Share

My Master Is A Monster (Tagalog)
My Master Is A Monster (Tagalog)
Author: Cristina_deLeon

Chapter 1.1: SLAVERY DISTRICT

Author: Cristina_deLeon
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER ONE

“SLAVERY DISTRICT”

HALOS hindi na makahinga si Lana sa sobrang lamig dala ng yelo na patuloy na nalalaglag mula sa makulimlim na kalangitan. Ang mga daliri at paa niya ay tila namamanhid na dahil manipis lamang ang suot niya. Bawat paghakbang na ginagawa niya ay isang malaking parusa para sa kanya. Ilang araw na rin siyang hindi kumakain at ni tubig ay hindi sila binibigyan ng kasalukuyang nagpapatakbo ng karawahe.

Hindi lamang siya ang hila-hila na parang isang kabayo ng karwaheng iyon. Marami silang nakagapos ang mga kamay sa likuran ng karawahe at kinakalakadkad sila habang naglalakad. Mabuti na lamang at mabagal lamang ang takbo niyon dahil kung mabilis ay baka hindi na siya nakasunod pa.

Lahat silang naroon ay mga babae na nakatakdang ibenta para gawing alipin ng mga bampira.

"Ano nang mangyayari sa atin ngayon? Siguradong katapusan na natin kapag ibinigay na tayo sa mga bampirang magiging master natin. Baka ubusin nila ang dugo natin. Mamamatay tayo..." Bakas ang takot sa mukha ng isang babaeng naroon. Batid nito kung ano ang nangyayari sa mga nagiging alipin ng mga bampirang katulad nila. Karamihan ay namamatay na lamang sa kamay ng mga bayolente at halang na kaluluwang mga bampira.

Ang iba sa kanila ay ginagawang alipin na walang karapatang tumanggi sa kahit anumang utos. Ang iba naman ay pinahihirapan ng mga sadistang bampira hanggang sa unti-unting mamatay. Ang iba ay ginagawang sex slave o kaya naman, inuunti-unting kainin hanggang sa maubusan ng dugo.

Alam na alam niya kung ano ang kapalaran ng mga aliping katulad nila. Ni isa sa mga bampirang nakasalamuha niya ay walang mabuti. Para sa mga ito ay isa lamang laruan ang mga katulad nila.

Ilang ulit na siyang naging alipin at napagpasa-pasahan ng mga bampirang kung ituring sila ay parang mga hayop. Katibayan niyon ang ilang pasa at peklat na makikita na sa buong katawan niya.

Ang huling bampirang naging master niya ay ibinalik din siya sa Slavery District. Isang ahensya na nagbebenta ng mga taong katulad nila sa mga mayayamang bampira.

Ang Planet Wayne ay isang planeta kung saan nabubuhay na magkasama ang mga tao at mga bampira. Pinamumunuan ito ng tatlong kaharian. Ang Wayne Kingdom, Prenyth Empire at Derus Empire. Ang tatlong kaharian ay konektado sa Slavery District. Nagsisilbing suportado ng gobyerno ang Slavery District dahil ang mga ito ang nagsusupply ng dugo sa mga bampira at maging ng mga buhay na tao para gawing alipin.

Sa planetang ito ay itinuturing na Diyos ang mga bampira at mababang uri ng nilalang naman ang mga tao. Iyon ay dahil ang mga bampira ay may iba't-ibang taglay na lakas o kapangyarihan na wala ang mga tao.

Sa bawat tribo ng mga tao ay mayroong sampung taong pinipili at kinukuha taon-taon para ialay sa mga makapangyarihang bampira. Taon-taon dahil normal nang namamatay ang mga alipin na napipili para magsilbi sa mga bampira. Iyon ang hindi makatarungang patakaran ng gobyerno. Walang boses at karapatan ang mga tao na kalabanin ang mga makakapangyarihang bampira. Kaya naman sa oras na mapili ka ay katapusan na ng mga maliligayang araw mo. Dahil hindi mo na muli pang makakapiling ang pamilya mo...

Isa siya sa mga minalas na tao. Ilang beses na siyang nakaranas ng humiliation. Animo manhid na rin ang katawan niya sa paulit-ulit na pananakit ng mga bampira at sa pangmamaliit ng mga ito sa katulad nilang mga tao. Ilang beses na rin siyang nagtangkang lumaban ngunit wala ring nangyari. Ang kapalaran ng mga tao sa kamay ng mga bampira ay kamatayan. Hindi man mamatay ang katawang lupa mo, katumbas na rin ng kamatayan ang pagdurusang pagdaraanan mo habang buhay ka pa. Kaya naman wala na siyang natitira pang pag-asa na makakatakas pa siya. Marahil ay dapat na magpasalamat na lang siya dahil patuloy pa rin siyang humihinga.

Tatlong taon na rin niyang hindi nakikita ang pamilya at ni hindi niya alam kung buhay pa ba ang mga ito. Kahit ang pakikipagkomukasyon sa labas ay hindi pinapayagan ng Slavery District at maging ng mga bampira na nakakabili sa kanila.

Wala ring saysay ang pagtakas sa mundo nila dahil kahit ilang beses man siyang magtangkang tumakas ay paulit-ulit lang siyang mahahanap ng gobyerno na pinamumunuan din ng mga bampira at ibabalik sa Slavery District.

Kaya naman naroon muli siya pabalik sa Slavery District. Isang lugar kung saan punong-puno ng mga masasamang bampira at animo mga baboy na binebenta sa palengke ang mga tao.

"Nandito na tayo!" Bumaba sa karawahe ang nagpapatakbo niyon saka paisa-isang tinanggal ang mga kamay nila sa pagkakatali sa kadena. Ang mga kamay nila na pulang-pula na at nagdurugo na sa sobrang pagkakahigpit ng kadena kaya hindi rin sila makakapanlaban.

"Parang awa na po ninyo! Ayoko pa pong mamatay!" Humahagulgol na ng iyak ang isang babae roon na alam niyang bagong salta lang sa Slavery District.

Hindi kataka-takang nanginginig ito sa takot dahil ganoon din siya noon. Humihingi ng awa sa mga bampirang walang kinikilalang Diyos kundi ang mga demonyo.

"Lapastangan kang babae ka!" Parang walang narinig ang bampirang gwardiya. Kumuha ito ng latigo at walang awang pinaghahampas ng ilang ulit ang babaeng tumitili na sa sobrang sakit.

"W-wag! Ah! P-parang awa n'yo na po! Aray ko pooo!" pagsigaw nito habang humahagulgol ng iyak.

Lalo lamang nanginig sa takot ang ibang kasamahan nila roon. Napakabata pa ng babaeng kasalukuyang hinahampas ng latigo ng bampira. Puno na ng pantal at duguan na ang balat nito! Gustuhin man niyang pumigil sa nakikitang kaharasan ay alam niya na wala rin siyang magagawa.

"Mga hayop kayo! Mga halimaw! Mamamatay-tao! Mga walang-awa! Halang ang kaluluwa!" Dala na rin ng galit ay napasigaw na ng ganoon ang babae.

Pinagtawanan lamang ito ng bampirang gwardiya saka sila tiningnan. "Ang mga hamak na taong katulad ninyo ay walang ibang lugar sa mundong ito kundi ang maging laruan at pagkain lamang namin. Ang mga katulad ninyo ay walang karapatang sumagot sa Diyos ninyo! Kaya naman bibigyan ko kayo ng leksyon!" Iyon lamang at agad nitong nilapitan ang babaeng nilalatigo nito saka ito sapilitang pinatayo.

Sa sobrang panghihina ay animo bumibigay pa rin pabagsak ang katawan ng babae pero itinayo ito ng bampira sa pamamagitan ng pagsakal dito. Saka walang anumang inilabas nito ang pangil nito at walang pag-aalinlangan na ibinaon nito iyon sa leeg ng biktima nito.

"E-eekkk!" napasigaw ang babae at tila nanginginig pa ang katawan nito sa sobrang sakit na nararamdaman. Maging ang paa nitong nasa ere ay nangingisay na rin. Pero tinakpan ng lalaking gwardiya ang bibig nito kaya naman nakulog lamang ang naudlot na pagsigaw nito.

Tumutulo ang dugo nito sa sahig habang namimilipit ito sa sakit. Winakwak ng bampira ang leeg nito at unti-unting naubos ang dugo sa buong katawan nito na naging dahilan nang biglang pagpayat nito. Unti-unting nawalan ng buhay ang nakadilat pa rin na mga mata ng babae hanggang sa ibinagsak na ito ng gwardiya sa lupa.

Shock silang lahat sa nakita nila at puno ng hilakbot ang mga balat nila. Halos buto na lang ang natira sa katawan ng babae!

"Ngayon ay alam na ninyo kung ano ang nangyayari sa mga sumusuway sa mga makapangyarihang katulad namin. Kaya kung nais ninyo na humaba pa ang buhay ninyo ay siguraduhin ninyo na paliligayahin ninyo ang mga magiging master ninyo," babala pa nito saka na ito nagpatiuna at sumunod na lamang sila.

Unti-unting nanginig ang mga kamay niya. Hindi na siya makapaglakad ng maayos. Sa tatlong taon ng pagiging alipin niya sa kamay ng iba't-ibang bampira ay hindi pa rin siya nasasanay na makakita ng mga taong pinapatay ng mga ito na wala ni katiting na bakas ng kunsensya. Naroon pa rin ang matinding takot niya para sa mga kampon ng dilim.

This world is cruel. Kahit anong gawin nila ay wala silang laban...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A Monster

    Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Final Chapter Part 1: Ang Katapusan Ng Kasamaan

    Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 21.2: Ang Pag-Amin

    Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 21.1: Ang Malamig Na Kweba

    Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng Prinsepe

    Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 20.1: Ang Pagbabago

    Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang Pagkabigo

    Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang PagkabigoWritten By: Cristina de LeonPUMUNTA SILA sa batis at naupo roon kung saan may isang malaking bato sa gilid. Pinakalma muna niya ang sarili niya bago tuluyang magsalita. "MASTER WAYNE—" Mag-uumpisa pa lang ng sasabihin si Lana ay hindi na agad iyon natuloy dahil sinugod na ng yakap ni Wayne ang babae."Ang akala ko ay hindi na kita ulit makikita, Lana. Takot na takot ako. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, Lana. Alam ko na mahirap gawin pero sana ay dumating ang panahon na mapatawad mo pa ako..." Hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak. Punong-puno ng pagkasabik ang puso niya at pakiramdam niya, napakatagal na simula ng huli silang magkita.Ngumiti lang si Lana habang hinahaplos ang likuran niya. "Matagal na kitang napatawad, Master Wayne. Matagal ka na rin namang nagsorry 'di ba? Huwag mo nang isipin iyon."Napahiwalay siya ng yakap

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 19.1: Muling Pagkikita

    Chapter 19.1: Muling PagkikitaWritten By: Cristina de LeonNarating din ni Wayne sa wakas ang bagong lugar na kinaroroonan ng tribo. Totoong napakalayo nga niyon at hindi na sakop ng Wayne Kingdom.Gaya ng inaasahan, pagpasok niya sa kampo ay ang nangangambang tingin na kaagad ang ibinigay sa kanya ng lahat."Ang prinsepe ng mga bampira!" Sa gulat niya ay bigla na lamang may sumigaw na babae nang makita siya."Siya ang master ni Lana, hindi ba? Nasundan na nila tayo! Katapusan na natin!" Naghisterikal na rin ang isa pang babae roon.Naging matalim naman ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan.Sa gulat niya ay bigla na lamang may naghagis ng sibat sa kanya at dahil maliksi siya bilang bampira ay naiwasan niya iyon. Pero hindi pa siya nakakabawi sa pagkakagulat ay sunod-sunod na namang sandata ang pinaulan ng mga tao sa kanya. Mga bala ng baril, bato, kutsilyo at kung ano-ano pa!"

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 18.3: I Will Do Anything

    Chapter 18.3: I Will Do AnythingWritten By: Cristina de LeonNatigilan siya."Alam kong mahal mo talaga si Lana, Wayne. Nakikita ko sa mga mata mo dahil ganyan din ang nararamdaman ko para kay Princess Tiana. Alam ko ang pakiramdam na para ka ng mababaliw dahil kahit gustuhin mo pa, hindi mo maaaring makita ang babaeng pinakamamahal mo. Alam kong mahal na mahal mo siya kaya ka nagkakaganyan pero kahit minsan lang ba e, natanong mo sa sarili mo kung mahal ka rin ba niya?"Hindi siya nakapagsalita. Tinamaan siya ng sinabi ni Stefan."Kayong dalawa ni Chaos, halos magpatayan kayo para lang mapunta sa inyo si Lana. No'ng dumating kayo sa punto na sa tingin ninyo ay talagang walang magpapatalo sa inyong dalawa ay nagdesisyon kayo na paghatian na lang siya. Pero pumasok man lang ba sa isip ninyo na tanungin si Lana kung gusto ba niya? Kung mahal ba niya ang kahit isa man lang sa inyo? Hindi! Walang nag-isi

DMCA.com Protection Status