Alexes POV
Mag-iisang buwan na simula noong hiwalayan ko si Kenny, at gano'n din katagal na hindi ko siya nakikita.
"Kenny, na saan ka na ba. Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin. Ano ba ang nangyari sa iyo. Miss na miss na kita nang sobra-sobra!" malungkot na saad ko sa aking sarili.
"Magpakita ka na sa akin please!" malungkot ko pa rin na sabi sa aking sarili at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakaupo sa malaking bato na dati ay inuupuan naming dalawa ni Kenny ngunit ngayon ay ako na lamang mag-isa.
Sa mga oras na wala akong pasok sa school at wala akong magawa ay pumupunta ako sa lugar kung saan kaming dalawa lamang ni Kenny, ang nakakaalam. Ang secret garden naming dalawa Kenny.
Nandito na naman ako naghihintay at umaasa na sana babalik siya sa lugar na ito. Ngunit lumipas lang ang mga oras at papalubog na ang araw ay walang dumating.
Habang nakapikit ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Kahit na ano ang gawin ko para palakasin at patatagin ang aking loob ay umaagos pa rin ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang mapatanong sa aking sarili.
"What if ipinaglaban kita Kenny. What if kung hindi ko sinunod ang mga magulang ko. What if kung lumaban ako siguro masaya at magkasama pa sana tayo ngayon sa mga oras na ito Kenny!" malungkot na sambit ko at nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan na mga pangyayari.
FLASHBACK
"Pak! Pak!" tunog ng sampal nito sa magkabila kong pisngi. Napasapo ako rito.
Gulat na gulat ako na habang naglalakad ako papasok ng mansion namin ay nakita ko na nag-aabang sina Mommy at Daddy sa may pintuan.
"Mommy, Daddy, mano po," sabi ko at nang abutin ko na sana ang kamay ni Mommy, para magmano ay bigla na lamang niya akong sinampal.
"Huhuhu, ang sakit no'n Mommy. Bakit po?" nagtataka ko na tanong.
Kahit kailan man ay hindi ako nisaktan at nipagbuhatan ng mga kamay nang aking mga magulang lalo na si Mommy. Ngayon pa lang.
"Mom, why may nagawa po ba ako na mali. Ano po ba ang kasalanan ko?" umiiyak pa rin na tanong ko.
"Choose Alexes Sandria Viera!" buong sambit ni Mommy, sa aking pangalan.
Alam ko na seryoso at galit ito kasi buo n'yang tinawag ang pangalan ko.
Napatingin ako kay Daddy, sinyales na humihingi ako nang tulong at pag-uunawa. Ngunit sa halip na tulungan ako ay tiningnan niya ako nang masama.
Naguguluhan ako kung bakit ganito ang salubong nila sa akin pagdating ko mula sa paaralan. Kadalasan kasi yakap at halik ko sa kanilang mga pisngi ang salubong ko matapos magmano pero ngayon dalawang sampal na hindi ko alam ang dahilan.
"Hu, ano po?" nagtataka ko pa rin na tanong.
"Just choose! Alexes, break-up that boy or else I cut all your inheritance from us and sent you to Canada!" galit na galit na sabi ni Mommy, at nanlilisik pa ang mga mata nito.
"Mom, Dad, mahal na mahal ko po siya!" umiiyak na sabi ko.
"That is not a point Sandria!" galit na sabi ni Daddy, sa second name ko.
"Lahat nang ito ay ginagawa namin para sa iyo. Ayaw namin na mapahamak ka," sabi naman ni Mommy.
"Ang bata-bata mo pa para makipagrelasyon. Kailangan mo pa ang mga gabay namin para hindi ka maliko nang landas," sabi naman ni, Daddy.
"Buong buhay namin ay nakalaan at umiikot lang sa iyo Alexes. Mahal na mahal ka namin at wala kaming ibang hangad kundi ang magtagumpay at maabot mo ang mga pangarap mo," dagdag naman ni, Mommy.
"At hindi kami papayag na ang pagmamahal na iyan ay ito pa ang magiging sagabal sa iyong pag-abot nang mga pangarap mo." Nakapamaywang na sabi ni Daddy, na galit pa rin.
Kaya mamili ka hihiwalayan mo ang lalaking iyon o ipapadala ka namin sa Canada at doon ka na for good!" pagbabanta ni Mommy.
Dahil sa narinig ko ay natakot ako. Hindi ko kayang isipin na mapalayo ako sa taong pinakamamahal ko. Iniisip ko pa lang na hindi ko na makikita si Kenny, kahit kailan ay parang binibiyak ang puso ko.
Kaya nakabuo ako agad nang disisyon at ito ay ang hihiwalayan ko si Kenny. Masakit man at least kahit papaano ay makikita ko pa rin siya. Matatanaw ko pa rin ito kahit nasa malayo man lamang dahil iniisip ko na iisa lang ang pinapasukan naming school. Kahit hindi kami magkasama at magkausap makikita at makikita ko parin sya. Kaysa naman ipapadala ako sa Canada na doon na for good at hindi ko na ito makikita pa.
Napayuko na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Mon, Dad, I'm so sorry for disappointing you," malungkot na sabi ko.
Wala akong narinig na sagot o salita man lamang mula sa kanila. Nagpapahiwatig na galit pa rin sila.
"Sige po Mommy, Daddy, aakyat na po ako sa silid ko," sabi ko at naglakad paakyat sa aking silid.
Nang makapasok na ako sa silid ko ay padapa akong sumampa sa aking kama. Tinakpan ko nang kumot ang ulo ko at kinagat ang unan saka sumigaw ng sumigaw.
Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang na makikipaghiwalay ako kay Kenny, ay sobrang sakit na papaano pa kaya kapag hiniwalayan ko na siya.
Hindi ako makapag-isip nang tama. Wala ako na ibang iniisip kundi kung papaano ko sasabihin kay Kenny, na maghihiwalay na kami. Puno nang mga luha ang aking mga mata nang may kumatok sa pinto.
"Senyorita Alexes, kakain na po," sabi ni Manang Linda.
"Hindi pa po ako nagugutom, Manang. Pakisabi kina mommy, at daddy, na mamaya na lang po ako kakain," sabi ko.
"Oh sige Senyorita, sasabihin ko," sagot naman nito at narinig ko na ang mga yapak nito papalayo.
Hindi dahil sa busog pa ako kaya ayaw ko kumain. Ayaw ko lang bumaba dahil ayaw ko na makita ng aking mga magulang na namumugto at namumula na ang mga mata ko sa kakaiyak.
Bumangon ako at umupo sa aking kama.
Napaiyak ako nang titigan ko ang sing-sing sa aking daliri. Napakaganda nito. Kumikinang ang pendant nito na brilyanting kulay pula.
Dahan-dahan ko itong hinubad sa aking daliri at inilagay sa isang kahon kasama ng mga card at litrato. Walang patid sa pagpatak ang mga luha ko habang isinasara ko ang kahon at inilagay sa ilalim ng aking kama.
"Mananatili ka na lang ba na alaala o may pagkakataon pa ba sa huli," malungkot na sambit ko habang unti-unti kong tinatago ang kahon.
Mahal na mahal kita Kenny, ngunit kailangan ko na sundin muna ang mga magulang ko. Kasi nga baka tama sila hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa.
"Hindi ko man maintindihan sa ngayon kung bakit kailangan kong makipaghiwalay sa iyo. Sana dumating ang araw na kapag naintindihan ko na kung bakit ay nand'yan ka pa rin Kenny. Sana mapatawad mo ako," sabi ko at patuloy sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako.
END OF FLASHBACK
Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang pagpatak nang ulan sa aking mga braso. Isinukbit ko ang aking backpack bag sa magkabilang balikat ko at patakbo na pumunta sa waiting shade kung saan ako susunduin nang driver namin
Alexes POV Lumipas ang anim na buwan mula noong huli naming pagkikita ni Kenny. At sa loob nang anim na buwan na iyon ay halos araw-araw pumupunta ako sa secret garden pagkatapos nang aking klase. Wala akong ibang ginagawa kundi alalahanin at gunitain ang mga araw na magkasama pa kami noon ni Kenny. May pagkakataon pa na ginagawa ko nang mag-isa ang mga bagay na noon ay kaming dalawa ni Kenny ang gumagawa. Tulad na lamang nang pangunguha namin nang mga matataas na damo na tumutubo sa mga ligaw na bulaklak sa secret garden namin. "Gumaganda na ang tubo nang mga ligaw na bulaklak dito," ang sambit ko sa sarili habang masaya ko na pinagmasdan ang mga ibat-ibang uri nang mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak. Ang ganda nilang pagmasdan na palipat-lipat sa mga petals nang mga bulaklak. "Sana paru-paro na lang ako kasi ang simple lang nang mga buhay nila. Malaya silang mamili at dumapo sa mga bulaklak na gusto nila," sabi ng isipan ko. K
Alexes POV"Good morning Architect!" bati sa akin nang isang empleyado namin dito sa construction firm."Good morning din sa'yo!" masayang tugon ko dito at tuloy-tuloy ko nang tinungo ang aking opisina.Pagpasok ko sa loob ng opisina ko ay inilapag ko ang aking bag sa mesa ko at hinubad ang suot na jacket suite ko.Umupo ako sa aking swilling chair at inikot-ikot ito habang nakatingala sa kisami.Maya-maya ay kinuha ko ang blueprint na matagal ko nang ginawa. Tiningnan ko ito nang mabuti at siniyasat kung may dapat pa ba akong baguhin sa bawat anggulo o parte ng ipapatayong building."Halos perfect na lahat. Sigurado ako na napakaganda nito sa oras na maipatayo na ang building na ito," sambit ko.Ang kulang nalang ay ang Engineer na gagawa nito. May mga Engineer naman kami rito sa construction firm namin ngunit gusto ko ay iba ang nagawa ng building na ito. Kasi ipapatayo ko ito sa isang pinaka-memorable na lugar sa buhay ko.Y
Kenny POV"Mr. Mendoza, Sir someone posted on social media that she was looking an Engineer to build the building she was going to build and thought you were the right one there it to build," sabi sa akin nang aking sekretarya at ipinakita sa akin ang naka post sa social media.Tiningnan ko ang nakapost. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman nang makita ang post nito. Lungkot, saya, galit, poot at hinanakit ang nararamdaman ko. Lungkot at saya dahil kilala ko ang may-ari nang nag post sa social media. Galit, poot at hinanakit dahil nanumbalik sa akin ang pait at sakit na aking naramdaman noon.It is Alexes Sandria Viera, ang babaing kauna-unahang minahal ko at the same time siya rin ang babaing nagbigay nang sobrang pait at sakit sa buong buhay ko.Agad ko namang kinuha ang social media account nito at nag comment sa kaniyang post. Pagkatapos ay sinimulan ko na ang trabaho ko.Buong araw na subsob ako sa trabaho. Nakaupo na ako ngayon sa harap n
Alexes POVNasa huling bahagi na ako ng skitch plan ko para sa ginagawa ko na blueprint nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko."Aloha, magandang Pilipina!" sigaw nito at patakbo na pumunta at yumakap sa akin."Oy, Mitch, akala ko nasa Canada ka pa!" masaya ko na sabi."Oo nga, nang magka-usap pa tayo last day ay nasa Canada pa ako. Kakarating ko lang. Since daanan naman itong office mo pauwi sa bahay namin i decided na bisitahin ka. Kumusta ka na girl?" masaya nitong tanong."Ito si Alexes, pa rin," malungkot na sagot ko."And still si Kenny, pa rin!" makahulugang sabi nito.Tiningnan ko lang ito."Girl, sobra na sa isang decade ang nakaraan hindi mo pa rin siya ma-forget!" sabi nito at pinanlakihan ako nang mga mata."Bakit ka nandito. I mean bakit ka napauwi dito sa Pilipinas. Akala ko ba sabi mo doon ka na lang sa boyfriend mo na white skin!" nagtatampo ko na sabi."Asus huwag ka na
Kenny POV "Babalikan kita Alexes, at hindi mo makakalimutan habam-buhay ang paghihiganti ko!" sigaw ko nang maalala na ang lahat simula nang anim na taon na ang nakalipas. Na sa 3rd year college na ako noon sa aking kurso bilang Engineer nang mga oras na maalala ko ang nakaraan namin ni Alexes. Bumalik na ang aking alaala. Hindi ko alam kung papaano bumalik, basta nagising na lang ako isang umaga na iyak nang iyak na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Kasabay nang pagbalik ng mga alaala ko ay bumalik din sa aking puso at isipan ang sakit at pait nang nakaraan. "Bakit mo ginawa iyon Alexes. Hindi ba sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo rin ako pero bakit mo ako pinaniwala sa ipinakita mong pagmamahal na hindi naman pala totoo. Manggagamit ka. Hindi mo naisip kung ano ang mararamdaman ko. Sinungaling, manloloko. Humanda ka sa pagbabalik ko. Maghihiganti ako sa iyo!" galit ko pa rin na sabi sa aking isipan. Upang maisakatuparan
Kenny POVDahil sa ang dami kong iniisip at pagod sa biyahe ay nakatulog ako.Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Bumangon ako at pumunta ng kitchen upang maghanap nang pagkain. Nakita ko ang dalawang pack nang noodles."Ito na lang ang kakainin ko maganda ito kasi madali lang lutuin," sambit ko.Pagkaraan nang ilang minuto ay luto na ito at nagsimula na akong kumain.Matapos kumain ay bumalik na ako sa aking silid tulugan at ngayon ay nakahiga na ako sa aking kama.Habang nakahiga at gumuguni-guni ay nakatitig ako sa kawalan nang may naisipan akong plano to make my first move for my revenge.I dialed a number on my cellphone."Hello Bro. Kenny, napatawag ka," sagot nang sa kabilang linya."Yes , Bro Drieck, kumusta can I asked a favor?" bungad ko nang sagutin niya ang kabilang linya."Okay lang naman ako Bro, nakauwi ka na ba nang Pilipinas?" tanong nito."Oo Bro," sagot ko naman."It's goo
Alexes POV"Kring! Kring! Kring!" tunog ng aking cellphone.Naalimpungatan ako sa tunog nito. May tumatawag, kinuha ko ito at wala sa sariling sinagot ito."Hello," bungad ko."Good morning Baby, enjoy your day," sabi nang na sa kabilang linya.Nagtataka ako kung sino itong lalaking tumatawag sa akin dahil hindi ko kilala ang boses nito. Tiningnan ko ang numero na nakasulat sa screen. Wala akong matatandaan na may ganitong numero sa mga kaibigan o kakilala ko."Sino ho ba kayo? Nagkamali ka yata nang dialed number mo. Saka anong baby baby mo riyan hindi na ako bata pa para tawagin mo na baby!" inis kong sabi."Sino kaya ang lokong lalaking ito at ang numero ko ang napagtripang tawagan nito?" taka kong tanong sa sarili."Okay, kung ayaw mo nang baby, honey, na lang. Mas maganda at sweet hindi ba, honey!" pang-aasar pa na sabi nito sa akin."Aba! at ang lokong ito nang-aasar pa talaga!" pabulong kong sabi."An
Alexes POV "What! Daddy, no! I don't do that. Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko kilala at lalong ayaw kong matali at makasama sa taong hindi ko mahal!" masama ang loob kong sabi kay, Daddy. Nandito ako ngayon sa mansion namin at sinabi sa akin ni Daddy ang plano nito. Ang tungkol sa pagpapakasal (Arranged marriage) ko raw sa taong hindi ko kilala. "Nakapag-usap na kami nang kaibigan ko at may kasunduan na kami na ipapakasal namin kayo nang kanyang anak," mahinahong sabi ni Daddy. Masamang-masama ang loob ko dahil nakipagsundo ito sa kanyang kaibigan tungkol sa akin na hindi ko alam. Kasunduan na hindi man lamang inisip at isinaalang-alang ang damdamin ko. "No! Daddy, ayaw ko. Please! Dad, huwag n'yo po akong pilitin na magpakasal sa taong hindi ko kilala. Please... Daddy, hindi ako pumapayag!" may diin kong pagtanggi. "Iha, makinig ka, hindi kita pinipilit. Ginagawa ko ito para naman sa'yo ito. I am sure na maging masaya k
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.
Alexes POV "Oo nga pala Iha, bakit naging instant mommy ka? Sino ba ang ama ng mga apo kong ito?" tanong naman ni Daddy na ngayon ay nakahawak sa magkabilang kamay nito ang mga maliliit na daliri ng kambal. "Alam ko na hindi kayo makapaniwala na anak ko talaga sila. At ang kanilang ama ay si—" Tiningnan ko muna si Zion. Nakita ko ang kalungkutan nito sa mga mata n'ya ngunit nakangiti ito sa akin. "Zion," sabi ko at lumipat ang tingin ko kay Kenny. Nakita kong nalukot ang mukha ni Kenny nang sambitin ko ang pangalan ni Zion. Akala siguro nito si Zion na ang ama ng mga kambal dahil Zion ang sinambit kong pangalan. "Teka lang hindi pa ako tapos magsalita." sabi ko saka lumapit nang bahagya kay Zion. "Zion, I'm sorry. Alam ko na gusto mong maging ama sa kanila pero hindi natin mababago ang katotohanan na si Kenny ang kanilang ama," sabi ko. "Ako! Talaga, yes! Totoo ba ang narinig ko, ako ang kanilang ama
Alexes POV "Zion, sino ang—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kung sino ang kumakatok sa pinto ng silid ko sa hospital. "Kenny!" sambit ko kasabay ng kan'yang pag sambit ng "Babyhoney." Hindi ako makapaniwala nang baksan ni Zion ang pinto ay bumungad ang kani-kanina lang na pinag-uusapan naming si Kenny. Nagtataka ako kung papaano siya nakapunta rito at papaano niya nalaman na nandito ako. Tulala ako na nakatitig lang kay Kenny. Gusto kong tumakbo papunta sa kan'ya pero hindi ko magawa dahil iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat. Nakita ko itong dahan-dahang lumalakad papunta sa akin. Habang papunta ito sa akin ay ang lakas-lakas nang kaba ng dibdib ko. Ang bilis nang tibok ng puso ko. "Oh em ji! Hindi na ito panaginip! Totoong nangyayari na ba ito?" tanong ko sa sarili. Naramdaman ko na lang na nakayakap na ako sa kan'ya. Nakatingin ito nang diretso sa mga ma
Kenny POV Nandito na ako ngayon sa labas ng isang silid na sinabi ng Nurse kung saan ang silid ni Alexes. Halos hindi ko maiangat ang aking mga kamay upang kumatok sa pinto ng room 101. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Ano ang gagawin ko? 'Di ko alam kung ano ang magiging reactions ko kapag nakaharap ko na si Alexes. Siguro... A. iiyak B. magmamakaawa na ako nalang ulit kahit sila na ni Zion. C. luluhod at hihingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko. D. magagalit pero 'di ko alam ang dahilan kung bakit ako magagalit. Kung alin man dito sa mga naisip ko ay bahala na. "Tok! Tok! Tok!" katok ko sa pintuan at bumukas naman ito. Nagulantang ako nang may nag-iiyakan at may nakita akong isang babae na nakahiga sa isang strecher bed na parang wala ng buhay at may nakapalibot na kapwa umiiyak. "Yes po, sino po kayo?" tanong sa akin ng isang binatilyo. "Oppss! I'm sorry, wrong d