Sa baba ay inip na inip si Anne sa paghihintay na bumalik si Adrian pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin ito bumalik. Dagdag pa sa inis niya ang nakikitang pagkadisgusto ni Amor sa kanya. Ginawa na niya ang lahat para magpa-impress dito, kulang na lang magpakatulong siya dito pero mukhang hindi pa rin ito nasiyahan sa kanya. Malayo ang awra nito nang si Sabrina ang tumulong sa kanya kaya lalo siyang nagngingitngit para dito. Ni hindi nga siya ipinapakilala kung wala pang nagtatanong kung sino siya. Mas kilala kasi ang kanyang ate na alam niyang iyon ang hinihintay ni Adrian. Sa inis ni Anne ay pumasok siya sa loob ng bahay ng mga Reyes. Umakyat sa hagdan na kala mo’y sa isang palasyo sa lawak. Tiyak ang kanyang mga hakbang patungo kung saan. Halatang kabisado na niya ang lugar sa loob kaya deretso siya sa harap ng isang silid doon.Samantala kakapasok lang nina Adrian at Sabrina sa isang silid.“Close the door,” utos ni Adrian kay Sabrina na sinunod naman ng dalaga.Inikot ni Sabr
Sa silid, gusto ng umalis sa silid na iyon ni Adrian, hinihintay niya na lamang ang bagay na dahilan kaya niya ito pinagbigyan saka bababa na at uuwi. Pagod na pagod ang kanyang katawan at nananakit pa ang bakas ng pagkakatali ng binata sa kanya kaya parang wala ng lakas pa si Sabrina na makipagkulitan pa kay Adrian. Nakapagbihis na siya at tahimik na ngayong nakaupo sa gilid ng kama ni Adrian nang marinig nila pareho ang boses ni Anne mula sa labas ng silid. Pareho silang nagkatitigan na tila nag-aantay pa ng isang tawag para masiguro kung boses nga iyon ni Anne.Ilang saglit lang at tumunog ang mobile phone ng binata na agad namang nagpabago sa ekspresyon ng mukha nito. Nairita ito sa pang-e-estorbong ginawa ni Anne pero hindi rin nito kayang balewalain ito.“Bakit, Anne?”Naiinis si Sabrina na kahit siya itong kasama ni Adrian ay nagawa pa rin nitong sagutin ang tawag ni Anne. wala siyang karapatang magselos o pagbawalan ito pero ipinapakita lang nito na wala siyang halaga sa kanya
Pakiramdam ni Seth umakyat ang dugo sa kanyang ulo at nagtayuan ang kanyang buhok pagkarinig na nasa okasyon din na iyon si Sabrina. Isang dahilang ang malamang naging magkaniig ang dalawa pero ang malamang nasa bahay rin ni Adrian ang dalaga at mismong sa kaarawan pa ng ama ng kaibigan ay iba na para sa mata ng ibang tao. Iisipin ng mga ito na magkasintahan ang mga ito at may narinig na nga siyang bulong-bulungan sa bulwagan pero binalewala niya. Ngayong nasa harapan na niya ang dalaga lalong sumidhi ang kanyang nararamdamang galit para sa dalawa lalo na kay Sabrina. Kakalabas lang ni Sabrina mula sa silid ni Adrian at sumalubong agad si Seth na naglakihan ang butas ng ilong dahil sa galit. “Doon sa kuwarto ko. Puntahan mo.” malakas ang tawang tugon ni Adrian nang makasalubong si Seth at hinanap si Sabrina sa kanya. Walang-salitang umalis si Seth sa harapan ni Adrian at halos liparin ang hagdanan paakyat. Lagi siyang pumupunta sa bahay ng mga Reyes kaya tiyak ang kanyang bwat hakban
“Kagagawan ba ni Seth ang mga ‘yan?” Usisa ni Alex kay Sabrina nang makita ang mga pantal sa kanyang katawan na kagagawan ni Adrian. Ibinaba kasi nito ang suot na damit habang nasa loob pa si Alex. Sanay na itong makita siyang ganon pero dahil seryoso ito sa pagiging bakla kaya walang epekto sa kaibigan kahit maghubad man siya sa harapan nito.“Hindi siya!”“Eh, sino? Ang sabi ni Bernard muntik ka ng molistiyahin ng lalaking ‘yon kanina,” galit na tanong ni Alex. nahahabag siya sa hitsura ng kaibigan pero alam she’s partially at fault with her actions.Tahimik lang si Sabrina kaya si alex na mismo ang nagsabi kung sino ang responsable ng mga pantal sa kanyang katawan. “Si Adrian ba?”Marahang tumango si Sabrina bilang tugon sa kaibigan. “Oo nga pala sa bahay ka nila galing. . . at doon niyo pa mismo ginawa. Sab—-”Si Alex na mismo ang pumutol sa sarili niyang salita dahil ayaw niyang saktan ang kaibigan. Napasuklay na lamang siya sa sariling buhok gamit ang mga daliri. Si Sabrina nam
Kinabukasan ng madaling-araw nagising si Sabrina nang maramdaman niyang tinatanggal ni Adrian ang tali ng kanyang suot na pantulog. “Ang sabi mo hindi mo ako gagalawin?”“Kagabi ‘yon, madaling-araw na ngayon.” “Alam mo ang kapal ng mukha mo, Adrian. Pagkatapos mo akong gamitin na parang katapusan na ng mundo eh, may pinaplano ka ulit ngayon? Ayaw ko na, hindi kaya ng katawan ko,” pagtanggi ni Sabrina. Bumaba siya ng kama para iwasan si Adrian. Nasiyahan din naman siya ng nakaraang gabi pero hindi niya akalaing sasagrin pala siya ng binata. “Pero kung pipilitin mo talaga ako, payag ka naman ba na itakbo ako sa hospital pagkatapos? Okay lang sa ‘yo na kapag tinanong ka ng doktor kung anong nangyari, eh sasabihin mong nasubrahan sa s3x?”Hindi umimik si Adrian pero tiningnan nito nang matiim si Sabrina kung seryoso ba ito sa kanyang mga sinabi. Maganda si Sabrina, sexy, walang lalaking hindi magkakagusto dito kung tutuusin. Hindi niya maitatanggi sa sarili na fascinated siya sa taglay
Well, hindi lang naman siya pumasa sa elective course niya kaya lumipat siya at nagkataong sa department pa na nandoon ako. Sisiguraduhin kong babagsak na naman siya.”Pinandilatan ni Sabrina si Alex dahil sa sinabi nito. Nag-alala siya para sa kaibigan dahil baka nang dahil kay Anne ay masira pa ang trabaho nito. Hindi kaya ng konsensiya niya kung sakaling mawalan ito ng trabaho. Ito na nga lang ang taong karamay niya sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay niya tapos masisira lang nang dahil sa pagprotekta nito sa kanya. Hindi siya papayag!“Hindi kami ni Adrian at hindi ako nagseselos sa Anne na ‘yon, Alex. huwag mong ibunton sa estudyante ang galit mo dahil sa sitwasyong pinasok ko. Tama na sa akin na tinutulungan mo ako sa mga bagay na hindi ko kayang mag-isa,” pang-aalo ni Sabrina sa kaibigan. Nilagay niya ang palad sa balikat nito at tinapik-tapik.Pero dumepensa naman si Alex, “wala itong kinalaman sa ‘yo, Sab. iyung Anne na rin mismo ang gumawa ng sarili niyang problema. An
“Pakipaliwanag nga, Anne. Anong nagawa ko?” Kunot ang noong tanong ni Sabrina dahil iisipin man niya, hindi mahagilap ng kanyang isip ang sinasabing ni Anne na ginawa niya dito. “Kuya. . .” tumingin si Anne sa katabing si Adrian at nagpasaklolo. Inabutan ito ng tissue ni Adrian bago hinarap ng binata si Sabrina. “Kagaya ng kagustuhan mo Sabrina, bumagsak si Anne sa elective course niya.”“Ako? Bakit naging kasalanan ko kung bumagsak siya?” Naalala ni Sabrina ang sinabi ni Alex ilang linggo bago ang summer vacation. Parang nanikip ang dibdib ni Sabrina dahil sa deretsahang pambibintang ng dalawa sa kanya. Dagdag pa na bumaba siya pagkatapos iwanan ang mga bisita para sa akala niyang importanteng bagay na kailangang sasabihin ni Adrian sa kanya.Parang gustong matawa ni Sabrina sa kabila ng pagbangon ng galit sa kanyang dibdib. “Sa dami ng estudyante sa kanilang klase, bakit siya lang ang hindi pumasa? Bago niyo ako pagbintangan, bakit hindi niya muna tanungin ang sarili niya why she
“Okay ka lang ba?” Pagkatapos mawala sa kanilang paningin ang papalayong sasakyan ni Adrian ay nilingon ni Alex si Sabrina na parang basang-sisiw ang hitsura. Nag-aalala kasi ito sa nangyari dahil alam niyang galit si Adrian sa kanya. Inaalala niya ang gamot ng tatay niya na kapag nagalit ang binata ay mawawalan siya ng mapagkukunan nito.Pagtingin ni Sabrina kay Alex ay napansin nito ang namumulang pisngi ng kaibigan na tinamaan ng sampal ni Anne na sana’y para sa kanya.“Pasensiya ka na Alex ha. Lagi kang nadadamay sa mga problema ko,” nakayukong saad ni Sabrina sa mahinang boses. Hinawakan ni Alex ang mga kamay ni Sabrina, “Wala iyon. Kahit na medyo nahuli ako sa pagbaba, ang dahilan ng pagpunta nila dito ayon sa naabutan kong usapan ninyo ay tungkol sa bagsak na grado ni Anne. bobo ba sila? Anong kinalaman mo sa grado niya para sugurin ka nila dito?” galit na wika ni Alex.Parang lumipad ang utak ni Sabrina na hindi alam ang isasagot kay Alex.“Pumanhik na kayo at mahamog dito sa
“Wow!”Namangha si Sabrina nang makita ang puno na noo’y naging karamay niya sa halos lahat ng pagkakataon. Isa itong puno ng Banaba na tawag ng iba ay cherry blossoms ng bansa oras na ito ay mamulaklak. May health benefits din ito kaya inalagaan ito ng paaralan. Hindi akalain ni Sabrina na magpahanggang sa oras na iyon ay nandoon pa rin ang puno. “Isa itong puno sa napagdesisyunan ng pamunuan ng paaralan na huwag putulin. Nagkataon lang na Sabado ngayon kaya walang maraming tao o estudyante rito. Kapag raw weekdays, maraming estudyante ang tumatambay rito para magpakuha ng picture. “Kaya ba binakuran ang puno nito para walang makalapit masyado?” tanong ni Sabrina. May hanggang hitang taas na bakod na kasi ang nakapalibot sa puno pero hindi iyong nakasira sa ganda nito. Pinasadya rin yata na lagyan ito ng isang bench para sa mga gustong magpakuha ng larawan. Dahil sa naisip ay kinuha ni Sabrina ang camera at kinuhanan ng larawan ang puno sa iba’t-ibang anggulo.“Gusto mong kuhanan d
Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito. “Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagilid para bumalik ng tulog. Inaantok pa rin siya dahil sa malalim na ang gabi sila nakatulog dahil dalawang beses muna siyang inangkin ni Adrian.“Gising na!” muling ginising ni Adrian si Sabrina. This time niyugyog na niya sa balikat ang dalaga.“Maaga pa,” reklamo nitong nakapikit pa ang mga mata.“May pupuntahan tayo,” muling saad ni Adrian na pilit ibinabangon ang dalaga gamit ang braso niyang nasa ilalim ng ulo nito.“Pero maaga pa nga.”“Alam ko pero dahil babiyahe pa tayo mamaya kaya kailangan nating agahan ang pagpunta roon,” tugon ni Adrian. Siniguro nitong hindi na siya mulimg babalik sa pagtulog kaya inalisan siya nito ng kumot at hinila pababa ng kama.“Sige, bababa na! Huwag mo na
Pagkatapos makatanggap ng rejection kay Adrian, pinilit ni Sabrina ang sarili na kalimutan ang nararamdaman para sa binata. Iniisip na baka kapag matured na siya ay makakalimutan niya ito at maaring mabaling sa iba ang kanyang atensyon. Nang bumalik nga siya galing ng ibang bansa pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo ay muling nagkasalubong ang landas nila ni Seth. isa ito sa kanyang mga kababata at dating magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya madali lang silang nagkapalagayang loob. Wala rin naman siyang masabi noon laban kay Seth hanggang sa dumating nga sa gitna ng relasyon nila si Pia.“Bakit hindi ka na makagalaw diyan? Dumidilim na, oh.” Napapiksi si Sabrina nang marinig ang boses ni Adrian. Saglit siyang nawala sa kasalukuyan dahil sa mga alaala ng nakaraan.“Huh?!” “Are you okay, Sabrina?” tanong ni Adrian na may pag-alala.Hindi naman inaasahan ni Sabrina ang naging reaksyon ng binata. Naikurap niya ang mga mata ng ilang beses para siguraduhing hindi siya nananaginip
Pakiramdam ni Sabrina, namanhid ang kanyang katawan ng sarkastikong tanong na iyon ni Adrian uminit ang kanyang mukha sa hiyang naramdaman. Naririnig niya ang tawanan sa paligid pero pakiramdam niya blangko ang kanyang isip ng ilang saglit. Nang mahimasmasana ay itinulak niya si Adrian. “Bata pa ako noon ay hindi alam kung ano ang nararapat. Kagaya ng ibang kabataan ay dumaan rin sa ganoong sitwasyon. Nakalipas na iyon kaya huwag mo ng isipin, Adrian,” seryoso niyang wika dito.Tumango naman si Adrian na sumang-ayon sa kanya. “Mas mabuti kung ganon.”Naging awkward ang paligid dahil sa nnagyari pagkatapos silang tudyuhin ng mga kaibigan. Nakaramdama ng pagkaasiwa ang mga naroroon pero hinayaan na nila at nagpatuloy sa kwentuhan sa iba pa nilang mga kaibigan.Pagkatapos nag pagtitipon ay sinamahan ni Sabrina si Fate na magligpit ng mga natanggap na regalo at iba pang gamit nto. “Alam mo Sabrina, gusto ko talagang maging kayo ni Mr. Reyes. Bagay kayo at kung kayo ang magkatuluyan, sig
Natapos ang seremonya at nagiging abala na ang bagong kasal sa pagharap sa kanilang mga bisita. Sina Adrian and Sabrina naman ay umaalalay sa bride and groom bilang maid of honor and bestman ng mga ikinasal. Silang dalawa ang tagabigay ng mga giveaways ng mga ikinasal para sa mga bisita bilang token sa pagdalo sa kanilang kasal.Hindi nagtagal at isa-isang nagpaalam ang mga bisita kaya sila na lamang na mga abay sa kasal ang naiwan at iilang mga kakilala at kamag-anak na ayaw pang magsiuwi dahil nasa malapit lang naman ang sa kanila. “Guys, alam kong hindi kayo nakakain ng maayos kanina kaya nagpahanda ako ng pagsaluhan natin,” malakas na wika ni Fate nang bumalik ito pagkatapos nilang magbihis na mag-asawa. Agad nitong tinawag ang mga waiter para ipasok ang ipinahanda niyang pagkain at inumin para sa kanila. Pahapyaw na sinuyod ni Sabrina ng tingin ang lahat at halos ang mga naroroon ay mga kaklase nila noong high school. May iilan na hindi familiar sa kanya. Naiisp niya baka kaklas
Kagaya ng sabi ng doktor, hindi na nag-alala pa si Sabrina ng kanyang nararamdaman. Psychological ‘ika nga. Iniisip niya ito ng sobra kaya siya nauunahan ng takot kapag nasa dilim. Umpisahan na niyang iwaglit sa isipan ang takot para mawala ang kanyang nararamdaman. Sabi nga ng doktor, malaki ang maitulong niya sa sarili para makawala sa phobia.Palabas na siya ng clinic nang makatanggap ng magkasunod na message. Auto-messages na galing sa bangko na nagsasabing nakatanggap siya ng magkahiwalay na halaga ng pera. Buong 3000,000.00 galing kay Adrian at ang 20,000.00 ay galing naman kay Kevin. “Hi, Sabrina. Maraming salamat nga pala sa concept natin at sa maganda mong kuha. Nanalo po ako and I’ve sent you the full payment for it.”Kasunod ng dalawang naunang messages ay may message ulit siyang natanggap at mula ito kay Kevin. Nagpasalamat ito sa ginawa nilang photoshoot kinaumagahan mula napag-usapan nila ang concept nito.“No worries, Kevin. It’s my job to do it so I can get more clien
“Sabrina!” Mabilis na nilapitan ni Adrian si Sabrina gamit ang muntik liwanag na nagmumula sa kanyang mobile phone. Tila nanigas ang dalaga sa kinatayuan na hindi man lang gumalaw kahit bahagya lamang. Hinawakan ito ni Adrian kaya ramdam niyang nanginginig ito sa takot. “Takot ka ba sa dilim?” Isinandal niya ito sa kanyang dibdib pero wala pa ring tugon mula dito. Pinailawan niya ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang pamumutla ng dalaga. Wala ng magawa si Adrian kung hindi buhatin ito at inihiga sa kama. Tulala itong nakatitig sa kisame na mukhang takot na takot.Nang hindi pa rin tumutugon si Sabrina ay inalalayan niya itong makabangon. Umupo na rin siya sa tabi nito at tinapik-tapik ito sa likod sa takot na baka kung anong mangyari sa dalaga sa pamamahay niya.“Sabrina, huwag kang matakot. Nandito ako. Hindi kita iiwan.” pang-aalo ni Adrian kay Sabrina.Illang minuto lang ay dahan-dahan itong gumalaw at diretsong tumingin sa kanya. Siya ring pagbalik ng kuryente at agad kumala
Inabangan ni Sabrina sa oras ng uwian si Adrian para kunin ang kanyang commission sa trabaho niya sa institusyon. Ikalima ng hapon nang mamataan niya itong lumabas sa conference hall dahil may meeting raw ito hinggil sa lakad nilang mga delegado papuntang Estados Unidos. Seryoso ang mukha nitong naglalakad habang bitbit ang ilang folders at laptop nito. Hindi yata siya naapansin dahil diretso lang ang tingin nito sa direksyon kung saan ang labasan papunta sa paradahan ng mga sasakyan.“Adrian!” tawag dito ni Sabrina nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanya pero tila wala itong narinig. Hindi man lamang siya nito nilingon o sinulyapan man lang kaya sinabayan ito ni Sabrina sa paglalakad nang matapat na sa kanya. “Tulungan na kita sa mga dala mo,” pagmamagandang-loob ni Sabrina pero inilayo ni Adrian ang mga dala-dalahan. Wala pa rin itong imik hanggang marating nila ang sasakyan nito.Tiningnan lang siya ng binata mula sa kinatatayuan nito sa gilid ng driver’s seat. Hindi niy
Sa isip ni Alex dahil sa kapangyarihan ng pamilya nina Adrian at ng pamilya rin mismo ni Anne kaya muli itong nagkaroon ng chance na makapag-exam ulit. Tanging buntonghininga na lamang ang naging sagot ni Alex kay Bernard.“So si Professor Reyes na rin ang nag-suggest na mag-exam ulit si Anne?” tanong ni Alex kay Bernard pagkalipas ng ilang saglit ng kanilang pananhimik.“Ang Board na rin mismo ng institusyon pero sumang-ayon siya syempre. Kailan ba iyon gumawa ng bagay na hindi pabor sa batang ‘yon?” tugon naman ni Bernard.Napaismid si Alex sa mga sinabi ni Bernard dahil alam niyang puro katotohanan ang mga sinabi ng kaharap. Kahit boyfriend ito ng kaibigan niyang si Sabrina, kailanman ay hindi pareho ang naging trato nito kagaya kung paano nito tratuhin si Anne.“Anyway, speaking of Professor Reyes, nakita namin pareho si Sabrina na may kausap na lalaki. Bata pa at parang ang close na nila. Akala ko nga noong una ay si Seth o kapatid niya pero hindi ito si Seth at lalong hindi ito