Isang linggo na ang nakalipas buhat nung huling mag-usap si Lance at si Freeshia. At isang linggo na din siyang hindi mapakali dahil ang sabi sa kumpanya ay naka-leave daw ito at si Lander muna ang in-charge sa lahat.“Again!” Napapitlag pa si Freeshia sa sigaw ni Troy na ngayon ay nahahalata na ang pagiging balisa ng kaibigan.They are already shooting for the billboard project pero wala talaga sa hulog si Freeshia.“Guys, break muna tayo!” sabi naman ni Kelly na nahalata na din ang init ng ulo ni TroyDalawang araw na silang nagsh-shoot pero hanggang ngayon wala pang magandang kuha si Troy sa modelo niya.“Mag-usap nga tayo!” sabi agad ni Troy ng makalapit siya kay Freeshia“Sorry Troy! Masakit lang talaga ang ulo ko!” pagdadahilan ni Freeshia pero alam niya, sa tinign pa lang ni Troy na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya“Ano ba talaga ang nangyari? After nung insidente sa restaurant, hindi na kita makausap ng maayos! Palagi kang tulala! Ano ba talagang pinag-usapan niyo ni La
Sa VIP room ng restaurant pinapunta si Abby ng tinatawag niyang madam at nang makapasok na siya doon ay agad siyang naupo.“Kakain ba tayo Madam?” tanong pa niya dito pero hindi na siya pinansin nito at inihagis sa mesa ang sobre na may pera“Uy! Salamat Madam! Pakisabi po sa ate ninyo, salamat!” ani Abby nang masilip niya ang laman ng sobre“Sigurado ka bang walang nakakita o nakakilala sayo?” tanong ng amo niya kaya agad itong umiling“Wala po Madam! Gaya po ng mga nakaraang trabaho, malinis!” proud na sagot ni Abby“Siguruhin mo lang! Ayokong sumabit kami ni ate! Pag nangyari yun ako mismo ang papatay sayo naintindihan mo?”Medyo kinabahan si Abby sa banta ni Madam pero dahil confident naman siya, hindi na lang niya ito binigyan ng pansin.Ang mahalaga naman nagagawa niya ang trabaho niya at kumikita siya ng pera. Kung sa dating trabaho niya na paraket- raket lang, hindi niya kikitain ang perang nahahawakan niya ngayon.“Ang mga susunod na bayad namin para sa trabaho mo, ipapadala
Wala ding napala si Troy kay Damon dahil wala din daw itong alam kung nasaan si Lance. Halos magmakaawa na nga si Troy pero wala daw talaga itong alam and he felt frustrated dahil hindi na niya alam kung kanino pa lalapit.Nag-ring ang phone niya at nakita niya na si Herea ang tumatawag.“Babe!” sagot niya dito at miss na din niya ito since naging busy din naman siyaPumunta siya sa opisina ni Herea matapos nilang mag-usap dahil gusto ni Herea na mag-dinner sila.“Babe!” excited na tawag sa kanya ni Herea ng makapasok na isi Troy sa opisina“I missed you!” bulong ni Troy nang yakapin siya ni Herea“I missed you too! Kamusta ang trabaho niyo ni Freeshia?” masayang tanong ni Herea kay Troy“Okay lang! Medyo wala lang sa focus si Freeshia dahil umalis bigla si Lance!” kwento ni Troy kay Herea nang makaupo na sila sa couch“Bakit? Saan naman nagpunta yung sira-ulo mong kaibigan?!” tanong ni Herea at wala naman siyang magawa sa mga tawag ni Herea sa kaibigan niyaOf course nasaksihan kasi
Freeshia stared at Lance’s face matapos siyang tanungin nito kung pwede silang magsimula muli.Kaya na ba ni Freeshia? Handa na ba niyang harapin ang lahat ng balakid sa pagmamahalan nila ni Lance?“Nakikiusap ako sa iyo, Freeshia! Isang pagkakataon na lang! Pangako hindi na kita sasaktan!” pangako pa ni Lance kaya nahaplos niya ang mukha ng dating asawa“Just shut up and kiss me!” nang-aakit na sabi ni Freeshia and Lance smiled widelyAgad niyang inabot ang labi ni Freeshia at sabik iyong hinalikan. His mind is celebrating dahil sa wakas, tapos na ang pagtitiis niya.Naghiwalay ang labi nila when they both ran out of air. Kapwa sila hinihingal habang magkadikit ang mga noo nila.Halos mapatili si Freeshia nang maramdaman niya ang pagbuhat sa kanya ni Lance. Dinala siya nito sa kwarto niya at maingat na inihiga sa kama.He closed and locked the door saka siya bumalik sa kama at agad na dumagan kay Freeshia.Hinaplos nito ang mukha ng babaing kay tagal niyang hinintay at ngayon ay nasa
Maagang nagising si Freeshia kinabukasan at napangiti siya nang maramdaman niya ang nakapulupot na kamay ni Lance sa bewang niya.Dahan-dahan siyang bumangon para hindi ito magising lalo pa at mukhang mahimbing ang tulog nito.Nagtagumpay naman siyang makatayo at hindi man lang gumalaw si Lance and she can’t help but smile habang tinititigan niya ang maamong mukha ng lalaki.Nakadapa ito at medyo nakaawang pa ang labi niya habang natutulog pero hindi man lang nakabawas iyon sa kagwapuhan niya.Naligo na si Freeshia at saka siya lumabas para maghanda ng almusal dahil tiyak gutom si Lance paggising niya. Napapitlag pa siya ng magsalita si Troy mula sa likuran niya.“Aga mo?” sabi nito habang inaayos ang coffeemaker sa likod niya“Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat!” sabi pa ni Freeshia pero napangiwi siya nang maalala na nasa kwarto nga pala niya si Lance“Huy! Hindi kita ginulat!” kontra naman ni Troy sa kanyaBacon, scrambled eggs at hotdog ang niluluto ni Freeshia. Balak din niyang ma
“Anong sagot mo?” tanong ni Troy kay Freeshia habang papunta sila sa opisina para sa deliberation ng board sa billboard shoot nilaNaikwento niya sa kaibigan ang pag-aalok ni Lance ng kasal at ngayon ay curious si Troy sa naging sagot niya.“Of course I said yes!”“Whoah! That fast?!” Natawa pa si Lance sa sariling komento niya kaya natawa na din si Freeshia.“But hey, pumpkin! No offense! I mean, I’m so happy for you! Kung si Lance ang magbabalik ng saya sa mga mata mo, at sa buhay mo, hindi ako kokontra!” sabi pa ni Troy and he hugged her friend real tight“Thank you Troy! Sigurado ako na magiging masaya na ako ngayon! I lnow Lance will keep his promise!” confident na sagot ni Freeshia sa kaibigan niya“Aba dapat lang! Binalaan ko na si Lance na sasapakin ko siya kapag sinaktan ka pa niya.”Napangiti si Freeshia dahil ramdam na ramdam talaga niya ang malasakit sa kanya ng kaibigan.Wish lang niya, maging positibo din ang pagtanggap ni Herea sa desisyon niya. At hindi naman niya mas
Paalis si Celestine ngayon dahil balak niyang magpa-spa para makabawi siya sa isang linggong pagod at puyat noong nakaburol si Bernard. Pagbaba niya sa hagdan ay nakita niya na nakaupo sa sala ng mansion ang abogado ni Bernard na si Attorney Bejamin Laxamana.Tumayo naman ito pagkakita sa kanya.“Good morning, Mrs. Salviejo!” “Good morning attorney! Anong sa atin?” Tanong ni Celestine habang papalapit siya sa abogado kaya medyo nagtaka pa ito“Hindi ba sinabi ni Ms. Salviejo na ngayon babasahin ang last will and testament ni Bernard?” Kumunot ang noo ni Celestine hanggang sa dinaan niya sa tawa ang lahat.“Ah oo nga pala! Sorry attorney, alam mo naman kamamatay lang ni Bernard kaya medyo lutang pa ako. It slipped my mind actually!” pasisinungaling ni Celestine para pagtakpan ang pagkapahiya niyaTalagang hinahamon siya ni Wilma! Kung noon ay hindi niya pinapatulan ang kamalditahan nito, ngayon lalabanan na niya ito. “Attorney! Good morning!” sabi ng isang tinig mula sa likuran ni
“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Freeshia kay Herea habang nakaupo sila sa cottage ng isang private beach resort na pinuntahan nila dito sa Bataan na pag-aari ng kaibigan ni LanceAlam ni Freeshia na masama ang loob sa kanya ni Herea dahil nalaman nito na nakipagbalikan na siya kay Lance.Mabuti nga at sumama pa ito sa outing dahil na din siguro sa pakiusap ni Troy.“Alam mo kung ano ang stand ko sa bagay na yan, Freeshia. Pero nasa sayo naman yan!” sabi pa ni Herea habang nakatingin sa dagatNiyakap ni Freeshia ang kaibigan niya ng mahigpit at nandoon ang pag-asa niya na lalambot din ito.“Her, please try to understand! Mahal ko si Lance at nagsisisi naman na siya!” sabi ni Freeshia at narinig niya ang malalim na buntonghininga ni Herea“Fine Freeshia! Alam mo na ang gusto ko lang, maging masaya ka! I just wish hindi ka nagkamali sa desisyon mo.” sabi ni Herea kaya napangiti si FreeshiaAlam niya, unti-unti, magiging okay na din ang kaibigan niya.“C’mon girls, lunch is ready!”
Ngayon ang araw ng balik ni Lance sa Manila and he was so excited dahil sobrang miss na miss na niya si Freeshia. Although palagi silang nag-uusap ay hindi noon naalis ang nararamdaman niya. Hindi na talaga siya sanay na wala sa tabi niya ang nobya.Pagdating niya sa airport ay nakatanggap naman siya ng mensahe mula sa urologist niya. It stated na may resulta na ang ginawang test sa kanya at sinasabi na pumunta siya sa clinic.Kaya naman nagdesisyon siyang unahin ang pagpunta doon bago umuwi kay Freeshia.“Pasok na po kayo sa loob Mr. Villavicencio.” sabi ng nurse na nagti twinkle pa ang mga mata nang makita ulit ang gwapong si LanceHindi naman ito binigyan ng pansin ni Lance at diretso na siyang pumasok sa loob ng clinic.“Good afternoon Mr. Villavicencio, maupo po kayo.”Tumango lang si Lance dahil wala talaga siya sa mood para pahabain pa ang pagpunta niya dito.“Ano ang findings?” agad na tanong niya although confident siya that he is fineHe is well at walang mali sa kanya.The
Naging busy ang sumunod na linggo kay Freeshia at kay Lance dahil sa pagpa plano ng kasal nila and at the same time sa negosyo na din ng LDV Residences.May mga pagkakataong si Freeshia lang ang nakikipagmeeting sa mga wedding organizers nila dahil busy si Lance sa expansion ng LDV sa ibang lugar dito sa bansa.Tulad ngayon, isang linggo si Lance sa Palawan para pangasiwaan ang mga projects nila doon. Kampante naman siyang umalis dahil wala ng banta sa seguridad nila ni Freeshia at naging tahimik naman ang lahat magbuhat nung masawi si Celestine at ang kapatid nito.Pero kahit nasa malayo si Lance ay palagi naman siang nag-uusap ni Freeshia through video call. “I miss you so much, sweetheart!” sabi ni Lance habang magkausap sila nung gabing iyon Napangiti si Freeshia sa paglalambing sa kanya ni Lance at maging siya man ay nami-miss na din ang fiance’ niya. Nasanay na kasi siya na palaging nasa tabi niya si Lance at katabi niya sa pagtulog.“Baby three days na lang naman! Magkikita
“How was your lunch with Herea?” Tanong ni Lance kay Freeshia nang salubungin siya nito pagpasok niya sa townhouse“Okay naman baby! Pagkatapos naming mag-lunch, nagpa-spa kami.” sagot naman ni Freeshia “Magpapahain na ako, are you hungry?” tanong sa kanya ni Freeshia nang nasa hagdan na sila“I’l just take a shower, sweetheart. Sunod ako agad!” Tumango naman si Freeshia and Lance gaved him a kiss. Umakyat na si Lance sa taas para magshower. At kahit gusto na niyang mahiga dahil sa pagod ay hindi niya pwedeng hindi saluhan si Freeshia sa hapunan lalo at alam niya na ito ang nagluluto ng pagkain nila.The last thing he wants is for Freeshia to fell unappreciated. Nagawa na niya ito noon at hinding-hindi na niya ito uulitin.Naupo siya sandali sa kama ang after five minutes ay dumeretso na siya sa shower room. Naligo na siya at matapos niyang magbihis ay dumeretso na siya sa dining. And as always, mabango na naman ang pagkain na sumalubong sa kanya. Freeshia is realy a good cook!“
Inaya ni Lance ang Mommy niya sa library at doon sila nag-usap. Hanggat maari ay ayaw ni Lance na sa harap ng Daddy niya sila mag-usap dahil baka atakehin ito sa puso at hinda na makaligtas.Sinabihan na lang niya ang Daddy niya na magpahinga dahil tungkol lang naman sa kasal ang paguusapan nila. Nang makaupo na ang Mommy niya ay doon na sinimulan ni Lance ang oakay niya.“Sa palagay ko alam niyo na ang dahilan kung bakit ako nandito.” pagsisimula ni Lance at hindi naman kumibo si Mariel“Mommy, please tell me. Saan niyo dinala ang pera? Anak niyo kami ni Lander at alam mo na maiintindihan ka namin.”Nanatiling tahimik si Mariel kaya naman nakaramdam ng frustration si Lance.“Mommy…”“Naipatalo ko sa casino!” sigaw ni Mariel kaya naman nanlaki ang mata ni LanceAlam na alam nilang lahat kung gaano kinamumuhian ng kanilang ama ang pagsusugal. At yan ang iminulat nito sa kanila ni Lander.“Malas ang magsugal! Yan ang anay na sisira sa lahat ng itinayo mo!” yan ang paalala sa kanila ng
“Nagdududa na ang anak ko, Raffy!” kinakabahang saad ni Mariel sa lalaking ngayon ay katabi niyang nakahiga sa kamaKakatapos lang siyang paligayahin nito at kahit papano ay nabawasan ang stress niya sa ginawa sa kanya ni Raffy.Nakilala niya si Raffy sa isang party na dinaluhan niya last year at isa itong dance instructor.Naging magkapareha sila at pagkatapos ng party ay nagkita sila ulit. Patagong dinner, clubbing, out of town at doon na nagsimula ang relasyon nila.Maluho si Raffy at kaya niyang ibigay ito sa lalaki dahil ibinibigay nito sa kanya ang kaligayahang sekswal na hindi na kayang ibigay sa kanya ng lumpong asawa. Bumili siya ng condo unit at doon ang naging tagpuan nila. Binigyan niya din ito ng kotse at lahat ng iba pang luho na pwedeng makuha ng lalaki.And in return, he makes her happy! And at the same time, he is loyal too. Pinasundan niya ng lihim si Raffy para makita kung tapat ito sa kanya at ilang beses naman niyang napatunayan ito.“Bakit? Nasundan ka ba?” tan
“Ano bang problema mo?” Napakurap si Mariel sa biglaang pagsasalita ng asawa niyang si Arman dahil sa sobrang lalim ng iniiisip niya.She was to engrossed in her thoughts na halos mapatalon siya sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ng kabiyak.“Okay ka lang mommy?” tanong naman din ni Lander na napapansin din lately ang tila pamomroblema ng mommy niya“Ah I’m fine! Huwag niyo kong intindihin!” pinilit ni Mariel na ngumiti sa mag-ama niyang labis ang pag-aalala para sa kanya“By the way iho, kamusta ang party kagabi ng kuya mo?” tanong ni Arman sa bunsong anak niya“Okay naman Dad! Mas maganda sana kung nakapunta kayo ni Mommy!” sagot ni Lander kahit pa parang pinipiga ang puso niya sa nararamdaman niyang pagkabigo“Tinawagan ko naman ang Kuya mo at alam naman niya ang sitwasyon ko. But of course dadalo ako sa wedding niya.”Nakatali na kasi si Arman sa wheelchiar dahil hindi na siya nakapaglakad ng maayos buhat nung ma-stroke siya.Pero he is happy dahil nagkaayos na si Lance at si
Nagkaroon ng enagagement party sina Lance at Freeshia sa mansion ng mga Altamonte at kahit ayaw ni Freeshia ng ganitong mga party ay wala siyang nagawa sa kagustuhan ng magulang niya na sinegundahan naman ni Lance.Maraming imbitado at lahat ay kabilang sa alta sosyedad na kinabibilangan nila. “Congratulations!” masayang sabi ni Hera kay Freeshia pagdating niya sa party“Salamat Her!” bulong naman ni Freeshia ditoBinati din Herea si Lance sabay biro dito kaya napakamot pa ito ng ulo.“Umayos ka na ha!” “Oo naman, Herea! I learned my lesson well!” sabi niya sa kaibigan ng fiance’ niyaPara kay Lance, maswerte si Freeshia dahil nakatagpo siya ng kaibigang gaya ni Herea. Hindi siya nito iniwan through thick ang thin.Sayang lang at wala pa si Troy dahil nasa New York pa ito.“Congrats my man!” masayang sabi naman ni Damon kay Lance “Thanks bro!” nagyakapan sila at binati din nito si Freeshia at si HereaMasaya ang lahat ng nandito and they are looking forward for the couple’s wedding
“Hey! Be sure to come home right away!” bilin ni Lance kay Troy nang ihatid siya ng huli sa airport para sa fight nila pabalik ni PilipinasMarami pa kasing aaskasuhin si Troy dito kaya hindi muna siya makakasabay sa dalawang ito pag-uwi.“I will bro! Of course I won’t miss your wedding!” pangako naman ni Troy sa kanila“Thank you Troy! At huwag kang magtagal dito baka mainip si Herea!” biro naman sa kanya ni Freeshia“Hoy, bantayan mo yung kaibigan mo ha! Baka mamaya, makipag-date sa iba yun!” sabi naman ni Troy kaya natawa pa si Freeshia“Ano ka ba, hindi ganun si Herea!”“Basta nga!” pinandilatan pa ni Troy si Freeshia ng mata kaya sumagot na lang siya para matapos na“Oo na!” ani Freeshia kahit pa alam naman niya na kahit hindi niya bantayan si Herea ay hindi ito gagawa ng hindi magandaNiyakap nila muli ang isa’t isa bago tuluyang pumasok sa loob si Lance at si Freeshia. Mamimiss ni Freeshia ang kaibigang ito since matagal niya din itong nakasama pero alam niyang pansamantala la
Nakarating na si Freeshia, Lance at Troy sa New York ngayong araw na ito. Dalawang linggo din silang nanatili sa townhouse ni Freeshia at hindi naman sila nasundan doon ni Marga.Kaya naman minabuti na nilang doon na manatili kesa bumalik sa penthouse ni Lance. Although nakatanggap naman ng balita si Lance na umalis na din si Marga doon, ay mas pinili ni Freeshia na dito manatili sa kanyang townhouse.Mahigpit pa rin ang security nila kahit pa sabihing mahigpit din ang mismong security sa gate. Bago ang flight nila ay nakatanggap ng balita si Lance sa chief of police tungkol sa babaeng kasama ni Celestine sa kotseng sumabog.“Siya si Blessida Santillan, kapatid siya sa ama ni Celestine Rivera. Ibig sabihin, anak sa pagkakasala ni Mr. Rivera. Namatay ang nanay nito pagkapanganak kaya naman kinuha ni Mr. Rivera ang bata at ipinaampon ito sa pinsan niya dahil hindi sila magkaroon ng anak.”“Sa probinsya siya lumaki pero ayon sa records, nakarehistro siya sa Tondo at natira doon ng sampu