ILANG ARAW na ang lumipas simula ng nakarating si Anna sa resort pero wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol kay Jax. Tulad ng pag-alis nito ng araw na iyon ay hindi pa rin ito bumabalik sa resort at wala ring nakakaalam kung kalian ito muling babalik sa resort dahil sanay ito na pabigla-bigla na lang dumarating sa resort para sa surprise checking. Nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga si Anna habang nasa isang cottage at nagpapahinga matapos ang ilang oras niyang pagtitipa ng kanyang nobela sa laptop. “Kailan kaya siya babalik? Babalik pa ba siya rito?” Sunod-sunod na tanong ni Anna sa kanyang sarili habang nakapangalumbabang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. “Hay…” buntong-hiningang muli ni Anna at bigla siyang napatingin sa kanyang tiyan. Gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi saka hinaplos ang kanyang tiyan. “Just wait, baby. You will meet your daddy soon.” At patuloy na hinimas ang kanyang tiyan. Naagaw naman ang pansin ni Anna nang biglang mag-ri
PASADO ALAS DOSE na ng gabi nang makarinig si Anna ng kakaibang ingay na nagmumula sa may pangpang sa kalagitnaan ng kanyang pagsusulat. “Anong ingay ‘yon?” tanong ni Anna sa kanyang sarili matapos niyang isara ang kanyang laptop at mapatayo sa kanyang kinauupuan. Kinuha niya ang kanyang balabal at ibinalot iyon sa kanyang katawan at saka pumunta sa terasa para silipin kung anong nangyayari sa labas. Nakita niya ang isang private chopper ang lumanding sa may pangpang. “Sino naman ang taong darating ng ganitong oras ng gabi?” nagtatakang tanong ni Anna sa kanyang sarili na patuloy na tinitingnan ang nangyayari sa labas. Sa kabila ng madilim na gabi ay may liwanag ng buwan para maaninag ni Anna ang mga taong bumababa sa private chopper. Hindi niya man lubos na makita kung sino ngunit tatlong lalaki ang bumaba roon kung saan sinalubong ito ng isang babae. Naningkit ang mga mata ng dalaga nang maaninag niya ang babae. “Hindi ba’t si Trisia ‘yon? Anong ginagawa niya doon?” Hindi man n
MABILIS na lumabas si Sax sa k’warto ni Jax matapos niyang mailagay ang gamot sa inumin nito. “Nailagay mo ba?” tanong ni Lax nang makabalik si Tox sa kusina. “Yes, bro.” “Do you think he will notice it that we jabbed his drink?” nag-aalalang tanong ni Lax. “No, he won’t, so take a deep breath and relax, bro. All we have to do now is wait until it knocks him out” wika ni Sax. “Okay.” At napatingin si Lax sa taas habang kinakabahan. “Sorry, Jax. But we have to do it.” *** MATIYAGANG naghintay ang magkakapatid sa sala hanggang sa sumapit ang alas onse ng gabi. “Do you think he’s already dozed off?” tanong ni Lax kay Tox. “I’ll go check it,” wika ni Sax at tumayo sa kanyang pagkakaupo. “Sax,” tawag ni Lax sa kanyang kapatid. “Be careful.” Ngumiti si Sax. “I will.” At saka ito dali-daling umakyat ng hagdan patungo sa k’warto ni Jax. Maingat niyang binuksan ang pinto at nang sandaling makapasok siya ay nakita niya si Jax na mahimbing na natutulog sa mesa nito. Nilapitan niya ito
MATAPOS ang napakahabang biyahe nina Tox at Jax ay nakarating sila ng ligtas sa Kauai.“How did your trip go? Did everything go well?” Sunod-sunod na tanong ni Lax sa kanyang kapatid na si Tox.“Don’t worry, Kuya. Everything went well,” tugon ni Tox habang naglalakad-lakad.“How’s Jax?”“He’s still sleeping. There are still three hours before the medicine wears off.”“Okay, just be cautious and keep an eye on him at all times. We have no idea what he is going to do.”“Don’t worry, Kuya. I got it covered,” tugon ni Tox.Biglang naagaw ang atensyon ng binata nang may isang pamilyar na babae siyang natanaw sa di-kalayuan.“What is she doing here?” kunot-noong tanong ni Tox sa kanyang sarili habang tinatanaw ang babaeng kanyang nakikita.“What’s the matter, Tox? Whom are you t
BIGLANG napailing si Anna at ikinumpas ang kanyang sarili.“This could simply be a coincidence,” pangungumbinsi niya sa kanyang sarili sa kanyang isipan. “There’s no guarantee that Tox’s brother is the Jax I knew in the past or the Jax for whom I’m looking right now, the father of my child.” Dagdag niyang saad sa kanyang sarili.Ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili saka hinarap si Tox.“Jax? Then what does it mean? I think there’s a story behind it like yours, right?”“You’re right. But it’s way better than my name,” saad ni Tox.“Really? Then what it is?” curious na tanong ni Anna.“Juan Alexander, that’s what Jax is.”Sa pangalawang pagkakataon ay muling kumabog nang napakalakas ang puso ni Anna na siyang dahilan para mapahawak siya sa kanyang tiyan.No…Hindi makapaniwala si Anna sa kanyang
ILANG ARAW na ang lumipas ng mag-usap sina Anna at Tox pero wala pa rin siyang naririnig na balita rito ni hindi rin siya nito hinanap o hindi man lang magtagpo ang kanilang landas kahit na nasa iisang resort at isla lang naman sila.“Hindi kaya nakalimutan na ni Tox ang napag-usapan namin?” tanong niya sa kanyang sarili na nakaramdam ng pagkadismaya at lungkot nang sandaling iyon.Papanghinaan na sana ng loob ni Anna nang bigla nitong sampalin ang pisngi nito dahilan para maikumpas ng dalaga ang kanyang sarili.“Ano ba, Anna! Huwag ka mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob! Nangako siya sa ‘yo kaya patience lang,” pagkukumpas niyang sabi sa kanyang sarili. “Hindi naman siya ang klase siguro ng tao na hindi tutupad sa pinag-usapan.” Hindi ba?Muli, nagkaramdam nang agam-agam si Anna nang sandaling iyon kung dapat niya bang panghawakan ang sinabi ni Tox o hindi.“Hindi ng aba?” mahina
SA KABILA ng romantic set up ng lugar na kinaroroonan nila Anna at Jax ay ‘di maitatago ang tensyong bumabalot sa kanilang paligid.Hindi alam ni Jax kung anong rason ng dalaga kung bakit siya nito gusto makausap ngunit isa lang alam niya kailangan niyang tapusin ang pag-uusap na iyon sa madaling panahon.“What do you want to talk about?” Pagbabasag ng katahimikan na tanong ni Jax kay Anna.Tumingin si Anna kay Jax bagamat kinakabahan ay sinubukan nitong tignan ito nang diretso sa mga mata. Ngunit hinidi siya makapagsalita dahil sa malakas na tibok ng kanyang puso.“P’wede bang huminahon ka muna?” pakiusap ni Anna sa kanyang puso na tila asong nagwawala at nauulol nang sandaling iyon.Habang kinakalma ni Anna ang kanyang sarili ay patuloy siyang pinagmamasdan ni Jax na habang patuloy itong tinitignan at mas lalo itong nilalamon ng kanyang emosyon at anumang saglit ay bibigay na siya kapag hindi pa siya u
ILANG oras ang lumipas bago tuluyang huminahon si Jax sa kanyang emosyon. “Are you okay now?” tanong ni Tox sa kanyang kapatid sabay abot nang malamig na tubig.Hindi umimik si Jax at kinuha ang baso sa kamay ng kanyang kapatid saka lumagok para pawiin ang kanyang uhaw buhat ng alak na kanyang ininom kanina.“Jax, can you tell me what’s going on?” tanong ni Tox habang masinsing pinagmamasdan ang kanyang kapatid.Nanatiling walang kibo si Jax ngunit hindi mapapalagay si Tox na hindi malaman ang buong pangyayari lalo na sa kakaibang inaakto nito.“Jax…”Nakita ni Tox ang pagkuyom ng kamay nang mahigpit at ang pagtiim ng bagang nito na nagpapahiwatig na labis na pagkasiphayo at galit nito sa kanyang sarili.Hinawakan ni Tox ang balikat ni Jax para pakalmahin ito. “Calm down, Jax. I’m here. You can rely on me,” saad nito.Napasapo ng kanyang noo si Jax. “I made a mistake, Tox,” maikli nitong saad na bakas ang pagsisisi at pagkasiphayo.Pinagmasdan ni Tox ang kanyang kapatid. “What did you