author-banner
Jaybee
Jaybee
Author

Nobela ni Jaybee

My Housemate is a Playboy Billionaire

My Housemate is a Playboy Billionaire

Hindi naging maganda ang una at ikalawang pagtatagpo ni Armelle at Hanz. Lalo na ng nalaman nila na pareho silang titira sa iisang bubong. Ngunit hindi akalain ni Armelle na si Hanz ang masasandalan niya sa panahong bigo siya sa pag-ibig. Dumating pa sa punto na nagpanggap ito na boyfriend niya sa harap ng ex-boyfriend niya. Naging maayos ang samahan nilang dalawa at para niyang naging kuya si Hanz. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw ay may nararamdaman na siya para sa binata. Inilihim niya ang kanyang pag tangi para hindi magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Isa pa, kilala itong playboy. Ayaw rin niyang mapabilang sa mga naging babae nito kahit imposibleng mangyari iyon dahil parang nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Ngunit hindi inaasahang panauhin ang magpapabilis sa pag-alis niya. Sinabi ng babae na malapit na itong ikasal kay Hanz. Para hindi siya makasira ng relasyon ay umalis siya ng walang paalam. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas dahil siya ang magiging bagong sekretarya nito. Akala ni Armelle ay naibaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Hanz ngunit nakaramdam siya ng lungkot ng makita niya na kausap ng binata ang babaeng nakaharap niya tatlong taon na ang nakalipas. May pag-asa pa kaya na bumalik sa dati ang samahan nila kung sa araw-araw na pagkikita nila ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya? Hanggang kailan niya ililihim ang tunay na damdamin para sa binata gayong habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito ay mas lalo lamang lumalalim ang pagmamahal niya para rito?
Basahin
Chapter: Chapter 16
ARMELLE LUNAHindi nawawala ang ngiti ko sa labi habang abala ako sa ginagawa ko. Lagi pumapasok sa isip ko ang naganap kanina lang sa loob ng opisina ni Hanz. Ilang segundo rin tumagal ang halikan naming dalawa kaya ng makaramdam ako ng pang-iinit ng katawan ay ako na ang unang gumawa ng hakbang para putulin iyon. Napakamot pa siya sa ulo at alanganing ngumiti. Tinaboy na rin niya ako palabas ng opisina dahil baka raw lumagpas pa sa halik ang gawin niya kapag nanatili pa ako ng matagal sa loob ng opisina. Tama nga si Ate Bea, gentleman si Hanz. Mula sa screen ng computer ay napasulyap ako sa phone ko na nasa ibabaw ng office table. Kumunot ang noo ko ng makita ko na si Tito Harold ang tumatawag. Simula ng magtrabaho ako rito hindi ko na siya nakausap. Hindi kaya may nahanap na siyang papalit sa akin? Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Kung kailan naman okay na kami ni Hanz ay saka naman ako aalis. Matamlay na dinampot ko ang phone. Hindi dapat ako pahalata na apektado a
Huling Na-update: 2023-01-05
Chapter: Chapter 15
ARMELLE LUNANakailang buga ako ng hangin habang nasa harap ng pintuan ng opisina ni Hanz. Kinakabahan ako dahil ito ang unang paghaharap namin simula ng huli naming pag-uusap. Ayaw ko man harapin siya ay hindi maaari dahil kailangan ko mag-remind ng mga meetings niya ngayong araw. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago kumatok at pumasok. Sumikdo ang puso ko ng tapunan niya ako ng tingin. Ilang segundo kami nagkatitigan. Ngumiti ako pero parang kinurot ang puso ko ng hindi man lang niya tinugon ang ngiti ko saka hinarap ang laptop niya.Dismayado man ay pumasok pa rin ako. Gagawin ko na lang ang trabaho ko ngayong araw. Magiging natural sa harap niya na parang walang nangyari. "Good morning, sir. I just remind you of your meeting at 9 o'clock with the board members and lunch meeting with Mr. Alonzo. After the lunch meeting, you will meet with your investors, Mr. Millanes."Pagkatapos ko iyon sabihin ay wala man lang ako narinig na salita mula sa kanya. Kahit man lang sana tum
Huling Na-update: 2023-01-03
Chapter: Chapter 14
ARMELLE LUNANaramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa ulo ko ng bumangon ako. Nagpalinga-linga ako at kinurap-kurap ang mata para alamin kung nasaan ako. Napangiti ako ng napagtanto ko na nasa bahay na pala ako. Humihikab na tumayo ako at lumabas ng silid. Nagsalubong ang kilay ko ng nanuot sa ilong ko ang amoy na parang may nagluluto. "Kagagaling lang ni mama no'ng isang araw, ah," puno ng pagtataka na sambit ko. Dahil mabango ang naaamoy ko, tinungo ko ang kusina. Bigla kasi kumalam ang sikmura ko. Ngunit para akong tinulos na kandila sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang abala na nagluluto sa kusina. "Ikaw?" Pumihit siya paharap ng marinig ako. "Oh, hi. Good morning, Luna. I'm sorry if I interfered in your kitchen. Ayoko na magluto ka pa paggising mo," nakangiting bungad niya. "A-ano'ng ginagawa mo dito? Bakit nandito ka ng ganito kaaga?" nagugulumihanang tanong ko. Lumawak ang pagkakangiti niya. Hinarap muna niya ang niluluto at ilang sandali lang ay muli akong hina
Huling Na-update: 2023-01-02
Chapter: Chapter 13
ARMELLE LUNAApat na baso ng Margarita pa lang ang nainom ko pero parang nararamdaman ko na ang pamamanhid ng katawan ko. Bahagya na rin umiikot ang paningin ko at dumudoble na ang tingin ko sa mga kasama ko pero wala akong balak na huminto sa pag-inom. Ano ba naman iyon pagbigyan ko sila sa nais nila. Gusto ko rin makalimutan ang pagkadismaya at pagkabigo ko ngayong araw. Nang iwan niya ako sa loob ng opisina na mag-isa at lumabas kasama ang babaeng dumating kanina ay saka ko napagtanto na pinaglalaruan nga lang niya ang nararamdaman ko. Ang walang-hiyang iyon, pagkatapos akong halikan ay iiwan ako na parang basura sa loob ng opisina niya. Sabagay, sino ba naman ako para piliin niya kumpara sa asawa niya. Mas ngayon ko napatunayan na hindi pa rin siya nagbabago, isa pa rin siyang dakilang babaero. "Ano, Armelle, kaya pa ba?" malawak ang ngiti na tanong ni Mica sa akin. Ngumisi ako sabay tungga ng natitirang laman na inumin sa aking baso. "Ako pa talaga ang hinamon n'yo. Kahit abut
Huling Na-update: 2022-11-16
Chapter: Chapter 12
ARMELLE LUNASimula umaga ay naging abala na ako. Sunod-sunod din ang meeting ni Hanz sa mga board members ng kompanya, iba pa iyong meeting sa mga investors niya. Syempre, ako naman itong secretary, bago magsimula ang meeting ay inaayos muna ang conference table para pagdating ng mga ka-meeting nito ay uupo na lang at titingnan ang mga files na naka-ready na at bubuklatin na lang sa ibabaw ng table. Halos okupado ng trabaho ang isip ko dahil bawat importante na sinasabi ni Hanz sa mga ka meeting niya ay nakalagay lahat sa iPad na hawak ko. Simula meeting niya sa umaga hanggang hapon, basta lahat ng mahahalaga ay nakatala. Mas mainam ng may ibibigay akong minutes sa mga naganap na meeting niya para wala siyang masabi sa 'kin. Anyway, gawain naman talaga iyon ng sekretarya.Heto nga at parang pagod na pagod ang katawan ko kaya parang hindi ko kayang tumayo at kumain sa labas kahit niyaya ako ng mga kasama ko. Ewan ko ba, nakaupo lang naman ako maghapon pero ang isip ko, parang ayaw na
Huling Na-update: 2022-11-11
Chapter: Chapter 11
ARMELLE LUNAGusto ko na paalisin si Hanz para magkasarilinan na kami ni mama. Marami ako gusto itanong sa magaling kong ina pero mukhang nag-e-enjoy pa ito at si Hanz mag-usap. Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagsimula na sila magkwentuhang dalawa dito sa sala. Nakatutok lang ang atensyon ko sa pinapanood ko dahil wala naman ako balak na makisingit sa usapn nilang dalawa. Minsan ay tinatanong ako ni mama, kapag nasagot ko na ay tinutuon kong muli ang atensyon sa TV. Bagamat nakatutok ang mata ko sa pinapanood ko ay hindi nakakaligtas sa gilid ng mata ko ang panaka-nakang pagsulyap sa 'kin ni Hanz. Marahil ay humihingi ito ng saklolo sa 'kin para patigilin si mama sa kadaldalan nito. Pero dahil gusto ko bumawi sa pananakit niya sa damdamin ko ay hinayaan ko lang siya. Bahala siyang marindi sa boses ni mama. "Anak, ihatid mo na si Hanz sa labas," pukaw sa 'kin ni mama. Nakahinga ako dahil mukhang nagsawa na ito makipagkwentuhan. Tumayo ako saka tinungo ang pintuan. "Thank you po, t
Huling Na-update: 2022-11-08
DMCA.com Protection Status