Kinabukasan, maagang gumising si Tyrone para ipagluto ang mga anak niya ng breakfast. Nakanotes na sa selpon niya ang mo mga pagkain na gusto ng mga bata. Nang magising din si Czarina ay nagtungo siya kaagad ng kusina ng maamoy niya ang masarap na aroma ng mga pagkain na niluluto. "Ang aga mo yatang nagising saka bakit ikaw ang nagluluto ng mga pagkain?" Tanong ni Czarina saka siya nanguha ng tubig para uminom. "Gusto ko lang iluto ang mga pagkain na gustong kainin ng mga anak natin. Limit lang ang mga pagkain na kinakain nila noong nasa Los Angeles pa sila at ngayong nandito na sila ibibigay ko sa kanila ang mga gusto nila." Sagot ni Tyrone nang hindi nililingon si Czarina dahil nakafocus ito sa niluluto niya. "But don't spoil them,""I am not, naiinis lang ako kapag naiisip kong pinagdamutan sila kaya hangga't kaya kong ibigay ang mga bagay na hindi nila naranasan, ibibigay ko." Aniya. Hindi na lang umangal pa si Czarina at hinayaan na lang si Tyrone sa ginagawa niya. "Ma'am Cz
Nakangiting nakatingin si Tyrone sa mag-iina na masayang naglalaro sa sala habang nakaupo siya sa sofa. Napapailing na lang sa kaniya ang mga kaibigan niya. Ngayon lang nila nakita na ngumiti si Tyrone na abot hanggang tenga. "Are you in love now? Sa mga bata ka lang ba talaga natutuwa o pati sa nanay na?" Nang-aasar na namang saad ni Aries. "She's the mother of my kids, normal lang naman na mahalin ko rin siya hindi ba?" "Ayun!" Malakas na wika ni Aries na may tinig ng pang-aasar. Natatawa na lang din si Matthew. Mukhang tinamaan na ng pag-ibig ang kaibigan nila. Maraming taon din ang lumipas bago ulit ito nagmahal. Napapailing at natatawa na lang din si Tyrone. Hindi niya naman itatanggi kung ano ng nararamdaman niya. Hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Czarina pero dahil ito ang ina ng mga anak niya hindi naman siguro mahirap na mas mahalin pa niya ito. "Ibig bang sabihin niyan wala ng kwenta ang kasunduan niyong dalawa na maghihiwalay din kapag nakuh
Tirik na tirik na ang araw pero nakahiga pa rin si Czarina. Sa kwarto na siya ni Tyrone natulog kagabi pagkatapos nilang gumawa ng milagro sa veranda. Mariing ipinikit ni Czarina ang mga mata niya sa tuwing naaalala niya kung gaano rin siya ka-wild at ka-active sa kama kagabi. Kanina pa bumangon si Tyrone at nakailang balik na ito sa kwarto para tingnan kung gising na ba si Czarina pero nagpapanggap na tulog ito dahil nahihiya si Czarina na harapin si Tyrone. Nakatatlong rounds lang naman sila at tila ba wala silang kapaguran na gawin ang bagay na yun. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Czarina. "Hi, good morning," gulat na tiningnan ni Czarina si Tyrone na hindi niya namalayan na nakapasok na pala. Nakangiting umupo si Tyrone sa gilid ng kama. "Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong niya, iniwas lang naman ni Czarina ang paningin niya saka siya umupo. Wala naman na siyang magagawa kundi ang bumangon dahil nahuli na siya ni Tyrone na gising. "How's your sleep? Mas
Nanatili ng ilang oras si Czarina sa bahay ni Mila. Tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ng kama nito. Iniisip kung anong nangyari sa katulong nila at kung bakit putol ang dila nito. Akala niya ay kusang umalis ang katulong nila pero hindi nila alam na may nangyari na pala rito ng hindi man lang nila alam."I am so sorry yaya, wala man lang kaming nagawa for you but I promise you. Hahanapin ko ang taong gumawa nito sayo at aalamin ko kung bakit nila kailangang putulin ang dila mo." Aniya. Nakatingin sa kaniya si Mila, gusto nitong magsalita pero walang maintindihan si Czarina dahil puro lang ito 'aahh'. Nagpaalam na si Czarina sa katulong nila makalipas ang ilang oras. Nang makalabas ng bahay si Czarina ay tumulo ang mga luha ni Mila dahil wala man lang siyang magawa para sabihin kay Czarina ang mga nalalaman niya. "Idala niyo siya sa hospital at ako na ang bahala sa lahat ng magagastos niya. Hospital bills and medicines. Siya lang ang nakakaalam kung anong nangyari sa
"Ano bang ginagawa mo? Sinabi ko namang uuwi na ako." Inis na inalis ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya. "Gusto mo pa rin bang magdrive pagkatapos ng muntik mangyari sayo? Ihahatid na kita. Ipapahatid ko na lang sa iba ang sasakyan mo.""I can drive," makulit pa ring saad ni Czarina. "Ihahatid na kita. Huwag kang makulit dahil konsensya ko pa kapag may nangyari sayo." Sapilitan nang isinakay ni Owen si Czarina sa sasakyan niya. Hindi na lang nagpumiglas si Czarina. Nakapark ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at naiwan din ang susi nito sa loob. Nag-utos naman kaagad si Owen ng tao para kunin ang sasakyan ni Czarina. Tahimik lang si Czarina habang nasa byahe sila. Nililingon naman siya paminsan-minsan ni Owen. "Saan ka ba talaga galing? Natutulog ka ba habang nagdadrive?" Pangbabasag ni Owen sa katahimikan nilang dalawa. "Hindi, hinahanap ko lang yung cellphone ko sa bag ko." Tipid niyang sagot."Mabuti naman at nagawa mo pang kabigin an
Papasok na sana si Czarina ng kompanya ng makita niya si Owen na papalabas. Hinintay na muna ni Czarina na makaalis si Tyrone. Nang masiguro niyang nakalayo na ito ay saka niya sinundan si Owen. Pumasok ito sa coffee shop na katabi lang ng kompanya. Hindi man lang siya nakapagpasalamat ng maayos kagabi. Nakapagpasalamat man siya pero tulala pa siya. Nakapila na sa counter si Owen. "One hot coffee please, ako na rin magbabayad ng order niya." Pagtutukoy niya kay Owen. Nilingon naman siya ni Owen. Nang magsalubong ang mga mata nila ay nginitian siya ni Czarina. "Alam kong kulang pa yan para pasalamatan ka. Pasensya ka na kagabi. Marami lang akong iniisip. Salamat nga pala." Anas niya. "Gusto mong bumawi?" Tanong ni Owen na ikinatango naman ni Czarina. Bahagya na lang na natawa si Owen. "Kung sasabihin ko ba sayo kung paano ka makakabawi, ibibigay mo ba?" Kunot noong nilingon ni Czarina si Owen. Iniisip kung ano bang gustong hilingin ni Owen sa kaniya. Tumawa na lang si Czarina dahil
Nang makarating si Czarina sa hospital ay nandun si Natalia at Natalie. Kausap ang doctor. Hingal na hingal pa si Czarina sa kakamadali na makarating sa kwarto ng kaniyang ama. "Kailangan niyong ipainom sa kaniya ang mga gamot niya sa tamang oras. Mabuti na lamang at hindi malala ang pagkakauntog ng ulo niya kaya wala tayong masyadong alalahanin. Maayos din naman anh result ng x-ray niya." Wika ng doctor. Nakahinga naman ng maluwag si Natalia dahil sa pag-aakalang napuruhan si Mateo. Kung mamamatay man si Mateo kailangan sa malinis na paraan. Gagamitin niya ang sakit ni Mateo at gusto niyang mamatay si Mateo dahil sa sakit nito. "I'm glad to hear that doc, thank you so much." Ani ni Natalia. "Posible bang magising siya ngayong gabi doc? Paano nangyaring nawalan siya ng malay? He's not stress, he's healthy too at malakas naman siya." Singit ni Czarina dahil masyado siyang nagtataka kung bakit biglang nanghina ang kaniyang ama. Nakikita niya naman na unti-unting nakakabawi ang katawa
Abalang kumakain sa pantry si Tyrone nang lapitan siya ni Owen na may dala ring pagkain. Silang dalawa lang ang laman ng pantry dahil hiwalay ang pantry at canteen ng mga empleyado. Patuloy pa ring kumakain si Tyrone at hindi tiningnan si Owen na naupo na sa harapan niya. "Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang tayo na nandito. Marami namang available table diyan. We're not close para sumabay ka sa akin na kumain." Blangkong wika ni Tyrone. Ngumisi lang naman si Owen sa kaniya. "You're still mad at me?""Kalaban ang tingin mo sa akin. Ano sa tingin mo ang gusto mong isipin ko? Do you want us to pretend to be close for a while? Walang tao rito kundi tayong dalawa lang for you to do that." Masungit pa ring wika ni Tyrone. Bahagya namang natawa si Owen kaya kunot noo siyang tiningnan ni Tyrone. Ano bang nakakatawa? May tama ba ngayon sa ulo ang pinsan niya? Dalawa lang silang magpinsan pero kalaban pa ang tingin nila sa isa't isa ng dahil lang sa kompanya. "You're lucky to have a wife like
“I’m okay, Tita.” Magalang niyang sagot. Tipid lang namang ngumiti si Amelia.“Nasabi sa amin ni Papa na buntis ka raw at sa mansion ka na rin nakatira. Pasensya ka na kung ngayon lang ulit tayo nagkita. Kagabi lang din kasi kami umuwi from New York.”“No, it’s okay Tita. Alam ko naman po na busy kayo kaya naiintindihan ko. Ang mahalaga po ay nandito kayo at makakasama namin sa special day namin ni Owen.” Tumango na lang si Amelia pero tila ba nagdadalawang isip na kung ipapakasal pa ba niya ang anak niya lalo na at nagwala ito kagabi sa harap nilang mag-asawa dahil ipinagkasundo nila ito kay Natalie.“This is my gift for you, binili ko pa yan sa Europe.” Ibinigay ni Amelia ang isang box. Binuksan naman kaagad ni Natalie ito dahil excited na siyang malaman kung anong laman ng box. Napangiti na lang siya ng makita niyang napakagandang bracelet ang regalo sa kaniya.“This is so beautiful, Tita. Thank you,” ngiti niyang saad. Tumango lang naman si Amelia.“Kapag nagsama na kayo ni Owen s
Nasa pool area si Natalie at umiinom ng wine. Nakita naman yun ni Czarina kaya nilapitan niya ito. Nakabikini lang si Natalie at nag-eenjoy mag-isa sa pool habang may iniinom na wine at may kinakain na mga pagkain.Naupo si Czarina sa isang bench habang nasa tubig ang tingin niya.“Sabi mo buntis ka. Hindi mo ba alam na bawal sa buntis ang alak? Hindi lang din basta wine ang iniinom mo. Hindi mo ba binabasa kung ilang percent ang alcohol niyan?” wika niya. Tiningnan ni Natalie ang bote ng alak saka niya tiningnan ang alcohol percent nito. Binitiwan niya ang wineglass na hawak niya.“Hindi ko nakita,” sagot niya. Ngumisi lang naman si Czarina.“Nabasa mo man o hindi sa tingin mo makakabuti sa baby mo ang pag-inom mo ng alak? Kung ayaw mong mawalan ng panlaban kay Owen ingatan mo ang baby mo dahil kapag nawala sa sinapupunan mo ang baby mo, may dahilan na siyang hindi ka pakasalan. Alam naman nating ayaw ka niyang pakasalan.” Walang prenong saad ni Czarina kaya inis siyang nilingon ni N
Nang makita naman ni Tyrone kung sino ang kasama ng asawa niya ay mabilis niyang nilapitan ang mga ito. Seryoso niyang tiningnan ni Owen.“What are you doing here?” masungit na naman na tanong ni Tyrone kay Owen. Hindi tiningnan ni Owen si Tyrone.“Nagkwekwentuhan lang pero inabala mo.” Tila pang-aasar na naman ni Owen. Malaki naman ang tiwala ni Tyrone kay Czarina kaya sigurado siyang si Owen na naman ang lumapit sa asawa niya.“Hindi mo ba talaga lalayuan ang pamilya ko?” ani ni Tyrone. Kunot noo namang tiningnan ni Owen si Tyrone.“Are you stupid? Alam mo naman na nasa iisang mansion tayo. Hindi natin maiiwasan na magkasalubong ang mga landas natin. Kung gusto mo naman magpagawa ka ng sarili niyong pool dito kung ayaw mong nagtatagpo ang landas namin ng asawa mo. Wala rin akong masamang ginagawa sa kanila. Magalit ka sa akin kung meron. Ayaw ko sayo pero hindi ibig sabihin nun ay dapat ko na ring ayawan ang pamilya mo. Kung madali lang sanang agawin sayo si Czarina eh, ginawa ko na
Naghire ng tao si Mateo para bantayan ang bawat kilos ni Doc Santos. Gusto niyang malaman kung may ugnayan ba sila ni Natalia, kung may kinalaman din ba ito sa mga gamot na ipinapainom ni Natalia sa kaniya. Gusto niya na rin ibigay ang payapa at tahimik na buhay kay Czarina lalo na at may sarili na itong pamilya pero paano niya yun magagawa kung hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ang mag-ina niya kay Czarina?Hinilot ni Mateo ang sintido niya. Nang biglang bumukas ang pintuan ng office niya ay tiningnan niya kung sino ang pumasok. Iniwas niya rin naman kaagad ang paningin niya ng makita niyang si Natalia.“Next week na ang kasal ng anak natin, wala ka pa rin bang gagawin? Hindi mo man lang siya tinutulungan para hindi siya mapagod. Alam mo namang buntis siya, paano kung may mangyari sa baby niya? Masyado kang unfair, Mateo. Noong si Czarina ang ikinasal palihim mo siyang tinutulungan pero kay Natalie wala ka man lang ginagawa para sa kaniya? Baka naman hanggang ngayon wala ka pang na
“Owen,” tila gulat pang tawag ni Czarina kay Owen nang dumaan ito sa harap niya.“What?” tila masungit na sagot ni Owen. Hindi alam ni Czarina kung guni-guni niya lang ba yun lalo na at hindi naman pangit ang pakikitungo ni Owen sa kaniya.“May nangyari ba talaga sa inyo ni Natalie?” kuryoso niyang tanong. Alam niyang out of the line na ang tanong niya pero gusto niyang tulungan si Owen na matakasan ang kasal. Tumaas ang isang kilay ni Owen dahil sa tanong ni Czarina.“Anong klaseng tanong ba yan Czarina? Sa tingin mo ba nandito ang kapatid mo kung wala? Yun naman ang ginagawa niyang panakot sa akin eh. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niyong ipagsiksikan ang mga sarili niyo sa mga lalaki eh.” Bakas ang inis sa tinig ni Owen. Siguradong galit si Owen base pa lang sa tono niya at mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Are you mad at me too?” kunot noong tanong ni Czarina.“Si Natalie sana ang asawa ni Tyrone ngayon pero dahil sumingit ka, ako ang pinagdidiskitahan ng k
Habang busy si Natalie sa paghahanda niya sa kasal nila ni Owen ay sinamantala naman ni Czarina na pumasok sa kwarto nito. Pinakuhanap niya ang duplicate na susi ng kwarto lalo na at mansion naman ng mga Fuentes ang tinutuluyan nila. Minsan pang tiningnan ni Czarina ang paligid niya kung nandyan ba si Natalie pero wala naman kaya pumasok na siya sa loob.Nagsimula siyang maghanap ng posibleng patunay sa pagpapanggap ni Natalie na buntis pero kung sakali mang buntis nga ito wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na habang buhay ng nakadikit sa buhay niya si Natalie.Binuklat niya ang lahat ng mga drawer ni Natalie. Nang makita niya ang isang envelope ay binuksan niya ito at nakalagay dun ang isang ultrasound. Kitang-kita ni Czarina ang maliit pang fetus sa picture. Tiningnan niya rin ang pangalan at nakapangalan ito kay Natalie.“Is she really pregnant?” nagtataka pa ring usal ni Czarina. Pumasok na rin siya sa walk in closet ni Natalie at maingat na binuklat ang mga gamit nito. A
“Kailan mo pa hawak ‘to? Kaya ba malakas na ang loob mong maghari-hari dito sa kompanya?” nginisian ni Czarina si Natalie na nagngingitngit sa galit.“Yan ba ang panaginip lang? Kapag sinabi ko totoo yun. Sino kaya sa ating lahat ang nananaginip lang?” anas ni Czarina. Nakagat ni Natalia ang mga ngipin niya. Gusto niyang punitin ang mga papeles pero kaharap nila ang mga board of directors.“Sayo ibinigay ni Arianne ang mga shares niya bago siya mawala?” kuryoso na ring tanong ng isang board of directors.“Yes, so from now on ako na ang mamamahala sa kompanya na ‘to. Be kind to me, Tita, kung ayaw mong paalisin kita dito sa kompanya ko. Remember, wala ka namang hawak na shares.” Pang-aasar pa niya. Lalong hindi na nakapagsalita si Natalia at Natalie. Nang wala na silang sinabi ay pinagpatuloy ni Czarina ang pagpapaliwanag niya sa harap.Mahigpit naman na ang hawak ni Natalia sa skirt niya habang masamang nakatingin kay Czarina. Hindi niya akalain na nahanap na ni Czarina ang dokumento
Nang makatulog ang kambal ay nagtungo si Czarina at Tyrone sa veranda. Nakasandal si Czarina sa railings habang may hawak na tsaa. Si Tyrone naman ay nakaupo sa sofa habang may binabasang mga reports.Iniisip pa rin ni Czarina kung totoo bang buntis si Natalie. Napabuntong hininga na lang siya at sa lakas nun ay narinig ni Tyrone.“What are you thinking?” pangbabasag ni Tyrone sa katahimikan nilang dalawa.“Iniisip ko lang, kung buntis naman talaga si Natalie bakit kailangan niyang magsuot ng fake pregnant belly? Imposible namang magsinungaling sa akin si Isabella. Kung ano yung nakita ng bata paniniwalaan ko yun.” anas niya.“Baka naman buntis talaga siya. Hayaan mo na lang sila.”“Kilala ko rin si Natalie. Ayaw na ayaw nun ng malaki ang tiyan niya dahil kapag alam niyang malaki ng kaunti ang tiyan niya nagda-diet na siya kaagad. Pansin kong may baby bump na kaagad siya. Paano kung nagsuot siya ng fake pregnant belly? Wala naman siyang alam sa pagbubuntis pa kaya baka akala niya may
Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany