Third Person's POV "Where's my mom?" tanong ni Xyllene sa kasambahay nila nang makapasok siya sa kanilang mansion. "Miss, busy po si Madam ngayon. Ang bilin po niya sa amin, ay huwag magpapasok sa office niya." Nakatungo ang kasambahay habang nagsasalita."What?" Hindi mapigilan ni Xyllene ang kaniyang sarili na hindi mainis. "Ang sabi ko, nasaan siya. Hindi ko tinanong kung ano ang sinabi niya sa inyo. Tanga-tanga ka na naman!" Kinabahan bigla 'yung kasambahay dahil baka palayasin siya at tanggalan siya ng trabaho."Stupid." Nang makaalis su Xyllene, ay nakahinga ng maayos ang kasambahay. Kailangan niyang tiisin ang ugali ng amo niya, dahil may pamilya siya na kailangan ng tulong niya. Kaya hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho."Mom!" Sigaw ni Xyllene at binuksan ang pintuan ng opisina ng nanay niya."Ano ba, Xyllene? Nakita mo namang may ginagawa ako! Saka bakit ka ba nandito? Hindi sinabi ko na walang pwedeng mang-istorbo sa akin? Lumayas ka sa harap ko dahil madami pa akong kai
Nang makalabas sa resort sina Daylon at Allianna, ay doon naman dumating sa kotse ng tatay ni Daylon. Kaya alam na agad nila na sila Mialyn na iyon."May sinabi ba si Mom kung saan kayo pupunta?""Wala, pero kapag nalaman ko na. Sasabihin ko sa'yo mamaya." Nang magpark sa harap nila ang kotse, ay pinagbuksan ni Daylon ng pintuan si Allianna.Kaya nang makasakay si Allianna, ay napabuntong hininga ito. Hindi man lang niya masabi sa lalaki ang totoo. Nagsinungaling siya kay Daylon, kaya kailangan niya nang makaisip ng sasabihin mamaya kapag nakabalik na siya sa resort. Hindi niya pwedeng sabihin kay Daylon ang totoo. Natatakot pa siya at mas lalong hindi pa siya handa."Ayus ka lang ba, Allianna?" Tinunguhan ni Allianna si Mialyn bilang sagot sabay ipinikit ang mga mata.Ang akala niya magiging masaya ang araw niya kasama si Daylon, pero may halong lungkot ang nararamdaman niya."Gusto ko sanang maging masaya ka ngayon, Allianna. Pero kailangan tayo ng magulang mo ngayon. May sinabi sa
Nang makita nila ang puntod ni Emmanuel, ay nakahinga ng maayos si Allianna dahil maayos ang libingan nito. Nasa magandang sementeryo at meroong bahay.Ang gagawin na lang nila Mialyn, ay ang pagawan ng magandang libingan ang mga kaibigan nila.Tinignan ng mag-asawa si Allianna na nakaupo sa tabi ng puntod ng grandpa nito.“Kawawang dalaga,” naiiyak na sabi ni Mialyn. Awang-awa na sila sa dalaga. Wala man lang silang magawa sa mga problema ni Allianna para maging masaya ang babae. Ang kaya lang nilang gawin sa ngayon, ay ang supportahan, alagaan, at mahalin si Allianna. Kailangan nilang maging malakas para sa dalaga at gagawin nila ang lahat para lang mapatawad ni Allianna ang kaniyang sarili.“Wala pa ba si Allianna? Bakit ang tagal naman niya dumating?” tanong ni Yvon habang hawak ang isang kulay black na bowling ball. Tinignan niya ang ten-pin na kailangan niyang patumbahin.“Sa sobrang tagal niyang dumating. Ang dami na nating nagawa. Palagi na lang siyang wala,” sabi naman ni Hil
“Wow!” Nagulat si Allianna dahil sa sigaw ni Hezekiah nang matamaan niya lahat ng ten-pin. “Pangalawang try mo pa lang natamaan mo na agad. Masyado ka naman atang magaling, Allian.”Napangiti si Allianna at pinanood si Hezekiah na makalapit sa kaniya.“Ang dami mo nang utang sa akin.” Kumunot ang noo ni Hezekiah.“Anong utang? Wala akong inuutang na pera sa’yo. Masyado akong mayaman para umutang ng pera.” Napatawa si Allianna at sinuntok sa balikat si Hezekiah.“Baka nakakalimutan mo na hindi mo pa sinasabi sa akin ang tungkol sa inyo ni -.” Hindi natuloy ni Allianna ang kaniyang sasabihin dahil biglang hinawakan ni Hezekiah ang bibig ni Allianna, sabay hinawakan ang pulso ng babae at hinila ito palayo sa mga kaibigan nila.“Huwag kang maingay. Hindi alam ng kapatid ko na may namamagitan sa amin ni Hillaree,” bulong ni Hezekiah.“Bakit hindi mo na lang kasi sabihin?”“Bakit ko sasabihin? Baliw ka ba? Kapag sinabi ko ‘yun sa brother ko baka maging magkaaway kami.”“Wala naman atang gus
Busy ang receptionist na babae sa pagtitingin sa computer nang biglang may tumawag sa telephone nito. Kaya agad niya itong sinagot.“Good afternoon, this is Azure Haven Resort reception, how may I assist you today, Mam/Sir?”[I am Grace Gregorio, meroon akong hinahanap na pamangkin. Ang pangalan niya ay Allianna Gregorio. Pwede ko bang malaman kung nandyan siya ngayon?]“Wait a minute, Mam. Ichecheck ko lang po.” Nang makita ng receptionist ang pangalan na pinapahanap ni Grace, ay nagulat ito dahil ang hinahanap ng babae, ay isang VIP at kaibigan pa ng may-ari ng resort.[Matagal pa ba ‘yan? Busy akong tao kaya kung matatagalan ka sa paghahanap sa isang tao. Ibababa ko na lang ito.]“Sorry for the wait, Mam. Nandito po si Miss Allianna Gregorio.”[Sino ang mga kasama niya?]“Sorry po ulit, Mam. Pero hindi ko po pwedeng sabihin kung sino ang mga kasama niya.”[What? Bakit!? Hindi pwede, sabihin mo sa akin kung sino ang mga kasama niya. Kung hindi mo sasabihin sa akin, baka mawalan ka n
Allianna’s POVBakit tinanong sa akin ni Hillaree ‘yun? At bakit kilala ni Hillaree ang Auntie niya?Bakit ba ako kinakabahan sa tuwing binabanggit ang pangalan na ‘yun? Dahil ba siya ang pumatay sa magulang ko? Alam ko na hindi nila pinatay ang grandpa ko, pero ang pagkamatay ng aking magulang kung bakit namatay si grandpa. Kaya kasalanan ng Auntie ko ang pagkamatay niya.Hindi dapat ako kinakabahan dahil may kasama ako, pero hindi ko alam kung bakit natanong ni Hillaree sa akin kung kilala ko si Grace Gregorio. Hindi ka ya may alam siya tungkol sa kaniya? O tungkol sa pamilya namin?Ano ba ang kailangan ng Auntie ko sa akin?Nakita kong tumabi si Hillaree sa akin at nginitian ako. Nakita niya ata ang mukha ko na kinakabahan o natatakot, pero hindi ko naman iyon pinapakita. Ayaw kong malaman nila na kinakabahan ako.“Kung hindi mo kilala ang babaeng ‘yun. Bakit ka niya hinahanap?” Mahina lang ang pagkakasabi ni Hillaree. Kaya sigurado siya na wala masyadong nakakarinig ng pinag-uusap
Kinabukasan, ay agad na tinawagan ni Allianna ang magulang ni Daylon, para siya ay makauwi na. Ipinaliwanag niya sa kaniyang mga kaibigan kung bakit kailangan niya nang makauwi para hindi ito magtaka o magtampo sa kaniya. Ang sinabi niya, ay kailangan niya nang umuwi dahil may emergency sa bahay nila.Gusto niya man magstay ng isang araw sa resort, ay hindi na pwede dahil ayaw ni Allianna makaharap si Grace. Hindi pa siya handa, para makita ang taong pumatay sa kaniyang magulang. At alam ni Allianna na kapag nagkita silang dalawa, ay baka magkagulo sa resort nang dahil sa kaniya.“Nandito na naman siya,” walang ganang sabi ni Demitri nang makapasok sina Allianna at Daylon sa loob ng bahay. “Maingay na naman ang bahay,” dagdag pa nito. Kaya kinurot ni Mialyn ang tenga ni Demitri.“Aray,” daing ni Demitri. Kaya tinanggal na ni Mialyn ang kamay sa tenga ni Demitri.“Kakadating lang namin tapos ‘yan ang sasabihin mo? Kung wala kang magandang sasabihin, pumunta ka na lang sa kwarto niyo,”
Allianna’s POV“Namiss kita, Allianna,” masayang sabi ni Hillaree sa akin nang makita niya ako. Papasok na sana ako ng classroom nang tawagin niya ako kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. “Iniwan niyo kami sa resort, pero buti na lang at umuwi ka na dahil dumating si Grace. Ang matandang ‘yun grabe ang anger issue,” natatawang sabi pa nito. Kaya napakunot ang noo ko.“Grace?”“Oo, dumating siya sa resort namin. Ang lakas niyang sampalin ang staff ko, pero napaalis ko naman agad siya dahil napahiya ko siya.”“Sorry,” nahihiyang sabi ko. Nahihiya ako kay Hillaree dahil sa tiyahin ko. Bakit ba hindi na lang nanahimik si Auntie Grace? Tama nga ang hula ko na pupunta ang babaeng ‘yun sa resort, at may gana pa siyang magskandalo.“Wala kang kasalanan, Allianna. Buti nga umalis ka agad e, dahil sigurado ako na kapag nandon ka, ay baka ikaw ang ipahiya niya, pero sure naman ako na hindi ka mapapahiya dahil kasama mo ako.” Kahit sabihin ni Hillaree sa akin na wala akong kasalanan, ay pa