Sino kaya nag doktora at paano niyang nakilala si Ashlyn?
Ashley“Buntis?” takang tanong niya.“Do you know her?” tanong ko. Kasi parang kilalang kilala niya ang kakambal ko. “She’s married so natural lang naman na mabuntis siya, right?” dagdag ko pa.“I see, I just couldn’t believe it. Maybe prayer did help her.”“What do you mean?” Na-curious na ako sa mga sinasabi niya at gusto ko pa siyang kausapin.“Anyway, may pasyente pa akong kailangan na puntahan.” Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Gusto ko siyang habulin at kausapin pa, bigla kasing parang kinabahan ako na ewan. Pakiramdam ko ay may malalaman akong importante kung magkakausap pa kami. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya ng tingin.Ako naman ay nagpatuloy na lang din sa paglalakad papunta sa Neurology Department. Mas importante na unahin ko ang sarili kong kalagayan sa ngayon kaysa ang iba.“Ms. Ruiz,” tawag ng nurse kaya naman lumapit ako sa kanya at iginiya ako papasok sa isang silid. Umabot ako sa palistahan at may cut off pala ng lunch time. Meron namang
MarcoPagka-uwi namin ni Ashlyn galing sa hospital ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Si Ashley ang gusto kong dalhin sa doktor para ma-check-up dahil sa sakit niya ngunit hindi iyon ang nangyari.Sobra ang naging pag-aalala ko ng malaman kong nilagnat siya. Halos magdamag ay magkasama kami at halos magpakasawa din ako sa pag-angkin sa kanya. Pero sa isang text lang ni Ashlyn ay nagawa ko siyang iwanan. I feel guilty, dahil alam kong nasasaktan din siya.Tapos merong Sandro na nagbibigay sa kanya ng atensyon na dapat ay sa akin nanggaling. May palagay akong alam ng lalaking iyon ang nangyayari sa amin ni Ashley at sigurado din akong sinusulsulan na niya ang mahal ko para makipaghiwalay sa akin.Ilang araw na kaming hindi nagkikita at dahil sa guilty ako ay hindi ko rin magawang tawagan siya. Ang gusto ko ay makausap siya ng personal kaya naman agad akong pumunta sa condo niya ng makakuha ako ng pagkakataon.Ngunit hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig niya
Ashlyn“Buwisit!!!” sigaw ko sabay bato ng aking cellphone.“Bwisit ka Marco!!” tili ko pa. Nasa aming silid ako at dahil late na ay gusto kong i-check kung nasaan siya at baka kasama na naman niya ang kambal ko. Pero ano ito? Sinigawan niya ako!Unang beses iyon na ginawa ni Marco na may kasamang bad words. Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Anong nangyari at mukhang mainit ang kanyang ulo? Nanggaling ba siya sa kakambal ko? Nagkausap ba sila? Nagselos na naman ba siya kay Sandro at sa akin niya ibinunton ang kanyang galit? Peste talaga ang kakambal ko na ‘yon. Kahit kailan ay tinik siya sa kaligayahan ko.Mamatay ka na, mamatay ka na Ashlyn! Kahit na pinagpalit ko na ang ating kalagayan ay ikaw pa rin, ikaw pa rin ang pinipili ni Marco! Lahat na ginawa ko para tuluyan ng maging akin ang asawa mo, pero talagang hindi mo ako pinatatahimik! Oo, ako ang tunay na Ashley at ang kakambal ko ang tunay na Ashlyn na siyang tunay na asawa ni Marco.Kinalma ko ang aking sarili bago ko kinuha ang aki
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
Author's Note: Reminder ko po, original names na po nila ang gamit sa POV dahil nagbalik na ang alaala ng tunay na Ashlyn na dating si Ashley.AshleyNakuhanan na ako ng dugo at lumabas na rin ang result. Hinihintay na lang namin ang doktora na tumingin sa akin. “Magiging okay lang ho kaya siya, dok?” tanong ni Marco habang hawak hawak ang aking kamay.“Kung gusto niyong makasiguro since malapit na rin ang due ni Mommy ay pwede niyo naman na po siyang ipa-admit. Kung dito po siya nagpapacheck at nandito ang doktor niya ay pwede po namin siyang i-inform about it,” sabi ng doktor.Tumingin ang doktora sa akin kaya naman bahagya akong ngumiwi para naman hindi niya mahalatang umaarte lang ako.“Siguro po ay mas maigi ng ma-admit siya para masiguro ang kaligtasan nila ni baby lalo at madalas sumakit ang tiyan ni mommy.”“Do what you think is necessary, doc.” Halatang halata ang concern sa tinig ni Marco kaya naman puspos ako ng kaligayahan ng mga oras na ‘yon. “Okay po,” tugon ng doktor b
AshleyNgayon na talagang handa na si Marco para magsimula ulit ng aming masayang pamilya ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-isip kung ano na ang nangyari kay Ashlyn. Matagal ko na siyang hindi nakikita, at kahit na noong nanganak ako ay hindi niya ako dinalaw.Gusto kong malaman kung talagang wala ng balak na manggulo ng babaeng ‘yon kaya kailangan ko ring malaman kung nasaan siya. Hindi ako maka tiempo na umalis para puntahan siya sa condo at kung sakali naman na yayain ko si Marco ay baka hindi ito pumayag.Napatingin ako sa aming anak na ngayon ay nakahiga sa sofa sa aking tabi. Mas maganda sana kung naging kambal din ang anak namin, sigurado akong lalo silang mamahalin ni Marco.“Ma’am, may sulat po.” Nilapag ng katulong sa center table ang isang sobra. Kinuha ko iyon at tinignan kung kanino galing ngunit walang nakasulat kaya binuksan ko na.May papel sa loob, kinuha ko iyon at binasa.“I know who you are.” Nanginig ang aking mga kamay kasabay ang panlalaki ng aking mga mata.
AhleyNakapamili na kami ng wedding gown ni Ashlyn at sa buong panahon na yon ay naging parang ang tahimik na ni Mommy. Tanging si Dad na lang ang siyang nakikipag-usap at nagsa-suggest ng mga bagay bagay.Nakaramdam ako ng kaba ngunit inisang tabi ko lang iyon. Sa aming dalawa ni Ashlyn ay mas madalas na ako ang paboran ng aming ina kung magkataon na sabay kaming may kailangan.“Mi, ano sa palagay niyo ang bagay na motif?” tanong ko.“Ha?” natitigilan niyang tugon.“Mi, may problema po ba kayo?” tanong ni Ashlyn. “Parang wala ho kayo sa inyong sarili eh.”“Naku hindi naman, para kasing hindi pa ako makapaniwala na mag-aasawa ka na. Parang kailan lang ay—”“Ano ba yan, Mi…” sabi ko sabay ngiti. Tinignan ko siyang mabuti at nagtagpo ang aming mga mata. Ramdam ko, may gumugulo sa kanya.Inakbayan siya ni Dad kaya sumandig siya sa kanyang dibdib na madalas niyang gawin sa tuwing pakiramdam niya ay nanghihina siya. And that made me even sure na may mali.“Ilang gabi na kasing umiiyak niton
AshleyI’m overwhelmed. Hindi ko akalain na magbabago talaga ang desisyon ni Marco pagkatapos naming magkaanak. Sinasabi ko na nga ba at ang bata lang ang solusyon. Hindi ako nagkamali sa aking desisyon.Kung hindi ako nabuntis, siguradong hiwalay na kami ngayon ni Marco. No. Hindi ako makakapayag na masira lang lahat ng pinag planuhan ko para mapunta ako ngayon sa kalagayan ko.*** Flashback ***I was looking at Ashlyn. She looks so happy and I was smiling pero sa loob-loob ko ay kung ilang ulit ko na siyang pinatay.I hate her! I hate the fact that we’re siblings paano pa kaya ang katotohanang kakambal ko siya.We have the same face but people treat us differently. Bata pa lang kami ay siya na ang maganda, mabait, matulungin, mapagbigay etc.!!!Sa tingin ko ay plastic siya at nagpapanggap lamang sa harap ng mga tao. But I am not like those people na napapaikot at nabibilog niya, lalo na ang aming mga magulang. I hate them as well.Ikakasal na siya kay Marco Montecillo. Kilalang busin
MarcoSa paglipas ng araw at linggo ay sinubukan kong mahalin ulit si Ashlyn, ngunit kahit na anong gawin ko ay laging si Ashley ang naiisip ko. Bakit ganon? Bakit ang bilis na naglaho ng pagmamahal ko sa aking asawa na alam ko naman na mahal na mahal ko noon pa man kaysa sa nararamdaman ko para kay Ashley ngayon?Hindi ba dapat, dahil hindi na kami nagkikita ay tuluyan na ring mawala sa sistema ko si Ashley? Wala akong ibang nais mangyari ngayon kung hindi ang tuluyan ng maayos ang aking pamilya pati na ang kaligayahan ni Ashley. Gusto ko na pare-pareho na kaming matahimik.Mahirap man ay sisikapin kong tuluyan ng maayos at maibalik sa dati ang pagtitinginan namin ni Ashlyn.Araw ng Sabado. Kahit may pasok sa office ay hindi ako umalis. Gusto kong makasama ang asawa at anak ko. Kagaya noong nagsisimula pa lang kami ni Ashlyn. Inilalaan ko ang araw na ito para sa bonding time namin.“Oh, hindi ka papasok?” gulat na tanong ng asawa ko ng makita ako. Hindi kasi ako nakabihis ng pang-opis
MarcoMasakit para sa akin na tuluyang iwan si Ashley. Mahal na mahal ko siya. Pero anong magagawa ko? Hindi lang ang asawa ko ang iiwan ko kung sakali, pati na rin ang aming anak.Dapat ay noon ko pa ito ginawa. Di sana ay hindi ko na siya nabuntis pa. Hindi ko maaatim na iwan ang anak ko dahil sa kasalanan ko.“Hey, where have you been?” tanong ng aking asawa ng dumating ako sa bahay. Tatlong araw na ng makauwi siya mula sa hospital at ngayon ay kasama niya sa aming silid ang aming anak.“Work, may kinailangan lang akong tapusin.” Hindi ko alam kung wala man lang ba siyang nahalata pero ngiti ang itinugon niya sa akin bago tumayo sa kama. Sa itsura niya ay mukhang kanina pa siya gising.“Kaya pala mukhang pagod na pagod ka. Gusto mo bang kumain muna bago ka magpahinga?” malambing niyang tanong habang hinahaplos ang aking pisngi. Nakaligo na ako sa condo ni Ashley kaya siguradong naaamoy niya ako.“Nakaligo ka na,” sabi niya.“Oo, gusto ko kasi ay matutulog na lang pagdating.”“O sig
AshlynUmaga, ng magising ako ay mag-isa nalang akong nakahiga sa aking kama. Napabuntong hininga at walang ganang bumangon. Desisyon ko naman ito kaya kailangan kong panindigan. Alam ko na ako ang tunay na asawa, pero hindi ko kaya na magsama kami nna alam ko rin na kailanman ay hindi ko maibibigay sa kanya ang matagal na niyang pinapangarap. Anak.Kahit man lang sana isa ay pwede, ngunit hindi. Kung ipipilit ko ang karapatan ko ay habang buhay akong kakainin ng guilt. Ayun na si Ashley, kayang kaya niyang bigyan ng buong pamilya si Marco. Sa palagay ko ay okay na ‘yon.Naglakad ako papunta sa parador at kumuha ng malaking t-shirt at isinuot bago ako lumabas ng aking silid. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng sinangag kaya ang akala ko dumating si Sandro dahil ganon naman siya kapag maagang nagpupunta sa unit ko.“San–” natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang lalaking naglalagay ng bowl na may lamang fried rice sa lamesa.“Are you expecting someone else this morning?” tanong ni Ma
Note: Again, uulitin ko po. Ang POV ng kambal ay ang original na katauhan na po nila. Salamat. Mature ContentAshlynMinsan pa, gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng asawa ko sa huling pagkakataon. May mabaon lamang akong alaala sa paglayo ko.Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya. Ilang saglit akong nanatiling nakatayo lang sa harapan niya habang nakatingala siya sa akin at magkahinang ang aming mga mata.Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hindi ko na pinigilan ang aking sarili. Yumukod ako para siniil siya ng halik.Noong una ay natigilan pa siya na parang nag-iisip kung tutugunin ba niya o hindi. Balak ko na sanang sumuko at lumayo ngunit hinapit na niya ako sa aking bewang dahilan upang mapakandong ako sa kanya kasunod ang pagtugon niya sa aking halik.Maalab at talagang nakakapaso ang naging palitan namin ng halik. Sa bawat pagsipsip niya sa aking labi ay katumbas din ng pagsipsip ko ng sa kanya. Kung anumang gawin niya ay ginagawa ko rin.Umupo ako ng pakandong pah
AshlynIsang linggo pa ang lumipas matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Sandro. Kahit hindi siya makapaniwala na hindi ako ang tunay na Ashley ay unti unti na rin niyang tinanggap iyon ng maluwag sa kanyang kalooban.Nanatili pa rin ako sa condo at patuloy lang din sa pagsusulat. Nabuksan ko na rin ang isang writer account ko matapos kong sikaping marecover ang aking email account dahil hindi ko pa rin matandaan ang password ko. Password. Dahil doon ay mas nakumpirma ko nang matagal ng alam ng kambal ko ang lahat lalo at alam niya ang password dito sa condo na siya ang tunay na may-ari.Patuloy ako sa pagsulat dahil ito ang talagang alam kong trabaho ko na lingid sa kaalaman nila Marco, Ashley at ng mga magulang ko noon. Hindi naman sa mapaglihim ako, sadya lang hindi ako mahilig magkwennto at isa pa, nahihiya akong ipaalam sa kanila iyon dahil hindi naman ako talaga confident sa ginagawa ko.Naalala ko na dahil sa hiya kong sabihin sa kanila ang tungkol dito ay sinabi ko na lang na
Note: Ang POV po ng kambal ay ang mga original na po, remind ko lang para po hindi kayo malito. Salamat.AshlynGusto ko mang puntahan sa hospital si Ashley para kamustahin ay hindi ko na ginawa. Sa paglipas kasi ng mga araw ay lalo ko lang naiisip na may alam siya sa lahat na hindi ko naman din matanggap dahil sa tiwala at pagmamahal ko sa kanya.“Ash, okay ka lang ba?” Tumingin ako kay Sandro at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko sure kong nakakahalata na siya na marami na akong naaalala, hindi naman din kasi siya nagtatanong. “Oo naman, bakit naman magiging hindi?” tanong ko na sinamahan ko pa ng bahagyang ngiti.Lately ay lalong naging madalas ang pagtambay niya dito sa unit ko. Ang sabi niya ay wala namang masyadong ginagawa sa office niya.“Napapansin ko lang na masyado kang tahimik. Baka kako kung ano na ang naiisip mo dahil sa unti unting pagbalik ng alaala mo.”“Bakit mo naman nasabi yan? Mahal ko ang sarili ko at kahit papaano ay may takot naman ako sa Diyos kaya h