Share

Chapter 2.1: Isang Panaginip

last update Huling Na-update: 2020-08-29 19:26:53

CHAPTER TWO

“THE EVIL PRINCE”

Kinilabutan si Lana nang makitang sa kanya nga nakatingin si Prinsepe Wayne. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito at ang mga mata nito ay nagbabadya ng panganib.

Sa isang iglap, para siyang nawalan ng dila. Nangyari ang kinatatakutan niya. Siya ang napili para maging alipin ng prinsepe.

Sa pagkakataong ito, sa tingin niya ay talagang mamamatay na siya. Sa totoo lang, dahil sa mga pinagdaanan niya noon bilang alipin sa iba't-ibang mayayamang bampira na nakasalamuha na niya ay tinanggap na niya sa sarili na kamatayan din ang bagsak niya. Sabihin na natin na hindi lang talaga kamatayan ang kinatatakutan niya ngayon kundi ang alam niyang magiging pagdurusa niya sa kamay ni Prinsepe Wayne. Alam niya na hindi ito basta papayag na mamatay na lang siya sa madaling paraan.

"Lapastangang alipin. Ni hindi man lang magawang tumayo matapos ko siyang piliin." Pagkatapos ng ilang segundo na pagtitigan lamang nila ng prinsepe ay nagsalita na rin ito.

Napanganga naman ang may-ari ng Slavery District na si Ka Esteban. Alam kasi nito na kung hindi matutuwa sa sandaling iyon ang prinsepe ay hindi malabo na maging ang buhay nito ay malagay din sa panganib. Walang sinuman ang maaaring sumuway o kumalaban sa prinsepe dahil kapag nangyari iyon ay kamatayan o pagdanak ng dugo ang magiging kapalit.

"Isa kang tampalasang babae! Narinig mo ang sinabi ng prinsepe! Tumayo ka riyan at lumapit sa kanya ngayon din!" Nang matauhan ang may-ari ng Slavery District ay agad siya nitong sinigawan.

Pinilit niya na tumayo para hindi magalit ang bago niyang 'master' pero para bang wala nang lakas ang tuhod niya sa sobrang takot.

"Sinabi ko na sa 'yo na lumapit ka sa prinsepe, e!" Tinadyakan siya ni Ka Esteban nang hindi siya makagalaw. Naramdaman niya ang sakit ng pagtadyak nito sa kanyang tiyan.

Tiningnan naman ito ng masama ni Prinsepe Wayne. "Alipin ko siya kaya walang ibang maaaring manakit sa kanya kundi ako lang at ang mga taong malalapit sa akin. Ang lakas ng loob mo na saktan ang pag-aari ko."

Namutla si Ka Esteban dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Hindi ito makapagsalita.

Binalingan siya ni Prinsepe Wayne. "Tumayo ka, babae. Hindi ka isang prinsesa na kailangang buhatin ng isang prinsepe. Isa ka lang mababang uri ng nilalang kaya kailangan mong ibigay ang lahat ng lakas mo para masunod ang inuutos sa 'yo ng master mo," sabi ng lalaki.

Hindi nakapagsalita si Lana. Katulad ng inaasahan niya ay masamang bagay nga ang lumabas sa bibig ng prinsepe. Alam niya na hindi purkit ipinagtanggol siya nito kay Ka Esteban ay mabuti na ito. Maaaring mas masama pa ito kaysa sa matanda.

Tumalikod na si Prinsepe Wayne at saka nag-abot ng mabigat na supot ng ginto kay Ka Esteban na halatang nagningning ang mga mata sa salapi na nakatakda na nitong waldasin. Dire-diretso na lumabas si Prinsepe Wayne at siya naman ay pinilit na niya ang sarili na sumunod dito.

Sumakay ito sa karawahe at akmang sasakay din siya roon pero pinigilan siya nito.

"Ang lakas ng loob mo na magtangka na tumabi sa isang prinsepe na katulad ko. Alipin, gumising ka sa pangangarap mo." Biglang tinampal ni Prinsepe Wayne ang noo niya palabas ng karawahe kaya naman bumagsak siya sa lupa.

Sinenyasan ni Prinsipe Wayne ang nagpapatakbo ng karawahe at nanlaki ang mga mata niya nang inutusan nito ang lalaki na itali ang mga kamay niya sa likuran ng karawahe! Plano siyang kaladkarin ng lalaki sa karawahe nito!

Kaninang papunta sila sa Slavery District ay ganoon na ang ginawa sa kanila pero mabagal lamang ang takbo ng karawahe. Sa pagkakataong ito na magandang klase ng kabayo ang gamit ng prinsepe ay maaaring pabilisin pa nito ang pagpapatakbo para pahirapan siya!

"Prinsepe Wayne, maawa na po kayo, please, huwag po ninyong gawin ito!" Napaiyak na siya sa sobrang takot. Mahina ang mga tuhod niya ngayon kaya kung maglalakad siya ng mabilis para mahabol ang karawahe ay maaaring ikamatay na niya.

Pero imbes na makinig ay isang nakakabinging sampal ang pinadapo ni Prinsepe Wayne sa pisngi niya nang lumabas itong muli sa karawahe para lapitan siya.

"Isa ka lang alipin at hindi ka karapat-dapat sa awa ko! Malakas ang loob mo na hindi tumayo agad kanina matapos kitang tawagin. Mahina ang tuhod mo? Ngayon ay magiging malakas na iyan sa gagawin mo!" Pagsigaw ng prinsepe habang nakakulong ang mukha niya sa marahas na pagkakahawak nito. "Kung gusto mo pang mabuhay ay huwag kang reklamador!" Itinulak na nito palayo rito ang mukha niya saka ito tumayo at bumalik na sa karawahe.

Iyon lang at agad na siyang itinali ng nagmamaneho ng karawahe sa likuran ng karawahe. Wala na siyang nagawa kundi ang maawa na lang sa sarili habang pinapanood ang sarili na itinatali ng mahigpit doon.

Nag-umpisa nang umandar ang karawahe. Sa umpisa ay mabagal lamang ang takbo niyon kaya nagagawa pa niyang sumabay sa paglalakad. Hanggang sa nagreklamo na ang prinsepe na masyado raw mabagal ang takbo nito kaya naman pinatakbo na iyon ng matulin ng nagpapaandar.

Habang tumatakbo ang kabayo ng karawahe ay matulin na rin ang pagtakbo niya. Magkahalo ng pagod, gutom at uhaw ang nararamdaman niya. Hilong-hilo na siya at pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng dugo. Umiikot na ang paningin niya at nanlalabo na iyon nang dahil sa luha na pumapatak sa mga mata niya.

Alam niya na ang pinagdadaanan niya ngayon ay umpisa pa lang ng pagpapahirap na mararanasan niya sa kamay ni Prinsepe Wayne. Katulad ng inaasahan niya ay masama rin ito katulad ng lahat ng bampirang nakasalamuha na niya. Laruan lamang ang tingin ng mga ito sa mga taong katulad nila.

Biglang pumasok sa isipan niya ang pamilya niya. Sa tagal ng panahon na malayo siya sa mga ito ay alam niya na ipinagpapalagay na rin ng mga ito na patay na nga siya. Kung tutuusin, maswerte na siya na umabot pa siya ng tatlong taon na buhay sa pagiging alipin.

Pero ngayon ay para bang nais na niyang sukuan ang buhay niya. Lalo pa ngayon na sa isa siyang prinsepe napunta. Ang pagtakas ay mas malabo pa kaysa sa pagputi ng uwak.

Sa sobrang panghihina at bilis ng pagtakbo ng kabayo ay nadapa na siya. Nakakaladkad na siya ng kabayo at ramdam na niya na may mga sugat na rin ang mga kamay at katawan niya. Nagdurugo na ang mga iyon sa sobrang hapdi.

Doon na nagdilim ang paningin niya. Siguro nga ay hanggang dito na lang ang buhay niya...

"HINALIKAN ng prinsepe si Snow White kaya nagising na ito at nabali na ang sumpa. Naging masaya rin ang mga duwende sa paligid nila at nabuhay sila ng masaya at matiwasay."

Hindi mapigilan ng walong taong gulang na si Lana na hindi pumalakpak nang marinig ang masayang kwento ng mama niya tungkol sa isang prinsepe na ginawa ang lahat, maprotektahan lamang ang prinsesa nito.

"Mama, kapag lumaki ako ay gusto ko ring makatagpo ng prinsepe katulad ni Prince Charming. Pangarap ko na makapag-asawa ng katulad niya, Mama!" Masiglang sabi ni Lana.

Magiliw naman na ginulo ng Mama niya ang buhok niya. "Ikaw anak, ha. Ang bata-bata mo pa, ang landi-landi mo na," natatawang biro ng Mama niya.

Tumawa rin ang Papa niya na nasa tabi lang din nila at nakikinig din sa Mama niya habang kinukwento nito ang story ni Snow White.

"Ah, basta, paglaki ko ay mag-aasawa ako ng prinsepe na kasing gwapo, kasing lakas at kasing bait ni Prince Charming. Magiging masaya rin ako katulad ninyo ni Papa at mag-aanak kami ng isang dosena!" Inosenteng sabi ni Lana.

Lalo lamang natawa ang mga magulang ng bata.

"Walang masamang mangarap, anak. Pero pakatandaan mo na hindi lahat ng prinsepe sa mundong ito ay mabuti. Mayroon din sa kanila na aabusuhin ka at sasaktan kaya mag-iingat ka sa lalaking mamahalin mo balang araw, ha?" Pangaral naman ng Papa niya.

"Opo, Papa, Mama. Mag-aasawa ako ng isang lalaki na gagalangin at rerespetuhin ako balang araw. Isang lalaki na kaya akong ipagtanggol at hindi ako sasaktan. Magiging masaya kami katulad ng pagiging masaya ng pamilya natin!" Positibong sabi ni Lana. Niyakap naman siya ng mga magulang niya nang mahigpit na mahigpit.

Sa paglipas ng mga panahon ay hindi inaasahan ni Lana na hindi pala gano'n kaganda ang mundo katulad ng inaakala niya. Dahil sa mundong ito ay mas marami pa ang mga demonyong bampira kaysa sa mga tunay na tao...

Kaugnay na kabanata

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 2.2: Ang Paggising Mula Sa Katotohanan.

    "GUMISING KA, ALIPIN!"Napabalikwas ng bangon si Lana nang maramdaman na may nagsaboy ng malamig na tubig sa kanya.Nilingon niya ang paningin sa paligid. Naroon siya sa isang madilim, masikip, mainit at ni walang bintana na kwarto. Para iyong isang bartulina at hindi nga siya nagkamali dahil may rehas ang pintuan ng kwarto.

    Huling Na-update : 2020-08-29
  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 3.1: The Cold Hearted Beast

    CHAPTER THREE“THE COLD HEARTED BEAST”"Take off your clothes."

    Huling Na-update : 2020-08-29
  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 3.2 : Hell

    NAPATILI SI LANA nang mamalayan kung ano ang katabi niya. Isang napakalaking daga na mukhang plano siyang kagatin!"Aahhh!!!" Napatili siya sa sobrang gulat.Saka niya namalayan na hanggang ngayon ay nakahubad pa rin pala siya.

    Huling Na-update : 2020-08-29
  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 4.1: Ang Mabuting Bampira

    CHAPTER FOUR“ANG MABUTING BAMPIRA”SA ARAW-ARAW na pananatili ni Lana sa palasyo ay wala siy

    Huling Na-update : 2020-08-29
  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 4.2: Isang Pag-ibig.

    "Hindi ako madalas na nakikipag-usap sa mga nagiging alipin ng kapatid ko dahil ayaw ko rin na mapalapit sa kanila. Dahil alam ko na kapag dumating ang araw ay wala rin akong magagawa para iligtas sila sa magiging kapalaran nila pero iba ka. Nakita ko kung paano kang humahanga sa mga bulaklak na inaalagaan ko at bihira lamang dito sa palasyo ang nakakaappreciate sa kanila kaya naman naisipan kitang kausapin," sabi nito nang hindi na siya nakapagsalita.Alam niya na halatang-halata na sa mukha niya ang pamumula pero parang hindi man lang nito napapansin na may nararamdaman siyang kung ano.

    Huling Na-update : 2020-08-29
  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 5.1: Princess Tiana

    CHAPTER FIVE“PRINCESS TIANA”NANG ARAW na iyon ay pinatawag si Lana ni Wayne para pagsilbihan ang dumating nitong mga b

    Huling Na-update : 2020-08-29
  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 5.2: Tamang Hinala.

    Mukhang mabait ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Kung kababata ito ni Stefan, hindi nakapagtataka na mabait ito. Pero kababata rin nito si Prince Wayne. Bakit kaya sa tatlo ay si Wayne lang ang may masamang ugali?"Sana ay makapunta ka rin sa birthday party ko next month. Aasahan ko 'yan, ah?" mabait na paanyaya nito.Medyo natagalan bago siya sumagot. Hindi pa rin talaga siya san

    Huling Na-update : 2020-08-29
  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 5.3: Ang Masamang Balak.

    SAMANTALA, tuluyan nang nawalan ng malay si Lana nang dahil sa pagsipsip ng dugo ng tatlong bampira sa kanya. Hinang-hina ang katawan na napahiga siya sa sahig habang tumutulo pa ang dugo sa sugat na ginawa ng mga bampira."Naku, napatay ba natin siya?" Biglang nakaramdam ng takot ang isang babae."Kayo kasi, bakit nakipag-agawan pa kayo sa akin? Ang akala ko ba ay gusto n'yo lang na

    Huling Na-update : 2020-08-29

Pinakabagong kabanata

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A Monster

    Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Final Chapter Part 1: Ang Katapusan Ng Kasamaan

    Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 21.2: Ang Pag-Amin

    Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 21.1: Ang Malamig Na Kweba

    Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng Prinsepe

    Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 20.1: Ang Pagbabago

    Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang Pagkabigo

    Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang PagkabigoWritten By: Cristina de LeonPUMUNTA SILA sa batis at naupo roon kung saan may isang malaking bato sa gilid. Pinakalma muna niya ang sarili niya bago tuluyang magsalita. "MASTER WAYNE—" Mag-uumpisa pa lang ng sasabihin si Lana ay hindi na agad iyon natuloy dahil sinugod na ng yakap ni Wayne ang babae."Ang akala ko ay hindi na kita ulit makikita, Lana. Takot na takot ako. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, Lana. Alam ko na mahirap gawin pero sana ay dumating ang panahon na mapatawad mo pa ako..." Hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak. Punong-puno ng pagkasabik ang puso niya at pakiramdam niya, napakatagal na simula ng huli silang magkita.Ngumiti lang si Lana habang hinahaplos ang likuran niya. "Matagal na kitang napatawad, Master Wayne. Matagal ka na rin namang nagsorry 'di ba? Huwag mo nang isipin iyon."Napahiwalay siya ng yakap

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 19.1: Muling Pagkikita

    Chapter 19.1: Muling PagkikitaWritten By: Cristina de LeonNarating din ni Wayne sa wakas ang bagong lugar na kinaroroonan ng tribo. Totoong napakalayo nga niyon at hindi na sakop ng Wayne Kingdom.Gaya ng inaasahan, pagpasok niya sa kampo ay ang nangangambang tingin na kaagad ang ibinigay sa kanya ng lahat."Ang prinsepe ng mga bampira!" Sa gulat niya ay bigla na lamang may sumigaw na babae nang makita siya."Siya ang master ni Lana, hindi ba? Nasundan na nila tayo! Katapusan na natin!" Naghisterikal na rin ang isa pang babae roon.Naging matalim naman ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan.Sa gulat niya ay bigla na lamang may naghagis ng sibat sa kanya at dahil maliksi siya bilang bampira ay naiwasan niya iyon. Pero hindi pa siya nakakabawi sa pagkakagulat ay sunod-sunod na namang sandata ang pinaulan ng mga tao sa kanya. Mga bala ng baril, bato, kutsilyo at kung ano-ano pa!"

  • My Master Is A Monster (Tagalog)    Chapter 18.3: I Will Do Anything

    Chapter 18.3: I Will Do AnythingWritten By: Cristina de LeonNatigilan siya."Alam kong mahal mo talaga si Lana, Wayne. Nakikita ko sa mga mata mo dahil ganyan din ang nararamdaman ko para kay Princess Tiana. Alam ko ang pakiramdam na para ka ng mababaliw dahil kahit gustuhin mo pa, hindi mo maaaring makita ang babaeng pinakamamahal mo. Alam kong mahal na mahal mo siya kaya ka nagkakaganyan pero kahit minsan lang ba e, natanong mo sa sarili mo kung mahal ka rin ba niya?"Hindi siya nakapagsalita. Tinamaan siya ng sinabi ni Stefan."Kayong dalawa ni Chaos, halos magpatayan kayo para lang mapunta sa inyo si Lana. No'ng dumating kayo sa punto na sa tingin ninyo ay talagang walang magpapatalo sa inyong dalawa ay nagdesisyon kayo na paghatian na lang siya. Pero pumasok man lang ba sa isip ninyo na tanungin si Lana kung gusto ba niya? Kung mahal ba niya ang kahit isa man lang sa inyo? Hindi! Walang nag-isi

DMCA.com Protection Status