam ni Dina kay Angela 'yon sumunod na araw. Sinabi niya 'yon habang kumakain sila ng breakfast. Siningit 'yon ng mommy niya sa kanilang usapan na dalawa. Angela wasn't surprised as she heard it from her mom because she's expecting that he'll move at their house soon."Talaga po ba, mommy? Sinabi mo na 'yon sa kanya, huh?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Angela sa mommy niya na napansin niya na aabot hanggang tainga na naman ang mga ngiti.Her mom shakes her head and said quickly, "Yes. Sinabihan ko na siya tungkol sa bagay na 'yon. Wala naman sa kanyang problema kung dito na nga siya tumira sa bahay natin. Pumayag naman siya sa sinabi ko na 'yon sa kanya na dito na siya tumira sa atin. Wala naman siyang kasamang kapa
"Sinabihan na ni mommy ang boyfriend niya na sa bahay na ito tumira..." panimulang sabi ni Angela kay Jenna na kaibigan niya. Kasalukuyan silang kumakain ng lunch. Tumigil muna si Jenna sa pagkain at saka nagsalita sa kaibigan niya."Talaga ba? Seryoso ka? Sinabihan na ng mommy mo na doon na siya titira sa bahay n'yo?" paniniguradong tanong pa nito sa kanya.Mabagal naman na tumango si Angela sa katanungan na 'yon ng kaibigan niya na si Jenna sa kanya at saka nagsalita, "Oo. Seryoso ako sa sinasabi ko sa 'yo. Sinabi na nga niya sa boyfriend niya na si Edward."Napanguso si Jenna pagkasabi niya. Wala naman rin siyang magagawa dahil 'yon ang gusto ng mommy ng kaibigan niya na si Angela. "Pumayag naman ba ang boyfriend ng mommy mo na doon tumira sa bahay n'yo?" tanong ni Jenna sa kanya."Oo. Pumayag naman nga ito, eh. Wala naman siyang kapamilya na nandito sa Maynila, eh, kaya walang problema. Lahat ng mga kamag-anak niya ay nasa probinsiya at tanging siya lang naman ang nandito sa Mayn
Tahimik lang silang tatlo na kumakain ng dinner. Hindi pa rin tinatapunan ng tingin ni Angela si Edward na panay ang tingin sa kanya. Napapansin naman ni Angela 'yon ngunit hinahayaan lang niya. Patuloy lang siya sa pagkain ng dinner. Hindi naman gaano karami ang kinain niya. Sakto lang naman.Nang matapos silang kumain ay nagpresenta siya sa mommy niya na siya na lang ang magliligpit at maghuhugas ng kinainan nila. Pumayag naman ang mommy niya na siya ang gumawa ng bagay na 'yon. Pabor naman nga 'yon sa kanya. Nagpaalam na muna si Dina na tataas muna siya para tumungo sa kuwarto niya. Naiwan doon sa baba si Edward niya na susunod naman raw sa kanya. Naiwan doon sa baba sina Angela at Edward. Nagsisimula na nga si Angela na magligpit ng mga pinagkainan nila. Huhugasan naman na niya ang mga 'yon. Tahimik lang silang dalawa doon. Panay ang buntong-hininga ni Edward habang pinagmamasdan si Angela na ginagawa ang trabahong 'yon na siya naman ang nagpresenta sa mommy niya.Hinahayaan lang
Edward bit his lips and said, "Nakita kita kanina na nakasilip sa kuwarto ng mommy mo, Angela. You saw us having sex. Now I want you to say that it's true, Angela."Pinagpawisan ng malamig si Angela matapos na marinig 'yon na sinabi sa kanya ni Edward na nakita siya nito na nakasilip sa kuwarto ng mommy niya habang nagse-sex sila. Napamura siyang muli sa isip niya. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos 'yon. Nagpaulit-ulit sa isipan niya ang sinabing 'yon ni Edward sa kanya. She couldn't believe it that he would say it to her. Hindi lang siya pinagpapawisan ng malamig kundi nanlambot ang mga tuhod niya. Bumilis pa nga nang bumilis ang pagtibok ng puso niya. "Natahimik ka yata, Angela. Ba't ka ba natahimik, huh? You have to speak. Akala ko pa naman ay—" hindi na natapos ni Edward ang kanyang sasabihin nang magsalita na nga si Angela. Kahit siya ay nahihiya at kinakabahan dahil sa narinig niyang sinabing 'yon ni Edward sa kanya ay nagawa pa rin niyang magsalita."Akala mo ay ano, hu
"Kung 'yon po ang sinabi niya ay wala talaga tayong magagawa. Maraming salamat sa pagsabi sa akin na hindi ko puwedeng isama bukas si Edward sa pagpunta ko sa bahay namin. Maraming salamat po!" nakangusong tugon ni Angela sa Tita Mercy niya sa kabilang linya."Walang anuman 'yon, Angela. Sinabi ko lang 'yon para malaman mo, eh. Ikaw lang talaga ang gustong patawarin ng mommy mo at hindi ang boyfriend mo na si Edward. Wala talaga tayong magagawa dahil 'yon ang desisyon niya. We need to respect it," sagot ni Mercy sa kanya. "Sasabihin ko na bukas ka pupunta sa bahay n'yo para alam nga niya, Angela.""Sige po, Tita Mercy. Maraming salamat po sa tulong mo na 'to. Maraming salamat po talaga!" pasalamat ni Angela sa Tita Mercy niya sa pagtulong nito sa kanya."Walang anuman 'yon, Angela. Ginagawa ko lang ang parte ko para magkaayos kayong dalawa sapagkat ayaw ko na nagkakaganito kayo. Kagaya nga ng sabi ko sa 'yo na hindi dapat kayong dalawa nagkakaganito dahil mag-ina kayo. Imbis na nagmam
Dina took a very deep breath before she speaks to her sister Mercy who asked that questions. Sasagutin niya 'yon ngunit hindi lang diretso. "Kung napilitan ako, eh, desisyon ko na 'yon. Kung naiintindihan ko naman na 'yon o hindi ay desisyon ko pa rin 'yon, Mercy. Ako ang may kontrol sa sarili ko. Hindi kung sino man sa paligid ko, okay? Hindi ikaw, hindi kung sino pa d'yan. May sarili akong pag-iisip at hindi ako dapat na naniniwala sa sinasabi ng iba lalo na kung sa tingin ko ay hindi ko dapat paniwalaan," seryosong sagot ni Dina kay Mercy na kapatid nga niya na tumango-tango naman pagkasabi niya."Yeah, I know that, Dina. You have your own mind. Sana talaga ay tama ang naging desisyon mo at hindi ka napipilitan. Well, masasabi ko sa 'yo na tama ang naging desisyon mo. Magandang magkaayos kayong dalawa ng anak mo na si Angela. Anak mo pa rin siya kahit balik-baliktarin pa ang mundo. Walang magbabago, okay? Hindi dapat kayo nagkakaganitong dalawa. Imbis na mag-away kayo at magtanim
Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit hindi pa nagsasalita si Dina sa kapatid niya na si Mercy kaya ibinuka muli nito ang mga labi para magsalita sa harapan nito."Pakinggan mo kasi ang sinasabi nilang dalawa lalo na ng anak mo, Dina. Hindi naman niya nilandi o inagaw sa 'yo si Edward. Kailangan mo na tanggapin na hindi ka talaga niya mahal dahil ang anak mo na si Angela ang mahal niya. Nasaktan ka man, naiintindihan kita kung bakit ka nagagalit ng ganyan ngunit isipin mo naman ang relasyon n'yong dalawa ng anak mo na si Angela. Hindi dapat kayo nagkakaganito dahil lang sa iisang lalaki. Patawarin mo na sila, Dina. Huwag mong hayaan na mawala ang anak mo na si Angela. Alam ko na mahal mo pa rin siya kahit ganoon ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi 'yon maalis-alis kahit ano'ng gawin mo dahil ina ka at anak mo siya. Kung hindi mo kayang patawarin si Edward ay okay lang. Basta mapatawad mo si Angela na anak mo at magkaayos kayong dalawa ay mabuti. Kung patatawarin mo silang dalawa ay
"May iba pa po bang sinabi sa 'yo si mommy, Tita Mercy?" malumanay na tanong ni Angela sa Tita Mercy niya kung may iba pa bang sinabi ang mommy niya tungkol sa kanilang dalawa."Wala namang iba, eh. Iyon lang naman na sinabi ko sa 'yo, eh. Nalulungkot ako sa nangyaring 'to sa inyong dalawa ng mommy mo. Hindi dapat kayo nagkakaganito," nakangusong sagot ng Tita Mercy niya sa kanya."Ganoon rin naman po ako, Tita Mercy. Ayaw ko naman po na maging ganito kaming dalawa ni mommy. Mahal ko po siya at nalulungkot rin po ako sa nangyayaring 'to, eh. Sana po talaga ay mapatawad niya kami," sagot rin ni Angela sa Tita Mercy niya na nakanguso.Her aunt slowly nods her head and said, "Magtiwala ka lang na magkaayos kayong muli ng mommy mo, Angela. Gagawa ako ng paraan para magkaayos kayong dalawa. Nandito ako, okay? Ako ang bahala. I'll talk to her again."Napaluha pa si Angela sa sinabing 'yon ng Tita Mercy niya gagawa ito ng paraan para magkaayos silang dalawa ng mommy niya. In short, tutulunga
"Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin sa inyong dalawa ang mommy mo, Angela. Pinuntahan ko siya sa bahay n'yo. Nagkausap kaming dalawa tungkol nga doon sa nalaman ko sa inyo," seryosong sagot ng Tita Mercy ni Angela sa kanya."Talaga po ba? Pumunta ka sa bahay namin, Tita Mercy? Kailan pa po ba?" mabilis naman na tanong ni Angela sa Tita Mercy niya na humugot muna nang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita sa harapan niya.Tumango naman nga ito sa kanya at saka na nagsalita, "Oo. Pumunta ako sa bahay n'yo. Four days ago na siguro. Pumunta kaagad ako sa bahay n'yo nang malaman ko nga ang tungkol sa nangyaring 'yon sa inyo ng mommy mo. Nalaman ko 'yon sa kaibigan niya na si Amelia. Nagkausap kaming dalawa nang pumunta ako doon sa kanya. Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi niya sa akin tungkol sa inyong dalawa. Ayaw ko na manghusga sapagkat isang panig pa lang ang naririnig ko at 'yon nga ang mommy mo. Gusto ko na marinig rin ang panig mo, Angela. Gusto ko marinig sa 'yo an
Tinawagan si Angela ng kanyang Tita Mercy isang umaga. Naghahanda na siya papasok sa kanyang trabaho. Kaagad naman niyang sinagot ang tawag ng Tita Mercy niya. Gusto nitong magkita silang dalawa. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila sa kabilang linya. "Sino ba ang tumawag sa 'yo, baby?" tanong ni Edward sa kanya pagkasagot niya sa tawag ng Tita Mercy niya. Seryoso kasi ang mukha niya nang humarap siya sa guwapong boyfriend niya na si Edward.Huminga muna si Angela nang malalim at saka nagsalita, "Si Tita Mercy ang tumawag sa akin, baby.""Tita Mercy mo? Sino ba 'yon, huh?" nakakunot ang noo na tanong ni Edward sa kanya. Hindi kasi kilala ni Edward ang Tita Mercy niya sapagkat hindi pa niya ito nakukukwento dito simula nang maging silang dalawa. "Si Tita Mercy ay ang kapatid ni mommy. Hindi mo pa pala siya kilala dahil hindi ko pa naman siya pinapakilala sa 'yo, eh. Sorry kung hindi ko naipapakilala siya sa 'yo, baby," mabilis na tugon ni Angela sa boyfriend niya."Okay lang, baby
Nagkita nga sa wakas sina Angela at Carl na kaibigan ng boyfriend niya na si Edward sumunod na linggo. Sa isang restaurant sila nagkita kung saan wala silang tatlo pasok sa kanilang trabaho. Hindi na nila sinayang pa ang pagkakataon na 'yon. Masayang-masaya silang tatlo lalo na sina Angela at Carl dahil sa wakas ay nagkakilala na sila sa personal. "Sa wakas ay nagkakilala na rin tayo sa personal, Angela," nakangising tugon ni Carl kay Angela. Kaharap nilang dalawa na magkasintahan si Carl. Nagngitian muna sina Angela at Edward. "Oo nga, eh. Masaya ako na nagkakilala na tayong dalawa sa personal, Carl. This is the right time for that. Am I right?" nakangising tugon rin ni Angela kay Carl na kaibigan ng guwapong boyfriend niya.Tumango ito sa kanya at nagsalita, "Oo nga, eh. You're right. This is the right time for that, Angela. Kaya hindi pa tayo nagkakilala before in person dahil hindi pa 'yon ang tamang panahon pero sa ngayon ay masasabi na natin na ito na talaga ang tamang panahon
Bago dumilim ay nakauwi na nga si Edward sa apartment nilang dalawa ni Angela. Pagkabukas pa lang ng pinto ay niyakap na niya si Angela at insula ng maiinit na halik hanggang sa dalhin niya ito sa kama. They had sex. "Kumusta ang pagpunta mo sa kaibigan mo?" tanong ni Angela sa kanya habang nagpapahinga silang dalawa pagkatapos nilang mag-sex. Magkayakap silang dalawa na nakahiga sa malambot na kama."Okay naman, baby. Nag-usap lang kaming dalawa doon..." nakangising tugon ni Edward sa kanya."Talaga ba?""Oo, baby," sagot ni Edward sa kanya. Napakunot-noo si Angela pagkasabi ng boyfriend niya sa kanya. Naaamoy kasi niya ang bibig nito na para bang uminom ito ng beer. "Talaga ba, huh? Hindi ba kayo uminom ng beer, huh? Naamoy ko sa 'yo na parang uminom ka ng beer, baby," tanong ni Angela sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ng guwapong boyfriend niya.Ngumiti si Edward sa kanya at bumuga nang malamig na hangin at saka nagsalita, "Actually, kaya mo ako naamoy na ganoon ay dahil umino
"Nakatira kami ngayon sa isang apartment, bro. Umuupa lang kami doon dahil hindi naman 'yon sa amin, eh. Kilala ko naman ang may-ari ng apartment na 'yon, eh," sagot ni Edward sa kaibigan niya na si Carl. Carl nodded immediately and said, "Mabuti naman kung kilala mo nga ang may-ari ng apartment na 'yon. May discount na kayo n'yan kahit papaano. Tama ba ako, bro?""Yes, bro. May discount na ang ibabayad namin," sagot ni Edward sa kanya na nakangiti. Ngumiti rin si Carl sa kanya. "You're both lucky despite of what happened these past few weeks. Maraming salamat sa pagsabi mo sa akin nitong mga nalaman ko mula sa 'yo. Sana talaga ay mapatawad kayong dalawa ni Dina lalo ka na. Mapatawad sana kayong dalawa dahil deserve n'yo naman 'yon kahit papaano. Humingi na rin kayo ng tawad sa kanya. Inamin n'yo naman sa sarili n'yo na mali ang nagawa n'yo. Diyos nga ay nagpapatawad kapag may humihingi ng tawad, tayo pa kayang mga tao na nilang lamang niya, 'di ba? Umaasa ako na magiging maayos ang