Xhymich povAgad akong pumara ng taxi paglabas ko ng opisina at nagpahatid sa refill bar kahit masyado pang maaga. Pagpasok ko sa naturang bar ay agad na akong nagtungo at umupo sa counter ng bar at umorder ng tequila. Inikot ko ang aking mata para hanapin si Lander at para may kasama akong uminom pero hindi ito magilap ng aking mata."Si Lander?" Tanong ko sa barista na naka duty ngayong umaga sa bar."Si sir Lander po ma'am? Wala pa po eh, mamaya pa pong hapon ang dating ni sir Lander. May kailangan po ba kayo sa kanya? " Tanong din nito sa akin."Wala naman, bigyan mo nga ako ng whiskey, yung matapang ha." Ani ko ng maubos ko ng tequila sa aking baso."Naku ma'am hindi po ba masyado pang maaga para uminom kayo ng matapang na alak." Kontra nito sa akin."Wala kang pakialam kung mag pakalasing ako ng maaga. Basta bigyan mo ako ng isang bote ng matapang na alak." Singhal ko sa kanya."Sorry, ma'am" anito at binigay sa akin ang isang bote ng Black Daniels. Agad ko naman iyon binuksan
Nagising si Mich na masakit na masakit ang kanyang ulo. Bumangon siya at napasapo sa kanyang noo. Nakakaramdam siya ng pagsusuka kaya agad siyang tumayo para tumakbo sa banyo ng mapansin niyang hindi niya ito kwarto."Shit nasaan ako?" Tanong niya sa kanyang sarili"Oh, no! " Sambit niya ng mapansin na tanging panty at bra lang ang suot niya. Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto at napansin niyang isa itong opisina. Inalala niya ang nangyari kagabi kung nasaan siya. FLASHBACK"Hey, I'm said mag uusap tayo kaya tumayo ka diyan." Reklamo ni Lander sa akin. "Later please, pero sa ngayon patulugin mo muna ako dahil naikot ang paningin ko." Saad ko "Paanong hindi iikot ang paningin mo eh halos maubos mo na ang bote ng Black Daniels. Bilib din naman ako sayo, akalain mo yun? na kaya mong inumin at halos maubos mo na ang bote ng alak na yun." May pang uuyam sa saad niya sa akin Pero hindi ko siya pinansin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa akin na alala."God! nakita na niya
"Kape mo sir." May pang asar na saad ko at nilapag ko ang tinimpla kong kape sa harap ni Lander."Ang lalim naman ata ng iniisip mo? Iniisip mo ba ang nangyari kanina? " Tanong ko sa kanya at umupo sa harapan niya."Wala, salamat dito sa kape." Aniya."Salamat din pala kanina ha, dahil niligtas mo ako kanina. Kung hindi siguro kita kasama baka nasira ko na ang mukha ng Belinda yun. Banas pa naman ako sa pagmumukha nun. " ani ko at binuksan ng remote ang tv.Wala akong nakuha na sagot mula kay Lander. Kaya tiningnan ko ito, nakatulala pa rin ito at halata na malalim ang iniisip habang naka tingin sa kape."Hoy, okay ka lang ba? Wag mong sabihin na iniisip mo ang biro mo kanina at iniisip mo na pwede naman pala tayo." biro ko dito. Paano ba naman ang walang hiyang lalaking to tinawag ako sa harapan ni Belinda at Austin na honey. Bigla bigla rin naging sweet ito sa akin kanina. Kaya naman halos hindi maipinta ang mukha ni Austin kanina. Pero ang pinag tatanghan ko ang mga tingin ni Beli
Ilang araw kong iniwasan si, Austin. Kahit na minsan ay gusto na ko nang bumigay sa paglalambing niya sa akin. Minsan nagigising na lamang ako sa umaga na katabi na ko siya. At sa gabi naman papasok ito condo ko na may dalang pasalubong na bulaklak at chocolate. Minsan napapangiti ako ng palihim dahil sa ginagawa niya sa akin. Pero kapag nakikita ko ito na kasama si Belinda bumabalik ang galit ko sa kanila."Good morning, baby." Bati niya sa akin isang umaga habang papasok ako ng kusina."I already cooked our breakfast. Upo ka na, para makakain na tayo." Nakangiti na saad niya sa akin." Bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat nakabalik ka na sa condo mo?" Malamig kong tanong sa kanya."We are going somewhere and I want to show you something. That's why after we eat, get ready so we can leave." Bakas ang excited sa boses niya. "Hindi ka ba papasok sa kumpanya? Baka hinihintay ka ng fiance mo doon. Okay lang naman ako dito." Saad ko at naglagay na ng kanin at hotdog sa aking plato. May ba
Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nang imulat ko ang aking mata ay agad kong nilibot ang aking mata. Nasa isang lugar kami na mataas sa kabahayan."Nasaan tayo?" Tanong ko at kay Austin."We're here in Mission Hills at Havila, Antipolo baby," sagot niya na binuksan ang pinto ng sasakyan saka bumaba. Kaya naman agad na akong sumunod sa kanya. Pagbaba ko ng sasakyan agad na sumalubong sa akin ang malamig at preskong hangin dito sa Antipolo."Ano ang ginawa natin dito? Saka ang layo nito sa makati." Ani ko at naglakad papunta sa isang bangin."Wag mong sabihin na ihuhulog mo ako dito sa bangin para matuloy na ang kasal mo kay Belinda?" Biro lamang yun pero parang sinasakal na ang puso ko."At bakit ko naman yun gagawin sa asawa ko?" Saad niya at niyakap ako."Aba malay ko kung may plano ka palang ihulog ako dito para makasal ka sa fiance mo." Natawa siya sab aking sinabi."Hindi ka magaling mag biro baby, come here, may ipapakita ako sayo." Aniya na hinala ang kamay ko. Naglakad
Pagkatapos namin ikotin ang ang buong bahay ay nag pahinga muna kami saglit ni Austin, saka namasyal dito sa Antipolo. Gabi ba rin kami na kauwing dalawa dahil na abotan na kami ng traffic sa edsa."Kung may gusto kang ipabago don sa bahay, baby sabihin mo lang sa akin para maipabago ko kaagad." Aniya sa akin, habang nasa daan kami pauwi sa aming condo."Okay, lang naman sa akin saka nagustuhan ko ang design niya." Sagot ko sa kanya. totoo naman kasi na nagustuhan ko ang desinyo ng bahay. "Mabuti naman kung ganun, excited na rin akong tumira tayo doon kasama ang magiging anak nating dalawa." Saad niya at bahagyang ngumiti sa akin."kapag handa na tayo Austin, kapag handa kana na ipakilala akong asawa mo sa lahat ng tao lalo na sa pamilya mo." Ani ko at nag iwas ng tingin sa kanya. Kahit kasi ano pang sabihin niya sa akin ay hindi magbabago na hanggang condo lang ako na kaming dalawa lang ang nakaka alam na mag asawa kaming dalawa."Baby, diba sabi ko naman sayo na bigyan mo pa ako ng
Nang dumating kami sa condo ko ay mag kaakay pa kaming dalawa ni Lander habang nakasunod lang sa amin si Lhen. May sinasabi pa sa amin si Lhen pero, hindi na namin yun napansin ni Lander dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko na at gusto ng pumikit ang mata ko."Bakit ganun? Bakit bigla na lang bumibigat ang talukap ng mata ko?" Naitanong ko kay Lander pero bumagsak na rin ito sa kama. Hanggang sa madilim na rin ang aking mata.***Kinabukasan nagising ako na may mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Sumiksik naman ako sa leeg nito. Tinanggal ko ang hita ni Austin na nakadagan sa akin."Ano ba baby ang bigat ng paa mo." Reklamo ko at yumakap ulit dito."Hmmm.." ungol naman niya kaya naimulat ko ang isa kong mata para sana tanungin siya kung ano oras ito nakauwi kagabi. Kaya kahit na masakit ang ulo ko dahil sa hangover ay pilit akong bumangon at pilit na dini dilat ang dalawa kong mata. Hindi ko pa kasi masyado maaninag ng mukha ni Austin."Baby… " pero ganun na lang ang pamumutla
"Akala ko matalino ka, pero mas matalino pa rin pala ako sayo. Gusto ko lang din ipaalam sayo na hindi totoo ang kasal nating dalawa. At hindi kita asawa, ngayon pwede na kayong mag pakasarap ng lalaki mo dahil tapos na ako sayo." Tinalikuran niya at lumabas ng condo pero hinabol ko siya at yumakap sa likod niya."H-hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo hindi diba? S-sabihin mong hindi totoo yun at sinabi mo lang yan dahil sa nakita mo ngayon umaga P-pero baby believe me, please. M-maniwala ka sa akin. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. at Mahal na mahal kita." Kinalas niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at humarap sa akin. Ngumisi pa siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang sa aking dibdib. Doon ko lang naalala na nakapis lang ako ng kumot at litaw ang kalahati ng aking dibdib."Why don't you try to check at the general register office if we are married?" Pang uuyam na saad niya."Oh, and one more thing, binabawi na ni daddy itong condo sayo, kaya wala ka nang karapatan na ma