Share

Kabanata 11

Author: inka
last update Huling Na-update: 2022-06-28 12:10:11

[Strictly no readers under 18!!! The following chapter contains sexual violence-related scenes, which could trigger one's trauma. Read at your own risk!]

***

Walang imik si sir Rico sa tabi ko habang papunta kami sa venue ng party. Isang magarang brown satin dress ang ibinigay niya sa akin na may spaghetti straps. May kapares itong silver purse na mukhang mamahalin pati sapatos na silver din na four-inches ang taas ng takong. Minabuti kong ilugay ang mahaba kong buhok na plinantsa ko para naman mas humabang tignan, at matakluban ang balikat at ilang bahagi ng likod ko.

Hindi ako sanay sa ganitong pananamit, pero kailangan kong tiisin dahil ilang oras lang naman. Nakarating kami sa party na ang venue ay sa isang 5-star hotel na pagmamay-ari ng isa sa mga busines partners ni sir Rico. Medyo out of place ako, at madalas napagkakamalang girlfriend ni sir, pero agad kong ipinapaliwanag na secretarya lang niya ako.

Maraming beses kong hinahawi ang kamay niyang parati niyang inilalagay sa baywang ko, pero parang hindi siya nakakahalata kaya pinilit kong umexit at pumunta sa banyo.

Hindi ako naiihi, sadyang kailangan ko lang huminga dahil hindi na talaga ako kumportable. Binaggit ko kay sir Rico ang private meeting na dadaluhan niya bago ang party pero hindi ko alam na napostpone pala iyon noong isang araw pa.

Humarap ako sa salamin at huminga ng malalim ng ilang beses.

"Em, ilang oras na lang..." paalala ko na pagpasensyahan na muna.

I couldn't tell Drake about his father's creepy behavior dahil busy na siya ngayon sa finals at preparations para sa Bar Exam. I couldn't distract him now that he's almost there. At isa pa, ayaw kong masira ang hindi na nga nila magandang relasyon ng ama niya. After Papa's surgery, I'll figure out how to get out this job and look for another to pay for the debt. Kaya ko ito. Pagsubok lang ito.

Lumabas ako sa restroom at laking-gulat ko nang mamataan si sir Rico na hinihintay ako. Ngumiti siya sa akin at saka sinabing, "Akla ko umalis ka na. You must find this party boring, should we discuss kung paano mo ako mababayaran?"

Sumilay muli ang ngisi sa mga labi niya kaya pilit lang akong ngumiti at tumango. Inilahad niya sa akin ang kamay niya para igiya ako patungo sa isang table. Kumuha siya ng dalawang drinks sa dumadaan na server at ini-abot sa akin ang isa.

Tinanggap ko iyon at ininom ang kalahati. "Sigurado ho ba kayong pauutangin niyo ako, sir?" tanong ko matapos ang ilang sandali.

"Oo naman," walang kagatol-gatol nitong sagot.

"Isa't kalahating miyon...alam niyo ho na hindi ko ito kayang ibalik agad-agad, tama?"

Tumango siya at saka sumimsim sa hawak na alak.

"Bakit? I mean, ganoon kadali, ilalabas niyo ang pera? Hindi ba kayo natatakot na takbuhan ko kayo?"

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang tumawa si sir Rico. "Imposible iyon. Nagpaplano ka pa lang na tumakas, nahuli na kita. At isa pa, alam mong gusto kita, tama? Maliit na bagay lang ito kumpara sa mga bagay na ibibigay ko sa iyo kapag pumayag ka sa alok ko. "

Napakunot ang noo ko. "Sir, malinaw hong sinabi ko--"

Napahinto ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Pumikit ako at bahagya itong nawala. Mukhang kinukulang ako sa tulog dahil sa pagtatrabaho at pagbabantay kay Papa. Pero, muling kumirot ang ulo ko at bahagyang nanlabo ang paningin ko.

Hindi ito dahil lang sa puyat...

"Sir," tawag ko habang sapu-sapo ang ulo ko. Sinubukan kong humakbang pero mutikan na akong matumba kung hindi lang dahil sa pagsalo sa akin niya sa akin.

"Em, lasing ka na?" tanong nito na mababakasan mo ng pagkahilaw. "Ano ba yan."

Tuluyang nawala ang balanse ko pero malinaw na malinaw sa akin ang mga naririnig ko. Nanalalabo at umiikot ang paningin ko.

"Sir-- bitawan niyo ho ako." Sinibukan ko siyang itulak palayo, pero walang lakas ang mga kamay ko kaya't wala rin akong nagawa nang buhatin niya ako. 

"Ibaba mo ako," apela ko pa, umaasang pakikinggan niya ako, pero hindi. Pumasok siya sa isang silid at naramdaman kong inilapag niya ako sa malambot na kama. Ginamit ko ang natitira kong lakas para umupo sa kama at kahit pa umiikot ang paningin ko'y tinignan ko siya. 

Sa nanlalabo kong paningin, nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kama.

"A-anong gin-nagawa n-nyo?" nanghihina kong tanong habang halos tumalon na palabas sa dibdib ko ang puso ko. "Sir..."

Nagtatahip ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Isa-isa niya kasing hinubad ang suot niyang damit bago naglakad palapit sa akin at bumulong.sinabing, "I want you so bad, Emely. And I'll do everything to have you,"

Tuluyang nabuo ang suspetsa kong binalak niya, kaya naman nang humakbang siya palapit ay tinagka kong tumakas. Pinilit kong tumayo at umalis sa kama pero nakapitan niya ako sa braso. Hinila niya ako pabalik sa kama at ginawaran ng isang malakas na suntok sa sikmura. Halos maiyak ako sa nanuot na sakit na sumabay pa sa pagkirot ng ulo ko. 

Kinapitan niya ako ng marahas sa mukha at saka ngumisi. Wala akong makitang ibang emosyon sa mga mata niya. Napatingin ako sa mukha niya, na para sa akin ay mukha ng isang demonyong mapagsamantala. Nanggilid ang luha ko habang nakatingin ng masama sa kaniya. 

"Don't make me do this with force, Emely. Pumayag ka na lang," sambit niya. 

He crawled on top of me, grabbed my hands, and pinned them against the matress as I lay there, helpless. I felt his aggressive lips on my neck as he carelessly shoved the spaghetti strap of my dress to the side to kiss my shoulder. Gustuhin ko mang sumigaw ay tanging impit na hikbi lang ang nagawang lumabas sa bibig ko habang nagpupumiglas sa kapit niya. 

"Stop!" ang sigaw ay naging isang bulong na kahit na katapat lang ng bibig ko ang tainga niya ay hindi niya marinig. "Please, wag."

Bumaba ang labi niya sa collarbone ko at dibdib. Nandidiri ako at nangingilabot sa paghaplos ng malalapad niyang kamay sa hita ko pataas, at sa mga puntong iyon, umagos ang masaganang luha ko na siyang tanging saksi sa kahayupang ginagawa sa akin ng amo ko.

"H-hayop ka," nagawa kong maibulalas, pero hindi niya pa rin ako pinansin.

Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko gamit ang tangi kong lakas, kahit na malinaw sa aking malabo akong makawala sa mahigpit niyang pagkakakapit. Umaasa akong makakawala ako, pero, patuloy niya akong nilapastangan hanggang sa liwanag na ng uma ang sumunod kong nabungaran.

"I'm sorry, Emely, pero gustong-gusto kasi talaga kita. I was drunk last night, pasensya na," sambit niya bago bumuhat sa kama. 

"You just raped me, and you're expecting me to forget it because you're drunk?" walang emosyon kong sambit habang walang ka-kibo-kibong nakahilata sa kama na tanging kumot lang ang nakatabon sa hubad kong katawan. Patuloy pa rin sa pag-agos ang masagana kong luhang walang humpay mula pa kagabi.

"Emely, that's because I'm in love--"

"This is not love. This is a crime," pagtatama ko sa baluktot niyang isip. 

Muling nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Sariwang-sariwa pa sa ala-ala ko ang kahayupang ginawa niya sa akin, at hindi ko alam kung magagawa ko ba itong makalimutan. 

Akala ko'y kahit papaano ay sumagi sa utak niya na mali ang nagawa niya, pero tumawa siya. 

"Don't even think of filing a case against me. There's no way you could win," turan niya habang ibinubutones ang kaniyang damit. "I hope I made that point clear. Go home and rest. I'll call you at work tomorrow." Matapos iyon ay dere-dretso siyang umalis na parang walang nangyari. 

Isang hikbi ang kumawala sa bibig kong tikom habang mariing nakakuyumos ang kamay ko sa hawak kong kumot. Para akong asong binabahan at iniwan sa daan. Ganoon talaga kababa ang tigin niya sa akin. Naroroon sa side table ang iniwan niyang cheke para sa operasyon ni Papa na mas lalong nagpasiklab sa galit ko. 

"Hayop ka, Rico El Fuente..." ang mga salitang lumabas sa bibig ko bago kumawala ag sunod-sunod at malalakas na hikbing sinamahan ng malalakas na sigaw. 

Ang mga hiyaw na hindi ko nagawa kagabi ay ngayon ko inilabas habang namamaluktot sa kama at mahigpit na iniyayakap sa sarili ko ang kumot. 

"Hayop ka!" 

***

Lumabas ako sa hotel na iyon na tulala, at maging nang umuwi ako sa walang katao-taong bahay ay balisa pa rin ako. Ilang beses nang tumawag sa akin si Drake, pero hindi ko ito magawang sagutin. Nagkulong ako sa banyo at binuhusan ng malamig na tubig ng sarili ko. Kinuskos ko ang katawan ko ng sabon nang paulit-ulit dahil paulit-ulit ko pa ring nararamdaman sa balat ko ang mga kamay ni Rico. 

Mahapdi na ang mga braso at hita ko dahil sa patuloy na pagkuskos ko rito ng batong panghilod, pero wala akong balak tumigil dahil hindi pa rin nawawala ang pakiramdam kong marumi ako. Huminto lang ako nang makitang nagsugat na ang mga braso ko. 

"I want you so bad, Emely. And I'll do everything to have you,"

Tinakpan ko ang mga tainga ko nang umulit sa isipan ko ang sinabi niyang iyan kagabi, at parang baliw na nagsisigaw sa loob ng banyo hanggang sa marinig iyon ng mga kapit-bahay na siya namang nag-aalalang pumasok sa loob ng bahay para tignan kung anong nangyayari sa akin. 

Nadatnan ako ni nling Nena, na isang kapitbahay, sa banyo na basang-basa, at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kumalma nang maramdaman ang mainit at nag-aalalang yakap. 

"Emely, anong problema?" tanong nito habang patuloy ako sa pagiyak, hindi alintana kahit pa nababasa na rin ang suot niyang damit. "Emely."

Buong gabi na akong umiiyak, at mula noo'y wala pa rin akong paghinto. Kinakapos na ako ng hininga at sobrang sakit na ng ulo ko. Gustuhin ko mang magsabi ng hinanaing kay aling Nena ay hindi ko na nagawa nang tuluyan akong mawalan ng malay. 

Bumungad sa akin ang puting kisame ng kuwarto ko nang imulat ko ang mga mata ko, at agad kong nabosesan si Gigi. 

"Ma, gising na si ate," sabi ni Gigi bago umupo sa tabi ko. 

Binalingan ko siya ng tingin at maga ang mga mata niya. "G-Gigi..."

Humikbi ulit ang kapatid ko at saka sumubsob sa tiyan ko patra yumakap. "Ate naman e, bakit ka ba nagpapakahirap mag-isa kung pwede naman kitang tulungan magtrabaho?"

Malakas ang iyak nito habang mahigpit na nakayakap sa akin. Muling nanubig ang mga mata ko at muli namang kumirot ang ulo ko. Bago pa ako makasagot kay Gigi ay dumating si Mama. 

"Emely! Ano ka ba anmang bata ka! Pinag-alala mo ako!" galit niyang sambit habang maluha-luhang lumalapit sa akin. "Ano bang nangyari sa iyo at nagsisinigaw ka raw sabi ni aling Nena?" 

Napatingin ako sa kanilang dalawa at napahikbi. Gusto kong sabihin sa kanila ang sinapit ko, pero hindi ko kayang dumagdag pa sa inisiip nila dahil sa kalagayan ni Papa. Ayaw kong makitang masaktan si Mama kapag nalaman niyang narape ako. 

"Ma..." tawag ko saka humikbi at bumangon paupo sa kama. 

Lumapit naman si Mama sa tabi namin ni Gigi. "O?" pagalit nitong tanong. 

"Ma!" bumuhos na naman ang mga luha ko at napayakap sa kanilang dalawa. Mahigpit ko silang niyakap na kahit papaano'y nakpaghatid ng kaligtasan sa akin. "Ma..."

Wala mang alam sa pinagdadaanan ko'y umiyak silang dalawa kasama ko, na para bang nararamdaman nilang may masakit sa akin; na hindi ako okay. Walang tanong mula sa kanilang dalawa at tanging mahihigpit lang na yakap ang natanggap ko na sandaling nakapagpakalimot sa kahayupang dinanas ko. 

***

Nanghapdi ang palad ko matapos dumampi sa kaliwang pisngi ni sir Rico. Nagtatahip sa galit ang dibdib ko at nanunubig ang mga mata ko. 

"I'll make sure you'll pay for this," nanginginig ang mga labi kong sambit. Mariin ang mga titig ko sa kaniyang walang-kibong nakatingin lang sa akin. "You messed with the wrong woman. Mahirap lang ako at wala akong pantapat sa pera mo, pero hinding-hindi kita hahayaang umarte na parang kayang-kaya mong bilhin ang lahat."

Pinilas ko sa harapan niya ang cheke na iniwan niya sa akin at itinapon iyon sa mukha niya. 

"Kahit p****k, hindi magnanasang pumatol sa isang kagaya mo. Mamamatay ka sa kulungan na mag-isa."

Aagd akong tumalikod at nagmartsa papunta sa may pintuan, pero bago ko pa man maibukas iyon para lumabas, narinig ko siyang tumawa. 

Galit ko siyang nilingon, at basang-basa ang mukha ng luha siyang minura sa isip ko. Umiiling-iling pa ito bago hinimas ang pingi at tumingin sa akin. 

"Are you sure you don't need the money?" tanong niya bago marahang lumapit sa akin. 

"Hindi! I*****k mo sa baga mo!"

Huminto si Rico sa harapan ko at marahang hinawi ang takas na buhok sa may kaliwang gilid ng mukha ko. Tinabig ko ang kamay niya. Nandidiri ako. 

"Saan ka kukuha ng pera?" tanong niya, wala nang kahit anong emosyon sa mukha niya. 

"Wala ka nang paki-alam. Ibebenta ko ang kaluluwa ko sa demonyo kung kinakailangan. Maghuhubad ako ng kusa sa harapan ng iba, pero sa'yo... patayin mo man ako ay hindi. Mas nandidiri ako sa katauhan mo kaysa sa ideya ng pagkapit sa patalim."

Mahina, pero punong-puno ng galit ang bawat salitang iyon. Kahit pa hindi ko naman talaga kayang ibenta ang sarili ko'y sinabi ko para saktan ang pride niya. Pera lang ang meron siya, pero wala siyang dignidad. Alam na alam ko kung anong kahinaan ng mga kagaya niya. 

Bumakas ang inis sa mukha niya nang marinig ang itinugon ko dahilan para bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Pero, napaltan iyon ng pagkalumo sa sunod niyang sinabi. 

"Pwede..." sambit niya. "Pwedeng makagawa ka ng paraan para humanap ng pera. Pero, anong magagawa mo kung ang mismong operasyon ng ama mo ang hadlangan ko?"

Namilog ang mga kamao ko. "Hayop ka talaga, Rico. Ipakukulong kita,"

"Bakit hindi mo subukan, para mamatay sa kunsumisyon ang nanay mo?"

Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa siyang bumulagta sa sahig. 

"Bibigyan kita ng pamimilian, Emely. Hahayaan kitang gawin ang gusto mo, pero sisirain ako ang buhay at pamilya mo. Hindi na alabas ng ospital na buhay ang Papa mo, at sisiguruhin kong magiging miserable ang kapatid at Mama mo, o pakakasalan mo ako at babaliktarin ko ang mundo para sa'yo?"

Taas noo kong tinaggihan ang alok niya, pero sa mismong araw na iyon tuluyan akong nakumbinsing wala talaga akong laban...

"Tumataas ng tumataas ang bayarin sa ospital... Emely, anak, nagfile na ng civil suit ang ospital..." umiiyak na sambit ni mama sa telepono pagkalabas ko sa opisina ni Rico. 

Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at tuluyang namanhid ang buo kong katawan. 

Ano bang nagawa kong mali para magdusa sa kamay ni Rico?

Kaugnay na kabanata

  • My Husband's Son   Prologue

    Malakas na palakpakan ang naririnig ko hindi pa man ako iniluluwa ng pintuang ito.They're all waiting.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa saya kung hindi dahil sa pagdadalamhati sa kinahantungan ng buhay ko.Bumukas ang pintuan at sinalubong ako ng malakas na palakpakan ng lahat pati na rin ng mga matang halata namang walang kasiyahang laman. Sino bang matutuwa na ikakasal ako? Bukod sa wala akong kakilala rito ay napakabata ko pa. I'm only 24 yet I married a 48-year-old man. He's almost double my age! Hindi lang iyon. Isa siyang makapangyarihang tao na kayang bilhin kahit ang kaluluwa mo kagaya ng ginawa niya sa akin. BINILI NIYA AKO.Pinilit kong ngumiti sa kanila kahit lantad na lantad ang mga luha kong bumabasa sa mukha ko. Marahil ay iniisip nilang masaya ako kaya ako umiiyak pero nagdadalamhati ako."Here comes the bride! Everyone, let's congratulate Mr. And Mrs. El Fuente on their wedding!" Masiglang sigaw ng emcee na naging dahilan ng malakas pang palakpakan ng lahat na pumuno

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • My Husband's Son   Kabanata 1

    Isang malalim na hininga ang hinugot ko bago bahagyang hinagod ang aking buhok, upang siguruhing hindi ito nagulo sa pagkakaayos. Abala ang lahat ng staff dahil sa ito na ang huling set ng mga designs na irarampa ng mga modelo, at sa ilan lamang sandali ay lalabas na ako rito kasama ang huling piraso ng designs ko."You got this, Emely," bulong ko sa sarili ko bago sinabayan ang huling modelo sa paglabas sa backstage.Nakasisilaw ang bawat flash ng camera ngunit pinanatili ko ang aking magandang ngiti bago nagsimulang maglakad sa runway."Ladies and gentlemen, Mrs. Emely El Fuente and her designs!"Hindi ito ang unang pagkakataon ngunit hindi ko maiwasang nerbiyosin sa tuwing maglalakad ako sa runway kasama ng mga modelong suot-suot ang mga designs ko. Ngunit kahit na ganon, walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko dahil muli ay matagumpay ang fashion show at mukhang nagustuhan ng mga bisita ang mga designs ko."Congratulations, Emely! All your designs are mind-blowing. Grabe, iba

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • My Husband's Son   Kabanata 2

    "Gigi!""Ate!"Ngumiti ako ng malapad at kumaway sa kapatid ko. Patakbo niya akong sinalubong at mahigpit na yumakap sa akin. "Akala ko hindi ka na darating," sambit niya saka bumitaw sa akin."Pwede ba 'yon?" sagot ko saka bumaling kina mama at papa para humalik at yumakap."Palagi ka na lang late. Hindi mo naabutan yung speech ko, nakaakinis ka!" atungal pa ni Gigi habang nakanguso.Today is her high school graduation, at late ako dahil sa meeting ko with Cheska. Gustohin ko mang ibakante ang araw na ito para sa selebrasyon ng graduation ni Gigi ay hindi ko magawa dahil ngayong araw lang bakante ang schedule ni Cheska. Isa siyang bigating artista, na gusto kong maging modelo ng panibagong designs ko."Sorry na nga!""Hay nako, magpasalamat ka na lang na umabot ang ate mo," saway ni mama kay Gigi na may kasamang hampas sa braso."Aray naman, ma!" reklamo ni Gigi.Sinagi ni papa ng mahina ang braso ni mama para sawayin ito. Kahit na nakatanggap na ng hampas si Gigi kay mama ay patuloy

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • My Husband's Son   Kabanata 3

    Abala ako sa aking opisina nang nabulahaw ako ng tatlong sunod-sunod na katok. Paglingon ko'y bumungad sa akin ang mukha ng sekretarya kong si Mikee at sa nakabusangot niyang mukha ay nahihinuha ko nang hindi maganda ang ipinarito niya."Ms. Em," tawag niya habang lumalapit sa desk ko. "May malaki tayong problema."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, at wala akong nagawa kung hindi ang masapo ang noo ko nang makarating kami sa studio kung saan ginaganap ngayon ang photoshoot ni Cheska. Bumungad sa akin ang malaking problema na tinutukoy ni Mikee."Gosh! How do you expect me to work with that rookie e mukhang hindi yata alam yung ginagawa niya?!" Sigaw ni Cheska sa mga staff na naroroon pati na rin sa photographer."Ms. Cheska, please calm down," pag-aalo naman ng mga staff sa gigil na gigil na aktres."Calm down? Sinasayang niyo yung oras ko! Do you know how busy I am? Dahil sa kanya ang daming oras na nasasayang!"Binalingan ko ng tingin ang male model ng Em's na ipinagmamaktol ni C

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • My Husband's Son   Kabanata 4

    "Nice one, Cheska! Now lean closer to Mr. El Fuente-- that's it!" Blanko lang akong nakamasid kay Drake at Cheska habang nakahalukipkip sa likuran ng photographer. They're doing great, at mukhang masayang-masaya si Cheska."Ms. Em, magre-resign na ako bilang sekretarya mo," sambit ni Mikee na nakakuha ng atensyon ko. Kunot noo ko siyang nilingon at nakitang nakatitig siya ng seryoso kina Drake at Cheska."Why? Anong problema?" nag-aalala kong tanong.Nilingon ako ni Mikee saka ngumiti at kumapit sa braso ko. "Mag-aapply ako bilang daughter-in-law mo," sabay bungisngis.Naiiling akong natawa saka siya inirapan. "Puro ka kalokohan, Mikee,""Seryoso nga, Ms. Em! Pwede ba?" Pangungulit pa niya habang kinikilig na pinagmamasdan si Drake.Hindi ko siya masisisi dahil guwapo naman talaga si Drake at bukod sa hitsura ay matalino rin ito. Walang ka ayaw-ayaw sa kaniya, maliban na lang sa pagiging straightforward niyang tao."Ask him. Bakit ako ang tinatanong mo?""Baka naman," utas niya saka

    Huling Na-update : 2022-06-03
  • My Husband's Son   Kabanata 5

    FOUR YEARS AGO It's already 6:30 in the morning, yet I still can't get a hold of Drake. May klase ako ngayong umaga, pero tinawagan ako ng kaklase niyang si Mark, itinatanong kung kasama ko raw ba ang hinay*pak. Tatlumpung minuto na lang ay magsisimula na ang final exam nila, kaya naman imbis na dumeretso sa klase ko ay dali-dali akong pumara ng jeep papunta sa condo niya. Sa pagbukas ng pintuan ay nakumpirma kong tama nga ang kutob kong tulog pa siya. Sandali akong napailing at napatitig sa kaniya habang nakasubsob sa kaniyang study table. Nagkalat ang mga libro at reviewers niya na animo'y binagyo. Lumapit ako sa kaniya at bahagya siyang niyugyog. "Drake, wake up!" Bumukas ang dalawang mata niya na magkasabay na halos magpatalon sa akin sa gulat. Tumuwid siya ng upo saka tumingin sa akin, "Love, what time is it?" Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "6:34," Napapikit si Drake at napasabunot sa buhok niya. "Shit!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit. Drake is a graduating law s

    Huling Na-update : 2022-06-04
  • My Husband's Son   Kabanata 6

    Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng paghagod patalikod sa buhok ko. Wala akong magawa kundi ang hilutin ng sintido ko habang nakikinig sa sinasabi ni Mikee sa kabilang linya. Wala namang problema, pero mukha kasing kakailanganin kong dumaan sa Em's mamaya bago umuwi. "Ms Em, gusto mo bang i-reschedule ang launch ng magazine?" tanong ni Mikee. "No," mabilis ko namang sagot. "We have to release the magazine the same day as the new designs. How about sending me the draft?" "That's an option, pero hindi ka ba mahihirapan, Ms Em?" "No. It's fine. I'll review the magazine layout and will send you the instructions tonight. You can forward them to the publishing team tomorrow morning," "Sige po," nag-aalangan niyang tugon. "Thanks. I'll be waiting for it, then." Agad kong pinatay ang tawag tapos ay bumalik na sa opisina ni Drake. Hindi naman ako ang abala kung hindi siya, dahil kanina pa siyang hindi umaawat sa pagkakatitig niya sa mga files. Hindi ko alam kung paano ako magpapa-

    Huling Na-update : 2022-06-06
  • My Husband's Son   Kabanata 7

    Pinilit kong hindi makinig at ipagsawalang-bahala ang mga pangyayari, ngunit sa bawat hikbi ng plaintiff ay tila ba sinasakal ako. "Sinamantala niya ang kahinaan ko. Naging kumportable ako sa kaniya dahil akala ko'y hindi siya masamang tao, pero..." muling humagulgol ang defendant, kaya't sandaling naantala ang kaniyang pagsasalaysay sa mga pangyayari. "...ginahasa niya ako. Pinagsamantalahan niya ako dahil alam niyang wala akong laban at walang kakayahan ang pamilya kong tapatan ang impluwensya niya!"Dinig na dinig ko ang samu't-saring mga reaksyon mula sa mga naririto sa loob ng hukuman. Umiiyak ang ama ng plaintiff na ngayo'y nakaupo sa witness stand. Napasulyap ako rito, at nakita ang labis niyang paghihinagpis sa sinapit ng anak niya. May katandaan na ito, at sa wari ko'y kaedaran ito ni Papa. Sandali akong napaisip habang pilit ibinabaon sa likod ng puso't isip ko ang mga bagay na yumayakap sa akin mula sa likod ng mataas kong bakod. This is Drake's case. I am not supposed to

    Huling Na-update : 2022-06-19

Pinakabagong kabanata

  • My Husband's Son   Kabanata 11

    [Strictly no readers under 18!!! The following chapter contains sexual violence-related scenes, which could trigger one's trauma. Read at your own risk!]***Walang imik si sir Rico sa tabi ko habang papunta kami sa venue ng party. Isang magarang brown satin dress ang ibinigay niya sa akin na may spaghetti straps. May kapares itong silver purse na mukhang mamahalin pati sapatos na silver din na four-inches ang taas ng takong. Minabuti kong ilugay ang mahaba kong buhok na plinantsa ko para naman mas humabang tignan, at matakluban ang balikat at ilang bahagi ng likod ko.Hindi ako sanay sa ganitong pananamit, pero kailangan kong tiisin dahil ilang oras lang naman. Nakarating kami sa party na ang venue ay sa isang 5-star hotel na pagmamay-ari ng isa sa mga busines partners ni sir Rico. Medyo out of place ako, at madalas napagkakamalang girlfriend ni sir, pero agad kong ipinapaliwanag na secretarya lang niya ako.Maraming beses kong hinahawi ang kamay niyang parati niyang inilalagay sa ba

  • My Husband's Son   Kabanata 10

    EMELYFOUR YEARS AGONakatulala lang ako sa may mahabang pasilyo ng ospital, sa may labas ng room kung saan nakalagi si Papa. Natuyo na ang mga luha kong walang humpay kanina dahil sa takot na baka bigla na lang itong mawala sa amin. Marami pa akong pangarap para sa kanila ni Mama, kaya hindi ko pa kakayanin na mawala siya at mabawasan ang pamilya namin. "You father has COPD, at kinakailangan niyang sumailalim sa lung volume reduction...The surgery costs around 1.2 to 1.5 million pesos," naaalala kong sambit ng doktor kanina bago siya lumabas sa silid. Nasa loob si Mama, at nasa klase naman niya si Gigi na ngayo'y grade 8. Mabuti na lang at tapos na ang klase ko nang tumawag sa akin si Mama kanina. Tumulong muli ang mga luha ko. Matagal na palang may iniinda si Papa, pero pinili niyang huwag pansinin dahil wala kaming pera. Bukod doon ay dahil nag-aaral pa kami ni Gigi. Naibaon ko na lang sa mga palad ko ang mukha ko. Saan kami kukuha ng higit isang milyon para kay Papa? Kahit ya

  • My Husband's Son   Kabanata 9

    "Leave, Em," mahinang sambit ni Drake matapos ang ilang sandali. Nakatalikod siya sa akin at wari'y hindi gusto ang lingunin manlang ako. Wala pa ring patid sa pag-agos ang mga luha ko nang dali-dali akong bumuhat sa pagkakaupo sa kama. Nanginginig pa rin ang mga tuhod at kamay ko kaya't walang imik akong tumakbo palabas ng silid. Lumabas ako sa condo ni Drake at diretsong sumakay ng elevator. Napa-upo ako sa sahig ng elevator dahil sa walang tigil na pagbuhos ng mga luha ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Rico na nakita ko kay Drake kanina, at hindi ko magawang kumalma sa tuwing bumabalik sa akin ang masasalimuot na gabing iyon. Bumukas ang elevator, kaya agad akong bumuhat at lumabas. Nadaanan ko pa ang kotse ni Drake sa may parking lot pero nilagpasan ko na iyon at dali-daling pumara ng taxi para umuwi. Nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ng driver sa rearview mirror nang marinig ang mga hikbi ko. Pinili ko na lang na hindi pansinin

  • My Husband's Son   Kabanata 8

    EMELYHindi ko alam kung dapat ko bang punahin nang mapansin kong walang kahit anong ipinagbago ang Condo ni Drake. Malinaw na malinaw pa sa ala-ala ko kung anong hitsura nito noong huli akong maparito, at aaminin ko, kakaiba ang pakiramdam na nararamdaman kong naririto ako ulit. Hindi bilang girlfriend ni Drake, kundi step-mom. "Go change first, ikukuha kita ng inumin,"Napatingin ako sa gawi ni Drake nang marinig ko siyang magsalita. Sandali pa akong natulala bago ako nakasagot na, "Wala akong pamalit," "You're a fashion designer. I bet you can style yourself and make an outfit out of all the men's clothing I have inside. Just go and hunt for something decent, or spend the rest of the day looking like that. You choose," sambit naman niya kaya napatingin ako sa sarili ko at napaisip. Tama siya. Siguro hindi naman masamang humiram ng isang piraso sa mga shirt o polo niya? Napatango na lang ako bago nag-aalangang naglakad papasok sa kwarto niya. Isinara ko ang pintuan sa likuran k

  • My Husband's Son   Kabanata 7

    Pinilit kong hindi makinig at ipagsawalang-bahala ang mga pangyayari, ngunit sa bawat hikbi ng plaintiff ay tila ba sinasakal ako. "Sinamantala niya ang kahinaan ko. Naging kumportable ako sa kaniya dahil akala ko'y hindi siya masamang tao, pero..." muling humagulgol ang defendant, kaya't sandaling naantala ang kaniyang pagsasalaysay sa mga pangyayari. "...ginahasa niya ako. Pinagsamantalahan niya ako dahil alam niyang wala akong laban at walang kakayahan ang pamilya kong tapatan ang impluwensya niya!"Dinig na dinig ko ang samu't-saring mga reaksyon mula sa mga naririto sa loob ng hukuman. Umiiyak ang ama ng plaintiff na ngayo'y nakaupo sa witness stand. Napasulyap ako rito, at nakita ang labis niyang paghihinagpis sa sinapit ng anak niya. May katandaan na ito, at sa wari ko'y kaedaran ito ni Papa. Sandali akong napaisip habang pilit ibinabaon sa likod ng puso't isip ko ang mga bagay na yumayakap sa akin mula sa likod ng mataas kong bakod. This is Drake's case. I am not supposed to

  • My Husband's Son   Kabanata 6

    Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng paghagod patalikod sa buhok ko. Wala akong magawa kundi ang hilutin ng sintido ko habang nakikinig sa sinasabi ni Mikee sa kabilang linya. Wala namang problema, pero mukha kasing kakailanganin kong dumaan sa Em's mamaya bago umuwi. "Ms Em, gusto mo bang i-reschedule ang launch ng magazine?" tanong ni Mikee. "No," mabilis ko namang sagot. "We have to release the magazine the same day as the new designs. How about sending me the draft?" "That's an option, pero hindi ka ba mahihirapan, Ms Em?" "No. It's fine. I'll review the magazine layout and will send you the instructions tonight. You can forward them to the publishing team tomorrow morning," "Sige po," nag-aalangan niyang tugon. "Thanks. I'll be waiting for it, then." Agad kong pinatay ang tawag tapos ay bumalik na sa opisina ni Drake. Hindi naman ako ang abala kung hindi siya, dahil kanina pa siyang hindi umaawat sa pagkakatitig niya sa mga files. Hindi ko alam kung paano ako magpapa-

  • My Husband's Son   Kabanata 5

    FOUR YEARS AGO It's already 6:30 in the morning, yet I still can't get a hold of Drake. May klase ako ngayong umaga, pero tinawagan ako ng kaklase niyang si Mark, itinatanong kung kasama ko raw ba ang hinay*pak. Tatlumpung minuto na lang ay magsisimula na ang final exam nila, kaya naman imbis na dumeretso sa klase ko ay dali-dali akong pumara ng jeep papunta sa condo niya. Sa pagbukas ng pintuan ay nakumpirma kong tama nga ang kutob kong tulog pa siya. Sandali akong napailing at napatitig sa kaniya habang nakasubsob sa kaniyang study table. Nagkalat ang mga libro at reviewers niya na animo'y binagyo. Lumapit ako sa kaniya at bahagya siyang niyugyog. "Drake, wake up!" Bumukas ang dalawang mata niya na magkasabay na halos magpatalon sa akin sa gulat. Tumuwid siya ng upo saka tumingin sa akin, "Love, what time is it?" Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "6:34," Napapikit si Drake at napasabunot sa buhok niya. "Shit!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit. Drake is a graduating law s

  • My Husband's Son   Kabanata 4

    "Nice one, Cheska! Now lean closer to Mr. El Fuente-- that's it!" Blanko lang akong nakamasid kay Drake at Cheska habang nakahalukipkip sa likuran ng photographer. They're doing great, at mukhang masayang-masaya si Cheska."Ms. Em, magre-resign na ako bilang sekretarya mo," sambit ni Mikee na nakakuha ng atensyon ko. Kunot noo ko siyang nilingon at nakitang nakatitig siya ng seryoso kina Drake at Cheska."Why? Anong problema?" nag-aalala kong tanong.Nilingon ako ni Mikee saka ngumiti at kumapit sa braso ko. "Mag-aapply ako bilang daughter-in-law mo," sabay bungisngis.Naiiling akong natawa saka siya inirapan. "Puro ka kalokohan, Mikee,""Seryoso nga, Ms. Em! Pwede ba?" Pangungulit pa niya habang kinikilig na pinagmamasdan si Drake.Hindi ko siya masisisi dahil guwapo naman talaga si Drake at bukod sa hitsura ay matalino rin ito. Walang ka ayaw-ayaw sa kaniya, maliban na lang sa pagiging straightforward niyang tao."Ask him. Bakit ako ang tinatanong mo?""Baka naman," utas niya saka

  • My Husband's Son   Kabanata 3

    Abala ako sa aking opisina nang nabulahaw ako ng tatlong sunod-sunod na katok. Paglingon ko'y bumungad sa akin ang mukha ng sekretarya kong si Mikee at sa nakabusangot niyang mukha ay nahihinuha ko nang hindi maganda ang ipinarito niya."Ms. Em," tawag niya habang lumalapit sa desk ko. "May malaki tayong problema."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, at wala akong nagawa kung hindi ang masapo ang noo ko nang makarating kami sa studio kung saan ginaganap ngayon ang photoshoot ni Cheska. Bumungad sa akin ang malaking problema na tinutukoy ni Mikee."Gosh! How do you expect me to work with that rookie e mukhang hindi yata alam yung ginagawa niya?!" Sigaw ni Cheska sa mga staff na naroroon pati na rin sa photographer."Ms. Cheska, please calm down," pag-aalo naman ng mga staff sa gigil na gigil na aktres."Calm down? Sinasayang niyo yung oras ko! Do you know how busy I am? Dahil sa kanya ang daming oras na nasasayang!"Binalingan ko ng tingin ang male model ng Em's na ipinagmamaktol ni C

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status