Halos isang linggo na gano'n ang nangyari. Maagang umaalis ang kanyang mister patungo sa trabaho at gabi na rin kung ito ay umuwi.
Pasalamat na lamang siya dahil ibinili siya nito ng cellphone. Kahit papaano ay tumatawag ito sa tuwing break niya sa trabaho. Gayunpaman, sa tuwing uuwi ito lagi pa rin nitong sinasabi na nami-miss siya nito.
"How I wish pwede kitang isama sa trabaho." Mataman itong nakatitig sa kanya habang inaayos ng babae ang kanyang suot na kurbata.
"Madi-distract ka lang sa kagandahan ko." Biro naman ng kanyang misis na nagpangiti sa kanya ng matamis.
"You will never be a distraction to me, my Amber. Instead you are an inspiration to me."
Napalabi naman ang babae sa narinig.
"Weh? Talaga ba? Parang hindi true 'yan. Dito nga sa bahay kapag may dala kang trabaho, sa halip na 'yong documents ang gawin mo, mamaya niyan ako na ang trinatrabaho mo."
Mahina namang natawa ang lalaki sa kanyang tinuran.
"Ashtonnn!" Pumalahaw siya ng iyak habang tila sasabog na ang kanyang puso. Patay na si Ashton Blumentrint. Ayon kay Indigo ay nasangkot sa aksidente ang kanyang mister. Halos hindi na makilala ang bangkay ng lalaki dahil sumabog ang sinakyan nito matapos tumaob. "Hindi totoo 'to! Buhay si Ashton. Sabihin niyong prank 'to!" Kulang na lamang ay maglupasay si Amber. Kausap lamang niya kaninang umaga ang lalaki pagkatapos ay biglang darating si Indigo at sasabihin nitong wala na ang kanyang mister. "Huminahon ka, Amber. Walang mababago kahit magwala ka pa." Bagama't makikita ang simpatya sa mga mata ng binata ay tila nagpanting pa rin ang tainga niya sa sinabi ni Indigo. Puno ng hinanakit na bumaling siya kay Dark Indigo. "Huminahon? Narinig mo ba ang sinabi mo? Nawalan ako ng asawa, Indigo. Nawalan ng ama ang mga anak ko, tapos sasabihin mong huminahon ako?" Dismayado siyang napailing. "That's not what I want to
Kahit anong pigil ni Amber ay hindi pa rin niya napigil ang sariling mapaluha. "Ashton." Mahinang usal niya kasabay ng pagyakap niya sa unan na ginagamit noon ng kanyang mister. Lalong bumuhos ang kanyang luha nang maalala niya ang mga araw na yakap-yakap siyang matulog ng lalaki. "Ang daya mo, tanders." Humihikbing turan. Pinipilit naman niyang iwaksi si Ashton sa kanyang isipan ngunit kahit saan siya tumingin ay may alaala ang kanyang kabiyak. "Awat na sa kaiiyak." Sumisinok niyang kinausap ang sarili. Pinunas niya ang kanyang luha at mahinang sinampal ang kanyang pisngi. "May baby ka sa tummy kaya dapat strong ka. Hindi ka dapat umiiyak." Iyan ang sabi niya sa sarili ngunit kusa namang tumulo ang kanyang luha. Kahit anong pang-aalo niya sa sarili ay hindi pa rin niya mapatahan ang sarili. Pinagsawa niya ang sariling lumuha. Hanggang sa nakatulugan niya ang pagod sa pag-iyak.
Maganda ang vacation house ng mga Villacorda. Isa iyong modern bungalow house. May floor to ceiling glass wall ang ikalawang palapag na tamang-tama para makita ang view ng dagat na walking distance lamang ang layo. Labis iyong nagustuhan ni Amber. Tila ba hindi kumpleto ang kanyang araw kung 'di siya pupunta sa dagat. Sa tuwing pinapanood niya kasi ang dagat ay tila nakakaramdam siya ng kapayapaan. Tuwing dumadampi ang malamig na hangin sa kanyang balat ay tila ba napapanatag siya. Pakiramdam niya ay tinatangay ng hangin ang kanyang mabigat na dalahin. Umupo siya sa upuang gawa sa kahoy. Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa kulay asul na dagat. Tulad ng araw-araw niyang ginagawa sa nakaraang dalawang linggo ng pamamalagi nila roon. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang pag-iyak. Hindi na katulad noon na kung pwede lang ay umiyak siya ng umiiyak hanggang sa wala na siyang mailuha. Nawala ang atensiyon niya sa dagat nang huminto sa 'di kala
Umuwi si Amber na may baong ngiti. Hiling niya, sana ay masilayan niyang muli ang lalaki. Pakiramdam niya kasi ay si Ashton Blumentrint ang kanyang nasisilayan. Naging magana rin siyang kumain ng hapunan. Hindi napalis ang kanyang ngiti hanggang sa humiga na siya sa kama. "Huwag ko na lang titigan 'yong mata niya." Mahina niyang turan kasabay ng pagyakap niya sa malaking unan. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha nito. Ang medyo kulot nitong buhok, matangos nitong ilong at tila may umbok nitong labi. Aniya sa sarili, kahit trenta uno anyos na ito ay napakakisig pa rin nito. "Gwapo naman ang asawa ko. Pinakagwapo sa balat ng earth." Usal pa ng babae. Nanatili itong nakapikit ngunit sumilay ang munting ngiti sa labi nito. Nakatulugan na niya iyon. At mula nang mawala ang kanyang mister ay ngayon lamang siya nakatulog ng mahimbing. Paggising ni Amber kinab
Hindi nakaimik ang lalaki sa kanyang tinuran. Sa halip ay napatitig ito sa kanya. Hindi kakikitaan ng kahit anumang emosyon sa kanyang mga mata. "Ayos lang naman kung ayaw mo. Walang namang pilitan 'to." Ngunit ang totoo ay tila sinaksak ang puso ni Amber sa ideyang ayaw nitong pumayag. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kailangan niyang hilingin iyon sa lalaki. Alam naman niyang hindi ito si Ashton Blumentrint ngunit sa tuwing nakikita niya ito, pakiramdam niya ay ang kanyang mister ang kanyang kaharap. Tingin niya, sa ganoong paraan ay mababawasan ang pangungulila niya sa kanyang namayapang asawa. "I can't promise. But I will try." Wala pa rin itong kangiti-ngiti. Sa tuwing ganoon ang ekspresiyon sa mukha ng lalaki ay tila lalo niyang naaalala si Ashton Blumentrint. Para bang ito mismo ang kanyang kaharap. "Thank you." Mahinang usal niya kasabay ng pagguhit ng mabining ngiti
"Mama!" Halos magkasabay ang dalawang bata sa pagtawag sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Amber at kaagad na napabaling sa lalaking kasama niya. Taranta niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa mga batang nakasilip sa bintana ng sala at kay Grei. Nakahinga siya ng maluwag nang masiguro niyang hindi pa nakikita ng dalawang bata si Grei dahil natakpan ito ng mayabong na halamang hibicus. "Magtago ka, dali!" Kaagad niyang turan sa lalaki. Gumuhit naman ang pagkabigla sa mukha ng lalaki ngunit wala na siyang nagawa nang mabilis siyang hilain ni Amber patungo sa tapat ng halaman sa tabi ng gate. "Magkubli ka!" Marahan niya itong tinulak paupo. Nang mapunta ang tingin niya sa bahay na kanyang tinutuluyan ay nakita niyang nasa labas na ng pintuan ang kanyang kambal na anak. Pinilit na lamang ngumiti ni Amber. Gayunpaman ay kitang-kita pa rin ang pagkabalisa sa babae. Mula sa liwanag na n
"I will think about it." Iyan ang nakuhang sagot ni Amber mula sa estrangherong si Grei. Matapos ang sandaling pag-uusap nila ay umalis din agad ang lalaki. Wala itong ibinigay na kasiguraduhan ngunit gusto pa ring umaasa ni Amber. Ngunit lumipas ang dalawang araw na kahit anino ni Grei ay hindi niya nakita. Ang umaasa niyang puso ay tila naging isang lantang halaman sa isang iglap. Naiintindihan naman niya ang lalaki. Hindi biro ang pabor na kanyang hinihiling. "Baka umuwi na siya sa lugar nila." Pang-aalo niya sa isip habang nakatanaw sa malaking bintana ng kanyang silid. Aniya sa sarili, sa sandaling panahon na nakilala niya ang lalaki ay nakita niya kung gaano ito kabuti. Kahit mukha itong masungit at hindi marunong ngumiti ay ramdam niyang mabuting tao ito. "Lady Amber." Tila bumalik si Amber sa reyalidad dahil sa pagtawag. Nang lumingon siya sa pinagmulan ng tinig ay natagpuan ng kanyang mga mata ang katulong. Hindi niya naiwasan ang mag
Halos bumuntot na ang dalawang bata kay Grei. Halos hindi na bumitaw sa kanya ang dalawa. Matapos hawakan ng kambal ang magkabilang kamay ni Grei ay hinila nila ito patungo sa sofa. "C'mon, Daddy. Let's watch together." Walang naman siyang narinig na kahit anong reklamo mula kay Grei. Nagpatianod ito sa gusto ng mga bata. Puro tango at ngiti ang sukli niya sa mga hiling ng kambal. Ang isang kinatatakutan ni Amber ay hindi pa kilala ni Grei ang mga bata. Maaaring anumang oras ay mabuko sila. Buntong-hininga na lamang siyang lumapit sa kinaroroonan ng tatlo. "Mga anak, pwede ko bang mahiram saglit ang papa niyo? Kakausapin ko lang siya saglit." Napatingin naman sa isa't-isa ang kambal. "Saglit lang naman, kakausapin ko lang ang papa niyo sandali." Ginawaran niya ng ngiti ang mga bata. "Please." "Okay po." Marahang tumango si Hyde. Tila naguguluhan namang tumayo mula sa pagkakaupo si Grei. Nang tuluyan itong makatayo ay kaagad siya
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan