Bad James!
“Saan ka ngayon?” tanong ni Grace matapos na marinig ang sinabi ni Alex.“Sa lumang bahay namin nila mama at papa.” sagot ni Alex.“Pupunta ako diyan.” saad ni Grace.Hindi na nakasagot si Alex dahil agad na pinatay ni Grace ang tawag upang pumunta sa kaibigan.Yakap-yakap ni Alex ang kanyang mga tuhod habang nakaupo sa kanyang kama. Patuloy parin ang kanyang pagtangis at hindi pa rin niya makaliutan ang ginawang kahayupan sa kanya ng kanyang ex. Gayunpaman andoon ang kanyang konsensya ng maalalang maraming dugo ang tumulo sa ulo ni James. ‘Hindi naman siguro siya mamamatay. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa kanila tita? Ipinagtanggol ko naman ang sarili ko, hindi ba? Pinagtangkaan niya akong gahasain. At kailangan kong protektahan ang sarili ko laban sa kanya.’ saad ni Alex sa sarili.Isang oras ang lumipas ay bahagyang napatalon si Alex sa gulat ng may kumatok sa kanyang pintuan. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot na baka ang lalaking iyon ang sumugod at pinuntahan siya sa
Nakita ni Alex ang ginang na kausap niya. Siya ang may ari ng apartamento. “May bago po bang lipat?” tanong ni Alex.Sa pagkakatanda niya ang unit na iyon ay wala pang nakatira.“Hindi ba ikaw…”“Pero dito po ako nakatira.” tinuro ni Alex ang katabing pintuan, na may mga gamit na nakaharang. Gamit iyon na mula sa loob ng bakanteng paupahan.“Ay sorry. Puno na kasi ang bahay ko may nakaupa na. Tapos nakiusap ang lilipat na linisin at ayusin ang mga gamit rito sa loob. Teka… Tatanggalin ko iyan para makapasok ka na.”Tumulong si Alex sa pagbubuhat ng mga gamit na nakaharang sa kanyang pinto. At nagpasalamat sa Ginang. Muli siyang sumilip sa bahay at napansing tila mas luma pa iyon tingnan kaysa sa kanyang bahay.‘Siguro mura lang upa rito. Kung ako tatanungin lilipat ako rito kung mura lang din ang upa lalo pa at nagtitipid ako ngayon.’ saad ni Alex sa sarili.‘Sino kaya ang lilipat rito? Babae o lalaki? Sana naman hindi magulo at hindi maingay.’“Uhm… Pwede po ba malaman kung sino ang
“Bakit ba sa tuwing binabalak kong umalis, ay lagi akong walang choice kundi ang bumalik? Naku! Kung hindi lamang sa pinaghirapan at pangarap namin ng papa ko, hindi na ako talaga magpapakita sa kanila. Nagpasa na nga ako ng resignation pilit pa rin akong pinapabalik. HIndi ba pwedeng ako naman muna? Sarili ko na muna? Kailangan kong maghilom para naman sa kalusugan ko.” INis na reklamo ni Alex habang kausap ang sarili sa harap ng salamin sa kanyang kwarto.Gayunpaman, ayaw naman ni Alex na hindi matapos ang amusement park na iyon. Maraming panahon na rin ang ginugugol niya. Pati dugo at pawis ay inilaan niya duon. Kumuha siya muli ng maliit na bag at naglagay ng ilang damit na susuotin niya pagbalik niya sa site.Hapon na nang umalis si Alex sa kanyang bahay. Nang sa kanyang paglabas ay nabaling ang kanyang tingin sa pinto katabi ng kanyang unit. Nakakaramdam si Alex ng kakaibang kaba sa tuwing napapatingin siya rito. Marahil ay nalaman niyang may bagong lipat at lalaki pa ang lilipa
Tila nainsulto si Ivy sa sinabi ni Alex. Napakuyom ito ng kanyang mga kamay at tila may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan.“Paano mo nasasabi ang mga ganitong bagay, Alex? Minahal mo din naman yung tao. Hindi ba dapat di ka magsasalita ng masasamang bagay laban sa kanya? Kahit na ba hindi okay ang breakup niyo kahit papaano minahal mo siya sa loob ng isang taon. At pamilya ang turing sayo ng pamilya niya. Wala ka na bang natititrang kaunting amor man lang dyan sa puso mo?” dismayadong tanong ni Ivy.Natawa si Alex sa sinabi ni Ivy. “Amor? Nagpapatawa ka ba?” Napailing si Alex habang natatawa na tila nakarinig ng biro sa kanyang kaharap na babae.“Sa pagkakaalam ko, ang taong nararapat na bigyan ng halaga at pagmamamahal, ay ang taong karapat-dapat. Sa tingin mo ba deserving si James sa pagmamahal ko? Gaya ng sabi mo, masama akong tao. Hindi ako marunong magpatawad, lalo na sa mga taong sinaktan ako.” Sarkastikong tugon ni Alex na ikinakunot ni Ivy.“Ganyan ka na ba ngayon? Ano-”
“Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na.” napabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex at nakaramdam ng pag-init sa kanyang pisngi sa hiyang naramdaman.“UH-Sorry.” Sumunod siya kay Brandon sa sofa at umupo sa tabi nito.“Kukuha lang ako ng maiinom. Anong gusto mo? Kape? Juice?”“Juice na lang siguro.” sagot ni Alex at nagpasalamat ito.“Gagawa lang ako ng juice at sandwhich. Andyan na sa desktop ang file.” saad ni Brandon saka pumunta ng kusina upang gawan ng meryenda ang bisita.Napaawang naman ang bibig ni Alex nang makitang maraming mga nakalagay sa kanyang laptop. Nahihilo at naduduling na si Alex, hindi malaman kung anong file ang kanyang bubuksan. Dala ang nakabukas na laptop, pumunta si Alex sa hapagkainan at doon nilapag ang laptop ni Brandon, bago umupo sa upuan.“Saan dito? Ang dami kasing folders di ko makita ang sinasabi mo.” tanong ni Alex.“Yung may AB na folder.” sagot ni Brandon.“Alin dito?” nagugulumihanang tanong ni Alex. Patuloy ang kanyang paghahanap ng files
Kumunot ang noo ni Brandon. Hindi mahigpit ang kanyang pagkahawak, ngunit agad na nangsim ang mukha ni Alex at halatang nasasaktan ito. Bumaling ang tingin ni Brandon sa kamay ni Alex sa bandang palapulsuhan at napansin ang pasa sa paligid nito. Agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga, at itinaas ang manggas ng suot nitong dyaket.“Anong nangyari rito?” tanong niya.Bakas sa kanyang mukha ang pagkunot ng kilay, at pag-igting ng panga. Agad na binawi ni Alex ang kanyang kamay. At napansin niyang tinitignan lamang ni Brandon ang bawat kilos nito.‘Galit ba siya?’“W-wala ito,” Nauutal nitong sagot habang binababang muli ang manggas ng kanyang dyaket upang takpan ang pasa sa kanyang kamay.Inangat ni Brandon ang kanyang kamay at nakapalad itong nakaharap kay Alex. “Akin na,” saad nito na tila ba may hinihingi.“Ang alin?” Maang nitong tanong.Tintigan ng masama ni Brandon si Alex at bumuntong hininga bago kinuhang muli ang kamay nito kung saan nakita niya ang pasa kanina.“Saan mo to na
Mag-aalas dos na ng madaling araw at ilang beses nang paikot ikot si Alex sa kanyang higaan ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maraming tumatakbo sa kanyang utak. Kaya para dalawin ng antok ay sinubukan niyang buksan ang kanyang telepono at bumungad doon ang mga mensahe ni Grace.“Totoo nga naman ang kasabihan.. Ang masamang damo matagal mamatay.”“Mukhang mahina lang ang pagkakapalo mo. Hindi man lang malala. Nagtamo lamang siya ng maliit na sugat. Pero siguro puro dugo lamang ang laman ng kanyang ulo at walang utak.”Natawa si Alex sa mga mensahe ni Grace. Nagtipa siya ng mensahe at nireplyan ang kaibigan.“Hayaan mo, sa susunod… sisiguraduhin ko nang malakas ang pagkakapalo ko. Para di na talaga magising. Ha-ha-ha.” sagot ni Alex.“HIndi ko na tinignan pa siya baka ntulog siya ulit o di kaya ay inoperahan ulit.” sagot ng kaibigan sa kanyang mensahe.Umalis si Alex sa kanilang sagutan sa text at binasa ang iba pang mensahe.Nakita niya roon ang mensahe ni Timothy kaya binuk
‘Haizzt! Tama na ang pag-iisip kay Brandon at sa panaginip na iyan!’ Napakamot ng ulo si Alex.Agad namang napansin ni Cynthia ang pagkaluskos sa bandang kama ni Alex. Kaya lumapit ito kay Alex.“Miss… Maaga pa. Matulog ka pa po. Tingin ko madaling araw ka na nakatulog kagabi.” makabuluhang sabi nito sabay ang pag anagt baba ng kilay ni Cynthia.Nagtaas ng kilay si Alex. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Alex.“Hehe… HIndi ba at pumunta kay Sir Brandon? Akala ko ikaw at si Brandon ay-” pinagdikit ni Cynthia ang dalawang nakaangat na hintuturo nito at pinagdikit ang mga ito kasabay ang pangungutya.Kumunot ang noo ni Alex. “Anong pinagsasabi mo dyan?” tanong nito kasabay ang pag-ikot ng kanyang mata sa pagkairita.“Kinain ka na ng sistema ng pinapanuod mong drama sa laptop mo.” Naiiling na lamang si Alex, na halatang dismayado sa sinabi nito.“Bakit? Anong mali sa sinabi ko? May problema ba kung magkakamabutihan ang kagaya mong wala nang karelasyon sa isang binatang wala din namang k
“Miss, si Sir James… Alam na po niya kung saan ka nagtatrabaho.”Tila hindi naman nagulat si Alex sa anunsyo ni Kenneth sa kanya at bakas sa kanya na inaasahan niya itong mangyari. Maraming pera si James, at ang pamilya niya ay isa sa tinitingalang negosyante sa kanilang bansa. Alam niyang may kakayahan si James o di kaya ang pamilya nito na hanapin kung saan man siya naroroon. Ayaw lang naman ni Alex na makasama pa ang ex at hindi din siya nagtatago rito. Kaya ang malaman ni James kung saan siya nagtatrabaho, ay hindi na kataka-taka.“Ano ngayon?” Sarkastikong tugon ni Alex. “Nagbabalak ba siya na takutin ang kompanyang nilipatan ko upang mapatalsik ako roon, at bumalik sa kompanya niya?” dagdag nito.“Miss… Hindi ba at ito ang pangarap mo? Ng iyong ama, na gumawa ng amusement park kasama ang pamilya ni Sir James?” Napakunot ang noo ni Alex sa sinambit ng sekretarya.‘Mukhang may binabalak nga ang lalaking iyon sa nilipatan ko. Ano na naman kaya ang masamang balak na kanyang gagawin?
Tila naikot na ni Alex ang buong kama ng kanyang mga magulang dahil hindi ito makatulog. Nakakaramdam si Alex ng kaba at panatag na kalooban ngayong may ibang tao sa kanyang bahay at si Brandon pa iyon. Kahit na alam niyang ligtas siya kay Brandon at wala itong gagawing masama sa kanya ay naninibago pa rin siya. Ngayon pa lamang nagkaroon ng ibang tao sa kanyang bahay at ang pakiramdam na iyon ay pamilyar sa kanya.Dahan-dahang lumapit si Alex sa dingding upang pakinggan kung natutulog na si Brandon. Ngunit nakarinig siya ng mga yabag sa paa. Kaya minabuti niyang humiga na lamang ulit siya sa kama. Kahit paano ay nakaramdam si Alex ng saya sa kanyang puso, dahil naalala niya noong panahong bata pa lamang siya at naririnig niya ang mga yabag mula sa labas nagaling sa kanyang mga magulang habang siya ay nasa loob ng kwarto.Pinapakinggan lamang ni Alex ang mga yabag o ang bawat kilos ni Brandon hanggang sa di niya namalayang nakatulog na rin siya. Nagising si Alex ng hating gabi nang ma
“Alex,” tawag ni Brandon sa kanya kasabay ang mahigpit na pagyakap sa nanginginig na katawan ng dalaga.“Ligtas ka na,” Saad nito nang maramdaman niya ang pagtulo ng luha ni Laex sa kanyang balikat na ikinabasa ng kanyang suot na damit.“Kaya mo bang tumayo?” Sa panglalambot ng katawan, umiling si Alex bilang sagot.“Akin na ang susi.” inilahad ni Brandon ang kanyang kamay upang hingiin ang susi sa bahay ng dalaga, na agad naman binigay ni Alex.Matapos mabuksan ang pinto ay binalikan siya ni Brandon at walang pag alinlangang binuhat ito na tila ba bagong kasal sila. Hindi naman nagprotesta pa si Alex dahil wala na din siyang lakas na makipagpalitan ng salita rito. Nang makapasok sa bahay ay pinaupo siya agad ni Brandon sa upuan sa kanyang sala at binuksan ang ilaw ng bahay. Kinuhaan din siya ng malamig na tubig na inilagay ni Brandon sa baso at pinainom kay Alex.“Salamat.” saad ni Alex matapos nitong makainom ng tubi at kumalma sa nangyari.Ito ang pangalawang beses na may taong gust
‘Pupunta ba ako o hindi?’ Yan ang tanong na sumasagi sa isipan ni Alex matapos nilang mag usap ni Mary Anne, ina ni James.Nagliwanag ang kanyang mga mata nang makitang tumunog ang kanyang telepono at si Grace ang tumatawag dito.“Hello… Salamat at tumawag ka.” Tila nabunutan ng tinik si Alex sa pagtawag ng kaibigan.Habang nasa loob ng taxi, napansin niya ang isang bazaar malapit sa kanyang lugar.“Teka lang ah,” paalam niya kay Grace bago kinalabit ang drayber ng taxi.“Manong, dito na lamang po ako.” Saad nito at saka huminto ang sinasakyang taxi. Nagbayad siya, bumaba, at muling kinausap ang kaibigan sa telepono.“Hello,”“Oh, saan kaba? Hindi ka pa ba nakarating sa bahay mo?” Tanong ni Grace.“Traffic sa Cavitex,” saad ni Alex.“Dito na ko malapit saamin, may dinaanan lamang akong bazaar. Bagong bukas.” Dagdag nito.“Ahh..”“Ay, Grace… Tumawag si Tita Mary Anne.”“Mama ni James? Oh… Ano sabi?” Tanong ng kaibigan.“Kaarawan na kasi ni Tito Anthony sa susunod na linggo… At gusto niy
Kulay dilaw ang kanyang buhok at asul ang kanyang mga mata, ngunit sa pakiwari ni Alex ay hindi ito banyaga. Kaya naningkit ang kanyang mga matang nakatingin sa lalaking ngayon ay kanyang kahrap.“May problema ba?” tanong ng lalaki nang mapansin ang pgtitig ni Alex sa kanya.“Pinoy ka naman hindi ba? Totoo bang asul ang mga mata mo?” Walang prenong tanong ni Alex na nagpatawa sa lalaki.“Oo. Mestiso lang ako pero contact lens ko lang yan. Sabi kasi nila bagay daw sakin ang asul na mga mata. Kaya madalas na napagkakamalan akong banyaga. Bakit? Akala mo ba may lahi akong amerikano?” tanong nito na agad ikinaiking ni Alex.“Hindi. Hindi kasi matangos ang ilong mo- I mean… Matangos ang ilong mo. Don’t get me wrong. Pero di gaya ng mga banyaga na pointed… kumbaga matulis ang ilong nila.” Paliwanag ni Alex na nagpatango sa lalaki.“That make sense.” ngumiti ito sabay higop ng kape sa kanyang tasa.Tumikhim naman si Alex. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.” Umpisa ng dalaga na nakakuha ng ate
Bumuntong hininga si Alex “At…” ‘Sa totoo lang gusto kita. Gusto na kita. Kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan muli. O baka masaktan kita. Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon.’ Gustong sabihin ni Alex ang lahat ng iyon. Ngunit alam niya rin sa sariling hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. “At ano?” tanong ni Brandon. Umiiling si Alex at napangiti “Wala.” tanging sambit niya. “At gusto din kita.” Nanlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Brandon na tila ba nababasa nito ang sinabi niya sa kanyang isip. Tila nang init ang kanyang pisngi at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “A-anong sinasabi mo diyan?” Nauutal nitong tanong at agad na nanag alis ng tingin. Pakiramdam ni Alex ay nag-iinit ang kanyang pisngi sa hiya. Tumikhim si Alex bago muling magsalita matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “So, ano? Pumapayag ka na bang maging pekeng boyfriend ko?” tanong ni Alex kay Brandon. “Hindi.” Napaguso si Alex kasabay ang pag-irap nito sa
“Hindi na ako nakainom ngayon. Pwede ka bang makausap na?” Palakad lakad si Alex sa kanyang sala, habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang telepono at naghihintay ng reply mula kay Brandon. Ngunit kalahating oras na ang lumipas at wala pa ring mensahe mula sa lalaki.‘Marahil ay nasa trabaho pa siya.’Kinansela na rin ni Alex ang kanyang pakikipagkita sa kanyang kablind date ng tanghali at pinakiusapang alas sais na lamang ng gabi sila magkita. Mabut at pumayag ang lalaking kanyang kausap. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Brandon, na agad niyang ikinaalerto.Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mabasa ang nakarehistrong pangalan na nagpadala ng mensahe sa kanya.“Marami pa akong ginagawa. Gusto mo pumunta ka dito sa site. Nasa open field ako.”Ang open field na area ay kung saan nila nilagyan ng espesyal na lugar ang mga magkasintahan na balak isiwalat ang kanilang nararamdaman. Mas tinatawag nila itong Confession Park. Napapaligiran iyon ng iba’t-ibang uri ng
Nanginginig ang buong kalamnan ni Alex sa galit niya kay James. Gayunpaman, palingon-lingon siya sa paligid upang masiguradong hindi na nga siya sinundan pa ni James. Nakahinga ng maluwag si Alex nang mapansing wala na nga si James. Pumasok siya sa kanyang bahay at siniguradong naka doble ang siradura ng kanyang pinto.Nang makapagbihis ay umupo si Alex sa kahoy na upuan sa kaniyang sala, ipinatong ang kanyang mga paa rito at niyakap ng mahigpit. Ikinulong ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod at tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha. “Kailan pa ba ako lulubayan ng lalaking iyon?” tanong niya sa sarili.Nag angat siya ng ulo nang marinig na tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong kinuha mula sa lamesa at tiningnan ang mensahe. ‘Pwede ba tayong magkita bukas?’ tanong ng lalaking kanyang nakapalitan ng mensahe sa isang dating app.“Okay.” tanging sagot niya.‘Huling iyak ko na sana ito para sa lalaking iyon.’ Pangako ni Alex sa sarili.Napagpasyahan niyang matulog na upang
“Alex,” Marahas na napabintong hininga si Alex nang marinig ang pamilyar na boses na ayaw niya na sanang marinig.Nilingon niya ang laaki. “Bakit ka andito? Paano mo nalamang andito ako? Naiiritang tanong ni Alex. Nakakunot ang noo nito at mahigpit na hinawakan ang kanyang telepono, handa sa kung ano man ang gagawing paghakbang ng lalaki.“Bakit di ka pumunta sa Laguna?” pabalik na tanong ni James.Hahakbang pa sana siya palapit kay Alex ngunit pinigilan siya nito.“Isang hakbang mo pa. Hindi ako magdadalawang isip na tumawag ng pulis para ireport ka.”“Alex… Seryoso ako. Ikaw lamang ang babaeng papakasalan ko at gusto kong makasama habang buhay. Sana paniwalaan mo iyon.”Umiiling- iling na natatawa si Alex sa nasambit ni James, na tila ba may nakakatawa sa sinabi nito.“Talaga ba? Nanawa ka na ba sa pakikipaglaro mong bahay-bahayan at tatay-tatayan kay Ivy at sa magiging anak nito, kaya ka lumalapit sa akin ngayon?” Mapang-asar na tanong ni Alex.“Maniwala ka man o sa hindi… Si Ivy,