Kenny POV
"Babalikan kita Alexes, at hindi mo makakalimutan habam-buhay ang paghihiganti ko!" sigaw ko nang maalala na ang lahat simula nang anim na taon na ang nakalipas.
Na sa 3rd year college na ako noon sa aking kurso bilang Engineer nang mga oras na maalala ko ang nakaraan namin ni Alexes.
Bumalik na ang aking alaala. Hindi ko alam kung papaano bumalik, basta nagising na lang ako isang umaga na iyak nang iyak na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
Kasabay nang pagbalik ng mga alaala ko ay bumalik din sa aking puso at isipan ang sakit at pait nang nakaraan.
"Bakit mo ginawa iyon Alexes. Hindi ba sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo rin ako pero bakit mo ako pinaniwala sa ipinakita mong pagmamahal na hindi naman pala totoo. Manggagamit ka. Hindi mo naisip kung ano ang mararamdaman ko. Sinungaling, manloloko. Humanda ka sa pagbabalik ko. Maghihiganti ako sa iyo!" galit ko pa rin na sabi sa aking isipan.
Upang maisakatuparan ko ang aking mga plano na paghigantihan si Alexes ay nag-aral ako nang mabuti. Pinangarap ko na maging isang sikat na Engineer upang sa gano'n ay madali kong isakatuparan ang mga gusto kong gawin na paghihiganti.
Wala akong sinayang na oras at panahon. Nagpursige ako sa pag-aaral.
Paaralan at bahay lang ang ginagawa ko. Sa tuwing weekend ay pumupunta ang mga kaibigan ko sa bahay namin upang dito kami mag-bonding. Hindi na ako lumalabas para maka-iwas sa disgrasya at iwas na rin sa mapabarkada.
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon na wala akong ibang iniintindi kundi ang mag-aral nang mag-aral.
"Congratulations Son, sa wakas natapos mo na rin ang kurso mo. We are so proud of you for being graduated as Magna-Comlaude!" masayang bati sa akin ni Mommy.
Noong una ay nahihirapan ako sa pag-aaral ko dahil wala akong maalala kahit ano. Pero nagpatuloy ako sa pag-aaral hanggang sa nakaalala na ako. Tatlong taon mula ng makaalala ako ay nakapaggraduate na ako bilang isang Cevil Engineer.
"Thank you so much Mommy, sa inyo ni Ate hindi kayo nagsawa na alalayan ako sa mga panahon at oras na wala akong maalala. Maraming salamat sa suporta," sabi ko.
After graduation ay nagtrabaho ako kaagad sa kompanya na pagmamay-ari ng Daddy ko. Sa loob nang mahigit dalawang taon na pagtatrabaho ko sa kompanya ay pinaunlad ko ito. Naging top grossing company ito sa loob nang isang taon na pamamalakad ko. At nanatili itong numero uno sa kasalukuyang panahon.
"Dad, can i have a favor?" hiling ko kay Daddy.
Magkasama kami ngayong kumakain sa loob ng kan'yang Executive Office.
"Since na bago pa lang ang Company natin sa Pilipinas gusto ko ako ang magpatakbo roon kung papayag kayo," sabi ko.
"Oh sige iho, alam ko naman na gustong gusto mo nang umuwi nang Pilipinas papayag ako. Malaki ang tiwala ko na mapapaunlad at mapapalawak mo ang ating kompanya roon," sabi ni Daddy.
"Yes, thank you, Dad," sabI ko.
Masaya ako na pumayag si Daddy sa gusto ko dahil mas madali ko na maisakatuparan ang mga plano ko.
Limang taon na nawala ang aking alaala.
Limang taon na paulit-ulit kong pilit inaalala kung bakit ako nakakaramdam nang sobrang lungkot at sakit sa tuwing hinahawakan ko ang panyong kulay pink na itinago ko.
At ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang sakit anim na taon na ang nakaraan simula nang maalala ko si Alexes.
Nanatili pa rin ang sakit na dulot nang kaniyang pakikipaghiwalay sa akin noon halos sobra na sa isang decada ang nakaraan.
FASTFORWARD
"Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko," sabi ko sa isipan na may mga ngiti sa labi habang nakahiga sa aking kama.
Nandito na ako sa isang condo unit ko sa Pilipinas. Kakarating ko lang at kasalukuyang tinititigan ang cellphone ko.
"Ah, nagtatrabaho ka na rin pala," sambit ko habang binabasa ang bio nang babaing pakay ko na gawing exciting ang kanyang buhay.
"Architect Alexes Sandia Viera, hindi ka pa rin nagbabago," wala sa sarili na bulong ko.
"May boyfriend na kaya siya. Siguro naman wala kasi naka single pa ang status niya. Single, mas mabuti walang sasagabal sa mga plano ko," nangingiting sabi ko sa sarili.
Natatawa ako sa sarili ko kasi para na akong nababaliw sa mga naiisip ko. Sarili kong tanong, sarili ko rin na sagot.
"Sinaktan mo ako noon, magdudurusa ka ngayon Alexes, baby ko," sabi ko habang napangiti naman nang mapait.
Walang kasing sakit ang nadarama ko dahil sa mga isipin na bumabalik-balik sa isipan ko.
Hangad ko na makita ang kanyang pag-iyak at pagmamakaawa sa harapan ko. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sobrang sakit na madarama kapag ikaw ay niloko at pinaasa. Pero bakit sa kabila nang lahat nang ito ay hindi ko mawaglit sa aking isipan ang mga masasayang nakaraan namin.
Galit ako sa kan'ya pero bakit gusto ko siya na mayakap at makasama. Hindi tama, mali itong nararamdaman ko na gusto ko pa siyang makita, maling-mali. Hinding-hindi na ako papayag pa na mahuhulog pa akong muli sa iyo kahit kailan man Alexes. At nakabuo na ako nang plano kung papaano ko sisimulan ang paghihiganti ko.
Napangiti akong muli nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni Alexes bilang ako ay si Mr. Hurtman.
Pinalitan ko nang Mr. Hurtman ang aking pangalan sa aking social media account upang sa ganoon ay hindi ako makilala ni Alexes. At dito ko sisimulan ang paghihiganti ko.
Si Mr. Hurtman ang makikilala nito at hindi ako. Ang lalaking nasaktan noon at ang lalaking mananakit ngayon.
Hindi biro ang sakit na nadarama ko noon na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin sa aking puso. Sakit na halos ikadurog ng puso ko at sanhi pa ito nang pagkalagay ng buhay ko sa alanganin at pagkawala ng alaala ko.
At ngayong ako naman ang may pagkakataon na ibalik sa kanya ang lahat nang sakit na dinanas ko noon ay gagawin ko ito sa paraan na hindi niya namamalayan a ito naman ang mahuhulog sa mga bitag ko.
Sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ito ay ako naman ang mananalo sa laro na sinimulan niya noon.
Nakikita ko na ngayon pa lang ay sigurado akong iiyak ito sa aking harapan.
Kenny POVDahil sa ang dami kong iniisip at pagod sa biyahe ay nakatulog ako.Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Bumangon ako at pumunta ng kitchen upang maghanap nang pagkain. Nakita ko ang dalawang pack nang noodles."Ito na lang ang kakainin ko maganda ito kasi madali lang lutuin," sambit ko.Pagkaraan nang ilang minuto ay luto na ito at nagsimula na akong kumain.Matapos kumain ay bumalik na ako sa aking silid tulugan at ngayon ay nakahiga na ako sa aking kama.Habang nakahiga at gumuguni-guni ay nakatitig ako sa kawalan nang may naisipan akong plano to make my first move for my revenge.I dialed a number on my cellphone."Hello Bro. Kenny, napatawag ka," sagot nang sa kabilang linya."Yes , Bro Drieck, kumusta can I asked a favor?" bungad ko nang sagutin niya ang kabilang linya."Okay lang naman ako Bro, nakauwi ka na ba nang Pilipinas?" tanong nito."Oo Bro," sagot ko naman."It's goo
Alexes POV"Kring! Kring! Kring!" tunog ng aking cellphone.Naalimpungatan ako sa tunog nito. May tumatawag, kinuha ko ito at wala sa sariling sinagot ito."Hello," bungad ko."Good morning Baby, enjoy your day," sabi nang na sa kabilang linya.Nagtataka ako kung sino itong lalaking tumatawag sa akin dahil hindi ko kilala ang boses nito. Tiningnan ko ang numero na nakasulat sa screen. Wala akong matatandaan na may ganitong numero sa mga kaibigan o kakilala ko."Sino ho ba kayo? Nagkamali ka yata nang dialed number mo. Saka anong baby baby mo riyan hindi na ako bata pa para tawagin mo na baby!" inis kong sabi."Sino kaya ang lokong lalaking ito at ang numero ko ang napagtripang tawagan nito?" taka kong tanong sa sarili."Okay, kung ayaw mo nang baby, honey, na lang. Mas maganda at sweet hindi ba, honey!" pang-aasar pa na sabi nito sa akin."Aba! at ang lokong ito nang-aasar pa talaga!" pabulong kong sabi."An
Alexes POV "What! Daddy, no! I don't do that. Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko kilala at lalong ayaw kong matali at makasama sa taong hindi ko mahal!" masama ang loob kong sabi kay, Daddy. Nandito ako ngayon sa mansion namin at sinabi sa akin ni Daddy ang plano nito. Ang tungkol sa pagpapakasal (Arranged marriage) ko raw sa taong hindi ko kilala. "Nakapag-usap na kami nang kaibigan ko at may kasunduan na kami na ipapakasal namin kayo nang kanyang anak," mahinahong sabi ni Daddy. Masamang-masama ang loob ko dahil nakipagsundo ito sa kanyang kaibigan tungkol sa akin na hindi ko alam. Kasunduan na hindi man lamang inisip at isinaalang-alang ang damdamin ko. "No! Daddy, ayaw ko. Please! Dad, huwag n'yo po akong pilitin na magpakasal sa taong hindi ko kilala. Please... Daddy, hindi ako pumapayag!" may diin kong pagtanggi. "Iha, makinig ka, hindi kita pinipilit. Ginagawa ko ito para naman sa'yo ito. I am sure na maging masaya k
Alexes POVNandito ako ngayon sa construction firm namin.Hindi muna ako pupunta sa mga construction site projects ko dahil, dito muna ako sa office ko magtatrabaho.Ang daming kailangan kong gawin sa office kasi mga ilang araw na rin na hindi ako nakapasok, busy ako sa pag-aasikaso ng ipinapatayo kong building.Gusto ko kasi na ako mismo ang magsubaybay ng development ng dream house namin... natigilan ako nang maalala na... ayy...dream house ko na lang pala ngayon.Naramdaman ko na lang na may mga namuong butil nang luha sa aking mga mata nang maalala ko ang mga nakaraan namin ni Kenny.The pain is still there and remain. Ang guilt ay nandito pa rin sa puso ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang taong mahal na mahal ko.Itiningala ko na lang ang ulo ko at tumingin sa taas upang sa gano'n ay hindi pumatak ang mga luha ko sabay hinga nang malalim at kinalma ang aking sarili.Ayaw ko na kasi alalahanin ang lahat.Gusto ko nan
Kenny POV "Hmm, ang laki rin pala ng construction firm nila saka infairnes maganda ang design ng building pang world class ang dating. Kung sino man ang Architect nito ay isa siyang napakagaling na Architect. Hindi na masama, malaki na ang maitutulong nito sa construction firm namin at sa kompanya," sabi ko habang tinitingnan ang kabuuan nang building. "Viera Construction Firm and Company," basa ko sa kanilang billboard. Mas maganda sana kung lalagyan nang Mendoza, Mendoza-Viera Construction Firm Inc. Napangiti ako sa mga naisip ko ngunit agad din itong napawi nang maalala ko kung bakit ako nandito ngayon sa Viera Construction Firm. Dumeritso na ako sa opisina ng CEO at may-ari ng Construction firm na ito. "Good morning Sir, Engineer Mendoza," bati sa akin nang isang babae na sa palagay ko ay Secretary ito ni, Mr. Viera. "Good morning too, Miss Beautiful, si Mr. Viera, nandito ba?" tanong ko dito. "Yes! Sir, Please come with me.
Alexes POV "Na saan ba si Engineer Mr. Hurtman, bakit iniba ang paggawa nang terraces place ng building. Bakit hindi sinunod ang blueprints ko. Hindi ba sabi ko is kalahati lang sa sukat ng buong building ang sukat nito, bakit ito isinunod sa laki ng building!" galit na galit kong sabi sa isang foreman. Sino ba naman ang hindi magagalit na ang mga plano mo na pinagpuyatan at pinaghirapang isipin upang gawing maganda ang gawa mo ay bigla nalang hindi sundin at ibahin. "Ma'am, sorry po iyan kasi ang sabi ni, Engineer Mr. Hurtman. Mahirap na po itong ulitin kasi kapag ipapaulit n'yo po, buong pundasyon nito sa ibaba ang apektado!" paliwanag nito. Galit na galit ko na kinuha ang cellphone ko and I'll dialed a number of Mr. Hurtman. "Mr. Hurtman, bakit n'yo iniba ang design at skitchplan ko. Bakit hindi nasunod ang sukat nang isang part ng building lalo na ang nasa teracce. Hindi ba sabi ko dapat kung ano ang nasa blueprint ko ay iyon ang masusunod
Kenny POV (Now Playing: Malayo ka man by, Jhay) Narinig ko ang pagtunog ng ringtone ng cellphone ko. Nagsisipilyo ako sa lababo nang tumunog ito. Dinukot ko ito sa bulsa ng jeans ko at pinindot ang answer key box, ngunit hindi ako makapagsalita dahil na sa bunganga ko pa ang toothbrush. Tiningnan ko ang screen kung sino ang tumatawag. It's Alexes. Inaasahan ko na ang gawing pagtawag nito sa akin. "Ah! 'yon... sa wakas napansin mo rin," sambit ko sa sarili habang nakangiti. Galit na galit itong nagsasalita at natatawa na lamang ako habang nakikinig sa kanyang mga sinasabi mula sa kabilang linya ng telepono. Aray! ang sakit sa tainga nang boses n'ya kapag galit pero bakit ang cute nang dating nito sa akin Magsasalita na sana ako ng bigla n'ya nalang pinutol ang tawag. Napabuntung-hininga na lamang ako at tinapos ko na ang pagsisipilyo. Sinimulan ko na ang aking morning routine. Pagkatapos kong mali
Alexes POV Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko sa mansion namin nakahiga. Dito ako dumiretso nang umuwi ako galing sa construction site kanina dahil gusto ko na may makausap ako. Gusto ko may mapagsabihan ako nang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko mayakap ang mga magulang ko para humugot at kumuha nang lakas ng loob. Gusto ko at kailangan ko na may masasandalan ako ngayon. May mapagsabihan nang sama ng loob. Pero pagdating ko wala sila. Wala ang mga magulang ko. Na sa out of town daw sila at mga 3 days pa makakabalik ang mga ito sabi sa akin ni Manang Linda ang mayordoma namin dito sa mansion. Tinatawagan ko naman si Mitch pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Busy na iyon siguro sa boyfriend niya... eh di sana all na lang kay Mitch. Naiinis akong isipin na kung saan pa iyong kailangan ko nang kausap wala siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami ni Kenny. Dapat mas
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.
Alexes POV "Oo nga pala Iha, bakit naging instant mommy ka? Sino ba ang ama ng mga apo kong ito?" tanong naman ni Daddy na ngayon ay nakahawak sa magkabilang kamay nito ang mga maliliit na daliri ng kambal. "Alam ko na hindi kayo makapaniwala na anak ko talaga sila. At ang kanilang ama ay si—" Tiningnan ko muna si Zion. Nakita ko ang kalungkutan nito sa mga mata n'ya ngunit nakangiti ito sa akin. "Zion," sabi ko at lumipat ang tingin ko kay Kenny. Nakita kong nalukot ang mukha ni Kenny nang sambitin ko ang pangalan ni Zion. Akala siguro nito si Zion na ang ama ng mga kambal dahil Zion ang sinambit kong pangalan. "Teka lang hindi pa ako tapos magsalita." sabi ko saka lumapit nang bahagya kay Zion. "Zion, I'm sorry. Alam ko na gusto mong maging ama sa kanila pero hindi natin mababago ang katotohanan na si Kenny ang kanilang ama," sabi ko. "Ako! Talaga, yes! Totoo ba ang narinig ko, ako ang kanilang ama
Alexes POV "Zion, sino ang—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kung sino ang kumakatok sa pinto ng silid ko sa hospital. "Kenny!" sambit ko kasabay ng kan'yang pag sambit ng "Babyhoney." Hindi ako makapaniwala nang baksan ni Zion ang pinto ay bumungad ang kani-kanina lang na pinag-uusapan naming si Kenny. Nagtataka ako kung papaano siya nakapunta rito at papaano niya nalaman na nandito ako. Tulala ako na nakatitig lang kay Kenny. Gusto kong tumakbo papunta sa kan'ya pero hindi ko magawa dahil iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat. Nakita ko itong dahan-dahang lumalakad papunta sa akin. Habang papunta ito sa akin ay ang lakas-lakas nang kaba ng dibdib ko. Ang bilis nang tibok ng puso ko. "Oh em ji! Hindi na ito panaginip! Totoong nangyayari na ba ito?" tanong ko sa sarili. Naramdaman ko na lang na nakayakap na ako sa kan'ya. Nakatingin ito nang diretso sa mga ma
Kenny POV Nandito na ako ngayon sa labas ng isang silid na sinabi ng Nurse kung saan ang silid ni Alexes. Halos hindi ko maiangat ang aking mga kamay upang kumatok sa pinto ng room 101. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Ano ang gagawin ko? 'Di ko alam kung ano ang magiging reactions ko kapag nakaharap ko na si Alexes. Siguro... A. iiyak B. magmamakaawa na ako nalang ulit kahit sila na ni Zion. C. luluhod at hihingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko. D. magagalit pero 'di ko alam ang dahilan kung bakit ako magagalit. Kung alin man dito sa mga naisip ko ay bahala na. "Tok! Tok! Tok!" katok ko sa pintuan at bumukas naman ito. Nagulantang ako nang may nag-iiyakan at may nakita akong isang babae na nakahiga sa isang strecher bed na parang wala ng buhay at may nakapalibot na kapwa umiiyak. "Yes po, sino po kayo?" tanong sa akin ng isang binatilyo. "Oppss! I'm sorry, wrong d