Pakiramdam ni Sabrina ay namula ang kanyang mukha dahil sa sinabi ni Adrian. Napahigpit ang kanyang hawak sa suot na roba na akala moý huhubaran siya ni Adrian sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” usisa ni Adrian.“Tungkol sa atin. Tigilan na natin ‘to. Wala tayong relasyon. Isa pa may girlfriend ka na at ayaw kung makasira ng relasyon ng iba. Maaring mali ang lumapit ako sa ‘yo pero iba na ngayon,” tugon ni Sabrina. Saglit na tinitigan lamang siya ni Adrian at parang tinatantiya kung tama ba ang narinig mula sa kanya. “Isipin na lang natin na walang nangyari.”Marahas na itinaas ni Adrian ang isang kamay at pasabunot nitong hinaplos ang sariling buhok at parang kidlat sa bilis na lumapit sa pader at sinuntok iyon. Napaigtad si Sabrina dahil sa pagkabigla at parang nanigas nang lingunin siya ng binata. Parang sibat sa talim ang pagkaktitig nito sa kanya at kitang-kita niya mula sa nakabukas niyang polo ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib, senyales
“Kung saan ka masaya, anak. Susuportahan ka namin. Hindi ka naman namin minamadali dahil ang pag-aasawa ay isang panghabangbuhay na commitment kaya enjoy mo muna ang pagiging dalaga,” mahabang wika ni Aling Milagros kay Sabrina. “Huwag kang mag-alala ‘Nay, makakahanap din ako ng tamang tao para sa akin. Isa pa bata pa po ako,” tugon ni Sabrina na niyakap pa ang ina mula sa likuran. Alam miyang mahal na mahal siya ng mga magulang at kahit kailan wala ring naibigay na alalahanin sa kanya ang mga magulang maliban sa pagkakasakit ng kanyang ama. Nauunawaan naman niya dahil sa uri ng lifestyle noon. . .noong may negosyo pa sila saka nagkakaedad na ang mga magulang kaya nagsilitawan na ang mga karamdaman sa katawan. Kaya mahal niya rin ang mga ito dahil naging responsableng mga magulang ito sa kanya. “Nay, hindi ako magtatagal at ako’y papasok pa ng trabaho,” pagpapaalam ni Sabrina habang tinutulungan ang ina na makatapos sa inihahanda. “Kumain ka muna, anak. Ipinaghanda ko kayo ng
Mabilis na dinaluhan ni Adrian si Anne nang dumugo ang kamay nito na tinamaan ng hiringgilyang hawak na para sana sa daga na subject niya sa kanyang eksperimento. Si Sabrina naman ay parang itinulos sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla sa nangyari. Ang ibang estudyante ay napatigil rin sa ginagawa pero tahimik lamang na nagmamasid. “Bakit nagulat ang daga?” usisa ni Adrian. “Nagulat kasi dahil sa flash ng camera,” tugon ni Anne. Nanlaki ang mata ni Sabrina dahil hindi totoong may flash ang camera na ginagamit niya. Siniguro niyang naka-OFF ito nang sinabihan siya ng pamunuan ng laboratoryo ng mga pamantayan sa loob nito. Kaya nga dahil bawal ang de-takong na sapatos sa loob ay pinili niyang magsuot ng binigay nilang slip-on rubber footwear dahil ayaw niyang magkaproblema sa trabaho.“Sino ba kasi ang nagpapasok ng outsider dito?” reklamo pa ni Anne. Sinamantala nito ang pananahimik ni Sabrina. Walang may naglakas-loob na sumagot dahil lahat sila walang alam kung bakit nandoon si Sab
Natanaw ni Sabrina si Adrian sa isang mesa kaharap ang babaeng lagi niyang kasama kaya alam niya kung bakit iba ang reaksyon ni Alex. Kung hindi dahil sa kanya baka matagal ng pinatulan ito ni Alex kaya lang pinipigilan niya ito dahil para sa kanya kasalanan naman niya kung bakit hindi siya nirerespeto ni Adrian.Agad na nakanap ng bakanteng mesa ang dalawa pa gkatapos ng ilang saglit na paghahanap. Hindi kalakihan ang ospital kaya katamtaman lang din ang laki ng kanilang canteen.“Dito ka lang, Sab. ako na ang oorder para sa ating dalawa,” sabi ni Alex nang maupo na si Sabrina sa isang upuan. Agad din itong umalis para umorder dahil humahaba ang pila. Nagkataong pananghalian na kaya marami ang tao doon. Mga taong may iba’t ibang transaksyon sa ospital.Habang naghihintay kay Alex, hindi maiwasan ni Sabrina na sulyapan ang bahagi kung saan nakaupo sina Adrian at ang babaeng nagngangalang Anne. Nakayuko ang binata; abala sa pagbabalat at paghimay ng hipon para sa kasama nitong babae.
‘’Besh, alam mo bang hot topic ‘yang Adrian sa school, sa Department of Science s dahil sa dami ng estudyante diyan sa Anne na ‘yan lahat ng kanyang atensyon,” kwento ni Alex habang hinihintay nila ang resulta ng test ng dalaga.“Uhm..” walang ganang tugon ng dalaga. Kinakabahan pa siya hangga’t hindi pa nila alam ang resulta ng laboratoryo sa kanya, paano niya bigyan ng pansin ang mga bagay o ang mga taong wala namang ambag sa buhay niya kundi inis.“Ito pa, kaya pala nasa laboratoryo ‘yung Anne kasi binalikan ang subject na bagsak niya at ‘ýon ay under kay Professor Reyes. Personal niya daw na hiniling na siya ang magtuturo sa Anne na ‘yon kaya lagi silang magkasama sa school,” patuloy pa ni Alex kahit na alam niyang walang ganang makinig ang dalaga sa kanya.“Tigilan mo na nga ‘yan besh, uunahin ko pa bang pakinggan ‘yang chika mo eh, kinakabahan pa ako dito sa magiging resulta ng test. If positive na may virus iyung daga, eh mamamatay ako tapos tsismis ang pabaon mo.” Pabirong wika
Kakarating lang ni Adrian sa eskwelahan, hindi pa man siya nakarating sa kanyang opisina nang salubungin siya ng katrabahong si Bernard, ang lalaking lumapit kina Sabrina at Alex sa canteen ng ospital.“Professor Reyes, hindi ba pumunta ka ng ospital para kunin ang result ng laboratory test ni Miss Gomez?” agad na tanong nito kay Adrian habang papalpit ito sa kanya papasok sa kanilang opisina.“Yes, I did! Is there any problem?” balik tanong ni Adrian na nilagpasan lang ito at deretsong tinungo ang kanyang mesa.Napakamot naman si Bernard na nakasunod sa kanya. “Nakita mo ba si Miss Altamirano doon? Kasalanan ko kasi, eh. Nakagat kasi siya ng dagang subject for expirement ni Miss Gomez at sinabi kong may dalang virus iyung hayop. Bigla siyang natakot at hindi na tinapos ang pananghalian kasama si Mr. dela Cruz at pumunta ng laboratoryo para—“Nakagat ng daga si Sabrina?”“Oo. Nang makita ko kasi siyang lumabas ng laboratoryo kanina pagkatapos ng aksidente ay tulala siya at parang tinak
Sa tindi ng galit ni Sabrina, nagpumiglas ito at sakto namang lumuwag ang pagkakahwak ni Adrian sa kanya kaya nagawa niyang abutin ang binata. Nakalmot niya ito sa leeg, paraan niya para ilabas ang galit sa binata kahit na kinakabahan siya sa kung anong serum na tinutukoy ng binata na ininject nito sa kanya.“Anong serum?” Galit na muling tanong ni Sabrina kahit na puno ng takot ang kanyang dibdib sa kung ano mang itinurok ni Adrian sa kanya. “Kapag may mangyaring masama sa akin Adrian, mumultuhin talaga kahit sa kabialang buhay na ako.” Pahabol na angil ng dalaga.“For immunity! Walang virus na dala ang daga kagaya ng sinabi ni Bernard sa ‘yo pero may sugat ka kaya kaialangan mo pa rin ng proteksiyon dahil na-expose ka sa loob ng laboratoryo,” kalmadong tugon ng binata na hindi na pinatulan ang kanyang mga patutsada.Bumangon si Sabrina at nagtungo sa kanyang kwarto at muling pinalitan ang suot na palda. Paglabas naabutan niyang nakaharap si Adrian sa full body mirror sa kanyang mali
Bitbit ang regalong binili para kay Ramon ay agad pumasok si Sabrina sa gate ng mga Reyes. Nakasuot siya ng body hugging red evening goown with spaghetti straps na may mababang slit sa kanang gilid na nagpapakita ng bilugan niyang hita. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ponytail ng medyo pataas kaya kita ang makikinis niyang balikat at pati na rin ang kanyang batok. Lalong tumingkad ang kanyang kaputian sa suot niyang gown kaya hindi maiwasang mapaplingon ang mga bisitang narororn ng siya’y pumasok. napaka-elegante niyang tingnan sa kanyang simple pero nakakamanghang ayos.“Amor, is she your son’s girlfriend?” tanong ng babaeng isa sa mg kausap ni Amor nang dumating si Sabrina. “Oh, she’s here. Excuse me for a while and I will attend to her.” Hindi na nag-abalang tugunin ni Amor ang mga kausap kaya nag-assume ang mga ito na girlfriend ni Adrian si Sabrina.Nakatayo si Sabrina at pasimpleng hinahanap si Amor nang marinig niya ang boses nito mula sa kanyang likuran.“Sabrina, I’m glad yo
“Bakit nandito ka?”Parehong napalingon sina Sabrina at Anne nang marinig ang boses ni Adrian. Basa pa ang buhok nito at tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. Naka-expose ang dibdib nito kaya’t kitang-kita ni Sabrina ang mga bakas ng kanyang kalmot noong nakaraang gabi. Nagtataka man kung bakit naligo ang binata gayong hindi naman ito naliligo sa umaga maliban lamang kung nagsiping silang dalawa. Sa isip niya baka may ginawa ito at si Anne pero kung titingnan ang katawan ni Adrian wala naman itong bakas pero siya na rin ang nakaisip na baka naging gentle ang binata sa dalaga dahil nga kung tutuusin mas mahalaga ito kumpara sa kanya na girlfriend nito. Sabagay, sa salita lang ang pagiging magkasintahan namin wala ng iba kaya hindi na nakapagtataka kung wala akong halaga sa kanya.“Sabrina, kung wala kang kailangan, makakaalis ka na at aalis pa kami papuntang paaralan,” wika ni Adrian na nakaputol sa iniisip ni Sabrina.“P’wede ka bang lumabas
Hindi nagtagal si Adrian sa bahay ni Sabrina dahil naghihintay si Anne sa kanya. Pagkaalis niya ay tinawagan ni Sabrina si Seth para klaruhin dito ang kinaroroonan ng kanyang kapatid.“Isa itong maliit na town sa U.S. at kailangan mong puntahan doon para may panahon kang hanapin siya. Pero sobrang strikto ang pagpasok sa bansa nila kaya kailanganin mo ng koneksyon para makakuha kaagad ng visa,” saad ni Seth nang tanungin ni Sabrina.“P’wedeng ibigay mo na lang ang address sa ‘kin,” hiling ni Sabrina kay Seth.Pagkatapos ng kanilang usapan ni Seth ay napaupo si Sabrina at napaisip kung ano ang mga gagawin para makita ang kanyang kapatid. Malalim siyang nag-iisip nang biglang pumasok sa kanyang isipan si Adrian. Nabanggit kasi nito na lalabas siya ng bansa para sa isang seminar. Nais niyang tawagan ito para kausapin pero malalim na ang gabi kaya isinantabi niya muna ito.Dalawang taon na ang nakaraan mula ng mawala ang kapatid ni Sabrina sa ibang bansa. Lahat ng kaya niyang gawin ay gin
Parehong napatingin sa pinanggalingan ng boses sina Sabrina at Seth. mula sa lilim ng isang puno kung saan madaanan papasok ay dahan-dahang lumabas si Adrian. Napakunot ang noo ng dalaga kung bakit nandoon ang binata. Bakit kaya siya nandito? Hindi ba natuloy si Anne na matulog siya bahay niya? O kung nandoon man ito hindi ba siya nag-aalala na iniwanan niya itong mag-isa?“Makaalis ka na Seth. Narinig mo naman ang sinabi ni Sabrina, ‘di ba?” wika ni Adrian nang makalapit sa dalawa sabay hapit nito sa beywang ni Sabrina.Parang walang narinig si Seth na kinuha pa nito ang kamay ni Sabrina at parang ipinagpilitan ang sarili. “Sabrina, may nakakita na sa kapatid mong nawawala sa U.S.,” saad nito.Nakuha naman agad ang interes ng dalaga kaya kumalas ito sa pagkakahawak ni Adrian at humakbang para lumapit pa kay Seth. Naiwang nakasimangot si Adrian. Madilim ang mukha nitong tinitigan si Seth.“Totoo ba ang sinasabi mo, Seth? Saan at kailan nakita ang kapatid ko? Sino ang nakakita?” niyuy
“Nais ko lang malamn mo Adrian, kung ano man ang problema mo kay Anne, wala akong kinalaman doon. May pagkukulang siya. Hindi siya nag-aral o nag-review kaya hindi siya pumasa. Kung kapatid o girlfriend man ang turing mo sa kanya, wala akong pakialam kasi isa siya estranghero para sa akin. Hindi kami magkaano-ano, so kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, choice mo ýan. Kung galit ka sa akin dahil sa nangyari iyan sa kanya mas nakabubuting maghiwalay na lang tayo. Ibigay mo lang ang hinihingi kong mga gamot at hindi na kita aabalahin pa.”Tila napipilan si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina. Hindi niya nagawang sumagot sa mga sinabi ng dalaga. Hindi niya lubos-maiisp na masasabi nito ang mga iyon. Tumayo na lamang siya at kinuha ang isang kumot at lumabas ng kwarto.Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Sabrina na bumukas ulit ang pinto pero hindi siya nag-abalang tingnan ito. Nagkunwari siyang natutulog na pero hindi inaasahan ang sumunod na ginawa ni Adrian. Sumampa ito s
“Adrian, tuma—Hindi na naituloy ni Sabrina ang nais sabihin dahil sinakop na ng nag-aalab na mga labi ni Adrian ang kanyang mga malarosas at malambot na mga labi. Ramdam ni Sabrina ang pananabik mula sa binata dahil sa init ng mga halik nito at katawan. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi hayaan si Adrian na angkinin siya. Kahit kasi tatanggi siya ipagpilitan pa rin ng binata ang gusto. Hindi nga lang nito ipinagpilitan noong hindi pa magaling ang mga sugat na natamo dahil sa pagkapaso.“Adrian, dahan-dahan naman. Ano ba?” reklamo ni Sabrina nang nasasaktan na siya sa pagiging agresibo ng binata.“I’m sorry. Sabik lang ako sa ‘yo Sabrina.” muli nitong inangkin ang mga labi ng dalaga habang binilisan ang bawat galaw.Hindi naman magawang gantihan ni Sabrina ang bawat galaw ng bintana dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at inaantok. Ilang gabi rin kasi siyang napupuyat sa kakaasikaso kkay Adrian kaya siguro naubos ang kanyang lakas hanggang sa gumaling na nga ito.Matagal din b
Natahimik si Adrian dahil sa pabalang na sagot ni Sabrina. Naitikom niya ang mga bibig dahil sa panggigigil sa dalaga. Humanda ka kapag magaling na ako, Sabrina. Sa isip ni Adrian. “Hindi ako komportable kapag yuyuko. Alam mo namang kapag yuyuko ako eh magagalaw itong dibdib ko. Kakaumpisa palang na pumutok ang mga blisters kaya sariwa pa at masakit,” katwiran niya sa dalaga. Marahas namang napabuntonghininga ang dalaga na muling kinuha ang bimbo at tumalungko sa harapan ni Adrian para ituloy ang pagpunas dito. “Napapagod ka na ba sa pag-aalaga sa ‘kin?” “Sa tingin mo andito pa ako ngayon kung napapagod na ako?” Pamimilosopo ni Sabrina. Hindi na muling nagsalita pa si Adrian dahil nakaisip ng kalokohan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang pagkalalaki na nababalot ng kanyang panloob. Saglit na napatigil ang dalaga dahil sa pagkagulat pero agad din namang binawi ang kamay habang masakit na tiningnan si Adrian. “Umayos ka kung gusto mong alagaan pa ki
Nakauwi na lahat ng bisita ni Adrian maliban kay Anne pero hindi pa rin bumabalik si Sabrina. Labis na ipinagtataka ni Adrian dahil kung hinintay lang nito ang inorder na pagkain, sigurado siyang dumating na ito kanina pa. “Anne, hindi ka ba uuwi?” Baling nito kay Anne na nakaupo sa tapat ng kanyang inuupuan at nagbabasa. “Hindi po, Kuya. Gusto kitang bantayan at alagaan dito,” tugon naman ng dalaga na umangat ang tingin mula sa binabasang aklat. “Pero may pasok ka. Hindi ka p’wedeng lumiban sa klase at ma-miss mo ang lessons ko. Remember, this is your last chance to pass para makapagtapos,” pagpapaalala ni Adrian. “Pero kuya, you need someone to take care of you here. That woman left you. Ang sabi niya saglit lang siya but, where she is now? Hindi na bumalik. If she’s concern about you, hindi ka niya iiwan dito,” giit pa ni Anne na may bahid ng inis para kay Sabrina. “It’s okay! I can manage. Ikaw, kailangan mong pumasok,” pagtanggi ni Adrian. Napahugot ng malalim na hininga su
Kapwa natigilan sina Sabrina at Anne nang buksan ng una ang pinto. Hindi inaasahan ni Sabrina ang mga bisita. Hindi lang kasi si Anne ang nasa labas kundi sampu ng mga kaklase nito sa klase nila kay Adrian. Lahat ito ay may mga dala-dalang bulaklak at basket ng mga prutas.“Are you just going to stand there? You’re not going to let us in?” Si Anne ang unang nakabawi ng pagkagulat. Umatras si Sabrina para bigyang daan sila sa pagpasok. “Tuloy kayo at maupo. Ta—Hindi pa tapos si Sabrina sa pagsasalita ay nagsipasok na ang mga ito at dinaanan lamang ang sala. Dire-diretso ang mga ito patungo sa silid ni Adrian kaya dali-daling isinara ni Sabrina ang pintuan at planong harangan ang mga ito pero agad na nabuksan ni Anne ang pinto at tumambad sa kanila ang topless na si Adrian na nakaupo sa gilid ng kama nito. Kakapahid lang kasi ni Sabrina ng gamot sa mga sugat nito nang marinig nilang may tao sa labas.“Pasensiya na kayo pero p’wede niyo siyang hintayim sa sala. Kakatapos niya lang gamu
Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos. “Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon. Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina. “May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga. “Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian. “Nakalimutan ko na.” Hindi na muling nakapagtanong pa si