Kalat sa lahat ng balita online at sa ilang business papers ang nangyari kay Lance sa photo shoot kahapon.Well, okay lang naman sana dahil totoo naman ang nangyari, kung di lang sa mga malisyosong pahayag ng isang writer tungkol kay Freeshia.Sa palagay ni Troy, ito din yung nagsulat ng article tungkol kay Freeshia noong nakaraan.Hindi lang maintindihan ni Troy kung ano ang motibo ng babaing ito at ganun na lang ang kagustuhan niyang siraan si Freeshia.LANCE VILLAVICENCIO, NAAKSIDENTE DAHIL INILIGTAS ANG BABAENG NANG-IWAN SA KANYA NOONNASAAN ANG KUNSENSYA MO, FREESHIA ALTAMONTE A.K.A MALAYA ESPRIT’ ?“Damn!” hindi mapigilan ni Troy na magmura dahil sa mga nakasulat na ito lalo pa at alam niyang maaapektuhan nito ang kaibigan niyaHe got his phone and he immediately dialled Lance’s number.“Nabasa mo na ba?” wlaang kaabog-abog na tanong nito sa kaibigan niyaAlam niyang nagpapagaling pa ito pero hindi pwedeng wala siyang gawin para kay Freeshia.“Pina-trace ko na kung saan galing
Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ng doktor si Lance na lumabas sa ospital. Luckily, wala naman siyang nabaling buto dahil sa pagbagsak ng bakal sa kanya. May bugbog lang at pasa pero nakakaya naman na ni Lance ang kirot kahit hindi siya uminom ng pain reliever.Inaayos na ni Freeshia ang mga gamit ni Lance dahil napilitan siyang sumama kay Troy ng sunduin niya ang kaibigan sa ospital.Ayaw talaga niyang sumama pero dahil sa pamimilit ni Troy, at sa pasimpleng pangungunsenya nito ay wala na naman siyang nagawa.“Okay ka na?” tanong ni Freeshia kay Lance dahil sumenyas na si Troy na sumunod na sila sa babaSi Troy na din ang nagdala ng gamit ni Lance kaya halos sakalin na ni Freeshia ang kaibigan niya dahil hinahayaan talaga nito na magkasarilinan sila.“Okay lang ba kung alalayan mo ako?” nakangiting tanong ni Lance kay FreeshiaNagtimpi lang talaga si Freeshia at walang kibong lumapit kay Lance.“Huwag na! Napipilitan ka lang eh!” tila nagtatampong sabi ni Lance kaya halos
Maganda naman ang naging review ng board sa mga kuha nila Freeshia at Lance. Namili sila ng mga shots na siyang ilalagay sa bawat pahina ng kalendaryong ilalabas ng kumpanya.Tahimik lang naman si Lance at si Freeshia habang nakikinig sa board at ni hindi tinatapunan ng tingin ni Freeshia si Lance.Si Lance naman ay panay ang nakaw na sulyap kay Freeshia. He was hoping na sana, tignan siya nito pero hindi ito nangyari at nanatili na mailap ang mga mata nito.“Okay na po ba ito, Sir?” tanong ni Kelly pero dahil nakatutok ang mga mata ni Lance kay Freeshia ay hindi nito inintindi ang sinabi ng dalaga“Sir….” ulit pa niya kaya napilitan naman si Freeshia na tignan si Lance at doon na nagtama ang paningin nilaThere was longing in Lance’s eyes at hindi naman manhid si Freeshia para hindi maramdaman iyon. Pero gaya ng sinabi niya, ayaw niya makasakit ng iba.Ibinabang muli ni Freeshia ang mata niya kaya naman doon na natauhan si Lance. Tumikhim pa ito at kahit hindi niya masyadong naintind
“Lance, si Freeshia! She attacked me!” Hindi na nagulat si Freeshia sa ginawa ni Marga dahil umpisa pa lang alam na niya na ito ang mangyayari.“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong naman ni Mariel kay Marga na nakasalampak pa rin sa sahig“Kinakausap ko lang naman po siya. Pero nagalit siya at sinabunutan ako! She even destroyed my designer dress. Look mommy, kinalmot pa po niya ako and then she threw water at me!” Nilingon ni Mariel si Freeshia na ni hindi man lang kakikitaan ng takot kaya lalo itong nagalit sa kanya.Tumayo si Mariel at agad na sinampal si Freeshia at halos mabiling ang mukha nito sa lakas ng sampal ng dating biyenan.“Tita…” “Mommy….”Sabay namang sabi ni Troy at Lance dala ng pagkabigla sa ginawa ni Mariel.“Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko?” galit na sabi ni Mariel habang nakaduro ang daliri kay Freeshia“Wala akong ginawa! Pipili na lang kayo ng bago ninyong manugang, sana naman hindi yung sinungaling!” matapang na sagot ni Freeshia kay MarielAkmang
Isang linggo na ang nakalipas buhat nung huling mag-usap si Lance at si Freeshia. At isang linggo na din siyang hindi mapakali dahil ang sabi sa kumpanya ay naka-leave daw ito at si Lander muna ang in-charge sa lahat.“Again!” Napapitlag pa si Freeshia sa sigaw ni Troy na ngayon ay nahahalata na ang pagiging balisa ng kaibigan.They are already shooting for the billboard project pero wala talaga sa hulog si Freeshia.“Guys, break muna tayo!” sabi naman ni Kelly na nahalata na din ang init ng ulo ni TroyDalawang araw na silang nagsh-shoot pero hanggang ngayon wala pang magandang kuha si Troy sa modelo niya.“Mag-usap nga tayo!” sabi agad ni Troy ng makalapit siya kay Freeshia“Sorry Troy! Masakit lang talaga ang ulo ko!” pagdadahilan ni Freeshia pero alam niya, sa tinign pa lang ni Troy na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya“Ano ba talaga ang nangyari? After nung insidente sa restaurant, hindi na kita makausap ng maayos! Palagi kang tulala! Ano ba talagang pinag-usapan niyo ni La
Sa VIP room ng restaurant pinapunta si Abby ng tinatawag niyang madam at nang makapasok na siya doon ay agad siyang naupo.“Kakain ba tayo Madam?” tanong pa niya dito pero hindi na siya pinansin nito at inihagis sa mesa ang sobre na may pera“Uy! Salamat Madam! Pakisabi po sa ate ninyo, salamat!” ani Abby nang masilip niya ang laman ng sobre“Sigurado ka bang walang nakakita o nakakilala sayo?” tanong ng amo niya kaya agad itong umiling“Wala po Madam! Gaya po ng mga nakaraang trabaho, malinis!” proud na sagot ni Abby“Siguruhin mo lang! Ayokong sumabit kami ni ate! Pag nangyari yun ako mismo ang papatay sayo naintindihan mo?”Medyo kinabahan si Abby sa banta ni Madam pero dahil confident naman siya, hindi na lang niya ito binigyan ng pansin.Ang mahalaga naman nagagawa niya ang trabaho niya at kumikita siya ng pera. Kung sa dating trabaho niya na paraket- raket lang, hindi niya kikitain ang perang nahahawakan niya ngayon.“Ang mga susunod na bayad namin para sa trabaho mo, ipapadala
Wala ding napala si Troy kay Damon dahil wala din daw itong alam kung nasaan si Lance. Halos magmakaawa na nga si Troy pero wala daw talaga itong alam and he felt frustrated dahil hindi na niya alam kung kanino pa lalapit.Nag-ring ang phone niya at nakita niya na si Herea ang tumatawag.“Babe!” sagot niya dito at miss na din niya ito since naging busy din naman siyaPumunta siya sa opisina ni Herea matapos nilang mag-usap dahil gusto ni Herea na mag-dinner sila.“Babe!” excited na tawag sa kanya ni Herea ng makapasok na isi Troy sa opisina“I missed you!” bulong ni Troy nang yakapin siya ni Herea“I missed you too! Kamusta ang trabaho niyo ni Freeshia?” masayang tanong ni Herea kay Troy“Okay lang! Medyo wala lang sa focus si Freeshia dahil umalis bigla si Lance!” kwento ni Troy kay Herea nang makaupo na sila sa couch“Bakit? Saan naman nagpunta yung sira-ulo mong kaibigan?!” tanong ni Herea at wala naman siyang magawa sa mga tawag ni Herea sa kaibigan niyaOf course nasaksihan kasi
Freeshia stared at Lance’s face matapos siyang tanungin nito kung pwede silang magsimula muli.Kaya na ba ni Freeshia? Handa na ba niyang harapin ang lahat ng balakid sa pagmamahalan nila ni Lance?“Nakikiusap ako sa iyo, Freeshia! Isang pagkakataon na lang! Pangako hindi na kita sasaktan!” pangako pa ni Lance kaya nahaplos niya ang mukha ng dating asawa“Just shut up and kiss me!” nang-aakit na sabi ni Freeshia and Lance smiled widelyAgad niyang inabot ang labi ni Freeshia at sabik iyong hinalikan. His mind is celebrating dahil sa wakas, tapos na ang pagtitiis niya.Naghiwalay ang labi nila when they both ran out of air. Kapwa sila hinihingal habang magkadikit ang mga noo nila.Halos mapatili si Freeshia nang maramdaman niya ang pagbuhat sa kanya ni Lance. Dinala siya nito sa kwarto niya at maingat na inihiga sa kama.He closed and locked the door saka siya bumalik sa kama at agad na dumagan kay Freeshia.Hinaplos nito ang mukha ng babaing kay tagal niyang hinintay at ngayon ay nasa
Nakatulala si Isa matapos pakinggan ang kwento ni Kute at ni Troy dahil ang nakakagulat a lahat ay siya pala si Kute. Siya ang nobya ni Troy na inakala niyang patay na dahil sa pagsabog sa naganap sa dagat kung saan kasama niya si Carlitos dela Vega.Hindi siya makapaniwala dahil hindi niya talaga ito naaalala but somehow, something is telling her na totoo ang lahat ng narinig niya mula sa binata.Napaangat ang ulo niya nung makita niya ang nakalahad na kamay ni Troy.“May ipapakita ako sa iyo!” sabi niya without breaking their eye contactTinanggap naman ni Isa ang kamay nito at marahan siyang itinayo ni Troy. Naglakad sila palabas ng office and Troy never let go of her hand. They walked hanggang sa marating nila ang isang Villa sa gawing likuran ng resort.“Dito ako nakatira!” sabi ni Troy kaya naman nag-alangan si Isa na pumasok sa loob “Anong gagawin natin diyan?” tanong pa niya dito“Relax, wala akong gagawin okay! May gusto lang akong ipakita sa iyo!” aniya kaya naman dahan-da
Palabas na si Isa sa sala nung mapahinto siya sa pagtawag ng kanyang kapatid na si Aliyah. Masusi siya nitong tinignan saka ito nagtanong sa kanya.“Aalis ka ate?” tumango naman siya dahil hindi naman siya pwedeng magkaila kay Aliyah“Oo Ali, may kailangan lang akong bilhin!” nakukunsensya man siya sa pagsisinungaling ay wala naman siyang magawa dahil hindi niya malaman kung paano sasabihin dito ang tungkol sa pag;apit sa kanya ni TroySiguradong masasaktan ito kahit pa sabihing gusto na nitong kalimutan ang binata.“Gusto mo bang samahan kita, ate? Wala naman akong gagawin ngayong araw!” nakangiting sabi ni Aliyah pero umiling naman siya“Hindi na Ali! Magpahinga ka nalang dito! Babalik din naman ako agad!” pagtanggi ni Isa“Sure ka ate?” paninguro ni Aliyah“Oo naman, Ali! May gusto ka bang pabili sa labas?” tanong niya habang naglalakad palabas ng pinto at hinatid pa siya ng kanyang kapatid “Wala ate! Sige na, mag-ingat ka ha!” anito at yumakap sa kanya si Aliyah kaya naman lalon
Nakalabas na si Aliyah sa ospital at kahit papano, nabawasan na ang pangamba ng kanyang mga magulang lalo nung malaman nila na nakapag-usap na sila ni Troy.Nasabi na din ni Aliyah sa ospital palang ang plano niyang umalis papunta sa ibang bansa sa kanyang pamilya.She said that she needs to heal at isasabay na din niya ang pagpapatinging muli sa isang espesyalista.Her parents are happy dahil sa desisyon ni Aliyah at nangako naman sila na susuportahan siya ng mga ito.“Kailan ang balak mong umalis?” tanong ni Isa sa kanyang kapatidNasa garden sila noon at masaya silang nagke kwentuhan habang naglalaro naman si Basty.“Nakapag book na ako ng flight, ate! Next week na yun!” sagot naman ni Aliyah“Ali, sure ka ba na ayaw mo akong kasama? Hindi ba mas okay kung sasama ako sa iyo?” ani Isa dahil nag-aalala pa rin naman siya sa kalagayan ng kanyang kapatid“Ate, okay lang talaga ako! Isa pa, kailangan niyo din ng time ni Mommy lalo at matagal kayong nagkahiwalay! Make some memories and
“Kamusta siya?” tanong ni Troy kay Isa habang nakaupo sila sa labas ng kwarto ni Aliyah dito sa hospitalWalang sinayang na sandali si Troy nung malaman niya ang nangyari sa kanyang kaibigan.Agag siyang nag punta sa ospital dahil nag-aalala pa rin siya para dito.“Natutulog pa rin siya!” maikling sagot ni Isa kay Troy“I am sorry, Isa! Hindi ko akalain na magagawa ni Aliyah ang ganito!” matapat na sabi ni Troy sa kanya and she nodded“Pasensya ka na din! Naisip ko lang, kaibigan ka niya and I think mas maganda kung mararamdaman niya na maraming nagmamahal at nag-aalala para sa kanya.” nasapo ni Isa ang ulo niya dahil bigla na naman itong sumakit Napansin ito ni Troy kaya agad niyang dinaluhan ang babaeng katabi niya.“Okay ka lang?” tanong niya dito Isa nodded habang minamasahe ang ulo niya. Kanina, nung makita niya si Aliyah ay parang nagdilim ang paningin niya at may mga nakita siyang imahe.Hindi siya sigurado kung ano ang mga iyon at hindi nga niya nabigyan ng pansin dahil na r
Pagdating niya sa bahay ay nakaabang na agad sa kanya ang kanyang ina para makibalita sa lakad niya sa resort ni Troy Celestino.“Iha, anong balita? Nakausap mo ba si Troy!” nakangiting sabi ng kanyang ina pero nagkibit balikat na lang siya“Mom, hindi siya pumayag! Sinabi ko na sa inyo na hindi papayag si Troy sa gusto ninyo!” pagbabalita ni Isa sa kanyang ina matapos niyang maupo sa couch“But he promised na dadalawin niya si Aliyah! Pero bilang kaibigan lang!” dagdag pa ni Isa “Hindi ito dpat malaman ng kapatid mo, Isa! Malulungkot na naman siya and worse, baka may gawin na naman siyang hindi maganda sa sarili niya!” sagot ng kanyang ina“Bakit hindi natin dalhin sa US si Ali, Mommy? She needs distraction! Baka makatulong sa kanya kung aalis muna siya dito!” suhestyon ni Isa sa kanyang ina“Hindi ako aalis dito!” napalingon si Isa at nakita niya ang galit na mukha ng kanyang kapatid“Bakit mo ako gustong umalis, ate? Ayaw mo na ba akong makasama?” sabi pa niya kay Isa kaya agad n
Hindi makapaniwala si Troy kinabukasan noong sabihin sa kanya ng manager nila dito sa resort na may naghahanap sa kanya sa labas na babae na nagngangalang Isadora Beransel.Nagmamadali siyang lumabas ng Villa niya para puntahan ito dahil naghihintay daw ito sa reception area ng resort.“Isa!” malakas na tawag niya dito dahil nakatalikod ito at panay ang linga sa paligid.“Hi!” todo ngiti si Troy nung lingunin siya ni Isa and his beated fast as usual upon seeing her beautiful face“Hello! May…” tumikhim pa si Isa dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Troy ang pakay niya“May problema ba, Isa? You want to sit? Let’s have coffee?” sabi nito pero umiling naman si Isa“Saglit lang ako, Troy! Dito na lang tayo mag-usap.” sagot ni Isa at nakita pa niya ang pagngiti ni Troy“Mas mabuti kung sa office tayo mag-uusap! Come, may ipapakita ako sa iyo!” kinuha ni Troy ang kamay ni Isa and there is obvious excitement in his system right nowPero hindi naman tuminag ang babae at agad bina
Nasa garden si Isa kasama si Basty na kasalukuyang naglalaro noong umagang iyon. Nagbabasa siya ng libro pero hindi naman niya yun maintindihan dahil lumilipad ang isip niya.Napapitlag pa nga siya nung lapitan siya ni Aliyah at sa tingin niya, hindi maganda ang gising nito.Gustong-gusto nga niyang tanungin ito kung ano ang napag usapan nila ni Troy lalo at tila ba umiiyak ito kagabi pero pinigilan na lang niya ang kanyang sarili.“Good morning, Ali!” ani Isa sa kapatid niya nung tumabi ito sa kanya“Good morning, ate!” matabang ang paraan ng pagsagot sa kanya ng kapatid niya kaya alam niyang may dinadala itoLooking at her, namumugto ang mga mata nito which tells her na umiyak ito ng magdamag.“What happened?” tanong niya dito pero nanatili lang itong tahimikIbinaba ni Isa ang hawak niyang libro at agad niyang inabot ang kamay ng kanyang kapatid.“Ali…”Nakita niya na nagsimula na namang mamasa ang mata ng kanyang kapatid kaya napahinga siya ng malalim.“Ate, bakit ganun! Bakit hi
Marami ng tao sa mansion ng mga Arguelles noong dumating si Troy nung mga oras na iyon.Medyo na-late niya ng dating dahil may meeting pa siyang dinaluhan kanina para sa bagong hotel na itatayo nila dito ng mga kaibigan niya.Pagpasok niya sa loob ay naglibot na ang mata niya hoping na makikita niya si Isa pero hindi naman ito mahagilap ng mata niya. Natanaw niya ang mag-asawang Arguelles kaya naman minabuti niyang lapitan na ang mga ito para magbigay galang.“Good evening, Tito, Tita!” bati niya sa mga ito “Good evening, iho! Na-late ka yata?” tanong sa kanya Mrs. Arguelles matapos nitong bumeso sa kanya“Sorry po Tita! May meeting pa ho kasi akong pinuntahan!” paliwanag niya sa mabait na ginan“Siya sige! Hanapin mo na si Aliyah at kanina ka pa hinihintay nun!” utos pa ni Gov sa kanya Tumango siya sa mga ito after excusing himself at hindi naman nakaligtas sa mga mata niya ang makahulugang ngiti ng dalawang matanda sa kanya. Napailing na lang siya dahil they know very well na may p
Gabi ng party and everyone is excited para sa okasyong inilaan ng mga Arguelles para kay Isadora. And Isa felt happy dahil sa pagbibigay sa kanya ng importansya ng pamilya ng kanyang Mommy.Punong abala si Aliyah at halos lahat ng mga malalaking tao dito sa Cebu ay dadalo para sa welcome party niya.Maganda ang ayos ng hardin at nakahanda na din ang Catering service na pinili ng Mommy niya para sa gabing ito.“Ready ka na ba, anak?” tanong ng Mommy niya habang papasok ito sa kanya kwarto“Opo!” sagot niya habang nakatingin siya sa kanyang sarili sa salaminLumapit naman ang Mommy niya at niyakap siya mula sa likod habng nakatingin din sa salamin.“Ang ganda-ganda ng anak ko!” nakangiting sabi ng Mommy niya sa kanya“Thank you, Mommy!” masayang sagot naman nito“Kulang na kulang pa yan sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo anak! Kung sana, naiba ang sitwasyon, hindi sana tayo nagkahiwalay!” sabi pa nito sa kanya“Mommy, tapos na po yun! Ang mahalaga po, nahanap ninyo ako!” tumango ang Momm