“Kung saan ka masaya, anak. Susuportahan ka namin. Hindi ka naman namin minamadali dahil ang pag-aasawa ay isang panghabangbuhay na commitment kaya enjoy mo muna ang pagiging dalaga,” mahabang wika ni Aling Milagros kay Sabrina. “Huwag kang mag-alala ‘Nay, makakahanap din ako ng tamang tao para sa akin. Isa pa bata pa po ako,” tugon ni Sabrina na niyakap pa ang ina mula sa likuran. Alam miyang mahal na mahal siya ng mga magulang at kahit kailan wala ring naibigay na alalahanin sa kanya ang mga magulang maliban sa pagkakasakit ng kanyang ama. Nauunawaan naman niya dahil sa uri ng lifestyle noon. . .noong may negosyo pa sila saka nagkakaedad na ang mga magulang kaya nagsilitawan na ang mga karamdaman sa katawan. Kaya mahal niya rin ang mga ito dahil naging responsableng mga magulang ito sa kanya. “Nay, hindi ako magtatagal at ako’y papasok pa ng trabaho,” pagpapaalam ni Sabrina habang tinutulungan ang ina na makatapos sa inihahanda. “Kumain ka muna, anak. Ipinaghanda ko kayo ng
Mabilis na dinaluhan ni Adrian si Anne nang dumugo ang kamay nito na tinamaan ng hiringgilyang hawak na para sana sa daga na subject niya sa kanyang eksperimento. Si Sabrina naman ay parang itinulos sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla sa nangyari. Ang ibang estudyante ay napatigil rin sa ginagawa pero tahimik lamang na nagmamasid. “Bakit nagulat ang daga?” usisa ni Adrian. “Nagulat kasi dahil sa flash ng camera,” tugon ni Anne. Nanlaki ang mata ni Sabrina dahil hindi totoong may flash ang camera na ginagamit niya. Siniguro niyang naka-OFF ito nang sinabihan siya ng pamunuan ng laboratoryo ng mga pamantayan sa loob nito. Kaya nga dahil bawal ang de-takong na sapatos sa loob ay pinili niyang magsuot ng binigay nilang slip-on rubber footwear dahil ayaw niyang magkaproblema sa trabaho.“Sino ba kasi ang nagpapasok ng outsider dito?” reklamo pa ni Anne. Sinamantala nito ang pananahimik ni Sabrina. Walang may naglakas-loob na sumagot dahil lahat sila walang alam kung bakit nandoon si Sab
Natanaw ni Sabrina si Adrian sa isang mesa kaharap ang babaeng lagi niyang kasama kaya alam niya kung bakit iba ang reaksyon ni Alex. Kung hindi dahil sa kanya baka matagal ng pinatulan ito ni Alex kaya lang pinipigilan niya ito dahil para sa kanya kasalanan naman niya kung bakit hindi siya nirerespeto ni Adrian.Agad na nakanap ng bakanteng mesa ang dalawa pa gkatapos ng ilang saglit na paghahanap. Hindi kalakihan ang ospital kaya katamtaman lang din ang laki ng kanilang canteen.“Dito ka lang, Sab. ako na ang oorder para sa ating dalawa,” sabi ni Alex nang maupo na si Sabrina sa isang upuan. Agad din itong umalis para umorder dahil humahaba ang pila. Nagkataong pananghalian na kaya marami ang tao doon. Mga taong may iba’t ibang transaksyon sa ospital.Habang naghihintay kay Alex, hindi maiwasan ni Sabrina na sulyapan ang bahagi kung saan nakaupo sina Adrian at ang babaeng nagngangalang Anne. Nakayuko ang binata; abala sa pagbabalat at paghimay ng hipon para sa kasama nitong babae.
Chapter 29:‘’Besh, alam mo bang hot topic ‘yang Adrian sa school, sa Department of Science s dahil sa dami ng estudyante diyan sa Anne na ‘yan lahat ng kanyang atensyon,” kwento ni Alex habang hinihintay nila ang resulta ng test ng dalaga.“Uhm..” walang ganang tugon ng dalaga. Kinakabahan pa siya hangga’t hindi pa nila alam ang resulta ng laboratoryo sa kanya, paano niya bigyan ng pansin ang mga bagay o ang mga taong wala namang ambag sa buhay niya kundi inis.“Ito pa, kaya pala nasa laboratoryo ‘yung Anne kasi binalikan ang subject na bagsak niya at ‘ýon ay under kay Professor Reyes. Persona; niya daw na hiniling na siya ang magtuturo sa Anne na ‘yon kaya lagi silang magkasama sa school,” patuloy pa ni Alex kahit na alam niyang walang ganang makinig ang dalaga sa kanya.“Tigilan mo na nga ‘yan besh, uunahin ko pa bang pakinggan ‘yang chika mo eh, kinakabahan pa ako dito sa magiging resulta ng test. If positive na may virus iyung daga, eh mamamatay ako tapos tsismis ang pabaon mo.”
Chapter 30: Kakarating lang ni Adrian sa eskwelahan, hindi pa man siya nakarating sa kanyang opisina nang salubungin siya ng katrabahong si Bernard, ang lalaking lumapit kina Sabrina at Alex sa canteen ng ospital.“Professor Reyes, hindi ba pumunta ka ng ospital para kunin ang result ng laboratory test ni Miss Gomez?” agad na tanong nito kay Adrian habang papalpit ito sa kanya papasok sa kanilang opisina.“Yes, I did! Is there any problem?” balik tanong ni Adrian na nilagpasan lang ito at deretsong tinungo ang kanyang mesa.Napakamot naman si Bernard na nakasunod sa kanya. “Nakita mo ba si Miss Altamirano doon? Kasalanan ko kasi, eh. Nakagat kasi siya ng dagang subject for expirement ni Miss Gomez at sinabi kong may dalang virus iyung hayop. Bigla siyang natakot at hindi na tinapos ang pananghalian kasama si Mr. dela Cruz at pumunta ng laboratoryo para—“Nakagat ng daga si Sabrina?”“Oo. Nang makita ko kasi siyang lumabas ng laboratoryo kanina pagkatapos ng aksidente ay tulala siya at
Sa tindi ng galit ni Sabrina, nagpumiglas ito at sakto namang lumuwag ang pagkakahwak ni Adrian sa kanya kaya nagawa niyang abutin ang binata. Nakalmot niya ito sa leeg, paraan niya para ilabas ang galit sa binata kahit na kinakabahan siya sa kung anong serum na tinutukoy ng binata na ininject nito sa kanya.“Anong serum?” Galit na muling tanong ni Sabrina kahit na puno ng takot ang kanyang dibdib sa kung ano mang itinurok ni Adrian sa kanya. “Kapag may mangyaring masama sa akin Adrian, mumultuhin talaga kahit sa kabialang buhay na ako.” Pahabol na angil ng dalaga.“For immunity! Walang virus na dala ang daga kagaya ng sinabi ni Bernard sa ‘yo pero may sugat ka kaya kaialangan mo pa rin ng proteksiyon dahil na-expose ka sa loob ng laboratoryo,” kalmadong tugon ng binata na hindi na pinatulan ang kanyang mga patutsada.Bumangon si Sabrina at nagtungo sa kanyang kwarto at muling pinalitan ang suot na palda. Paglabas naabutan niyang nakaharap si Adrian sa full body mirror sa kanyang mali
Bitbit ang regalong binili para kay Ramon ay agad pumasok si Sabrina sa gate ng mga Reyes. Nakasuot siya ng body hugging red evening goown with spaghetti straps na may mababang slit sa kanang gilid na nagpapakita ng bilugan niyang hita. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ponytail ng medyo pataas kaya kita ang makikinis niyang balikat at pati na rin ang kanyang batok. Lalong tumingkad ang kanyang kaputian sa suot niyang gown kaya hindi maiwasang mapaplingon ang mga bisitang narororn ng siya’y pumasok. napaka-elegante niyang tingnan sa kanyang simple pero nakakamanghang ayos.“Amor, is she your son’s girlfriend?” tanong ng babaeng isa sa mg kausap ni Amor nang dumating si Sabrina. “Oh, she’s here. Excuse me for a while and I will attend to her.” Hindi na nag-abalang tugunin ni Amor ang mga kausap kaya nag-assume ang mga ito na girlfriend ni Adrian si Sabrina.Nakatayo si Sabrina at pasimpleng hinahanap si Amor nang marinig niya ang boses nito mula sa kanyang likuran.“Sabrina, I’m glad yo
Pabalik na sana si Sabrina para maghanap ng pahingahan pero napatigil siya nang marinig niya ang kanyang pangalan. Hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng iba pero naging interesado siya dahil sa pagbanggit ng kung sino man ng kanyang pangalan. Parang balahibo ng manok sa gaan ang ginawang hakbang ni Sabrina para mapalapit sa pinto kung saan narinig niya ang kanyang pangalan, “Si Anne ang kasama kong dumating at si Sabrina ay naunang dumating sa amin na walang kasama.” Naulinigan niya ang boses ni Adrian mula sa loob.“Didn’t your mom ask you to send the invitation to her?” ani ng kausap ni Adrian sa loob. Makapangyarihan ang boses nito at halatang may disgusto ito sa pagdalo ni Sabrina.“That’s right, Dad! Kaya siya dumalo because of mom.”Nakumpirma ni Sabrina na ang amang si Ramon ang kasama ni Adrian sa loob nang tawagin niya itong Dad. hindi niya alam kung ang kwartong iyon ay kay Adrian oor sa kanyang ama. Matagal na niyang hindi nakita o nakausap ito kaya pati boses ay hindi
Chapter 51:Tulog na ang lola ni Sabrina kaya halos ‘di makabasag pinggan ang kanilang mga kilos. Halos magbulungan na rin sila sa hina ng kanilang mga aboses. Dahil sa matanda na, maiksi na lang madalas ang oras ng tulog ng kanyang lola kaya oras na makatulog ito ay iniiwasan nilang maestorbo ito sa kanyang pamamahinga.Napagkasunduan nilang lahat na sa reunion nila na ito ay magkakaroon sila ng bonfire at doon magtitipon para magkumustahan ng kani-kanilang buhay habang nakikipagsapalaran sa iba’t ibang lugar at nakikipaglaban sa hamon ng buhay. Napagkasunduan din nilang mag-ihaw habang nagkakasayahan. Halos isang beses lang kada taon sila nagkikita-kita kaya sinasamantala nila ang pagkakataon na ang halos lahat ay nandoon. Tradisyon na ng kanilang pamilya na magtipon-tipon sa bahay ng kanilang lola na ngayoý ipinamana na sa kapatid ng kanyang ama.“Nasaan na ang iihawin natin?” naitanong ni Sabrina nang wala siyang nakikitang inihanda ng kanyang mga pinsan.“Maghintay ka lang, Sab,
Chapter 50: “Hello?”“Nasaan ka?” tanong ng nasa kabilang linya.“Bakit mo naman naitanong?” balik tanong ni Sabrina na medyo napasimangot.“Galit ka ba?”“At bakit naman ako magagalit?” nakaramdam man ng galit ay saglit lamang iyon kay Sabrina. Ayaw niyang sirain ang mood niya o awra niya para lang magalit sa mga taong hindi naman siya pinapahalagahan.“Bakit hindi ka bumalik ng ospital. Hindi ba’t kailangan mo pa ng isa?”Sasagot na sana si Sabrina nang marinig ang kasama ni Adrian. “Kuya Adrian, tikman mo ‘to oh, ako ang may gawa nito,” boses ni Anne na papalapit.Hindi na nagtagal pa si Sabrina at pinutol na ang tawag. Wala rin naman siyang balak sabihin kay Adrian kung nasaan siya at kung bakit hindi siya bumalik ng ospital kaninang umaga. Paubos na ang laman ng bote ng gamot kaya pumunta si Sabrina sa nurse station para ipatanggal na ang karayom na nakakabit sa kanya. Kaunti ang tao sa ospital dahil hapon na kaya napabilis ang lahat kay Sabrina.“Ang pogi nong kaibigan mo saka
Kinabukasan, nagising si Sabrina sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa siwang ng kurtina. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa orasan. Ika-sampu na ng umaga. Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng silid pero ni kaluskos ay walang bakas na nandoon si Adrian kagaya ng pangako nitong babalikan siya para ihatid sa bahay ng kanyang tiyahin. Napabagsak ni Sabrina ang sarili pabalik sa kama dahil sa sobrang inis. Umuwi si Sabrina sakay ng taxi. Matagal din bago siya nakakuha ng masakyan dahil sa dami ng pasahero. Bago pa man nag-antay ng masakyan ay dumaan na siya sa malapit na botica para bumili ng gamot para hindi magbunga ang ginawa nila ni Adrian. Ayaw ni Adrian na gumamit ng proteksyon kaya si sabrina na ang bumibili para sa sarili. Itinapon niya rin ang nurse uniform na pinasuot sa kanya ng nakaraang gabi para walang makakaalam ng kanyang pinaggagawa.“Mabuti naman at naalala mo pang umuwi.!” May galit na salubong ni Arnulfo sa anak nang dumating ito. Ka
Pagkatapos maihatid si Anne ay bumyahe na ulit sina Adrian pabalik para ihatid si Sabrina. Gabi na kaya hindi makita ni Sabrina kung nasaan na sila banda. Iniisip niya nag mga magulang na tiyak ay nag-aalala na sa kanya.“Twenty minutes lang ang biyahe mula sa ospital pauwi sa bahay ng tiyahin ko eh, bakit ka pa kasi lumayo? Kung sana ako ang una mong hinatid,” reklamo ni Sabrina sa backseat ng sasakyan.“Ito pabalik na nga tayo, ‘di ba?” sagot ni Adrian na hindi man lang sinulayapan ang dalagang nasa likuran.Pinili na lamang ni Sabrina na muling humiga sa upuan ng sasakyan. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay muli siyang nagising at nagulat na nasa kahabaan pa rin sila ng kalsada at naglalakbay na parang walang direksyon. “Nandito pa rin tayo sa kalsada?” tanong niya kay Adrian habang kinusot-kusot ang mata para tuluyan na siyang magising.“Masyado ng malalim ang gabi. Bukas na lang kita ihahatid. Hindi ko na matandaan ang mga dinaanan natin eh,” wika na Adrian na parang wala lang
“You said that because you are thinking nobody is taking care of you. Akala mo dahil sinaktan ka ng isang lalaki, lahat na dinamay mo na akala mo ay wala ng nag-aalala sa ‘yo. Tama ba ako, Sabrina?” panunuya ni Adrian sa dalaga.Hindi na tumugon si Sabrina, pinaikot na lang ang matang tinalikuran ang dalawa. Si Anne naman ay walang mahagilap na salita para isingit sa sagutan nina Adrian at Sabrina kaya napapatingin na lamang siya sa dalawa.Nauna man sa ospital si Sabrina ay halos magkasunod lang sila ni Anne na lumabas ng ospital. Dalawang bote ang naubos ni Sabrina at isa naman kay Anne. Nauna itong lumabas na inalalayan ni Adrian at si Sabrina naman ay kasalukuyan pang tinatanggal ng nurse ang karayom na nakakabit sa kanya.Hirap pa rin si Sabrina sa paglalakad dahil masakit pa rin ang kanyang balakang pero kahit dahan-dahan ay pinilit niyang maglakad para makarating sa sakayan ng bus. Hawak ang balakang na paliko si Sabrina sa pasilyo nang biglang may kumabig sa kanya at sumalikop
“Adrian?!” bulalas ni Sabrina nang mamukhaan ang lalaki. At bago pa siya makapagtanong kung sino ang kasama ng binata sa lugar ng pamilya nila ay bumangon na sa pagkakahiga ang babaeng kasama nito. “Sabrina, hanggang ba dito sinusundan mo kami?” mataray ang pagkakatanong ni Anne sa kanya kaya napataas ang kanyang kilay na nagwika;“Excuse me, nauna ako dito at isa pa lugar namin ‘to. At sino ka para susundan ko?” mataray ding tugon ni Sabrina.“Kuya Adrian. . .” pabebeng reklamo ni Anne. Tumulis ang nguso nito na parang batang nagmamaktol. “Huwag mong pansinin ang mga taong hindi mo kilala. Magpahinga ka na.” pigil ni Adrian kay Anne nang nagsumbong itong parang bata sa kanya. Nakanguso na akala mo’y puwet ng manok sa tulis.Napaismid naman si Sabrina dahil sinuyo naman ito ni Adrian na akala mo’y anak lang si Anne kung lambingin nito. “Sabrina, tumigil ka na!” Saway ni Adrian sa kanya na parang kasalanan pa niyang nandoon siya at nagkatagpo silang tatlo.Pinili na lamang ni Sabrin
Iniinda ni Sabrina ang sakit ng kanyang balakang. Nangngingitngit pa rin siya para kay Adrian dahil sa pagtulak nito sa kanya na dahilan para sumakit lalo ang kanyang balakang. Sumasakit na nga dahil sa pagiging wild nito sa kama lalo pa itong nadagdagan dahil sa pagkakahulog.Masakit man ang balakang kailangang ipag-drive ni Sabrina ang mga magulang pauwi ng probinsya dahil hindi pa kaya ni Mang Arnulfo na magkikilos llao na sa pagmamaneho ng sasakyan.Walang nagawa si Sabrina kundi tiisin ang sakit. Dumaan naman siya sa doktor at binigyan lamang siya ng pain reliever na saglit lang huhupa ang sakit at babalik na naman kapag nawala na ang epekto ng gamot.Pagdating sa bahay ng kanyang tiyuhin ay agad ipinarada ni Sabrina ang sasakyan\. Tinulungang bumaba ang kanyang mga magulang. Nagtakbuhan palapit ang kanilang kamag-anakan para kumustahin ang kanilang pagbabalik. Simula kasi na nasa syudad na sila ay bihira na silang umuuwi dahil busy siya sa trabaho at hindi rin bassta maiwan ng Pa
Kinabukasan, maagang nagising si Sabrina. Ipinangako niya kay Aling Milagros na sasamahan niya ang mga itong umuwi sa probinsiya sa lugar kung saan naninirahan ang kanyang mga lola at lolo. Nagising siyang nakaunan sa braso ni Adrian, at ang isa nitong braso ay nakadantay sa kanyang katawan. Napangiti ng mapait si Sabrina nang makita ang kanilang posisyon. Kung sana lang ay nagkakamabutihan sila sa ngalan ng pagmamahal pero hindi kaya may halong lungkot ang sayang naramdaman ni Sabrina sa pagkakaunan sa braso ng binata. Dahan-dahan niyang inalis ang bisig nitong nakadantay sa kanyang katawan at akmang babangon na nang ibinalik ni Adrian ang braso sa pagkakadantay sa kanyang katawan.“Saan ka pupunta?” tanong nitong pikit pa rin ang mga mata.“Uuwi na!”“Bakit, pinayagan na ba kita?”Napangisi si Sabrina at marahang pinitik ang noo ni Adrian. “Professor Reyes, nakalimutan mo yatang may bisita kang prinsesa sa kabilang silid. Gusto mo bang magising siya na wala ka sa silid mo at hahanap
Pagkaalis kina Sabrina ay dinala agad ni Adrian si Anne sa hospital para mabigyan ng pangunahing lunas dahil sa pamamaga ng pisngi nitong pinadapuan ni Sabrina ng malutong na mag-asawang sampal. Hinatid din niya ito sa kanilang bahay para makapagpahinga. Pagdating sa sariling bahay ay agad din niyang tinawagan ito para siguraduhing nagpapahinga na pero heto at nasa harapan na niya ang dalaga. Deretos ito sa loob ng kanyang bahay dahil may sarili itong susi mabuti na lamang at kakatapos lang nila ni Sabrina nng ilang rounds nang kumatok ito sa pinto.“Kuya Adrian, dito ako matulog, pwede?” nakanguso itong nakiusap kay Adrian at humakbang papasok sa loob. Siya namang paggalaw ni Sabrina na nakatalukbong ng comforter. Nakaharap si Anne kay Adrian kaya hindi niya nakita ang paglabas ng ulo ni Sabrina mula sa ilalim ng makapal na kumot. Pasekretong sumenyas dito si Adrian kaya muli itong nagtago doon. Nahiling naman ni Adrian na sana hindi gagawa ng gulo si Sabrina dahil hindi niya alam k