Ganun na lang ang gulat ni Jean at Lander ng itapon ko ang hawak kong cellphone ni Jean sa dingding."My god, Mich cellphone ko yan." sigaw ni Jean na agad tumakbo para kunin ang cellphone nito."Mich tingnan mo ginawa mo sa cellphone ko, binasag mo." Inis na saad niya sa akin. "Bigyan nalang kita ng pambili ng bagong cellphone." inis na sagot ko sa kanya. " Alam ko na palabas lang ang lahat ng ginawa ni Austin sa Belinda na yun." Ani ko kay Jean. At kung magpapakasal man sila ni Austin ay mawawalan din ng bisa yun dahil kasal pa si Austin sa akin." Hindi ang katulad lang ni Belinda ang sisira sa pag sasama namin ni Austin. Dadaan muna siya sa akin bago niya masira ang pagsasama namin."Paano mo naman nasabi na palabas lang ang lahat sa kanila?" Kunot ang noo na tanong ni Jean. "Kailangan pakisamahan ni Austin si Belinda dahil ito ang pinakamalaking investor ng kumpanya nila. At ang pagpapalabas na ikakasal sila ay hindi totoo. Saka alam mo naman na kasal sa akin si Austin hindi ba."
Napa awang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Austin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na yun at bakit bigla niya na lang ako pinagsabihan ng ganung klaseng salita. "What? Ano ba ang pinagsasabi mo Austin?" Parang bigla nawala ang pagkahiko ko dahil sa sinabi niya."At bakit naman ako mang aakit ng mga lalaki kung meron na akong asawang katulad mo. Hindi ba dapat ako itong magalit sayo dahil sa interview mo kasama ang belinda na yun." Hindi na ako nakatiis kaya na bulyawan ko ito."Wow Austin, engrandeng kasal? talaga ba ha Austin? Hindi lang engrande, kundi wedding of the year, pa talaga." galit na saad ko sa kanya. "Sinabi ko na sayo kung ano ang meron sa amin ni Belinda. Sinabi ko na sayo na kailangan siyang pakisamahan para sa kumpanya." Seryosong saad niya sa akin."Talaga ba Austin? So, ako, ano ako? Ano ang sinabi mo sa kanya tungkol sa akin? Modelo ng kumpanya niyo na gustong mag paterminate ng kontrata ganun ba? O baka sinabi mo na isa ako sa babaeng baliw na bali
Xhymich povSa kanyang unit pa din natulog si Austin. Kahit hindi niya ito pinapansin ay todo yakap pa rin ito sa kanya. Pinakita niya dito kung gaano katigas ang ang kanyang puso. Marami ng masasakit na pangyayari ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Ilang beses na ba siyang pinagbuhatan ng kamay ng kanyang ama. Ilang beses na ba nitong tinanggi na hindi siya anak nito. Lahat ng sakit na pinagdaanan niya noon ang pinaghuhugutan niya ng kung ano siya ngayon kaya naging ganito siya katigas. Pinangako niya noon na huling iyak na niya ng mamatay ang kanyang mama. At hindi siya pwedeng matibag hindi ang kagaya ni Austin ang titibag sa pader na nilagay niya sa puso niya. Oo nga at mahal niya ito pero hindi ibig sabihin nun ay mag papakalunod siya sa pagmamahal niya dito."Baby.." untang sa akin ni Austin habang nakatalikod sa kanya."Pwede ba Mr. Breslow pagod ako at gusto ko na magpahinga. Kung ayaw mo pang matulog, pwes magpatulog ka! O hindi kaya bumalik ka na lang sa condo unit mo." Matar
Gumising ako kinabukasan na wala na si Austin sa aking tabi. Siguro ay bumalik na ito sa kanyang unit. Agad na akong bumangon at naligo. Pupunta ako sa opisina niya nang tuluyan ng pumirma ng termination sa akin kontrata. Hindi na ako tumawag pa kay Austin na pupunta ako sa opisina nito.Pagdating ko sa kumpanya ay agad na akong dumerecho sa opisina ng aking asawa."M-ma'am Mich" tila na bigla pa si Jennie ng dumating ako."Nandiyan na ba si Austin, Jennie?" Tanong ko sa namumutlang sekretarya ni Austin."Po? Ah, opo, p-pero sinabi po ni sir Austin na wag daw po muna ako mag papasok ng kahit sino ma'am." Kunot ang noo ko dahil sa sinabi niya."Kasama ba ako sa pinagbawalan niya na pumasok sa opisina niya?" Galit na tanong ko. "I'm sorry ma'am ginagawa ko lang po ang trabaho ko, ayaw ko po mawalan ako ng trabaho, kaya pasensya na po talaga. " Nakayukong saad niya sa akin. May naaamoy akong kakaiba kung bakit hindi ito makatingin ng derecho sa akin."Talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay
Xhymich povAgad akong pumara ng taxi paglabas ko ng opisina at nagpahatid sa refill bar kahit masyado pang maaga. Pagpasok ko sa naturang bar ay agad na akong nagtungo at umupo sa counter ng bar at umorder ng tequila. Inikot ko ang aking mata para hanapin si Lander at para may kasama akong uminom pero hindi ito magilap ng aking mata."Si Lander?" Tanong ko sa barista na naka duty ngayong umaga sa bar."Si sir Lander po ma'am? Wala pa po eh, mamaya pa pong hapon ang dating ni sir Lander. May kailangan po ba kayo sa kanya? " Tanong din nito sa akin."Wala naman, bigyan mo nga ako ng whiskey, yung matapang ha." Ani ko ng maubos ko ng tequila sa aking baso."Naku ma'am hindi po ba masyado pang maaga para uminom kayo ng matapang na alak." Kontra nito sa akin."Wala kang pakialam kung mag pakalasing ako ng maaga. Basta bigyan mo ako ng isang bote ng matapang na alak." Singhal ko sa kanya."Sorry, ma'am" anito at binigay sa akin ang isang bote ng Black Daniels. Agad ko naman iyon binuksan
Nagising si Mich na masakit na masakit ang kanyang ulo. Bumangon siya at napasapo sa kanyang noo. Nakakaramdam siya ng pagsusuka kaya agad siyang tumayo para tumakbo sa banyo ng mapansin niyang hindi niya ito kwarto."Shit nasaan ako?" Tanong niya sa kanyang sarili"Oh, no! " Sambit niya ng mapansin na tanging panty at bra lang ang suot niya. Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto at napansin niyang isa itong opisina. Inalala niya ang nangyari kagabi kung nasaan siya. FLASHBACK"Hey, I'm said mag uusap tayo kaya tumayo ka diyan." Reklamo ni Lander sa akin. "Later please, pero sa ngayon patulugin mo muna ako dahil naikot ang paningin ko." Saad ko "Paanong hindi iikot ang paningin mo eh halos maubos mo na ang bote ng Black Daniels. Bilib din naman ako sayo, akalain mo yun? na kaya mong inumin at halos maubos mo na ang bote ng alak na yun." May pang uuyam sa saad niya sa akin Pero hindi ko siya pinansin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa akin na alala."God! nakita na niya
"Kape mo sir." May pang asar na saad ko at nilapag ko ang tinimpla kong kape sa harap ni Lander."Ang lalim naman ata ng iniisip mo? Iniisip mo ba ang nangyari kanina? " Tanong ko sa kanya at umupo sa harapan niya."Wala, salamat dito sa kape." Aniya."Salamat din pala kanina ha, dahil niligtas mo ako kanina. Kung hindi siguro kita kasama baka nasira ko na ang mukha ng Belinda yun. Banas pa naman ako sa pagmumukha nun. " ani ko at binuksan ng remote ang tv.Wala akong nakuha na sagot mula kay Lander. Kaya tiningnan ko ito, nakatulala pa rin ito at halata na malalim ang iniisip habang naka tingin sa kape."Hoy, okay ka lang ba? Wag mong sabihin na iniisip mo ang biro mo kanina at iniisip mo na pwede naman pala tayo." biro ko dito. Paano ba naman ang walang hiyang lalaking to tinawag ako sa harapan ni Belinda at Austin na honey. Bigla bigla rin naging sweet ito sa akin kanina. Kaya naman halos hindi maipinta ang mukha ni Austin kanina. Pero ang pinag tatanghan ko ang mga tingin ni Beli
Ilang araw kong iniwasan si, Austin. Kahit na minsan ay gusto na ko nang bumigay sa paglalambing niya sa akin. Minsan nagigising na lamang ako sa umaga na katabi na ko siya. At sa gabi naman papasok ito condo ko na may dalang pasalubong na bulaklak at chocolate. Minsan napapangiti ako ng palihim dahil sa ginagawa niya sa akin. Pero kapag nakikita ko ito na kasama si Belinda bumabalik ang galit ko sa kanila."Good morning, baby." Bati niya sa akin isang umaga habang papasok ako ng kusina."I already cooked our breakfast. Upo ka na, para makakain na tayo." Nakangiti na saad niya sa akin." Bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat nakabalik ka na sa condo mo?" Malamig kong tanong sa kanya."We are going somewhere and I want to show you something. That's why after we eat, get ready so we can leave." Bakas ang excited sa boses niya. "Hindi ka ba papasok sa kumpanya? Baka hinihintay ka ng fiance mo doon. Okay lang naman ako dito." Saad ko at naglagay na ng kanin at hotdog sa aking plato. May ba