Sino kaya?
Nakita ni Alex ang ginang na kausap niya. Siya ang may ari ng apartamento. “May bago po bang lipat?” tanong ni Alex.Sa pagkakatanda niya ang unit na iyon ay wala pang nakatira.“Hindi ba ikaw…”“Pero dito po ako nakatira.” tinuro ni Alex ang katabing pintuan, na may mga gamit na nakaharang. Gamit iyon na mula sa loob ng bakanteng paupahan.“Ay sorry. Puno na kasi ang bahay ko may nakaupa na. Tapos nakiusap ang lilipat na linisin at ayusin ang mga gamit rito sa loob. Teka… Tatanggalin ko iyan para makapasok ka na.”Tumulong si Alex sa pagbubuhat ng mga gamit na nakaharang sa kanyang pinto. At nagpasalamat sa Ginang. Muli siyang sumilip sa bahay at napansing tila mas luma pa iyon tingnan kaysa sa kanyang bahay.‘Siguro mura lang upa rito. Kung ako tatanungin lilipat ako rito kung mura lang din ang upa lalo pa at nagtitipid ako ngayon.’ saad ni Alex sa sarili.‘Sino kaya ang lilipat rito? Babae o lalaki? Sana naman hindi magulo at hindi maingay.’“Uhm… Pwede po ba malaman kung sino ang
“Bakit ba sa tuwing binabalak kong umalis, ay lagi akong walang choice kundi ang bumalik? Naku! Kung hindi lamang sa pinaghirapan at pangarap namin ng papa ko, hindi na ako talaga magpapakita sa kanila. Nagpasa na nga ako ng resignation pilit pa rin akong pinapabalik. HIndi ba pwedeng ako naman muna? Sarili ko na muna? Kailangan kong maghilom para naman sa kalusugan ko.” INis na reklamo ni Alex habang kausap ang sarili sa harap ng salamin sa kanyang kwarto.Gayunpaman, ayaw naman ni Alex na hindi matapos ang amusement park na iyon. Maraming panahon na rin ang ginugugol niya. Pati dugo at pawis ay inilaan niya duon. Kumuha siya muli ng maliit na bag at naglagay ng ilang damit na susuotin niya pagbalik niya sa site.Hapon na nang umalis si Alex sa kanyang bahay. Nang sa kanyang paglabas ay nabaling ang kanyang tingin sa pinto katabi ng kanyang unit. Nakakaramdam si Alex ng kakaibang kaba sa tuwing napapatingin siya rito. Marahil ay nalaman niyang may bagong lipat at lalaki pa ang lilipa
Tila nainsulto si Ivy sa sinabi ni Alex. Napakuyom ito ng kanyang mga kamay at tila may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan.“Paano mo nasasabi ang mga ganitong bagay, Alex? Minahal mo din naman yung tao. Hindi ba dapat di ka magsasalita ng masasamang bagay laban sa kanya? Kahit na ba hindi okay ang breakup niyo kahit papaano minahal mo siya sa loob ng isang taon. At pamilya ang turing sayo ng pamilya niya. Wala ka na bang natititrang kaunting amor man lang dyan sa puso mo?” dismayadong tanong ni Ivy.Natawa si Alex sa sinabi ni Ivy. “Amor? Nagpapatawa ka ba?” Napailing si Alex habang natatawa na tila nakarinig ng biro sa kanyang kaharap na babae.“Sa pagkakaalam ko, ang taong nararapat na bigyan ng halaga at pagmamamahal, ay ang taong karapat-dapat. Sa tingin mo ba deserving si James sa pagmamahal ko? Gaya ng sabi mo, masama akong tao. Hindi ako marunong magpatawad, lalo na sa mga taong sinaktan ako.” Sarkastikong tugon ni Alex na ikinakunot ni Ivy.“Ganyan ka na ba ngayon? Ano-”
“Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na.” napabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex at nakaramdam ng pag-init sa kanyang pisngi sa hiyang naramdaman.“UH-Sorry.” Sumunod siya kay Brandon sa sofa at umupo sa tabi nito.“Kukuha lang ako ng maiinom. Anong gusto mo? Kape? Juice?”“Juice na lang siguro.” sagot ni Alex at nagpasalamat ito.“Gagawa lang ako ng juice at sandwhich. Andyan na sa desktop ang file.” saad ni Brandon saka pumunta ng kusina upang gawan ng meryenda ang bisita.Napaawang naman ang bibig ni Alex nang makitang maraming mga nakalagay sa kanyang laptop. Nahihilo at naduduling na si Alex, hindi malaman kung anong file ang kanyang bubuksan. Dala ang nakabukas na laptop, pumunta si Alex sa hapagkainan at doon nilapag ang laptop ni Brandon, bago umupo sa upuan.“Saan dito? Ang dami kasing folders di ko makita ang sinasabi mo.” tanong ni Alex.“Yung may AB na folder.” sagot ni Brandon.“Alin dito?” nagugulumihanang tanong ni Alex. Patuloy ang kanyang paghahanap ng files
Kumunot ang noo ni Brandon. Hindi mahigpit ang kanyang pagkahawak, ngunit agad na nangsim ang mukha ni Alex at halatang nasasaktan ito. Bumaling ang tingin ni Brandon sa kamay ni Alex sa bandang palapulsuhan at napansin ang pasa sa paligid nito. Agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga, at itinaas ang manggas ng suot nitong dyaket.“Anong nangyari rito?” tanong niya.Bakas sa kanyang mukha ang pagkunot ng kilay, at pag-igting ng panga. Agad na binawi ni Alex ang kanyang kamay. At napansin niyang tinitignan lamang ni Brandon ang bawat kilos nito.‘Galit ba siya?’“W-wala ito,” Nauutal nitong sagot habang binababang muli ang manggas ng kanyang dyaket upang takpan ang pasa sa kanyang kamay.Inangat ni Brandon ang kanyang kamay at nakapalad itong nakaharap kay Alex. “Akin na,” saad nito na tila ba may hinihingi.“Ang alin?” Maang nitong tanong.Tintigan ng masama ni Brandon si Alex at bumuntong hininga bago kinuhang muli ang kamay nito kung saan nakita niya ang pasa kanina.“Saan mo to na
Mag-aalas dos na ng madaling araw at ilang beses nang paikot ikot si Alex sa kanyang higaan ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maraming tumatakbo sa kanyang utak. Kaya para dalawin ng antok ay sinubukan niyang buksan ang kanyang telepono at bumungad doon ang mga mensahe ni Grace.“Totoo nga naman ang kasabihan.. Ang masamang damo matagal mamatay.”“Mukhang mahina lang ang pagkakapalo mo. Hindi man lang malala. Nagtamo lamang siya ng maliit na sugat. Pero siguro puro dugo lamang ang laman ng kanyang ulo at walang utak.”Natawa si Alex sa mga mensahe ni Grace. Nagtipa siya ng mensahe at nireplyan ang kaibigan.“Hayaan mo, sa susunod… sisiguraduhin ko nang malakas ang pagkakapalo ko. Para di na talaga magising. Ha-ha-ha.” sagot ni Alex.“HIndi ko na tinignan pa siya baka ntulog siya ulit o di kaya ay inoperahan ulit.” sagot ng kaibigan sa kanyang mensahe.Umalis si Alex sa kanilang sagutan sa text at binasa ang iba pang mensahe.Nakita niya roon ang mensahe ni Timothy kaya binuk
‘Haizzt! Tama na ang pag-iisip kay Brandon at sa panaginip na iyan!’ Napakamot ng ulo si Alex.Agad namang napansin ni Cynthia ang pagkaluskos sa bandang kama ni Alex. Kaya lumapit ito kay Alex.“Miss… Maaga pa. Matulog ka pa po. Tingin ko madaling araw ka na nakatulog kagabi.” makabuluhang sabi nito sabay ang pag anagt baba ng kilay ni Cynthia.Nagtaas ng kilay si Alex. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Alex.“Hehe… HIndi ba at pumunta kay Sir Brandon? Akala ko ikaw at si Brandon ay-” pinagdikit ni Cynthia ang dalawang nakaangat na hintuturo nito at pinagdikit ang mga ito kasabay ang pangungutya.Kumunot ang noo ni Alex. “Anong pinagsasabi mo dyan?” tanong nito kasabay ang pag-ikot ng kanyang mata sa pagkairita.“Kinain ka na ng sistema ng pinapanuod mong drama sa laptop mo.” Naiiling na lamang si Alex, na halatang dismayado sa sinabi nito.“Bakit? Anong mali sa sinabi ko? May problema ba kung magkakamabutihan ang kagaya mong wala nang karelasyon sa isang binatang wala din namang k
Lumabas sina Alex at CYnthia ng kanilang hotel room upang mag-almusal at pumunta sa trabaho. Nagulat si Cynthia ng makita si Brandon na nakatayong nakasandal sa pader sa katabing pintuan ng tinutuluyan nitong hotel room. Nakasuot itong batik na kulay ng pantalon at itim na pang-itaas na t-shirt. Parehas na nasa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay nito.Nakakunot ang noo ni Cynthia na nagtataka. “Sir Brandon… Ano pong ginagawa niyo rito? Hindi pa po kayo pumunta sa site?” tanong ito.“Ayoko pang pumasok.” maikling sagot ni Brandon saka nilingon si Alex na nasa likod lamang ni Cynthia at tahimik na nakikinig ng usapan.Hindi pa rin makalimutan ni Alex ang kahihiyang ginawa niya kagabi kaya wala siyang mukhang maiharap sa binata.“Nag-almusal na po ba kayo?” tanong ni Cynthia.“Hindi pa.” sagot nito habang nakatingin parin kay Alex.Napansin naman ni Cynthia ang pagtitig ni Brandon sa kanyang kasama kaya ay nakangisi ito na tila may pinaplanong hindi maganda.Piangswiklop
Ilang minuto silang tahimik dalawa habang binabaybay ang daanan patungo sa kanilang patutunguhan. At dahil sa dilim ng paligid, hindi namalayan ni Brandon ang tumatawid na aso sa kalsada. Kaya naman sa gulat nito, ay ikinabig niya ang manibela sa kabilang linya, dahilan upang makasalubong nila ang isang malaking trak na papalapit sa kanila.“Ahhh!!!” Sigaw ni Alex na agad nagpikit ng mata sa takot na sila ay mababangga. Ang kabang naramdaman ni Alex ay halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.Ngunit kalmado lamang ang nagmamanehong si Brandon, na agad iniliko ang minamanehong sasakyan pabalik sa dating linya. Agad na itinabi ni Brandon ang kotse at nilingon ang nakapikit at mahigpit na nakakapit sa kanyang seatbelt na si Alex.“Alex… Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito.Doon lamang napagtanto ni Alex na sila ay ligtas at hindi napahamak sa kalsada. Nakahinga siya ng maluwag at agad na tinanggal ang suot na seat belt upang mayakap si Brandon. Naramdaman na lamang
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakakas
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na