Abalang kumakain sa pantry si Tyrone nang lapitan siya ni Owen na may dala ring pagkain. Silang dalawa lang ang laman ng pantry dahil hiwalay ang pantry at canteen ng mga empleyado. Patuloy pa ring kumakain si Tyrone at hindi tiningnan si Owen na naupo na sa harapan niya. "Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang tayo na nandito. Marami namang available table diyan. We're not close para sumabay ka sa akin na kumain." Blangkong wika ni Tyrone. Ngumisi lang naman si Owen sa kaniya. "You're still mad at me?""Kalaban ang tingin mo sa akin. Ano sa tingin mo ang gusto mong isipin ko? Do you want us to pretend to be close for a while? Walang tao rito kundi tayong dalawa lang for you to do that." Masungit pa ring wika ni Tyrone. Bahagya namang natawa si Owen kaya kunot noo siyang tiningnan ni Tyrone. Ano bang nakakatawa? May tama ba ngayon sa ulo ang pinsan niya? Dalawa lang silang magpinsan pero kalaban pa ang tingin nila sa isa't isa ng dahil lang sa kompanya. "You're lucky to have a wife like
Lumipas ang mga araw. Maaga pa lamang ay nagreready na si Tyrone para sa dinner date nila ni Czarina. Gusto niyang mapalapit pa sila ni Czarina sa isa't isa ng sa ganun ay hindi sila naiilang sa harap ng mga anak nila. He wants to court her kahit na kasal na silang dalawa. Napangiti siya nang mapick-up niya na ang isang bouquet ng Juliet Rose. One of the most expensive rose in the world. Inamoy niya ang mabangong amoy nito. Hindi man siya sigurado kung mahilig ba sa ganitong bagay ang asawa niya pero gusto niyang iparanas ang mga bagay na hindi niya nagawa dahil nakuha niya lang naman si Czarina dahil sa business. Dumaan na rin siya sa supermarket para mamili ng mga ingredients na gagamitin niya para sa pagluluto. Inabot din siya ng isang oras sa pamimili at nang matapos siya ay dumiretso na siyang umuwi. "Hi Daddy!" Masiglang bati ni Isabella nang makita niya ang kaniyang ama. Sumalubong ito sa kaniya at yumakap. Napapangiti na lang si Tyrone sa tuwing sinasalubong siya nang yakap
Nagtungo kaagad si Czarina sa bahay nila dahil alam niyang walang ibang tao dun kundi ang mga katulong nila. Hindi niya na ipinasok sa subdivision nila ang kotse niya. Papasok na sana siya sa gate nang hilain siya ni Tyrone. "Can you tell me what is happening?" Seryoso niyang tanong. Bahagya pang nagulat si Czarina kaya napabuga na lang siya ng hangin. "May kailangan lang akong hanapin." Sagot niya saka siya pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong siya kaagad ni Yaya Beth. "Hindi pa sila umuuwi hanggang ngayon pero iha sigurado ka ba sa gagawin mo? Ang alam ko ay hindi uuwi ngayon ang stepmom mo, si Natalie naman pansamantalang nakatuloy sa hotel." Kinakabahan na saad ng Yaya Beth niya. Habang nasa byahe si Czarina ay kinausap niya na kaagad sa cellphone ang Yaya Beth niya. "Bukas na ba yung pintuan ng kwarto nila?""Oo, pinabuksan ko na kanina. Bilisan mo lang iha. Ang alam ko naman ay hindi siya uuwi ngayon." Ani pa ni Yaya Beth. Dumiretso na si Czarina sa kwarto ng kaniyang ama at
Nang makauwi sila ay nauna nang bumaba si Czarina. Naging padalos-dalos ang naging desisyon niya. Paano nga ba kapag nahuli siya ng stepmom niya? Hindi man lang siya nag-isip, hindi man lang niya pinag-isipang mabuti ang plano niya. Kung hindi niya narinig ang malakas na sinabi ni Yaya Beth baka posibleng nahuli na siya. Aakyat na sana si Czarina sa kwarto ng maalala niya ang sinet-up ni Tyrone na dinner nilang dalawa. Siguradong malamig na ang mga pagkain na inihanda niya. Nahihiya siyang hinarap si Tyrone na nakatingin lang din sa kaniya. "I'm sorry, hindi ako naging maingat. I'm sorry if I left you too earlier. Can we start our dinner date now?" Nakangiting saad ni Czarina. Napapabuntong hininga na lang si Tyrone. Hindi niya alam kung bakit nawawala kaagad ang galit niya kapag si Czarina ang kaharap niya."Ipapainit ko lang yung mga pagkain." Tanging sagot niya saka siya nagtungo sa kusina at inutusan ang mga katulong nila na ipainit ang mga niluto niya kanina. "Kumain na ba yu
Papunta na sana ng hospital si Czarina at Tyrone nang makatanggap ng tawag si Tyrone kaya sinagot na muna niya ito habang inilalabas niya ang sasakyan nila ni Czarina. "Ngayon na?" Tanong ni Tyrone sa kausap niya. Napatingin si Tyrone kay Czarina. Nagdadalawang isip siya kung iiwan niya ba si Czarina para pumunta kaagad sa kompanya nila. Napabuntong na lang siya dahil tila ba wala siyang magagawa. "Okay, pupunta na ako." Sagot niya saka niya ibinaba ang tawag. "Sinong tumawag?" Tanong ni Czarina. "Secretary ko. Maaga akong pinapapunta ni Chairman sa kompanya. Pwede bang sa susunod na lang tayo pumunta ng hospital? Hindi kita masasamahan ngayon.""No, it's okay. Pumasok ka na, ako na lang ang pupunta.""No," mabilis na pagtanggi ni Tyrone. "Tatawagan ko na lang si Chairman na male-late ako. Sasamahan na kita.""Wala namang mangyayari sa akin. Don't worry, mag-iingat na ako sa lahat ng kilos ko. Huwag mong paghintayin si Chairman. Siguradong hindi natin
"Natalie is your sister too, anak din ng Daddy mo. Hindi lang ikaw ang nag-iisang Jimenez." Kalmadong sagot ni Natalia. Hinarap ni Czarina ang stepmom niya saka niya ito nginitian. "Kayang kaya kong paalisin ang anak mo sa kompanya. Ang shares ni Mommy ay sa akin na nakapangalan bago pa man siya mawala. Hatiin man ni Daddy ang hawak niyang shares para ibigay sa amin ni Natalie, hindi pa rin mapapantayan ni Natalie ang shares na meron ako. Ikaw, ilang percent ng shares ba ang hawak mo? Sa pagkakaalam ko ay wala." Nakangising saad ni Czarina. Hindi na maipinta ang mukha ni Natalia pero hindi niya magawang hilain ang buhok ni Czarina. "Malakas na ba ang loob mo niyan dahil nasa likod mo si Tyrone Fuentes? Sa tingin mo ba talaga mapapabagsak mo na ako? Kung sa tingin mo maipapakulong mo ako nagkakamali ka. Hanggang ngayon pa rin ba ay pinagbibintangan mo akong pumatay sa Mommy mo? Yun ba ang dahilan kung bakit kinausap mo ulit si Chief Romero?" Napaigting ang panga ni Czarina.
Nang magising si Owen ay ramdam pa rin niya ang hilo. Inilibot niya ang paningin niya sa kwarto. Napakunot siya ng noo nang maalala niyang nasa hotel room pa rin siya. "Damn it! What happened?" Usal niya sa sarili niya. Pinilit niyang inisip kung anong nangyari sa kaniya. Nang maalala niyang si Czarina ang nakita niya at humalik sa kaniya mabilis siyang lumingon sa tabi niya. Kita niya ang babaeng tulog pa rin pero hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatakip sa mukha nito ang kumot. Inangat ni Owen ang kumot na nakabalot sa kaniya. "Fuck!" Tulala niyang saad nang makita niyang wala siyang saplot. Bumaba na siya sa kama at pinulot na ang mga damit niya saka siya nagbihis. Nang matapos siya ay muli niyang tiningnan ang babaeng nakasiping niya. Tila ba hindi siya naniniwala na si Czarina ang nakita niya. Kung totoo mang si Czarina ang kasama siya rito. What happened to both of them? Kaya niyang saktan at galitin si Tyrone pero hindi siya gagamit ng ibang tao para ga
"Nandun lang ba si Chairman sa office niya? I need to talk to him kasi. Ako ang pinapunta ni Daddy sa meeting at kailangan ko ring makausap si Chairman Fuentes dahil may gustong ipasabi si--""Just see if he's there." Masungit na pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin sana ni Rhianne. Napapanguso na lang si Rhianne dahil sa pagiging masungit ni Tyrone sa kaniya. Totoo pala talaga ang mga naririnig niya tungkol kay Tyrone, masungit nga ito at tila ba walang interes sa mga babae. "Bakla ka ba?" Lakas loob na saad ni Rhianne. Hindi makapaniwalang nilingon ni Tyrone si Rhianne saka siya napapailing. "Kung sa tingin mo hahalikan kita para maniwala ka, hindi ko gagawin yun." Masungit pa rin niyang sagot. "Kung ganun, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa mga babae? Baka lalaki rin ang tipo mo? Sayang naman ang lahi mo." Tila pang-aasar pang wika ni Rhianne. Humugot ng malalim na buntong hininga si Tyrone para kalmahin ang sarili niya. Wala siya sa mood para patulan pa ang
Napabuntong hininga na lang si Natalia. Kailangan niyang masiguro na walang makakaalam sa mga ginawa niya. Kailangan niyang masiguro na nagtatago na sa malayong lugar ang driver ng truck.“Mas mabuti pa sigurong ipapatay ko na lang siya para masiguro kong walang makakaalam ng sekretong ‘to. Hindi ako pwedeng mahuli.” Usal niya sa sarili niya. Nakakaramdam na rin siya ng takot lalo na at sigurado siyang nanginginig sa galit si Tyrone.“Sigurado ba kayo?” malakas na saad ni Mateo kaya napatingin si Natalia sa kaniya. Nang makita ni Natalia na naggagayak si Mateo ay muli niya itong nilapitan.“Saan ka pupunta?” tanong niya. Nagmamadaling kinuha ni Mateo ang mga gamit niya.“Nahanap na kung saan nagtatago ang driver ng truck. Pupuntahan na siya ng mga pulis ngayon.” Sagot ni Mateo saka siya umalis. Nakagat ni Natalia ang kuko niya. Nagsisimula na ring manginig ang kalamnan niya. Iniisip niya kung tatakas na ba siya.Pabalik-balik siyang naglalakad sa sala habang kagat-kagat ang kuko niya.
Nang malaman ni Natalia na nasa hospital si Czarina at buhay pa ay nagngitngit ang mga ngipin niya. Sayang lang ang perang pinangbayad niya dahil hindi man lang namatay si Czarina. Galit na inihagis ni Natalia ang hawak niyang wineglass dahil palpak pa ang taong inutusan niya. Sinabi niya na ngang puruhin ang sasakyan ni Czarina pero hindi pa nangyari dahil sa pagharang ni Owen sa sasakyan ni Czarina.“May sa pusa ba ang buhay mong babae ka?!” nanggagalaiting sigaw ni Natalia. Muli siyang nanguha ng wineglass at nilagyan yun ng alak saka niya dire-diretsong ininom. Palagi na lang may mga taong handang magsakripisyo ng buhay para lang kay Czarina.Tatlong araw naman ang lumipas bago nagkamalay si Czarina. Ramdam pa niya ang pagkahilo. Nanlalabo rin ang mga mata niya. Hindi niya maaninag si Tyrone pero alam niya kung sino ang nasa harapan niya.“How are you? May masakit ba? Please tell me immediately para masabi ko sa mga doctor.” Malambing na saad ni Tyrone. Umiling naman si Czarina.“
“Damn it!” inis niyang saad nang maipit siya sa traffic. Gusto niya nang makarating sa hospital para alamin ang kalagayan ni Czarina pero wala siyang magawa dahil sa tindi ng traffic. Sunod-sunod siyang nagbusina, wala na siyang pakialam kahit na magalit sa kaniya ang mga nasa harapan niya.“Sir buksan mo yung bintana mo.” Saad ng isang police enforcer dahil sa pagbubusina ni Tyrone. Ibinaba naman kaagad ni Tyrone ang bintana niya at bago pa man magsalita ang enforcer ay inunahan na siya ni Tyrone.“Sir pasensya na pero nagmamadali lang ako. Naaksidente ang asawa ko at idinala siya ngayon sa hospital. Wala siyang ibang kasama dun kaya nagmamadali akong makarating.” Pagpapaliwanag niya.“Ganun po ba sir, sige po sir pero mag-iingat po kayo.” Anas naman ng pulis saka ito umalis. Nang lumuwag naman na ang traffic ay mabilis na pinatakbo ni Tyrone ang sasakyan niya hanggang sa makarating siya sa hospital kung saan dinala si Czarina.“Miss, saan idinala si Czarina Fuentes, she’s my wife.”
Nang makauwi si Natalie ay dumiretso siya kaagad sa kwarto ng kaniyang ina. Naabutan niyang may pinapahiran ni Natalia ng yelo ang mukha nito. Kitang kita ni Natalie ang pamumula ng pisngi ng kaniyang ina.“Kayo ba ang nagpaaresto kay Czarina? Mom, tama na.” sumusuko nang wika ni Natalie. Takot na takot na siya sa mga pagbabanta at pananakot ni Owen sa kaniya at ng mga Fuentes.“Ginagawa ko ang lahat ng ‘to para sayo. Ayaw kong bumalik na naman tayo sa kung anong buhay natin dati. Dapat tinutulungan mo ako hindi yung pinipigilan mo ako sa mga plano ko.”“Tama na Mommy! Wala na tayong magagawa dahil masyado ng makapangyarihan si Czarina. Lahat ng mga Fuentes ay nasa kaniya ang simpatya. Takot na takot na ako sa pananakot sa akin ni Owen at kapag hindi ka pa tumigil sa mga ginagawa mo kay Czarina, sa basurahan na talaga tayo pupulutin. Huwag niyo ng palalain pa yung sitwasyon. Hayaan na natin si Czarina at ibigay na lang natin sa kaniya ang gusto niyang katahimikan!” tila batang pagwawa
“Base sa nalaman namin ma’am isang taon ng ikaw ang namamahala sa kompanya at sa loob ng isang taon na yun hindi ka nagbabayad ng tax.” Hilaw na lang na natawa si Czarina. Alam niyang ang stepmom niya ang may pakana nito.Isang taon silang hindi nagbayad ng tax tapos siya ang pagbibintangan na hindi nagbabayad? Napapailing na lang siya pero kahit na anong gawin sa kaniya ng stepmom niya malalampasan niya ang lahat ng yun. Hindi na siya mapipigilan ni Natalia na mabawi ang kompanya.Tahimik na sumama si Czarina sa prisinto. Tuwang-tuwa naman si Natalia dahil alam niyang maipapakulong niya na si Czarina. Kapag nakulong ito maiiwan sa kaniya ang kompanya.Nang malaman naman kaagad ni Tyrone ang nangyaring panghuhuli kay Czarina ay pinuntahan niya ito kaagad. Mabilis niyang hinanap kung nasaan ang asawa niya.“Where’s my wife?!” galit niyang pagwawala sa front desk dahil hindi niya makita si Czarina.“Nasa interogation room po sir.” Sagot ng isang pulis. Mabilis na nagtungo sa interogatio
Ramdam na ni Natalia ang takot sa dibdib niya. Hindi niya alam kung saan siya magtatago kung sakaling malaman ng mga Fuentes ang mga ginagawa niya kay Czarina. Hindi niya akalain na mamahalin ng sobra ng mga Fuentes si Czarina. Tinanggap nila ito na para bang tunay nilang anak. Hinilot ni Natalia ang sintido niya. Nag-iisip na siyang tumakas at umalis ng bansa pero ayaw pa rin niyang isuko ang kompanya dahil gustong gusto niyang maangkin ito. Dahil kapag tumakas siya, ibig sabihin lang nun ay sumuko na siya at hinayaan si Czarina na manalo.“Sa tingin ko kailangan ko ulit gawin sayo ang ginawa ko sa inyo noon ni Arianne. Kailangan mong mamatay sa aksidente.” Iyun na lang ang huling paraan na naiisip ni Natalia para tuluyan ng mawala sa landas niya si Czarina.“Kapag nawala kayong dalawa sa landas namin ng anak ko, si Natalie ang magiging tagapagmana ng kompanya dahil siya na lang ang nag-iisang Jimenez. Kung hindi mo lang ako tinalikuran Mateo hindi kita idadamay sa mga plano ko.” Ani
“Ganito pala yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag ang takot na nararamdaman mo. Yung puso ko kanina para bang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog. Habang nasa byahe kami papunta sa location mo parang gusto ko ng magteleport para lang masiguro kong okay ka lang pero wala akong magawa. Para akong mababaliw sa kakaisip. Kung naabutan ko lang siguro ang mga taong yun baka nandilim na ang paningin ko napatay ko sila. Takot na takot akong mawala ka sa amin ng mga anak natin. Mahal na mahal kita, Czarina.” Mas lalong isiniksik ni Tyrone ang mukha niya sa leeg ni Czarina.Matamis namang napangiti si Czarina.“Mahal din kita,” sagot niya. Mabilis na napaangat ng tingin si Tyrone dahil simula ng magsama silang dalawa, simula nang ikasal sila at simula nang matutunan niyang mahalin si Czarina ngayon lang sumagot si Czarina sa kaniya. Yung takot na naramdaman niya kanina tila ba biglang napalitan ng excitement at gulat.“You mean that?” paninigurado niya. Tumingin sa kawalan si
Nang makarating sila sa mansion ay naghihintay na sa kanila ang buong Fuentes. Kalong-kalong din ni Melanie ang dalawang kambal. Paulit-ulit na nananalangin na sana ay makauwi silang lahat ng ligtas. Sana ay nakalayo na sila bago pa malaman ng mga kidnapper na fake money lang ang karamihan sa pera.“Mommy,” sabay na tawag ni Riley at Isabella ng makita na nila ang Mommy nila. Bumaba ang mga ito mula sa pagkakakandong sa mga binti ni Melanie saka nila sinalubong nang yakap ang Mommy nila. Mahigpit na niyakap ni Czarina ang mga anak niya. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga anak niya. Natatakot siyang iwan ng maaga ang mga ito lalo na nang mawalan siya ng preno.“Kumusta? Hindi ba kayo nasaktan? Wala bang nangyari?” tanong ni Chairman sa mga apo niya.“We’re fine, lolo.” Sagot ni Owen. Nilingon na rin ni Czarina si Chairman. Nahihiya siya rito dahil mukhang pinag-alala niya ito.“Thank you, Chairman. I’m sorry for making you worry at sa abala.” Nakayuko niyang saad. Tumango lang nam
“5x ng ibinayad sa amin, sige pakakawalan ka namin? Deal? Alam naman namin kung saang pamilya ka nabibilang. Alam din namin kung gaano kayaman ang asawa mo. Siguro naman ay balewala na lang sa inyo ang 500 million.” Nagngitngit ang mga ngipin ni Czarina. Gahaman din talaga ang mga taong kumidnap sa kaniya. Masyadong malaking halaga ang hinihingi nila. Sa laki nito ay kahit ilang taon silang hindi magtrabaho.“Anong klaseng papeles ba ang pinapapirma mo sa akin? Pwede ko bang basahin saka ko pag-iisipan kung papayag ako sa condition niyo.” Napataas ang kilay ng lalaki. Hindi niya na nagugustuhan ang ginagawa ni Czarina. Madali lang naman silang kausap pero pinapatagal pa ni Czarina ang lahat.“Alam naman namin na kayang kaya ng pamilya mo at ng pamilya ng asawa mo ang halagang hinihingi namin. Huwag mo ng patagalin pa dahil ibibigay ko rin naman sayo ang dokumento na ‘to kapag nakuha na namin ang perang hinihingi namin kapalit ng buhay mo.”Gusto sanang malaman ni Czarina kung anong kl