Share

Kabanata 48.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-03-08 22:54:30

Napaupo na lang si Natalie dahil sa narinig niya. Pakiramdam niya naubusan ng oxygen ang buong katawan niya. Hilaw siyang natawa saka niya naikuyom ang kamao niya. Gusto niyang sampalin ang mukha ni Czarina at hilain ang mga buhok nito. Bakit ba tila umaayon ang panahon kay Czarina? Hindi siya nahirapan na kumbinsihin si Tyrone na pakasalan siya, siya rin ang palaging nilalapitan ni Owen tapos ngayon naman posibleng mga Fuentes ang mga anak niya?

"No! This is not happening! Hindi mga Fuentes ang mga anak ng babaeng yun!" Hysterical ni Natalie. Napapikit na lang si Natalia dahil pakiramdam niya ay sasabog sa galit ang ulo niya. "Do something Mom! Hindi dapat malaman ng mga Fuentes ang tungkol sa kambal, hindi dapat malaman ni Tyrone na may mga anak siya! Please do something!" Sigaw pa ni Natalie. Napabuntong hininga na lang si Natalia. Sa mga oras na 'to hindi sila sigurado kung wala pa rin bang alam ang mga Fuentes tungkol sa kambal.

"Ano pa bang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (17)
goodnovel comment avatar
PrincessDenise Tobias
waiting po sa update miss A
goodnovel comment avatar
Rachelle Dionisio
e2 yung gusto ko walang paliguy ligoy n estorya...pagaling k author
goodnovel comment avatar
Ronaldo Donato
sana mag update agd nabibigin ako sa storya.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Contract Marriage    Kabanata 49.1

    Hinarap ni Melanie si Natalia saka niya ito sinampal nang malakas na ikinaawang ng labi ni Natalia. "What do you think you're doing? Trespassing ka, Mrs. Fuentes." Angil ni Natalia pero napasinghap na lang siya nang muli siyang sampalin ni Melanie. Gusto na rin sana umawat ni Czarina pero mas pinili niya na lang manahimik. She wants to slap her stepmom too pero dahil hawak nito ang mga anak niya hindi niya yun magawa dahil sa takot na baka saktan ni Natalia ang mga anak niya. "File a case against me pero sa tingin mo ba sapat yun para mapakulong mo ako? Oras na napatunayan kong apo ko ang mga itinatago mo sisiguraduhin kong hihimas ka ng rehas." May diing wika ni Melanie. Hilaw na lang na natawa si Natalia. Ramdam niya ang pagpintig ng sintido niya. Inis na tiningnan ni Natalia si Czarina pero nanatiling tahimik si Czarina. "Plinano mo na ang lahat ng 'to, tama ba?" Tanong niya. Itinago naman ni Melanie si Czarina sa likod niya para silang dalawa lang ni Natalia ang mag-uusap. "It

    Last Updated : 2025-03-09
  • My Contract Marriage    Kabanata 49.2

    Inis na umupo si Natalia sa kama ng anak niya. Hindi niya akalain na magagawa ni Czarina ang lahat na ito. "Masyado ko siyang minaliit. Dapat sana ay hindi ko na siya pinakawalan sa mental hospital noon. Paanong hindi siya nabaliw gayong regular naman ang mga gamot na pinapainom sa kaniya?" Ani ni Natalia. Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kaniya si Natalie. "Ginagawa mo ba siyang baliw, Mom? So, it's true na hindi talaga siya baliw? Paano mo nagawa sa kaniya yun?" Bahagyang nagulat si Natalia nang marealize niyang nasa loob pala siya ng kwarto ng anak niya. Mabilis niyang iniwas ang paningin niya pero ramdam niya ang mariing pagtitig sa kaniya ng anak niya. "Mom, answer me. Ang alam ko ay nawala sa katinuaan ng pag-iisip si Czarina dahil sa nangyari sa Mommy niya. Hindi ba yun totoo? You're making her crazy?" Tanong niya ulit pero lumunok lang si Natalia. Hindi niya sinasabi sa anak niya ang mga pinaplano niya. "Don't tell me na pinilit mo lang din siyang papirmahin sa agreem

    Last Updated : 2025-03-10
  • My Contract Marriage    Kabanata 50.1

    Hindi mapakali si Melanie habang abala sa paghahain ng pagkain ang mga katulong nila. Isa-isa pa niyang tinitingnan at binibilang ang mga pagkain na inihanda na. Hindi niya alam kung anong gusto ng mga anak ni Czarina kaya lahat ng alam niyang lutuin ay iniluto niya. "Okay na ba ang lahat? How about the dessert? Siguraduhin niyong okay na ang lahat. Ingatan niyo rin na hindi matalsikan ng ibang pagkain ang ibang pagkain!" Natataranta niyang wika habang abala na naghahanda ang mga katulong sa hardin nila. "Ma'am nandito na po sila." Anunsyo ng isang katulong na hinihingal pa. Mabilis na inayos ni Melanie ang buhok niya at ang suot niyang dress. "How about my look? Hindi ba ako nakakatakot tingnan?" Nag-aalala niyang tanong sa katulong nila. Gusto niya maging komportable ang mga bata sa kaniya at dahil bakas na ang katandaan sa kaniya baka matakot ang mga ito. Napapailing naman si Jameson sa asawa niya. "Akala ko ba ay gusto mo munang makita ang result ng DNA test nila? You look so

    Last Updated : 2025-03-11
  • My Contract Marriage    Kabanata 50.2

    Nanguha ng fried chicken si Tyrone at inilagay yun sa pinggan ni Isabella. "You want this?" Malumanay na tanong ni Tyrone. Nahihiya namang tumingin sa kaniya si Isabella."Can I po?" Nahihiya at may halo pang takot nitong tanong. Nilingon naman ni Riley ang kapatid niya at hinawakan ang kamay nito para pakalmahin. "Pasensya na po, she's afraid to take food dahil sa tuwing kumukuha siya ng food hinahampas ni yaya ang mga kamay niya. Kinakain lang po niya ang pagkain na inilalagay sa pinggan niya." Pagpapaliwanag ni Riley kung bakit takot ang kapatid niya. Napaawang ang labi ni Melanie dahil sa narinig. Napaigting naman ang panga ni Tyrone habang hindi namalayan ni Czarina ang paglandas ng mga luha niya. Hindi niya akalain ang mga pinagdaanan ng mga anak niya. "Sinasaktan kayo ng yaya niyo?" Hindi na rin mapigilan na tanong ni Jameson. Tumango naman si Riley saka siya tumingin sa kaniyang ina. Mabilis na pinunasan ni Czarina ang mga luha niya saka niya bahagyang nginitian ang anak. "

    Last Updated : 2025-03-11
  • My Contract Marriage    Kabanata 51.1

    Kinuha ni Owen ang hawak ni Natalie na brown envelope pero dahil nakasealed ito ay hindi niya makita ang resulta kaya kinuha niya rin ang isang envelope na hawak pa ni Natalie saka niya iyun binuksan. Tiningnan niya kaagad ang resulta at negative ito. Napangisi siya saka niya bahagyang itinulak si Natalie para lumayo ito sa lamesa ng doctor. Ibinalik ni Owen ang brown envelope na nakasealed saka niya muling tiningnan si Natalie pero dahil anumang oras ay babalik na ang doctor sa clinic niya hinila niya si Natalie palabas hanggang sa makarating sila sa area na walang masyadong tao. "Nababaliw ka na ba? Gusto mo ba talagang sirain ang buhay ng kapatid mo at ng mga pamangkin mo? Are you doing this to ruin Czarina o gusto mo pa ring i-pursue si Tyrone? Alin sa dalawa Natalie? Or maybe both?" May diin niyang saad. Inis na inalis ni Natalie ang pagkakahawak ni Tyrone sa kaniya. "I'm your fiancee, Owen, pero bakit ba si Czarina ang kinakampihan mo? Do you like her? Kung may gusto ka naman

    Last Updated : 2025-03-12
  • My Contract Marriage    Kabanata 51.2

    Napabuntong hininga na lang siya saka niya sinenyasan ang mga bata na lumapit sa kaniya pero nanatiling nakayakap ang mga ito sa mga binti ni Czarina. Umupo si Czarina para pantayan ang mga anak niya. "Siya ang lolo ng Daddy niyo kaya huwag kayong matakot. Give some respect to him, kids." Malumanay na saad ni Czarina. Nagkatinginan naman ang kambal. Unang humiwalay si Riley sa Mommy niya saka niya inilahad ang kamay niya sa kapatid niya. Hawak kamay silang dalawa na naglakad palapit kay Chairman. "Don't worry, Isabella. Kuya is here," pagpapakalma ni Riley sa kapatid niya dahil matindi ang takot na nararamdaman nito. Nakakaramdam din siya ng takot pero kailangan niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Lumapit silang dalawa kay Chairman at nagmano rito. "Ako po si Riley, siya naman po si Isabella, kambal ko po." Magalang na pagpapakilala ni Riley sa sarili niya at sa kambal niya. Ang akala nilang kambal ay wala silang ama dahil hindi naman nila ito kilala at wala na

    Last Updated : 2025-03-12
  • My Contract Marriage    Kabanata 52.1

    Masayang iniuwi ni Tyrone ang mag-iina niya. Ipinahanda niya kaagad ang magiging kwarto ng mga ito. Ipinaluto niya rin ang mga paborito nilang pagkain. Hindi pa rin sanay si Riley at Isabella sa nangyayari ngayon dahil sa loob ng dalawang taon pagmamalupit at paninigaw ang naranasan nila. Wala rin silang ibang nakasama kundi ang yaya nila. Never din silang lumabas para mamasyal. Hindi nila naranasan ang makipaglaro sa mga kapwa nila bata. Hindi pa rin nila nararanasan na maglaro sa playground. "Mommy, hindi na po ba kami aalis? Pwede po bang dito na lang kami kasama ka at si daddy?" Bakas pa rin ang takot na saad ni Isabella. Niyakap ni Czarina ang anak niyang babae saka maingat na hinaplos ang mga buhok nito. "Hinding hindi na kayo aalis. Mananatili na kayo kasama ni Mommy at Daddy. Wala ng sinuman ang kukuha sa inyo at ilalayo sa akin. Pipilitin ni Mommy na maging malakas at palaban na para sa inyo. I'm sorry if I'm weak back then. I'm really sorry baby," paulit-ulit na hinging pa

    Last Updated : 2025-03-13
  • My Contract Marriage    Kabanata 52.2

    Kinabukasan, maagang gumising si Tyrone para ipagluto ang mga anak niya ng breakfast. Nakanotes na sa selpon niya ang mo mga pagkain na gusto ng mga bata. Nang magising din si Czarina ay nagtungo siya kaagad ng kusina ng maamoy niya ang masarap na aroma ng mga pagkain na niluluto. "Ang aga mo yatang nagising saka bakit ikaw ang nagluluto ng mga pagkain?" Tanong ni Czarina saka siya nanguha ng tubig para uminom. "Gusto ko lang iluto ang mga pagkain na gustong kainin ng mga anak natin. Limit lang ang mga pagkain na kinakain nila noong nasa Los Angeles pa sila at ngayong nandito na sila ibibigay ko sa kanila ang mga gusto nila." Sagot ni Tyrone nang hindi nililingon si Czarina dahil nakafocus ito sa niluluto niya. "But don't spoil them,""I am not, naiinis lang ako kapag naiisip kong pinagdamutan sila kaya hangga't kaya kong ibigay ang mga bagay na hindi nila naranasan, ibibigay ko." Aniya. Hindi na lang umangal pa si Czarina at hinayaan na lang si Tyrone sa ginagawa niya. "Ma'am Cz

    Last Updated : 2025-03-14

Latest chapter

  • My Contract Marriage    Kabanata 76.2

    “Owen,” tila gulat pang tawag ni Czarina kay Owen nang dumaan ito sa harap niya.“What?” tila masungit na sagot ni Owen. Hindi alam ni Czarina kung guni-guni niya lang ba yun lalo na at hindi naman pangit ang pakikitungo ni Owen sa kaniya.“May nangyari ba talaga sa inyo ni Natalie?” kuryoso niyang tanong. Alam niyang out of the line na ang tanong niya pero gusto niyang tulungan si Owen na matakasan ang kasal. Tumaas ang isang kilay ni Owen dahil sa tanong ni Czarina.“Anong klaseng tanong ba yan Czarina? Sa tingin mo ba nandito ang kapatid mo kung wala? Yun naman ang ginagawa niyang panakot sa akin eh. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niyong ipagsiksikan ang mga sarili niyo sa mga lalaki eh.” Bakas ang inis sa tinig ni Owen. Siguradong galit si Owen base pa lang sa tono niya at mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Are you mad at me too?” kunot noong tanong ni Czarina.“Si Natalie sana ang asawa ni Tyrone ngayon pero dahil sumingit ka, ako ang pinagdidiskitahan ng k

  • My Contract Marriage    Kabanata 76.1

    Habang busy si Natalie sa paghahanda niya sa kasal nila ni Owen ay sinamantala naman ni Czarina na pumasok sa kwarto nito. Pinakuhanap niya ang duplicate na susi ng kwarto lalo na at mansion naman ng mga Fuentes ang tinutuluyan nila. Minsan pang tiningnan ni Czarina ang paligid niya kung nandyan ba si Natalie pero wala naman kaya pumasok na siya sa loob.Nagsimula siyang maghanap ng posibleng patunay sa pagpapanggap ni Natalie na buntis pero kung sakali mang buntis nga ito wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na habang buhay ng nakadikit sa buhay niya si Natalie.Binuklat niya ang lahat ng mga drawer ni Natalie. Nang makita niya ang isang envelope ay binuksan niya ito at nakalagay dun ang isang ultrasound. Kitang-kita ni Czarina ang maliit pang fetus sa picture. Tiningnan niya rin ang pangalan at nakapangalan ito kay Natalie.“Is she really pregnant?” nagtataka pa ring usal ni Czarina. Pumasok na rin siya sa walk in closet ni Natalie at maingat na binuklat ang mga gamit nito. A

  • My Contract Marriage    Kabanata 75.2

    “Kailan mo pa hawak ‘to? Kaya ba malakas na ang loob mong maghari-hari dito sa kompanya?” nginisian ni Czarina si Natalie na nagngingitngit sa galit.“Yan ba ang panaginip lang? Kapag sinabi ko totoo yun. Sino kaya sa ating lahat ang nananaginip lang?” anas ni Czarina. Nakagat ni Natalia ang mga ngipin niya. Gusto niyang punitin ang mga papeles pero kaharap nila ang mga board of directors.“Sayo ibinigay ni Arianne ang mga shares niya bago siya mawala?” kuryoso na ring tanong ng isang board of directors.“Yes, so from now on ako na ang mamamahala sa kompanya na ‘to. Be kind to me, Tita, kung ayaw mong paalisin kita dito sa kompanya ko. Remember, wala ka namang hawak na shares.” Pang-aasar pa niya. Lalong hindi na nakapagsalita si Natalia at Natalie. Nang wala na silang sinabi ay pinagpatuloy ni Czarina ang pagpapaliwanag niya sa harap.Mahigpit naman na ang hawak ni Natalia sa skirt niya habang masamang nakatingin kay Czarina. Hindi niya akalain na nahanap na ni Czarina ang dokumento

  • My Contract Marriage    Kabanata 75.1

    Nang makatulog ang kambal ay nagtungo si Czarina at Tyrone sa veranda. Nakasandal si Czarina sa railings habang may hawak na tsaa. Si Tyrone naman ay nakaupo sa sofa habang may binabasang mga reports.Iniisip pa rin ni Czarina kung totoo bang buntis si Natalie. Napabuntong hininga na lang siya at sa lakas nun ay narinig ni Tyrone.“What are you thinking?” pangbabasag ni Tyrone sa katahimikan nilang dalawa.“Iniisip ko lang, kung buntis naman talaga si Natalie bakit kailangan niyang magsuot ng fake pregnant belly? Imposible namang magsinungaling sa akin si Isabella. Kung ano yung nakita ng bata paniniwalaan ko yun.” anas niya.“Baka naman buntis talaga siya. Hayaan mo na lang sila.”“Kilala ko rin si Natalie. Ayaw na ayaw nun ng malaki ang tiyan niya dahil kapag alam niyang malaki ng kaunti ang tiyan niya nagda-diet na siya kaagad. Pansin kong may baby bump na kaagad siya. Paano kung nagsuot siya ng fake pregnant belly? Wala naman siyang alam sa pagbubuntis pa kaya baka akala niya may

  • My Contract Marriage    Kabanata 74.2

    Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany

  • My Contract Marriage    Kabanata 74.1

    Isang linggo nang naghihintay si Natalia kay Officer Fernando pero tila ba iniiwasan siya nito. Hindi niya na rin matawagan ang number niya. Sa inis ni Natalia ay itinapon niya ang hawak niyang cellphone saka niya hinilot ang sintido niya. Pinapakalma ang sarili.Nang makita niya si Mateo na nilampasan lang siya ay hinabol niya ito.“Mateo,” tawag niya dito pero hindi siya nilingon ni Mateo. Dire-diretsong pumasok si Mateo sa office niya. Sumunod naman sa kaniya si Natalia na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa pinaghalong galit at inis “Dalawang gabi kang hindi umuwi tapos lalampasan mo lang ako na para bang wala kang ginawa? Saan ka nanggaling? Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko. Hindi mo rin sinasabi sa akin ang mga plano mo. Ano bang nangyayari sayo?” sunod-sunod na tanong ni Natalia. Tila pagod namang naupo si Mateo saka niya blangkong tiningnan si Natalia na tila bulkan na puputok na sa galit.“Pagod ako Natalia. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras para magpahing

  • My Contract Marriage    Kabanata 73.2

    “Plan to buy this company,” tipid niyang sagot. Nagkatinginan na lang si Aries at Matthew. Napapailing na lang si Matthew. Hindi talaga nila magawang basahin ang kaibigan nilang si Tyrone.“Ibang klase ka talaga. Kaya pala parang wala kang pakialam plano mo palang bilhin ang kompanyang ‘to. Paano mo yun magagawa kung mas malaki ang kompanya ng lolo mo kesa sa kompanya natin?” kuryosong tanong ni Aries.“Pwede ko namang isa-isahin na bilhin ang shares ng mga board of directors. Czarina is one of the major shareholders too. Minsan kong nakita ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may hawak ng shareholders ng namatay niyang ina. I can buy that too.” Anas pa niya.“Is that the reason kung bakit mas pinili mong mahalin siya para makuha mo ang gusto mo sa kaniya?” seryosong tanong ni Matthew. “Do you really love her or you just love her because you need her?” dagdag pa ni Matthew. Sinamaan ni Tyrone ng tingin si Matthew.“I love my wife, you jerk. Of course, at first, I just need her be

  • My Contract Marriage    Kabanata 73.1

    Malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ba i-eexpose ang kasinungalingan ni Natalie. She needs a clear proof para mapatunayan na totoo ang sasabihin niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Itutuon niya na sana ang atensyon niya sa laptop niya nang may pumasok sa office niya.“Hi, how are you pretty lady?” nakangiting wika ni Hailey. Napangiti naman si Czarina nang makita niya na naman ang kaibigan niya.“Ginagawa mong kapitbahay ang iba’t ibang bansa ah? Kumusta ka?” anas niya saka niya nilapitan si Hailey at nakipagbeso.“Ito busy pa rin sa dami ng ginagawa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi man lang ako binigyan ng kapatid ng mga magulang ko. Akala ba nila nakakatuwa ang only child lang? Nakakaboring at nakakapagod. Wala man lang akong kasama para i-manage ang kompanya.” pagrereklamo niya saka sila naupo sa sofa. Bahagya na lang na natatawa si Czarina.“Depende rin siguro ang pagkakaroon ng kapatid. Binigyan

  • My Contract Marriage    Kabanata 72.2

    Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya hinila si Tyrone papunta sa veranda para dun mag-usap.“Pumasok na naman si Isabella sa kwarto ni Natalie.” anas niya.“Did she hurt my daughter?” kunot noong tanong ni Tyrone na ikinailing naman ni Czarina.“Nakuha ni Isabella ang isang fake pregnant belly sa kwarto ni Natalie. I think Natalie is faking her pregnancy para pakasalan siya ni Owen at maging parte ng pamilya niyo.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero hindi na siya nagugulat sa mga ginagawa ni Natalie. Mabuti na lamang pala at pumayag siya sa offer ni Czarina noon dahil kung hindi baka siya ang nababaliw ngayon dahil kay Natalie.“So, you’re thinking to expose her secret? Don’t do it now. Kung sasabihin mo kay Natalie ang nalaman mo pwede ka niyang baliktarin. Pwede niyang sabihin na binili mo lang ang fake pregnant belly or worst she will plan to kill you para manahimik ka. Let’s gather evidence against her first. Huwag kang kikilos ng mag-isa mo lang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status