Bago dumating ang mga lalaki ay naligo muna ako at nagbihis para pagkapasok nila, ay mabango ako at hindi mabaho. Nakakahiya naman kung lalapit ako sa kanila tapos mabaho ako at hindi pa ako naliligo. Kaya kailangan ko talaga ng ligo.Pagkalabas ko ng banyo, ay agad kong pinatuyo ang buhok ko.“Ano ang gagawin natin bukas?” tanong ni Yvon kay Hillaree.“Maniwala kayo sa akin, magiging masaya ang buong linggo natin dahil madami tayong gagawin. Isa sa resort namin ang may pinakamagandang ratings dahil sa malaadventure na lugar.”“Sabihin mo na lang kung ano ang gagawin natin buong linggo.”“Basta, hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin dahil sa sobrang dami. Tanungin mo na lang ang mga staff o receptionist dahil nasa kanila ang list ng mga gagawin natin buong linggo.”“Nakaayos na pala?” tanong ni Kisha.“Yes, sila ang nag-ayos.”Nang matuyo ang buhok ko, ay agad akong pumunta sa balcony. Ayaw ko munang makipag-usap sa iba. Gusto kong makalanghap ng masarap na hangin.Kitang-kita
Pagkagising na pagkagising namin, ay agad kaming nagbihis ng pangswimming namin dahil ang sabi sa amin ng babaeng gumising sa amin, ay handa na raw ang jetski."Ang aga naman ng jetski. Hindi pa tayo nag-aalmusal," nagrereklamong sabi ni Yvon nang makalabas ito sa cr. Ang suot niya at two piece na kulay blue. Sa sobrang sexy niya, ay sure ako na lahat ng lalaki, ay titingin sa kaniya.Pati rin sina Kisha at Hillaree ay nakatwo piece. Kulay yellow kay Hillaree habang kay Kisha, ay orange. Meroon silang mga sari-sariling mahabang see through na cardigan kaya kahit papaano, ay natatakluban ang katawan nila sa gilid at likod.Nakakahiya naman sumama sa kanila. Nakatwo piece sila habang ako naka maikling short at oversize t-shirt lang. Wala naman kasi akong pangswimming kaya ito na lang ang susuotin ko."Huwag ka mag-alala. Mag-aalmusal tayo sa harap ng dagat habang nagjejetski." Tumayo si Hillaree at tumingin sa akin sabay kumunot ang noo. "Bakit hindi ka pa nagbibihis? Magbihis ka na par
Habang kumakain si Allian ng kaniyang breakfast, ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na tignan si Daylon. Habang kumakain kasi siya, ay nararamdaman niya ang masamang tingin ni Daylon.Ano na naman ba ang problema ng lalaking ito? Bakit hindi ito mapakali at masama ang tingin sa kaniya? Wala naman siyang ginagawang masama para magalit sa kaniya ang lalaki.“Bakit parang badtrip ka ata, Daylon? Parang kanina lang ang ganda ng gising mo, pero ngayon parang nagbago ang mood mo,” sabi ni William habang kumakain.“Bakit ang daming ganap ngayon? Umagang-umaga ang dami na agad nangyayare. ‘Yung kapatid ni Hezekiah at si Hillaree wala pa rito ang tagal dumating. Ano ba ang nangyayare sa circle of friends na ito? Ang dami ko nang hindi alam sa inyo.” Paiyak na sabi naman ni Miguel.“Saka na natin sila isipin. Kumain na lang muna tayo dahil gusto ko nang magjetski. Gusto ko na mag-enjoy,” masayang sabi ni Yvon. Kaya iyon ang ginawa nila.Pero hindi pa rin nagbabago ang mood ni Daylon. N
“Katulad ng sabi ko sa’yo kanina. Hanggang tingin lang sila dahil hindi naman nila ako mahahawakan. Hindi sila makakalapit sa akin. Kaya hindi ako magbabago ng suot dahil nasuot ko na ito.”“Kahit kailan talaga napakakulit mo.” Naunang naglakad si Daylon kaya sumunod ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi at kinikilos niya ngayon. Wala naman akong ginagawang masama, pero kung makareact siya parang meron. Saka ‘yung pananalita niya sa akin parang galit na galit.Nang makalabas kami, ay meroong humarang na lalaki sa akin.“Miss, hindi ko kasi alam kung nasaan ang banyo. Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan? Baka kasi maligaw ako rito, hindi ko pa naman alam ang pabalik sa cottage namin.” Nginitian ko siya at tinuro ang daan papunta sa banyo.“Salamat, buti na lang sa’yo ako nagtanong.”“Wala pong problema, kakaalis ko lang din kasi roon.”“Gano’n ba? Sige punta na ako, kanina pa kasi ako naiihi, salamat ulit.” Aalis na sana ang lalaki nang biglang dumating si Daylon na wal
Allianna’s POV“Ikaw na, Allianna.” Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Yvon. Kakadating niya lang sa table namin at kitang-kita sa mga mata niya na nag-enjoy siya sa pagsakay sa jetski.Ok lang naman siguro kahit hindi marunong magpatakbo at magdrive noh? Hindi ako marunong magpaandar ng jetski. Paano kung malaglag ako sa gitna ng dagat? Paano kung sa ilalim ng dagat, ay may pating? Pero wala naman akong nakikitang nalalagalag sa jetski.“Huwag ka mag-alala, hindi naman nakakatakot dahil may kasama ka. Tuturuan ka nila kung paano paandarin ang jetski. Kaya pumunta ka na ron dahil naghihintay ang magtuturo at sasama sa’yo.” Tumingin ako sa isang lalaki na nakatingin sa akin. Nakalife vest ito at hawak-hawak niya ang jetski. Siguro siya ang magtuturo sa akin.Huminga ako ng malalim at agad na tumayo. Kaya ko ito. May magtuturo naman sa akin. Kaya wala akong dapat ikabahala. Mabilis naman akong matuto. Kaya imposibleng mahulog ako sa dagat. Hindi pa naman ako marunong lumangoy, per
"Oh my god, are you alright, Allianna?" Agad na nilapitan ni Yvon si Allianna at pinalibutannito ng malaking towel para matuyo agad ang katawan.Hindi naman agad nagsalita si Allianna dahil nakafocus lang ito kay Daylon na pababa pa lang ng jetski. Kasama nito ang mga kaibigan niyang sila William, Allen, at Miguel."May nararamdaman ka bang masakit sa'yo?" Tanong naman ni Hillaree. Halata sa mga mata nila na nag-aalala ang mga ito para kay Allianna, pero wala pa ring pake si Allianna sa kanila.Mas mahalaga sa kaniya si Daylon dahil ang lalaki ang nanginginig kanina noong niyakap siya nito.Nang magtapat ang mga mata nila, ay agad na hinila si Allianna ng kaniyang mga kaibigan papasok ng resort para makaligo agad si Allianna at makapagbihis."Bakit kayo bumaliktad kanina? Alam mo ba noong nakita ni Hezekiah na lumampas kayo sa line, ay kinabahan kami dahil delekado." Bumuntong hininga si Allianna at tumingin kay Hillaree."Ok lang ako, hindi kayo dapat mag-alala dahil niligtas naman a
Hindi makatulog ng maayos si Allianna dahil kanina niya pa iniisip ang nangyare sa kanilang dalawa ni Daylon. Sinabihan niya ito ng hindi maganda kaya pinagsisisihan niya na iyon.Ala-una na ng madaling araw, pero hindi pa rin siya nakakatulog. Lahat ng taong kasama niya sa room, ay tulog na, pero siya hindi pa. Gusto niya sanang uminom ng gatas, pero wala namang gatas.Ano kaya ang pwede niyang gawin para makatulog?Dahan-dahang tumayo si Allianna at naglakad papunta sa balcony. Dahan-dahan niyang isinara ang slide door at tinignan ang moon. Ito ay full moon kaya napangiti siya."Napakaganda." Ang laki ng moon kaya napakaganda nitong pagmasdan."Can't sleep?" Napatingin siya sa kaniyang kaliwa at doon niya nakita si Daylon na nakatayo sa balcony ng kwarto nila.Tumungo si Allianna bilang sagot."Me too." Naging tahimik silang dalawa ng isang minuto habang nakatingin sa buwan. "Ang sabi nila, mas maganda raw ang buwan kapag full moon dahil makikita mo kung gaano ito kaganda. Totoo na
Third Person's POV "Where's my mom?" tanong ni Xyllene sa kasambahay nila nang makapasok siya sa kanilang mansion. "Miss, busy po si Madam ngayon. Ang bilin po niya sa amin, ay huwag magpapasok sa office niya." Nakatungo ang kasambahay habang nagsasalita."What?" Hindi mapigilan ni Xyllene ang kaniyang sarili na hindi mainis. "Ang sabi ko, nasaan siya. Hindi ko tinanong kung ano ang sinabi niya sa inyo. Tanga-tanga ka na naman!" Kinabahan bigla 'yung kasambahay dahil baka palayasin siya at tanggalan siya ng trabaho."Stupid." Nang makaalis su Xyllene, ay nakahinga ng maayos ang kasambahay. Kailangan niyang tiisin ang ugali ng amo niya, dahil may pamilya siya na kailangan ng tulong niya. Kaya hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho."Mom!" Sigaw ni Xyllene at binuksan ang pintuan ng opisina ng nanay niya."Ano ba, Xyllene? Nakita mo namang may ginagawa ako! Saka bakit ka ba nandito? Hindi sinabi ko na walang pwedeng mang-istorbo sa akin? Lumayas ka sa harap ko dahil madami pa akong kai
Allianna’s POV“Mauna na kayo sa bahay dahil muna ako ngayon. Gusto kong icelebrate ang pagkapanalo ko ngayon,” seryosong sabi kokay Lio at kay Bianca.“Miss, paano po itong mga documents na kailangan niyong pirmahan? Kailangan niyo na po itong mapirmahan.”“Bukas na ‘yan, Bianca. Gusto ko munang maging masaya ngayon. Kaya hayaan mo muna ako.” Nang makalabas ako ng kotse, ay agad akong naglakad papunta sa entrance ng bar, pero bago pa ako makapasok, ay meroon nang pumigil sa akin na dalawang guard.“May I’D po ba kayong dala, Miss?” Kumunot ang noo ko sa lalaking nagtanong.“Bakit mo kailangan?”“Gusto ko lang pong malaman kung ilang taon na kayo, Miss.”“Wala akong dalang I’D kaya papasukin mo na lang ako.”“Hindi pwede, Miss.”“Fuck! Papasukin mo ako, gusto ko lang magsaya ngayon. Kaya hayaan mo na ako maging masaya. I’m an adult now!” Dahil sa mga sinabi ko, ay agad na nila akong pinapasok. Kaya masaya akong pumunta agad sa dance floor. Habang sumasayaw ako, ay kumuha ako ng isang
Third Person's POV"Congratulations, Miss Gregorio. Ikaw na ngayon ang may-ari ng lahat ng kayamanan ng Gregorio." Pilit na ngumiti si Allianna kay Attorney Heiz nang matapos niyang pirmahan ang documents na pinapirma ni Heiz kay Allianna.Nakuha man ni Allianna ang hustisya na matagal niya nang gustong makuha, pero may isa namang tao ang nawala sa buhay niya. Kaya lungkot at saya ang nararamdaman ni Allianna ngayon."I am Bianca Green, ako ang secretary ng daddy mo noon." Nginitian siya ni Alliann at nakipagkamayan. "Ako lang ang nandito, dahil may mga documents na kailangan mong pirmahan.""Pwedeng mamaya na lang 'yan? Meroon pa akong kailangan puntahan.""Sige po.""Lio," tawag ni Allianna sa kaniyang driver. Kaya pumunta agad si Lio sa harap ni Allianna. "Ihanda mo ang sasakyan dah pupunta tayo sa Catholic School.""Yes, Miss." Nang makaalis si Lio, ay nagpaalam na rin si Attorney Heiz kay Allianna na aalis na ito dahil manganganak na raw ang kaniyang asawa. Kaya si Biance na lang
After 10months*Allianna's POV"Miss, ako na po ang hahawak ng maleta niyo." Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin. Isa siguro sita sa nagtatrabaho rito sa airport dahil nakauniform siya."I don't need your help. I can handle my things." Tutungo na sana ang lalaki nang biglang lumapit sa akin si Aunt Grace."Let him help you, dear. Pagod tayo sa flight. Kaya gusto ko nang magpahinga... I can't wait to go home." Napangisi ako sa sinabi ni Aunt Grace, kaya ibinigay ko na lang ang dalawang maleta ko sa lalaki.Sa sampong buwan namin sa France, ay wala akong ginagawa kung hindi ang tumunganga lang sa hotel room. Minsan naman, at sinasama ako ni Aunt sa business meeting nila, pero hindi ako nakikinig. Wala rin anmang kwenta ang pinag-uusapan nila. Puro kwento lang ng buhay, 'yung ibang lalaki naman ay grabe makatingin sa akin.Hindi ko inaasahan na magtatagal kami sa France at ngayon na nakabalik na ako. Ito na siguro ang masayang mangyayare sa buhay ko.Matagal man akong nawal
Third Person's POVPinindot ni Attorney Heiz ang doorbell sa bahay ng Quinter family. Kaya naghintay siya ng magbubukas ng gate.Nang makita niya ang isang lalaking binata na papunta sa kaniya, ay inayos niya ang kaniyang tayo."Sino po kayo?" tanong ni Daylon."I am Attorney Heiz. Gusto ko lang makausap ang magulang mo, pwede ko ba silang makausap?""Sorry, but I don't know you.""Of course, you don't know me, pero importante kasi ang sasabihin ko sa magulang mo. Kaya gusto ko sana silang makausap. Kahit dito na lang kami mag-usap.""Wait, I'll call them." Pinanood ni Attorney Heiz ang lalaki na pumasok sa bahay at mga ilang segundo, ay lumabas na ang mag-asawa na si Mialyn at Benjamin."Gusto mo po kaming makausap? Pwede ko bang malaman kung ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Benjamin."Tungkol po kay Allianna Gregorio." Napatulala si Mialyn kay Attorney Heiz at hindi alam kung ano ang sasabihin."Pag-usapan natin sa loob ng bahay.," sagot naman ni Benjamin. Alam niyang hindi pa
Nagising ako na masakit pa rin ang ulo. Dumadalas na ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Umiinom naman ako palagi ng tubig, pero kaunti lang ang kinakain ko. Baka pagkain lang ang kailangan?Bumuntong hininga ako at tumayo para buksan ang kurtina ng bintana ng kwarto ko. Hihintayin ko na lang siguro na kumatok si Carol na tawagin ako para mag-almusal, pero hindi kumatok si Carol.Kaya lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa dining area, pero hindi ko nakita sila Aunt Grace."You," tinuro ko ang isang kasambahay na palaging kasama ni Aunt Grace. Kakadaan niya lang sa dining area. Kaya nakita ko siya. "Nakita mo ba si Aunt Grace?""Maaga po siyang umalis, Miss.""Bakit?""Aasikasuhin niya raw po ang passport and ticket niyo papuntang France at deretsyo po siya sa kompanya.""Nakita mo si Carol?""Opo, nasa likod po siya ng mansion, naglalaba po.""Ok." Pagkatapos kong sabihin 'yun, ay pumunta agad ako sa likod ng mansion at doon ko nakita si Carol na nagsasampay
Habang hinihintay ko si Carol na makabalik, ay hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Kulang lang ba ako sa kain? O ililigo ko na lang ito?Hindi naman mainit dahil nakaopen palagi ang aircon ang buong bahay. Napabuntong hininga na lang ako at isinandal ang aking likod sa upuan.Sasama ba ako kay Aunt Grace papunta sa France? Wala akong choice kung hindi ang sumama dahil alam ko na kailangan niya akong tignan palagi. Hindi ako pwedeng mawala sa mga mata niya. Kaya kailangan niya akong isama. Siguro kaya niya naisip na isama ako dahil kapag umalis na siya, ay baka umalis ako? Pwede kong gawin 'yun, pero alam ko na malalaman 'yun ni Aunt Grace."Miss, nakuha ko na po 'yung book na pinapakuha niyo." Pumasok si Carol sa loob at ibinigay sa akin ang libro."Salamat, Carol. Balik ka na lang ulit dito, para kuhain ang cellphone." Pagkakuha ko ng libro, ay tumungo siya at lumabas.Tatawagan ko pa ba sila? Sabado naman ngayon kaya sure ako, ay walang pasok sila Daylon. Ang kailanga
Nakarinig ako ng katok sa pintuan. Kaya agad ko itong binuksan at pinapasok si Carol sa loob."Ano po pala ang kailangan niyo, Miss?""Meroon ka bang cellphone na may pangtawag?""Ay, sorry po, Miss. Wala po kasing load itong phone ko kaya hindi po kayo makakatawag.""Baka meroon kang kilala na pwede kong magamit na cellphone. Meroon kasi akong kailangan tawagan.""Pwede ko po bang tanungin muna ang mga kaibigan kong kasambahay, Miss? Baka po kasi meroon silang load. Ang iba po kasi sa amin, ay may bank account na pwede namang gamitin pangload.""Sige, basta huwag mong sasabihin na ako ang may kailangan ng cellphone, dahil tayo lang ang nakakaalam ng ginawa nating dalawa.""Yes, Miss." Pagkalabas ni Carol sa kwarto, ay agad akong kumuha ng papel at ballpen sa study table ko. Sabay kinuha ko rin ang brown na folder at tinignan ko roon ang phone number ni Atty. Heiz. Nang makita ko, ay agad kong isinulat sa papel at itinago agad 'yung folder sa taguan ko.Habang nakatingin ako sa papel,
Nagising ako na nakakaramdam ng masakit na ulo. Siguro dahil ito sa kaninang madaling araw. Masyado akong napuyat sa kakaisip sa dalawang folder na nakuha ko.Nagmuni-muni muna ako bago ako tumayo para pumunta sa banyo. Umuhi ako at nagtoothbrush sabay hilamos.Pagkalabas ko ng banyo, ay sakto naman na may kumatok sa kwarto ko."Miss? Gising na po ba kayo?" narinig ko ang boses ni Carol kaya pinapasok ko siya sa loob, pero binuksan niya lang ang pintuan. "Miss, hinihintay na po kayo ng Aunt at pinsan niyo sa baba para magbreakfast.""Alam mo ba kung anong oras na, Carol?" tanong ko habang nakahawak sa ulo ko dahil kumikirot ito."Seven po ng umaga, Miss.""Salamat, pakisabi sa kanila bababa na ako." Tumungo si Carol kaya isinara na ang pintuan.Minsan lang magyaya si Aunt Grace ng breakfast. Kaya kailangan kong makisama sa kanila ngayon dahil meroon din akong mga bagay na kailangan na sana, ay ibigay niya sa akin.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at para akong pagod na pagod kahit
“Handa ka na ba, Carol?” seryosong tanong ni Allianna.“Miss, sigurado po ba kayo rito? Pwede pa po tayong magbackout ngayon dahil may oras pa naman po tayo. Ayaw ko pa pong mamatay ng maaga dahil kailangan po ng pera ng pamilya ko,” kinakabahan na sabi ni Carol.“Hindi na tayo pwedeng magbackout, Carol. Naplanohan na natin ito, kaya hindi tayo pwedeng tumigil. Kailangan ko nang kumilos. Hintayin mo ako rito. Kapag kumatok ako sa pintuan, ang ibig sabihin, ay nakuha ko na ang susi. Kaya lumabas ka na dahil pupunta na tayo sa opisin.” Dahan-dahang tumungo si Carol kay Allianna. Kaya lumabas na si Allianna sa kwarto.Ipinakita ni Carol kung saang daan ang papunta sa kwarto at opisina ni Grace. Kaya alam na niya kung saan siya pupunta. Madilim ang paligid dahil madaling araw na at lahat na ng tao, ay tulog na. Silang dalawa na lang ni Carol ang gising.Huminga ng malalim si Allianna at dahan-dahan naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ni Grace. Wala siyang nakikitang tao na naglalakad sa