Nanatili ng ilang oras si Czarina sa bahay ni Mila. Tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ng kama nito. Iniisip kung anong nangyari sa katulong nila at kung bakit putol ang dila nito. Akala niya ay kusang umalis ang katulong nila pero hindi nila alam na may nangyari na pala rito ng hindi man lang nila alam.
"I am so sorry yaya, wala man lang kaming nagawa for you but I promise you. Hahanapin ko ang taong gumawa nito sayo at aalamin ko kung bakit nila kailangang putulin ang dila mo." Aniya. Nakatingin sa kaniya si Mila, gusto nitong magsalita pero walang maintindihan si Czarina dahil puro lang ito 'aahh'.Nagpaalam na si Czarina sa katulong nila makalipas ang ilang oras. Nang makalabas ng bahay si Czarina ay tumulo ang mga luha ni Mila dahil wala man lang siyang magawa para sabihin kay Czarina ang mga nalalaman niya."Idala niyo siya sa hospital at ako na ang bahala sa lahat ng magagastos niya. Hospital bills and medicines. Siya lang ang nakakaalam kung anong nangyari sa"Ano bang ginagawa mo? Sinabi ko namang uuwi na ako." Inis na inalis ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya. "Gusto mo pa rin bang magdrive pagkatapos ng muntik mangyari sayo? Ihahatid na kita. Ipapahatid ko na lang sa iba ang sasakyan mo.""I can drive," makulit pa ring saad ni Czarina. "Ihahatid na kita. Huwag kang makulit dahil konsensya ko pa kapag may nangyari sayo." Sapilitan nang isinakay ni Owen si Czarina sa sasakyan niya. Hindi na lang nagpumiglas si Czarina. Nakapark ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at naiwan din ang susi nito sa loob. Nag-utos naman kaagad si Owen ng tao para kunin ang sasakyan ni Czarina. Tahimik lang si Czarina habang nasa byahe sila. Nililingon naman siya paminsan-minsan ni Owen. "Saan ka ba talaga galing? Natutulog ka ba habang nagdadrive?" Pangbabasag ni Owen sa katahimikan nilang dalawa. "Hindi, hinahanap ko lang yung cellphone ko sa bag ko." Tipid niyang sagot."Mabuti naman at nagawa mo pang kabigin an
Papasok na sana si Czarina ng kompanya ng makita niya si Owen na papalabas. Hinintay na muna ni Czarina na makaalis si Tyrone. Nang masiguro niyang nakalayo na ito ay saka niya sinundan si Owen. Pumasok ito sa coffee shop na katabi lang ng kompanya. Hindi man lang siya nakapagpasalamat ng maayos kagabi. Nakapagpasalamat man siya pero tulala pa siya. Nakapila na sa counter si Owen. "One hot coffee please, ako na rin magbabayad ng order niya." Pagtutukoy niya kay Owen. Nilingon naman siya ni Owen. Nang magsalubong ang mga mata nila ay nginitian siya ni Czarina. "Alam kong kulang pa yan para pasalamatan ka. Pasensya ka na kagabi. Marami lang akong iniisip. Salamat nga pala." Anas niya. "Gusto mong bumawi?" Tanong ni Owen na ikinatango naman ni Czarina. Bahagya na lang na natawa si Owen. "Kung sasabihin ko ba sayo kung paano ka makakabawi, ibibigay mo ba?" Kunot noong nilingon ni Czarina si Owen. Iniisip kung ano bang gustong hilingin ni Owen sa kaniya. Tumawa na lang si Czarina dahil
Nang makarating si Czarina sa hospital ay nandun si Natalia at Natalie. Kausap ang doctor. Hingal na hingal pa si Czarina sa kakamadali na makarating sa kwarto ng kaniyang ama. "Kailangan niyong ipainom sa kaniya ang mga gamot niya sa tamang oras. Mabuti na lamang at hindi malala ang pagkakauntog ng ulo niya kaya wala tayong masyadong alalahanin. Maayos din naman anh result ng x-ray niya." Wika ng doctor. Nakahinga naman ng maluwag si Natalia dahil sa pag-aakalang napuruhan si Mateo. Kung mamamatay man si Mateo kailangan sa malinis na paraan. Gagamitin niya ang sakit ni Mateo at gusto niyang mamatay si Mateo dahil sa sakit nito. "I'm glad to hear that doc, thank you so much." Ani ni Natalia. "Posible bang magising siya ngayong gabi doc? Paano nangyaring nawalan siya ng malay? He's not stress, he's healthy too at malakas naman siya." Singit ni Czarina dahil masyado siyang nagtataka kung bakit biglang nanghina ang kaniyang ama. Nakikita niya naman na unti-unting nakakabawi ang katawa
Abalang kumakain sa pantry si Tyrone nang lapitan siya ni Owen na may dala ring pagkain. Silang dalawa lang ang laman ng pantry dahil hiwalay ang pantry at canteen ng mga empleyado. Patuloy pa ring kumakain si Tyrone at hindi tiningnan si Owen na naupo na sa harapan niya. "Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang tayo na nandito. Marami namang available table diyan. We're not close para sumabay ka sa akin na kumain." Blangkong wika ni Tyrone. Ngumisi lang naman si Owen sa kaniya. "You're still mad at me?""Kalaban ang tingin mo sa akin. Ano sa tingin mo ang gusto mong isipin ko? Do you want us to pretend to be close for a while? Walang tao rito kundi tayong dalawa lang for you to do that." Masungit pa ring wika ni Tyrone. Bahagya namang natawa si Owen kaya kunot noo siyang tiningnan ni Tyrone. Ano bang nakakatawa? May tama ba ngayon sa ulo ang pinsan niya? Dalawa lang silang magpinsan pero kalaban pa ang tingin nila sa isa't isa ng dahil lang sa kompanya. "You're lucky to have a wife like
Lumipas ang mga araw. Maaga pa lamang ay nagreready na si Tyrone para sa dinner date nila ni Czarina. Gusto niyang mapalapit pa sila ni Czarina sa isa't isa ng sa ganun ay hindi sila naiilang sa harap ng mga anak nila. He wants to court her kahit na kasal na silang dalawa. Napangiti siya nang mapick-up niya na ang isang bouquet ng Juliet Rose. One of the most expensive rose in the world. Inamoy niya ang mabangong amoy nito. Hindi man siya sigurado kung mahilig ba sa ganitong bagay ang asawa niya pero gusto niyang iparanas ang mga bagay na hindi niya nagawa dahil nakuha niya lang naman si Czarina dahil sa business. Dumaan na rin siya sa supermarket para mamili ng mga ingredients na gagamitin niya para sa pagluluto. Inabot din siya ng isang oras sa pamimili at nang matapos siya ay dumiretso na siyang umuwi. "Hi Daddy!" Masiglang bati ni Isabella nang makita niya ang kaniyang ama. Sumalubong ito sa kaniya at yumakap. Napapangiti na lang si Tyrone sa tuwing sinasalubong siya nang yakap
Nagtungo kaagad si Czarina sa bahay nila dahil alam niyang walang ibang tao dun kundi ang mga katulong nila. Hindi niya na ipinasok sa subdivision nila ang kotse niya. Papasok na sana siya sa gate nang hilain siya ni Tyrone. "Can you tell me what is happening?" Seryoso niyang tanong. Bahagya pang nagulat si Czarina kaya napabuga na lang siya ng hangin. "May kailangan lang akong hanapin." Sagot niya saka siya pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong siya kaagad ni Yaya Beth. "Hindi pa sila umuuwi hanggang ngayon pero iha sigurado ka ba sa gagawin mo? Ang alam ko ay hindi uuwi ngayon ang stepmom mo, si Natalie naman pansamantalang nakatuloy sa hotel." Kinakabahan na saad ng Yaya Beth niya. Habang nasa byahe si Czarina ay kinausap niya na kaagad sa cellphone ang Yaya Beth niya. "Bukas na ba yung pintuan ng kwarto nila?""Oo, pinabuksan ko na kanina. Bilisan mo lang iha. Ang alam ko naman ay hindi siya uuwi ngayon." Ani pa ni Yaya Beth. Dumiretso na si Czarina sa kwarto ng kaniyang ama at
Nang makauwi sila ay nauna nang bumaba si Czarina. Naging padalos-dalos ang naging desisyon niya. Paano nga ba kapag nahuli siya ng stepmom niya? Hindi man lang siya nag-isip, hindi man lang niya pinag-isipang mabuti ang plano niya. Kung hindi niya narinig ang malakas na sinabi ni Yaya Beth baka posibleng nahuli na siya. Aakyat na sana si Czarina sa kwarto ng maalala niya ang sinet-up ni Tyrone na dinner nilang dalawa. Siguradong malamig na ang mga pagkain na inihanda niya. Nahihiya siyang hinarap si Tyrone na nakatingin lang din sa kaniya. "I'm sorry, hindi ako naging maingat. I'm sorry if I left you too earlier. Can we start our dinner date now?" Nakangiting saad ni Czarina. Napapabuntong hininga na lang si Tyrone. Hindi niya alam kung bakit nawawala kaagad ang galit niya kapag si Czarina ang kaharap niya."Ipapainit ko lang yung mga pagkain." Tanging sagot niya saka siya nagtungo sa kusina at inutusan ang mga katulong nila na ipainit ang mga niluto niya kanina. "Kumain na ba yu
Papunta na sana ng hospital si Czarina at Tyrone nang makatanggap ng tawag si Tyrone kaya sinagot na muna niya ito habang inilalabas niya ang sasakyan nila ni Czarina. "Ngayon na?" Tanong ni Tyrone sa kausap niya. Napatingin si Tyrone kay Czarina. Nagdadalawang isip siya kung iiwan niya ba si Czarina para pumunta kaagad sa kompanya nila. Napabuntong na lang siya dahil tila ba wala siyang magagawa. "Okay, pupunta na ako." Sagot niya saka niya ibinaba ang tawag. "Sinong tumawag?" Tanong ni Czarina. "Secretary ko. Maaga akong pinapapunta ni Chairman sa kompanya. Pwede bang sa susunod na lang tayo pumunta ng hospital? Hindi kita masasamahan ngayon.""No, it's okay. Pumasok ka na, ako na lang ang pupunta.""No," mabilis na pagtanggi ni Tyrone. "Tatawagan ko na lang si Chairman na male-late ako. Sasamahan na kita.""Wala namang mangyayari sa akin. Don't worry, mag-iingat na ako sa lahat ng kilos ko. Huwag mong paghintayin si Chairman. Siguradong hindi natin
Nang makasakay si Czarina sa sasakyan niya ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Napasubsob na lang siya sa manubela niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng kamay ng kaniyang ama sa pisngi niya dahil sa sampal pero mas nangingibabaw ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya.Napabuga siya ng hangin saka tipid na ngumiti. Nasasaktan man siya dahil ayaw siyang paniwalaan ng kaniyang ama, wala na siyang magagawa. Tuluyan na talagang nalason ni Natalia ang isip nito dahil wala na siyang ibang pinaniniwalaan kundi si Natalia lang.“Czarina, open the door.” Rinig ni Czarina sa boses ni Tyrone. Tumingin siya sa bintana at nakita niya naman si Tyrone na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Binuksan niya na ang pintuan at lumabas ng sasakyan. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Tyrone. Hindi sumagot si Czarina, niyakap niya lang si Tyrone. Nagpapasalamat siya dahil nandyan si Tyrone para sa kaniya, ang tanging taong may paki
Hindi makapaniwala si Czarina sa mga sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama. Hilaw siyang natawa, talagang napaghandaan na ni Natalia ang mga sinabi nito laban sa kaniya. Ano pa bang mga nasabi ni Natalia para magalit ng ganito sa kaniya ang kaniyang ama? Pinakalma ni Czarina ang sarili niya para hindi bumagsak ang mga luha niya at hindi mauna ang paghagulgol niya kesa masabi ang mga gusto niya.“Hanggang ngayon pa rin ba si Tita Natalia pa rin ang pinaniniwalaan niyo? Simula nang dumating siya sa buhay natin, hindi niyo na ako nagawang paniwalaan. I’m your daughter, Dad. Mas matagal mo akong nakasama kesa sa kaniya unless palagi ka ring umuuwi sa kanilang mag-ina kahit na buhay pa si Mommy.” Matapang niyang wika. Iniwas naman ni Mateo ang paningin niya.“Minahal ko ang Mommy mo. Hindi magagawa ng Tita Natalia mo ang patayin ako para lang sa kompanya dahil marami na rin siyang naitulong sa akin simula nang makasama natin siya. Bakit mo ba siya gustong gustong mawala sa buhay natin? Naging
Nang tumawag si Tyrone sa kaniya ay hindi niya ito masagot dahil natatakot siyang bitiwan ang manubela.“Oh God, please protect me.” Anas niya, napalunok siya. Sa bilis nang pagpapatakbo niya ay para na siyang nakikipagkarerahan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang tumingin sa likod niya ng marinig niya ang tunog ng mga siren. Kita niya ang mga police car na nakabuntot na sa kaniya. Mabilis siyang nilampasan ng isang police car at sumenyas ito na magslow down siya.“They want me to stop? Oh no, please, not now.” Anas niya dahil sa pag-aakalang baka hinuhuli na siya dahil over speeding na siya. Pinantayan na rin siya sa magkabilang gilid niya, may tatlo pang nakabuntot sa kaniya.Nakita niyang tumatawag si Tyrone, mabilis niyang sinagot ito.“Please help me, may mga pulis nang pinapahinto ako. I’m scared to stop, Tyrone.” Natataranta niyang saad.“Slow down, Czarina. They come to help you, please slow down.” Sagot ni Tyrone. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina kaya dahan-dahan
Lumipas ang dalawang linggo, nagtataka na si Czarina dahil hindi pa niya nakikita si Natalie. Hindi ito pumapasok sa kompanya kaya naiipon na ang mga gagawin niya.“Michelle, wala ka pa rin bang balita kay Natalie kung nasaan na siya?” tanong ni Czarina sa secretary ni Natalie.“Wala pa rin po ma’am Czarina. Maraming beses ko na siyang tinawagan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya sumasagot.” Sagot nito. Napapaisip si Czarina kung anong nangyari kay Natalie, kung bakit bigla itong nawala.‘Is she planning her wedding?’ usal niya sa sarili niya. Naipilig niya ang ulo niya, kung nagpaplano na sila para sa kasal nila bakit hindi alam ito ng secretary niya? Nahihirapan si Czarina na malaman kung ano ang pinaplano ng mag-ina.Patungo na sana si Czarina sa production department nang madaanan niya ang office ni Natalia. May kaunti itong awang kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta dun. Sinilip niya kung sino na ang nasa loob. Nang makita niyang walang tao ay inilibot niya ang paningin n
Tulalang nagtungo ng kompanya si Czarina. Sana lang ay gumana ang pananakot niya sa mga ito para hindi matuloy ang mga binabalak nila sa kaniyang ama. Hindi man naging mabuting ama sa kaniya sa nakalipas na mga taon si Mateo, hindi pa rin niya kayang mawala ito dahil sa mga taong walang halang ang bituka. Wala siyang nagawa noon sa kaniyang ina, para siyang batang naligaw ng landas at hindi alam ang gagawin at ayaw niya namang mangyari ulit yun. Ayaw niya namang mawala silang pamilya sa mga kamay ni Natalia.Nang may tumawag sa cellphone niya ay sinagot niya yun ng hindi na tinitingnan kung sino ang caller.“Yes?” walang gana niyang sagot.“What happened? Maililipat ba natin ang Daddy mo? Narequest ko na ang ambulance, may mga doctor na rin na sasama para sunduin siya. Can we transfer him now?” wika ni Doc Apalla. Napabuntong hininga naman si Czarina at narinig yun ni Doc Apalla. Sa buntong hininga pa lang ni Czarina, alam na ni Doc Apalla kung anong nangyari. “Hindi pumayag si Natali
Nang makabalik si Doc Santos sa office niya ay nandun pa rin si Czarina na naghihintay sa kaniya. Naupo na muna si Doc Santos saka niya nginitian si Czarina.“So, can we tranfer him now? Ako na ang bahala sa ambulance dahil nakausap ko naman na rin si Doc Apalla na ililipat sa hospital nila ang Daddy ko.” Aniya.“I’m sorry, Miss Jimenez, but I think we can’t transfer your father. May mga machine na hindi pwedeng tanggalin sa katawan niya ngayon at kung pipilitin naman natin siyang ilipat baka pagsisihan lang natin sa huli. Ayaw ko naman na may mangyaring masama sa pasyente ko.” Wika nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina, naguguluhan dahil bakit hindi pwedeng ilipat ang Daddy niya? Meron ba silang hindi sinasabi sa kaniya? Akala niya ba ay okay ang Daddy niya, na hindi naman malubha ang natamo nitong sugat sa ulo.Mariing nakatitig si Czarina kay Doc Santos. Ramdam naman ni Doc Santos ang matatalim na titig sa kaniya ni Czarina kaya hindi ito makatingin ng diretso.“Tell me, Doc S
Sinimulan naman na ni Czarina ang pag-aayos ng mga gamit sa closet nila. Sa laki ng mansion ng mga Fuentes ay siguradong pagpapawisan ka sa paglalakad kung wala itong aircon sa bawat sulok ng bahay.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina makalipas ang ilang oras na pag-aayos niya sa mga gamit nila. Aayusin niya rin ang mga gamit ng mga anak niya. Nang makaramdam siya ng pagkauhaw ay bumaba na muna siya. Inililibot niya ang paningin niya. Talagang nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit sa mansion lalo na ang naglalakihan na mga chandelier. Ang mga vase na tila ba antigo na pero talagang babayaran mo ito ng million kapag nakabasag ka ng isa.Marami ring mga katulong nagkalat sa loob ng mansion at lahat sila ay may mga nakatokang gawain.“Excuse me, saan dito ang kitchen?” tanong niya dahil maraming pintuan pero hindi niya alam kung saan siya papasok.“Dun po ma’am, diretso lang po kayo.” Nakangiti namang sagot ng katulong. Nagpasalamat na si Czarina saka siya nagtungo sa
Palalim na nang palalim ang gabi pero pansin ni Tyrone na malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nakatambay ito sa veranda at nakamasid lang sa madilim na paligid. Bumangon ng higaan si Tyrone saka niya nilapitan si Czarina. Pinagmasdan niya lang din ang madilim na kalangitan. Yumakap pa sa kaniya ang hanging panggabi.“Is something bothering you?” tanong niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Czarina. Hindi na nawala sa isip niya ang sinabi ng doctor sa kaniya. Paano niya mapipigilan ang stepmom niya? Paano kung mahuli na ang lahat para sa kaniyang ama? Paano kung magtagumpay ito sa mga plano niya?“The doctor called me lately. Yung gamot na pinatest ko sa kaniya it’s not a vitamins. Alam kong pinapainom yun ni Tita Natalia kay Daddy dahil may sarili namang doctor si Daddy pero sa halip na gumanda ang kalusugan niya lalo siyang nanghihina dahil sa gamot na pinapainom ni Tita Natalia. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng ebidensya na pinapalitan niya ang mga gamot ni
"Nandun lang ba si Chairman sa office niya? I need to talk to him kasi. Ako ang pinapunta ni Daddy sa meeting at kailangan ko ring makausap si Chairman Fuentes dahil may gustong ipasabi si--""Just see if he's there." Masungit na pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin sana ni Rhianne. Napapanguso na lang si Rhianne dahil sa pagiging masungit ni Tyrone sa kaniya. Totoo pala talaga ang mga naririnig niya tungkol kay Tyrone, masungit nga ito at tila ba walang interes sa mga babae. "Bakla ka ba?" Lakas loob na saad ni Rhianne. Hindi makapaniwalang nilingon ni Tyrone si Rhianne saka siya napapailing. "Kung sa tingin mo hahalikan kita para maniwala ka, hindi ko gagawin yun." Masungit pa rin niyang sagot. "Kung ganun, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa mga babae? Baka lalaki rin ang tipo mo? Sayang naman ang lahi mo." Tila pang-aasar pang wika ni Rhianne. Humugot ng malalim na buntong hininga si Tyrone para kalmahin ang sarili niya. Wala siya sa mood para patulan pa ang