"Paano kung sabihin ko sayo na pakakasalan mo ako ngayon para lang maniwala ako sayo." Seryong saad ko at tinignan siya sa mata. "Isn't it too fast if we get married? Let's enjoy each other first in our boyfriend and girlfriend relationship, okay." aniya at muli akong niyakap."Hindi ba sabi mo 2 years mo akong hinanap? Matagal na natin gusto ang isa't isa Austin, at sabi mo nga mahal mo ako, ngayon mo patunayan ang sinasabi mo na mahal mo ako." wika ko at umalis sa pagka kayakap sa kanya."B-baby baka na bibigla ka lang, isa pa..""Isa pa ano? Mahal kita at mahal mo ako hindi ba? So ano pa ang hihintayin natin?" putol ko sa sasabihin niya. "Oh, baka naman wala ka talagang balak umoo na pakasalan ako dahil mas mahal mo ang fiance mo, at siya talaga ang gusto mong pakasalan." pagdududa na saad ko sa kanya. Saglit na naman itong hindi nakapagsalita at mariin ako nitong pina masdan. May kung anong emosyon rin sa mga mata nito. Alam kong hindi nito gusto na pinangungunahan pero gusto kong
Katulad ng sinabi ni Austin, ikinasal kami ng kaibigan nito. At sobrang saya ko dahil natupad na ang isa sa mga plano ko. Ang kailangan ko na lang ngayon ay ang makuha ang kayamanan nila. Ngayon pa lang ay gusto ko ng magdiwang dahil kasal na kaming dalawa ni Austin. "Jean kasal na kami! Imagine ganun ko siya kabilis na uto." Balita ko kay jean. Pagkatapos naming ikasal ni Austin ay agad akong nagpaalam sa kanya na mag babanyo muna at ito nga kausap ko na ang mga kaibigan ko."Buti napapayag mo yan. Well congratulations Mich dapat magsaya tayo pagbalik niyo dito." Masayang sagot ni Jean sa akin."Hindi man lang ba nakahalata si Austin sayo Mich? Sana nga maging success ang lahat ng plano mo. Pero Mich sana pag isipan mong mabuti ang lahat. Kung talagang mahal ka ni sir Austin bakit hindi mo na lang turuan ang sarili mo na mahalin din siya." Si Lhen na sumingit sa camera."Wag kang mag alala Lhen. Dahil wala naman akong balak na iwan si Austin hanggat hindi ko makukuha ang buong kayama
Nakabihis na ako dito sa loob ng aking condo unit at hinihintay ko na lang ang aking gwapong asawa. Dalawang araw na mula ng makabalik kami galing Boracay, at ngayon ay papasok na ulit si Austin sa kumpanya at ako naman ay pipirma ng termination ng aking kontrata. Ito ang kapalit ng pagpapakasal ko kay Austin, ayaw niya na magtrabaho pa ako bilang modelo ng kanilang kumpanya. Well okay lang naman sa akin kung gusto niya na tutukan siya. P'wes yun mismo ang gagawin ko. At masaya ako sa ginagawa ko para sa kanya, aminin ko man at sa hindi alam kong mahal ko na siya, at tama nga si Lhen maganda siguro nakalimutan ko na ang lahat para sa pagsasama namin ni Austin."Ready?" Seryosong tanong ni Austin sa akin ng pagbuksan ko siya ng pinto. Hiwalay pa rin ang gamit naming dalawa pero dito na natutulog si Austin sa aking condo."Yes, baby I'm ready." Nakangiting kong sagot sa kanya.Agad naman akong kumapit sa braso niya at sumakay na kami ng elevator."Baby, how about we open a small boutiqu
Banas na banas si Mich ng pumasok siya sa opisina ng kanyang manager na si Marie. Nagulat pa ito ng padabog siyang umupo sa sofa sa loob ng opisina nito. "Bakit ganyan ang mukha mo at hindi maipinta." Tanong nito sa akin."Gusto kong ipa terminate ang kontrata ko bilang modelo dito sa kumpanya ng mga Breslow." Sagot ko sa kanya at kinuha ang compact kit sa akin bag at nag retouch ng aking mukha. "What? Ipapa terminate mo ang kontrata mo ng hindi mo man lang sinabi sa akin. Aba Mich, wala ka ngayon sa kinalalagyan mo kung hindi dahil sa akin. Kaya respetuhin mo naman ako bilang manager mo, hindi ang aalis ka kung ayaw mo na dito at mag stay ka kung gusto mo ng hindi nagpapaalam sa akin." Gulat na wika nito sabay ng panunumbat sa kanya."Excuse me, nandito ako sa kinalalagyan ko ngayon dahil sa sarili kong sikap at hindi dahil sayo. Anu ba ang ginawa mo akin ha? Sa pagkakaalam ko kasi, hinawakan mo na ako nung sikat na ako at tumatanggap ka na lang nang pera na galing sa pinaghirapan k
Ganun na lang ang gulat ni Jean at Lander ng itapon ko ang hawak kong cellphone ni Jean sa dingding."My god, Mich cellphone ko yan." sigaw ni Jean na agad tumakbo para kunin ang cellphone nito."Mich tingnan mo ginawa mo sa cellphone ko, binasag mo." Inis na saad niya sa akin. "Bigyan nalang kita ng pambili ng bagong cellphone." inis na sagot ko sa kanya. " Alam ko na palabas lang ang lahat ng ginawa ni Austin sa Belinda na yun." Ani ko kay Jean. At kung magpapakasal man sila ni Austin ay mawawalan din ng bisa yun dahil kasal pa si Austin sa akin." Hindi ang katulad lang ni Belinda ang sisira sa pag sasama namin ni Austin. Dadaan muna siya sa akin bago niya masira ang pagsasama namin."Paano mo naman nasabi na palabas lang ang lahat sa kanila?" Kunot ang noo na tanong ni Jean. "Kailangan pakisamahan ni Austin si Belinda dahil ito ang pinakamalaking investor ng kumpanya nila. At ang pagpapalabas na ikakasal sila ay hindi totoo. Saka alam mo naman na kasal sa akin si Austin hindi ba."
Napa awang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Austin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na yun at bakit bigla niya na lang ako pinagsabihan ng ganung klaseng salita. "What? Ano ba ang pinagsasabi mo Austin?" Parang bigla nawala ang pagkahiko ko dahil sa sinabi niya."At bakit naman ako mang aakit ng mga lalaki kung meron na akong asawang katulad mo. Hindi ba dapat ako itong magalit sayo dahil sa interview mo kasama ang belinda na yun." Hindi na ako nakatiis kaya na bulyawan ko ito."Wow Austin, engrandeng kasal? talaga ba ha Austin? Hindi lang engrande, kundi wedding of the year, pa talaga." galit na saad ko sa kanya. "Sinabi ko na sayo kung ano ang meron sa amin ni Belinda. Sinabi ko na sayo na kailangan siyang pakisamahan para sa kumpanya." Seryosong saad niya sa akin."Talaga ba Austin? So, ako, ano ako? Ano ang sinabi mo sa kanya tungkol sa akin? Modelo ng kumpanya niyo na gustong mag paterminate ng kontrata ganun ba? O baka sinabi mo na isa ako sa babaeng baliw na bali
Xhymich povSa kanyang unit pa din natulog si Austin. Kahit hindi niya ito pinapansin ay todo yakap pa rin ito sa kanya. Pinakita niya dito kung gaano katigas ang ang kanyang puso. Marami ng masasakit na pangyayari ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Ilang beses na ba siyang pinagbuhatan ng kamay ng kanyang ama. Ilang beses na ba nitong tinanggi na hindi siya anak nito. Lahat ng sakit na pinagdaanan niya noon ang pinaghuhugutan niya ng kung ano siya ngayon kaya naging ganito siya katigas. Pinangako niya noon na huling iyak na niya ng mamatay ang kanyang mama. At hindi siya pwedeng matibag hindi ang kagaya ni Austin ang titibag sa pader na nilagay niya sa puso niya. Oo nga at mahal niya ito pero hindi ibig sabihin nun ay mag papakalunod siya sa pagmamahal niya dito."Baby.." untang sa akin ni Austin habang nakatalikod sa kanya."Pwede ba Mr. Breslow pagod ako at gusto ko na magpahinga. Kung ayaw mo pang matulog, pwes magpatulog ka! O hindi kaya bumalik ka na lang sa condo unit mo." Matar
Gumising ako kinabukasan na wala na si Austin sa aking tabi. Siguro ay bumalik na ito sa kanyang unit. Agad na akong bumangon at naligo. Pupunta ako sa opisina niya nang tuluyan ng pumirma ng termination sa akin kontrata. Hindi na ako tumawag pa kay Austin na pupunta ako sa opisina nito.Pagdating ko sa kumpanya ay agad na akong dumerecho sa opisina ng aking asawa."M-ma'am Mich" tila na bigla pa si Jennie ng dumating ako."Nandiyan na ba si Austin, Jennie?" Tanong ko sa namumutlang sekretarya ni Austin."Po? Ah, opo, p-pero sinabi po ni sir Austin na wag daw po muna ako mag papasok ng kahit sino ma'am." Kunot ang noo ko dahil sa sinabi niya."Kasama ba ako sa pinagbawalan niya na pumasok sa opisina niya?" Galit na tanong ko. "I'm sorry ma'am ginagawa ko lang po ang trabaho ko, ayaw ko po mawalan ako ng trabaho, kaya pasensya na po talaga. " Nakayukong saad niya sa akin. May naaamoy akong kakaiba kung bakit hindi ito makatingin ng derecho sa akin."Talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay