"Akala ko matalino ka, pero mas matalino pa rin pala ako sayo. Gusto ko lang din ipaalam sayo na hindi totoo ang kasal nating dalawa. At hindi kita asawa, ngayon pwede na kayong mag pakasarap ng lalaki mo dahil tapos na ako sayo." Tinalikuran niya at lumabas ng condo pero hinabol ko siya at yumakap sa likod niya."H-hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo hindi diba? S-sabihin mong hindi totoo yun at sinabi mo lang yan dahil sa nakita mo ngayon umaga P-pero baby believe me, please. M-maniwala ka sa akin. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. at Mahal na mahal kita." Kinalas niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at humarap sa akin. Ngumisi pa siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang sa aking dibdib. Doon ko lang naalala na nakapis lang ako ng kumot at litaw ang kalahati ng aking dibdib."Why don't you try to check at the general register office if we are married?" Pang uuyam na saad niya."Oh, and one more thing, binabawi na ni daddy itong condo sayo, kaya wala ka nang karapatan na ma
Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan ni Jean. Pauwi na kami ngayon sa aking condo at excited na akong sabihin kay Austin na magiging daddy na siya . I know na magbabago ang isip niya at matutuwa siya kapag nalaman niya na buntis ako. Kahapon ng sabihin sa akin ng doctor na buntis ako ay gustong gusto ko na umuwi at sabihin ang magandang balita kay Austin. Pero hindi ako pinayagan ng doctor na lumabas, kaya wala akong magawa kundi sundin ang sinabi ng doctor sa akin na kailangan kong manatili sa hospital."Ano ang plano mo ngayon Mich?" Tanong sa akin ni Jean habang nagmamaneho ng sasakyan."Sasabihin ko sa kanya na buntis ako, at alam ko na matutuwa siya kapag nalaman niya na buntis ako at magiging daddy na siya." Tumingin siya sa akin at bumuga ng hangin."Paano mo naman nasabi na matutuwa siya kapag nalaman niyang buntis ka?" Aniya habang nakatingin sa harapan ng kanyang sasakyan."Alam ko Jean, dahil lagi niyang sinasabi sa akin na gusto na niyang bumuo kami ng pamilya a
Dalawang linggo na ang lumipas mula ng palayasin ako ni Austin sa aking condo. Dalawang linggo na din akong nag mumukmuk dito sa apartment ni Jean at umiyak ng umiyak. Hindi ko lubos maisip nagawa akong palayasin ni, Austin sa condo na ibinigay sa akin ni Marcus. Ang sakit lang dahil totoong minahal ko siya at kung kailan na binago ko na ang sarili ko para sa kanya, ay saka naman naman niya ako niloko. Natakot na akong mag mahal dati pa dahil ayaw kong magaya kay mama na niloko lang ni Marcus at sinasaktan ng aking papa. Pero sumubok pa rin akong mahalin si Austin. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang mag mahal, sana noon pa lang pinigilan ko na ang ang sarili kong mahalin siya. "Mich, kumain ka na muna. Naka mukmuk ka na diyan sa bintana. Kahit anong silip mo diyan hindi na darating ang walang hiyang lalaking yun at wag na wag na niyang subukan magpakita sayo dahil ako sa sampal sa kanya." pukaw ni Jean sa akin. "At pwede ba kalimutan mo na ang lalaking yun. Isipin mo ang ba
"Malalaman mo pag sumama ka sa akin. At pinapangako ko sayo. Luluhod si Austin sa pagbabalik mo." Aniya. Tiningnan ko siya kung nagbibiro lang ba siya pero seryoso nga talaga siya sa sinabi niya."Ano naman ang mapapala ko kapag sumama ako sayo?" Uminom muna siya bago sumagot sa tanong ko."Aakuin ko ang anak niyo. Ako ang tatayong ama niya at ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan niyong dalawa. Dadalhin rin niya ang apelyido ko." Sagot niya pero natawa lang ako."At bakit mo naman aakuin ang anak ko? Hindi niya kailangan ng ama kaya kong ibigay ang mga pangangailangan niya. At hindi niya kailangan ng apelyido mo." Ani ko sa kanya at tumayo na."Talaga bang kaya mong ibigay ang lahat ng pangangailangan ng magiging anak mo? Paano kung sabihin kong pina banned ka ni Austin sa lahat ng kumpanya para hindi ka tanggapin once na mag apply ka bilang modelo. At alam kong walang kang sapat na ipon para sa panganganak mo dahil sa pagiging maluho at happy go lucky mo." Tiningnan ko siya ng ma
Suot suot ko ang binigay na jacket ni Austin sa akin, wala akong tanging suot kundi ang jacket niya lamang. Yakap ko ang aking sarili na umupo sa isang waiting shade sa tabi ng daan at kinuha ko ang aking cellphone. Hindi ko alam kung sino ang aking tatawagan sa oras to."Ahh..!" Napa daing ako ng naramdaman ko ang kirot sa aking puson. Tinignan ko ang aking cellphone at dial ang number ni Lander."Why? Do you agree to come with me?" Agad na bungad niya sa akin."Lander help me please.. ughh." Napakapit ako sa poste ng lalong sumidhi ang kirot na aking naramdaman."What happened? Nasaan ka?" Tanong niya sa akin."Shit! Xhy, do you hear me?" Narinig kong ang pag andar ng makina ng kotse niya."Yes, Lander, hindi ko alam kung saan ako banda, basta ang alam ko lang hindi pa ito nalalayo sa bar mo malapit ako sa isang building na ginawa nandito ako sa isang waiting shade" sagot ko at pilit na pinapa kalma ang aking sarili."Okay, I get it. Wag kang aalis diyan at wag na wag mong papatay
"Paano natin ngayon sasabihin sa kanya?" Dinig ko na sabi ng boses babae. Hindi ko masyado mabosesan kung sino ito."I don't know Jean, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat." Sabi naman ng isa pang boses.Unti unti kong minulat ang ang aking mata. Doon ko nakita si Jean at Lander na nag bubungan."Jean, Lander?" Agaw pansin ko sa kanila."Mich, gising ka na." Si Jean na agad na lumapit sa akin at puno ng pag alala ang boses niya."Ano ang nangyari?" Tanong ko sa kanila pero bigla rin akong napatigil ng maalala ko ang mga nangyari. "Ang baby ko! Jean kamusta ang baby ko?" Bigla akong bumangon at humawak sa impis kong tiyan. pero agad din akong pinigilan ni Jean. "Mich.. " samibit niya kasabay ng mahinang pag hikbi. Kinabahan ako sa naging reaksyon niya sa tanong ko. "Lander kamusta ang baby ko? Okay lang siya hindi ba? Okay lang ang baby ko?" Ani ko pero wala man lang ni isa sa kanila ang sumagot sa akin."Sabihin niyo okay lang ang baby, ko… Lander sumagot
5 years later"Pagkatapos natin dito sa paris ano na ang plano mo?" Tanong ng kasamahan kong modelo na si Trisha. Nandito kami ngayon sa Paris para rumampa sa catwalk. "Going back to Australia I guess." Kibit balikat kong sagot sa kanya at tumayo. Lumapit ako pintuan ng backstage. Kami na ang susunod na rarampa. Suot ko ang kulay puting two piece swimsuits para sa para sa bagong ilalabas na summer swimwear ng Victoria secret. Nang suminyas na sa amin ang coordinator ng event ay una nang lumabas ang mga kasamahan ko at ako naman ang pang huli. Taas noo akong rumampa sa itamblado kung saan maraming kilalang mayayama na tao ang nanonood at maraming ilaw ng camera na nag kikislapang na nakatutok sa amin. Kay lapad ng ngiti ko ng makita ko ang dalawang taong importante sa buhay ko. Ang dalawang tao na nagbibigay ulit ng kulay sa buhay ko. Kasabay ng pag lakad ko sa gitna ng entablado ay ang palakpakan ng mga tao.Nang matapos ang event ay agad na akong nag bihis at lumabas ako sa backsta
"Nakapag isip ka na ba kung ano ang magiging desisyon mo sa offer sayo ni mrs Johnson? " tanong sa akin trisha ng mag kita kami sa isang coffee shop dito sa paris."Hindi pa, isa pa wala naman akong balak umuwi ng pilipinas." Sagot ko sa kanya."Why? May pinagtataguan ka bang tao sa Pilipinas?" Biro niya sa akin."Wala, sadyang ayaw ko lang umuwi ng Pilipinas. Saka nandito na ang pamilya ko, kaya wala akong dapat na bisitahin doon sa Pilipinas" Saad ko at iniwas ang tingin sa kanya."Hoy, grave ka. Hindi ka naman doon titira, ilang buwan lang naman ang magiging kontrata mo sa kanila. Isa pa tama si Mrs Johnson, na isa ang project mo sa Pilipinas para mabigyan ka ng big break." Aniya habang sumisimsim ng kape. Kahit ano pa ang sabihin nila wala akong plano umuwi pa ng Pilipinas. At mas gugustuhin ko na lang tumira Australia."Hindi ko alam trish, pero pag iisipan kong mabuti ang offer sa akin ni Mrs Johnson." Wika ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito at nakitang tumawag