Inis na umupo si Natalia sa kama ng anak niya. Hindi niya akalain na magagawa ni Czarina ang lahat na ito. "Masyado ko siyang minaliit. Dapat sana ay hindi ko na siya pinakawalan sa mental hospital noon. Paanong hindi siya nabaliw gayong regular naman ang mga gamot na pinapainom sa kaniya?" Ani ni Natalia. Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kaniya si Natalie. "Ginagawa mo ba siyang baliw, Mom? So, it's true na hindi talaga siya baliw? Paano mo nagawa sa kaniya yun?" Bahagyang nagulat si Natalia nang marealize niyang nasa loob pala siya ng kwarto ng anak niya. Mabilis niyang iniwas ang paningin niya pero ramdam niya ang mariing pagtitig sa kaniya ng anak niya. "Mom, answer me. Ang alam ko ay nawala sa katinuaan ng pag-iisip si Czarina dahil sa nangyari sa Mommy niya. Hindi ba yun totoo? You're making her crazy?" Tanong niya ulit pero lumunok lang si Natalia. Hindi niya sinasabi sa anak niya ang mga pinaplano niya. "Don't tell me na pinilit mo lang din siyang papirmahin sa agreem
Hindi mapakali si Melanie habang abala sa paghahain ng pagkain ang mga katulong nila. Isa-isa pa niyang tinitingnan at binibilang ang mga pagkain na inihanda na. Hindi niya alam kung anong gusto ng mga anak ni Czarina kaya lahat ng alam niyang lutuin ay iniluto niya. "Okay na ba ang lahat? How about the dessert? Siguraduhin niyong okay na ang lahat. Ingatan niyo rin na hindi matalsikan ng ibang pagkain ang ibang pagkain!" Natataranta niyang wika habang abala na naghahanda ang mga katulong sa hardin nila. "Ma'am nandito na po sila." Anunsyo ng isang katulong na hinihingal pa. Mabilis na inayos ni Melanie ang buhok niya at ang suot niyang dress. "How about my look? Hindi ba ako nakakatakot tingnan?" Nag-aalala niyang tanong sa katulong nila. Gusto niya maging komportable ang mga bata sa kaniya at dahil bakas na ang katandaan sa kaniya baka matakot ang mga ito. Napapailing naman si Jameson sa asawa niya. "Akala ko ba ay gusto mo munang makita ang result ng DNA test nila? You look so
Nanguha ng fried chicken si Tyrone at inilagay yun sa pinggan ni Isabella. "You want this?" Malumanay na tanong ni Tyrone. Nahihiya namang tumingin sa kaniya si Isabella."Can I po?" Nahihiya at may halo pang takot nitong tanong. Nilingon naman ni Riley ang kapatid niya at hinawakan ang kamay nito para pakalmahin. "Pasensya na po, she's afraid to take food dahil sa tuwing kumukuha siya ng food hinahampas ni yaya ang mga kamay niya. Kinakain lang po niya ang pagkain na inilalagay sa pinggan niya." Pagpapaliwanag ni Riley kung bakit takot ang kapatid niya. Napaawang ang labi ni Melanie dahil sa narinig. Napaigting naman ang panga ni Tyrone habang hindi namalayan ni Czarina ang paglandas ng mga luha niya. Hindi niya akalain ang mga pinagdaanan ng mga anak niya. "Sinasaktan kayo ng yaya niyo?" Hindi na rin mapigilan na tanong ni Jameson. Tumango naman si Riley saka siya tumingin sa kaniyang ina. Mabilis na pinunasan ni Czarina ang mga luha niya saka niya bahagyang nginitian ang anak. "
Kinuha ni Owen ang hawak ni Natalie na brown envelope pero dahil nakasealed ito ay hindi niya makita ang resulta kaya kinuha niya rin ang isang envelope na hawak pa ni Natalie saka niya iyun binuksan. Tiningnan niya kaagad ang resulta at negative ito. Napangisi siya saka niya bahagyang itinulak si Natalie para lumayo ito sa lamesa ng doctor. Ibinalik ni Owen ang brown envelope na nakasealed saka niya muling tiningnan si Natalie pero dahil anumang oras ay babalik na ang doctor sa clinic niya hinila niya si Natalie palabas hanggang sa makarating sila sa area na walang masyadong tao. "Nababaliw ka na ba? Gusto mo ba talagang sirain ang buhay ng kapatid mo at ng mga pamangkin mo? Are you doing this to ruin Czarina o gusto mo pa ring i-pursue si Tyrone? Alin sa dalawa Natalie? Or maybe both?" May diin niyang saad. Inis na inalis ni Natalie ang pagkakahawak ni Tyrone sa kaniya. "I'm your fiancee, Owen, pero bakit ba si Czarina ang kinakampihan mo? Do you like her? Kung may gusto ka naman
Napabuntong hininga na lang siya saka niya sinenyasan ang mga bata na lumapit sa kaniya pero nanatiling nakayakap ang mga ito sa mga binti ni Czarina. Umupo si Czarina para pantayan ang mga anak niya. "Siya ang lolo ng Daddy niyo kaya huwag kayong matakot. Give some respect to him, kids." Malumanay na saad ni Czarina. Nagkatinginan naman ang kambal. Unang humiwalay si Riley sa Mommy niya saka niya inilahad ang kamay niya sa kapatid niya. Hawak kamay silang dalawa na naglakad palapit kay Chairman. "Don't worry, Isabella. Kuya is here," pagpapakalma ni Riley sa kapatid niya dahil matindi ang takot na nararamdaman nito. Nakakaramdam din siya ng takot pero kailangan niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Lumapit silang dalawa kay Chairman at nagmano rito. "Ako po si Riley, siya naman po si Isabella, kambal ko po." Magalang na pagpapakilala ni Riley sa sarili niya at sa kambal niya. Ang akala nilang kambal ay wala silang ama dahil hindi naman nila ito kilala at wala na
Masayang iniuwi ni Tyrone ang mag-iina niya. Ipinahanda niya kaagad ang magiging kwarto ng mga ito. Ipinaluto niya rin ang mga paborito nilang pagkain. Hindi pa rin sanay si Riley at Isabella sa nangyayari ngayon dahil sa loob ng dalawang taon pagmamalupit at paninigaw ang naranasan nila. Wala rin silang ibang nakasama kundi ang yaya nila. Never din silang lumabas para mamasyal. Hindi nila naranasan ang makipaglaro sa mga kapwa nila bata. Hindi pa rin nila nararanasan na maglaro sa playground. "Mommy, hindi na po ba kami aalis? Pwede po bang dito na lang kami kasama ka at si daddy?" Bakas pa rin ang takot na saad ni Isabella. Niyakap ni Czarina ang anak niyang babae saka maingat na hinaplos ang mga buhok nito. "Hinding hindi na kayo aalis. Mananatili na kayo kasama ni Mommy at Daddy. Wala ng sinuman ang kukuha sa inyo at ilalayo sa akin. Pipilitin ni Mommy na maging malakas at palaban na para sa inyo. I'm sorry if I'm weak back then. I'm really sorry baby," paulit-ulit na hinging pa
Kinabukasan, maagang gumising si Tyrone para ipagluto ang mga anak niya ng breakfast. Nakanotes na sa selpon niya ang mo mga pagkain na gusto ng mga bata. Nang magising din si Czarina ay nagtungo siya kaagad ng kusina ng maamoy niya ang masarap na aroma ng mga pagkain na niluluto. "Ang aga mo yatang nagising saka bakit ikaw ang nagluluto ng mga pagkain?" Tanong ni Czarina saka siya nanguha ng tubig para uminom. "Gusto ko lang iluto ang mga pagkain na gustong kainin ng mga anak natin. Limit lang ang mga pagkain na kinakain nila noong nasa Los Angeles pa sila at ngayong nandito na sila ibibigay ko sa kanila ang mga gusto nila." Sagot ni Tyrone nang hindi nililingon si Czarina dahil nakafocus ito sa niluluto niya. "But don't spoil them,""I am not, naiinis lang ako kapag naiisip kong pinagdamutan sila kaya hangga't kaya kong ibigay ang mga bagay na hindi nila naranasan, ibibigay ko." Aniya. Hindi na lang umangal pa si Czarina at hinayaan na lang si Tyrone sa ginagawa niya. "Ma'am Cz
Nakangiting nakatingin si Tyrone sa mag-iina na masayang naglalaro sa sala habang nakaupo siya sa sofa. Napapailing na lang sa kaniya ang mga kaibigan niya. Ngayon lang nila nakita na ngumiti si Tyrone na abot hanggang tenga. "Are you in love now? Sa mga bata ka lang ba talaga natutuwa o pati sa nanay na?" Nang-aasar na namang saad ni Aries. "She's the mother of my kids, normal lang naman na mahalin ko rin siya hindi ba?" "Ayun!" Malakas na wika ni Aries na may tinig ng pang-aasar. Natatawa na lang din si Matthew. Mukhang tinamaan na ng pag-ibig ang kaibigan nila. Maraming taon din ang lumipas bago ulit ito nagmahal. Napapailing at natatawa na lang din si Tyrone. Hindi niya naman itatanggi kung ano ng nararamdaman niya. Hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Czarina pero dahil ito ang ina ng mga anak niya hindi naman siguro mahirap na mas mahalin pa niya ito. "Ibig bang sabihin niyan wala ng kwenta ang kasunduan niyong dalawa na maghihiwalay din kapag nakuh
“I’m okay, Tita.” Magalang niyang sagot. Tipid lang namang ngumiti si Amelia.“Nasabi sa amin ni Papa na buntis ka raw at sa mansion ka na rin nakatira. Pasensya ka na kung ngayon lang ulit tayo nagkita. Kagabi lang din kasi kami umuwi from New York.”“No, it’s okay Tita. Alam ko naman po na busy kayo kaya naiintindihan ko. Ang mahalaga po ay nandito kayo at makakasama namin sa special day namin ni Owen.” Tumango na lang si Amelia pero tila ba nagdadalawang isip na kung ipapakasal pa ba niya ang anak niya lalo na at nagwala ito kagabi sa harap nilang mag-asawa dahil ipinagkasundo nila ito kay Natalie.“This is my gift for you, binili ko pa yan sa Europe.” Ibinigay ni Amelia ang isang box. Binuksan naman kaagad ni Natalie ito dahil excited na siyang malaman kung anong laman ng box. Napangiti na lang siya ng makita niyang napakagandang bracelet ang regalo sa kaniya.“This is so beautiful, Tita. Thank you,” ngiti niyang saad. Tumango lang naman si Amelia.“Kapag nagsama na kayo ni Owen s
Nasa pool area si Natalie at umiinom ng wine. Nakita naman yun ni Czarina kaya nilapitan niya ito. Nakabikini lang si Natalie at nag-eenjoy mag-isa sa pool habang may iniinom na wine at may kinakain na mga pagkain.Naupo si Czarina sa isang bench habang nasa tubig ang tingin niya.“Sabi mo buntis ka. Hindi mo ba alam na bawal sa buntis ang alak? Hindi lang din basta wine ang iniinom mo. Hindi mo ba binabasa kung ilang percent ang alcohol niyan?” wika niya. Tiningnan ni Natalie ang bote ng alak saka niya tiningnan ang alcohol percent nito. Binitiwan niya ang wineglass na hawak niya.“Hindi ko nakita,” sagot niya. Ngumisi lang naman si Czarina.“Nabasa mo man o hindi sa tingin mo makakabuti sa baby mo ang pag-inom mo ng alak? Kung ayaw mong mawalan ng panlaban kay Owen ingatan mo ang baby mo dahil kapag nawala sa sinapupunan mo ang baby mo, may dahilan na siyang hindi ka pakasalan. Alam naman nating ayaw ka niyang pakasalan.” Walang prenong saad ni Czarina kaya inis siyang nilingon ni N
Nang makita naman ni Tyrone kung sino ang kasama ng asawa niya ay mabilis niyang nilapitan ang mga ito. Seryoso niyang tiningnan ni Owen.“What are you doing here?” masungit na naman na tanong ni Tyrone kay Owen. Hindi tiningnan ni Owen si Tyrone.“Nagkwekwentuhan lang pero inabala mo.” Tila pang-aasar na naman ni Owen. Malaki naman ang tiwala ni Tyrone kay Czarina kaya sigurado siyang si Owen na naman ang lumapit sa asawa niya.“Hindi mo ba talaga lalayuan ang pamilya ko?” ani ni Tyrone. Kunot noo namang tiningnan ni Owen si Tyrone.“Are you stupid? Alam mo naman na nasa iisang mansion tayo. Hindi natin maiiwasan na magkasalubong ang mga landas natin. Kung gusto mo naman magpagawa ka ng sarili niyong pool dito kung ayaw mong nagtatagpo ang landas namin ng asawa mo. Wala rin akong masamang ginagawa sa kanila. Magalit ka sa akin kung meron. Ayaw ko sayo pero hindi ibig sabihin nun ay dapat ko na ring ayawan ang pamilya mo. Kung madali lang sanang agawin sayo si Czarina eh, ginawa ko na
Naghire ng tao si Mateo para bantayan ang bawat kilos ni Doc Santos. Gusto niyang malaman kung may ugnayan ba sila ni Natalia, kung may kinalaman din ba ito sa mga gamot na ipinapainom ni Natalia sa kaniya. Gusto niya na rin ibigay ang payapa at tahimik na buhay kay Czarina lalo na at may sarili na itong pamilya pero paano niya yun magagawa kung hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ang mag-ina niya kay Czarina?Hinilot ni Mateo ang sintido niya. Nang biglang bumukas ang pintuan ng office niya ay tiningnan niya kung sino ang pumasok. Iniwas niya rin naman kaagad ang paningin niya ng makita niyang si Natalia.“Next week na ang kasal ng anak natin, wala ka pa rin bang gagawin? Hindi mo man lang siya tinutulungan para hindi siya mapagod. Alam mo namang buntis siya, paano kung may mangyari sa baby niya? Masyado kang unfair, Mateo. Noong si Czarina ang ikinasal palihim mo siyang tinutulungan pero kay Natalie wala ka man lang ginagawa para sa kaniya? Baka naman hanggang ngayon wala ka pang na
“Owen,” tila gulat pang tawag ni Czarina kay Owen nang dumaan ito sa harap niya.“What?” tila masungit na sagot ni Owen. Hindi alam ni Czarina kung guni-guni niya lang ba yun lalo na at hindi naman pangit ang pakikitungo ni Owen sa kaniya.“May nangyari ba talaga sa inyo ni Natalie?” kuryoso niyang tanong. Alam niyang out of the line na ang tanong niya pero gusto niyang tulungan si Owen na matakasan ang kasal. Tumaas ang isang kilay ni Owen dahil sa tanong ni Czarina.“Anong klaseng tanong ba yan Czarina? Sa tingin mo ba nandito ang kapatid mo kung wala? Yun naman ang ginagawa niyang panakot sa akin eh. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niyong ipagsiksikan ang mga sarili niyo sa mga lalaki eh.” Bakas ang inis sa tinig ni Owen. Siguradong galit si Owen base pa lang sa tono niya at mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Are you mad at me too?” kunot noong tanong ni Czarina.“Si Natalie sana ang asawa ni Tyrone ngayon pero dahil sumingit ka, ako ang pinagdidiskitahan ng k
Habang busy si Natalie sa paghahanda niya sa kasal nila ni Owen ay sinamantala naman ni Czarina na pumasok sa kwarto nito. Pinakuhanap niya ang duplicate na susi ng kwarto lalo na at mansion naman ng mga Fuentes ang tinutuluyan nila. Minsan pang tiningnan ni Czarina ang paligid niya kung nandyan ba si Natalie pero wala naman kaya pumasok na siya sa loob.Nagsimula siyang maghanap ng posibleng patunay sa pagpapanggap ni Natalie na buntis pero kung sakali mang buntis nga ito wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na habang buhay ng nakadikit sa buhay niya si Natalie.Binuklat niya ang lahat ng mga drawer ni Natalie. Nang makita niya ang isang envelope ay binuksan niya ito at nakalagay dun ang isang ultrasound. Kitang-kita ni Czarina ang maliit pang fetus sa picture. Tiningnan niya rin ang pangalan at nakapangalan ito kay Natalie.“Is she really pregnant?” nagtataka pa ring usal ni Czarina. Pumasok na rin siya sa walk in closet ni Natalie at maingat na binuklat ang mga gamit nito. A
“Kailan mo pa hawak ‘to? Kaya ba malakas na ang loob mong maghari-hari dito sa kompanya?” nginisian ni Czarina si Natalie na nagngingitngit sa galit.“Yan ba ang panaginip lang? Kapag sinabi ko totoo yun. Sino kaya sa ating lahat ang nananaginip lang?” anas ni Czarina. Nakagat ni Natalia ang mga ngipin niya. Gusto niyang punitin ang mga papeles pero kaharap nila ang mga board of directors.“Sayo ibinigay ni Arianne ang mga shares niya bago siya mawala?” kuryoso na ring tanong ng isang board of directors.“Yes, so from now on ako na ang mamamahala sa kompanya na ‘to. Be kind to me, Tita, kung ayaw mong paalisin kita dito sa kompanya ko. Remember, wala ka namang hawak na shares.” Pang-aasar pa niya. Lalong hindi na nakapagsalita si Natalia at Natalie. Nang wala na silang sinabi ay pinagpatuloy ni Czarina ang pagpapaliwanag niya sa harap.Mahigpit naman na ang hawak ni Natalia sa skirt niya habang masamang nakatingin kay Czarina. Hindi niya akalain na nahanap na ni Czarina ang dokumento
Nang makatulog ang kambal ay nagtungo si Czarina at Tyrone sa veranda. Nakasandal si Czarina sa railings habang may hawak na tsaa. Si Tyrone naman ay nakaupo sa sofa habang may binabasang mga reports.Iniisip pa rin ni Czarina kung totoo bang buntis si Natalie. Napabuntong hininga na lang siya at sa lakas nun ay narinig ni Tyrone.“What are you thinking?” pangbabasag ni Tyrone sa katahimikan nilang dalawa.“Iniisip ko lang, kung buntis naman talaga si Natalie bakit kailangan niyang magsuot ng fake pregnant belly? Imposible namang magsinungaling sa akin si Isabella. Kung ano yung nakita ng bata paniniwalaan ko yun.” anas niya.“Baka naman buntis talaga siya. Hayaan mo na lang sila.”“Kilala ko rin si Natalie. Ayaw na ayaw nun ng malaki ang tiyan niya dahil kapag alam niyang malaki ng kaunti ang tiyan niya nagda-diet na siya kaagad. Pansin kong may baby bump na kaagad siya. Paano kung nagsuot siya ng fake pregnant belly? Wala naman siyang alam sa pagbubuntis pa kaya baka akala niya may
Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany