Share

Kabanata 78.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-04-30 01:09:59

Nasa pool area si Natalie at umiinom ng wine. Nakita naman yun ni Czarina kaya nilapitan niya ito. Nakabikini lang si Natalie at nag-eenjoy mag-isa sa pool habang may iniinom na wine at may kinakain na mga pagkain.

Naupo si Czarina sa isang bench habang nasa tubig ang tingin niya.

“Sabi mo buntis ka. Hindi mo ba alam na bawal sa buntis ang alak? Hindi lang din basta wine ang iniinom mo. Hindi mo ba binabasa kung ilang percent ang alcohol niyan?” wika niya. Tiningnan ni Natalie ang bote ng alak saka niya tiningnan ang alcohol percent nito. Binitiwan niya ang wineglass na hawak niya.

“Hindi ko nakita,” sagot niya. Ngumisi lang naman si Czarina.

“Nabasa mo man o hindi sa tingin mo makakabuti sa baby mo ang pag-inom mo ng alak? Kung ayaw mong mawalan ng panlaban kay Owen ingatan mo ang baby mo dahil kapag nawala sa sinapupunan mo ang baby mo, may dahilan na siyang hindi ka pakasalan. Alam naman nating ayaw ka niyang pakasalan.” Walang prenong saad ni Czarina kaya inis siyang nilingon ni N
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • My Contract Marriage    Kabanata 78.2

    “I’m okay, Tita.” Magalang niyang sagot. Tipid lang namang ngumiti si Amelia.“Nasabi sa amin ni Papa na buntis ka raw at sa mansion ka na rin nakatira. Pasensya ka na kung ngayon lang ulit tayo nagkita. Kagabi lang din kasi kami umuwi from New York.”“No, it’s okay Tita. Alam ko naman po na busy kayo kaya naiintindihan ko. Ang mahalaga po ay nandito kayo at makakasama namin sa special day namin ni Owen.” Tumango na lang si Amelia pero tila ba nagdadalawang isip na kung ipapakasal pa ba niya ang anak niya lalo na at nagwala ito kagabi sa harap nilang mag-asawa dahil ipinagkasundo nila ito kay Natalie.“This is my gift for you, binili ko pa yan sa Europe.” Ibinigay ni Amelia ang isang box. Binuksan naman kaagad ni Natalie ito dahil excited na siyang malaman kung anong laman ng box. Napangiti na lang siya ng makita niyang napakagandang bracelet ang regalo sa kaniya.“This is so beautiful, Tita. Thank you,” ngiti niyang saad. Tumango lang naman si Amelia.“Kapag nagsama na kayo ni Owen s

    Last Updated : 2025-04-30
  • My Contract Marriage    Kabanata 79.1

    FlashbackIsang oras bago magsimula ang kasal ay pinuntahan ni Czarina si Owen sa room nito. Pagpasok niya sa loob ay mag-isa lang si Owen. Nakatayo ito at nakaharap sa malaking bintana kung saan kitang kita niya ang tanawin sa labas. Nakatuxedo na siya at nakabulsa ang dalawa niyang kamay.“Hey,” agaw atensyon niyang wika. Nilingon naman siya ni Owen. Sa itsura pa lang ni Owen alam mong ayaw niyang ikasal kay Natalie.“What are you doing here?” blangko niyang tanong.“I just want to see you. This is one of your special day pero daig pang may ibuburol ngayon dahil sa itsura mo.”“Ano bang inaasahan mong magiging itsura ko? Should I be happy? Gusto mo bang salubungin kita ng ngiti?” masungit na sagot ni Owen. Tipid lang namang ngumiti si Czarina.“Kung ayaw mo naman talagang pakasalan si Natalie pwede mo namang gawin yun. May choice ka namang umatras sa kasal pero pinili mong ituloy. May isang oras pa naman bago ang ceremony pwede ka pang mag-isip kung tutuloy ka ba o hindi. Pipiliin m

    Last Updated : 2025-04-30
  • My Contract Marriage    Kabanata 79.2

    Nagulat naman ang lahat nang biglang sampalin ni Amelia si Natalia. Oo, pumayag siya noon na ipagkasundo ang anak niya kay Natalie dahil inakala niyang okay lang naman kay Owen yun pero ngayong niloloko lang sila ni Natalie hindi niya na ‘to palalampasin.“Bakit mo ako sinampal?” reklamo ni Natalia pero hindi pa nakontento si Amelia at muli na naman niyang sinampal si Natalia kaya napapatingin na sa kanila ang mga bisita nila.“Ang lakas ng loob niyong lokohin ang pamilya namin lalo na ang anak ko. May alam ka ba sa ginagawa ng anak mo? Alam mo ba na hindi talaga siya buntis?!” sigaw ni Amelia. Napasinghap na lang si Natalia at hindi alam kung saan kukuha ng paliwanag.Tahimik lang naman si Chairman na nakikinig.Samantala naman galit na tiningnan ni Natalie si Czarina na nakatapak sa wedding gown niya.“Why are you doing this? Bakit mo sinisira ang buhay ko?!” galit na galit na sigaw ni Natalie habang nakatingala siya kay Czarina. Hindi siya makatayo dahil tinapakan ni Czarina ang go

    Last Updated : 2025-04-30
  • My Contract Marriage    Kabanata 80.1

    Dahil sa malaking kahihiyan ni Natalie ay hindi siya lumabas at nagpakita sa mga tao. Ipanasunog naman lahat ni Chairman ang lahat ng mga gamit ni Natalie na nasa loob ng mansion niya. Kulang pa ang mga yun bilang kabayaran sa nagastos ng pamilya nila at sa pag-aabala sa mga bisita nila.Galit na galit din si Mateo dahil sa ginawa ng anak niya. Hiyang hiya siya sa mga Fuentes dahil sa panloloko ni Natalie sa kanila. Tatlong araw ng hindi umuuwi si Mateo simula noong araw dapat ng kasal ni Owen at Natalie.Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Natalie dahil sa nangyari. Hindi pa rin niya matanggap na sinira ni Czarina ang mga plano niya.“Sinabi ko naman sayo na mag-iingat ka at huwag mong mamaliitin si Czarina. Tingnan mo kung anong nangyari. Napahiya tayo sa maraming tao at kinamumuhian na tayo ng mga Fuentes ngayon. Maswerte na lang tayo dahil hindi nagsampa ng kaso laban sa atin si Chairman o ang pamilya nila dahil kung hindi malamang natulog tayo sa malamig na sahig.” Nagagalit pa

    Last Updated : 2025-04-30
  • My Contract Marriage    Kabanata 80.2

    ***Nang bumalik si Natalie sa kompanya ay ipinatawag siya kaagad ng kaniyang ama sa office nito. Natatakot man si Natalie pero wala siyang nagawa kundi ang harapin ang kaniyang ama. Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng office ay sumalubong sa kaniya ang sampal ng kaniyang ama. Hindi pa yun malakas pero sa bigat ng kamay ni Mateo ay talagang namula ang pisngi ni Natalie.“Paano mo nagawa yun sa mga Fuentes? Bakit kailangan mo pang magpanggap na buntis ka?! Naipagkasundo na kayong dalawa na magpapakasal hindi ba pero bakit sinira mo yun?!” galit na galit na sigaw ni Mateo.“Hindi ako ang sumira dun kundi ang magaling mong anak na si Czarina! Nang dahil sa kaniya umatras si Owen sa kasal!”“Paanong naging kasalanan niya yun? Siya ba ang nag-utos sayo na magpanggap kang buntis? Nakakahiya ang ginawa mo. Hindi mo na inisip ang kahihiyan ng pamilya natin kapag nahuli ka? Ano bang pumapasok sa kokote mong bata ka?!” Kinagat ni Natalie ang mga ngipin niya dahil sa inis. Wala siyang magawa da

    Last Updated : 2025-04-30
  • My Contract Marriage    Kabanata 81.1

    Pinuntahan ni Mateo ang anak niya para makausap ito. Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan hanggang sa marinig niya na ang boses ni Czarina. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at pumasok na siya. Busy naman si Czarina habang nakaharap sa mga papeles at laptop niya.“Do you need something?” seryoso niyang tanong sa kaniyang ama na hindi man lang ito tinatanong.“Can we talk?” inangat ni Czarina ang paningin niya.“About what?” naupo na si Mateo sa sofa kaya walang nagawa si Czarina kundi ang sumunod.“Ang sabi mo ay pinaiimbestigahan mo si Natalia hindi ba? May usad na ba sa pag-iimbestiga niyo?” kuryoso niyang tanong. Seryosong tiningnan ni Czarina sa mga mata ang kaniyang ama. “Huwag kang mag-alala hindi ako nagpunta rito para magspy sayo at sabihin lahat kay Natalia ang mga sasabihin mo. Gusto ko lang malaman kung may usad na ba sa pagbubukas mo ng kaso sa Mommy mo.” Nahihiya niyang saad. Bahagyang napataas ang kilay ni Czarina. Ramdam niyang tila ba nagsisisi ang kaniyang a

    Last Updated : 2025-04-30
  • My Contract Marriage    Kabanata 81.2

    Tinapakan ni Czarina ang brake pero napakunot na lang siya ng noo dahil ito gumagana.“Damn it!” mahina niyang usal. Nakakaramdam na siya ng takot sa posibleng mangyari sa kaniya. Alam niyang okay pa ang sasakyan niya kanina. Makapit pa ang preno nito pero bakit tila biglaan ang pagwala ng preno niya? Napalunok si Czarina. Nagsisimula nang manginig ang mga kamay niya pero pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.Tinawagan niya ang number ni Tyrone pero ring lang ito nang ring. Malalalim na ang bawat paghing niya. Mahigpit niya na ring hawak ang manubela at mabilis na kinakabig ito kapag naaabutan niya na ang mga sasakyang nasa harapan niya.“Answer your phone please,” anas niya. Madiin niyang tinatapakan ang preno baka sakaling kumapit pa pero kahit anong gawin niya hindi bumabagal kahit kaunti ang bilis ng takbo ng sasakyan niya. “I’m scared, “ natatakot niyang saad.Nang hindi niya matawagan si Tyrone ay tinawagan niya na si Owen. Mabilis namang sumagot si Owen.“On my way too, nan

    Last Updated : 2025-04-30
  • My Contract Marriage    Kabanata 82.1

    Mabilis na pinuntahan ni Tyrone ang location na sinabi ni Owen pero wala na siyang naabutan kundi ang sasakyan ni Czarina at si Owen na kanina pa naghihintay sa kaniya.“Ano bang nangyari? Paanong nangyaring nawawala siya? Nagpaalam lang siya sa akin kanina na ikaw ang kasama niya sa pakikipagkita sa client. Where is she, Owen?!” kwenelyuhan na ni Tyrone si Owen dahil iniisip na may kinalaman si Owen sa pagkawala ni Czarina ngayon. Hinawakan naman ni Owen ang kamay ni Tyrone at inis iyun na inalis sa kwelyo niya.“Ako ba ang sisisihin mo sa nangyari sa kaniya? I’m sure ikaw ang una niyang tinatawagan nang mawalan siya ng preno pero dahil busy ka hindi mo nasagot ang mga tawag niya. Ipinapahanap ko na siya dahil may mga taong sapilitan siyang isinakay sa loob ng sasakyan nila.” ipinakita ni Owen ang kuha ng CCTV. Naikuyom ni Tyrone ang kamao niya.“Damn it! Papatayin ko silang lahat oras na may nangyari kay Czarina.” May diin niyang wika na halos magbanggaan ang mga ngipin niya.“Hindi

    Last Updated : 2025-04-30

Latest chapter

  • My Contract Marriage    Kabanata 86.2

    Napabuntong hininga na lang si Natalia. Kailangan niyang masiguro na walang makakaalam sa mga ginawa niya. Kailangan niyang masiguro na nagtatago na sa malayong lugar ang driver ng truck.“Mas mabuti pa sigurong ipapatay ko na lang siya para masiguro kong walang makakaalam ng sekretong ‘to. Hindi ako pwedeng mahuli.” Usal niya sa sarili niya. Nakakaramdam na rin siya ng takot lalo na at sigurado siyang nanginginig sa galit si Tyrone.“Sigurado ba kayo?” malakas na saad ni Mateo kaya napatingin si Natalia sa kaniya. Nang makita ni Natalia na naggagayak si Mateo ay muli niya itong nilapitan.“Saan ka pupunta?” tanong niya. Nagmamadaling kinuha ni Mateo ang mga gamit niya.“Nahanap na kung saan nagtatago ang driver ng truck. Pupuntahan na siya ng mga pulis ngayon.” Sagot ni Mateo saka siya umalis. Nakagat ni Natalia ang kuko niya. Nagsisimula na ring manginig ang kalamnan niya. Iniisip niya kung tatakas na ba siya.Pabalik-balik siyang naglalakad sa sala habang kagat-kagat ang kuko niya.

  • My Contract Marriage    Kabanata 86.1

    Nang malaman ni Natalia na nasa hospital si Czarina at buhay pa ay nagngitngit ang mga ngipin niya. Sayang lang ang perang pinangbayad niya dahil hindi man lang namatay si Czarina. Galit na inihagis ni Natalia ang hawak niyang wineglass dahil palpak pa ang taong inutusan niya. Sinabi niya na ngang puruhin ang sasakyan ni Czarina pero hindi pa nangyari dahil sa pagharang ni Owen sa sasakyan ni Czarina.“May sa pusa ba ang buhay mong babae ka?!” nanggagalaiting sigaw ni Natalia. Muli siyang nanguha ng wineglass at nilagyan yun ng alak saka niya dire-diretsong ininom. Palagi na lang may mga taong handang magsakripisyo ng buhay para lang kay Czarina.Tatlong araw naman ang lumipas bago nagkamalay si Czarina. Ramdam pa niya ang pagkahilo. Nanlalabo rin ang mga mata niya. Hindi niya maaninag si Tyrone pero alam niya kung sino ang nasa harapan niya.“How are you? May masakit ba? Please tell me immediately para masabi ko sa mga doctor.” Malambing na saad ni Tyrone. Umiling naman si Czarina.“

  • My Contract Marriage    Kabanata 85.2

    “Damn it!” inis niyang saad nang maipit siya sa traffic. Gusto niya nang makarating sa hospital para alamin ang kalagayan ni Czarina pero wala siyang magawa dahil sa tindi ng traffic. Sunod-sunod siyang nagbusina, wala na siyang pakialam kahit na magalit sa kaniya ang mga nasa harapan niya.“Sir buksan mo yung bintana mo.” Saad ng isang police enforcer dahil sa pagbubusina ni Tyrone. Ibinaba naman kaagad ni Tyrone ang bintana niya at bago pa man magsalita ang enforcer ay inunahan na siya ni Tyrone.“Sir pasensya na pero nagmamadali lang ako. Naaksidente ang asawa ko at idinala siya ngayon sa hospital. Wala siyang ibang kasama dun kaya nagmamadali akong makarating.” Pagpapaliwanag niya.“Ganun po ba sir, sige po sir pero mag-iingat po kayo.” Anas naman ng pulis saka ito umalis. Nang lumuwag naman na ang traffic ay mabilis na pinatakbo ni Tyrone ang sasakyan niya hanggang sa makarating siya sa hospital kung saan dinala si Czarina.“Miss, saan idinala si Czarina Fuentes, she’s my wife.”

  • My Contract Marriage    Kabanata 85.1

    Nang makauwi si Natalie ay dumiretso siya kaagad sa kwarto ng kaniyang ina. Naabutan niyang may pinapahiran ni Natalia ng yelo ang mukha nito. Kitang kita ni Natalie ang pamumula ng pisngi ng kaniyang ina.“Kayo ba ang nagpaaresto kay Czarina? Mom, tama na.” sumusuko nang wika ni Natalie. Takot na takot na siya sa mga pagbabanta at pananakot ni Owen sa kaniya at ng mga Fuentes.“Ginagawa ko ang lahat ng ‘to para sayo. Ayaw kong bumalik na naman tayo sa kung anong buhay natin dati. Dapat tinutulungan mo ako hindi yung pinipigilan mo ako sa mga plano ko.”“Tama na Mommy! Wala na tayong magagawa dahil masyado ng makapangyarihan si Czarina. Lahat ng mga Fuentes ay nasa kaniya ang simpatya. Takot na takot na ako sa pananakot sa akin ni Owen at kapag hindi ka pa tumigil sa mga ginagawa mo kay Czarina, sa basurahan na talaga tayo pupulutin. Huwag niyo ng palalain pa yung sitwasyon. Hayaan na natin si Czarina at ibigay na lang natin sa kaniya ang gusto niyang katahimikan!” tila batang pagwawa

  • My Contract Marriage    Kabanata 84.2

    “Base sa nalaman namin ma’am isang taon ng ikaw ang namamahala sa kompanya at sa loob ng isang taon na yun hindi ka nagbabayad ng tax.” Hilaw na lang na natawa si Czarina. Alam niyang ang stepmom niya ang may pakana nito.Isang taon silang hindi nagbayad ng tax tapos siya ang pagbibintangan na hindi nagbabayad? Napapailing na lang siya pero kahit na anong gawin sa kaniya ng stepmom niya malalampasan niya ang lahat ng yun. Hindi na siya mapipigilan ni Natalia na mabawi ang kompanya.Tahimik na sumama si Czarina sa prisinto. Tuwang-tuwa naman si Natalia dahil alam niyang maipapakulong niya na si Czarina. Kapag nakulong ito maiiwan sa kaniya ang kompanya.Nang malaman naman kaagad ni Tyrone ang nangyaring panghuhuli kay Czarina ay pinuntahan niya ito kaagad. Mabilis niyang hinanap kung nasaan ang asawa niya.“Where’s my wife?!” galit niyang pagwawala sa front desk dahil hindi niya makita si Czarina.“Nasa interogation room po sir.” Sagot ng isang pulis. Mabilis na nagtungo sa interogatio

  • My Contract Marriage    Kabanata 84.1

    Ramdam na ni Natalia ang takot sa dibdib niya. Hindi niya alam kung saan siya magtatago kung sakaling malaman ng mga Fuentes ang mga ginagawa niya kay Czarina. Hindi niya akalain na mamahalin ng sobra ng mga Fuentes si Czarina. Tinanggap nila ito na para bang tunay nilang anak. Hinilot ni Natalia ang sintido niya. Nag-iisip na siyang tumakas at umalis ng bansa pero ayaw pa rin niyang isuko ang kompanya dahil gustong gusto niyang maangkin ito. Dahil kapag tumakas siya, ibig sabihin lang nun ay sumuko na siya at hinayaan si Czarina na manalo.“Sa tingin ko kailangan ko ulit gawin sayo ang ginawa ko sa inyo noon ni Arianne. Kailangan mong mamatay sa aksidente.” Iyun na lang ang huling paraan na naiisip ni Natalia para tuluyan ng mawala sa landas niya si Czarina.“Kapag nawala kayong dalawa sa landas namin ng anak ko, si Natalie ang magiging tagapagmana ng kompanya dahil siya na lang ang nag-iisang Jimenez. Kung hindi mo lang ako tinalikuran Mateo hindi kita idadamay sa mga plano ko.” Ani

  • My Contract Marriage    Kabanata 83.2

    “Ganito pala yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag ang takot na nararamdaman mo. Yung puso ko kanina para bang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog. Habang nasa byahe kami papunta sa location mo parang gusto ko ng magteleport para lang masiguro kong okay ka lang pero wala akong magawa. Para akong mababaliw sa kakaisip. Kung naabutan ko lang siguro ang mga taong yun baka nandilim na ang paningin ko napatay ko sila. Takot na takot akong mawala ka sa amin ng mga anak natin. Mahal na mahal kita, Czarina.” Mas lalong isiniksik ni Tyrone ang mukha niya sa leeg ni Czarina.Matamis namang napangiti si Czarina.“Mahal din kita,” sagot niya. Mabilis na napaangat ng tingin si Tyrone dahil simula ng magsama silang dalawa, simula nang ikasal sila at simula nang matutunan niyang mahalin si Czarina ngayon lang sumagot si Czarina sa kaniya. Yung takot na naramdaman niya kanina tila ba biglang napalitan ng excitement at gulat.“You mean that?” paninigurado niya. Tumingin sa kawalan si

  • My Contract Marriage    Kabanata 83.1

    Nang makarating sila sa mansion ay naghihintay na sa kanila ang buong Fuentes. Kalong-kalong din ni Melanie ang dalawang kambal. Paulit-ulit na nananalangin na sana ay makauwi silang lahat ng ligtas. Sana ay nakalayo na sila bago pa malaman ng mga kidnapper na fake money lang ang karamihan sa pera.“Mommy,” sabay na tawag ni Riley at Isabella ng makita na nila ang Mommy nila. Bumaba ang mga ito mula sa pagkakakandong sa mga binti ni Melanie saka nila sinalubong nang yakap ang Mommy nila. Mahigpit na niyakap ni Czarina ang mga anak niya. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga anak niya. Natatakot siyang iwan ng maaga ang mga ito lalo na nang mawalan siya ng preno.“Kumusta? Hindi ba kayo nasaktan? Wala bang nangyari?” tanong ni Chairman sa mga apo niya.“We’re fine, lolo.” Sagot ni Owen. Nilingon na rin ni Czarina si Chairman. Nahihiya siya rito dahil mukhang pinag-alala niya ito.“Thank you, Chairman. I’m sorry for making you worry at sa abala.” Nakayuko niyang saad. Tumango lang nam

  • My Contract Marriage    Kabanata 82.2

    “5x ng ibinayad sa amin, sige pakakawalan ka namin? Deal? Alam naman namin kung saang pamilya ka nabibilang. Alam din namin kung gaano kayaman ang asawa mo. Siguro naman ay balewala na lang sa inyo ang 500 million.” Nagngitngit ang mga ngipin ni Czarina. Gahaman din talaga ang mga taong kumidnap sa kaniya. Masyadong malaking halaga ang hinihingi nila. Sa laki nito ay kahit ilang taon silang hindi magtrabaho.“Anong klaseng papeles ba ang pinapapirma mo sa akin? Pwede ko bang basahin saka ko pag-iisipan kung papayag ako sa condition niyo.” Napataas ang kilay ng lalaki. Hindi niya na nagugustuhan ang ginagawa ni Czarina. Madali lang naman silang kausap pero pinapatagal pa ni Czarina ang lahat.“Alam naman namin na kayang kaya ng pamilya mo at ng pamilya ng asawa mo ang halagang hinihingi namin. Huwag mo ng patagalin pa dahil ibibigay ko rin naman sayo ang dokumento na ‘to kapag nakuha na namin ang perang hinihingi namin kapalit ng buhay mo.”Gusto sanang malaman ni Czarina kung anong kl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status