Hindi naman nakakibo si Lance nang marinig niya ang sinabi ni Freeshia. Totoo naman kasi iyon. Apat na taon silang kasal pero ni wala siyang masyadong alam tungkol dito.Ang ending, nagbukas na lang si Freeshia ng de-lata at ininit iyon sa microwave.Bumalik siya sa mesa dala ang ulam niya at kung hindi lang siya nakaharap sa grasya ng Diyos, paaalisin na talaga niya ang dalawa.Hindi naman kumikibo si Lance at si Lander at parang tinabangan na din silang kumain.At kahit hindi pa tapos si Freeshia na kumain ay tumayo na si Lance at nagpaalam na siya. Ganun din naman ang ginawa ni Lander matapos niyang magpaalam sa dalawa.“Lander, bokya! Lance, bokya din!” natatawang sabi ni Troy kaya napalingon si Freeshia sa kanya“Troy….” sabi ni Freeshia dahil feeling niya may ginawa na naman ang kaibigan niya“Why pumpkin?” patay malisya niyang sagot kay Freeshia na ngayon ay nakataas kilay naKilala niya na si Troy kapag may ginagawa itong kalokohan.“Ano nga?” tanong pang muli ni Freeshia sa k
Araw ng shoot nila Freeshia at Troy ngayon kaya naman maaga silang sinundo ng service papunta sa studio kung saan gaganapin ang pictorial.Na-brief naman na sila tungkol dito at ang theme ng pictorial ay may kinalaman sa mga bulaklak that represent the twelve months of the year.Indoor ang shoot at may backdrop naman na gagamiting background for each month.Hindi lang sigurado si Freeshia kung may makakasama siya ngayong mga modelo dahil hindi yata ito nabanggit sa kanya noong briefing.Tahimik lang si Freeshia habang papunta sila sa studio dahil hanggang ngayon iniisip niya ang mukha ni Lance kagabi nung umalis siya sa unit.Para ba itong pinagsakluban ng langit at lupa at hindi naman siya bato para hindi makaradam ng awa dito.Kung sana hindi nangyari ang mga nangyari noon, baka sakaling masaya sila ngayon.“Penny for you thoughts?” pukaw ni Troy sa lumilipad niyang isip at napapitlag pa siya dahil bahagya siyang siniko nito“Huh?” “Ano balikan ba natin si Freeshia sa unit?” pang
Napanglahati na nila ang shoot at nagbreak muna sila Freeshia dahil tanghali na. May pagkain naman na hinanda para sa kanila kaya hindi na nila kailangang lumabas para mag-lunch.Tahimik lang na kumain si Freeshia habang si Lance at Troy naman ay masayang nagke-kwentuhan habang kumakain.“Pasensya na kayo Troy kung biglaan ang naging pagbabago. Actually wala din akong alam dito!” sabi ni Lance kay TroySumulyap siya kay Freeshia na hindi naman nagbabago ang reaksyon. But he made it a point na marinig nito ang sinabi niya dahil yun naman ang totoo.Wala talaga siyang alam dito at kahit gusto niya ang idea ni Damon ay hindi niya mapigilang mag-isip lalo pa at alam niya na hindi ito magugustuhan ni Freeshia.It’s a good thing that Freeshia took this lightly. Alam niyang hindi ito kumportable pero ginawa niya pa rin ang trabaho niya.Bago nga sila kumain ay inisa-isa nila ni Troy ang mga pictures and he was surprised dahil maganda ang kinalabasan ng lahat.Ni hindi nga mababakas sa mata n
Nasa loob na ng Emergency Room si Lance nang makarating si Freeshia at Troy sa ospital. Labis ang pagkabigla ng lahat dahil hindi nila inaasahan na magkakaroon ng ganitong insidente.Tinawagan agad ni Troy si Lander para ipaalam ang nangyari at para na din icheck ang location ng shoot.Abot-abot ang pagdarasal ni Freeshia lalo pa at siya ang dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan si Lance. “Freeshia!” tarantang sigaw naman ni Herea nang matanaw niya ang kaibigan na nakaupo sa harap ng ERNiyakap muna nito si Troy bago siya tabihan ng kaibigan.“Her, si Lance!” nag-aalalang sambit ni Freeshia sa kaibigan nang yakapin siya nito“Don’t worry, makakaligtas siya! Teka, ano bang nangyari?” tanong nito sa kaibiganHabang umiiyak si Freeshia ay naikwento niya kay Herea ang nangyari kani-kanina lang.“Teka, ano namang ginagawa noong taong nakita mo sa taas?” tanong ni Herea nang marinig niya na may nakita ang kaibigan sa taas noong mahulog ang bakal ng scaffolding“Hindi ko alam Her! Ang
Kalat sa lahat ng balita online at sa ilang business papers ang nangyari kay Lance sa photo shoot kahapon.Well, okay lang naman sana dahil totoo naman ang nangyari, kung di lang sa mga malisyosong pahayag ng isang writer tungkol kay Freeshia.Sa palagay ni Troy, ito din yung nagsulat ng article tungkol kay Freeshia noong nakaraan.Hindi lang maintindihan ni Troy kung ano ang motibo ng babaing ito at ganun na lang ang kagustuhan niyang siraan si Freeshia.LANCE VILLAVICENCIO, NAAKSIDENTE DAHIL INILIGTAS ANG BABAENG NANG-IWAN SA KANYA NOONNASAAN ANG KUNSENSYA MO, FREESHIA ALTAMONTE A.K.A MALAYA ESPRIT’ ?“Damn!” hindi mapigilan ni Troy na magmura dahil sa mga nakasulat na ito lalo pa at alam niyang maaapektuhan nito ang kaibigan niyaHe got his phone and he immediately dialled Lance’s number.“Nabasa mo na ba?” wlaang kaabog-abog na tanong nito sa kaibigan niyaAlam niyang nagpapagaling pa ito pero hindi pwedeng wala siyang gawin para kay Freeshia.“Pina-trace ko na kung saan galing
Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ng doktor si Lance na lumabas sa ospital. Luckily, wala naman siyang nabaling buto dahil sa pagbagsak ng bakal sa kanya. May bugbog lang at pasa pero nakakaya naman na ni Lance ang kirot kahit hindi siya uminom ng pain reliever.Inaayos na ni Freeshia ang mga gamit ni Lance dahil napilitan siyang sumama kay Troy ng sunduin niya ang kaibigan sa ospital.Ayaw talaga niyang sumama pero dahil sa pamimilit ni Troy, at sa pasimpleng pangungunsenya nito ay wala na naman siyang nagawa.“Okay ka na?” tanong ni Freeshia kay Lance dahil sumenyas na si Troy na sumunod na sila sa babaSi Troy na din ang nagdala ng gamit ni Lance kaya halos sakalin na ni Freeshia ang kaibigan niya dahil hinahayaan talaga nito na magkasarilinan sila.“Okay lang ba kung alalayan mo ako?” nakangiting tanong ni Lance kay FreeshiaNagtimpi lang talaga si Freeshia at walang kibong lumapit kay Lance.“Huwag na! Napipilitan ka lang eh!” tila nagtatampong sabi ni Lance kaya halos
Maganda naman ang naging review ng board sa mga kuha nila Freeshia at Lance. Namili sila ng mga shots na siyang ilalagay sa bawat pahina ng kalendaryong ilalabas ng kumpanya.Tahimik lang naman si Lance at si Freeshia habang nakikinig sa board at ni hindi tinatapunan ng tingin ni Freeshia si Lance.Si Lance naman ay panay ang nakaw na sulyap kay Freeshia. He was hoping na sana, tignan siya nito pero hindi ito nangyari at nanatili na mailap ang mga mata nito.“Okay na po ba ito, Sir?” tanong ni Kelly pero dahil nakatutok ang mga mata ni Lance kay Freeshia ay hindi nito inintindi ang sinabi ng dalaga“Sir….” ulit pa niya kaya napilitan naman si Freeshia na tignan si Lance at doon na nagtama ang paningin nilaThere was longing in Lance’s eyes at hindi naman manhid si Freeshia para hindi maramdaman iyon. Pero gaya ng sinabi niya, ayaw niya makasakit ng iba.Ibinabang muli ni Freeshia ang mata niya kaya naman doon na natauhan si Lance. Tumikhim pa ito at kahit hindi niya masyadong naintind
“Lance, si Freeshia! She attacked me!” Hindi na nagulat si Freeshia sa ginawa ni Marga dahil umpisa pa lang alam na niya na ito ang mangyayari.“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong naman ni Mariel kay Marga na nakasalampak pa rin sa sahig“Kinakausap ko lang naman po siya. Pero nagalit siya at sinabunutan ako! She even destroyed my designer dress. Look mommy, kinalmot pa po niya ako and then she threw water at me!” Nilingon ni Mariel si Freeshia na ni hindi man lang kakikitaan ng takot kaya lalo itong nagalit sa kanya.Tumayo si Mariel at agad na sinampal si Freeshia at halos mabiling ang mukha nito sa lakas ng sampal ng dating biyenan.“Tita…” “Mommy….”Sabay namang sabi ni Troy at Lance dala ng pagkabigla sa ginawa ni Mariel.“Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko?” galit na sabi ni Mariel habang nakaduro ang daliri kay Freeshia“Wala akong ginawa! Pipili na lang kayo ng bago ninyong manugang, sana naman hindi yung sinungaling!” matapang na sagot ni Freeshia kay MarielAkmang
Napansin ni Troy na tahimik ang babaeng kasama niya ngayon sa mesa at pirming nakayuko. Ganito ba talaga sila? Napalingon siya kay Jorge at nakikita niya na masya namang nag-uusap ang dalawa.Tumingin siyang muli sa babaeng katabi niya at saka niya ito kinausap.“Hindi ka ba kumportable sa trabaho mo dito?” tanong ni Troy sa kanya kaya napagawi ang tingin nito sa kanya“Hindi naman…” mahinang sagot ni Allona “Look, huwag kang matakot sa akin! Hindi naman ako masamang tao! Ang totoo niyan, kaya lang ako nagpunta dito dahil gusto ko ng ibang makakausap. Bago lang kasi ako dito sa Mandaue.” kwento pa ni Troy sa babae“Ganun ba? First time mo bang magpunta dito?” tanong naman ni Allona sa kanya“Oo. Actually, I was looking for a bar. Hindi ko naman alam na may ganitong service pala dito.” saad ni Troy sa babae“Matagal ka na ba dito?” tanong pa niya sa babae“Isang buwan pa lang, Sir!” anito saka siya nagsalin ng alak sa baso“Bago palang pala! Wala ka bang mahanap na ibang trabaho kesa
Sa isang barangay na malapit din kina Jorge nagpunta ang magkaibigan para puntahan ang babaeng nililigawan daw nito. “Magandang gabi po!” bati ni Jorge mula sa labas at may dala itong bulaklak para ibigay sa babaeng nililigawan niyaMula sa bintana ng bahay na dalawang palapag ay sumilip ang isag matandang babae na halos ka-edad ni Nay Ely.“Oh ikaw pala yan, Jorge! At may kasama ka pa! Pasok kayo!” sabi ng matandang babae sa kanila“Salamat po!” sagot ni Jorge bago mawala sa paningin nila ang matanda“Tara na!” aya ni Jorge sa kanya at tinahak na nila ang pinto “Magandang gabi, Mae!” bati ni Jorge sa babaeng nagbukas ng pinto“Magandang gabi, Jorge! Pasok kayo!” sabi ng babae na napatingin pa sa gawi ni TroyPumasok na silang dalawa at bago sila naupo ay inabot ni Jorge kay Mae ang dala niyang bulaklak.“Salamat Jorge. Pero diba sinabi ko naman sa iyo na huwag ka nang magdadala ng kung ano-ano kapag dumadalaw ka dito!” sagot naman ni Mae kay Jorge matapos abutin ang bulaklak Hind
Napangiwi si Jorge nang makita niya ang nangingitim na parte ng mukha ni Troy kinabukasan.Sa sobrang kalasingan, nakatulog na siya sa pwesto niya at kinabukasan na siya nagising at nag-iisa na siya sa terasa ng bahay nila.Pagkatapos niyang maligo ay pinuntahan niya si Troy na gising naman na at doon niya nakita ang pasa nito sa ilalim ng mata.“Napano ba yan?” nag-aalalang tanong niya nang makapasok siya sa loob ng apartment ni TroyNaisip pa nga niya na baka sa sobrang kalasingan ay nadapa ito. Kung bakit ba naman kasi nakatulog siya at di niya naalalayan ang kaibigan.“Nasapak ako kagabi!” balewalang sabi ni Troy habang nagsasalin ito ng kape sa tasaInabot niya kay Jorge ang tasa ng kape saka sila nagpunta sa maliit na sala.“Sinapak?” tanong pa ni Jorge “Yeah! T*****a pare, ang lupit manapak ni Kute! Nakakita ako ng bituin!” seryosong sabi ni Troy kaya naman naisip ni Jorge na hindi ito nagbibiro“Talaga ba?! Sinapak ka niya?” ulit pa nito and he just nodded“Abo bang nangyari
“Iho, pasensya ka na kay Kute ha! Narinig ko mula kay Jorge ang ginawa ng batang yan!” sabi ni Tatay Mario kay TroyNasa terasa sila ng bahay matapos nilang magsalo-salo sa hapunan. At tama nga si Troy dahil masarap talaga ang luto ng nanay ni Jorge na si Aling Ely.“Okay lang po yun, tay! Wala hong problema sa akin yun!” sagot naman ni Troy“Ewan ko ba diyan sa bata na yan. Baka naman natuwa lang at may bago silang kaibigan ni Jorge.” sabi naman ni Nay ElyNautusan si Jorge at si Kute na bumili sa labas ng maiinom nila. Hindi naman tumanggi si Troy sa paanyaya sa kanya ng matanda.“Huwag po ninyong intindihin yun, nay at tay! Hindi naman po araw-araw! Isa pa po, mabuti na din yun at may kaibigan po ako dito.” dagdag pa ni Troy kaya tumango na lang ang mga matanda“Eh ano ba ang sadya mo at napunta ka dito mula Maynila? May tinatakasan ka ba?” makahulugang tanong ni Tay Mario sa kanyaHindi naman sumagot si Trog at ibinaling niya ang paningin niya sa malayo. “Alam ko na, problema sa
Pagdating ni Troy sa bahay ay tinulungan pa siya ni Jorge na ipasok ang mga pinamili niya. Pagkatapos nilang kumain ay dumaan pa sila sa grocery at natatawa na lang si Troy sa isip niya nung maalala niya ang eksena kanina sa grocery.“Pare, pwede bang magpabili?” nakangising sabi ni Kute kaya agad nan iton nilingon ni Jorge“Ang tigas din naman ng mukha mo Kute! Pinakain ka na ni Troy, magpapabili ka pa?” kastigo ni Jorge kay Kute pero hindi naman siya pinansin ng babae at kumapit pa ito sa braso ni Troy“Sige na pare! Pwede ba?” pumikit-pikit pa si Kute kay Troy at natawa naman ang huli dahil sa nakita niya“Sige lang! Kuha ka nalang ako na magbabayad! Ikaw din Jorge, baka may gusto ka.” baling ni Troy kay Jorge pero agad itong umiling“Hindi na pare! Goods na ako! Di ako katulad ng iba dyan, makapal ang mukha!” hindi makapaniwalang sabi ni Jorge dahil sa totoo lang, nahihiya siya sa ginagawa ni Kute“Inggit ka lang!” bumelat pa si Kute at mabilis pa sa alas-kwatro na nawala ito sa
“Grabe ka naman pare, mga ganito lang naman pala ang bibilhin mo, dito pa talaga tayo sa mall dumayo!” sabi ni Kute habang tinitignan ang mga pinamili ni Troy na nasa isang pushcartNamili kasi siya ng mga gamit sa kusina and some tablewares. Nasa isang section na sila kung saan tumitingin naman siya ng kalan and of course, microwave and a cofeemaker.Ito siguro ang dalawang appliance na hindi pwedeng mawala sa kanya.May aircon naman ang kwarto niya sa apartment at mukhang bago pa ito naman ito.“Eh saan mo ba gusto, Kute?” tanong ni Troy sa babae na nasa likod nila ni Jorge at siyang nagtutulak ng cart“Meron namang mga ganyan sa palengke sa malapit sa atin. Mas mura pa!” anito kaya siniko naman ito ni Jorge“Ikaw talaga, sabit ka na nga lang pakialamera ka pa!” saway ni Jorge dito“Do they accept cards there?” tanong ni Troy kay Kute kaya napakamot ito ng ulo“Ikaw naman pare, ke liit na bagay, pinapalaki! Wag ka ng mag-english! Diko kayang intindihin yan!” ani Kute sabay kamot sa
Sa isang maliit na nayon ng Cebu, napadpad si Troy nung umalis siya sa mansion ng kaibigan niyang si Lander.Alam niya na hindi sang-ayon si Freeshia sa kagustuhan niyang lumayo pero para sa kanya, kailangan niya ito.He needs to find his peace at kung sa ibang lugar niya ito makikita, gugustuhin niya munang lumayo.Sa Mandaue City siya nakarating at nakahanap naman siya ng isang maliit na apartment sa Cabancalan.It’s a good thing na may ilang gamit na dito sa apartment na nakuha niya. kailangan na lang niyang mamili ng ilang mga bagay na kakailanganin niya.“Turista ka ba dito?” tanong sa kanya ng may-ari ng apartmentHe is checking the place para tignan kung ano pa ang kailangan niyang bilhin dito.“Pwede po!” nakangiting sagot ni Troy kaya medyo nalito pa ang matanaang kausap niya“Anong pwede?” tanong pa nito kay Troy“Taga-Maynila po ako, tay! Eh gusto ko lang po magbakasyon muna. Bagong lugar ba?” paliwanag niya dito“Ah! Siguro, may problema ka ano? Pag-ibig ba?” tanong muli n
Ngayon ang birthday celebration ni Gabriel at lahat ng malapit sa pamilya ni Lance at Freeshia ay imbitado. Everyone was happy to celebrate dahil buhay pala ang panganay na anak ni Lance at Freeshia.At gaya nga ng sabi ni Lance, hindi nila naicelebrate ang unang kaarawan ni Gabriel kaya naman ngayon nila ito gagawin.Marami silang na-miss sa mga unang yugto ng buhay ni Gabriel pero nangako naman silang mag-asawa na bubuo sila ng mas maraming alaala in the future.It’s just sad that Troy is not here to celebrate with them dahil umalis na siya. Nakausap naman nila ito at sinabing ayos lang siya sa lugar na pinuntahan niya.“Grabe Freeshia! Alam mo, up to this point, hindi ako makapaniwala na nagawa lahat ni Herea yun!” sabi ni Mint na ngayon ay tatlong buwan ng buntis sa baby nila ni Damon“Ako din naman, Mint! You know I was wishing na sana panaginip lang ang lahat!” sagot ni Freeshia “Sana nga, Freeshia! Pero wala na tayong magagawa sa bagay na yan! She chose to be like that at ngay
Mabilis na naibaba ang hatol kay Herea dahil na din sa mga matibay na ebidensya na iniharap ng prosecution idagdag pa ang mga testimonya ni Randy at Dindo.Lance also used his connections para mas mapabilis ang pagdinig ng kaso dahil ayawcna niyang patagalin pa ito at bigyan ang kampo ni Herea ng pagkakataon na makahanap ng bagay na magagamit laban sa kanila.But after two hearings, nakarating sa kaalaman nila na nag self-confess na si Herea kaya agad nang nagbigay ng hatol ang judge.She was convicted with the murder of Angel, attempted murder, kidnapping and fraud kaya naman hinatulan siya ng thirty to fifty years maximum na pagkakakulong.Maging ang mga nahuling kasabwat nila ay hinatulan din at masaya naman si Lance at si Freeshia sa naging hatol ng korte sa kanila.Nang matapos ang pagbibigay ng hatol ay inilabas na si Herea sa courtroom and Freeshia was looking at her. Pero hindi man lang siya sinulyapan ng dating kaibigan niya. Nakayuko lang ito at tahimik na lumabas ng courtr