ARMELLE LUNA
Nagmamadali akong naglakad patungong terminal ng mga cab. Lumihis ako ng daan dahil may tubig sa madalas kong daanan. Umulan kasi ng nagdaang gabi at may mga natira pa na tubig ulan sa daan.
Ngunit hindi pa man ako nakakarating ay tumalsik ang tubig ulan mula sa daan sa suot ko ng may dumaan na itim na sasakyan.
"Anak ng tinapa naman, oh," sambit ko saka pinasadahan ang aking sarili. Gayon na lang ang panlulumo ko ng makita ko ang basa sa suot ko lalo na ang pantalon ko.
Kinuha ko sa bag ang panyo ko para punasan ang pantalon ko. Marumi kasi ang tubig kaya kumapit ang dumi sa pantalon.
"Miss, are you alright?" tanong ng baritonong boses.
Tumigil ako sa pagpupunas at awtomatiko akong nag-angat ng mukha para sulyapan ang nagsalita. Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang kaharap. Gwapo si Jacob pero mas gwapo itong kaharap ko.
"O-okay lang," tila wala sa sarili na tugon ko.
Napansin ko na may dinukot ito sa likod ng pantalon nito. Hawak na nito ang wallet at may kinuha sa loob. Kunot ang noo ko ng inabot nito sa akin ang dalawang libong piso.
Nagtatanong ang tingin na tiningnan ko ang lalaki. "Bakit mo ako binibigyan ng pera?" nagtatakang tanong ko.
"Bumili ka ng pamalit mo," walang pakundangan na sagot nito.
Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa katawan at naipon iyon sa ulo ko. Para akong nainsulto sa ginawa at sinabi nito. Ano'ng akala nito sa akin, pera lang ang katapat?
Nawala na parang bula ang magandang impresyon ko sa lalaking kaharap. Sa kabila ng kagwapuhan nitong taglay ay may tinatago itong kapangitan sa ugali nito.
Hindi ko kinuha ang perang inabot nito sa akin, sa halip ay umalis ako sa harap nito. Tinungo ko ang tubig ulan sa daan. Dahil basa na rin naman ako ay walang pagdadalawang-isip na pinatalsik ko ang tubig gamit ang sapatos ko. Binasa ko ang walang modong lalaki.
"What the heck?!" hindi makapaniwalang usal nito habang pinapasadahan ang sarili. "What the hell is your problem, miss?!" madilim ang mukha na angil nito sa akin.
"Hindi ko kailangan ng pera dahil marami ako n'yan. Iyang pera mo, i*****k mo na lang sa ugali mo na walang modo. Bastos!" singhal ko rito bago ito tinalikuran saka naglakad pabalik sa apartment ko.
"Hey, you! You'll pay for this!" dinig kong pagbabanta nito sa akin.
"Whatever," mahinang sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko na ito pinag-aksayahan ng panahon na lingunin. Nakaganti na ako kaya wala na akong balak na makipagtalo pa sa kanya.
Ngunit nagulat ako ng may humawak sa braso ko at pinihit ako paharap. Ang nagtatagisan na bagang ng lalaki ang tumambad sa harap ko.
"Look, miss. I don't know what your problem is, but take this. Hindi kita sisingilin sa ginawa mo. Kunin mo na lang ang pera," pagpupumilit nito at muling inabot sa akin ang pera.
Hinawakan nito ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang pera na hindi ko kinuha kanina saka ako tinalikuran at nagmamadaling bumalik sa sasakyan nito.
Lalong nag-init ang ulo ko sa ginawa nito. Siya pa ang may ganang maningil dahil sa ginawa ko samantalang siya ang unang nakagawa ng kasalanan sa 'kin.
"Hoy! Lalaking walang modo. Itong pera mo, kainin mo dahil hindi ko kailangan 'to! Baka mas kailangan mo pa ito pambili ng magandang ugali pamalit d'yan sa ugali mong bastos!" sigaw ko dito na ikinatigil nito at muling humarap sa direksyon ko.
Pagkatapos ko iyon sabihin ay kinuyumos ko ang pera at tinapon iyon sa direksyon niya. Bahala siya kung dadamputin niya o hindi.
"You, brat!" mariing bigkas nito.
Habang papalayo ako ay dinig ko ang mariing pagmumura nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil sa ginawa ko.
Dalangin ko na sana ay hindi na magtagpo ang landas naming dalawa. Siya ang taong hindi ko nanaisin na makita pang muli. Sigurado naman ako na hindi lang kami magkakasundo dahil maaalala namin ang nangyari.
Pagdating sa tapat ng apartment ko ay sinalubong kaagad ako ng landlady ko.
"Bakit bumalik ka, Armelle? At saka, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong nito habang pinapasadahan ng tingin ang suot ko.
"May dumaan ho kasing sasakyan, Ate Elsa. Kaya heto, ako ang malas na sumalo," paliwanag ko saka alanganing ngumiti.
"Gano'n ba? Late ka na tuloy n'yan," sabi pa nito.
"Okay lang ho. Magpapaliwanag na lang po ako sa professor ko," tugon ko saka ito tinalikuran para pumasok sa loob ng apartment.
"Armelle, may naghahanap pala sa iyo kanina. Ang sabi ko ay pumasok ka na. Pag-alis mo ay saktong dumating naman siya," sabi nito na nagpatigil sa akin sa pagbubukas ng pintuan.
"Sino ho?" tanong ko.
"Nagmamadaling umalis kaya hindi ko na natanong," sagot nito.
"Gano'n ho ba? Salamat po, Ate Jane," sabi ko at pumasok na sa loob ng apartment ko.
Makalipas ang isang buwan ay lumipat ako ng tirahan. Iyon kasi ang nais ni mama. Kung tutuusin ay kuntento na ako sa dati kong tinutuluyan dahil nasanay na rin ako doon. Tinanong ko si mama kung bakit kailangan ko pa lumipat kung isang buwan na lang ay malapit na akong magtapos. Ang sabi niya ay malalaman ko ang sagot kapag nakalipat na ako.
Dahil napagod ako sa byahe ay nagluto na lang ako ng noodles. Pagkatapos kumain ay niligpit ko muna ang aking pinagkainan saka pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang earphone at nilagay sa aking tainga saka ako. Pinatay ko ang music sa cellphone at tinungo ang bintana. Hinawi ko ang kurtina at sinilip ang labas mula sa sliding window na nasa kwarto ko.
"Gabi na pala," sambit ko.
Lumabas ako ng kwarto ngunit para akong tinulos na kandila sa aking kinatatayuan ng makita ko na bukas ang ilaw sa kusina. Sa pagkakatanda ko kanina ay hindi ko binuksan ang switch ng ilaw. Kaya nga pati rito sa sala ay madilim dahil maliwanag pa kanina bago ako pumasok sa kwarto.
Hindi ko makita kung may tao nga sa kusina dahil may nakaharang na pader. Bagamat nakaramdam ng kaba ay kumuha ako ng bagay na maaaring panlaban kung masamang tao man ang nasa kusina.
Matapang akong humakbang palapit kahit nagsisimula ng mangatog ang dalawang tuhod ko. Habang papalapit ay bumibilis naman ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba. Para akong pumasok sa giyera na walang dalang armas.
Napangiwi ako ng makita ko ang bagay na kinuha ko. Tsinelas ang dala ko. Ano naman ang laban ng tsinelas kung matulis na bagay o baril pala ang dala ng masamang taong pangahas na pumasok sa apartment ko?
"Bahala na," walang kasiguraduhan na mahinang usal ko.
Malapit na sana ako sa bungad ng kusina ng namatay ang ilaw. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil madilim ang paligid. Anumang oras ay maaari akong sugurin kapag narinig nitong may kumaluskos.
Narinig ko na may kumaluskos kaya kaagad akong humakbang palapit kung saan may munting liwanag na nagmumula sa cellphone. Dahil sa kaba ay hindi na ako nakapag-isip ng matino kaya nagmamadali akong lumapit sa bulto. Hinampas ko ito ng malakas na ikinagulat nito dahilan para mabitawan nito ang hawak na cellphone.
"Sino ka? Lumayas ka rito! Tatawag ako ng pulis!" pagbabanta ko habang patuloy itong hinahampas ng tsinelas.
"What the hell?!" sambit ng baritonong boses na muntik ng magpatigil sa ginagawa ko.
"Ano'ng what the hell? May pa-ingles-ingles ka pa, magnanakaw ka naman!"
Sinubukan ako nitong pigilan pero hindi ako nagpatinag. Kahit sumakit ang katawan ko ay hindi ako titigil na hampasin ito hanggang sa siya na lang ang kusang sumuko.
"Who the hell are you?!" tanong nito habang sinasalag ang tsinelas.
Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsinghap ng nabitawan ko ang tsinelas na hawak ko. Umatras ako ng tumuwid ito ng tayo. Ngayon ko lang napagtanto na ang laki pala nitong tao dahil hanggang balikat lang ako nito.
"Who do you think you are, huh? Ang lakas ng loob mong hampasin ako in my own place? I swear, you'll pay for this!" may diin na sabi nito habang patuloy na humahakbang palapit sa akin.
"In your place? It's my place. Nagkakamali ka ng pinasok," pagtatama ko.
"Really, huh? Do you think I will believe you?" sarkastikong saad nito.
"H-huwag kang lalapit. Sisigaw ako?" nanginginig ang boses na sabi ko.
"Go on. Scream as long as you want," panghahamon pa nito sa akin.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at mariing pumikit ng lumapat ang likod ko sa pader. Wala na akong maatrasan.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ng malapit na siya sa akin. Wala na akong choice kundi sumigaw. Ngunit bago ko pa man gawin ay inilang hakbang na niya ang kinatatayuan ko.
Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya. Kaunting espasyo na lang yata ang pagitan naming dalawa dahil sa mainit na buga ng hininga niya na dumadampi sa mukha ko.
"Why don't you scream? Are you afraid of me, hmm? Did I scare you, huh?" malalim na boses na sunod-sunod na tanong nito na halos magpanginig ng kalamnan ko. Hindi sa takot kundi sa malakas na presensya na hatid sa akin ng estranghero na nasa harap ko.
"S-sino ka ba? B-bakit nandito ka?" nauutal na tanong ko.
Hindi ako makaalis dahil nakulong ako ng dalawang braso nito na nakatukod sa pader.
"Hindi ba dapat ay ako ang magtanong sa 'yo niyan? What are you doing in my place?" mariing tanong nito na animo'y sa kanya nga ang apartment na ito.
"B-baka nagkakamali ka. Ako ang nakatira rito," paglilinaw ko rito.
"I see. But I think you're in the wrong place here, miss. Now, if you don't mind. Get out of my place!" asik nito sa akin dahilan para mapaigtad ako.
Nahimasmasan ako dahil pinapalayas niya ako sa pag-aari ko. Awtomatikong gumalaw ang kamay ko at saka hinawakan ang magkabilang balikat nito. Mabilis kong inangat ang tuhod ko at tinuhuran ko ito sa pribadong parte ng katawan nito.
"God damn it!" d***g nito dahilan para umalis ito sa harap ko. Ginawa ko itong pagkakataon para tunguhin ang switch ng ilaw para buksan iyon.
Ngunit para na naman akong tinulos na kandila ng makita ang lalaking namumula ang mukha habang namimilipit sa sakit at hawak ang harapan nito.
"I swear, you'll pay for this!" angil nito at walang tigil sa pagmumura.
"I-ikaw?" usal ko ng makilala ko ang lalaki.
ARMELLE LUNASa dami ng makakatagpo ko, ang bastos na lalaking ito pa? Ang sabi ko pa naman ng huli kaming magkita ay siya ang taong hindi ko gugustuhin na makatagpo pang muli. "Yes, it's me. And I think we should settle this mess," maawtoridad na sabi nito at naglakad palapit sa akin kahit bakas pa rin sa mukha nito ang iniindang sakit. Umatras ako at hinarap sa kanya ang dalawang kamay ko, senyales na huwag niya akong lalapitan. Napahinto naman ito saka nagsalubong ang kilay at pinaka-titigan ako. "Have we met before?" tanong nito dahilan para tumaas ang isang kilay ko. "Talaga ba, bastos na lalaki na walang modo? Hindi mo nakikilala ang babaeng tinalsikan mo ng maruming tubig?" pagpapa-alala ko rito. Sumilay ang ngisi sa labi nito at muling nagpatuloy sa paglapit sa akin. "What a coincidence," anito na hindi nawawala ang ngisi sa labi. "Do you remember what I have said? I said, you'll pay for what you have done. And now, you attacked me in my own place. Sa tingin mo ba ay ma
ARMELLE LUNAMaya't maya ang silip ko sa kabilang pintuan habang nakaupo sa sofa sa sala. Nasa tapat ako ng pintuan ng housemate ko dahil hinihintay ko ang paglabas nito. Kailangan ko kasi sabihin sa kanya na may pasok ako sa school bukas. Baka kasi pagbalik ko ay hindi na ako makapasok dahil pinalitan na niya ang padlock ng main door. Isang oras na ako naghihintay ay hindi pa rin siya lumalabas. Nakaramdam na ako ng gutom kaya tumayo na ako. Hindi pa man ako nakahahakbang ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng kwarto niya. "Good morning!" masiglang bati ko na ikinatigil naman niya sa paghikab. Salubong ang kilay na tiningnan niya ako. "Good morning," wala sa loob na sagot nito. "Nagluto na ako ng almusal. Kumain na tayo," yaya ko saka lumapit rito. Hinawakan ko ito sa kamay at iginiya sa dining area. "You prepared this?" manghang tanong nito ng makita ang pagkain na nasa mesa. "Oo. Maupo ka na at kumain na tayo. Nagugutom na rin ako," nakangiting tugon ko at naupo sa bakanteng
ARMELLE LUNAPagkatapos ng klase ay binisita ko si Jacob sa restaurant na pag-aari nito. Pinapasok kaagad ako ng isang staff sa opisina nito. "What brought you here, Love? Sana tinawagan mo ako para nasundo kita." Sinalubong niya ako ng yakap. "Gusto kita surpresahin," nakangiting sabi ko. Iginaya niya akong maupo sa couch. Nagkumustahan kaming dalawa. Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Hanz dahil tiyak ako na magagalit ito at ipipilit na lumipat ako ng tirahan. Mayamaya lang ay naging malikot ang kanyang kamay sa aking katawan. "I missed you," halos pabulong ng sabi niya. "I can't wait to be with you, Love," aniya habang dinadampian ako ng halik sa aking pisngi. "J-Jacob.""I want you, Love. I want to make love with you," tila kinakapusan ng hininga na bulong niya sa puno ng tainga ko dahilan para magtaasan ang balahibo ko sa buong katawan. Bahagya akong lumayo sa kanya. Nang sulyapan ko siya ay nagtatanong ang tinging pinupukol niya sa akin. "I'm sorry, Jacob. Pero hindi
ARMELLE LUNASa mga nakalipas na araw ay naging maganda ang samahan namin ni Hanz. Sa edad nito ay para ko itong naging kuya sa bahay. Ilang beses ko na rin itong naririnig na may kausap sa cellphone na alam ko naman na babae dahil iba't ibang pangalan ang binabanggit nito. Kaya napatunayan ko na tama nga ang impormasyon na nakalap ko na isa itong dakilang playboy. May pagkakataon na kapag alam niya na nasa malapit lamang ako ay pinupukol niya ako ng tingin na nagpapahiwatig na huwag ako makikinig sa usapan nila. Kaya bilang pagbibigay galang ay napapailing na umaalis ako sa harap niya. Kapag gano'n ang nagiging reaksyon ko ay tinatawanan lang niya ako. "Luna, do you want to come with me. I'm going to meet my friends today," suhestyon ni Hanz ng lumabas sa pintuan ng kwarto nito. "Ayoko. Mapagkamalan pa akong isa sa mga babae mo," nakasimangot na sagot ko na nanatiling nakatuon ang tingin sa pinapanood ko. Isa pa, mas gusto ko na nandito lang dahil ito ang araw na nakakapag-pahinga
HANZSalubong ang kilay na nakatutok ang mata ko sa screen ng laptop ko ngunit wala naman dito ang atensyon ko. Kanina pa ako may hinihintay na tawag ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig. I was about to pick up my phone that was on the top of my office table when the door of my office opened and the person I had been waiting for to call me appeared. He was wearing his wide smile as if there was good news. Unti-unting pumantay ang salubong kong kilay at sumilay ang ngiti ko sa labi. I hope he bring good news because of his smile. "I was about to call you, bro. Does your smile means good news?" malawak ang ngiti na tanong ko. Ang ngiti nito ay unti-unti naglaho at napalitan ng seryosong reaksyon. "Damn it! Bad news again!" protesta ng bahagi ng utak ko. "Smiling doesn't mean I brought good news for you, bro. I'm just happy to see you." He winked at me aabay printeng umupo sa couch na animo'y siya ang boss ng opisina.Umikot ang mata ko. "Sa susunod, huwag ka ng pu
ARMELLE LUNA Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang matamang nakatitig sa akin ng makita ako. Ang tahimik kong puso ay biglang nagwala ng makita ang lalaking walang kakurap-kurap at tila nagulat din ng masilayan ako. Isang tikhim ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Saka ko lang napagtanto kung bakit nga ba ako narito. Kung siya ang nadatnan ko rito, ang ibig sabihin lang nito ay siya ang magiging boss ko. "Hija, halika rito. Maupo ka muna," yaya sa akin ni Tito Harold. I wonder kung alam ba niya na magkakilala na kami ng anak niya. Pinilit kong humakbang kahit nagsimula ng mangatog ang tuhod ko. Wala pa rin pinagbago ang epekto ng presenya niya sa akin, nagrarambulan pa rin sa sobrang kaba ang puso ko. Habang papalapit ako ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Gusto ko umiwas ng tingin pero baka kung ano ang isipin niya kapag ginawa ko iyon. Pipilitin kong maging pormal sa harap niya kahit nagsisimula ng manlamig ang palad ko. Nang nasa harap na
ARMELLE LUNAIlang beses ako nagbuga ng hangin habang naglalakad sa pasilyo patungo sa opisina ni Hanz. Pilit ko kinakalma ang sarili ko dahil itong puso ko, pasaway na naman. Parang gusto ko na lang dukutin at itapon para hindi ko nararamdaman ang ganito kalakas na kabog ng puso ko. Ito ang unang araw ko sa trabaho bilang sekretarya niya kaya alas syete pa lang ay narito na ako kahit alas otso ang talagang oras ng pasok. Kailangan ko pa kasi ayusin ang desk ko dahil hindi ko na iyon nagawa ng pumunta ako rito. Niyaya na kasi ako ni Harry na umalis at kahit pagpaalam man lang kay Hanz ay hindi ko na nagawa. Nang araw na iyon nang pumunta si Harry sa opisina ay saka ko nalaman na pinsan pala ito ni Hanz. Kaya pala para itong may-ari ng opisina kung umasta dahil dito rin pala nagtatrabaho ang lalaking iyon. Natatawa na lang ako sa sarili dahil pinalilibutan ako ng mga tao na may kaugnayan pala sa lalaking nilayuan ko. "Good morning, Ms. Bermudez," bati sa akin ng isang empleyada na n
ARMELLE LUNAPatakbo na tinungo ko ang elevator. Kahit siksikan na ay pinilit ko ang sarili na sumabay dahil ilang minuto na akong late. May ilan nga ako naririnig na nagbubulungan at nagrereklamo na kung bakit ba daw sumabay pa ako, mas lalo raw tuloy sumikip. Umikot ang mata ko sa mga pasaring nila at hindi ko na lamang sila pinansin. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan ko mag alarm ng cellphone ko? Heto tuloy ako, naghahabol ng oras. Pagbukas ng lift sa ikalabing limang palapag kung saan ang opisina ay mabilis akong lumabas. Humahangos na tinungo ko ang pwesto ko. Pupunta sana ako sa pantry para ipagtimpla ng kape si Hanz dahil sigurado ako na nasa loob na ito ng opisina nito ngunit napahinto ako ng makita ko ang isang empleyado na lumabas sa opisina ni Hanz. Bakas sa mukha nito ang takot at nagbabadyang pag-iyak base na rin sa pamumula ng mata nito ng magsalubong ang tingin naming dalawa. "N-nariyan ka na pala," nanginginig ang labi na sabi nito ng lumapit sa 'kin. Tila nagpipi
ARMELLE LUNAHindi nawawala ang ngiti ko sa labi habang abala ako sa ginagawa ko. Lagi pumapasok sa isip ko ang naganap kanina lang sa loob ng opisina ni Hanz. Ilang segundo rin tumagal ang halikan naming dalawa kaya ng makaramdam ako ng pang-iinit ng katawan ay ako na ang unang gumawa ng hakbang para putulin iyon. Napakamot pa siya sa ulo at alanganing ngumiti. Tinaboy na rin niya ako palabas ng opisina dahil baka raw lumagpas pa sa halik ang gawin niya kapag nanatili pa ako ng matagal sa loob ng opisina. Tama nga si Ate Bea, gentleman si Hanz. Mula sa screen ng computer ay napasulyap ako sa phone ko na nasa ibabaw ng office table. Kumunot ang noo ko ng makita ko na si Tito Harold ang tumatawag. Simula ng magtrabaho ako rito hindi ko na siya nakausap. Hindi kaya may nahanap na siyang papalit sa akin? Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Kung kailan naman okay na kami ni Hanz ay saka naman ako aalis. Matamlay na dinampot ko ang phone. Hindi dapat ako pahalata na apektado a
ARMELLE LUNANakailang buga ako ng hangin habang nasa harap ng pintuan ng opisina ni Hanz. Kinakabahan ako dahil ito ang unang paghaharap namin simula ng huli naming pag-uusap. Ayaw ko man harapin siya ay hindi maaari dahil kailangan ko mag-remind ng mga meetings niya ngayong araw. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago kumatok at pumasok. Sumikdo ang puso ko ng tapunan niya ako ng tingin. Ilang segundo kami nagkatitigan. Ngumiti ako pero parang kinurot ang puso ko ng hindi man lang niya tinugon ang ngiti ko saka hinarap ang laptop niya.Dismayado man ay pumasok pa rin ako. Gagawin ko na lang ang trabaho ko ngayong araw. Magiging natural sa harap niya na parang walang nangyari. "Good morning, sir. I just remind you of your meeting at 9 o'clock with the board members and lunch meeting with Mr. Alonzo. After the lunch meeting, you will meet with your investors, Mr. Millanes."Pagkatapos ko iyon sabihin ay wala man lang ako narinig na salita mula sa kanya. Kahit man lang sana tum
ARMELLE LUNANaramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa ulo ko ng bumangon ako. Nagpalinga-linga ako at kinurap-kurap ang mata para alamin kung nasaan ako. Napangiti ako ng napagtanto ko na nasa bahay na pala ako. Humihikab na tumayo ako at lumabas ng silid. Nagsalubong ang kilay ko ng nanuot sa ilong ko ang amoy na parang may nagluluto. "Kagagaling lang ni mama no'ng isang araw, ah," puno ng pagtataka na sambit ko. Dahil mabango ang naaamoy ko, tinungo ko ang kusina. Bigla kasi kumalam ang sikmura ko. Ngunit para akong tinulos na kandila sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang abala na nagluluto sa kusina. "Ikaw?" Pumihit siya paharap ng marinig ako. "Oh, hi. Good morning, Luna. I'm sorry if I interfered in your kitchen. Ayoko na magluto ka pa paggising mo," nakangiting bungad niya. "A-ano'ng ginagawa mo dito? Bakit nandito ka ng ganito kaaga?" nagugulumihanang tanong ko. Lumawak ang pagkakangiti niya. Hinarap muna niya ang niluluto at ilang sandali lang ay muli akong hina
ARMELLE LUNAApat na baso ng Margarita pa lang ang nainom ko pero parang nararamdaman ko na ang pamamanhid ng katawan ko. Bahagya na rin umiikot ang paningin ko at dumudoble na ang tingin ko sa mga kasama ko pero wala akong balak na huminto sa pag-inom. Ano ba naman iyon pagbigyan ko sila sa nais nila. Gusto ko rin makalimutan ang pagkadismaya at pagkabigo ko ngayong araw. Nang iwan niya ako sa loob ng opisina na mag-isa at lumabas kasama ang babaeng dumating kanina ay saka ko napagtanto na pinaglalaruan nga lang niya ang nararamdaman ko. Ang walang-hiyang iyon, pagkatapos akong halikan ay iiwan ako na parang basura sa loob ng opisina niya. Sabagay, sino ba naman ako para piliin niya kumpara sa asawa niya. Mas ngayon ko napatunayan na hindi pa rin siya nagbabago, isa pa rin siyang dakilang babaero. "Ano, Armelle, kaya pa ba?" malawak ang ngiti na tanong ni Mica sa akin. Ngumisi ako sabay tungga ng natitirang laman na inumin sa aking baso. "Ako pa talaga ang hinamon n'yo. Kahit abut
ARMELLE LUNASimula umaga ay naging abala na ako. Sunod-sunod din ang meeting ni Hanz sa mga board members ng kompanya, iba pa iyong meeting sa mga investors niya. Syempre, ako naman itong secretary, bago magsimula ang meeting ay inaayos muna ang conference table para pagdating ng mga ka-meeting nito ay uupo na lang at titingnan ang mga files na naka-ready na at bubuklatin na lang sa ibabaw ng table. Halos okupado ng trabaho ang isip ko dahil bawat importante na sinasabi ni Hanz sa mga ka meeting niya ay nakalagay lahat sa iPad na hawak ko. Simula meeting niya sa umaga hanggang hapon, basta lahat ng mahahalaga ay nakatala. Mas mainam ng may ibibigay akong minutes sa mga naganap na meeting niya para wala siyang masabi sa 'kin. Anyway, gawain naman talaga iyon ng sekretarya.Heto nga at parang pagod na pagod ang katawan ko kaya parang hindi ko kayang tumayo at kumain sa labas kahit niyaya ako ng mga kasama ko. Ewan ko ba, nakaupo lang naman ako maghapon pero ang isip ko, parang ayaw na
ARMELLE LUNAGusto ko na paalisin si Hanz para magkasarilinan na kami ni mama. Marami ako gusto itanong sa magaling kong ina pero mukhang nag-e-enjoy pa ito at si Hanz mag-usap. Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagsimula na sila magkwentuhang dalawa dito sa sala. Nakatutok lang ang atensyon ko sa pinapanood ko dahil wala naman ako balak na makisingit sa usapn nilang dalawa. Minsan ay tinatanong ako ni mama, kapag nasagot ko na ay tinutuon kong muli ang atensyon sa TV. Bagamat nakatutok ang mata ko sa pinapanood ko ay hindi nakakaligtas sa gilid ng mata ko ang panaka-nakang pagsulyap sa 'kin ni Hanz. Marahil ay humihingi ito ng saklolo sa 'kin para patigilin si mama sa kadaldalan nito. Pero dahil gusto ko bumawi sa pananakit niya sa damdamin ko ay hinayaan ko lang siya. Bahala siyang marindi sa boses ni mama. "Anak, ihatid mo na si Hanz sa labas," pukaw sa 'kin ni mama. Nakahinga ako dahil mukhang nagsawa na ito makipagkwentuhan. Tumayo ako saka tinungo ang pintuan. "Thank you po, t
ARMELLE LUNAIlang araw ng para kaming estranghero ni Hanz sa isa't isa. Kinakausap ko lang siya kapag may importanteng sasabihin tungkol sa mga upcoming meetings niya kahit parang ayaw ko na s'yang lapitan. Nakakatakot kasi siya lapitan. Lagi na lang mainit ang ulo na akala mo ay malaki ang problemang pinagdadaanan niya rito sa opisina. Sa ilang araw kong nagtatrabaho dito sa opisina niya ay mukhang maayos naman ang takbo ng kumpanya niya. Siya lang itong halos akala mo pasan ang mundo. Minsan isang beses ay nagulat ako ng lumapit si Hanz sa desk ko at binigay sa akin ang cellphone niya. Gusto ko siya tanungin pero hindi na ako nag-abala dahil kahit tingnan niya ako ay hindi man lang niya magawa. Si Tito Harold pala ang nasa kabilang linya. Nagtanong ito kung kumusta raw ba ako sa kompanya ng anak niyang daig pa ang babae na may regla kung mag sungit. Dahil nakapamulsa lang siyang nakatayo sa harap ko at mukhang walang balak umalis at gusto pa makitsismis sa usapan ng ama niya ay
ARMELLE LUNAPatakbo na tinungo ko ang elevator. Kahit siksikan na ay pinilit ko ang sarili na sumabay dahil ilang minuto na akong late. May ilan nga ako naririnig na nagbubulungan at nagrereklamo na kung bakit ba daw sumabay pa ako, mas lalo raw tuloy sumikip. Umikot ang mata ko sa mga pasaring nila at hindi ko na lamang sila pinansin. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan ko mag alarm ng cellphone ko? Heto tuloy ako, naghahabol ng oras. Pagbukas ng lift sa ikalabing limang palapag kung saan ang opisina ay mabilis akong lumabas. Humahangos na tinungo ko ang pwesto ko. Pupunta sana ako sa pantry para ipagtimpla ng kape si Hanz dahil sigurado ako na nasa loob na ito ng opisina nito ngunit napahinto ako ng makita ko ang isang empleyado na lumabas sa opisina ni Hanz. Bakas sa mukha nito ang takot at nagbabadyang pag-iyak base na rin sa pamumula ng mata nito ng magsalubong ang tingin naming dalawa. "N-nariyan ka na pala," nanginginig ang labi na sabi nito ng lumapit sa 'kin. Tila nagpipi
ARMELLE LUNAIlang beses ako nagbuga ng hangin habang naglalakad sa pasilyo patungo sa opisina ni Hanz. Pilit ko kinakalma ang sarili ko dahil itong puso ko, pasaway na naman. Parang gusto ko na lang dukutin at itapon para hindi ko nararamdaman ang ganito kalakas na kabog ng puso ko. Ito ang unang araw ko sa trabaho bilang sekretarya niya kaya alas syete pa lang ay narito na ako kahit alas otso ang talagang oras ng pasok. Kailangan ko pa kasi ayusin ang desk ko dahil hindi ko na iyon nagawa ng pumunta ako rito. Niyaya na kasi ako ni Harry na umalis at kahit pagpaalam man lang kay Hanz ay hindi ko na nagawa. Nang araw na iyon nang pumunta si Harry sa opisina ay saka ko nalaman na pinsan pala ito ni Hanz. Kaya pala para itong may-ari ng opisina kung umasta dahil dito rin pala nagtatrabaho ang lalaking iyon. Natatawa na lang ako sa sarili dahil pinalilibutan ako ng mga tao na may kaugnayan pala sa lalaking nilayuan ko. "Good morning, Ms. Bermudez," bati sa akin ng isang empleyada na n