Pabalik na sana si Sabrina para maghanap ng pahingahan pero napatigil siya nang marinig niya ang kanyang pangalan. Hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng iba pero naging interesado siya dahil sa pagbanggit ng kung sino man ng kanyang pangalan. Parang balahibo ng manok sa gaan ang ginawang hakbang ni Sabrina para mapalapit sa pinto kung saan narinig niya ang kanyang pangalan, “Si Anne ang kasama kong dumating at si Sabrina ay naunang dumating sa amin na walang kasama.” Naulinigan niya ang boses ni Adrian mula sa loob.“Didn’t your mom ask you to send the invitation to her?” ani ng kausap ni Adrian sa loob. Makapangyarihan ang boses nito at halatang may disgusto ito sa pagdalo ni Sabrina.“That’s right, Dad! Kaya siya dumalo because of mom.”Nakumpirma ni Sabrina na ang amang si Ramon ang kasama ni Adrian sa loob nang tawagin niya itong Dad. hindi niya alam kung ang kwartong iyon ay kay Adrian oor sa kanyang ama. Matagal na niyang hindi nakita o nakausap ito kaya pati boses ay hindi
Sa baba ay inip na inip si Anne sa paghihintay na bumalik si Adrian pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin ito bumalik. Dagdag pa sa inis niya ang nakikitang pagkadisgusto ni Amor sa kanya. Ginawa na niya ang lahat para magpa-impress dito, kulang na lang magpakatulong siya dito pero mukhang hindi pa rin ito nasiyahan sa kanya. Malayo ang awra nito nang si Sabrina ang tumulong sa kanya kaya lalo siyang nagngingitngit para dito. Ni hindi nga siya ipinapakilala kung wala pang nagtatanong kung sino siya. Mas kilala kasi ang kanyang ate na alam niyang iyon ang hinihintay ni Adrian. Sa inis ni Anne ay pumasok siya sa loob ng bahay ng mga Reyes. Umakyat sa hagdan na kala mo’y sa isang palasyo sa lawak. Tiyak ang kanyang mga hakbang patungo kung saan. Halatang kabisado na niya ang lugar sa loob kaya deretso siya sa harap ng isang silid doon.Samantala kakapasok lang nina Adrian at Sabrina sa isang silid.“Close the door,” utos ni Adrian kay Sabrina na sinunod naman ng dalaga.Inikot ni Sabr
Sa silid, gusto ng umalis sa silid na iyon ni Adrian, hinihintay niya na lamang ang bagay na dahilan kaya niya ito pinagbigyan saka bababa na at uuwi. Pagod na pagod ang kanyang katawan at nananakit pa ang bakas ng pagkakatali ng binata sa kanya kaya parang wala ng lakas pa si Sabrina na makipagkulitan pa kay Adrian. Nakapagbihis na siya at tahimik na ngayong nakaupo sa gilid ng kama ni Adrian nang marinig nila pareho ang boses ni Anne mula sa labas ng silid. Pareho silang nagkatitigan na tila nag-aantay pa ng isang tawag para masiguro kung boses nga iyon ni Anne.Ilang saglit lang at tumunog ang mobile phone ng binata na agad namang nagpabago sa ekspresyon ng mukha nito. Nairita ito sa pang-e-estorbong ginawa ni Anne pero hindi rin nito kayang balewalain ito.“Bakit, Anne?”Naiinis si Sabrina na kahit siya itong kasama ni Adrian ay nagawa pa rin nitong sagutin ang tawag ni Anne. wala siyang karapatang magselos o pagbawalan ito pero ipinapakita lang nito na wala siyang halaga sa kanya
Chapter 37: Pakiramdam ni Seth umakyat ang dugo sa kanyang ulo at nagtayuan ang kanyang buhok pagkarinig na nasa okasyon din na iyon si Sabrina. Isang dahilang ang malamang naging magkaniig ang dalawa pero ang malamang nasa bahay rin ni Adrian ang dalaga at mismong sa kaarawan pa ng ama ng kaibigan ay iba na para sa mata ng ibang tao. Iisipin ng mga ito na magkasintahan ang mga ito at may narinig na nga siyang bulong-bulungan sa bulwagan pero binalewala niya. Ngayong nasa harapan na niya ang dalaga lalong sumidhi ang kanyang nararamdamang galit para sa dalawa lalo na kay Sabrina. Kakalabas lang ni Sabrina mula sa silid ni Adrian at sumalubong agad si Seth na naglakihan ang butas ng ilong dahil sa galit.“Doon sa kuwarto ko. Puntahan mo.” malakas ang tawang tugon ni Adrian nang makasalubong si Seth at hinanap si Sabrina sa kanya.Walang-salitang umalis si Seth sa harapan ni Adrian at halos liparin ang hagdanan paakyat. Lagi siyang pumupunta sa bahay ng mga Reyes kaya tiyak ang kanyan
“Kagagawan ba ni Seth ang mga ‘yan?” Usisa ni Alex kay Sabrina nang makita ang mga pantal sa kanyang katawan na kagagawan ni Adrian. Ibinaba kasi nito ang suot na damit habang nasa loob pa si Alex. Sanay na itong makita siyang ganon pero dahil seryoso ito sa pagiging bakla kaya walang epekto sa kaibigan kahit maghubad man siya sa harapan nito.“Hindi siya!”“Eh, sino? Ang sabi ni Bernard muntik ka ng molistiyahin ng lalaking ‘yon kanina,” galit na tanong ni Alex. nahahabag siya sa hitsura ng kaibigan pero alam she’s partially at fault with her actions.Tahimik lang si Sabrina kaya si alex na mismo ang nagsabi kung sino ang responsable ng mga pantal sa kanyang katawan. “Si Adrian ba?”Marahang tumango si Sabrina bilang tugon sa kaibigan. “Oo nga pala sa bahay ka nila galing. . . at doon niyo pa mismo ginawa. Sab—-”Si Alex na mismo ang pumutol sa sarili niyang salita dahil ayaw niyang saktan ang kaibigan. Napasuklay na lamang siya sa sariling buhok gamit ang mga daliri. Si Sabrina nam
Kinabukasan ng madaling-araw nagising si Sabrina nang maramdaman niyang tinatanggal ni Adrian ang tali ng kanyang suot na pantulog. “Ang sabi mo hindi mo ako gagalawin?”“Kagabi ‘yon, madaling-araw na ngayon.” “Alam mo ang kapal ng mukha mo, Adrian. Pagkatapos mo akong gamitin na parang katapusan na ng mundo eh, may pinaplano ka ulit ngayon? Ayaw ko na, hindi kaya ng katawan ko,” pagtanggi ni Sabrina. Bumaba siya ng kama para iwasan si Adrian. Nasiyahan din naman siya ng nakaraang gabi pero hindi niya akalaing sasagrin pala siya ng binata. “Pero kung pipilitin mo talaga ako, payag ka naman ba na itakbo ako sa hospital pagkatapos? Okay lang sa ‘yo na kapag tinanong ka ng doktor kung anong nangyari, eh sasabihin mong nasubrahan sa s3x?”Hindi umimik si Adrian pero tiningnan nito nang matiim si Sabrina kung seryoso ba ito sa kanyang mga sinabi. Maganda si Sabrina, sexy, walang lalaking hindi magkakagusto dito kung tutuusin. Hindi niya maitatanggi sa sarili na fascinated siya sa taglay
Well, hindi lang naman siya pumasa sa elective course niya kaya lumipat siya at nagkataong sa department pa na nandoon ako. Sisiguraduhin kong babagsak na naman siya.”Pinandilatan ni Sabrina si Alex dahil sa sinabi nito. Nag-alala siya para sa kaibigan dahil baka nang dahil kay Anne ay masira pa ang trabaho nito. Hindi kaya ng konsensiya niya kung sakaling mawalan ito ng trabaho. Ito na nga lang ang taong karamay niya sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay niya tapos masisira lang nang dahil sa pagprotekta nito sa kanya. Hindi siya papayag!“Hindi kami ni Adrian at hindi ako nagseselos sa Anne na ‘yon, Alex. huwag mong ibunton sa estudyante ang galit mo dahil sa sitwasyong pinasok ko. Tama na sa akin na tinutulungan mo ako sa mga bagay na hindi ko kayang mag-isa,” pang-aalo ni Sabrina sa kaibigan. Nilagay niya ang palad sa balikat nito at tinapik-tapik.Pero dumepensa naman si Alex, “wala itong kinalaman sa ‘yo, Sab. iyung Anne na rin mismo ang gumawa ng sarili niyang problema. An
“Pakipaliwanag nga, Anne. Anong nagawa ko?” Kunot ang noong tanong ni Sabrina dahil iisipin man niya, hindi mahagilap ng kanyang isip ang sinasabing ni Anne na ginawa niya dito. “Kuya. . .” tumingin si Anne sa katabing si Adrian at nagpasaklolo. Inabutan ito ng tissue ni Adrian bago hinarap ng binata si Sabrina. “Kagaya ng kagustuhan mo Sabrina, bumagsak si Anne sa elective course niya.”“Ako? Bakit naging kasalanan ko kung bumagsak siya?” Naalala ni Sabrina ang sinabi ni Alex ilang linggo bago ang summer vacation. Parang nanikip ang dibdib ni Sabrina dahil sa deretsahang pambibintang ng dalawa sa kanya. Dagdag pa na bumaba siya pagkatapos iwanan ang mga bisita para sa akala niyang importanteng bagay na kailangang sasabihin ni Adrian sa kanya.Parang gustong matawa ni Sabrina sa kabila ng pagbangon ng galit sa kanyang dibdib. “Sa dami ng estudyante sa kanilang klase, bakit siya lang ang hindi pumasa? Bago niyo ako pagbintangan, bakit hindi niya muna tanungin ang sarili niya why she
Chapter 51:Tulog na ang lola ni Sabrina kaya halos ‘di makabasag pinggan ang kanilang mga kilos. Halos magbulungan na rin sila sa hina ng kanilang mga aboses. Dahil sa matanda na, maiksi na lang madalas ang oras ng tulog ng kanyang lola kaya oras na makatulog ito ay iniiwasan nilang maestorbo ito sa kanyang pamamahinga.Napagkasunduan nilang lahat na sa reunion nila na ito ay magkakaroon sila ng bonfire at doon magtitipon para magkumustahan ng kani-kanilang buhay habang nakikipagsapalaran sa iba’t ibang lugar at nakikipaglaban sa hamon ng buhay. Napagkasunduan din nilang mag-ihaw habang nagkakasayahan. Halos isang beses lang kada taon sila nagkikita-kita kaya sinasamantala nila ang pagkakataon na ang halos lahat ay nandoon. Tradisyon na ng kanilang pamilya na magtipon-tipon sa bahay ng kanilang lola na ngayoý ipinamana na sa kapatid ng kanyang ama.“Nasaan na ang iihawin natin?” naitanong ni Sabrina nang wala siyang nakikitang inihanda ng kanyang mga pinsan.“Maghintay ka lang, Sab,
Chapter 50: “Hello?”“Nasaan ka?” tanong ng nasa kabilang linya.“Bakit mo naman naitanong?” balik tanong ni Sabrina na medyo napasimangot.“Galit ka ba?”“At bakit naman ako magagalit?” nakaramdam man ng galit ay saglit lamang iyon kay Sabrina. Ayaw niyang sirain ang mood niya o awra niya para lang magalit sa mga taong hindi naman siya pinapahalagahan.“Bakit hindi ka bumalik ng ospital. Hindi ba’t kailangan mo pa ng isa?”Sasagot na sana si Sabrina nang marinig ang kasama ni Adrian. “Kuya Adrian, tikman mo ‘to oh, ako ang may gawa nito,” boses ni Anne na papalapit.Hindi na nagtagal pa si Sabrina at pinutol na ang tawag. Wala rin naman siyang balak sabihin kay Adrian kung nasaan siya at kung bakit hindi siya bumalik ng ospital kaninang umaga. Paubos na ang laman ng bote ng gamot kaya pumunta si Sabrina sa nurse station para ipatanggal na ang karayom na nakakabit sa kanya. Kaunti ang tao sa ospital dahil hapon na kaya napabilis ang lahat kay Sabrina.“Ang pogi nong kaibigan mo saka
Kinabukasan, nagising si Sabrina sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa siwang ng kurtina. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa orasan. Ika-sampu na ng umaga. Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng silid pero ni kaluskos ay walang bakas na nandoon si Adrian kagaya ng pangako nitong babalikan siya para ihatid sa bahay ng kanyang tiyahin. Napabagsak ni Sabrina ang sarili pabalik sa kama dahil sa sobrang inis. Umuwi si Sabrina sakay ng taxi. Matagal din bago siya nakakuha ng masakyan dahil sa dami ng pasahero. Bago pa man nag-antay ng masakyan ay dumaan na siya sa malapit na botica para bumili ng gamot para hindi magbunga ang ginawa nila ni Adrian. Ayaw ni Adrian na gumamit ng proteksyon kaya si sabrina na ang bumibili para sa sarili. Itinapon niya rin ang nurse uniform na pinasuot sa kanya ng nakaraang gabi para walang makakaalam ng kanyang pinaggagawa.“Mabuti naman at naalala mo pang umuwi.!” May galit na salubong ni Arnulfo sa anak nang dumating ito. Ka
Pagkatapos maihatid si Anne ay bumyahe na ulit sina Adrian pabalik para ihatid si Sabrina. Gabi na kaya hindi makita ni Sabrina kung nasaan na sila banda. Iniisip niya nag mga magulang na tiyak ay nag-aalala na sa kanya.“Twenty minutes lang ang biyahe mula sa ospital pauwi sa bahay ng tiyahin ko eh, bakit ka pa kasi lumayo? Kung sana ako ang una mong hinatid,” reklamo ni Sabrina sa backseat ng sasakyan.“Ito pabalik na nga tayo, ‘di ba?” sagot ni Adrian na hindi man lang sinulayapan ang dalagang nasa likuran.Pinili na lamang ni Sabrina na muling humiga sa upuan ng sasakyan. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay muli siyang nagising at nagulat na nasa kahabaan pa rin sila ng kalsada at naglalakbay na parang walang direksyon. “Nandito pa rin tayo sa kalsada?” tanong niya kay Adrian habang kinusot-kusot ang mata para tuluyan na siyang magising.“Masyado ng malalim ang gabi. Bukas na lang kita ihahatid. Hindi ko na matandaan ang mga dinaanan natin eh,” wika na Adrian na parang wala lang
“You said that because you are thinking nobody is taking care of you. Akala mo dahil sinaktan ka ng isang lalaki, lahat na dinamay mo na akala mo ay wala ng nag-aalala sa ‘yo. Tama ba ako, Sabrina?” panunuya ni Adrian sa dalaga.Hindi na tumugon si Sabrina, pinaikot na lang ang matang tinalikuran ang dalawa. Si Anne naman ay walang mahagilap na salita para isingit sa sagutan nina Adrian at Sabrina kaya napapatingin na lamang siya sa dalawa.Nauna man sa ospital si Sabrina ay halos magkasunod lang sila ni Anne na lumabas ng ospital. Dalawang bote ang naubos ni Sabrina at isa naman kay Anne. Nauna itong lumabas na inalalayan ni Adrian at si Sabrina naman ay kasalukuyan pang tinatanggal ng nurse ang karayom na nakakabit sa kanya.Hirap pa rin si Sabrina sa paglalakad dahil masakit pa rin ang kanyang balakang pero kahit dahan-dahan ay pinilit niyang maglakad para makarating sa sakayan ng bus. Hawak ang balakang na paliko si Sabrina sa pasilyo nang biglang may kumabig sa kanya at sumalikop
“Adrian?!” bulalas ni Sabrina nang mamukhaan ang lalaki. At bago pa siya makapagtanong kung sino ang kasama ng binata sa lugar ng pamilya nila ay bumangon na sa pagkakahiga ang babaeng kasama nito. “Sabrina, hanggang ba dito sinusundan mo kami?” mataray ang pagkakatanong ni Anne sa kanya kaya napataas ang kanyang kilay na nagwika;“Excuse me, nauna ako dito at isa pa lugar namin ‘to. At sino ka para susundan ko?” mataray ding tugon ni Sabrina.“Kuya Adrian. . .” pabebeng reklamo ni Anne. Tumulis ang nguso nito na parang batang nagmamaktol. “Huwag mong pansinin ang mga taong hindi mo kilala. Magpahinga ka na.” pigil ni Adrian kay Anne nang nagsumbong itong parang bata sa kanya. Nakanguso na akala mo’y puwet ng manok sa tulis.Napaismid naman si Sabrina dahil sinuyo naman ito ni Adrian na akala mo’y anak lang si Anne kung lambingin nito. “Sabrina, tumigil ka na!” Saway ni Adrian sa kanya na parang kasalanan pa niyang nandoon siya at nagkatagpo silang tatlo.Pinili na lamang ni Sabrin
Iniinda ni Sabrina ang sakit ng kanyang balakang. Nangngingitngit pa rin siya para kay Adrian dahil sa pagtulak nito sa kanya na dahilan para sumakit lalo ang kanyang balakang. Sumasakit na nga dahil sa pagiging wild nito sa kama lalo pa itong nadagdagan dahil sa pagkakahulog.Masakit man ang balakang kailangang ipag-drive ni Sabrina ang mga magulang pauwi ng probinsya dahil hindi pa kaya ni Mang Arnulfo na magkikilos llao na sa pagmamaneho ng sasakyan.Walang nagawa si Sabrina kundi tiisin ang sakit. Dumaan naman siya sa doktor at binigyan lamang siya ng pain reliever na saglit lang huhupa ang sakit at babalik na naman kapag nawala na ang epekto ng gamot.Pagdating sa bahay ng kanyang tiyuhin ay agad ipinarada ni Sabrina ang sasakyan\. Tinulungang bumaba ang kanyang mga magulang. Nagtakbuhan palapit ang kanilang kamag-anakan para kumustahin ang kanilang pagbabalik. Simula kasi na nasa syudad na sila ay bihira na silang umuuwi dahil busy siya sa trabaho at hindi rin bassta maiwan ng Pa
Kinabukasan, maagang nagising si Sabrina. Ipinangako niya kay Aling Milagros na sasamahan niya ang mga itong umuwi sa probinsiya sa lugar kung saan naninirahan ang kanyang mga lola at lolo. Nagising siyang nakaunan sa braso ni Adrian, at ang isa nitong braso ay nakadantay sa kanyang katawan. Napangiti ng mapait si Sabrina nang makita ang kanilang posisyon. Kung sana lang ay nagkakamabutihan sila sa ngalan ng pagmamahal pero hindi kaya may halong lungkot ang sayang naramdaman ni Sabrina sa pagkakaunan sa braso ng binata. Dahan-dahan niyang inalis ang bisig nitong nakadantay sa kanyang katawan at akmang babangon na nang ibinalik ni Adrian ang braso sa pagkakadantay sa kanyang katawan.“Saan ka pupunta?” tanong nitong pikit pa rin ang mga mata.“Uuwi na!”“Bakit, pinayagan na ba kita?”Napangisi si Sabrina at marahang pinitik ang noo ni Adrian. “Professor Reyes, nakalimutan mo yatang may bisita kang prinsesa sa kabilang silid. Gusto mo bang magising siya na wala ka sa silid mo at hahanap
Pagkaalis kina Sabrina ay dinala agad ni Adrian si Anne sa hospital para mabigyan ng pangunahing lunas dahil sa pamamaga ng pisngi nitong pinadapuan ni Sabrina ng malutong na mag-asawang sampal. Hinatid din niya ito sa kanilang bahay para makapagpahinga. Pagdating sa sariling bahay ay agad din niyang tinawagan ito para siguraduhing nagpapahinga na pero heto at nasa harapan na niya ang dalaga. Deretos ito sa loob ng kanyang bahay dahil may sarili itong susi mabuti na lamang at kakatapos lang nila ni Sabrina nng ilang rounds nang kumatok ito sa pinto.“Kuya Adrian, dito ako matulog, pwede?” nakanguso itong nakiusap kay Adrian at humakbang papasok sa loob. Siya namang paggalaw ni Sabrina na nakatalukbong ng comforter. Nakaharap si Anne kay Adrian kaya hindi niya nakita ang paglabas ng ulo ni Sabrina mula sa ilalim ng makapal na kumot. Pasekretong sumenyas dito si Adrian kaya muli itong nagtago doon. Nahiling naman ni Adrian na sana hindi gagawa ng gulo si Sabrina dahil hindi niya alam k